4. PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita
na nagtataglay ng kahulugan. Bawat salita sa isang wika ay
binubuo ng mga pantig na pinagsama-sama. Subalit hindi
lahat ng pinagsama-samang mga pantig ay makakabuo ng
isang salita
5. PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
Ayon kay Santiago (2003), ang mga salita sa Filipino
kapag nilapian ay dumaraan sa proseso ng
pagbabago, ito ay tinatawag na pagbabagong
morpoponemiko sa Filipino na nakalahad sa kanyang
aklat na Makabagong Balarilang Filipino.
7. PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
1. PAGLILIPAT DIIN
Ito ay mga salitang nagbabago ang diin kapag nalalapian. Puwedeng malipat ng
isa o dalawang pantig ang diin papunta sa huling pantig o maaari ding malipat
ang diin mula sa huling pantig papunta sa unahan ng salita.
Halimbawa:
bAsa + hin = basAhin
lUto + an = lutUan
sAbi + han = sabIhan
larO + an = laruAn
ka+ginhAwa+an =kaginhawAan
8. PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
2. PAGSUSUDLONG
Pagdaragdag ng isa pang hulapi sa salitang nahulapian na, o ang
salitang pinapandiwa na may hulapi na ito ay sinusudlungan o
dinaragdagan pa rin ng isa pang hulapi.
Halimbawa:
alala + han + in = alalahanin
antabay + an + an = antabayanan
9. PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
3. PAG-AANGKOP
Ito ay ang pagsasama ng dalawang salita upang makabuo ng isang
bagong salita. May nagaganap ding pagkakaltas upang mapaikli ang
nabuong bagong salita.
Halimbawa:
hintay + ka = teka tayo + na = tana
wika + ko = ikako ayaw + ko = ayoko
tingnan + mo = tamo
10. PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
4. REDUPLIKASYON
Ang reduplikasyon ay ang pag-uulit ng pantig ng salita. Ang pag-uulit na ito
ay maaaring magpahiwatig ng kilos na ginagawa o gagawin pa lamang,
tagagawa ng kilos o pagpaparami.
Halimbawa:
Aalis Pupunta Bubuksan
Matataas Masasaya Magsasanay
Magtataho Naglalakad
11. SUMMARY
PAGLILIPAT DIIN
Ito ay ang pagbabago
ng diin kapag
nalalapian.
Halimbawa:
sAbi+han=sabIhanka+
ginhAwa+an
=kaginhawAan
PAGSUSUDLONG
Ito ay pagdaragdag ng
isa pang hulapi sa
salitang nahulapian na.
Halimbawa:
alala+han+in
=alalahanin
PAG-AANGKOP
Pinagsasama ang
dalawang salita upang
makabuo ng isang
bagong salita.
Halimbawa:
hintay + ka = teka
ayaw + ko = ayoko
REDUPLIKASYON
Ito ay ang pag-uulit
ng pantig ng salita
Halimbawa:
masasaya
Nagsusulat
kakain
V
12. SANGGUNIAN
Guest. (n.d.). Pagbabagong Morpoponemiko. pdfcoffee.com. Retrieved October 12, 2021, from
https://pdfcoffee.com/pagbabagong-morpoponemiko-pdf-free.html.
MELC-based: Ponemang Malayang Nagpapalitan at Paglilipat-DIIN: Pagbabagong Morpoponemiko:
AB EP 25. YouTube. (2020, November 9). Retrieved October 12, 2021, from
https://youtu.be/OFzdm2z5ypk.