Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Vietnam. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang konsepto sa mga epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Vietnam.
AP 7 Lesson no. 32-C: Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Vietnam
1. Lesson 32-C: Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Vietnam
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
• Noong nasakop ng Nazi Germany ang France, nahati ang France sa dalawa ang Free France at ang
Vichy France. Ang Vichy France ang naging superior o namuno sa buong France dahil sa udyok ng Nazi
Germany. Kaya pinayagan ng Vichy France ang Japan na sakupin ang French Indochina, partikular na
ang Vietnam
• Jean Decoux – Siya ang gobernador-heneral ng French Indochina mula Hulyo 1940 hanggang Marso 9,
1945 na rinirepresenta ang pamahalaang Vichy French. Siya din ang nagbukas sa mga Hapon sa
Indochina dahil pinayagan niyang pumasok at maging base-militar ang Indochina.
• Viet Nam Minh (Viet Minh) – Ito ay isang organisasyon na ang layunin ay makamtan ang kalayaan mula
sa kamay ng mga Pranses.
Noong World War II, nakipag-laban din ang Viet Minh upang masupil at paalisin ang mga Hapones sa
Vietnam. Umabot sa 500,000 ang miyembro ng Viet Minh noong 1941 at tinulungan sila ng Unyong
Sobyet, Estados Unidos at China
• Ho Chi Minh – Siya ang nanguna sa pakikipag-laban sa mga Hapones at nakipag-tulungan din siya sa
mga kapangyarihang kaalyado (Allied Powers) pagkatapos siyang makalaya sa kulungan noong 1941.
• Noong panahon ng pananakop, sobrang bumagsak ang produksyon ng bigas kaya marami ang nasawi
dahil sa kagutuman
• Pinuwersa ng mga Hapones ang mga Vietnamese at Pranses na magtanim ng jute at ibang industrial
crops except sa palay o bigas
• Noong sumuko na ang mga Hapones, inukopa na ng Viet Minh ang puwesto sa kapangyarihan ng
Vietnam
Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Vietnam:
1. Maraming tao ang namatay dahil sa taggutom
2. Pagbagsak ng ekonomiya ng Vietnam dahil sa mababang produksyon ng mga produktong agrikultura
3. Naging daan upang maging malaya ang bansang Vietnam