2. TALASALITAAN
• Lumanghap – umaamoy
• Nagpaunlak sa paanyaya – tinanggap ang
imbitasyon
• Pananamlay – panghihina
• Pusikit – maliit na liwanag
• Tulisan – bandido
3. •Ngayon na ang araw ng pagdating nina
Maria Clara at Tiya Isabel sa San Diego
upang mamalagi doon para sa pista ng
bayan.
4. • Ang balitang pagdating ni Maria Clara ay agad na
kumalat dahil kinagigiliwan siya ng lahat ng mga
tao doon. Kumalat din diumano ang madalas na
pagkikita nila ni Ibarra na ikinagalit naman ni Padre
Salvi. Napapansin pala ng dalaga ang pagbabago
ng kilos at mga titig nito tuwing siya ay kaharap.
5. •Samantala, plano nina Maria Clara at Ibarra
na mag-piknik kasama ang kanilang mga
kaibigan sa ilog. Iminungkahi ng dalaga na
huwag isama si Padre Salvi dahil nababahala
siya kapag ito ay nasa paligid.
6. •Hindi naman ito sinang-ayunan ni Ibarra
dahil hindi raw ito magandang tingnan. Bigla
naming dumating ang pari habang nag-
uusap ang dalawa kaya nagpaalam na ang
dalaga upang mamahinga.
7. •Pagdaka’y inimbitahan ni Ibarra si Padre Salvi
sa piknik na kanilang pinagpa-planuhan at
kaagad naman itong sinang-ayunan ng pari.
Umuwi na rin si Ibarra makalipas ang ilang
oras.
8. •Sa daan habang naglalakad pauwi ay may
nakasalubong si Ibarra na isang lalaki na
humihingi ng tulong. Agad naman itong
tinulungan ng binata.