Ang banghay-aralin ay isang plano ng guro na naglalaman ng takbo ng talakayan sa mga leksyon. Mahalaga ito bilang gabay na nagbibigay ng kumpyansa at organisasyon sa guro, at may mga bahagi tulad ng layunin, paksang aralin, pamamaraan, ebalwasyon, at takdang aralin. Ang mga layunin ay nakatuon sa tatlong aspeto: kognitibo, apektibo, at saykomotor upang matukoy ang inaasahang pagkatuto ng mga mag-aaral.