Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa mga Uri ng Pamahalaan sa Indonesia. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang anyo ng pamahalaan na umusbong sa Indonesia.
AP 7 Lesson no. 34-B: Uri ng Pamahalaan sa Indonesia
1. Lesson 34-B: Uri ng Pamahalaan sa Indonesia
Ang uri ng pamahalaan na mayroon ang Indonesia ay presidential representative democratic republic.
Executive Branch:
Ang Presidente at Bise-Presidente ay inihahalal ng taumbayan upang manungkulan sa loob ng isang termino
na binubuo ng limang taon.
Mga Kwalipikasyon upang maging Pangulo ng Indonesia:
• Naniniwala sa iisang Diyos
• Isang Mamamayan ng Indonesia simula pagkasilang nito, at walang pagnanais na magpalit ng
pagkamamamayan (citizenship) ng ibang bansa
• Hindi trinaydor ang bansa; at hindi nasangkot sa mga masasamang gawain (katulad ng korapsyon at
kriminalidad)
• May kakayahang pisikal at mental na gampanan ang kanyang tungkulin
• Nakarehistrong botante
• Nakarehistrong nagbabayad ng buwis; at nakapagbayad ng kanyang buwis sa loob ng limang taon
• Hindi idineklara na bankrupt sa pamamagitan ng desisyon ng korte
• Hindi bababa ng 35 ang edad
• Nakapag-aral, at least sa Senior High School or sa mas mataas na baitang
• Mayroong bisyon, misyon, at mga programa para maisagawa ang kanyang katungkulan bilang
Presidente
Mga Kapangyarihan ng Pangulo:
1. Kapangyarihang magtalaga at magtanggal ng mga ministro
2. Gumawa ng mga batas na naaayon sa konstitusyon at batas
3. May awtoridad at Commander-in-Chief ng Indonesian Armed Forces
4. Paglagda ng mga kasunduan o treaties
5. Magtalaga ng mga ambassadors
6. Pumili ng magiging pinal na Chief Justice ng Korte Suprema
2. Achmed Sukarno – Siya ay pinanganak noong Hunyo 6, 1901 sa Surabaya, East Java. Noong 1926,
napagtapos niya ang kursong Civil Engineering (na may pokus sa Arkitektura). Siya ay bihasa sa iba’t-ibang
dayalekto katulad ng Sundanese, Balinese, Indonesian, German, English, French, Arabic at Japanese.
Noong Hulyo 4, 1927, itinatag ni Sukarno ang Indonesian Nationalist Party bilang reaksyon sa mga maling
pamamalakad ng mga Dutch at sa pagnanais na makalaya sa kamay nila.
Noong Agosto 17, 1945, idineklara ni Sukarno, kasama si Mohammad Hatta, ang kalayaan ng Indonesia sa
mga dayuhang bansa.
Siya ay naging pangulo mula Agosto 18, 1945 hanggang Marso 12, 1967, at tinaguriang bilang kauna-
unahang pangulo ng Indonesia.
Noong naging pangulo si Sukarno, nakipag-ugnayan siya sa iba’t-ibang bansa katulad ng Tsina, Russia at
Estados Unidos. Siya rin ang gumawa ng Non-Aligned Movement noong 1961, kasama ang mga bansang
Egypt, Yugoslavia, India, at Ghana.
Ngunit dahil sa sobrang pagpokus ni Sukarno sa mga ugnayang diplomatiko at international politics,
nagkaroon ng hyperinflation sa Indonesia dahil sa kakulangan ng pansin ng pamahalaan sa ekonomiya ng
bansa.
Megawati Setiawati Sukarnoputri – Siya ay pinanganak noong Enero 23, 1947. Siya ay ang ikalawang
anak ni Sukarno. Siya ay naging pangulo noong Hulyo 23, 2001 hanggang Oktubre 20, 2004.
Kabinete ng Indonesia – Ito ay ang konseho ng ministro na napili ng presidente. Sa kasalukuyan, mayroong
34 ministro ang Indonesia.
Legislative Branch:
People’s Consultative Assembly – Ito ay ang sangay ng lehislatura ng bansang Indonesia. Ang
karaniwang bilang ng miyembro ng asembleang ito ay nasa 690 hanggang 920 na miyembro.
1960 General Session – Ito ay ang kauna-unahang sesyon ng asembleang ito na naganap noong
Nobyembre 10 hanggang Disyembre 7 sa Bandung, West Java. Ang pinaka-pinag-usapan sa sesyong ito ay
ang pag-ampon o adoption ng Political Manifesto ni Sukarno.
1965 General Session – Ito ay ang pangatlong sesyon ng asembleang ito na naganap noong Abril 11
hanggang 15, 1965 sa Bandung. Dito Kinuha ng asembleang ito ang mga polisiyang pang-ekonomiya at
pampulitika na hinango sa talumpati ni Pangulo Sukarno.
Kapangyarihan ng People’s Consultative Assembly:
1. Pag-amyenda, Pagdagdag o Pagbawas ng mga artikulo sa Konstitusyon ng Indonesia
2. Pagsasagawa ng inagurasyon ng nahalal ng Presidente at Bise-Presidente ilang linggo o buwan
pagkatapos nila maupo sa puwesto
3. Pagpapatalsik sa Presidente at Bise-Presidente
3. Mga Partido sa Indonesia:
Democratic Party (Indonesia) – Ito ay isang pulitikal na partido na itinatag noong Setyembre 9, 2001 na
may headquarters sa Jakarta. Noong halalan noong 2004, nanalo ang mga pambato ng Democratic Party na
sina Susilo Yudhoyono bilang Presidente at Muhammad Jusuf Kalla (na kasalukuyang bise-presidente ng
Indonesia).
Susilo Bambang Yudhoyono – Siya ay isang pulitiko at retiradong heneral at naging presidente ng
Indonesia mula Oktubre 20, 2004 – Oktubre 20, 2014. Siya ay ang chairman ng Democratic Party ng
Indonesia.
Partai Kebangkitan Bangsa (National Awakening Party) – Ito ay isang konserbatib pulitikal na partido. Ito
ay itinatag noong Mayo 11, 1998 at ang headquarters ay nasa Jakarta. Ang mga ideyolohiya ng partidong ito
ay Islamic Democracy, Liberal Conservatism at Pluralism.
Judicial Branch:
Indonesian Supreme Court – Ito ang sangay ng hudikatura sa buong Indonesia. Siya ay ang nagpapanatili
ng mga korte sa buong Indonesia. Ang korte suprema ay ang huling court of appeal pagkatapos mag-apela
sa district at high courts.
Chief Justice – Siya ay hinahalal sa pamamagitan ng pagbobotohan ng mga court members. Siya ay ang
pinakamataas na opisyal sa judicial branch.
Dr. Raden Soelaiman Effendi Atmadja – Siya ay pinanganak noong Setyembre 8, 1898 sa Purwakarta,
West Java. Noong 1913, nakuha ni Raden ang kanyang diploma sa pagtatapos niya sa Faculty of Law sa
University of India. Noong 1922, nakuha ni Raden ang doctorate degree. Siya ay ang kauna-unahang
supreme court Chief Justice ng Indonesia. Siya ay nanungkulan mula 1950 hanggang 1952.