Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Imperyalismo sa Indonesia. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang konsepto sa Imperyalismo sa Indonesia.
1. Lesson 30-B: Imperyalismo sa Indonesia
• Noong simula ng ika-16 na siglo, ang mga Europeo ay inaasam na masakop ang tinaguriang “Spice
Islands” (Maluku) ng Indonesia
• Portugese Colonialism in Indonesia – Ang mga Portugese ang unang nakarating sa mga isla ng
Indonesia. Ang kanilang layunin ay maging dominante sa kalakalan ng mga pampalasa noong 16th
century. Layunin din nila maipalaganap ang Kristiyanismo sa Indonesia. Noong sinakop ng mga
Portugese ang Maluku, nagtayo sila ng mga himpilan sa mga isla ng Ternate, Ambon at Solor.
• Dutch East India Company – Ito ay isang kompanya na may presensya sa archipelago ng Indonesia.
Ang kauna-unahang himpilang pangkalakalan ng Dutch ay ang Banten, Northwest Java noong 1603 at
noong 1611, naitatag ang Jayakarta (sa kalaunan ay tatawagin ding “Batavia” o “Jakarta”).
Jan Pieterszoon Coen – Nakadiskubre ng Batavia; isang opisyal ng Dutch East India Company sa
Indonesia
Noong 1811, bumagsak ang Java sa kamay ng British East India Company sa pangunguna ni Baron
Minto, gobernador-heneral ng India. Inapoint niya si Sir Stamford Raffles upang mamuno at mamahala
sa Java. Noong 1815, naibalik sa pamamahala ng Netherlands ang Java.
• Dutch East Indies – Ito ay nabuo mula sa mga nationalized colonies ng Dutch East India Company. Ito
ay nangyari mula 1800 hanggang 1945.
Cultivation System – Ito ay isang polisiya ng pamahalaan ng Dutch para sa kanyang kolonya, ang
Indonesia. 20% ng kalupaan sa isang village ay dapat maging isang lupa na para sa mga government
crops o ang mga pesante ay kailangang magtrabaho sa mga plantasyon na pagmamay-ari ng
pamahalaan sa loob ng 2 buwan sa isang taon. Ang polisiyang ito ang nagbigay ng malaking pera sa
mga Dutch at sa kanilang mga kaalyadong Indonesian.
Supreme Court of Batavia – Ito ang pinakamataas na hukuman sa buong Indonesia. Sila ang tumitingin
at namamahala sa lahat ng mga korte at mga huwes sa buong Indonesia.