Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Relihiyon sa Syria. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang katangian ng Relihiyon sa Syria.
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
AP 7 Lesson no. 25-E: Relihiyon sa Syria
1. Lesson 25-E: Relihiyon sa Syria
• Ang relihiyon sa Syria ay marami. Karamihan sa populasyon ng Syria ay binubuo ng relihiyong Islam.
• Islam in Syria – Ito ay sinusunod ng 90% ng populasyon. Noong 634-640 A.D., ang Syria ay sinakop
ng mga Arabong Muslim (Rashidun Army) sa pangunguna ni Khalid Ibn al-Walid. Noong ika-7 siglo,
ang kapital ng Syria, ang Damascus, ang ginawang sentro ng Imperyong Umayyad. Noong 1400,
sinakop ni Tamurlane ang Syria at nasakop ang Damascus. At noong 1516, nasakop ng Imperyong
Ottoman ang Syria.
Sunni Muslim – Ito ay ang pinakamalaking grupong panrelihiyon sa Syria. Ito ay binubuo ng 74% ng
populasyon.
• Christianity in Syria – Ang mga Kristiyano sa Syria ay bumubuo sa 10% ng populasyon ng Syria.
Antiochian Orthodox Church – ito ay ang pinamumunuan ng Greek Orthodox Patriarch of
Antioch. Tinaguriang itong bilang successor ng mga komunidad na binuo ng mga apostol na
pinamumunuan ni Saint Peter at Saint Paul.
Syrian Orthodox Church – Ito din ay tinatawag na “Syrian Orthodox Church of Antioch”. Ito ay
isang sangay ng Orthodox na matatagpuan sa Silangan na bahagi ng Dagat Mediterranean. Ang
opisyal na wika na ginagamit sa simbahan na ito ay Syriac. Sa kasalukuyan, ang simbahang ito ay may
5 milyon na miyembro. Ang mga pari ay pwedeng maikasal bago sila mai-ordain bilang isang ganap na
buong pari (full priest).
Ang Damascus ay isa sa mga pinakaunang lungsod na nakatanggap ng Kristiyanismo sa
pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon ni Saint Peter.
Ang isang pang ebidensiya ng presensya ng Kristiyanismo sa Syria ay ang presensya ng mga
monastery sa bansa.
• Judaism in Syria – Ito ay ang mga Hudyong na nagsimula noong panahon ng Bibliya o ang mga
refugees ng Spanish Inquisition.
Syrian Jews – Ito ay ang mga Hudyong naninirahan sa modernong estado ng Syria. Nanggaling ang
mga Sephardim o ang mga sinaunang Syrian, mula sa Espanya. Sila ay pinatanggal sa Espanya
noong 1492. Ang mga Syrian Jews ay may maraming himno o hymns na ginagamit nila sa panrelihiyon
at panritwal na gamit.
• Mga Paniniwala ng mga Lokal na Tao – Naniniwala ang mga tao sa mga kapangyarihan ng mabuti at
masama.