Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Nasyonalismo sa Thailand. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang konsepto at dahilan sa Nasyonalismo sa Thailand.
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
AP 7 Lesson no. 31-D: Nasyonalismo sa Thailand
1. Lesson 31-D: Nasyonalismo sa Thailand
• Ang bansang Thailand ay ang katanging-tanging bansa sa Timog Silangang Asya na hindi nasakop ng
mga Kanluranin dahil sa pagiging buffer state nito o bansang nasa gitna ng dalawang magkaibang
kapangyarihan o bansa at dahil din ito sa maayos na paggamit ng diplomasya ng mga hari. Ito ang
naging paraan ng Nasyonalismong Thailand.
• Rama V (Chulalongkorn) – Siya ang ikalimang monarko ng Siam. Ang kanyang pamumuno ay
naglalarawan bilang isang panahon kung saan nagkaroon ng modernisasyon ang Siam at nagkaroon ng
mga reporma patungkol sa pamahalaan at Panlipunan na pamumuhay. Siya ang nagtatag sa Royal
Military Academy noong 1887 upang mas hasain ang mga opisyales na Thai sa paraang katulad ng
mga Kanluranin. Siya ang unang haring Siamese na nagpadala ng mga prinsipe sa Europa upang doon
sila mag-aral. Siya rin ang nagtatag at nagbukas ng Royal Thai Naval Academy noong Nobyembre 20,
1906 upang mas patatagin ang navy ng Thailand. Siya rin ang nagwaksi sa sistemang pang-aalipin sa
Thailand.
Gustave Henri Rolin-Jaequemyns – Siya ay isang Belgian diplomat at abogado at naging Ministro sa
Loob (Minister of the Interior) mula 1878 hanggang 1884. Siya ay naging advisor ni Haring
Chulalongkorn.
• Rama VI (Vajiravudh) – Siya ay ikaanim na monarko ng Siam. Siya ang panganay na anak ni
Chulalongkorn at ni Reyna Saovabha. Siya ang unang edukado sa palasyo sa wikang Siamese at Ingles.
Siya rin ang nagtatag ng Boy Scouts ng Siam, pero nawala na rin ito sa mga huling parte ng kanyang
pamumuno. Siya rin ang kinikilala bilang “Ama ng Nasyonalismong Thai” dahil sa mga kanyang
reporma at magandang pamumuno.