AP7 Q4 LAS NO. 4 Ang Silangan at Timog-Silangang Asya sa Gitna ng Pandaigdigang Digmaan.docx
1. AP7 Q4 LAS NO. 4.1 Ang Silangan at Timog-Silangang Asya sa Gitna ng Pandaigdigang Digmaan
NAME:______________________________________ SECTION: ___________________ DATE: ________ SCORE: ______
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Anong bansa ang sinakop ng Japan noong 1910?
A. China B. Korea C. Pilipinas D. Vietnam
2.Ang mga sumusunod ay mga pangyayari na nagbigay-daan sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Asya-
Pasipiko maliban sa:
A. Pag-atake sa Pearl Harbor
B. Pagsakop ng Japan sa Manchuria
C. Pagiging agresibo ng Japan sa pananakop
D. Pagkakahalal kay Pangulong Franklin D. Roosevelt
3. Ang pag-atake ng mga Hapones sa Pearl Harbor ay nangyari noong:
A. Disyembre 7, 1940
B. Disyembre 7, 1941
C. Disyembre 7, 1942
D. Disyembre 7, 1943
4. Layunin ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere na:
A. maibsan ang kahirapan dulot ng digmaan
B. maging masagana ang pakikipagkalakalan
C. mapalaya ang mga bansa sa Asya mula sa mga Kanluranin
D. maging mapayapa ang mga bansa Asya
5. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng Japan matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Absolute Monarchy C. Parliamentary
B. Constitutional Monarchy D. Republic
GAWAIN A. Panuto: Sagutin ang bawat tanong ayon sa nakaraang aralin. Isulat ang mga kasagutan sa isang papel.
PAGSUSURI NG TEKSTO
Napag-aralan ninyo noong nakaraang markahan ang mga salik na nagbigay daan sa pagsisimula ng Unang at Ikalawang
Digmaan Pandaigdig sa Europa at ang mga naging epekto nito sa mga bansa sa Kanluran at Timog Asya. Ngayon naman
ay tatalakayin natin ang mahalagang papel na ginampanan ng mga pandaigdigang digmaan sa paghulma ng mga bansa sa
Silangan at Timog Silangang Asya.
Ang Silangang at Timog Silangang Asya sa Gitna ng Unang Digmaang Pandaigdig
Nakasentro man ang digmaan sa Europa, ay nagkaroon pa rin ng labanan sa Asya dahil sa Sphere of Influence at interes
ng mga Kanluranin sa China. Sa unang linggo ng Unang Digmaang Pandaigdig ay iminungkahi ng bansang Japan sa
bansang England, na kaalyado ng Japan mula pa noong 1902, na sasali lamang sila sa digmaan kung makukuha nila ang
teritoryo ng Germany sa Pasipiko. Kaya’t noong ika-7 ng Agosto, 1914, hiniling ng pamahalaan ng England sa Japan ang
tulong upang mawasak nila ang Imperial German Navy na sumalakay sa paligid ng katubigan ng China. Hindi naglaon ay
nagdeklara ng digmaan ang bansang Japan laban sa Germany. At kaagad sinakop ng Japan ang mga teritoryo ng Germany
sa may probinsya ng Shantung sa China at ang mga pulo ng Carolina at Marianas samay Pasipiko. Nang dahil sa ang mga
kaalyado ng Japan sa Europa ay labis na nakatuon sa digmaan, naging mas agresibo ang Japan upang maisakatuparan
niya ang kanyang interes sa China sa pamamagitan ng panggigiit ng 21 Demands sa pangulo ng China na si Yuan Shikai
2. noong Enero, 1915. Kasama sa mga ito ang pagbibigay ng mas malawak na kapangyarihan at benepisyo sa mga Hapones
sa China. Mariing tumutol ang mga Tsino at isinumbong nila ang Japan sa League of Nations pero walang
nagawa ang ibang mga Kanluranin bansa. Sa huli ay hindi na rin naisakatuparan ang mga hiling ng Japan bagkus ay isang
kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ng dalawang bansa noong Mayo 25, 1915. Sa umpisa ng digmaan ay nagdeklarang
neutral ang bansang China kung saan ay wala itong kakampihan na mga bansa sa Kanluran. Ngunit hindi naglaon ay lihim
na inalok ni Pangulong Yuan Shikai ang ministro ng Great Britain na si John Jordan ng 50,000 tropa upang makuha muli
ang Qingdao. Tumanggi si Jordan sa alok, ngunit agad na ginamit ng Japan ng sarili nitong sandatahang lakas upang
paalisin ang mga Aleman sa lungsod, at manatili doon sa buong giyera. Pagsapit ng Pebrero 1916, maraming mga bilang
ng mga sundalo ang namatay sa Europa dahil sa digmaan kaya’t naisip ni Ministro Jordan ang tulong ng Tsino at sinabi sa
mga opisyal ng Britanya na ang Tsina ay maaaring sumali sa kanilang panig sa kondisyon na tatanggapin siya ng Japan at
ng iba pang mga kaalyado saEuropa. Gayunman, tumanggi ang Japan na payagan ang mga sundalong Tsino na
lumaban, na umaasang manatili sa maging malakas sa Silangan Asya. Kaya’t nagpasya ang mga tagapayo ni Shikai na lihim
na magpadala ng manggagawang Tsino sa Europa upang masuportahan ang mga kaalyado sa pakikipaglaban sa digmaan.
Noong 1916 ay nagsimula nang magpadala ang China ng libu-libong mga manggagawa sa Britain, France at Russia. Ang
mga nasabing manggagawa ay siyang nag-ayos ng mga tangke, nagtipun-tipon ng mga shell, nagdala ng mga supply at
amunisyon, at tumulong upang literal na ibalik ang anyo ng mga battle site. Dahil opisyal na walang kinikilingan ang
China, nabuo ang mga negosyong komersyal upang maibigay ang paggawa at maging dahilan ng pagtulong sa mga
kaalyadong bansa sa Europa. Noong 1917, sinalakay at napalubog ng Germany ang barkong Athos, isang barkong French
na kung saan halos 500 manggagawang Tsino ang namatay dahil dito. Matapos nito ay nagdeklara ng digmaan ng China
laban sa Germany noong Agosto 14, 1917.Nagdesisyon na rin ang China na sumali sa digmaan upang mabago o
matanggal ang hindi pantay na kasunduan nila ng mga bansang Kanluranin. Habang ang Pilipinas naman ay teritoryo ng
Amerika, obligado itong tulungan ang United States. Nagkaroon ng mga sundalong Pilipino para sa US National Army. Ang
pamahalaan ng Estados Unidos ay mayroong quota na itinakda sa 15,000 na sundalong Pilipino. Ang Pilipinas ay nagbigay
ng 25,000 sundalo. Nakilala ito bilang Philippine National Guard (PNG). Gayunpaman, ang PNG ay hindi naisabak sa
digmaan. Ngunit may mga Pilipinong tumapak sa Europa sa panahon ng giyera na nagpalista sa American Expeditionary
Force (AEF). Ang pinakatanyag sa mga sundalong Pilipino na ito ay si Tomas Mateo Claudio, na namatay
sa Battle of Chateau-Thierry noong Hunyo 1918. Siya ang kauna-unahang Pilipino na namatay sa giyera, na sinundan ng
halos 50 pang pagkamatay ng mga Pilipino hanggang sa natapos ang Unang Digmaang Pandaigdig sa parehong taon.
Noong Hulyo 22, 1917, idineklara ng Siam o Thailand ang digmaan laban sa Alemanya at AustriaHungary. Labindalawang
Aleman na sasakyang pandagat na naka-dock sa mga pantalan ng Siam ang kaagad na inagaw. Ang mga tauhan at iba
pang mga pambansang taga-Central Powers ay pinigil at ipinadala sa India upang sumali sa kanilang mga kapwa
mamamayan sa mayroon nang mga sibilyan na internasyonal na kampo sa British India.
Mga Epekto ng Unang DIgmaang Pandaigdig sa Silangang Asya
Sumama ang China sa usapan sa Versailles subalit wala siyang nakuha at nawala pa nga ang Shantung sa kanya. Dahil
dito, hindi nila nilagdaan ang Kasunduan sa Versailles, nagsimula ang isang malawakang protesta sa China laban sa mga
dayuhan. Ang kilusang ito ay tinawag na Kilusang Mayo 4, 1919 (May Fourth Movement) dahil nagsimula sa araw na ito
ang kilusan sa Pamantasan sa Beijing. Dahil malawak ang kilos-protesta, nayanig ang pamahalaan Tsino. Nagsimula rin
ang New Culture Movement na itinakwil ang Confucianism at iba pang makalumang pag-iisip sa China. Nang maitatag
ang League of Nations sa Versailles, tanging Japan lamang ang kasapi nito.
Gawain A: Pagtukoy: Tukuyin ang hinihinging kasagutan sa mga sumusunod na katanungan.Isulat ang mga ito sa sagutang
papel .
1. Lugar sa China na sakop ng bansang Germany
2. Pangulo ng China sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig
3. Unang Pilipinong namatay noong Unang Digmaang Pandaigdig
4. Pangalan ng barkong Pranses na pinasabog ng Germany na kung saan 500 manggagawang Tsino ang namatay
5. Isang malawakang protesta sa China laban sa mga dayuhan noong Mayo 4, 1919
3. AP7 Q4 LAS NO. 4.2 Ang Silangan at Timog-Silangang Asya sa Gitna ng Pandaigdigang Digmaan
NAME:______________________________________ SECTION: ___________________ DATE: ________ SCORE: ______
Ang Silangan at Timog Silangang Asya bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Nagsimula ang pag-aarmas ng iba’t ibang mga bansa, nagkaroon ng arm race o paramihan ng mga armas
pandigma sa pagitan ng mga bansa pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig. At dahil sa hinala na baka mauwi ito sa
isa pang digmaan, tumawag ang United States ng isang kumperensya sa Washington D.C. noong 1921. Nilagyan ng mga
limitasyon ang laki at dami ng mga battleships at nagkasundo na hindi magtatatag ng ibayong pagpapalakas sa mga base
military sa Asya. Sumama ang United States, England, Japan, France at Italy sa pagpupulong. Nagkasundo naman sa isang
kumperensya ang United States, Japan, England at France na rerespetuhin ang kolonya ng bawat isa at reresepetuhin ang
integridad ng China. Nagkaroon ng malakas na pamahalaang republika sa China sa pamumuno ni Chiang Kai Shek, ngunit
hindi pa rin pantay ang mga kasunduan ng mga dayuhan sa Tsino kaya nagkaroon ng mga boykot laban sa kanila. Itinatag
ang Partido Komunista ng Tsina na pinamunuan ni Mao Zedong na kung saan kinalaban ang Kuomintang na naging sanhi
ng pagtugis at pagtulak sa kanila papuntang Hilagang Tsina o Long March. Sinakop ng Japan ang Taiwan noong 1895 at
sinakop naman nito ang Korea noong 1910 sa takot na maapektuhan ang kanyang mga interes sa buong China mismo ng
mga protesta ng Tsino laban sa kanya. Sa kasamaang palad, bumagsak ang stock market ng United States noong 1929 at
doon nagsimula ang Great Depression, na kung saan nahirapan ang mga bansa sa kanilang ekonomiya, lalo na ang Japan
na dahan- dahang ipinasok ang kanyang bansa sa militarisasyon upang manakop sa mga karatig na lupain. Sinolusyunan
ni Pangulong Franklin Delano Roosevelt ang Great Depression sa United States sa pamamagitan ng New Deal, na kung
saan binigyan ang mga Amerikano ng trabaho. Sa Pilipinas, tuloy-tuloy ang pagpapadala ng mga independence mission
sa United States upang ipahatid ang hinaing ng mga Pilipino na lumaya, na siyang nagbunga ng pagpasa sa Batas Tydings-
Mcduffie na naging susi sa pagkakatatag ng Pamahalaang Komonwelt at pagkatapos ay Kalayaan ng bansa.
Ang Silangan at Timog Silangang Asya sa Gitna ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Nilusob ng Japan ang Manchuria noong Setyembre 1931 dahil sa pagiging sagana nito sa hilaw na materyales na
kailangan ng Japan at sa pagiging malawak nito na maaaring tirahan ng mga migranteng Hapon dahil sa paglaki ng
populasyon nito dala ng industriyalisasyon. Noong 1935, tumanggi ang Japan sa kasunduan na naglilimita sa mga warship
at noong Hulyo 1937, biglang nilusob ng mga Hapon ang China. Sa paglusob ng Japan, nakatuon ang pansin nito sa
Nanking na kapitolyo ng China, dito naganap ang malagim na Rape of Nanking noong Disyembre 13, 1937 na kung saan
libo-libong mga Tsino ang pinatay, ginahasa at pinahirapan at nagsaggawa ng malawakang kaguluhan. Upang palakasin
ang kanyang puwersa, nakipag-alyansa ang Japan sa Germany at Italy noong Setyembre 1940, na kung saan tinawag
silang Axis Powers. Bilang sagot sa mga protesta, nagpalabas ng deklarasyon ang Japan na nagsasabing layunin nito ang
pagbuo ng Bagong Kaayusan sa Asya na kung saan hangarin nitong bumuo ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere na
kung saan ang Asya ay para lamang sa mga Asyano at ang mga Kanluranin ay kailangan paalisin sa Asya. Tinugunan ng
United States ang pagiging agresibo ng Japan sa pamamagitan ng paghinto ng pagluluwas ng langis at raw materials sa
Japan at pag-freeze ng mga pera ng Japan sa United States at Pilipinas. At hindi naglaon ay naging magkakamping bansa
ang United States, Great Britain at Russia at tinawag ang kanilang puwersa na Allied. Noong Disyembre 7, 1941
(Disyembre 8, 1941 sa Asya) nang lusubin ng bansang Japan ang base militar ng United States, ang Pearl Harbor sa
Hawaii, kasabay ng pagsalakay ng mga hapon sa Thailand, Malaya, Hong Kong, Pilipinas na kung saan binomba rin ang
iba’t ibang bahagi ng nito, at iba pang mga kolonya ng mga Kanluranin sa Timog Silangang Asya. Bumagsak ang mga
teritoryong sakop ng British Empire at Netherlands. Ang Pilipinas naman na sakop ng United States ay napasakamay na
ng tuluyan ng Japan noong Mayo 6, 1942 nang bumagsak ang Corregidor, ang huling tanggulan ng puwersang Amerikano
sa Asya-Pasipiko. Bago pa man nangyari ito ay tumakas si Heneral Douglas MacArthur, pinuno ng USAFFE (United States
Army Forces in the Far East) at si Manuel L. Quezon, pangulo ng Pamahalaang Komonwelt papuntang Australia. Matapos
ang pangyayaring ito ay napasakamay ng Japan ang buong Timog Silangang Asya. Kinailangan ng Japan ang Timog
Silangang Asya dahil sa likas na yaman nito tulad ng langis, rubber, mineral, bigas, bulak, asukal at iba pang mga
produktong agrikultural. Ang Thailand ay nagsilbing neutral ngunit pinayagan nito ang mga Hapon na dumaan sa kanilang
teritoryo Maluwag na tinanggap ng mga Indonesian at Malay ang mga Hapon dahil sa propaganda ng Japan na
susuportahan nito ang paglaya ng mga dating kolonya ng mga Kanluranin. Tumawag ang Japan ng isang kumperensya
para sa Kalakhang Silangang Asya na naganap noong Nobyembre 1943 na siyang unang kumperensya para sa mga pinuno
ng bansang Asyano. Ngunit nagkaroon ng suliranin sa ekonomiya ang mga bansa sa Timog SIlangang Asya dahil panahon
ng digmaan ay kinukuha ng Japan ang kanilang mga likas na yaman. Naging masama rin ang pagtrato ng mga Hapon sa
kapwa nilang Asyano na naghudyat ng pagkakatatag ng mga kilusang nais pabagsakin ang Japan tulad ng Hukbo ng Bayan
4. Laban sa Hapon o (HUKBALAHAP) sa Pilipinas. Nagkaroon din ng mga pag-aaklas sa Indonesia at Malaysia. Hindi naglaon
nakabangong muli ang United States mula sa pagsabog ng Japan sa Pearl Harbor at pinagtuunan pansin ang digmaan sa
Europa at pagkatapos nito, hinarap na ng mga Amerikano ang Japan. Unti-unti natalo ang mga Hapon sa labanan sa
Pacific. Nahinto ang pagsugod ng Japan sa Australia at hindi nagapi ng mga Hapon ang mga Tsino bagama’t labis ang
hirap na dinanas ng mga Tsino dito. Noong Oktubre 24, 1944, naging matagumpay ang panunumbalik nina Heneral
Douglas MacArthur sa Leyte Gulf. At noong Agosto 1945, tuluyan nang sumuko ang Japan matapos bagsakan ng bomba
atomika ng United States ang Hiroshima noong Agosto 6, 1945 at Nagasaki noong Agosto 9, 1945. At noong Setyembre 2,
1945, naganap ang pormal na pagsuko ng Japan sa USS Missouri na nakadaong sa Tokyo Bay, ito ay ang hudyat na
pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng pagkasira ng mga
imprastraktura, pagbagsak ng ekonomiya at pagkasawi ng milyong-milyong katao.
Ang Mga Ideolohiyang Namayagpag at Sistemang Politikal sa Silangan at Timog Silangang
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay maraming bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ang nakalaya mula
sa kanilang mananakop at nagtatag ng sariling pamahalaan ayon sa mga ideolohiyang namayagpag noong mga panahon
na iyon. Narito ang mga sumusunod na ideolohiya:
a. Komunismo
Sa sistemang ito, walang indibidwal na pag-aari at ang lahat ay pagmamay-ari ng bansa. Ang mga manggagawa rin ang
mangingibabaw sa isang bansa.
b. Sosyalismo
Ito ay tungkol sa katangian at kalagayan ng lipunan at pagpapahalaga sa pagkakapantay-pantay, pagtutulungan at pag-
unlad.
c. Demokrasya
Ito ay tumutukoy sa tuwiran o hindi tuwirang pakikilahok ng mga mamamayan sa pamahalaan.
Ang talahanayan naman na ito ay tumatalakay sa mga sistemang pulitikal na umiral sa mga bansa sa Silangan Asya:
Habang narito naman ang umiral na sistemang pulitikal sa mga bansa sa TimogSilangang Asya:
5. TANDAAN:
• Dahil sa Unang Digmaang Pandaigdig, nabago ang balance of power sa Asya. Humina ang mga Europeo at lumakas ang
United States at Japan.
• Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumakas ang diwang nasyonalismo sa mga bansa sa Silangan at Timog
Slangang Asya.
• Ang mga ideolohiyang namayagpag sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay pinagbatayan ng mga sistemang pulitikal na
naitatag sa mga bansa.
ii.Gawain B. Buuin ang bawat pangungusap at hanapin sa kahon ang tamang salita. Isulat sa sagutang papel.
1. Inatake at binomba ng mga Hapones ang ______________noong Disyembre 7, 1941.
2. Si________________________ang itinalagang pinuno ng USAFFE.
3. Si _________________ ang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt.
4. Itinatag ang ______________________________ upang pabagsakin ang pamumuno ng mga Hapones sa Pilipinas.
5. Noong Setyembre 2, 1945 ay pormal na sumuko ang Japan sa pamamagitan ng isang seremonya na idinaos sa USS
Missouri na nakadaong sa ____________.
lll.GAWAIN C. Punan ang mga katanungan ng sariling pang-unawa na ayon sa mga nabasang teksto. Isulat ito sa
sagutang papel.
1.Ano-ano ang mga ideolohiyang sumibol sa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
2. Ano-ano ang mga uri ng pamahalaang naitatag sa mga bansa sa Silangang Asya?
3. Anu-ano ang mga uri ng pamahalaan na naitatag sa TimogSIlangang Asya?