2. LAYUNIN NG PAKSA
• MATUKOY ANG KAHULUGAN NG REPLEKTIBONG SANAYSAY;
• MAISA-ISA ANG MGA KATANGIAN NG PAGSULAT NG
REPLEKTIBONG SANAYSAY.
• MAKAPAGSAGAWA NG PAGSUSURI SA PELIKULA SA
PAMAMAGITAN NG REPLEKTIBONG SANAYSAY NA MAY
KAUGNAYAN SA PELIKULANG NAPANOOD.
3. ANO NGA BA ANG REPLEKTIBONG
SANAYSAY?
• Ang replektibong sanaysay, o Reflective Essay sa
Ingles, ay isang uri ng sanaysay na patungkol sa
mga isyu, opinyon, karanasan, o pangyayaring
naisusulat ng may-akda nang komprehensibo kahit
na hindi masyadong pinag-aralan ang isang paksa o
isyu.
4. Ang replektibong sanaysay ay opinyonado at
nagbibigay ng kalayaan sa may-akda na isulat
ang kanilang opinyon at mga punto tungkol sa
isang isyu na nanggagaling karansang personal
nilang nakita o natamasa.
5. ang replektibong sanaysay ay nagbabahagi ng
personal na opinyon sa isang personal na
karanasan ay hindi ito maihahantulad sa isang
talambuhay sapagkat iba ang punto’t pakay nito.
Habang ang talambuhay ay nagnanais na
magbahagi ng impormasyon tungkol sa personal
na buhay ng may-akda.
6. Ang Replektibong sanaysay ay naglalayon
na suriin, ipaliwanag, o katwiranin ang isang
isyu base sa prinsipyong kanilang
sinusunod.
7. Ninanais ng isang replektibong sanaysay na
mabigyan ng importansiya ang iniisip ng may-akda
sa isang isyu: kung tama ba ito o mali. Kadalasan
ay nakadepende ito sa pamumuhay ng tao at
ng lipunan. Ligtas isipin ang replektibong sanaysay
ay ang proseso ng pagsusuri ng isang
subhektibong paksa sa pinakamainam at
obhektibong daan.
8. May mga konsiderasyon sa pagsusulat ng
isang replektibong sanaysay. Ito ay ang:
• 1) Dapat ay nailalahad ang personal na interpretasyon.
• 2) Isiping maigi ang mga datos na nakuha—kung ito bay may kredibilidad.
• 3) Siguraduhin na nakakukuha ng pansin ang unang bahagi ng sanaysay.
• 4) Sinasaklaw ng konklusyon ang lahat ng puntong natalakay sa sanaysay.
• 5) Hindi paligoy ligoy at naihandog ang mga punto sa pinakamadali at
pinakamainam na paraan upang mas maintindihan ng mambabasa.
• 6) Ang kabuuan ng sanaysay ay naglalaman ng iba’t ibang aspeto ng natamasang
karanasan.