Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Imperyalismo sa Vietnam. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang konsepto sa Imperyalismo sa Vietnam.
1. Lesson 30-H: Imperyalismo sa Vietnam
• Nguyen Dynasty – Ito ay ang huling dinastiya sa kasaysayan ng Vietnam. Tumagal ito ng 143 na taon.
Pero habang nanunugkulan ang Nguyen Dynasty, dumating sa Vietnam ang mga Pranses na ang
layunin ay manakop ng mga lupain
• Gia Long – Siya ay ang unang emperador ng Dinastiyang Nguyen na nanungkulan sa loob ng 18 na
taon (1802-1820). Noong emperador siya, Pinagtuonan niya ng pansin ang sistema ng agrikultura at
lakas-militar. Siya din ang nagpangalan sa bansa bilang Vietnam noong 1805. Nilipat niya ang kabisera
mula sa Hanoi patungo sa Hue.
Noong 1803, nagpatayo siya ng National Academy na ang layunin ay magturo sa mga anak ng mga
Mandarin at mga may-kayang estudyante sa Confucian classical literature.
Noong 1807, binuksan niya ang unang civil service examination sa Vietnam.
• Minh Mang – Siya ay ang ikalawang emperador ng Dinastiyang Nguyen na nanungkulan sa loob ng 20
na taon (Pebrero 1820 – Enero 1841). Siya ang pang-apat na anak ni Gia Long.
Noong 1825, pina-ban niya ang lahat ng mga misyonero sa pagpasok sa Vietnam.
Pinagpatuloy niya ang polisiya ng kanyang ama na Isolationist Policy.
Noong panunugkulan niya, nagpatayo siya ng mga highway, postal service, mga imbakan ng mga
pagkain at nagpatupad siya ng mga repormang pananalapi at pang-agrikultura.
Capt. John White – Siya ay ang unang Amerikanong nakapunta sa Vietnam. Siya ay nakapunta sa
Saigon, Vietnam. Nabigo ang kanilang kasunduan ni Emperador Minh Mang sa pagbebenta ng Amerika
ng mga artillery, baril, uniporme at mga libro.
• Noong 1858, Inaprubahan ni Emperador Napoleon III ang pagsasagawa ng ekspedisyong nabal sa
Vietnam upang paghihiganti sa mga pagpapatay o pang-aabuso sa mga Katolikong misyonerong
Europeo.
• Noong 1885, tuluyan nang nasakop ng Imperyong Pranses ang buong Vietnam.
• Noong Panahon ng Imperyalismong Pranses, naipalaganap sa buong Vietnam ang Katolisismo o
Kristiyanismo sa mga Vietnamese.
• Hiep Hoa – Siya ang ikaanim na emperador ng Nguyen Dynasty. Nanungkulan lamang siya ng apat na
buwan (Hulyo-Nobyembre 1883). Siya ang lumagda ng tratado noong Agosto 25, 1883 sa mga opisyal
na mga Pranses. Ang tratado ay naglalaman ng pagsuko ni Hiep Hoa sa mga Pranses ang buong
Vietnam upang maging isang protektorado ito ng Pransya.