SlideShare a Scribd company logo
1 of 59
FILIPINO 9
IKAAPAT NA MARKAHAN
NOLI ME
TANGERE
•Buod ng Noli
Me Tangere
NOLI ME
TANGERE
BUOD
Kabanata 1
Hanggang
Kabanata 15
• Isang malaking pagtitipon ang naganap sa bahay ni Kapitan Tiyago sa mga huling araw ng
Oktubre. Lahat halos ng kaniyang kakilala ay kaniyang inmbitahan kasama sina Padre damaso,
Padre Sibyla, Tenyente ng Guwardiya Sibil, Donya Victorina at iba pa.
• Dumating si Kapitan Tiyago kasama si Crisostomo Ibarra. Nagulat sina Padre damaso at Padre
Sibyla nang makita ang binata. Ipinakilala ni kapitan Tiyago si Crisostomo Ibarra sa mga
panauhin at nagbibigay galang din siya sa kanila. Binati niya ang mga kadalagahan at
kalalakihan.Inanyayahan siya ni Kapitan Tinong na maghapunan sa kanila ngunit nagtaggi si
Ibarra dahil pupunta pa siya sa san Diego kinabukasan.
• Nagtungo sa hapag kainan ang mga panauhin. Galit na sinisikaran ni Padre Damaso ang mga
upuang nakaharang sa kaniya. Si Donya Victorina ay nagalit sa Tenyente dahil naapakan nito
ang buntot ng kaniyang bestido. Lalong nagalit si Padre Damaso nang mapunta sa kaniya ang
leeg at makunat na pakpak ng manok. Lalong humanga ang mga besita nang malaman nila na
nalibot ni Ibarra ang buong Europa at makapagsalita ng iba’t ibang wika. Nayamot si Padre
Damaso at kinutya si Ibarra. Sa halip na magalit maayos parin ang tugon ni Ibarra sa pare at
magalang na nagpaalam sa mga naroroon.
NOLI ME TANGERE
• Pagkaalis ni Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiyago, nilapatitan siya ni Tinyente Guevarra.
• Nalaman ni Ibarra mula kay Tenyente Guevarra ang tungkol sa pagkamatay ng kaniyang ama. Ayon sa
Tenyente hinuli at kinulong ang kaniyang ama dahil sa pagkamatay ng artilyerong Kastila nang tumama
ang ulo nito sa bato dahil sa pagtanggol ng kaniyang ama sa batang lalaking pinukol niya ng baston sa
ulo. Huli na ang lahat nang mapatunayang walang kasalanan ang kaniyang ama.
• Dumating si Ibarra sa kaniyang tinutulugan sa Fonda de Lala na gulo ang isip. Hindi mawala sa kaniyang
isipan ang nangyari sa kaniyang ama. Hindi niya nakita ang kasiyahan ng mga kababaihan sa kabilang
ibayo ng ilog na kung gamitan ng largabista kitang-kita niya ang kahanga-hangang kasiyahan na ang
pinakatampok ay si Maria Clara.
• Nang dumating si Maria Clara sa bahay ng kanyang ama ay kitang-kita ang pagkahanga ng lahat sa
kagandahan niya. At tuwang-tuwa ang ama niya na si Kapitan Tiyago dito. Si Kapitan Tiyago ay isa sa
mga pinakamayaman sa Binondo. Siya ay anak ng isang may tubuhan sa Malabon at dahil ang ama niya
ay napakaramot hindi siya pinaaral. Naging katulong siya ng isang paring dominiko at nakapag-asawa
kay Pia Alba. Anim na taon na hindi sila nagkaanak at nagpanata si Donya Pia sa Ubando sa parokya ni
Padre Damaso. Siya ay naglihi at namatay nang ipinanganak si Maria Clara. Naging amain ni Maria Clara
si Padre Damaso. Lumaki siya sa pangangalaga ni Tiya Isabel.
NOLI ME TANGERE
• Kinabukasan, nagpunta si Crisostomo Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiyago. Hindi malaman ni
Maria Clara kung ano ang kaniyang gagawin nang makita si Crisostomo Ibarra. Nag-usap sila sa
Azotea at doon nila sinariwa ang kanilang nakaraan. Hindi nagtagal, nagpaalam si Crisostomo
Ibarra dahil pupunta pa siya sa San Diego para dalawin ang libing ng kaniyang mga magulang
dahil kinabukasan ay araw ng mga patay.
• Sakay ng kaniyang sasakyan, nakikita ni Ibarra na walang pagbabagong nangyari sa kaniyang
dinadaanan. Ganoon pa rin ang kalagayan ng Maynila. Nalulungkot siyang isipin na ang mga
lugar na kaniyang napuntahan sa Europa ay mabilis ang pag-unlad samantala ang kaniyang
sariling bayan ay nangarap na uunlad ngunit bigo pa rin hanggang ngayon. Sa gitna ng
maraming sasakyan nakita niya si Padre Damaso na sakay sa kaniyang magarang na Victoria.
• Nadatnan ni Padre Damaso sina Maria Clara at Tiya Isabel pasakay sa isang karwahe upang
kunin ang mga natirang gamit ni Maria Clara sa beateryo. Tumuloy siya sa bahay at kinausap si
Kapitan Tiyago. Samantala si Padre Sibyla matapos makapagmisa nang maaga nagtungo sa
kumbento ng kanilang korporasyon at kinuwento sa matandang paring maysakit ang tungkol
sa pagdating ni Ibarra at ang pagpapakasal nito kay Maria Clara. Sa kabilang dako, patuloy ang
pagsasalitaan ni Padre Damaso at Kapitan Tiyago. Sinabihan niya si Kapitan Tiyago na huwag
magpadalos-dalos sa pagdesisyon lalong- lalo na kung may kaugnayan kay Maria Clara.
NOLI ME TANGERE
• Ang bayan ng san Diego ay nasa pagitan ng mga palayan malapit na malapit sa lawa.Masagana ang
ani sa iba’t ibang uri ng pananim na ibinibinta sa labas ng bansa. Mula sa taluktok ng kampanaryo
makikita ang mahabang ilog na tila ahas at isang gubat na napapagitan sa mga linang na lupa. Ito ay
kinatitirikan pa lamang ng ilang mga dampa. Isang araw, may dumating na isang matandang Kastila
na magaling magsalita ng Tagalog. Nagtanong siya kung sino ang nagmamay-ari ng lugar na iyon at
marami ang umangkin. Sila ay binayaran niya ng mga damit, salapi at mga alahas. Biglang nawala
ang matanda at nakita ng isang pastol ang kanyang katawan na nakabitin sa puno ng balete.
Nagkaroon ng sabi-sabi na siya ay naengkanto kaya natakot ang mga tao at kanilang itinapon sa ilog
at sinunog ang kaniyang mga ibinigay. Pagkalipas ng ilang buwan ng, dumating ang isang mestisong
Kastila at nagpakilala na anak siya ng namatay. Doon siya namuhay at nakapag-asawa ng taga-
Maynila. Sila ang mga magulang ni Don Rafael Ibarra na ama ni Crisostomo Ibarra.
• Sino-sino ang makapangyarihan sa san Diego? Hindi pwedeng si Don Rafael Ibarra, ang
pinakamayaman at mabuting tao sa kapwa. Hindi naman pwedeng si Kapitan Tiyago o ang Alkalde.
Ang mga makapangyarihan ay sina Padre Salvi at ang Alferes. Si Padre Salvi ay humalili kay Padre
Damaso sa San Diego. Palagi niyang pinasasara ang pintuan ng simbahan tuwing siya’y sesermon
lalong-lalo na kung nadoon ang alferes. Siya ang tanging kalaban ng kura at asawa niya si Donya
Consolacion. Upang makaganti ang alferes sa kura, ang katulong nito ay pinalilinis niya ng kuwartel
at pinalalampaso sa kaniyang bahay.
NOLI ME TANGERE
Pero sa tuwing magkikita ang alferes at ang kura magkakamay sila at mag-usap na parang tunay na
magkaibigan. Magkaibigang putik sa tunay na buhay.
• Araw na ng mga patay, lahat ay abala sa paghahanda para pumunta sa libingan. Maraming tao ang
libingan ng San Diego na dumadalaw sa libing ng kanilang mahal sa buhay. Sa di kalayuan makikita
ang dalawang mamang pawisang naghuhukay ng libing. Nandidiri ang isa dahil sariwa pa ang
kanilang hinuhukay. Ikinuwento sa kanya ng kaniyang kasama na sobra pa ang kaniyang naranasan
noon. Inutusan siya ng kurang malaki na hukayin ang kalilibing pa lamang na bangkay at ilipat sa
libingan ng mga Intsik. Dahil gabi at umuulan pa itinapon niya ito sa lawa.
• Kasama ng matandang katulong, dinalaw ni Ibarra ang libing ng kaniyang ama pero hindi nila nakita.
Nagtanong sila sa dalawang tagapaglibing at sinabi na hinukay at ipinalipat sa kaniya libingan ng
mga Intsik, sa halip itinapon niya sa lawa dahil gabi at umuulan pa noon. Nagalit at niyogyog siya ni
Ibarra. Nagmakaawa siya at sinabi na inutusan lamang siya ng kurang malaki. Galit na lumabas sa
sementeryo si Ibarra. Nasalubong niya si Padre Salvi at sa sobrang galit diniinan niya ito sa leeg at
napaluhod ang kura. Takot na sinabi ng kura na ang may kagagawan ay si Padre Damaso. Binitiwan
siya ni Ibarra at tinulungan siya ng matandang utusan na makatayo.
• Ang lahat ng pangyayaring iyon ay nasaksihan ni Pilosopo Tasyo. Marahan siyang umiling at
nagwikang “Masamang pangitain”. Si Tasyo ay dating estudyante sa Pilosopiya.
NOLI ME TANGERE
• Pinahinto siya ng kaniyang ina dahil natakot itong makalimutan ni Tasyo ang Diyos.
Magkasunod na namatay ang kaniyang asawa at ina kaya tumutok na lamang siya sa
pagbabasa ng mga aklat. Mga makahuluganang kanyang mga sinasabi na hindi
naunawaan ng iba kaya tinawag siya na Pilosopo Tasyo at ang iba nama’y baliw.
Dinaanan niya ang dalawang magkapatid na si Crispin at Basilio. Sinabihan niya na
hinihintay sila ng kanilang ina at pinaghanda sa araw ng mga patay.
• Nasa ikalawang palapag ng kampanaryo ang dalawang magkapatid na sakristan. Hindi
pinayagan ng sakristang mayor si Crispin na makauwi dahil pinagbintangan niya na
kumuha ng kuwalta. Kinaladkad niya ang bata pababa ng hagdan at mapakinggan ang
iyak ng bata na humihingi ng tulong sa kapatid. Tumakas si Basilio at sa kalagitnaan ng
dilim marinig ang dalawang putok ng baril.
NOLI ME TANGERE
NOLI ME
TANGERE
BUOD
Kabanata 16
Hanggang
Kabanata 30
• Si Sisa ang ina ni Basilio at Crispin. Ang asawa niya ay si Pedro na labis ang kasamaan at pagkagahaman. May
bisyo si Pedro gaya ng pag-inom ng alak at sabong. Bibihira lamang kung umuwi ng bahay si Pedro at
kadalasan pang sinasaktan ang asawa kung hindi nakapagbibigay ng perang pambisyo.
• Ganoon na lamang ang pagkabigla ni Sisa matapos na tumambad sa kaniyang harapan si Basilio na duguan
ang kaniyang noo at bakas ang matinding takot sa mukha nito.
• Kinuha ng sakristan mayor si Crispin sa bintang na pagnanakaw nito.
• Nang sumunod na araw, nagtipon-tipon ang mga manong at manang sa simbahan upang pag-usapan ang
indulgencia plenarya na siyang mahahango sa purgatoryo ang mga kaluluwang nagdurusa. Hindi namalayan
ng mga nag-uusap ang pagdating ni Sisa na may dalang isang bayong ng gulay, prutas at isda para sa kura
paroko. Tumambad sa kaniyang paningin ang kusinero at sakristan ngunit hindi sila nito pinansin. Hindi
makapaniwala si Sisa sa mga binabanggit nila.
• Sa kabilang dako, nag-uusap sina Crisostomo Ibarra at ang guro ng San Diego na sa lawang ito itinapon ang
bangkay ng kaniyang ama na si Don Rafael Ibarra. Nais nitong ipagpatuloy ang nasimulan ng kaniyang ama sa
pagtulong sa pag-aaral ng mga bata. Dito inisa-isa ang mga suliranin ng guro katulad na lamang ng nawawalan
ng interes sa pag- aaral dahil kulang sa panghihikayat mula sa kanilang mga magulang at kung mayroon ma’y
nagiging sagabal naman sa kanila ang kahirapan. Isa pa’y kailangang iwasto at maisaayos ang pagtuturo.
Nakasanayan ng mga bata ang magsaulo sa halip na unawaing mabuti ang pinag-aralan.
NOLI ME TANGERE
• Matapos ang pag-uusap sa lawa, dumalo si Crisosotomo Ibarra kasama ang guro sa isang
pulong ng tribunal. Dumalo ang dalawang partido ng bayan na magkakasalungat ng
opinyon at isinusulong. Ang Partido Consertivado na binubuo ng mga matatanda at Partido
Liberal na kinabibilangan naman ng mga kabataan. Ang mga paksa ng pagpupulong na iyon
ay tungkol sa gaganaping kapisatahan at ang pagtatayo ng paaralan para sa bayan. Sa dami
ng kanilang pinagtalunan para sa kapistahan, ang desisyon pa rin ng simbahan ang nanaig o
masusunod para sa kapistahan.
• Matapos pumunta sa simbahan, gulong-gulo na umuwi si Sisa sapagkat hindi niya alam
kung ligtas ba ang kaniyang mga anak. Nagpang-abot sila ng gwardiya sibil sa daan, pilit
siyang pinapaamin na ilabas ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang mga anak. Dahil sa
wala siyang maipakita ay kinaladkad siya ng mga ito papuntang kwartel. Hiyang- hiya si Sisa
na pinagtitinginan ng mga tao. Tanghali na ng pakawalan siya ng alperes at pagkauwi niya
sa kanilang bahay ay tumambad ang isang pilas ng damit ni Basilio na nakasabit sa
dingding. Labis ang kaniyang naging pag-aalala kaya siya ay tumakbo papuntang bayan at
nagsisigaw sa paghahanap ng kaniyang mga anak.
NOLI ME TANGERE
• Tatlong araw ang naging paghahanda ng mga mamamayan ng San Diego para
sa darating na kapistahan. Napag-usapan si Padre Salvi na kataka-takang nag-
iba ang pag- uugali simula nang dumating ng San Diego si Maria Clara. Plano
ng magkatipan na magkaroon ng piknik sa ilog kasama ang kanilang mga
kaibigan. Iminungkahi ni Maria Clara na huwag nang imbitahin si Padre Salvi
ngunit hindi ito sinang-ayunan ni Crisostomo Ibarra.
• Sumakay sa dalawang bangka habang nangingisda ang mga kababaihan at
kalalakihan. Ngunit nang magkaroon ng butas ang bangka ng mga binata ay
napalipat sila sa sinasakyan ng mga dalaga. Wala silang mahuli na mga isda
dahil mayroong mga buwaya kaya’t nilundag ng piloto ng bangka na si Elias.
Naglaban ang dalawa sa ilog na agad din
NOLI ME TANGERE
• Nagkubli si Padre Salvi sa isang puno at doon niya nakita ang mga kababaihang
nagtatampisaw sa batis. Nanilip siya at nakinig sa mga nag-uusap ngunit pinigil niya ang
kaniyang sarili. Dumating si Sisa na nais sanang pakainin ni Ibarra ngunit umalis din
kayat apag-usapan ang pagkawala ng kaniyang mga anak. Dumating ang mga gwardya
sibil at sarhento upang hanapin si Elias sapagkat ito di umano ang nanakit kay Padre
Damaso.
• Nang sumunod na araw, pumunta si Ibarra sa bahay ni Pilosopo Tasyo upang humingi ng
payo tungkol sa paaralan na nais niyang pasimulan. Sinalungat naman ito ng Pilosopo at
iminungkahing sa mga kinikilalang tao sa lipunan tulad ng kura dapat isangguni ni Ibarra
ang kanyang mga binabalak.
• Ika-10 ng Nobyembre at bisperas ng kapisatahan sa San Diego. Handa na ang lahat sa
bisperas pa lamang mula sa mga palamuti, dekorasyon, paputok, pagkain, musika at
mga programa. Samantala, tinatapos na ang bahay- paaralan na pinapagawa ni Ibarra
malapit sa kanyang tahanan sa pamamatnubay ni Nol Juan. Dahil dito ay marami ang
humanga sa kaniya ngunit marami din ang naging palihim niyang kaaway.
NOLI ME TANGERE
• Samantala, tinatapos na ang bahay- paaralan na pinapagawa ni Ibarra malapit sa kanyang tahanan sa
pamamatnubay ni Nol Juan. Dahil dito ay marami ang humanga sa kaniya ngunit marami din ang naging
palihim niyang kaaway.
• Malaking handaan ang nakatakdang maganap sa bahay ni Kapitan Tiago at higit na marangya kaysa sa
bahay
• Ang ibang mayayaman sa San Diego. Isang relikaryong ginto (locket) ang pasalubong ng ama kay Maria
Clara. Namasyal sila at sa isang sulok ng daan ay may isang ketongin na tumawag ng pansin ni Maria Clara
kaya’t inilimos nito ang locket na kabibigay pa lamang ng kaniyang ama.
• Napalathala sa isang sikat na dyaryo sa Maynila ang karangyaan at pagdiriwang ng kapistahan sa loob ng
tatlong araw. Sinulatan ni Maria Clara si Ibarra dahil ilang araw na niya itong hindi nakikita. Hiniling din
niyang siya ay dalawin ng binata at imbitahin siya nito sa pagpapasinaya ng bahay-paaralan na kaniyang
ipinatayo.
• Ikatlo at ang huling araw ng kapistahan sa bayan ng San Diego. Handa na ang lahat para salubungin ang
kapistahan. Sinimulan ang mahabang prusisyon ng iba’t ibang santo. Makikita ang pagkakaiba ng antas o
diskriminasyon sa lipunan.
• Siksikan ang mga tao sa loob ng simbahan hanggang sa labasan. Ang misa ay bayad para sa kabanalan ng
lahat sa halagang dalawang daan at limampung piso. Mas mabuti na ang magbayad ng mahal sa misa na
makapagdadala ng kaluluwa sa langit kaysa sa impyerno kung komedya.
NOLI ME TANGERE
NOLI ME
TANGERE
BUOD
Kabanata 31
Hanggang
Kabanata 45
• Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa wikang Kastila at Tagalog.
Natanto naman ni Padre Manuel na ang pambungad na pananalita ni Padre Damaso ay
higit na mahusay kaysa sa kaniyang binigkas na sermon kahapon. Sinabi ni Padre
Damaso na kanyang binitiwan ang mga pananalita ng Diyos upang maging kapaki-
pakinabang na tulad ng isang binhing umuusbong at lumalaki sa lupain ng banal na si
• Francisco. Ang mga bahaging ito ng sermon ay ipinahayag ni Padre Damaso sa wikang
Kastila, kaya hindi maintindihan ng mga Indiyo. Lumilihis na si Padre Damaso
• sa sermon niya sapagkat puro na ito panunumbat, sumpa, at pagtutungayaw. Pati si
Ibarra ay nabalisa lalo na nang banggitin ng prayle ang tungkol sa makasalanang hindi
nangungumpisal na namamatay sa bilangguan na walang
• sakramento sa simbahan. Alam ni Ibarra na siya ang pinaparinggan ng prayle pero
nagsawalang-kibo na lamang siya. Habang isinasagawa ang misa, isang lalaki ang
lumapit kay Ibarra at nagbabala tungkol sa gagawing pagdiriwang sa paaralan. Nakilala
ni Ibarra si Elias na kaagad namang umalis.
NOLI ME TANGERE
• Nang sumunod na araw ay ipinakita ng taong dilaw kay Nol Juan ang paggamit ng panghugos bago
ganapin ang pagpapasinaya sa paaralan ni Ibarra. Ipinagmalaki ng taong dilaw na ang ganitong
paraan ay natutunan niya mismo sa nuno ni Ibarra na si Don Saturnino.
• Hinangaan ito ni Nol Juan at pinuri ng mga tao sa paligid. Sinimulan na ni Padre Salvi ang seremonya
at nagsibabaan ang lahat ng importanteng tao upang sumaksi. Isa sa mga taong naroon sa okasyon
ay si Elias na hindi winawala ang tingin sa taong dilaw. Eksaktong pagbaba ini Ibarra ay humulagpos
ang lubid mula sa kalo at kasabay nito ay ang pagkagiba ng balangkas. Napuno ng alikabok ang
paligid at nang mawala ito, ang taong dilaw ang namatay, hindi si Ibarra.
• Magkakaharap na nanananghalian ang mga kilala at mayayamang tao sa bayan ng San Diego. Nasa
magkabilang dulo ng hapag si Ibarra at ang alkalde mayor. Katabi naman ni Ibarra sa gawing kanan si
Maria Clara. Nagtaka ang karamihan sapagkat hindi pa dumarating si Padre Damaso. Patapos na ang
tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat ay bumati sa kaniya, maliban kay Ibarra.
Sinimulan nang ihanda ang serbesa at sinimulan na rin ng prayle ang patutsada kay Ibarra. Lalong
uminit ang usapan subalit hindi pa rin kumikibo si Ibarra at nagtitimpi lang. Ngunit, nang ungkatin ni
Padre Damaso ang nangyari sa ama ni Ibarra ay hindi na nakapagpigil pa ang binata. Dinaluhong ni
Ibarra ang prayle at tangkang sasaksakin nang pigilan ito ng katipang si Maria Clara. Gulo ang isip ni
Ibarra at piniling umalis na lamang.
NOLI ME TANGERE
• Mabilis na kumalat sa buong bayan ng San Diego ang nangyari sa pananghalian.
• Karamihan ay pinanigan si Padre Damaso dahil kung nagtimpi lamang daw si Ibarra ay hindi ganoon ang
mangyayari. Walang pasabing dumating sa bahay ni Kapitan Tiyago ang Kapitan-Heneral kaya naging abala
ang lahat sa paghahanda. Si Maria Clara ay panay ang pagtangis dahil sa pinagbawalan siya ng kaniyang ama
na makipag-usap kay Ibarra habang hindi pa inaalis ang ekskomonyon sa binata. Patuloy na inaalo naman ni
Tiya Isabel si Maria sa pagsasabing susulat sila sa Papa at magbibigay ng malaking limos upang mapawalang
bisa ang ipinataw sa binata. Isa pa, may kamag-anak si Padre Damaso na nakatakdang dumating mula sa
Europa at siyang inilalaan na maging panibagong katipan ni Maria. Lalong nasindak ang dalaga at pati si Tiya
Isabel ay nagalit at sinabihan ang Kapitan na ang pagpapalit ng katipan ay hindi parang pagpapalit lamang ng
damit. Pinuri ng Heneral si Maria Clara dahil pumagitna ito kay Ibarra at Damaso. Nakausap din ng Heneral si
Ibarra kahit pa sinabihan ito ni Padre Salvi na si Ibarra ay ekskomulgado ngunit hindi ito pinansin ng Heneral.
Lumitaw nanakatagpo ni Ibarra ang pamilya ng Kapitan Heneral noong siya nagpunta sa Madrid. Ipinamalas
din ng Heneral ang paghanga sa katalinuhan ni Ibarra.
• Ang mga paputok at sunod-sunod na pagtunog ng mga kampana ay hudyat ng pagsisimula ng prusisyon. Ang
lahat ay natigilan sa magandang pag-awit ni Maria Claria ng Ave Maria ni Gounod sa saliw ng kanyang sariling
piyano. Kung napatigil si Padre Salvi sa ganda ng tinig ni Maria Clara nakadama naman ng kalungkutan si
Ibarra. Nadarama niya ang mensahe ng tinig ng kasiphayuan ng kasintahan. Saglit na naputol ang pagmuni-
muni ni Ibarra nang paalalahanan siya ng Kapitan Heneral tungkol sa imbitasyon nitong makasalo sa pagkain
upang pag-usapan ang pagkawala nina Basilio at Crispin.
NOLI ME TANGERE
• Sa pagdaan ng prusisyon tanging ang tinitirhan lang ng alperes at ni Donya Consolacion ang
nakasara ang bintana. Mahigpit na ipinag-utos ng alperes sa kanyang esposa na huwag
itong lalabas. Ikinahihiya niya ang amoy at baduy na pananamit ng asawa. Narinig ni Donya
Consolacion ang awit ni Sisa. Inutusan ng Donya ang guwardiya sibil na papanhikin ito.
Inutusan niya si Sisa na kumanta ngunit hindi agad ito sumunod dahil kung kaya ang lahat
ng galit niya sa asawa ay ibinuhos niya sa kaawa-awang si Sisa. Sa inis ng Donya ay inutusan
niya ang gwardiya sibil na pakantahin si Sisa. Muli niyang inutusan si Sisa na sumayaw
ngunit hindi ito sumunod. Nagalit muli ang Donya at pinaglalatigo si Sisa. Nagalit ang
alperes nang makita ang pangyayaring ito. Inutusan ng alperes ang isang kawal na damitan,
pakainin, at gamutin ang mga sugat nito dahil bukas ay ihahatid si Sisa kay Ibarra sapagkat
kung kaya ang lahat ng galit niya sa asawa ay ibinuhos niya sa kaawa-awang si Sisa. Sa inis
ng Donya ay inutusan niya ang gwardiya sibil na pakantahin si Sisa. Muli niyang inutusan si
Sisa na sumayaw ngunit hindi ito sumunod. Nagalit muli ang Donya at pinaglalatigo si Sisa.
Nagalit ang alperes nang makita ang pangyayaring ito. Inutusan ng alperes ang isang kawal
na damitan, pakainin, at gamutin ang mga sugat nito dahil bukas ay ihahatid si Sisa kay
Ibarra
NOLI ME TANGERE
• Alas-dyes ng gabi nang magsimula ang dula. Pinamumunuan ni Don Filipo ang dula dahil abala sa pagsusugal ang
alkalde ng mga gabing iyon. Nasa ikalawang bahagi na ng dula nang dumating si Crisostomo Ibarra at agad na
tumabi kay Maria Clara. Nang nakita ni Padre Damaso na masayang nag-uusap ang magkasintahan, agad itong
tumungo at nakipagkomprontasyon kay Don Filipo. Ngunit isa si Ibarra sa may pinakamalaking abuloy kung kaya’t
hindi niya ito maaaring paalisin. Dahil hindi napaalis si Ibarra, si Padre Damaso na lang ang umalis kasama ng ibang
pari. Ilang sandali pa’y umalis na din si Ibarra sa dula dahil sa kahihiyan nito. Habang nanonood ang lahat ay may
dalawang sundalo ang dumating at inutos na itigil ang pagtatanghal sa kadahilanang hindi daw makatulog sa ingay
ang alperes at ang senyora. Nagkagulo naman ang lahat ng hindi pagbigyan ni Don Filipo ang utos ng dalawang
sundalo. Galit na galit ang mga tao dahil sa pagpapahinto ng tanghalan. Muling bumalik si Ibarra at agad na hinanap
si Maria Clara. Humingi ng tulong si Don Filipo kay Ibarra na patigilin ang kaguluhan ng lahat ngunit hindi ito kaya ng
binata dahil sa sobrang dami ng tao. Mabuti na lang at naroroon si Elias sa lugar nang mangyari ang gulo. Humingi
ng tulong ang binata kay Elias.
• Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Ibarra kaya inaliw nito ang sarili sa kanyang laboratoryo. Mayamaya ay
dumating si Elias upang ibalita na nagkasakit si Maria Clara.
• Tinanong ni Ibarra si Elias kung paano nito napatigil ang kaguluhang nangyari sa plasa. Aniya, kilala niya ang
magkapatid na nanguna sa kaguluhan dahil minsan na nitong iniligtas ang magkapatid sa pagpaparusa. Ilang sandali
pa ay umalis na rin si Elias. Nagbihis na rin si Ibarra at nagtungo sa bahay ng dalaga. Sa kaniyang paglalakad ay may
nakasalubong siyang lalaki na may pilat sa kaliwang mukha. Siya si Lucas, kapatid ng taong dilaw.
• Nagtanong si Lucas kung magkano ang danyos na ibibigay ni Ibarra sa pamilya ng taong dilaw. Pinakiusapan ni Ibarra
si Lucas na kakausapin nalang niya ito sa ibang araw dahil may dadalawin pa ito.
NOLI ME TANGERE
• Punong-puno ng pag-aalala ang bahay ni Kapitan Tiago dahil sa may sakit na si Maria Clara. Ilang
sandali pa ay dumating si Don Tiburcio de Espadaña kasama ang asawa nitong si Donya Victorina de los
Reyes de Espadaña at si Linares na inaanak ng isang kamag-anak ni Padre Damaso. Si Donya Victorina
ay apatnapu’t limang taong gulang na ngunit ipinapamalita niyang siya’y tatlumpu’t dalawang taong
gulang lamang. Pangarap niya ang makapangasawa ng taga-ibang bansa ngunit wala sa mga ito ang
nagkakagusto sa kanya. Hindi na ito nagdalawang-isip na magpakasal kay Don Tiburcio na bagamat
patpatin at pilay ay makikitaan naman ng pagiging isang tunay na Espanyol. Si Don Tiburcio naman ay
dating namamasukan bilang katulong sa ospital ng Espanya. Sapilitan itong namasukan sa barkong
Salvador na nag-iikot sa Asya. Dahil sa ito’y napilay sa pagtulong sa nabigasyon at naging masasakitin
ay pinababa na ito ng barko ng dumaan sa Pilipinas. Nang wala nang tumutulong na kababayan ay
pinayuhan itong magpanggap bilang isang doktor. Sila ay ang mag-asawang doktor na wala namang
diploma. Habang nakain ng meryenda ang tatlo sa bahay ni Kapitan Tiago ay dumating si Padre Salvi.
Ipinakilala ng mag-asawa sa pari si Linares. Matapos ang pag-uusap ay pumunta sila sa silid ni Maria
Clara. Malakas ang tiwala ni Don Tiburcio na mapapagaling niya ang dalaga. Kinuha rin ng donya ang
pagkakataon na mapakilala kay Linares si Maria Clara. Nabighani naman si Linares sa taglay na
kagandahan ng dalaga. Ilang minuto pa ay dumating si Padre Damaso na mamula-mula at malungkot.
• Habang papasok si Padre Damaso sa silid ni Maria ay luhaang sinabi na "Anak ko, hindi ka
mamamatay”.
NOLI ME TANGERE
• Nagtaka si Maria sa nakitang anyo ng pari. Ang mga nakakakilala sa prayle ay halos hindi rin
makapaniwala na ang paring may magaspang na ugali at matipunong anyo ay mayroon palang
malambot na damdamin. Tumindig si Pari Damaso at nagpunta sa silong ng balag sa ilalim ng
balkonahe at umiyak na parang batang ibinulalas ang lahat ng sama ng loob. Dahil dito, nasabi ng lahat
na talagang mahal na mahal ng pari ang inaanak na si Maria. Nang kumalma na ang damdamin ng pari,
ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi ni Linares na siya ay inaanak ng bayaw ni Damaso na si
Carlicos. Ibinigay ni Linares ang sulat sa pari na binasa naman niya. Lumitaw na si Linares ay
nangangailangan ng trabaho at mapapangasawa. Ayon kay Damaso madali niyang maihahanap ng
trabaho ang binata sapagkat ito ay tinanggap na abogado sa Universidad Central. Tungkol naman sa
pag-aasawa, sinabi ni Damaso na kakausapin nila si Tiyago.
• Naiwan si Pari Salvi na malungkot at nagmumuni-muni. Nagitla na lamang siya nang batiin ni Lucas, na
hinihingi umano ng payo tungkol sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Nagdrama nang husto si Lucas,
pilit na nagpapatulo siya ng luha na isalaysay niya ang pakikipagkita niya kay Ibarra at binigyan lamang
ng P500.00 para sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Nagalit ang pari sa kadramahan ni Lucas, kaya
pinagtabuyan niya ito at pasalamat siya’t hindi siya ipinabilanggo ni Ibarra. Umalis na bumubulong-
bulong si Lucas. Para kay Padre Salvi ang hindi pagkikita ni Maria Clara at Ibarra ang dahilan nang
mabilis na paggaling nito. Ngunit para naman kay Donya Victorina ang pagpapagaling ng kanyang
asawa ang dahilan nito. Nalaman ni Maria Clara sa kaibigang si Sinang na hindi pa
NOLI ME TANGERE
• Narating ni Elias ang lugar ni Kapitan Pablo na itinuturing niya bilang ama. Pareho nang walang kasama sa
buhay ang dalawa kung kaya’t iminungkahi ni Elias kay Kapitan Pablo na sumama na ito sa lupain ng mga
katutubo upang mamuhay ng payapa at malayo sa masalimuot na alaala ng kanyang pamilya. Ngunit sa
kagustuhan ng kapitan na maipaghiganti ang mga anak sa ginawa ng mga dayuhan ay tumanggi ito. Si
Kapitan Pablo ay may tatlong anak, dalawang lalaki at isang babae. Pinagsamantalahan ang
• kanyang anak na babae ng isang alagad ng simbahan at napagbintangan naman ang kanyang anak na lalaki
na nagnakaw nang magtangkang pumunta sa kumbento upang mag- imbestiga sa nangyari sa kapatid na
babae. Bagamat hindi napatunayang may sala ay hinuli parin ang anak na lalaki at nakaranas ng hirap sa
kamay ng mga awtoridad. Habang ang isa pang anak na lalaki ay nagpakamatay dahil sa hindi nito kinaya
ang pagpapahirap ng mga gwardiya sibil nang pinaghinalaang maghihiganti matapos hindi madala ang
kanyang
• sedula. Plano ni Kapitan Pablo na lumusob sa bayan sa tamang oras dahil wala paring mas mahalaga sa
kaniya kundi ang makapaghiganti. Nauunawaan ni Elias ang saloobin ng kapitan dahil minsan na rin niyang
inisip na maghiganti ngunit sa takot na baka may madamay pang iba ay kinalimutan nalang ang hangarin na
ito.Isinalaysay din ni Elias ang kaibigan niyang si Ibarra. Maaari itong makatulong upang ipaabot sa Heneral
ang hinaing ng buong bayan. Ipinangako ni Elias kay Kapitan Pablo na kukumbinsihin niya si Ibarra upang
tumulong. Kung sumang-ayon man ang binata ay makakamit nila ang katarungang hinahanap ngunit kung
hindi naman ay nangako si Elias na aanib ito sa kapitan.
NOLI ME TANGERE
NOLI ME
TANGERE
BUOD
Kabanata 46
Hanggang
Kabanata 60
• Sa gitna ng isang mayabong na gubat ay naghihintay si Pablo at isang lalaki kay Elias. Patungo sila sa isang
yungib na kung saan ay may naghihintay na mga lalabindalawa o labinlimang lalaking marurusing ang mukha
at damit. May isang lalaki roon na tila nakatingin sa kawalan, nagkaroon lamang siya ng sigla ng makita si
Elias. Pinag-usapan nila na hikayatin si Ibarra na umanib sa kanila dahil pareho silang nakaranas ng pang-aapi.
• Araw ng linggo rinig na rinig sa kabayanan ang sigawan sa sabungan. Sina Tarsilo at Bruno ay nakipag-usap
kay Lucas para mayroon silang puhunan sa sugal kapalit ang pakikianib sa pag-aalsa sa pamumuno ni
Crisostomo Ibarra.
• Sa kabayanan naman ay nagtatalo sina Donya Victorina at Donya Consolacion walang sinuman ang
nagpapatalo, bawat baho ay lumabas, tanging si Pade Salvi lamang ang nakaawat sa dalawa. Sa galit ni Donya
Victorina ay inudyok niya si Linares na ipaghiganti siya at kung hindi ay isisiwalat nito ang kaniyang sikreto.
Dumating si Ibarra ng mga panahong iyon, dala niya ang balitang hindi na siya eskumolgado, ngunit nabigla
siya ng makita si Maria Clara kasama si Linares. Nagpaalam siya at tumungo sa paroroonan, nakarating siya sa
pook-paaralan nakita niya ang mabilis na paggawa dito. Sa gitna ng mga kumpulan ng trabahador ay nakita
niya si Elias, ipinakuha niya kay Maestro Juan ang listahan ngunit hindi makita ang pangalan nito. Nakiusap si
Elias na magkita sila at may mahalaga silang pag-uusapan.
• Nakarating si Ibarra sa tagpuan nila ni Elias. Inilatag ni Elias ang mga dapat niyang sabihin ayon sa mga
• napag-usapan nila ng matandang lalaki sa yungib, ngunit nagitla siya sapagkat taliwas sila ng iniisip ni Ibarra,
magkaiba ang kanilang opinyon pagdating sa reporma, sa mabagsik na pamamahala ng pamahalaan, sa
malupit na pamamalakad ng mga guwardya sibil, at sa kurapsyon ng simbahan.
NOLI ME TANGERE
• Magkaiba sila ng pananaw sa pagbabago at pag-unlad. Para lalong maliwanagan si Ibarra ay
ikinuwento ni Elias ang kasaysayan ng kaniyang buhay. Ngunit tila ganoon pa rin ang pasiya ni Ibarra
bagamat siya’y nakikisimpatiya sa masaklap na kapalaran nito. Ibinaba si Ibarra at nagbilin dito na
kalimutan siya at ‘wag batiin sakaling magkitang muli. Lumisan siya habang si Ibarra ay tinatanaw
siyang kinakain ng dilim. Nag-usap sila ni Sinang at doon niya nalaman ang tungkol kay Linares at
Maria Clara. Nagpasiya silang magkita kinabukasan. Sa kalaliman ng gabi sa gitna ng sementeryo ay
nagkumpulkumpulan ang mga kalalakihang tinipon ni Lucas pinag-uusapan nila ang gagawing
pananalakay at kung ano ang isisigaw ng dumating si Elias. Nagpatuloy ang usapan hanggang
napagdesisyunan nilang tapusin ito dahil maaaring may sumusunod na sibil. Naiwan sina Elias at
Lucas na hindi pa rin malinaw ang mukha ng isa’t isa. Samantala si Don Filipo ay nakikipag-usap kay
Pilosopo Tasyo na sa mga panahon na iyon ay may sakit. Napag-usapan nila ang pagkakaiba ng mag-
aaral noon at ngayon, ang mag topikong umiiral sa kanilang mga isipan ay ang pamahalaan, mga
pagbabago sa nagdaang panahon, ang mga kababaihan at kalalakihan, at ang umiiral sa tahanan.
• Bago sila maghiwalay nagbilin sin Pilosopo Tasyo na kailangan niyang makita si Crisostomo sa
susunod na araw dahil may importante siyang sasabihin dito bago siya mamatay. Ibinalita ni Padre
Salvi sa Tinyente ang sabwatan at pag-aalsang mangyayari na ikinumpisal ng isang babae. Si Elias
naman ay binalaan si Crisostomo Ibarra tungkol dito ngunit hindi ito naniwala sapagkat hindi ito
totoo, sa ganoon ring pagkakataon nagimbal si Elias nang malamang ang ninuno ni Ibarra ang
dahilan ng pasakit na mayroon siya ngayon.
NOLI ME TANGERE
• Bago sila maghiwalay nagbilin sin Pilosopo Tasyo na kailangan niyang makita si Crisostomo sa
susunod na araw dahil may importante siyang sasabihin dito bago siya mamatay. Ibinalita ni Padre
Salvi sa Tinyente ang sabwatan at pag-aalsang mangyayari na ikinumpisal ng isang babae. Si Elias
naman ay binalaan si Crisostomo Ibarra tungkol dito ngunit hindi ito naniwala sapagkat hindi ito
totoo, sa ganoon ring pagkakataon nagimbal si Elias nang malamang ang ninuno ni Ibarra ang
dahilan ng pasakit na mayroon siya ngayon.
• Nagsimula ang hapunan sa bahay ni Kapitan Tiyago kasama sina Padre Salvi, Maria Clara, Linares at
Sinang, sa pamumuno ng prayle sa panalangin ay paputol-putol ngunit hindi halata sapagkat ang
bawat isa ay may iniisip. Sa pagdating Ibarra na tila tulala napansin siya ni Tiya Isabel ngunit lahat ay
nahintakutan nang marinig ang puntukan. Umuwi siya at inimpake ang gamit lahat na pwedeng
magamit laban sa kaniya.Natigil lamang ito ng may dumating na Gwardiya Sibil para imbitahin sya
sa tanggapan.
• Bumalik si Elias sa bahay ni Crisostomo nakita niya ang mga naudlot na pagimpake ng mga gamit
inihagis niya ito sa bintana nang makitang may mga gwardiya sibil na parating sinunog niya ang silid
aklatan at umalis. Walang anumang nakuha ang mga sibil. Kinaumagahan may nakitang
nakalambitin sa isang puno lahat ay may kaniya-kaniyang haka-haka tanging ang magsasakang
nagmamasid ang nakapansin sa buto ng katutubong damo na makikita sa kasuotan na nakita rin
niya sa manggas ng sakristan mayor.
NOLI ME TANGERE
• Sa tanggapan ng Tinyente nagsimula ang pag-iimbestiga. Si Bruno ay namatay kinagabihan, si Tarsilo ay
namatay sa paraan ng pagtitimba. Dumaan ang kariton at bumaba ang lahat ng sinakdal. Huling lumabas
si Ibarra na hindi nakagapos na naging dahilan ng pagkagalit ng mga pamilya ng naroroon. Kitang kita sa
mukha ni Ibarra ang kasawian, walang nagmamahal, walang tahanan, at tinalikuran ng sariling bayan. Sa
di kalayuan ay tanaw ni Tandang Tasyo ang lahat, sa pagal na katawan, sinunod na lamang niya ng tingin
si Crisostomo Ibarra at umuwi.
• Kinaumagahan nakita na lamang siyang wala ng buhay sa sariling dampa. Umabot sa Maynila ang mga
nangyari sa San Diego, iba’t ibang bersyon ang nakarating bagamat puro kapulaanan ang kay Ibarra
pagpupuri naman ang kay Padre Salvi.
• Maraming nagsasabi na dahil sa pagpigil niya sa pag-aalsa ay maaaring maging obispo siya. Dahil sa
pangyayaring yaon si Kapitan Tinong ay nabalisa dahil minsan nya na ring nakadaupang palad si Ibarra
kung kaya’t pinayuhan siya ng kamag-anak na magpadala ng regalo sa gobernador heneral para hindi
siya masali sa gulo. Ngunit naging kabaligtaran ang nangyari. Pinagdudahan siya, inimbita at
pinagbakasyon sa tanggapan ng pamahalaan.
• Dumating naman ang mga De Espadaña sa bahay ni Tiago kasama si Linares.
• Sinabi ni Donya Victorina, nararapat lamang na maparusahan si Ibarra sa ginawa. Hinarap ni Maria Clara
ang mga bisita. Napag-usapan ang kasal nina Maria at Linares. Payag na si Tiago na ikasal si Maria kay
Linares dahil tagapayo ito ng Kapitan Heneral.
NOLI ME TANGERE
• Kinabukasan, napuno ng bisita ang bulwagan ni Kapitan Tiago. Andun ang mga
Instik, mga paring sina Salvi at Sibyla. Naging usap-usapan ang pagpapakasal
ni Maria kay Linares. Sabi ng ilan ay ginagawa lamang daw ito ni Maria dahil
papaslangin na si Ibarra.
• Nagtungo si Maria sa asotea. Nakita niya sa isang lumang bangka sina Elias at
Ibarra na tatakas. Sandaling nag-usap ang dalawa at sinabi ni Maria na si
Ibarra pa rin ang mahal nito. Umalis na rin ang dalawa pagkatapos makipag-
usap kay Maria.
NOLI ME TANGERE
NOLI ME
TANGERE
BUOD
Kabanata 61
Hanggang
Kabanata 64
• Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng isang
kaibigan. Napansin nilang nagkakagulo ang mga bantay ng mapadaan sila sa tapat ng palasyo. Agad
na pinadapa ni Elias si Ibarra saka tinakpan ng maraming damo. Sa pampang ay itinapon ni Elias ang
mga damo at saka muling sumagwan hanggang sumapit sa malapad na bato.
• Sa di-kalayuan nakita nila ang isang Palwa ng mga sibil na papalapit sa kanila. Agad na pinahiga ni
Elias si Ibarra at saka tinakpan ng bayong. Kay Elias nakatuon ang pansin ng mga sibil sa Palwa .
• Pinaulanan nila ng punglo ang lugar na pinagtalunan niya. Sa tuwing lilitaw ito agad siyang
pinapuputukan.
• Pagkalipas ng tatlong oras, napansin ng mga sibil na may bahid ng dugo sa tubig ng baybayin ng
pampang kaya naman pinili na nilang umalis lamang.
• Kinaumagahan, kalat na kalat ang nangyaring habulan sa lawa. Ilang sandali dumating si Padre
Damaso sa bahay nina Maria Clara at hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng
kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama. Ayon kay Maria, ngayong patay na
si Ibarra ay wala nang sinuman lalaki ang kanyang pakakasalan. Wala namang nagawa ang pari
kundi pahintulutan ang dalaga na pumasok sa kumbento kaysa pillin ang kamatayan
NOLI ME TANGERE
• Sa kabilang dako, Noche Buena na noon sa Bayan ng San Diego at malamig na ang simoy ng
hangin amihan. Nakarating na si Basilio sa kanyang bahay at agad na hinanap ang ina
ngunit wala siya doon. Nakita niya ang ina na tumatakbo patungong kagubatan . Pumasok
si Sisa sa pinto ng libingan ng matandang Kastila na nasa tabi ng punong balite. Pilit na
binubuksan ito ni Basilio. Nakita niya isang sanga ng baliteng nakakapit sa kinaroroonan ng
ina. ang Kaagad niya itong niyakap at pinaghahagkan hanggang sa mawalan ng ulirat.
• Nang ang ulirat ni Basilio ang nagbalik at nakita ang ina ay kumuha ito ng tubig at winisikan
sa mukha. Inilapit ni Basilio ang kanyang tainga sa dibdib ng ina at siya’y binalot ng
matinding takot ng mapag-alamang patay na si Sisa.
• Niyakap ng mahigpit ni Basilio si Sisa saka napaiyak ng malakas. Nang maiangat niya ang
kanyang ulo ay nakita niya ang isang lalaki na nakatingin sa kanila. Tumango siya ng
tanungin ng lalaki kung anak siya ng namatay. Ang lalaking kumakausap kay Basilio ay
sugatan at tila hinang-hina kaya di niya matulungan si Basilio na ilibing ang kanyang ina.
Dahil dito ay pinagbilinan niya ang bata na kumuha ng maraming tuyong kahoy at isalansan
sa bangkay ng kanyang ina at pagkaraan sila ay silaban hanggang sa maging abo ang
kanilang katawan.
NOLI ME TANGERE
• Ang lalaking sugatan na kausap ni Basilio ay walang iba kundi si Elias. Dalawang araw na
siyang hindi kumakain at tila hindi na rin magtatagal ang buhay. Ibinilin ni Elias kay Basilio
ang kayamanan na nakabaon sa may puno ng balite.
• Nang magmamadaling-araw na ay nasaksihan ng buong bayan ng San Diego ang malaking
sigang nagmumula sa may lugar na kinamatayan ni Sisa at Elias.
• Nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila mula ng pumasok sa kumbento si Maria Clara.
• Kalaunan ay inilipat din siya ng Padre Provincial sa isang malayong probinsya.. Ngunit
kinabukasan, natagpuan siyang patay sa kanyang kwarto. Ayon
• sa pagsusuri ng doctor ay bangungot ang sanhi ng kamatayan ni Padre Damaso. Ilang linggo
bago maging ganap na mongha si Maria, ang ama-amahang si Kapitan Tiyago ay dumanas
ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangangayat nang husto , naging mapag-isip at
nawalan ng tiwala kahit kanino. Nang lumaon napabayaan na ang sarili hanggang sa
nalimot na din ang Kapitan na dating tanyag at iginagalang ng mga tao.
NOLI ME TANGERE
FILIPINO 9
IKAAPAT NA MARKAHAN
NOLI ME
TANGERE

More Related Content

What's hot

Noli me tangere kabanata 43-44-45
Noli me tangere kabanata 43-44-45Noli me tangere kabanata 43-44-45
Noli me tangere kabanata 43-44-45
mojarie madrilejo
 

What's hot (20)

Noli me tangere kabanata 52
Noli me tangere kabanata 52Noli me tangere kabanata 52
Noli me tangere kabanata 52
 
Noli me tangere kabanata 4
Noli me tangere kabanata 4Noli me tangere kabanata 4
Noli me tangere kabanata 4
 
Noli me tangere kabanata 15
Noli me tangere kabanata 15Noli me tangere kabanata 15
Noli me tangere kabanata 15
 
Noli me tangere kabanata 43-44-45
Noli me tangere kabanata 43-44-45Noli me tangere kabanata 43-44-45
Noli me tangere kabanata 43-44-45
 
Noli me tangere kabanata 45
Noli me tangere kabanata 45Noli me tangere kabanata 45
Noli me tangere kabanata 45
 
Noli me tangere kabanata 35
Noli me tangere kabanata 35Noli me tangere kabanata 35
Noli me tangere kabanata 35
 
Noli me tangere kabanata 25
Noli me tangere kabanata 25Noli me tangere kabanata 25
Noli me tangere kabanata 25
 
NOLI ME TANGERE 6-10
NOLI ME TANGERE 6-10NOLI ME TANGERE 6-10
NOLI ME TANGERE 6-10
 
Noli me tangere kabanata 16
Noli me tangere kabanata 16Noli me tangere kabanata 16
Noli me tangere kabanata 16
 
Noli me tangere kabanata 32
Noli me tangere kabanata 32Noli me tangere kabanata 32
Noli me tangere kabanata 32
 
Noli me tangere kabanata 2
Noli me tangere kabanata 2Noli me tangere kabanata 2
Noli me tangere kabanata 2
 
Noli me tangere kabanata 34
Noli me tangere kabanata 34Noli me tangere kabanata 34
Noli me tangere kabanata 34
 
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 4 (Erehe at Pilibustero)
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 4 (Erehe at Pilibustero)Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 4 (Erehe at Pilibustero)
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 4 (Erehe at Pilibustero)
 
Noli me tangere kabanata 46
Noli me tangere kabanata 46Noli me tangere kabanata 46
Noli me tangere kabanata 46
 
Noli me tangere kabanata 33
Noli me tangere kabanata 33Noli me tangere kabanata 33
Noli me tangere kabanata 33
 
Noli me tangere kabanata 48
Noli me tangere kabanata 48Noli me tangere kabanata 48
Noli me tangere kabanata 48
 
Noli me tangere kabanata 43
Noli me tangere kabanata 43Noli me tangere kabanata 43
Noli me tangere kabanata 43
 
Mga Tauhan sa nobelang Noli me Tangere
Mga Tauhan sa nobelang Noli me TangereMga Tauhan sa nobelang Noli me Tangere
Mga Tauhan sa nobelang Noli me Tangere
 
Noli me tangere (kabanata 7)
Noli me tangere (kabanata 7)Noli me tangere (kabanata 7)
Noli me tangere (kabanata 7)
 
Noli me tangere kabanata 37
Noli me tangere kabanata 37Noli me tangere kabanata 37
Noli me tangere kabanata 37
 

Similar to Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila

BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptxBUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
RioOrpiano1
 
Tungkol kay jose rizal
Tungkol kay jose rizalTungkol kay jose rizal
Tungkol kay jose rizal
ELISEO4771646
 
Buodbawatkabanatangnolimetangere 130127091813-phpapp01
Buodbawatkabanatangnolimetangere 130127091813-phpapp01Buodbawatkabanatangnolimetangere 130127091813-phpapp01
Buodbawatkabanatangnolimetangere 130127091813-phpapp01
Jhanine Cordova
 
Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49
asa net
 

Similar to Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila (20)

Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
 
hazell
hazellhazell
hazell
 
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptxBUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
 
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me TangerePresentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
 
Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37
Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37
Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37
 
Tungkol kay jose rizal
Tungkol kay jose rizalTungkol kay jose rizal
Tungkol kay jose rizal
 
Buodbawatkabanatangnolimetangere 130127091813-phpapp01
Buodbawatkabanatangnolimetangere 130127091813-phpapp01Buodbawatkabanatangnolimetangere 130127091813-phpapp01
Buodbawatkabanatangnolimetangere 130127091813-phpapp01
 
Kabanata 37
Kabanata 37Kabanata 37
Kabanata 37
 
NOLI KABANATA 1 TO 49
NOLI KABANATA 1 TO 49NOLI KABANATA 1 TO 49
NOLI KABANATA 1 TO 49
 
NOLI-ME-TANGERE.pptx
NOLI-ME-TANGERE.pptxNOLI-ME-TANGERE.pptx
NOLI-ME-TANGERE.pptx
 
Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49
 
Noli Me Tangere Kabanata 10-17
Noli Me Tangere Kabanata 10-17Noli Me Tangere Kabanata 10-17
Noli Me Tangere Kabanata 10-17
 
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdfKABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
 
Buod ng Noli 49- 64
Buod ng Noli 49- 64Buod ng Noli 49- 64
Buod ng Noli 49- 64
 
Nolimetangere
NolimetangereNolimetangere
Nolimetangere
 
EL_FILIBUSTERISMO.pptx
EL_FILIBUSTERISMO.pptxEL_FILIBUSTERISMO.pptx
EL_FILIBUSTERISMO.pptx
 
El filibusterismo
El filibusterismoEl filibusterismo
El filibusterismo
 
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
 
Pagtitipon
PagtitiponPagtitipon
Pagtitipon
 
Noli
NoliNoli
Noli
 

Recently uploaded

MAPEH-4-Q3-W8-PPhsbsjansjsjsusiksnhT.pptx
MAPEH-4-Q3-W8-PPhsbsjansjsjsusiksnhT.pptxMAPEH-4-Q3-W8-PPhsbsjansjsjsusiksnhT.pptx
MAPEH-4-Q3-W8-PPhsbsjansjsjsusiksnhT.pptx
DonnaMaeSuplagio
 
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
vh27pvs4b5
 
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
vh27pvs4b5
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
PaulineMae5
 
MODYUL-1-G11.pptx...................................
MODYUL-1-G11.pptx...................................MODYUL-1-G11.pptx...................................
MODYUL-1-G11.pptx...................................
ferdinandsanbuenaven
 
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
DonnaMaeSuplagio
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
AizaStamaria3
 
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
junielleomblero
 
Purple-and-Yellow-Digitalism-Memory-Game-Fun-Presentation 4 (1).pptx
Purple-and-Yellow-Digitalism-Memory-Game-Fun-Presentation 4 (1).pptxPurple-and-Yellow-Digitalism-Memory-Game-Fun-Presentation 4 (1).pptx
Purple-and-Yellow-Digitalism-Memory-Game-Fun-Presentation 4 (1).pptx
JayliePea
 

Recently uploaded (19)

MAPEH-4-Q3-W8-PPhsbsjansjsjsusiksnhT.pptx
MAPEH-4-Q3-W8-PPhsbsjansjsjsusiksnhT.pptxMAPEH-4-Q3-W8-PPhsbsjansjsjsusiksnhT.pptx
MAPEH-4-Q3-W8-PPhsbsjansjsjsusiksnhT.pptx
 
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
 
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoPagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
 
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
 
Ang Panitikan ng Rehiyon-VI_Kanlurang Visayas
Ang Panitikan ng Rehiyon-VI_Kanlurang VisayasAng Panitikan ng Rehiyon-VI_Kanlurang Visayas
Ang Panitikan ng Rehiyon-VI_Kanlurang Visayas
 
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
MODYUL-1-G11.pptx...................................
MODYUL-1-G11.pptx...................................MODYUL-1-G11.pptx...................................
MODYUL-1-G11.pptx...................................
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
 
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. pptLumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
 
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptxFATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusapAyos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
 
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
 
Purple-and-Yellow-Digitalism-Memory-Game-Fun-Presentation 4 (1).pptx
Purple-and-Yellow-Digitalism-Memory-Game-Fun-Presentation 4 (1).pptxPurple-and-Yellow-Digitalism-Memory-Game-Fun-Presentation 4 (1).pptx
Purple-and-Yellow-Digitalism-Memory-Game-Fun-Presentation 4 (1).pptx
 

Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila

  • 1. FILIPINO 9 IKAAPAT NA MARKAHAN NOLI ME TANGERE
  • 2.
  • 3.
  • 4.
  • 5.
  • 6.
  • 7.
  • 8.
  • 9.
  • 10.
  • 11.
  • 12.
  • 13.
  • 14.
  • 15.
  • 16.
  • 17.
  • 18.
  • 19.
  • 20.
  • 21.
  • 22.
  • 23.
  • 24.
  • 25.
  • 28. • Isang malaking pagtitipon ang naganap sa bahay ni Kapitan Tiyago sa mga huling araw ng Oktubre. Lahat halos ng kaniyang kakilala ay kaniyang inmbitahan kasama sina Padre damaso, Padre Sibyla, Tenyente ng Guwardiya Sibil, Donya Victorina at iba pa. • Dumating si Kapitan Tiyago kasama si Crisostomo Ibarra. Nagulat sina Padre damaso at Padre Sibyla nang makita ang binata. Ipinakilala ni kapitan Tiyago si Crisostomo Ibarra sa mga panauhin at nagbibigay galang din siya sa kanila. Binati niya ang mga kadalagahan at kalalakihan.Inanyayahan siya ni Kapitan Tinong na maghapunan sa kanila ngunit nagtaggi si Ibarra dahil pupunta pa siya sa san Diego kinabukasan. • Nagtungo sa hapag kainan ang mga panauhin. Galit na sinisikaran ni Padre Damaso ang mga upuang nakaharang sa kaniya. Si Donya Victorina ay nagalit sa Tenyente dahil naapakan nito ang buntot ng kaniyang bestido. Lalong nagalit si Padre Damaso nang mapunta sa kaniya ang leeg at makunat na pakpak ng manok. Lalong humanga ang mga besita nang malaman nila na nalibot ni Ibarra ang buong Europa at makapagsalita ng iba’t ibang wika. Nayamot si Padre Damaso at kinutya si Ibarra. Sa halip na magalit maayos parin ang tugon ni Ibarra sa pare at magalang na nagpaalam sa mga naroroon. NOLI ME TANGERE
  • 29. • Pagkaalis ni Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiyago, nilapatitan siya ni Tinyente Guevarra. • Nalaman ni Ibarra mula kay Tenyente Guevarra ang tungkol sa pagkamatay ng kaniyang ama. Ayon sa Tenyente hinuli at kinulong ang kaniyang ama dahil sa pagkamatay ng artilyerong Kastila nang tumama ang ulo nito sa bato dahil sa pagtanggol ng kaniyang ama sa batang lalaking pinukol niya ng baston sa ulo. Huli na ang lahat nang mapatunayang walang kasalanan ang kaniyang ama. • Dumating si Ibarra sa kaniyang tinutulugan sa Fonda de Lala na gulo ang isip. Hindi mawala sa kaniyang isipan ang nangyari sa kaniyang ama. Hindi niya nakita ang kasiyahan ng mga kababaihan sa kabilang ibayo ng ilog na kung gamitan ng largabista kitang-kita niya ang kahanga-hangang kasiyahan na ang pinakatampok ay si Maria Clara. • Nang dumating si Maria Clara sa bahay ng kanyang ama ay kitang-kita ang pagkahanga ng lahat sa kagandahan niya. At tuwang-tuwa ang ama niya na si Kapitan Tiyago dito. Si Kapitan Tiyago ay isa sa mga pinakamayaman sa Binondo. Siya ay anak ng isang may tubuhan sa Malabon at dahil ang ama niya ay napakaramot hindi siya pinaaral. Naging katulong siya ng isang paring dominiko at nakapag-asawa kay Pia Alba. Anim na taon na hindi sila nagkaanak at nagpanata si Donya Pia sa Ubando sa parokya ni Padre Damaso. Siya ay naglihi at namatay nang ipinanganak si Maria Clara. Naging amain ni Maria Clara si Padre Damaso. Lumaki siya sa pangangalaga ni Tiya Isabel. NOLI ME TANGERE
  • 30. • Kinabukasan, nagpunta si Crisostomo Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiyago. Hindi malaman ni Maria Clara kung ano ang kaniyang gagawin nang makita si Crisostomo Ibarra. Nag-usap sila sa Azotea at doon nila sinariwa ang kanilang nakaraan. Hindi nagtagal, nagpaalam si Crisostomo Ibarra dahil pupunta pa siya sa San Diego para dalawin ang libing ng kaniyang mga magulang dahil kinabukasan ay araw ng mga patay. • Sakay ng kaniyang sasakyan, nakikita ni Ibarra na walang pagbabagong nangyari sa kaniyang dinadaanan. Ganoon pa rin ang kalagayan ng Maynila. Nalulungkot siyang isipin na ang mga lugar na kaniyang napuntahan sa Europa ay mabilis ang pag-unlad samantala ang kaniyang sariling bayan ay nangarap na uunlad ngunit bigo pa rin hanggang ngayon. Sa gitna ng maraming sasakyan nakita niya si Padre Damaso na sakay sa kaniyang magarang na Victoria. • Nadatnan ni Padre Damaso sina Maria Clara at Tiya Isabel pasakay sa isang karwahe upang kunin ang mga natirang gamit ni Maria Clara sa beateryo. Tumuloy siya sa bahay at kinausap si Kapitan Tiyago. Samantala si Padre Sibyla matapos makapagmisa nang maaga nagtungo sa kumbento ng kanilang korporasyon at kinuwento sa matandang paring maysakit ang tungkol sa pagdating ni Ibarra at ang pagpapakasal nito kay Maria Clara. Sa kabilang dako, patuloy ang pagsasalitaan ni Padre Damaso at Kapitan Tiyago. Sinabihan niya si Kapitan Tiyago na huwag magpadalos-dalos sa pagdesisyon lalong- lalo na kung may kaugnayan kay Maria Clara. NOLI ME TANGERE
  • 31. • Ang bayan ng san Diego ay nasa pagitan ng mga palayan malapit na malapit sa lawa.Masagana ang ani sa iba’t ibang uri ng pananim na ibinibinta sa labas ng bansa. Mula sa taluktok ng kampanaryo makikita ang mahabang ilog na tila ahas at isang gubat na napapagitan sa mga linang na lupa. Ito ay kinatitirikan pa lamang ng ilang mga dampa. Isang araw, may dumating na isang matandang Kastila na magaling magsalita ng Tagalog. Nagtanong siya kung sino ang nagmamay-ari ng lugar na iyon at marami ang umangkin. Sila ay binayaran niya ng mga damit, salapi at mga alahas. Biglang nawala ang matanda at nakita ng isang pastol ang kanyang katawan na nakabitin sa puno ng balete. Nagkaroon ng sabi-sabi na siya ay naengkanto kaya natakot ang mga tao at kanilang itinapon sa ilog at sinunog ang kaniyang mga ibinigay. Pagkalipas ng ilang buwan ng, dumating ang isang mestisong Kastila at nagpakilala na anak siya ng namatay. Doon siya namuhay at nakapag-asawa ng taga- Maynila. Sila ang mga magulang ni Don Rafael Ibarra na ama ni Crisostomo Ibarra. • Sino-sino ang makapangyarihan sa san Diego? Hindi pwedeng si Don Rafael Ibarra, ang pinakamayaman at mabuting tao sa kapwa. Hindi naman pwedeng si Kapitan Tiyago o ang Alkalde. Ang mga makapangyarihan ay sina Padre Salvi at ang Alferes. Si Padre Salvi ay humalili kay Padre Damaso sa San Diego. Palagi niyang pinasasara ang pintuan ng simbahan tuwing siya’y sesermon lalong-lalo na kung nadoon ang alferes. Siya ang tanging kalaban ng kura at asawa niya si Donya Consolacion. Upang makaganti ang alferes sa kura, ang katulong nito ay pinalilinis niya ng kuwartel at pinalalampaso sa kaniyang bahay. NOLI ME TANGERE
  • 32. Pero sa tuwing magkikita ang alferes at ang kura magkakamay sila at mag-usap na parang tunay na magkaibigan. Magkaibigang putik sa tunay na buhay. • Araw na ng mga patay, lahat ay abala sa paghahanda para pumunta sa libingan. Maraming tao ang libingan ng San Diego na dumadalaw sa libing ng kanilang mahal sa buhay. Sa di kalayuan makikita ang dalawang mamang pawisang naghuhukay ng libing. Nandidiri ang isa dahil sariwa pa ang kanilang hinuhukay. Ikinuwento sa kanya ng kaniyang kasama na sobra pa ang kaniyang naranasan noon. Inutusan siya ng kurang malaki na hukayin ang kalilibing pa lamang na bangkay at ilipat sa libingan ng mga Intsik. Dahil gabi at umuulan pa itinapon niya ito sa lawa. • Kasama ng matandang katulong, dinalaw ni Ibarra ang libing ng kaniyang ama pero hindi nila nakita. Nagtanong sila sa dalawang tagapaglibing at sinabi na hinukay at ipinalipat sa kaniya libingan ng mga Intsik, sa halip itinapon niya sa lawa dahil gabi at umuulan pa noon. Nagalit at niyogyog siya ni Ibarra. Nagmakaawa siya at sinabi na inutusan lamang siya ng kurang malaki. Galit na lumabas sa sementeryo si Ibarra. Nasalubong niya si Padre Salvi at sa sobrang galit diniinan niya ito sa leeg at napaluhod ang kura. Takot na sinabi ng kura na ang may kagagawan ay si Padre Damaso. Binitiwan siya ni Ibarra at tinulungan siya ng matandang utusan na makatayo. • Ang lahat ng pangyayaring iyon ay nasaksihan ni Pilosopo Tasyo. Marahan siyang umiling at nagwikang “Masamang pangitain”. Si Tasyo ay dating estudyante sa Pilosopiya. NOLI ME TANGERE
  • 33. • Pinahinto siya ng kaniyang ina dahil natakot itong makalimutan ni Tasyo ang Diyos. Magkasunod na namatay ang kaniyang asawa at ina kaya tumutok na lamang siya sa pagbabasa ng mga aklat. Mga makahuluganang kanyang mga sinasabi na hindi naunawaan ng iba kaya tinawag siya na Pilosopo Tasyo at ang iba nama’y baliw. Dinaanan niya ang dalawang magkapatid na si Crispin at Basilio. Sinabihan niya na hinihintay sila ng kanilang ina at pinaghanda sa araw ng mga patay. • Nasa ikalawang palapag ng kampanaryo ang dalawang magkapatid na sakristan. Hindi pinayagan ng sakristang mayor si Crispin na makauwi dahil pinagbintangan niya na kumuha ng kuwalta. Kinaladkad niya ang bata pababa ng hagdan at mapakinggan ang iyak ng bata na humihingi ng tulong sa kapatid. Tumakas si Basilio at sa kalagitnaan ng dilim marinig ang dalawang putok ng baril. NOLI ME TANGERE
  • 35. • Si Sisa ang ina ni Basilio at Crispin. Ang asawa niya ay si Pedro na labis ang kasamaan at pagkagahaman. May bisyo si Pedro gaya ng pag-inom ng alak at sabong. Bibihira lamang kung umuwi ng bahay si Pedro at kadalasan pang sinasaktan ang asawa kung hindi nakapagbibigay ng perang pambisyo. • Ganoon na lamang ang pagkabigla ni Sisa matapos na tumambad sa kaniyang harapan si Basilio na duguan ang kaniyang noo at bakas ang matinding takot sa mukha nito. • Kinuha ng sakristan mayor si Crispin sa bintang na pagnanakaw nito. • Nang sumunod na araw, nagtipon-tipon ang mga manong at manang sa simbahan upang pag-usapan ang indulgencia plenarya na siyang mahahango sa purgatoryo ang mga kaluluwang nagdurusa. Hindi namalayan ng mga nag-uusap ang pagdating ni Sisa na may dalang isang bayong ng gulay, prutas at isda para sa kura paroko. Tumambad sa kaniyang paningin ang kusinero at sakristan ngunit hindi sila nito pinansin. Hindi makapaniwala si Sisa sa mga binabanggit nila. • Sa kabilang dako, nag-uusap sina Crisostomo Ibarra at ang guro ng San Diego na sa lawang ito itinapon ang bangkay ng kaniyang ama na si Don Rafael Ibarra. Nais nitong ipagpatuloy ang nasimulan ng kaniyang ama sa pagtulong sa pag-aaral ng mga bata. Dito inisa-isa ang mga suliranin ng guro katulad na lamang ng nawawalan ng interes sa pag- aaral dahil kulang sa panghihikayat mula sa kanilang mga magulang at kung mayroon ma’y nagiging sagabal naman sa kanila ang kahirapan. Isa pa’y kailangang iwasto at maisaayos ang pagtuturo. Nakasanayan ng mga bata ang magsaulo sa halip na unawaing mabuti ang pinag-aralan. NOLI ME TANGERE
  • 36. • Matapos ang pag-uusap sa lawa, dumalo si Crisosotomo Ibarra kasama ang guro sa isang pulong ng tribunal. Dumalo ang dalawang partido ng bayan na magkakasalungat ng opinyon at isinusulong. Ang Partido Consertivado na binubuo ng mga matatanda at Partido Liberal na kinabibilangan naman ng mga kabataan. Ang mga paksa ng pagpupulong na iyon ay tungkol sa gaganaping kapisatahan at ang pagtatayo ng paaralan para sa bayan. Sa dami ng kanilang pinagtalunan para sa kapistahan, ang desisyon pa rin ng simbahan ang nanaig o masusunod para sa kapistahan. • Matapos pumunta sa simbahan, gulong-gulo na umuwi si Sisa sapagkat hindi niya alam kung ligtas ba ang kaniyang mga anak. Nagpang-abot sila ng gwardiya sibil sa daan, pilit siyang pinapaamin na ilabas ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang mga anak. Dahil sa wala siyang maipakita ay kinaladkad siya ng mga ito papuntang kwartel. Hiyang- hiya si Sisa na pinagtitinginan ng mga tao. Tanghali na ng pakawalan siya ng alperes at pagkauwi niya sa kanilang bahay ay tumambad ang isang pilas ng damit ni Basilio na nakasabit sa dingding. Labis ang kaniyang naging pag-aalala kaya siya ay tumakbo papuntang bayan at nagsisigaw sa paghahanap ng kaniyang mga anak. NOLI ME TANGERE
  • 37. • Tatlong araw ang naging paghahanda ng mga mamamayan ng San Diego para sa darating na kapistahan. Napag-usapan si Padre Salvi na kataka-takang nag- iba ang pag- uugali simula nang dumating ng San Diego si Maria Clara. Plano ng magkatipan na magkaroon ng piknik sa ilog kasama ang kanilang mga kaibigan. Iminungkahi ni Maria Clara na huwag nang imbitahin si Padre Salvi ngunit hindi ito sinang-ayunan ni Crisostomo Ibarra. • Sumakay sa dalawang bangka habang nangingisda ang mga kababaihan at kalalakihan. Ngunit nang magkaroon ng butas ang bangka ng mga binata ay napalipat sila sa sinasakyan ng mga dalaga. Wala silang mahuli na mga isda dahil mayroong mga buwaya kaya’t nilundag ng piloto ng bangka na si Elias. Naglaban ang dalawa sa ilog na agad din NOLI ME TANGERE
  • 38. • Nagkubli si Padre Salvi sa isang puno at doon niya nakita ang mga kababaihang nagtatampisaw sa batis. Nanilip siya at nakinig sa mga nag-uusap ngunit pinigil niya ang kaniyang sarili. Dumating si Sisa na nais sanang pakainin ni Ibarra ngunit umalis din kayat apag-usapan ang pagkawala ng kaniyang mga anak. Dumating ang mga gwardya sibil at sarhento upang hanapin si Elias sapagkat ito di umano ang nanakit kay Padre Damaso. • Nang sumunod na araw, pumunta si Ibarra sa bahay ni Pilosopo Tasyo upang humingi ng payo tungkol sa paaralan na nais niyang pasimulan. Sinalungat naman ito ng Pilosopo at iminungkahing sa mga kinikilalang tao sa lipunan tulad ng kura dapat isangguni ni Ibarra ang kanyang mga binabalak. • Ika-10 ng Nobyembre at bisperas ng kapisatahan sa San Diego. Handa na ang lahat sa bisperas pa lamang mula sa mga palamuti, dekorasyon, paputok, pagkain, musika at mga programa. Samantala, tinatapos na ang bahay- paaralan na pinapagawa ni Ibarra malapit sa kanyang tahanan sa pamamatnubay ni Nol Juan. Dahil dito ay marami ang humanga sa kaniya ngunit marami din ang naging palihim niyang kaaway. NOLI ME TANGERE
  • 39. • Samantala, tinatapos na ang bahay- paaralan na pinapagawa ni Ibarra malapit sa kanyang tahanan sa pamamatnubay ni Nol Juan. Dahil dito ay marami ang humanga sa kaniya ngunit marami din ang naging palihim niyang kaaway. • Malaking handaan ang nakatakdang maganap sa bahay ni Kapitan Tiago at higit na marangya kaysa sa bahay • Ang ibang mayayaman sa San Diego. Isang relikaryong ginto (locket) ang pasalubong ng ama kay Maria Clara. Namasyal sila at sa isang sulok ng daan ay may isang ketongin na tumawag ng pansin ni Maria Clara kaya’t inilimos nito ang locket na kabibigay pa lamang ng kaniyang ama. • Napalathala sa isang sikat na dyaryo sa Maynila ang karangyaan at pagdiriwang ng kapistahan sa loob ng tatlong araw. Sinulatan ni Maria Clara si Ibarra dahil ilang araw na niya itong hindi nakikita. Hiniling din niyang siya ay dalawin ng binata at imbitahin siya nito sa pagpapasinaya ng bahay-paaralan na kaniyang ipinatayo. • Ikatlo at ang huling araw ng kapistahan sa bayan ng San Diego. Handa na ang lahat para salubungin ang kapistahan. Sinimulan ang mahabang prusisyon ng iba’t ibang santo. Makikita ang pagkakaiba ng antas o diskriminasyon sa lipunan. • Siksikan ang mga tao sa loob ng simbahan hanggang sa labasan. Ang misa ay bayad para sa kabanalan ng lahat sa halagang dalawang daan at limampung piso. Mas mabuti na ang magbayad ng mahal sa misa na makapagdadala ng kaluluwa sa langit kaysa sa impyerno kung komedya. NOLI ME TANGERE
  • 41. • Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa wikang Kastila at Tagalog. Natanto naman ni Padre Manuel na ang pambungad na pananalita ni Padre Damaso ay higit na mahusay kaysa sa kaniyang binigkas na sermon kahapon. Sinabi ni Padre Damaso na kanyang binitiwan ang mga pananalita ng Diyos upang maging kapaki- pakinabang na tulad ng isang binhing umuusbong at lumalaki sa lupain ng banal na si • Francisco. Ang mga bahaging ito ng sermon ay ipinahayag ni Padre Damaso sa wikang Kastila, kaya hindi maintindihan ng mga Indiyo. Lumilihis na si Padre Damaso • sa sermon niya sapagkat puro na ito panunumbat, sumpa, at pagtutungayaw. Pati si Ibarra ay nabalisa lalo na nang banggitin ng prayle ang tungkol sa makasalanang hindi nangungumpisal na namamatay sa bilangguan na walang • sakramento sa simbahan. Alam ni Ibarra na siya ang pinaparinggan ng prayle pero nagsawalang-kibo na lamang siya. Habang isinasagawa ang misa, isang lalaki ang lumapit kay Ibarra at nagbabala tungkol sa gagawing pagdiriwang sa paaralan. Nakilala ni Ibarra si Elias na kaagad namang umalis. NOLI ME TANGERE
  • 42. • Nang sumunod na araw ay ipinakita ng taong dilaw kay Nol Juan ang paggamit ng panghugos bago ganapin ang pagpapasinaya sa paaralan ni Ibarra. Ipinagmalaki ng taong dilaw na ang ganitong paraan ay natutunan niya mismo sa nuno ni Ibarra na si Don Saturnino. • Hinangaan ito ni Nol Juan at pinuri ng mga tao sa paligid. Sinimulan na ni Padre Salvi ang seremonya at nagsibabaan ang lahat ng importanteng tao upang sumaksi. Isa sa mga taong naroon sa okasyon ay si Elias na hindi winawala ang tingin sa taong dilaw. Eksaktong pagbaba ini Ibarra ay humulagpos ang lubid mula sa kalo at kasabay nito ay ang pagkagiba ng balangkas. Napuno ng alikabok ang paligid at nang mawala ito, ang taong dilaw ang namatay, hindi si Ibarra. • Magkakaharap na nanananghalian ang mga kilala at mayayamang tao sa bayan ng San Diego. Nasa magkabilang dulo ng hapag si Ibarra at ang alkalde mayor. Katabi naman ni Ibarra sa gawing kanan si Maria Clara. Nagtaka ang karamihan sapagkat hindi pa dumarating si Padre Damaso. Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat ay bumati sa kaniya, maliban kay Ibarra. Sinimulan nang ihanda ang serbesa at sinimulan na rin ng prayle ang patutsada kay Ibarra. Lalong uminit ang usapan subalit hindi pa rin kumikibo si Ibarra at nagtitimpi lang. Ngunit, nang ungkatin ni Padre Damaso ang nangyari sa ama ni Ibarra ay hindi na nakapagpigil pa ang binata. Dinaluhong ni Ibarra ang prayle at tangkang sasaksakin nang pigilan ito ng katipang si Maria Clara. Gulo ang isip ni Ibarra at piniling umalis na lamang. NOLI ME TANGERE
  • 43. • Mabilis na kumalat sa buong bayan ng San Diego ang nangyari sa pananghalian. • Karamihan ay pinanigan si Padre Damaso dahil kung nagtimpi lamang daw si Ibarra ay hindi ganoon ang mangyayari. Walang pasabing dumating sa bahay ni Kapitan Tiyago ang Kapitan-Heneral kaya naging abala ang lahat sa paghahanda. Si Maria Clara ay panay ang pagtangis dahil sa pinagbawalan siya ng kaniyang ama na makipag-usap kay Ibarra habang hindi pa inaalis ang ekskomonyon sa binata. Patuloy na inaalo naman ni Tiya Isabel si Maria sa pagsasabing susulat sila sa Papa at magbibigay ng malaking limos upang mapawalang bisa ang ipinataw sa binata. Isa pa, may kamag-anak si Padre Damaso na nakatakdang dumating mula sa Europa at siyang inilalaan na maging panibagong katipan ni Maria. Lalong nasindak ang dalaga at pati si Tiya Isabel ay nagalit at sinabihan ang Kapitan na ang pagpapalit ng katipan ay hindi parang pagpapalit lamang ng damit. Pinuri ng Heneral si Maria Clara dahil pumagitna ito kay Ibarra at Damaso. Nakausap din ng Heneral si Ibarra kahit pa sinabihan ito ni Padre Salvi na si Ibarra ay ekskomulgado ngunit hindi ito pinansin ng Heneral. Lumitaw nanakatagpo ni Ibarra ang pamilya ng Kapitan Heneral noong siya nagpunta sa Madrid. Ipinamalas din ng Heneral ang paghanga sa katalinuhan ni Ibarra. • Ang mga paputok at sunod-sunod na pagtunog ng mga kampana ay hudyat ng pagsisimula ng prusisyon. Ang lahat ay natigilan sa magandang pag-awit ni Maria Claria ng Ave Maria ni Gounod sa saliw ng kanyang sariling piyano. Kung napatigil si Padre Salvi sa ganda ng tinig ni Maria Clara nakadama naman ng kalungkutan si Ibarra. Nadarama niya ang mensahe ng tinig ng kasiphayuan ng kasintahan. Saglit na naputol ang pagmuni- muni ni Ibarra nang paalalahanan siya ng Kapitan Heneral tungkol sa imbitasyon nitong makasalo sa pagkain upang pag-usapan ang pagkawala nina Basilio at Crispin. NOLI ME TANGERE
  • 44. • Sa pagdaan ng prusisyon tanging ang tinitirhan lang ng alperes at ni Donya Consolacion ang nakasara ang bintana. Mahigpit na ipinag-utos ng alperes sa kanyang esposa na huwag itong lalabas. Ikinahihiya niya ang amoy at baduy na pananamit ng asawa. Narinig ni Donya Consolacion ang awit ni Sisa. Inutusan ng Donya ang guwardiya sibil na papanhikin ito. Inutusan niya si Sisa na kumanta ngunit hindi agad ito sumunod dahil kung kaya ang lahat ng galit niya sa asawa ay ibinuhos niya sa kaawa-awang si Sisa. Sa inis ng Donya ay inutusan niya ang gwardiya sibil na pakantahin si Sisa. Muli niyang inutusan si Sisa na sumayaw ngunit hindi ito sumunod. Nagalit muli ang Donya at pinaglalatigo si Sisa. Nagalit ang alperes nang makita ang pangyayaring ito. Inutusan ng alperes ang isang kawal na damitan, pakainin, at gamutin ang mga sugat nito dahil bukas ay ihahatid si Sisa kay Ibarra sapagkat kung kaya ang lahat ng galit niya sa asawa ay ibinuhos niya sa kaawa-awang si Sisa. Sa inis ng Donya ay inutusan niya ang gwardiya sibil na pakantahin si Sisa. Muli niyang inutusan si Sisa na sumayaw ngunit hindi ito sumunod. Nagalit muli ang Donya at pinaglalatigo si Sisa. Nagalit ang alperes nang makita ang pangyayaring ito. Inutusan ng alperes ang isang kawal na damitan, pakainin, at gamutin ang mga sugat nito dahil bukas ay ihahatid si Sisa kay Ibarra NOLI ME TANGERE
  • 45. • Alas-dyes ng gabi nang magsimula ang dula. Pinamumunuan ni Don Filipo ang dula dahil abala sa pagsusugal ang alkalde ng mga gabing iyon. Nasa ikalawang bahagi na ng dula nang dumating si Crisostomo Ibarra at agad na tumabi kay Maria Clara. Nang nakita ni Padre Damaso na masayang nag-uusap ang magkasintahan, agad itong tumungo at nakipagkomprontasyon kay Don Filipo. Ngunit isa si Ibarra sa may pinakamalaking abuloy kung kaya’t hindi niya ito maaaring paalisin. Dahil hindi napaalis si Ibarra, si Padre Damaso na lang ang umalis kasama ng ibang pari. Ilang sandali pa’y umalis na din si Ibarra sa dula dahil sa kahihiyan nito. Habang nanonood ang lahat ay may dalawang sundalo ang dumating at inutos na itigil ang pagtatanghal sa kadahilanang hindi daw makatulog sa ingay ang alperes at ang senyora. Nagkagulo naman ang lahat ng hindi pagbigyan ni Don Filipo ang utos ng dalawang sundalo. Galit na galit ang mga tao dahil sa pagpapahinto ng tanghalan. Muling bumalik si Ibarra at agad na hinanap si Maria Clara. Humingi ng tulong si Don Filipo kay Ibarra na patigilin ang kaguluhan ng lahat ngunit hindi ito kaya ng binata dahil sa sobrang dami ng tao. Mabuti na lang at naroroon si Elias sa lugar nang mangyari ang gulo. Humingi ng tulong ang binata kay Elias. • Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Ibarra kaya inaliw nito ang sarili sa kanyang laboratoryo. Mayamaya ay dumating si Elias upang ibalita na nagkasakit si Maria Clara. • Tinanong ni Ibarra si Elias kung paano nito napatigil ang kaguluhang nangyari sa plasa. Aniya, kilala niya ang magkapatid na nanguna sa kaguluhan dahil minsan na nitong iniligtas ang magkapatid sa pagpaparusa. Ilang sandali pa ay umalis na rin si Elias. Nagbihis na rin si Ibarra at nagtungo sa bahay ng dalaga. Sa kaniyang paglalakad ay may nakasalubong siyang lalaki na may pilat sa kaliwang mukha. Siya si Lucas, kapatid ng taong dilaw. • Nagtanong si Lucas kung magkano ang danyos na ibibigay ni Ibarra sa pamilya ng taong dilaw. Pinakiusapan ni Ibarra si Lucas na kakausapin nalang niya ito sa ibang araw dahil may dadalawin pa ito. NOLI ME TANGERE
  • 46. • Punong-puno ng pag-aalala ang bahay ni Kapitan Tiago dahil sa may sakit na si Maria Clara. Ilang sandali pa ay dumating si Don Tiburcio de Espadaña kasama ang asawa nitong si Donya Victorina de los Reyes de Espadaña at si Linares na inaanak ng isang kamag-anak ni Padre Damaso. Si Donya Victorina ay apatnapu’t limang taong gulang na ngunit ipinapamalita niyang siya’y tatlumpu’t dalawang taong gulang lamang. Pangarap niya ang makapangasawa ng taga-ibang bansa ngunit wala sa mga ito ang nagkakagusto sa kanya. Hindi na ito nagdalawang-isip na magpakasal kay Don Tiburcio na bagamat patpatin at pilay ay makikitaan naman ng pagiging isang tunay na Espanyol. Si Don Tiburcio naman ay dating namamasukan bilang katulong sa ospital ng Espanya. Sapilitan itong namasukan sa barkong Salvador na nag-iikot sa Asya. Dahil sa ito’y napilay sa pagtulong sa nabigasyon at naging masasakitin ay pinababa na ito ng barko ng dumaan sa Pilipinas. Nang wala nang tumutulong na kababayan ay pinayuhan itong magpanggap bilang isang doktor. Sila ay ang mag-asawang doktor na wala namang diploma. Habang nakain ng meryenda ang tatlo sa bahay ni Kapitan Tiago ay dumating si Padre Salvi. Ipinakilala ng mag-asawa sa pari si Linares. Matapos ang pag-uusap ay pumunta sila sa silid ni Maria Clara. Malakas ang tiwala ni Don Tiburcio na mapapagaling niya ang dalaga. Kinuha rin ng donya ang pagkakataon na mapakilala kay Linares si Maria Clara. Nabighani naman si Linares sa taglay na kagandahan ng dalaga. Ilang minuto pa ay dumating si Padre Damaso na mamula-mula at malungkot. • Habang papasok si Padre Damaso sa silid ni Maria ay luhaang sinabi na "Anak ko, hindi ka mamamatay”. NOLI ME TANGERE
  • 47. • Nagtaka si Maria sa nakitang anyo ng pari. Ang mga nakakakilala sa prayle ay halos hindi rin makapaniwala na ang paring may magaspang na ugali at matipunong anyo ay mayroon palang malambot na damdamin. Tumindig si Pari Damaso at nagpunta sa silong ng balag sa ilalim ng balkonahe at umiyak na parang batang ibinulalas ang lahat ng sama ng loob. Dahil dito, nasabi ng lahat na talagang mahal na mahal ng pari ang inaanak na si Maria. Nang kumalma na ang damdamin ng pari, ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi ni Linares na siya ay inaanak ng bayaw ni Damaso na si Carlicos. Ibinigay ni Linares ang sulat sa pari na binasa naman niya. Lumitaw na si Linares ay nangangailangan ng trabaho at mapapangasawa. Ayon kay Damaso madali niyang maihahanap ng trabaho ang binata sapagkat ito ay tinanggap na abogado sa Universidad Central. Tungkol naman sa pag-aasawa, sinabi ni Damaso na kakausapin nila si Tiyago. • Naiwan si Pari Salvi na malungkot at nagmumuni-muni. Nagitla na lamang siya nang batiin ni Lucas, na hinihingi umano ng payo tungkol sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Nagdrama nang husto si Lucas, pilit na nagpapatulo siya ng luha na isalaysay niya ang pakikipagkita niya kay Ibarra at binigyan lamang ng P500.00 para sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Nagalit ang pari sa kadramahan ni Lucas, kaya pinagtabuyan niya ito at pasalamat siya’t hindi siya ipinabilanggo ni Ibarra. Umalis na bumubulong- bulong si Lucas. Para kay Padre Salvi ang hindi pagkikita ni Maria Clara at Ibarra ang dahilan nang mabilis na paggaling nito. Ngunit para naman kay Donya Victorina ang pagpapagaling ng kanyang asawa ang dahilan nito. Nalaman ni Maria Clara sa kaibigang si Sinang na hindi pa NOLI ME TANGERE
  • 48. • Narating ni Elias ang lugar ni Kapitan Pablo na itinuturing niya bilang ama. Pareho nang walang kasama sa buhay ang dalawa kung kaya’t iminungkahi ni Elias kay Kapitan Pablo na sumama na ito sa lupain ng mga katutubo upang mamuhay ng payapa at malayo sa masalimuot na alaala ng kanyang pamilya. Ngunit sa kagustuhan ng kapitan na maipaghiganti ang mga anak sa ginawa ng mga dayuhan ay tumanggi ito. Si Kapitan Pablo ay may tatlong anak, dalawang lalaki at isang babae. Pinagsamantalahan ang • kanyang anak na babae ng isang alagad ng simbahan at napagbintangan naman ang kanyang anak na lalaki na nagnakaw nang magtangkang pumunta sa kumbento upang mag- imbestiga sa nangyari sa kapatid na babae. Bagamat hindi napatunayang may sala ay hinuli parin ang anak na lalaki at nakaranas ng hirap sa kamay ng mga awtoridad. Habang ang isa pang anak na lalaki ay nagpakamatay dahil sa hindi nito kinaya ang pagpapahirap ng mga gwardiya sibil nang pinaghinalaang maghihiganti matapos hindi madala ang kanyang • sedula. Plano ni Kapitan Pablo na lumusob sa bayan sa tamang oras dahil wala paring mas mahalaga sa kaniya kundi ang makapaghiganti. Nauunawaan ni Elias ang saloobin ng kapitan dahil minsan na rin niyang inisip na maghiganti ngunit sa takot na baka may madamay pang iba ay kinalimutan nalang ang hangarin na ito.Isinalaysay din ni Elias ang kaibigan niyang si Ibarra. Maaari itong makatulong upang ipaabot sa Heneral ang hinaing ng buong bayan. Ipinangako ni Elias kay Kapitan Pablo na kukumbinsihin niya si Ibarra upang tumulong. Kung sumang-ayon man ang binata ay makakamit nila ang katarungang hinahanap ngunit kung hindi naman ay nangako si Elias na aanib ito sa kapitan. NOLI ME TANGERE
  • 50. • Sa gitna ng isang mayabong na gubat ay naghihintay si Pablo at isang lalaki kay Elias. Patungo sila sa isang yungib na kung saan ay may naghihintay na mga lalabindalawa o labinlimang lalaking marurusing ang mukha at damit. May isang lalaki roon na tila nakatingin sa kawalan, nagkaroon lamang siya ng sigla ng makita si Elias. Pinag-usapan nila na hikayatin si Ibarra na umanib sa kanila dahil pareho silang nakaranas ng pang-aapi. • Araw ng linggo rinig na rinig sa kabayanan ang sigawan sa sabungan. Sina Tarsilo at Bruno ay nakipag-usap kay Lucas para mayroon silang puhunan sa sugal kapalit ang pakikianib sa pag-aalsa sa pamumuno ni Crisostomo Ibarra. • Sa kabayanan naman ay nagtatalo sina Donya Victorina at Donya Consolacion walang sinuman ang nagpapatalo, bawat baho ay lumabas, tanging si Pade Salvi lamang ang nakaawat sa dalawa. Sa galit ni Donya Victorina ay inudyok niya si Linares na ipaghiganti siya at kung hindi ay isisiwalat nito ang kaniyang sikreto. Dumating si Ibarra ng mga panahong iyon, dala niya ang balitang hindi na siya eskumolgado, ngunit nabigla siya ng makita si Maria Clara kasama si Linares. Nagpaalam siya at tumungo sa paroroonan, nakarating siya sa pook-paaralan nakita niya ang mabilis na paggawa dito. Sa gitna ng mga kumpulan ng trabahador ay nakita niya si Elias, ipinakuha niya kay Maestro Juan ang listahan ngunit hindi makita ang pangalan nito. Nakiusap si Elias na magkita sila at may mahalaga silang pag-uusapan. • Nakarating si Ibarra sa tagpuan nila ni Elias. Inilatag ni Elias ang mga dapat niyang sabihin ayon sa mga • napag-usapan nila ng matandang lalaki sa yungib, ngunit nagitla siya sapagkat taliwas sila ng iniisip ni Ibarra, magkaiba ang kanilang opinyon pagdating sa reporma, sa mabagsik na pamamahala ng pamahalaan, sa malupit na pamamalakad ng mga guwardya sibil, at sa kurapsyon ng simbahan. NOLI ME TANGERE
  • 51. • Magkaiba sila ng pananaw sa pagbabago at pag-unlad. Para lalong maliwanagan si Ibarra ay ikinuwento ni Elias ang kasaysayan ng kaniyang buhay. Ngunit tila ganoon pa rin ang pasiya ni Ibarra bagamat siya’y nakikisimpatiya sa masaklap na kapalaran nito. Ibinaba si Ibarra at nagbilin dito na kalimutan siya at ‘wag batiin sakaling magkitang muli. Lumisan siya habang si Ibarra ay tinatanaw siyang kinakain ng dilim. Nag-usap sila ni Sinang at doon niya nalaman ang tungkol kay Linares at Maria Clara. Nagpasiya silang magkita kinabukasan. Sa kalaliman ng gabi sa gitna ng sementeryo ay nagkumpulkumpulan ang mga kalalakihang tinipon ni Lucas pinag-uusapan nila ang gagawing pananalakay at kung ano ang isisigaw ng dumating si Elias. Nagpatuloy ang usapan hanggang napagdesisyunan nilang tapusin ito dahil maaaring may sumusunod na sibil. Naiwan sina Elias at Lucas na hindi pa rin malinaw ang mukha ng isa’t isa. Samantala si Don Filipo ay nakikipag-usap kay Pilosopo Tasyo na sa mga panahon na iyon ay may sakit. Napag-usapan nila ang pagkakaiba ng mag- aaral noon at ngayon, ang mag topikong umiiral sa kanilang mga isipan ay ang pamahalaan, mga pagbabago sa nagdaang panahon, ang mga kababaihan at kalalakihan, at ang umiiral sa tahanan. • Bago sila maghiwalay nagbilin sin Pilosopo Tasyo na kailangan niyang makita si Crisostomo sa susunod na araw dahil may importante siyang sasabihin dito bago siya mamatay. Ibinalita ni Padre Salvi sa Tinyente ang sabwatan at pag-aalsang mangyayari na ikinumpisal ng isang babae. Si Elias naman ay binalaan si Crisostomo Ibarra tungkol dito ngunit hindi ito naniwala sapagkat hindi ito totoo, sa ganoon ring pagkakataon nagimbal si Elias nang malamang ang ninuno ni Ibarra ang dahilan ng pasakit na mayroon siya ngayon. NOLI ME TANGERE
  • 52. • Bago sila maghiwalay nagbilin sin Pilosopo Tasyo na kailangan niyang makita si Crisostomo sa susunod na araw dahil may importante siyang sasabihin dito bago siya mamatay. Ibinalita ni Padre Salvi sa Tinyente ang sabwatan at pag-aalsang mangyayari na ikinumpisal ng isang babae. Si Elias naman ay binalaan si Crisostomo Ibarra tungkol dito ngunit hindi ito naniwala sapagkat hindi ito totoo, sa ganoon ring pagkakataon nagimbal si Elias nang malamang ang ninuno ni Ibarra ang dahilan ng pasakit na mayroon siya ngayon. • Nagsimula ang hapunan sa bahay ni Kapitan Tiyago kasama sina Padre Salvi, Maria Clara, Linares at Sinang, sa pamumuno ng prayle sa panalangin ay paputol-putol ngunit hindi halata sapagkat ang bawat isa ay may iniisip. Sa pagdating Ibarra na tila tulala napansin siya ni Tiya Isabel ngunit lahat ay nahintakutan nang marinig ang puntukan. Umuwi siya at inimpake ang gamit lahat na pwedeng magamit laban sa kaniya.Natigil lamang ito ng may dumating na Gwardiya Sibil para imbitahin sya sa tanggapan. • Bumalik si Elias sa bahay ni Crisostomo nakita niya ang mga naudlot na pagimpake ng mga gamit inihagis niya ito sa bintana nang makitang may mga gwardiya sibil na parating sinunog niya ang silid aklatan at umalis. Walang anumang nakuha ang mga sibil. Kinaumagahan may nakitang nakalambitin sa isang puno lahat ay may kaniya-kaniyang haka-haka tanging ang magsasakang nagmamasid ang nakapansin sa buto ng katutubong damo na makikita sa kasuotan na nakita rin niya sa manggas ng sakristan mayor. NOLI ME TANGERE
  • 53. • Sa tanggapan ng Tinyente nagsimula ang pag-iimbestiga. Si Bruno ay namatay kinagabihan, si Tarsilo ay namatay sa paraan ng pagtitimba. Dumaan ang kariton at bumaba ang lahat ng sinakdal. Huling lumabas si Ibarra na hindi nakagapos na naging dahilan ng pagkagalit ng mga pamilya ng naroroon. Kitang kita sa mukha ni Ibarra ang kasawian, walang nagmamahal, walang tahanan, at tinalikuran ng sariling bayan. Sa di kalayuan ay tanaw ni Tandang Tasyo ang lahat, sa pagal na katawan, sinunod na lamang niya ng tingin si Crisostomo Ibarra at umuwi. • Kinaumagahan nakita na lamang siyang wala ng buhay sa sariling dampa. Umabot sa Maynila ang mga nangyari sa San Diego, iba’t ibang bersyon ang nakarating bagamat puro kapulaanan ang kay Ibarra pagpupuri naman ang kay Padre Salvi. • Maraming nagsasabi na dahil sa pagpigil niya sa pag-aalsa ay maaaring maging obispo siya. Dahil sa pangyayaring yaon si Kapitan Tinong ay nabalisa dahil minsan nya na ring nakadaupang palad si Ibarra kung kaya’t pinayuhan siya ng kamag-anak na magpadala ng regalo sa gobernador heneral para hindi siya masali sa gulo. Ngunit naging kabaligtaran ang nangyari. Pinagdudahan siya, inimbita at pinagbakasyon sa tanggapan ng pamahalaan. • Dumating naman ang mga De Espadaña sa bahay ni Tiago kasama si Linares. • Sinabi ni Donya Victorina, nararapat lamang na maparusahan si Ibarra sa ginawa. Hinarap ni Maria Clara ang mga bisita. Napag-usapan ang kasal nina Maria at Linares. Payag na si Tiago na ikasal si Maria kay Linares dahil tagapayo ito ng Kapitan Heneral. NOLI ME TANGERE
  • 54. • Kinabukasan, napuno ng bisita ang bulwagan ni Kapitan Tiago. Andun ang mga Instik, mga paring sina Salvi at Sibyla. Naging usap-usapan ang pagpapakasal ni Maria kay Linares. Sabi ng ilan ay ginagawa lamang daw ito ni Maria dahil papaslangin na si Ibarra. • Nagtungo si Maria sa asotea. Nakita niya sa isang lumang bangka sina Elias at Ibarra na tatakas. Sandaling nag-usap ang dalawa at sinabi ni Maria na si Ibarra pa rin ang mahal nito. Umalis na rin ang dalawa pagkatapos makipag- usap kay Maria. NOLI ME TANGERE
  • 56. • Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng isang kaibigan. Napansin nilang nagkakagulo ang mga bantay ng mapadaan sila sa tapat ng palasyo. Agad na pinadapa ni Elias si Ibarra saka tinakpan ng maraming damo. Sa pampang ay itinapon ni Elias ang mga damo at saka muling sumagwan hanggang sumapit sa malapad na bato. • Sa di-kalayuan nakita nila ang isang Palwa ng mga sibil na papalapit sa kanila. Agad na pinahiga ni Elias si Ibarra at saka tinakpan ng bayong. Kay Elias nakatuon ang pansin ng mga sibil sa Palwa . • Pinaulanan nila ng punglo ang lugar na pinagtalunan niya. Sa tuwing lilitaw ito agad siyang pinapuputukan. • Pagkalipas ng tatlong oras, napansin ng mga sibil na may bahid ng dugo sa tubig ng baybayin ng pampang kaya naman pinili na nilang umalis lamang. • Kinaumagahan, kalat na kalat ang nangyaring habulan sa lawa. Ilang sandali dumating si Padre Damaso sa bahay nina Maria Clara at hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama. Ayon kay Maria, ngayong patay na si Ibarra ay wala nang sinuman lalaki ang kanyang pakakasalan. Wala namang nagawa ang pari kundi pahintulutan ang dalaga na pumasok sa kumbento kaysa pillin ang kamatayan NOLI ME TANGERE
  • 57. • Sa kabilang dako, Noche Buena na noon sa Bayan ng San Diego at malamig na ang simoy ng hangin amihan. Nakarating na si Basilio sa kanyang bahay at agad na hinanap ang ina ngunit wala siya doon. Nakita niya ang ina na tumatakbo patungong kagubatan . Pumasok si Sisa sa pinto ng libingan ng matandang Kastila na nasa tabi ng punong balite. Pilit na binubuksan ito ni Basilio. Nakita niya isang sanga ng baliteng nakakapit sa kinaroroonan ng ina. ang Kaagad niya itong niyakap at pinaghahagkan hanggang sa mawalan ng ulirat. • Nang ang ulirat ni Basilio ang nagbalik at nakita ang ina ay kumuha ito ng tubig at winisikan sa mukha. Inilapit ni Basilio ang kanyang tainga sa dibdib ng ina at siya’y binalot ng matinding takot ng mapag-alamang patay na si Sisa. • Niyakap ng mahigpit ni Basilio si Sisa saka napaiyak ng malakas. Nang maiangat niya ang kanyang ulo ay nakita niya ang isang lalaki na nakatingin sa kanila. Tumango siya ng tanungin ng lalaki kung anak siya ng namatay. Ang lalaking kumakausap kay Basilio ay sugatan at tila hinang-hina kaya di niya matulungan si Basilio na ilibing ang kanyang ina. Dahil dito ay pinagbilinan niya ang bata na kumuha ng maraming tuyong kahoy at isalansan sa bangkay ng kanyang ina at pagkaraan sila ay silaban hanggang sa maging abo ang kanilang katawan. NOLI ME TANGERE
  • 58. • Ang lalaking sugatan na kausap ni Basilio ay walang iba kundi si Elias. Dalawang araw na siyang hindi kumakain at tila hindi na rin magtatagal ang buhay. Ibinilin ni Elias kay Basilio ang kayamanan na nakabaon sa may puno ng balite. • Nang magmamadaling-araw na ay nasaksihan ng buong bayan ng San Diego ang malaking sigang nagmumula sa may lugar na kinamatayan ni Sisa at Elias. • Nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila mula ng pumasok sa kumbento si Maria Clara. • Kalaunan ay inilipat din siya ng Padre Provincial sa isang malayong probinsya.. Ngunit kinabukasan, natagpuan siyang patay sa kanyang kwarto. Ayon • sa pagsusuri ng doctor ay bangungot ang sanhi ng kamatayan ni Padre Damaso. Ilang linggo bago maging ganap na mongha si Maria, ang ama-amahang si Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangangayat nang husto , naging mapag-isip at nawalan ng tiwala kahit kanino. Nang lumaon napabayaan na ang sarili hanggang sa nalimot na din ang Kapitan na dating tanyag at iginagalang ng mga tao. NOLI ME TANGERE
  • 59. FILIPINO 9 IKAAPAT NA MARKAHAN NOLI ME TANGERE