SlideShare a Scribd company logo
1 of 59
Hari Manawari
German Villanueva Gervacio
Hari Manawari
i. Dalawang Bugtong
ii. Isang Kahilingan
iii. Lupain ng mga Higante
iv. Awit ng Sirena
v. Mga Amoy at Panimdim
vi. Tatlong Haragan, Isang Sugatan
vii. Ang Munting Prinsesang Nakaupo sa Tasa
viii. Alam Mo Ba Na Ang Tawag Sa Alitaptap Dito Ay Aninipot?
ix. Mga Sumpa
x. Ang Rebelasyon
Epilog: Sic Itur Ad Astra
Isang sanggol ang ipinaghehele ng yayat at kulubot na bisig:
Ako ay nagtanim
1 ng 126
Kapirasong luya
Nang tumubo’y gabi
Namunga ng mangga
Nang pipitasin ko
Hinog na papaya
Lumagpak sa lupa
Magandang Dalaga
Sa paglaki ng sanggol, maniniwala ito sa pag-ibig
At kababalaghan.
I. Dalawang Bugtong
Sa pulo ng Mnaiwantiwan, isang dalaga ang aakyat sa bahay na yari sa kapis upang magpakulo
ng halamang-dagat. Magsasayaw ang hagdan. Magigiba ang bubong ng lutuan. Madudurog ang
kalan.
Sa katunayan, ang ganda ng Laguindingan ang pumatay kay Prinsipe Manawari.
Inagaw ng paligid ang kanyang iniisip. Galing siya sa Pulo ng Laguindingan subalit ngayon lang
niya namalas ang tunay nitong ganda. Mula sa kinalululanang Magik Malong ay sinuyod niya ang
angkin nitong halina. Pinababa niya kaysa karaniwan ang lipad ng Magik Malong. Sa tanglaw ng
buwan, ay tila ulap ang labusaw ng dagat. Mistulang sariwang cauliflower ang pulo sa gitna ng
sariwa ring tubig. Subalit sa sandaling ito ay ang hagdan-hagdang palayan ang nakanakaw ng
pansin ni Prinsipe Manwari. Obra-maestra ng isang manlililok ang mga payaw. O Mistulang piraso
ng jamon na inilatag ng isang henyong kusinero. Nakaramdam tuloy ng gutom ang prinsipe maging
ang tatlong hayop na lulan ng Magik Malong.
Subalit mas may gutom pa pala sa kanila. Mula sa kanilang likuran ay umatake ang mabangis
na berkakan. Ang hampas ng buntot nito ang nagpagewang sa Magik Malong na ikinahulog naman
ni Prinsipe Manawari. Bumagsak siya sa bunganga ng dambuhalang isda. Sinalo ang kanyang
katawan ng sagpang ng matatalim na pangil nito. Hinila siya pababa, sa lalim ng dagat ng mabangis
na berkakan. Nagpupuyos ang galit ng dambuhalang isda at hinalihaw ang prinsipe sa matatalim
na korales. Kumayod ang kanyang mga braso’t binti sa mga korales at ngumudngod ang mukhang
ngayo’y nabubuan ng dugo. Sa bawat paggiyagis ng pangil sa nawawakawak niyang mga laman ay
may tila sumusundot na kuryente sa kanyang isipan. Nagsalimbayan sa humuhulagpos niyang
2 ng 126
kamalayan ang mga sandali ng pinagdaanang buhay. Manhid na ang pakiramdam ni Prinsipe
Manawari at anumang sandali’y tanto niyang iiwan siya ng huling pusikit sa kanyang nanlalabong
mga mata. Sa isang mariing sakmal ng berkakan at paghambalos ng ulo niya sa korales, ay
inangkin siya ng di maipaliwanag na kagaangan. Matapos ay ang walang hanggang dilim.
Payapa na ang kanina lang ay halos sumabog sa galak na kaharian. Bilog na bilog ang maliwanag
na buwan. Nakatindig si Prinsipe Manawari sa labas ng balkon. Tinatanaw niya ang latag ng
kabundukang tila nahihimbing na mayuming dalaga. Naiisip niya kung ilang mga bundok, patag at
dagat pa ang nasa likuran nito. Saang bundok, patag o dagat doon nagkukubli ang katuparan ng
kanyang mga pangarap?
Mamaya ang simula ng kanyang paglalakbay. Ang akala niya’y ang kanilang kaharian lamang
ang kanyang lilibutin. Hindi ba’t ito ang ihinayag ng bolang kristal ni Merlin? Siya, si Prinsipe
Manawari, ang pinakamakisig at nag-iisang prinsipe, ay makatatagpo ng dalagang kanyang
mamahalin. Isang dalagang bigla na lamang susulpot sa inihandang masigabong kasiyahan ng
kanyang Amang Haring Bacocos at Inang Reyna Bicuda Nakasakay ang dalaga sa karwaheng hila-
hila ng makikisig na kabayo. Kitang-kita niya sa bolang kristal ang dalagang iyon. Ang
balingkinitang pangangatawan. Ang kulay-niyebeng kaputian. Ang nakapusod na ginintuang buhok.
Ang mga matang tila diamante. At isasayaw niya ang dalagang ito sa saliw ng waltz. At maglalaho
ang kaharian at anumang nasa kanilang paligid. Sila na lamang dalawa at sa pagitan nila’y ang
dumadapong pag-ibig. Subalit kasinghiwaga ng pag-ibig na ito ang dalaga. Maglalaho ito sa
hudyat ng hatinggabi at iiwanan siya ng isang makinang na alaala at malamlam na anino ng
panghihinayang. Subalit hindi siya mag-aalala. Ito rin ang sinasabi ng bolang kristal. Susuyurin
niya ang buong kaharian at pasasaan man ay matatagpuan din niya ang mahiwagang dalaga. At
muling sasabog sa galak ang buong kaharian sa kanilang pag-iisang dibdib.
Subalit tumatanda na nga bang talaga si Merlin at lumalabo na ang bolang kristal nito? Bakit
isang mahiwagang dalaga lamang ang lumitaw sa bolang kristal? Bakit hindi nahagip ng mga tarot
kard ang pagdatal din ng isa pang mahiwagang dalaga? Dahil noong gabi ngang iyon, matapos
tumalilis ang unang mahiwagang dalaga’y may natanaw sila mula sa papawirin. Ang akala nila’y ang
ikapat lang ng nagtatanod na buwan. Ngunit habang papalapit nang papalapit ay napagsino nilang
isa palang napakalaking barko! Mistula itong isang islang lumilipad. At sa paglapag nito ay napuno
ang kaharian ng simoy ng aromang tila nagmumula sa ibang daigdig. Iniluwa nito ang isang may
kaliitang dalaga. Kulay-lupa ang balat nito at kaygandang pagmasdan. Umaalong itim na dagat ang
buhok nito na ultimo ang liwanag ng buwan ay hindi makalagos. Ang mga mata ng dalaga’y pares ng
mutiang pinagyaman sa pinakamalalim na karagatan. Muntik na niyang mabitiwan at mabasag ang
tangang salaming sapatos sa pagkakatigalgal.
Mas mahiwaga ang ikalawang dalaga kaysa una. Hindi man lang niya ito nakadaupang palad
dahil umimbay itong mag-isa sa saliw ng di niya mawawaang musika na nagmumula sa mahiwagang
barko. Hindi rin ito tumititig sa kanya habang umiimbay. Ang mga mata nito’y lagi nang
nakatutok sa lupa o dili kaya’y sa kalangitan. Waring hinahalukay nito ang lihim ng lalim at
3 ng 126
sinusungkit ang hiwaga ng kalawakan. Alitaptap na dumadapo sa kanyang mga mata ang gintong
kalumbiga’t pulseras sa braso’t bukong-bukong ng dalaga habang isinasayaw ng hangin ang
sarikulay na sedang kasuutan nito. Isang kaanyuang ngayon lang nasilayan ng buong kaharian.
Isang kagandahang hindi niya mawari kung ang mga mata niya ang naglalarawan o ang kaibuturan
ng kanyang kaakuhan. Muli, ang naramdaman niya sa unang mahiwagang dalaga ay muli niyang
naramdaman. At tila higit pa. Dahil habang pinagmamasdan niya ang ritmo ng mga paang iyon na
walang sapin ay parang ang dibdib niya ang kumakabog sa halip na ang sa lupa. Walang sapin ang
maliliit na paang ito at kulay-lupa subalit sa pananaw niya’y tila mas makinang ito kaysa salaming
sapatos ng naunang dalaga. At sa yugtong iyon na wari’y nakapag-ipon siya ng lakas ng loob para
lapitan ang dalaga ay bigla itong tumalilis katulad ng unang dalaga. Wala siyang nagawa kundi ang
tanawin ang kinalulanang barko nito papalayo, papataas sa kung saan mang bituin galing ang
kagandahang iyon. Nakangangang sugat ang kanyang mukha at unat pataas ang kanyang bukas-
palad na mga kamay na wari’y nais higupin pabalik ang dalaga. Sa halip, isang panyo mula sa itaas
ang lumapag sa nangungulila niyang palad.
Salaming sapatos. Mahiwagang panyo. Hindi na ba naubusan ng bugtong ang pag-ibig? At ang
Unang Bugtong ang pinilit ipatugon sa kanya ng Amang Hari. Ito rin ang nabanaag niya sa
umaasang mga mata ng buong kaharian. At hindi nga ba’t ito naman ang inihihimatong ng
tadhana? Ito ang bukas na pinatototohanan ng bolang kristal? Ito ang bukas na maghahatid sa
kanya at sa kanila sa walang hanggang kaligayahan.
Subalit ngayon ngang payapa na ang kanina lang ay halos sumabog sa galak na kaharian na
naging saksi sa kanilang pag-iisang-dibdib, may naghuhumiyaw namang lungkot sa kanyang
kaluluwa. Hindi niya napigil ang pagsilip ng luha sa kanyang mga mata hanggang sa manlabo ang
kanyang paningin—ang bilog na bilog na buwan ay naging barko sa dagat na papawirin. Ang latag
ng bundok na tila mayuming dalagang nahihimbing ay waring tumindig at lumulan sa buwang barko.
Papalapit sa kanya ang barko. Papalapit sa kanya ang dalaga. Nahintakutan siya sa waring
nakikita’t naiisip. Nagpasya na lamang siyang pumasok na sa kuwarto nilang magsing-irog.
Marahil ay nahapo kaya nahimbing. Payapa na ang kanina’y-halos-sumabog-sa-galak na mukha
ng prinsesa. Bagamat tila hindi naalagaan ang ginintuang buhok ay may kintab itong banayad sa
mata. Umupo ang prinsipe sa gilid ng kama at hinaplos-haplos ang buhok ng prinsesa. Sinalo ng
daliri ang nakasaboy sa may patilya’t pisngi at iniipit sa likod ng tainga. Tumambad tuloy ang
nanghihigop na uli-uli sa pisngi. Napansin niyang sa pagkakapikit ay lalong pumilantik ang mga
pilikmata ng marikit na prinsesa. Tinangka niyang hagkan ang mga pilikmatang tila laging
nagkakanlong ng mamasa-masang luha. Hindi niya itinuloy ang pagtatangka.
Idinako niya ang wari’y lumilikot na mga mata sa mahaba at bilugang leeg ng prinsesang
kabiyak. Sa tamang-tamang umbok ng dibdib ng kabiyak. Sa kurbadang baiwang at humpak na
puson ng kabiyak. Sa hita’t binti ng kabiyak. Sa maliliit na paa’t hubog-kandilang mga daliri.. Sa
kabuuan ng kabiyak, at tila may nabibiyak din sa kanyang kaluluwa Ang nangungurog na ngayong
kamay na kanina’y nagtangkang humawak sa kabuuan ng kabiyak, ay natagpuan niya ngayong
dinarama sa halip ang palad nito.
Tinatalo siya ng paggalang? O binabagabag siya ng napipintong pagtataksil?
Kinudlitan niya ng halik sa noo ang nahihimbing na prinsesa. Dahan-dahan siyang bumitiw sa
4 ng 126
palad nito at hinubad ang nakatulugan nang pares ng salaming sapatos ng kanyang prinsesang
nahihimbing. Parang kaybigat ikilos ng kanyang mga bisig. Kaygaan ng sapatos subalit parang
kaybigat ng kanyang ginagawa. Hindi lamang niya matiyak kung dahil ito sa takot at kalungkutang
kanyang nadarama. Dinala siya sa harap ng antigong aparador ng kimkim niya ngayong takot at
kalungkutan. Marahan niyang binuksan at ang malakas-lakas na kreeek ng nabuksang pinto ay
hindi nakagambala sa nahihimbing. Nanginginig ang kanyang mga kamay nang damputin ang isang
baulito na napapalamutian ng binuhanging ginto at lantay ng diamante, ruby at jade. Marahan
niyang binuksan ito at unti-unting nakatakas ang ningning at liwanag na nakabilanggo sa loob ng
baulito. Tumambad sa kanya ang panyong may intrikadong gantsilyo. Ang mahiwagang panyong
hindi niya matiyak kung sadyang ihinulog ng mahiwagang dalaga. Kinuha niya ito at inihalili sa
baulito ang pares ng sapatos ng kabiyak. At saka siya muling nagpasya. Kailangan niyang tugunin
ang Ikalawang Bugtong ng Pag-ibig.
Sakay siya ng kanyang matikas na puting kabayo at tinatanaw ang tila nunal na lamang na
kaharian sa nguso ng malawak na lupain. Nagtago na ang buwan nang maulinigan ang pag-anggi ng
niyebe. Napabaling ang tanaw ng prinsipe sa kakahuyan habang nalalambungan ito ng puting
niyebe. Nakagaan ng bahagya sa kanyang pakiramdam ang tanawing ito at magpapasya sana siyang
magpahinga muna sandali. Subalit humalinghing ang kanyang matikas na kabayo upang ipaalalang
hindi saklaw ng kanilang kamaharlikaan ang ganitong uri ng pag-aaliw. Ipinasya niyang ipagpatuloy
ang paglalakbay upang hanapin ang mahiwagang dalagang may ari ng mahiwagang panyong isiniksik
niya sa kanyang marangya ring pananamit, sa tapat ng kanyang nasasabik-nag-aalalang dibdib.
II. Isang Kahilingan
Bumulagta na lamang bigla ang kanyang dating matikas na puting kabayo na ngayon ay tila
parilya ng isang gumuhong tore. Sa pagsasara niya ng mga mata nito ay naaninaw pa niya ang
waring paghingi ng paumanhin dahil hindi nito nagampanan ang kanyang silbi sa among prinsipe.
Nanlumo si Prinsipe Manawari sa sinapit ng nasirang hayop at nakaramdam ng bahagyang
pagkakonsensya at nadamay ito sa kanyang kahibangan. Halos nakakatatlong palit na ng buwan at
patuloy pa rin silang naglalakbay. At ngayon nga’y sumuko na ang kawawang alalay matapos na
matawid nila ang ilang bundok at ilang disyertong katulad ng katatapos lang nilang mabagtas.
Nakaramdam siya ng panghihinayang dahil ngayon pa ito tinakasan ng hininga gayong tanaw na
niya di-kalayuan ang isang punungkahoy na sa pagkakaluhod ay tila hinahagkan ang mga paa ng
Dios. Inubos niya ang natitira pang lakas sa paghila sa wala nang hiningang kabayo palapit sa
punungkahoy. Isang Punong Higera pala ang kanyang natanaw. Napakalapad ng punong ito na
5 ng 126
kakailanganin siguro ang dalawampung gladiator na magkakapit-bisig para para mayakap ang
katawan ng dambuhalang puno. Dinala niya sa likod ng Punong Higera ang kabayo at nangalap ng
mga tuyong dahon at yabat na ipantatabon dito. Wala na siyang lakas para gumawa ng hukay na
paglilibingan nito. Ang tila nakadipang-krus na puno ang magiging tanda ng pagpanaw ng kanyang
matapat na alalay.
Matapos siyang umusal ng dasal ay sumalampak siya nang pasandal sa katawan ng malapad na
puno. Ngayon niya naramdaman ang matinding hapo, uhaw at gutom. Inilabas niya ang pilak na
kanister ng tubig. Sinalo ng kanyang nanunuyong dila ang huling tatlong patak ng tubig. Inilabas
niya mula sa lukbutan ang kahuli-hulihang piraso ng tinapay na ipinabaon ni Merlin. Akmang
kakagatin na niya ang tinapay nang may mapansin siyang isang usang tumatakam at nakatanghod
sa kanya. Piniraso niya ang katlong bahagi ng tinapay at isinubo sa mabilis namang tumalilis na
usa. Isusubo na sana niya ang natirang tinapay nang may maramdaman siyang marahang tapik sa
kanyang balikat at maulinigang tila nangangalos na tinig.
“Amang, maari bang mabahaginan mo ako ng iyong pagkain?”
Nang lingunin niya ang may-ari ng tinig ay tumambad sa kanya ang isang gusgusin at butuhang
matandang babaeng pulubi na tila isang tungkod na lamang sa loob ng isang nangangarilong na
kumot.
“Ito na po ang huling piraso ng aking pagkain. Kung hindi nga lang po ako nagugutom din ay
ibibigay ko na sa inyo lahat. Pero kung inyo pong ipagpapatawad, hahatiin ko po ito para sa ating
dalawa.”
“Salamat Amang. Ilang araw na rin po kasi akong hundi kumakain.”
“Kung gayo’y pagdamutan po ninyo itong kapirasong tinapay.”
“Salamat. Pagpalain ka sana ni Bathala.”
Ngingitian sana niya ang matanda upang sabihin na walang anuman nang biglang may
nakasisilaw na liwanag na bumalot dito. Napapikit ang prinsipe sa sobrang liwanag at nang idilat
niya ang kanyang mga mata ay hindi na ang gusgusing matanda ang kanyang nasa harapan.
Kaharap niya ngayon ang isang dalagitang ang walang saping mga paa ay nakalutang sa lupa.
Nababalutan ito ng kulay dilaw-na-gintong liwanag. Hindi niya maaninag ang mukha nito sa tindi
ng liwanag na nakapalibot. Hinugot niya at iniumang ang kanyang espada pero paatras ang
kanyang katawan. Tinangka niyang tumakbo subalit wala na siyang mahugot na lakas.
“Huwag kang matakot, Prinsipe Manawari. Ako ang diwata ng kagubatang ito at nasaksihan
ko ang iyong pagpapala sa mga hayop at paggalang sa mga punungkahoy. Naramdaman ko rin ang
kadalisayan ng iyong puso sa pagtulong sa mga nangangailangan. Bilang gantimpala ay bibigyan
kita ng isang kahilingan.”
Mangha ang prinsipe dahil kilala siya nito subalit alam niyang pangkaraniwan naman ang
ganitong mga nilalang. Maging sa kanilang kaharian ay mayroong tulad nito. Ang
kinagugulumihanan niya ngayon ay ang gantimpalang nais ipagkaloob nito. Dahil nga rin siguro sa
desperasyon kaya nais niyang kustyunin kung bakit isang kahilingan lamang ang ibibigay sa kanya.
Ayaw niyang manghula ng sagot kaya bagamat nag-aalangan ay itinanong na rin niya.
“Maraming salamat po at malugod kong tinatanggap ang inyong gantimpala. Subalit kung inyo
pong mamarapatin ay mayroon po sana akong nais na malaman.”
6 ng 126
“Magpatuloy ka, ano ang iyong katanungan?”
“A, e… Hindi po ba na ang karaniwang ibinibigay na kahilingan ng mga tulad ninyo ay tatlo?
Bakit po isang kahilingan lamang ang maari kong hilingin?”
“Kaydali mo yatang makalimot. Hindi ba’t katlong bahagi lamang ng tinapay ang ibinigay mo
sa akin? Kung gayo’y isang kahilingan lamang ang laan sa iyo.”
Napakamot ng di-naman-makating-ulo ang prinsipe. Nagpatuloy ang Diwata ng Kagubatan.
“Subalit ano ba ang bale kung isang kahilingan lamang? Kung ikaw naman ay tuso’t matalas,
mahihiling mo ang naisin sa isa lamang kahilingan.”
Napaisip ang prinsipe at napangisi siya nang may biglang bumumbilyang ideya sa kanyang
utak.
“Kung gano’n po, Mahal na Diwata. Ang una ko pong hiling ay bigyan n’yo ako ng tatlong
kahilingan!”
Ang Mahal na Diwata naman ang napakamot sa di-naman-makating-ulo. Subalit mangingiti
lamang ito at…
“Kung iyan ang nais mo’y matutupad. Ibibigay ko ang iyong kahilingan.”
Kwwwtxxxx.zzzzzzz… Kwwwtxxxx.zzzzzzz…
Biglang wari’y lumakas ang prinsipe at sabik na pinagkiskis ang kanyang dalawang palad.
Handa na siya sa natawarang tatlong kahilingan. Subalit naiwang nakanganga ang kanyang bibig
nang may ipahabol ang Diwata.
“Tandaan mo lamang na ang iyong hihilingin ay may kinalaman sa iyong pakay subalit hindi ang
mismong katuparan ng pakay na iyon. At anumang iyong hihilingin ay ikapitong beses mong isipin
dahil hindi mo na ito mababago. Nagkakaunawaan ba tayo?”
“Malinaw na po sa akin ang lahat. Kung gayon po’y maaari na po ba akong humiling?
“Sige, ano ang iyong kahilingan?
“Bigyan n’yo po ako ng kasama sa aking paglalakbay. Kahit ano pong makatutulong sa
paghahanap ko sa aking pakay.”
Ipinadyak ng Diwata sa hangin ang mga paa nitong walang sapin at biglang may sumulpot sa
harapan nilang isang tisikong asong putol ang buntot at alimbyuging manok na may napakahabang
buntot at lunting palong na tila dahon ng kaktus. Napalitan ng pagtataka ang gulat ng prinsipe.
“Paano naman po makatutulong ang aso at manok na iyan sa aking paglalakbay?”
“Hinihiling mo bang ihayag ko sa iyo kung paano ka matutulungan ng asong iyan?”
“Siempre naman po,”
“At gusto mo ring malaman ang silbi ng manok?”
“Opo rin po.”
“Kung gano’n. Para sa iyong ikalawang kahilingan…”
“Teka, teka lang po…Bakit po ikalawa nang kahilingan?”
“Hindi ba’t sinabi mong hinihiling mo na sabihin ko sa iyo ang halaga ng dalawang hayop na
iyan?” Nakangising paliwanag ng Diwata. “Kung gayon, ito na ang iyong ikalawang kahilingan...”
Napailing at napakamot na naman ng di-naman-makating-ulo ang prinsipe pero hindi na siya
nakipagtalo pa sa Diwata. Nagpatuloy ang Diwata para tuparin ang kanyang susunod na kahilingan.
“Aalulong ang asong ito kapag may mga espiritu at lamanlupang nakikita o dili kaya’y may
7 ng 126
panganib na nagbabadya. Kung nais mo ring makita ang nakikita ng aso, ipahid mo ang muta nito
sa iyong mga mata. Sa pagtulog mo naman ay dadalawin ka ng masasamang panaginip. Kung ayaw
mong magkatotoo ito, ikuwento mo sa manok ang iyong mga bangungot at matapos ay kagatin mo
ang lunting palong nito. Sige, humayo ka na at malayo pa ang iyong lalakbayin.”
Pagkasabi niyon ay akmang paglalahuin na ng Diwata ang sarili nito. Subalit napatayo na ang
prinsipe para “habulin” ang ikatlo pa niyang kahilingan.
“Teka lang po, Mahal na Diwata. May natitira pa po yata akong isang kahilingan?”
“Hindi yata tayo nagkakaunawaan…?”
“Hindi nga po yata…” Medyo yamot na ang prinsipe.
“Ang isang kahilingan mo’y ang makakatuwang mo sa paglalakbay. Nariyan na ang aso at
manok. Hiniling mo na sabihin ko sa iyo kung paano mo magagamit ang aso at manok. Sinabi ko sa
iyo ang silbi ng aso at silbi ng manok, isa na namang kahilingan…”
“Kung gano’n man po’y dalawa pa lamang ang aking nahihiling.”
“Ang aga mo yatang nag-ulyanin. Hindi ba’t nung una’y humiling ka na bigyan kita ng tatlong
kahilingan? Isang kahilingan din iyon. Kung ganoon ay tatlong kahilingan mo na ang aking
natupad.”
Tumangu-tango na lamang ang prinsipe bagamat nagsasalubong na ang kanyang kilay.
Bagamat sa pagsusuma ay napagtanto rin niyang wala naman siyang dapat ikatampo sa tila
naglalarong dalagitang Diwata. Bagamat nga rin na malungkot-ang-mukhang nagpaalam na siya sa
Diwata. Ang Diwata naman ang pumigil sa kanya.
“Teka lang. Masyado ka namang matampuhin. Dahil madali ka namang kausap, may pabuya ka
sa akin.”
Nasabik ang prinsipe. Ang Diwata naman ay pumailanlang patungo sa dulo ng Punong Higera at
may kinuha sa dahon nito. Nang lumapag ito’y may dala-dala nang isang singsing-ita. Binulungan
ito ng Diwata at ang itim na singsing-ita ay nagkulay-ginto.
“Mahiwaga ang singsing-ita na ito. Nagpapalipat-lipat ito sa daliri ng kung sino mang may
suot nito. Ibibigay ko ito sa iyo. Kapag ibinulong mo rito na kailangan mo ako ay bigla akong
susulpot sa iyong harapan, kahit nasaan ka man. Subalit tiyakin mo lang na bago ka bumulong ay
nasa palasingsingan ang singsing na ito. Hindi ako magpapakita kung nasa ibang daliri ito sa halip
na nasa palasingsingan. Tiyakin mo ring bubulong ka lamang kung kailangang-kailangan mo na ako,
dahil iyon na ang ating magiging huling pagkikita natin at huling pagtulong ko sa iyo. Nauunawaan
mo ba, Prinsipe Manawari?”
Bagamat hindi niya masyadong masakyan ang Diwata ay tumango na rin ang prinsipe.
“Tanggapin mo rin ang Magik Malong na ito...”
“Alam ko na! Singit ng prinsipe. “Magagamit ko ang malong na iyan para maging imbisibol
ako!” Sabik na bulalas ng prinsipe.
“Hindi. Maginaw kasi rito sa kagubatan at medyo malamok. Baka ma-malaria ka. Puwede mo
itong gamitin sa iyong pagtulog.”
“Akala ko po ba’y may magik ang malong na ito?”
“Oo nga. Hindi ito dumudumi kaya puwede mo nang hindi labhan. At kung mabubutas man ay
nasusulsihan nito ang kanyang sarili. Hahandugan din kita ng isang…”
8 ng 126
“Water Buffalo?!” Gulat at nagtatakang naisigaw ng prinsipe nang biglang may sumulpot na
tabogol na putim na hayop sa kanyang harapan.
“Hindi yan Bulalo.”
“Buffalo po ang sabi ko.”
“Ke Bulalo, ke Bupalo, parehong mali. Kabaw iyan. Tawagin mo siyang Kalabawbibaw. Nakita
kong namatay na ang iyong kabayo. Kakailanganin mo si Kalabawbibaw sa iyong paglalakbay.
Ngayo’y maari ka nang humayo.”
“Teka lang po. Mukhang hindi naman tatagal ang kabaw na yan. Tingnan ninyo ang mga paa,
parang pinitpit na luya.”
“Magdahan-dahan ka, binata. Baka ang pinitpit na luyang iyan pa ang makatulong sa
pagbabalik ng iyong buhay.”
“Ano po ang ibig ninyong sabihin?”
“Ang tanda, Prinsipe Manawari. Ang tanda.”
“Hindi ko po maunawaan. Ano pong tanda?”
“Naaaninag ko sa iyong pilikmata. Ang pagsayaw ng hagdan. Ang paggiba ng bubong ng
lutuan. Ang pagkadurog ng kalan…”
“Ano pong…?”
“Mapanganib ang gagawin mong paglalakbay. Ngayon pa lang ay masanay ka nang magtiwala.”
Pagkasabi nito ay may itatanong pa sana ang prinsipe subalit bumalik na sa dating anyo ang Diwata
ng Kagubatan. Muli itong naging tila tungkod sa loob ng nangangarilong na kumot. Nagpasya ang
prinsipeng itanong na rin sa matandang pulubi ang itatanong sana niya sa Diwata.
“Paano po ako makararating sa aking paroroonan?” Tanong niya sa gusgusing matanda.
“Huwag mo lang kalimutang lumingon sa iyong pinanggalingan Amang,” sagot ng butuhang
matanda at matapos ay naglaho na lamang itong parang bula. Isinampay ng prinsipe ang kanyang
lukbutan sa balikat ng kalabaw at sinapinan ng malong ang likod nito. Sumakay na siya at
nagpatuloy sa paglalakbay. Umiinday-inday ang tabogol na kabaw na may mga paang parang
pinitpit na luya at kasunod na nila ang kuma-“kaw! kaw!” na tisikong aso at kumo-“korokokok” na
alimbyuging manok.
III. Lupain ng mga Higante
Hindi lamang siya lumingon kundi bumalik na sa kanyang pinanggalingan. Tahimik ang kaharian
tulad ng gabing lisanin niya ito. Una niyang pinuntahan ang nilisang kabiyak. Payapa itong
natutulog tulad ng gabing iwan niya. Ganoong-ganoon ang ayos ng prinsesa maliban sa suot nito
ang salaming sapatos na hinubad niya at itinago sa baulito bago siya umalis at naglayag. Umupo
siya sa gilid ng kama at hahagkan sana sa noo ang kabiyak na prinsesa nang may bigla siyang
napansin sa noo nito. Kaytagal na ba niyang nawala at may gatla na ang noo ng kanyang kaawa-
awang asawa? Subalit tila yata may pilantik ng buhok ang gatla nito sa noo? Hahaplusin dapat
9 ng 126
niya ang “gatla” nang biglang bumukas ito. Hindi siya makapaniwala ngunit mata ba ang nakikita
niyang nasa noo ng kabiyak? Kumurap-kurap ang matang iyon at nang mapansin siya ay tinitigan
siya nito nang masama. Parang titig ng pusang nasa hapag. Napaatras ang prinsipe at
napahandusay sa sahig. Biglang bumangon ang kabiyak na prinsesa. Pikit ang dalawang mata nito
maliban sa mata ngang nakadilat na nasa noo. Galit ang matang iyon. At mula sa pagkakahandusay
niya’y tila lumalaki ang tingin niya sa kabiyak. Lumaki ito nang lumaki hanggang sa umumpog na sa
kisame ng kanilang kuwarto. Nagpatuloy ito sa paglaki hanggang sa mabutas na at gumuho ang
kanilang bubungan. Sumayaw ang hagdan. Nagiba rin ang bubong lutuan. Nadurog ang kalan
Iniangat ng prinsesa ang kanang paa nito na ngayon ay halos kasinglaki na ng prinsipe. Nakita niya
ang repleksyon ng nahihintakutang sarili sa talampakan ng salaming sapatos. Yayapakan siya at
pipisakin ng kanyang pinagtaksilang kabiyak. Napakatulis na tila dambuhalang balaraw ang takong
ng salaming sapatos na padikit na sa kanyang namumutlang mukha. Naisip ng prinsipeng
magpasaklolo sa Diwata ng Kagubatan. Bubulungan na dapat niya ang suot na gintong singsing-ita
subalit sa hinlalato niya ito nakapulupot. Iginalaw-galaw niya ang kanyang mga daliri sa
pagbabakasakaling lumipat ang singsing sa kabilang daliri, sa palasingsingan. Subalit tulog-suka
ang singsing. Walang nagawa si Prinsipe Manawari kundi umusal ng dasal na sana manawari’y
napatawad siya ng kabiyak na prinsesa bago lamang siya patayin nito. Napapikit na lamang ang
prinsipe. Handa niyang tanggapin ang kanyang kaparusahan. Una niyang naramdamang tumusok
ang matulis na takong sa kanyang pisngi. Sunud-sunod ang tusok nito at napaungol siya. Isa pang
mariing pagtusok at napadilat siya. Nagisnan niya ang alimbyuging manok na tinutuka ang kanyang
pisngi.
Matapos mapayapa ang sasal ng kanyang dibdib at mahabol ang tila tumakas nang hininga ay
ikinuwento niya sa manok ang napakasamang panaginip katulad ng bilin ng Diwata ng Kagubatan.
Mataman namang nakinig ang alimbyuging manok. Nang matapos siyang magkuwento ay ihinilig ng
manok ang ulo nito sa kanyang braso. Natuwa siya sa ipinakitang simpatiya at pag-alo ng manok
sa kanya. Hinagod niya ang lunting palong nito upang ipahiwatig ang kanyang pasasalamat.
Bagamat parang ikinasiya naman ng manok ang kanyang ginawa, hindi ito tumigil sa paghilig ng ulo
nito sa kanyang mga palad. Parang may nais itong ipagawa pa sa kanya subalit hindi na niya iyon
inintindi dahil lumipad na ang isip niya sa napaginipang kabiyak. Nakaramdam na naman siya ng di
mawaring kalungkutan.
Gising na rin ang tisikong aso at tabogol na kabaw. Iniligpit niya ang nakalatag na malong at
isinapin ito sa likod ng kabaw. Puputok na ang araw at handa na muli silang maglakbay.
Hindi pa rin maalis-alis sa isipan ng prinsipe ang napanaginipan kaya hindi niya napansing
kakaiba na ang simoy ng hangin. Bumalik na lamang ang kanyang ulirat nang mapansing tila nasa
ibang kagubatan na sila. Naglalakihan at nagtatayugan ang mga puno rito. Mas malalapad ang
puno rito kaysa Puno ng Higerang tinigilan niya kahapon at halos singtatayog ng tore ng kanilang
kaharian. Maya-maya’y tumigil si Kalabawbibaw sa gilid ng isang puno. Tinahul-tahulan naman ang
puno ng aso at ang tila yata matamlay ngayong manok na may napakahabang buntot ay lumipad sa
may tuktok nito. Napansin niya ang dinapuan ng manok na tila isang bagay na sa kataasan ay hindi
niya mapagtanto kung ano. Basta’t ang nasisiguro niya’y hindi ito sanga o bahagi man ng puno.
Ikinaway ng manok ang pakpak at napakahabang buntot nito na parang niyayaya si Prinsipe
10 ng 126
Manawaring umakyat sa kinadadapuan. Naalala ng prinsipe ang kuwento ni Merlin tungkol sa
Magoyoda Selegen. Isang lugar daw ito sa pagitan ng langit at lupa. Dito raw iniimbak ang mga
sandata at kagamitang hindi ginagamit. Pinasya ng prinsipeng umakyat sa puno sa pamamagitan ng
mga baging na nakapulupot dito. Isa palang lumang baul ang kinadadapuan ng manok. Lumipat ang
manok sa sanga at binuksan ng prinsipe ang baul. Nanlumo siya nang malamang hindi mga sandata
ang nakaimbak dito kundi mga lumang gamit lamang—tatlong piye ng nangungutim nang lubid,
dalawang dipa ng malapad na goma, isang malaking kabibeng hugis tambuli, isang lumang agong at
isang malaking palakol ngunit walang hawakan. Pag-angat niya ng palakol ay may nakita siyang
kanister ng tubig sa ilalim nito. Dinampot niya ito at inalog-alog. May laman. Sa isip niya’y ito
lamang ang kanyang mapakikinabangan. Bababa na sana siya subalit nagtitilaok ang manok at
dumapo ito sa naiwang mga kagamitan at kinala-kalahig ang mga iyon na para bang iniuutos sa
prinsipe na kunin ang mga lumang gamit na iyon. Nakatingala naman si Kalabawbibaw at tahol nang
tahol ang tisikong aso. Bagamat natitiyak ng prinsipeng hindi naman niya ito magagamit sa
paglalakbay, may kung anong puwersang nagtulak sa kanya para kunin na lang din ang mga natirang
lumang gamit. Inihulog niya ang baul at muntik nang mabagsakan ang dalawang hayop sa ibaba.
Bumaba na rin siya pagkatapos at lumipad na rin pababa ang masigla na ngayong manok.
Iba na nga ang simoy ng hangin sa kagubatang ito. Nakaramdam ng banas ang prinsipe at
tumatagaktak ang pawis sa kanyang noo’t katawan. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng init.
Nagpasya siyang magpahinga muna sila. Bumaba siya sa kabaw at naupo pasandal sa isang puno.
Lumagok siya ng kaunting tubig at pinainom din niya ang tatlong kasamang tila hindi naman
nakararamdam ng pagod. Tumatagiktik pa rin ang pawis niya sa noo. Naalala niya ang panyong
nasa may dibdib. Matapos magpunas ng pawis ay tinitigan niya ang panyo at napatapik siya sa
kanyang noo nang may maalala. Bakit nga pala hindi niya ito naipakita sa Diwata ng Kagubatan at
bakasakaling mabigyan siya ng impormasyon tungkol dito o sa may-ari ng panyo? Nakaramdam
siya ng panghihinayang. Sumunod, ng gutom. Subalit alam niyang wala na siyang natirang
pagkain. Ang huling piraso ng tinapay ay pinagsaluhan nila ng Diwatang nagpanggap na matandang
pulubi. Dadaanin na lang niya sa tulog. Wala pang ilang sandali ay naghihilik na ang prinsipe.
Naaawang pinagmamasdan lamang siya ng tatlong hayop niyang kasama.
Naalimpungatan siya sa tila alulong ng aso. Tuluyan na siyang dumilat nang mapansing
takipsilim na pala. Ganoon ba siya katagal nahimbing? May parang dalawang pusang
nagkakalmutan sa kanyang sikmura. Pinilit niyang huwag na lang itong pansinin. Bakit kasi walang
puno ng kahit anong prutas sa kagubatang ito? O kung may puno man ng prutas ay bakit wala
siyang makita ni isang bunga? Ang ibang mga puno nga ay putol-putol na waring natigpas ng
kidlat. Nasa ganoon siyang kontemplasyon nang muli niyang marinig ang alulong ng aso. Nasa di
kalayuan ito, tantiya niya base sa di gaanong lakas ng alulong niyang naririnig. Napabalikwas siya
hindi dahil wala rin sa tabi niya ang manok at kabaw kundi naalala niya ang paalala ng Diwata
kapag umalulong ang aso. Mayroon ba itong nakikitang espiritu? O lamanlupa kaya? May
nakaamba bang panganib? Mabilis siyang napatayo para hanapin ang kanyang mga kasama lalo na
ang umaalulong na aso. Madali naman niyang natagpuan ang mga ito. Umaalulong pa rin ang aso
habang nagkukutkot ng lupa at nakatanghod sa kinukutkot nito ang manok at kabaw. Palinga-
lingang lumapit sa tatlo ang prinsipe. Parang may hinahanap siyang ayaw niyang makita. Tulad ng
11 ng 126
masasamang espiritung sinabi ng diwata o mga lamanlupa. Nasaan ang panganib? Dahan-dahan
niyang hinaltak ang katawan ng nagkukutkot na aso. Kailangan niyang kumuha ng muta nito at
ipahid sa kanyang mga mata gaya ng bilin ng Diwata. Mahirap kalabanin kung saka-sakali ang
kaaway na hindi nakikita. Subalit pumapalag ang aso. Waring ayaw itong papigil sa ginagawa.
Makahuhulagpos ito sa kanya at magpapatuloy sa pagkukutkot. Huhulihin niya muli at
magpapambuno pa nga sila. Sa kapipilit ay nagpaubaya na rin ang aso pero umuungol-ungol ito na
para bang naiinis na sa kanyang bagong amo. Nadakma ng prinsipe ang ulo nito at umukit ng
konting muta mula sa umiiwas na mata ng aso. Bagamat nandidiri ay nagawa niyang ipahid ito sa
magkabila niyang mata. Medyo mahapdi at tila baga lalong lumabo ang kanyang mga mata.
Ikinurap-kurap niya ito habang iginagala sa paligid. Maya-maya pa’y luminaw na ang kanyang
paningin. Nakatunganga naman sa kanya ang tatlo at takang-taka sa kanyang ikinikilos. Hawak
ang espada sa kanang kamay at balaraw sa kaliwa, inikot-ikot ng prinsipe ang bahagi ng
kagubatang iyon at inilibot ang mata sa lahat ng maaabot ng pananaw nito. Sa mga puno. Sa gilid-
gilid ng mga puno. Sa mga sala-salabat na sanga at malalagong dahon. Sa taas at dumidilim nang
kalangitan. Sa mga puno uli. Sa gilid-gilid. Sa lupa. Sa matataas na gubat-damo sa paligid.
Maging ang tatlong hayop na kasa-kasama niya ay tinitigan niya at baka nagkatawang-hayop pala
ang mga espiritu at lamanlupa. Natunaw na lang yata ang muta ng aso sa kanyang mga mata ngunit
wala siyang nabanaag man lang na espiritu at lamanlupa. Walang bakas ng panganib. Samantala’y
ipinagpatuloy na ng aso ang naabala nitong ginagawa. Napasandal na lang muli ang prinsipe sa
isang puno sabay bitiw sa kanyang mga sandata. Sa pagsalampak ay kumalansing ang mga pilak sa
bulsitong nakatali sa kanyang baiwang. Ngunit ano nga ba ang halaga ng mga pilak na ito sa
ganitong lugar? Lalong tumindi ang gutom na kanyang dinaramdam. Wala siyang magawa kundi
isubsob ang mukha sa nanginginig niyang mga palad. Gusto niyang maghuhumiyaw dahil bukod sa
gutom, pakiramdam niya’y pinaglaruan lamang siya ng maypagkapilyang Diwata. Sumuko na ang
aandap-andap na liwanag sa dilim. Gabi na. Mukhang maiidlip na naman siya sa ganoong ayos.
Subalit hindi matutuloy ang kanyang pag-idlip dahil sabay-sabay niyang maririnig ang tahol ng aso,
tilaok ng manok at ungol ng kabaw. Marahan niyang iniangat ang kanyang ulo upang tuklasin kung
ano na namang walang saysay ang gingawa ng tatlo. Nakita niyang tulung-tulong na ang mga ito sa
paghukay sa sinimulang kutkuting lupa ng aso. Kahit malayu-layo siya sa tatlo at tanaw niyang
may kalaliman na ang nahukay ng mga ito. Hindi na niya matanaw ang manok at putol na buntot na
lamang ng aso ang kanyang naaaninag. Hindi na rin niya kita ang ulo ni Kalabawbibaw na tila may
sinusungkit sa nalikhang hukay. Nang iahon ng kabaw ang ulo mula sa hukay ay may napansin
siyang nakatusok sa kaliwang sungay nito. Lumapit siya para usyosohin ang pinagkakaabalahan ng
tatlo.
Natawa siya’t napailing at biglang nakaramdam ng pagkahiya sa sarili at sa tatlong kasama.
Kaya pala umaalulong ang aso kanina. Totoo palang may nakikita itong hindi niya nakikita. Totoo
palang may nakikita itong lamanlupa. At napakaraming lamanlupa. Ang lalaki pa’t ang tataba. Ang
lalaki at ang tatabang lamanlupa! Ang lalaki at ang tatabang kamote at gabi! Napakamot siya at
tuluyang naggabi na.
Nakakailang dighay na ang prinsipe subalit parang hindi nabawasan ang inaning lamanlupa ng
tatlong itinuturing na niya ngayong mga kaibigan. Parang inantok na naman siya ngayon sa
12 ng 126
kabunsulan. Iidlip na sana siyang muli nang may maramdaman siyang marahang tapik sa kanyang
balikat at makaulinig ng tila nagpupugay na tinig.
“Kapatid, purihin ang Buhay na Panginoon.” Bati ng lalaki at itinaas ang kanina’y kilik-kilik na
surat. “Salamat nang walang hoyang sa iyo Dios kong maalam at ito ngang librong mahal tinulutang
ilimbag. Nang kaming mga binyagan may basahin gabi at araw.”
Pinag-angatan niya ng mukha ang nagsalita at bahagya siyang nagulat sa tumambad sa kanya.
Isang lalaki itong nasa kalagitnaan ang edad. Kakaiba ang bihis nito na tila hinabing sinulid ng
pinya. May iwinawagayway itong itim na surat at may dalang maliit na supot na bughaw. Sa
likuran nito’y may pitumpu’t pitong puting payat na tupa.
“Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?” Naitanong ng prinsipe nang matiyak niyang
malayong maging pulubi ang lalaki dahil mukha namang malakas ang pangangatawan nito. Tuwid na
tuwid din ang piston ng suot nitong pantalon at kaykintab ng itim na katad na sapatos. Tila
mayulap ito sa buhok. May bituin ang ngiti. May apoy sa tuktok. At may tinig itong tila
nanggagaling sa langit. Naalala niya ang Diwata ng Kagubatan. Isa na naman ba itong paglalaro sa
kanya? Subalit hindi naman masama kung magagantimpalaan na naman siya ng kahilingan.
Gayunpama’y inalok pa rin niya ito ng kamote at gabi.
“Huwag ka nang mag-abala pa, kapatid. Naririto ako para sa iyong kaligtasan. Para sa
kaligtasan ng lahat. Purihin ang Buhay na Panginoon!”
“Kung ganoo’y ano pa po ang maari kong maipaglingkod sa inyo?”
“Lubhang napakahirap po kasi ng gawain kong pamamastol ng tupa. Napakagastos pong talaga
sa panahon at gugulin. Kanina po’y may narinig akong kalansing ng mga pilak. Maari po bang
mabahaginan n’yo ako kahit ilang piraso man lamang?”
Napaisip siya kung ano na namang laro itong naisipan ng Diwata. May dalawampung piraso
siya ng pilak sa kanyang bulsito. Maaring magamit niya ito sa kanyang malayo pang lalakbayin
subalit nagpasya siyang ibigay ang tatlong pirasong pilak sa duda niyang Diwatang nagpapanggap
naman ngayong pastol. Tatlong pirasong pilak. Sa isip-isip niya’y walang dudang katumbas ito ng
tatlong kahilingan! Halos daklutin ng pastol sa palad ng prinsipe ang tatlong pirasong pilak sabay
hulog sa supot nitong bughaw. Subalit parang hindi ito nakuntento sa kanyang ibinigay. Subalit
hindi naman ito nagpumilit na dagdagan pa iyon ng prinsipe. Nagpasaring nga lamang ito.
“Salamat kapatid. Sana’y tinatandaan din nating hindi tinitingnan ng Buhay na Amang nasa
Langit kung magkano ang ating ibinibigay para sa kanya, kundi ang tinitignan niya ay ang halagang
iniiwan natin sa bulsa.”
Mangangatwiran sana ang prinsipe na maaring kailanganin din niya ang mga pilak sa kanyang
paglalakbay, subalit nagpasya siyang huwag na lang patulan ang laro ng pinagsususpetsahang
Diwata.
“Ako’y yayao na, kapatid, at bahala na ang Nasa Itaas na gumanti sa iyo.” At akmang
tatalikod na nga at yayayain na ng pastol ang kanyang mga payatot na tupa.
“Sandali lang po, ka-ka-kapatid. Mayroon po yata kayong nalimutan?” Paalala ni Prinsipe
Manawari para idiing hindi pa siya nabibiyayaan ng kahilingan.
“Ay, oo nga pala.”
Lumapit ang pastol sa nakaupong prinsipe at ipinatong ang kaliwang kamay nito sa ulo niya at
13 ng 126
itinaas sa hangin ang kanang kamay na parang nagpapanatang makabayan. Nanonood lamang ang
tila ngumingising mga hayop sa kanila. Nakapikit ang pastol at nanginginig-nginig pang umusal ng
mga katagang tunog-pinaghalong Intsik at Latin. Naguguluhang matawa-tawa na rin ang prinsipe
sa antic ng pastol na natitiyak na niya ngayong walang iba kundi ang maypagkapilya talagang
Diwata ng Kagubatan. May iba na naman itong paraan ng pagbibigay ng kahilingan, naisip niya.
Maya-maya’y binitawan na ng pastol ang ulo ng prinsipe at muling nagpaalam.
“Ngayo’y tutuloy na akong talaga, kapatid, at maraming salamat. Magbabaon na rin ako ng
ilang pirasong kamote at gabi na inaalok mo sa akin kanina kung iyong mamarapatin.”
Hindi na hinintay ng lalaki kung mamarapatin nga ng prinsipe at dumampot na ito ng ilang
pirasong kamote at gabi. Nagmamadaling lumisan ang pastol kasunod ang pitumpu’t pitong puting
payatot na tupa at nawala na lamang ang mga ito sa kasukalan. Nabura ang ngiti sa mukha ng
prinsipe nang lumipas pa ang ilang sandali ay walang sumusulpot na Diwatang kanyang inaasahan.
Napakamot siya sa ulo nang mapagtantong mukhang nakikilan lamang siya ng pastol ng tatlong
pirasong pilak at ilang pirasong kamote at gabi. Pigil na naghahagikgikan ang tatlong hayop sa
tabi niya na tumigil lamang nang tapunan niya ng nananaway na sulyap. Napabuntunghininga ang
prinsipe at sa malalim na hugot ng hininga ay di naiwasang lumabas at tumunog ang hangin mula sa
kanyang puwit. Umepekto na ang musical root. Hindi na napigil ng tatlong hayop ang paghagikgik.
Nakihagikgik na rin ang prinsipe. Naghahagikgikan silang nagpatuloy sa paglalakbay.
Umaga na. Matapos maghilamos ay pinuno ni Prinsipe Manawari ang kanister ng tubig. Dito
na sila nakatulog sa tabi ng ilog na natagpuan nila kagabi. Nakabanaag ng bahagyang pag-asa si
Prinsipe Manawari pagkakita sa ilog. Isa lang ang ibig sabihin nito. Malapit na sila sa dagat. Iyon
din ang sinabi sa kanya ni Merlin. “Lahat ng ilog ay pauwi sa dagat.” At malamang na sa tabi ng
dagat niya matatagpuan ang mahiwagang dalagang nakalulan sa mahiwagang barko. Iginala ng
prinsipe ang kanyang paningin sa paligid. Hindi niya ito masyadong namasdan kagabi. Kakaiba ang
kagubatang ito kaysa kanilang pinanggalingan. Bagamat nagtatayugan din ang mga puno rito, may
mga bunga naman ito hindi tulad ng pinanggalingang kagubatan. May nakita siyang puno ng
lanzones, makopa, kaymito, mangga, rambutan, langka, durian at marami pang iba. Ngayon lang
siya nakakita ng mga prutas na ganito. At ang mga ito’y namumutiktik sa bunga. Nakatingala ang
prinsipe sa higanteng Punong Duhat. Ang kumpul-kumpol na mga bunga nito’y tila mga palayok na
itim na bibitin-bitin. Tinantiya ng prinsipe kung maaakyat niya ito. Mukhang kaya naman niya.
Ihahakbang na niya ang kanyang isang paa paakyat nang biglang gumalabog ang lupa. Kagabi pa
niya naririnig na tila may kumakaluskos sa ilalim ng lupa. Subalit ito nga’y hindi lamag kaluskos
kundi napakalakas ngang galabog. Napabalikwas pati ang tatlong hayop na natutulog. Hindi
makatingin sa kanya nang diretso ang tisikong aso. Aminadong pumalpak ito sa di pagbibigay ng
babala sa panganib na darating. Papalakas nang papalakas ang galabog ng lupa. Parang may
nagbabayo ng bigas sa ilalim nito. Napayakap ang prinsipe sa Puno ng Duhat habang hinahanap
kung ano o sino ang may kagagawan ng paggalabog na iyon. Mula sa di-kalayuan ay napansin niyang
parang hinahawi ng buhawi ang nagtatayugang mga puno. May kadiliman sa bahaging iyon ng gubat
kung saan nakatanaw siya ng tila katawan ng puno subalit sa tingin niya’y gumagalaw ito. Ngayo’y
natitiyak niyang gumagalaw nga ang punong ito at papalapit sa kinaroroonan nila. Kinagat-pahila
14 ng 126
ng aso ang kamay ng prinsipeng nakayakap sa puno. Niyayaya na nito ang amo na tumakbo o
magtago. Napasunod naman ang prinsipe dahil kung hindi’y tiyak na masusugatan ang kanyang
kamay sa kagat ng aso. Dinala siya ng aso sa isang malaking kuweba sa tabi ng ilog. Papasok na
sila sa bunganga nito nang salubungin sila ng kawan ng libo-libong nabulabaog na Ibong Tabon.
Naging para itong lambong ng ulap sa papawirin. Nadatnan na nila sa loob ang kabaw at manok.
Bagamat madilim sa loob ng kuweba, banaag ni Prinsipe Manawari ang nakasalansang kalansay at
bungo ng mga tao’t hayop. Inisyoso niya ang ilan at napansin niyang ang ibang bungo ng tao ay
may mga gintong ngipin. Ang ilan naman ay may nakabaon ding ginto sa mismong bungo.
Nakiramdam sila sa nangyayari sa labas. Papalakas pa rin nang palakas ang galabog. Maya-maya’y
bigla na lang itong tumigil. Mula sa kinatataguang yungib ay sumilip ang prinsipe. Muntik nang
lumuwa ang kanyang mga mata pagkakita sa nanginginain ng duhat.
Isang babaeng higante!
Sumalampak ang higante paharap sa yungib na kinatataguan nina Prinsipe Manawari. May
kalayuan din ang kinalalagyan nito ngunit dahil sa sobrang laki ay parang nasa harapan lamang
niya. Iisa ang mata nitong nasa gitna ng noo. Naalala niya ang napanaginipan. Ano’t nagkatotoo
ang kanyang panaginip samantalang sinunod naman niya ang bilin ng Diwata na ikuwento ito sa
manok at naalala niya ang nakaligtaan niyang gawin. Sinulyapan niya ang alimbyuging manok at
nakasulyap din ito sa kanya na para bang sinasabing “Ikaw kasi e, ‘no? Hindi mo kasi kinagat ang
palong ko.” Napapalatak na lang ang prinsipe at ibinaling niya muli ang paningin sa babaeng
higante. Iisa lang din ang tenga nitong tulad ng sa kuneho at para lang ihinugpong sa kanang
bahagi ng ulo. Hindi tuloy nito naririnig ang anumang nasa kaliwa. Para namang mga kuwebang
umuusok ang tatlong butas ng busalsal nitong ilong. Sobrang luwang din ang bunganga na umukopa
halos sa kalahati ng mukha. Para iyong balong malalim na punung-puno ng maduduming patalim.
Ngumangasab-ngasab pa rin ito ng duhat. Kung makasubo ito’y parang mauubusan gayong wala
naman itong kasalo. Sa paghabhab ay halos masungalngal na sa buong mukha ang prutas. Nang
mabunsol ay dumighay ito nang singlakas ng dagundong ng kulog. Minasdan ni Prinsipe Manawari
ang babaeng higante pagtayo nito papunta sa kalapit-ilog. Maiikli ang biyas nito at kung hindi nga
lamang ito higante at kasinglaki lang ng tao ay lalabas pa ngang pungok ito. Sumalampak na naman
ito sa tabing-ilog. Kinalag nito ang lukbutang nakatali sa may beywang at may dinukot na tila tinik
ng katawan ng pating. Sumungaw ito sa tubig para manalamin at manuklay. Napansin nito ang
isang duhat na dumikit sa kaliwang pisngi. Iginalaw-galaw nito ang mukha, pakanan-pakaliwa at
nang mapagkuru-kurong mukha namang maganda ang epekto ng duhat sa kaliwang pisngi ay
hinayaan na lang ito doon. Matapos makapanuklay ay muling isinilid ang tinik ng pating sa
lukbutan. Tumayo na rin ito at tatalikod na sana nang biglang matigilan. Naging magalaw ang mata
nito at sumisinghapsinghap ang umuusok na ilong.
“Tao!”
Napaatras si Prinsipe Manawari lalo na nang makitang papunta sa direksyon nila ang babaeng
higante.
“May tao akong naaamoy. Hhwaaahhh. Matagal na rin akong hindi nakakakain ng tao.”
Sinasambit ito ng higante sa sarili habang hinahawi-hawi ang mga puno at inaangat-angat ang
malalaking tipak ng bato sa tabing-ilog. Napadako ang mata ng higante sa yungib na
15 ng 126
pinagtataguan nina Prinsipe Manawari. Sunud-sunod ang pagsinghap ng ilong nito na wari’y
natitiyak nang galing sa yungib na iyon ang amoy-tao. Hindi naman malaman ni Prinsipe Manawari
kung ano ang gagawin. Ang gintong singsing-ita! Tiningnan niya ito subalit sa hinlalaki niya ito
nakapulupot. Ginalaw-galaw niya ang mga daliri at gumalaw naman ang singsing at lumipat sa
kanyang palasingsingan. Natuwa ang prinsipe at bubulungan na sana niya ito nang bigla na namang
gumalaw ang singsing at lumipat sa kanyang hinliliit. Iginalaw niyang muli ang mga daliri. Hindi
natinag ang singsing. Kinurot-kurot niya ito pero nakapagkit na itong parang linta sa kanyang
hinliliit. Papalapit na ang babaeng higante sa bunganga ng yungib. Alam naman ng prinsipeng hindi
ito makapapasok sa loob pero maaabot naman sila ng kamay kahit na maypagkaikli ang mga biyas
nito. Samantala’y kinakagat pahila ng aso ang lukbutang nakasalampay sa batok ni Kalabawbibaw.
Nahila naman ito ng aso at sumambulat ang mga lumang kagamitang nakuha ng prinsipe sa
Magoyoda Selegen. Kinagat nito ang kabibe at dinala kay Prinsipe Manawari. Hindi naman
maintindihan ng prinsipe kung ano ang gamit ng kabibeng hugis tambuli sa pagkakataong ganito at
kung ano ang gustong ipagawa ng aso. Tinanggal niya ang kabibe sa pagkakakagat ng aso at
ihinagis pabalik sa kalat ng mga lumang gamit. Binalikan naman ito ng aso at tumahol sa tapat ng
mas makipot na dulo ng kabibe. Umalingawngaw ang “KAW! KAW!” nito at halos mabingi ang
prinsipe. Napaatras naman ang higante pagkarinig nito. Bigla na namang may bumumbilyang ideya
sa isip ni Prinsipe Manawari. Dali-dali niyang kinuha ang kabibeng hugis tambuli at pumunta sa
may bukana ng yungib na hindi pa rin tanaw ng higante. Papalapit nang muli ang higante.
“Hanggang diyan ka na lang kaibigan.!” Pigil ng prinsipe. Nagulat naman at napatigil ang
higante nang marinig ang malakas na tinig na nanggagaling sa yungib.
“Sino ka?” Tanong ng higante habang inaaninaw kung kanino galing ang mala-higanteng tinig
na iyon.
“Ako’y isa ring higanteng tulad mo. Nagpapahinga ako rito at ayokong-ayokong may
gumagambala sa aking pamamahinga.” Panlalansi ng prinsipe.
“Mwaahaha! Higante? Ako lang ang higante sa lupaing ito, ‘no?. Huwag mo akong linlangin
kung sino ka man!”
“Iyan ang akala mo. Ikaw, sino ka naman, babaeng pungok?”
“Sino’ng pungok? Pikon na ang babae.”Ako yata ang lakan dito, ‘no? Akin ang lupaing ito”
“Mala-lakan ‘yang pananalita mo subalit pa’no ka naging lakan? Sa katunayan nga, kaninang
nakasalampak ka sa may ilog, ang akala ko’y isa ka lang labandera.” Pang-aasar pa ng prinsipe. Lalo
namang umusok ang mas lumaki ngayong mga butas ng ilong ng babaeng higante.
“Huwag mo akong galitin at baka hindi mo alam ang kaya kong gawin sa iyo.”
“Puwes, ano ang kaya mong gawin sa akin gayong mas malaki ako sa iyo?”
“Ano’ng mas malaki? Ako yata ang pinakamalaki dito, ‘no? At pag nahuli kita, tingnan lang
natin kung hindi kita tatadtarin nang pinong pino!”
“Sige, subukan mo. ‘Pag tinadtad mo ako ay dadami ako. Pagtutulungan kita! Hahaha!”
Napaisip ang babaeng higante.
“Kung gayo’y idadarang na lang kita sa apoy!”
“Sige, idarang mo ako sa apoy para pumula ako. Mas gaganda ang kutis ko sa iyo.”
Napaisip na naman at napairap ang banidosang higante.
16 ng 126
“Alam ko na. Ihahagis na lang kita sa ilog!”
“Bopol ka talaga. Sinabi ko na ngang mas malaki ako sa iyo. Pa’no mo ako maihahagis, aber?”
“Hindi nga ako naniniwalang mas malaki ka kaysa akin. Ako lang sabi ang higante dito, ‘no?”
At akma nang susugod ang bugnot na bugnot nang higante sa kinatataguan ng prinsipe. Kinabahan
naman ang prinsipe at nag-isip ng susunod na gagawin. Nasulyapan niya ang tatlong hayop na tila
pinapapansin sa kanya ang mga nagkalat na lumang gamit. Inisa-isa ito ni Prinsipe Manawari at
may bigla na naman siyang naisip na solusyon. Kinuha niya ang malapad at mahabang goma at dali-
dali niyang itinali ang magkabilang dulo nito sa magkabilang sungay ni Kalabawbibaw. Matapos ay
dinampot niya muli ang kabibe at agong. Namulot din siya ng isang pirasong tadyang sa salansan
ng mga kalansay. Bumalik siya sa bukana ng yungib. Malapit na malapit na sa kanila ang babaeng
higante.
“Sandali lang sabi, Kapatid.”
“Walang kapa-kapatid sa akin at walang kai-kaibigan. Wag mo akong subukan at talagang
malilintikan ka na ngayon.”
“Kung gayo’y talaga ring hinahamon mo ako, ha?!” Nananakot na rin ang prinsipe. “Pero ayaw
ko nga ng away at sinabi ko na ngang namamahinga lang ako dito. Kung ang problema mo ay hindi
ka naniniwalang higante rin akong tulad mo. Patutunayan ko sa iyo.”
Napatigil ang higante at napaisip na naman.
“Puwes, patunayan mo! Lumabas ka dito para mapitik kitang parang langaw!”
“Kool ka lang. Hindi ako makakalabas diyan. Pakinggan mo na lang ang pintig ng aking puso.”
Sabay hataw ng tadyang sa agong. “DUM! DUM! DUM!”
Medyo nabagabag ang higante pero hindi ito nagpahalata. Ibinaling nito ang ulo sa bandang
kanan upang marinig mabuti ang pinanggalingan ng tunog.
“M-m-malay ko ba kung me dala ka lang t-tambol diyan, ‘n-no?”
“Ha-ha-ha!” Dinaan sa tawa ng prinsipe ang kaba at baka nabuking na siya ng higante. Pero
hindi rin siya nagpahalata. “Tambol? Eto ang tambol. Ang aking tiyan, dahil katatapos ko lang
manghimagas ng mga ito…” Dumampot si Prinsipe Manawari ng tatlong bungo at ibinala ito sa
gomang nakatali sa sungay ni Kalabawbibaw. Bininit niya ang goma— estilong-tirador at
umilanlang ang mga bungo at bumagsak sa may paanan ng babaeng higante. Kinakabahan na ngayon
ang babaeng higante pero kahiya-hiya na kung ngayon pa siya tatakbo.
“Hindi pa rin ako naniniwala. Maaring isa ka lang kanibal, ‘no?”
“A, kanibal pala ha? Tingnan mo kung may kanibal na ganito kahaba ang pilikmata!” Sabay
tirador ng prinsipe sa nangungutim na lubid. “At may ganito kalaking ipin!” Ang palakol na walang
hawakan naman ang pumailanlang. Lumagpak sa palad ng higante ang pilikmata. Napamulagat ito.
Ang ipin naman ay diretso sa kaliwang pisngi nito at nahagip at nahati ang nunal na duhat na
duhat ng higante. Nanlaki ang nag-iisang mata nito sa pagkakita sa nakabaong ipin sa pisngi.
Nanlatoy bigla ang tuhod ng babaeng higante pero nakapagpasya pa rin itong tumakbo.
Nang matiyak ni Prinsipe Manawaring wala na ang higante, lumabas na rin sila ng yungib.
Maya-maya’y nakaramdam na naman sila ng parang kumakaluskos sa ilalim ng lupa. Ilang sandali
pa’y nakita nilang umangat ang malaking bahagi ng balat ng lupa. Mula rito’y may sumulpot na tao.
Sinundan ng isa pa. At isa pa. Hanggang sa hindi na halos mahulugan ng karayom ang
17 ng 126
nagkalupumpung tao sa kanilang harapan. Nalaman nilang ang mga taong ito ang tunay na mayari
ng lupaing iyon na kung tawagin ay Tribu Maliputu.. Napilitan silang magtago at manirahan sa
ilalim ng lupa nang mabalitaang doon na nga papunta ang babaeng higante, matapos nitong maubos
at masalanta ang iba pang kagubatan. Hindi matapos-tapos ang pasasalamat nila kay Prinsipe
Manawari. Inalok ng pinuno ang prinsipe at mga kasama nito na doon na manirahan subalit
tumanggi naman ang prinsipe at idinahilan ang kanyang hinahanap. Subalit pinaunlakan naman niya
ang imbitasyon nito para sa isang masigabong pagdiriwang. Matapos ang masaganang hapunan,
inihandog ng pinuno kay Prinsipe Manawari ang Patola Kaorayan. Isa raw itong pulang magik
sinturon na kapag ibinigkis mo sa iyong noo ay mapoproteksyunan ka sa anumang labanan.
Makararamdam ka rin ng higit at kakaibang lakas at hindi ka manghihina sa pakikipaglaban.
Malugod itong tinanggap ng prinsipe at bilang ganti naman daw ay ibibigay na lang niya sa anak ng
pinuno ang tisikong asong gusgusin na’y putol pa ang buntot. Ngumuyngoy sa pagtatampo ang
asong pumalpak sa paghuhudyat ng panganib sa prinsipe at tuwang-tuwa naman ang anak ng
pinuno. Ginulo ng prinsipe ang buhok ng bata at sinabi ritong biro lang ang pagbibigay niya rito ng
aso. Sa halip, ibinigay niya rito ang mga lumang gamit na galing sa Magoyoda Selegen at itinuro
niya sa bata kung paano ang gagawin sakasakaling may maligaw uling higante sa kanilang tribu.
Galak na galak ang bata at tumakbo na ito papalayo para ipagmagaling sa mga kalaro ang bigay ng
prinsipe. Muli namang nagpasalamat ang pinuno sa ihinandog ni Prinsipe Manawari sa anak nito at
matapos ay pinitik nito nang tatlong beses ang kaliwang tenga ng prinsipe. Tinanong ng prinsipe
kung para saan ang tatlong pitik na iyon. Sinabi naman ng pinuno na parusa iyon sa pagkakabasag
ng tatlong bungo ng kanilang mga ninuno na ibinala sa “tirador” ng prinsipe. Nagpaalam na sila
matapos ihimatong ng pinuno ang pinakamalapit na daan papunta sa dagat. Sakay ng kabaw sa
likod ang prinsipe at nakadapo sa may puwitan nito ang alimbyuging manok. Ang tisikong aso
naman ay masiglang-masigla at nagpapatiuna pa habang kinakampay-kampay ang putol na buntot.
IV. Awit ng Sirena
Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling dagat,
Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang.
Pagsinta'y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man.
Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina
18 ng 126
Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa,
Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na,
Matang manininging ay nangakangiti't pupos ng ligaya.
Mamatay ay langit kung dahil sa ating dagat na sinilangan,
Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
Ang mahinhing simoy na galing sa bukid ay lubhang mapanglaw
Sa wala nang anak, wala nang tahana't walang nagmamahal.
Maulap ang umagang iyon. May nagbabantang bagong bagyo. Sumisigid sa kalamnan ni
Prinsipe Manawari ang nakapangingilabot na lamig subalit mas nakapaninindig ng kanyang balahibo
ang awit. Kagabi pa niya naririnig ang awit na iyon na waring nagmumula sa pusod ng karagatan.
Noo’y madalas ikuwento sa kanya ni Merlin ang Alamat ng mga Sirena. Ang mga kuwento ni Merlin
ay nagpapahiwatig na ang mga sirena na ang pinakamalungkot na nilalang sa daigdig. Singlungkot
marahil ng naririnig niya ngayong awit. Bagamat nangangaligkig pa sa ginaw ay pinilit bumangon ng
prinsipe. Madilim man at may nagbabantang bagyo ay kailangan na nilang ipagpatuloy ang
paglalakbay. Ngayong umaga niya binalak tawirin na ang dagat. Muli niyang pinagmasdan ang
dagat na iyon. Nalulula siya sa lawak nito. Ang mapayapang pintig ng dibdib nito’y nagbabadya ng
angkin nitong kalaliman. Subalit nakapagpasya na siya. Hinila niya sa tulong ng kabaw ang
tatlong araw niyang ginawang balsa mula sa pagdadatig-datig ng malalaking sanga ng puno at
pagbigkis nito ng baging. Nang maiguyod nila ito sa dila ng dagat ay nilulan na nila ang kanilang
mga gamit at pagkain, lumulan na rin silang silang apat at iginaod ng prinsipe ang balsa. Hindi pa
sila nakalalayo ay siya namang pagbagsak ng ulan na tila nag-uunahang sibat ng langit. Nag-
aalimpuyo ang hangin at kumulong parang dugo ang kaninang payapang kadagatan. Isang haplit ng
malakas na hangin ay parang tuyong dahong tinangay pabalik sa dalampasigan ang kanilang kalas-
kalas at bali-baling balsa. Tumilapon silang parang mga ipa ng binabayong bigas. Nalamog ang
baon nilang mga prutas na binalot nila ng malong. Sinaktan ng balakang ang kabaw. Nabali naman
ang dulo ng mahabang buntot ng manok. Namutla ang kayumangging aso. Halos mawalan ang tatlo
ng malay-hayop. Halos magkalasug-lasog naman ang buto ni Prinsipe Manawari. Napahandusay na
lamang siya at ang mga luha niya’y nagsumbong sa puting buhangin ng pasigan. Hindi malaman ng
tatlong hayop kung paano aaluin ang kanilang amo-kaibigan.
Maya-maya’y biglang nagtatakbo si Kalabawbibaw papunta sa loob ng gubat na nasa tapat ng
kadagatan. Pagbalik nito ay may dala-dalang halamang sili na binunot kung saan. Pinagmasdan
lamang ni Prinsipe Manawari kung ano ang ginagawa ng hayop na tila baga nasiraan na ng ulo.
Pinitas-pitas ng kabaw ang mapupulang sili at isinubo ito nang sabay-sabay. Umusok ang tenga’t
ilong ng kabaw sa sobrang anghang at nagkulay bughaw ang katawan nito. Napatayo si Prinsipe
Manawari. Nagpaikot-ikot ang kabaw sa buhanginan na para bang nasusunog ang buong katawan.
Maging ang dalawang sungay nito ay umikot-ikot na parang ipoipo.. Hindi malaman ng prinsipe ang
gagawin. Nakatunganga naman ang aso at manok sa di-pangkaraniwang nangyayari sa kapwa-
hayop. Bagamat nag-aalangan ay nilapitan ni Prinsipe Manawari si Kalabawbibaw at hinimas-himas
ang bughaw na katawan nito na tila dagat. Parang nahimasmasan naman ang kabaw. Pero bigla na
19 ng 126
namang nagtatakbo ito at pumunta sa dila ng dagat. Ikinaway nito ang buntot na tila niyayaya na
ang mga kasama. Nagtataka namang tumalima ang tatlo. Kinumbatan sila ni Kalabawbibaw na
sumakay na sa likod nito. Pinagbigyan naman nila ang napapraning na yatang hayop. Muli nilang
inilulan sa likod ng kabaw ang mga gamit at pagkain. Pagkalulan nilang tatlo ay lumusong na sa
tubig ang kabaw. Ang katawan nitong bughaw ay tila sumasanib sa dagat. Umiikot-ikot din ang
dal’wang sungay nito na para ngang uliuling humahalukay sa tubig. Hindi makapaniwala si Prinsipe
Manawari subalit tunay ngang umaandar na sila. Humaplit na naman ang pagkalakas-lakas na
hangin subalit hindi na nito kayang itaob ang mabigat na katawan ng tabogol na hayop. Maging
ang nangangalmot na higanteng alon ay hindi ininda ng tila sinapiang kabaw. Tuloy ang kanilang
paglalakbay, may bagyo man at ang umaga’y nginangatngat ng dilim.
Muli ay narinig ni Prinsipe Manawari ang awit na iyon. Habang papalapit sila sa pusod ng
dagat ay mas lumilinaw at lumalakas ang tinig. Halos makakaisang palit na ng buwan mula nang
magsimula silang maglayag sa dagat na ito. Bumabagal na nga ang andar ni Kalabawbibaw at
bumabalik na sa dati ang kulay nito. Sa tagal nilang nawala sa lupa ay saka nagkulay-lupa ang
balat ng prinsipe. Humaba na ang kanyang buhok at nang manalamin siya sa tubig ay hindi na niya
nakilala pa ang sarili. Anino na lamang siya ng dating matikas na prinsipe. Nakaramdam ng gutom
ang prinsipe subalit ubos na rin ang mga prutas na ipinabaon ng pinuno ng Tribu Maliputu.
Nalagok na rin niya ang huling patak ng tubig sa kanyang sisidlan. Nahiga ang prinsipe sa likod ng
kalabaw at nakikipagtitigan siya sa araw. Hindi lang humahalik ang araw sa dagat na ito kundi
nangangagat pa. Sa pakiwari ni Prinsipe Manawari ay tinutuya siya nito. Nagsimulang manlabo
ang paningin ng prinsipe at huli niyang namasdan ang araw na tila sumasayaw. Tuluyan na siyang
nawalan ng ulirat.
Una niyang naramdamang sumayad ang tubig sa kanyang mga labi. Hirap ma’y pilit niyang
ibinuka nang bahagya ang namumutok na labi. Lumagos sa tuyot niyang lalamunan ang malamig na
tubig mula sa kabibe. Nang idilat niya ang mga mata’y wala na ang nagsasayaw na araw. Ang
bumati sa kanya’y isang maamong mukha ng may-ari ng malabughaw na buhok na isinasayaw ng
banayad na hanging amihan.
“Mabuti naman at nagkamalay ka na. Ako si Zephyra.”
“Prinsipe Manawari.” Habang nakikipagkilala’y ibinaling-baling ng prinsipe ang paningin niya
sa paligid. Nahulaan naman ng babae ang mga tanong na naglalaro sa kanyang isipan.
“Narito kayo sa Pulo ng Maniwantiwan sa pusod ng kadagatan. Ang iyong mga kasama’y
sumakay sa kabayong dagat at gumala sa lalim. Tatlong araw ka na ring walang malay.”
Napansin ni Prinsipe Manawaring walang saplot ang dibdib ng babaeng kinakakandungan niya.
Siya ang bahagyang napahiya at tuloy napabangon.
“Huwag ka munang masyadong magkikilos at baka makasama sa iyo.”
“Hindi, kaya ko na…maraming salamat.”
Doon lang din muling namasdan ng prinsipe ang kanyang kausap. Ang maamong mukha nito.
Ang mga matang mutia. Ang mamasa-masang pilikmata. Ang manipis at tikom na tikom na mga
labi na tulad ng isang ayaw bumukang talaba. Ang napakahabang buhok na mangasul-ngasul tulad
ng dagat. Hindi sinasadyang muling napadako ang mga mata ng prinsipe sa walang saplot na dibdib
ng babae. Para itong maputlang mga ulo ng sanggol na pugita. May biglang kumislot sa pagitan ng
20 ng 126
mga hita ng prinsipe. Hindi na inalala ng prinsipe ang hiya at dagling dinukot niya ang kumikislot
sa pagitan ng hita. Halos mapisak sa palad niya ang may kalakihang isdang bolinao na nakapasok
pala sa kanyang karsunsilyo. Napangiti ang babae. Ngingiti na rin sana ang prinsipe nang
mapansin niya ang ibabang bahagi ng babae. Pagkakinis-kinis nito. Pagkakinis-kinis na buntot ng
isda!
“Ngayon ka lang ba nakakita ng tulad ko?”
Alanganin ang tango ni Prinsipe Manawari na waring hindi pa nakababawi sa pagkakatigalgal.
Hindi pala alamat lamang ang mga kuwento ni Merlin, naisip niya.
“Huwag kang magimbal,” pang-aalo ng sirena. “Ako man dati’y hindi naniniwalang may taong
katulad mo. Subalit hindi nga ba’t ganito talaga ang ating daigdig?”
“Ikaw yung naririnig naming umaawit?”
Tumango ang sirena.
“Kaylungkot naman ng iyong awit.”
“Dahil siguro’y iyon ang laman ng aking puso.”
At ikinuwento ni Zephyra kay Prinsipe Manawari ang dahilan ng kalungkutang iyon. Hindi
sinasadyang napaibig siya sa isang syokoy na may paa. Nagalit ang Bathala ng Pag-ibig-Dagat sa
pagsalangsang nila sa batas ng pagmamahalan sa kanilang daigdig. Siya at ang kanyang banang si
Ukuy-Ukuy ay ipinatapon sa Pulo nga ng Maniwantiwan sa pusod ng dagat na iyon. Sila ang
inatasang magtanod sa Dagat-Maniwantiwan. Noong una’y napakapayapa at masaganang masagana
ang yamang dagat. Ang Maniwantiwan ang kanilang naging paraiso. Ang kanilang naging tanging
kaligayahan kapalit ng pagkakalayo sa kanilang mga kaanak at kaibigan.. Dito na rin nagluwal si
Zephyra. Ang Paraiso’y tila naging Langit na nga yata sa pagdatal ng kanilang anak. Hanggang sa
isang araw ay may dumating na isang dambuhalang buwayang may kambal na buntot. Pinangakuan
sila nitong tutulungan sa pagtatanod ng kadagatan. Noong una’y parang gayon nga subalit nang
lumaon ay natuklasan nilang ninanakaw ng buwaya ang yamang dagat at dinadala sa lupain sa
kabilang dagat. Hindi nakapagpigil si Ukuy-Ukuy nang matuklasan ang pananraydor ng buwaya.
Sinugod nito ang dating kaibigan at nagpambuno sila ng pitong araw at pitong gabi sa ibabaw at
ilalim ng dagat. Subalit hindi napantayan ni Ukuy-Ukuy ang lakas ng dambuhalang buwaya at
warat-warat ang katawang umilandang ito sa kung saan sa hampas ng kambal na buntot ng buwaya.
Hindi na natagpuan ni Zephyra ni bakas ng bangkay ng bana. Tinangay rin ng buwaya ang sanggol
nilang si Astra at mula noon ay hindi na nakita pa ni Zephyra ang anak. Ang balita niya sa mga
Isdang Alapaap ay ibinigay ito ng buwaya sa Kambal-Ulong Higanteng Buwitreng Bumubuga ng
Apoy. Marahil ay dalagita na ngayon ang kanyang si Astra, naisp ni Zephyra at lalong kumirot ang
kanyang puso. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang dambuhalang buwaya sa pananalasa
ng yamang dagat. Sumusulpot ito sa may Pulo ng Maniwantiwan tuwing kulay kahel ang buwan. At
ngayong gabi nga’y kulay kahel ang bilog na bilog na buwan sa likuran ng ulilang bahay na iyon na
yari sa kapis .
Samantala’y nakabalik na ang tatlong hayop na lulan ng Kabayong Dagat. Tuwang-tuwa ang
mga ito nang makitang may malay na ang prinsipe. Subalit saglit lang ang kanilang kasiyahan. Mula
sa likuran ng prinsipe ay may nabanaag silang parang pahabang pulong papalapit. Ang
dambuhalang buwayang may kambal na buntot! Habang papalapit ito sa Pulo ng Maniwantiwan ay
21 ng 126
hinahampas-hampas nito ang kambal na buntot sa tubig. Parang pagsabog ng dinamita ang
nalilikhang ingay ng ihinahampas na buntot. Sa bawat paghampas ay naglulutangan ang mga
namamatay na isda na karamihan ay maliliit pa at nababasag ang mga korales sa lalim. Biglang
nag-init ang ulo ni Prinsipe Manawari. Subalit alam naman niyang wala siyang magagawa. Ano nga
ba ang laban ng isang taong tulad niya sa buwayang ito na bukod sa dambuhala na, ang buntot ay
dalawa pa? Hinugot niya ang kanyang balaraw bagamat alam niyang wala namang gamit ito.
Kuminang ang talim ng balaraw sa tama ng kahel na buwan at napansin iyon ng buwaya. Waring
ang dambuhala naman ang uminit ang ulo pagkakita kay Prinsipe Manawari. Pasugod na ang buwaya
at handa nang manlapa. Si Prinsipe Manawari’y tila handa namang mamatay. Mabuti na lamang at
kahit tuluyan na niyang nalimutan ang gintong sing-sing-ita ay naalala naman niya ang diumano’y
Magik Sinturon daw na handog ng mga taga-Tribu Maliputu. Ibinigkis ni Prinsipe Manawari ang
Patola Kaorayan sa kanyang noo. Dumagundong ang mga kulog at gumiyagis ang mga kidlat sa
kalangitan. May kung anong puwersang nanuot sa kalamnan at mga buto ng prinsipe mula ulo
pababa hanggang sa pinakadulo ng daliri sa paa. Nakaramdam siya ng tila ugat ng higanteng
punong nilalala sa kanyang mga himaymay. May tila bakal na pinapanday sa unod ng kanyang buto.
May kuryenteng dumuduro sa bawat pintig ng kanyang pulso. At may biglang humiwang kidlat
galing sa kanyang mabalasik na mga mata. Sumugod na ang prinsipe at tila may bagwis ang
kanyang mga paa. Nagpanagpo sila sa ere ng dambuhalang buwaya at kaagad siyang hinalihaw ng
kambal nitong buntot. Talsik ang prinsipe sa dalampasigang pinanggalingan nila. Kinaon naman
siya ng mga Isdang Alapaap at inilipad pabalik sa Pulo ng Maniwantiwan. Nagpatuloy sa
pakikihamok sa buwaya si Prinsipe Manawari. Nadakma ng prinsipe Manawari ang buntot ng
dambuhalang buwaya at iwinasiwasiwas ito at ihinagis sa kabilang pangpang. Mabilis namang
nakalangoy pabalik ang buwaya at sinakmal ang prinsipe. Nakailag ang prinsipe at nakalundag siya
sa leeg ng buwaya. Nagpambuno silang dalawa. Minsa’y napapailalim siya sa buwaya at minsan
nama’y nakukubabawan niya ito. Minsang mapadako sila sa pampang at magpagulong-gulong at
kung minsan naman ay sa lalim ng dagat at magpabali-baligtad. Kapwa ayaw magpatalo ng isa’t isa.
Apatnapung araw at apatnapung gabi na silang nagpapambuno subalit wala pa ring sumusuko.
Walang gustong sumuko. Subalit sa labanang tulad ng gayon ay kailangang may magwagi.
Hanggang sa parang tinatakasan na ng lakas ang dambuhalang buwaya at nakapag-ipon naman ng
panibago si Prinsipe Manawari. Itinikom niya nang mariin ang kamao at lumagutok ang
nagngangalit na buto. Isinalin ni Prinsipe Manawari ang lahat ng natitira pa niyang lakas sa
kanyang bisig at ibinuga ito sa dulo ng kamao. Dumapo sa maganit na panga ng dambuhalang
buwaya ang isang maliit na kamaong tila may lulang poot ng isang bulkan. At ang dating mabalasik
na dambuhalang buwaya ay naging hilong talilong na walang masilungan. Nang matiyak na ang
pagkagapi ng kalaban, sumisid si Prinsipe Manawari sa lalim at kumuha ng mahabang baging-dagat.
Iginapos ng prinsipe ang leeg at unahang paa ng dambuhalang buwayang sa pagkakataong iyo’y
hindi na makapalag pa. Iniahon ng prinsipe sa pulo ang dambuhalang buwaya na laslas ang tiyan at
lalamunan. Bagamat punit-punit ang kasuotan ni Prinsipe Manawari, nagtamo lamang ito ng
kaunting gasgas sa braso. Hindi magkamayaw ang mga nakasaksi lalo na nang putulin ni Prinsipe
Manawari ang kambal na buntot ng dambuhalang buwaya at iwagayway ito bilang tropeo ng
napagtagumapayang labanan. Naging simbolo ang kambal na buntot ng nangangakong kapayapaan
22 ng 126
sa dagat na iyon na hinahalikan ng araw.
Walang paglagyan ang kasiyahan ni Zephyra. Bilang pasasalamat ay hahandugan niya ng
bagong bihis ang bayaning prinsipe kapalit ng napunit nitong kasuotan. Pumutol siya ng bahagi ng
kanyang mahabang buhok at humabi siya ng baluti mula rito. Ang baluting ito na yari sa kanyang
buhok at itinubog sa alat ng dagat ay hindi tinatablan ng init o apoy. Kinuha rin ng sirena ang
Magik Malong ng prinsipe at ang laylayan nito ay sinulsihan ng palikpik ng Isdang Alapaap. Mula
sa kung saan ay may lumitaw na pagkalaki-laking gintong barko na nalululanan ng mga mutia at
sarisaring alahas. Inihandog niya ito sa prinsipe. Puwedeng turuan sa isip lamang ang barkong ito
at nakapaglalayag mag-isa. Nagpaalam na sina Prinsipe Manawari at nangako ang prinsipe sa
sirena na ibabalik niya ang dinukot na anak nitong si Astra. Bago sila magpaalam ay ikinuwento ni
Prinsipe Manawari ang tungkol sa mahiwagang dalagang kanyang hinahanap. Ipinakita rin niya kay
Zephyra ang mahiwagang panyong pag-ari ng dalaga.
“Mosala…” Nausal ng sirena pagkakita sa panyo. Sinabi ng sirena na ang Mosala ay hinahabi
lamang ng pitong magkakapatid na Haori. Ang mga diwatang ito ay bumababa lamang sa Talon ng
Tinago para maligo tuwing bughaw ang buwan. Itinuro ng sirena sa prinsipe kung saan
matatagpuan ang Talon ng Tinago. Magbubukangliwayway at nagpaalam na sina Prinsipe Manawari,
lulan ng lumilipad na ngayong Magik Malong. Inutusan naman ng prinsipe ang napakalaking barko
puno ng mahahalagang hiyas na pumasok muna sa isang malaking yungib sa may pangpang. Mula sa
itaas ay tanaw nila ang kumukutitap na ngiti ni Zephyra at bagamat may sumusungaw pang lungkot
sa mata dala ng pag-aasam sa anak, umaasa silang hindi na nila muling maririnig na ganoon
kalungkot ang awit na dala ng banayad na hanging amihan..
V. Mga Amoy at Panimdim
Nanghuhuli ang tatlong hayop ng mga tutubing asul ang katawan, pula ang buntot, dilaw ang
ulo at itim ang pakpak. Nakadapa sa isang malaking bato sa gitna ng dibdib ng talon si Prinsipe
23 ng 126
Manawari at pinagmamasdan ang repleksyon ng buwan sa walang kulay na tubig.
Makalabingwalong araw bago nila matagpuan ang Talon ng Tinago. Naliligiran ito ng mga bundok
na perpekto ang paltok. Ikawalong araw at ikapitong gabi na nila sa talon subalit hindi pa rin
sumusungaw ang bughaw na buwan. Isang tutubi ang dumapo sa tubig sa gitna ng repleksyon ng
buwang tinititigan ni Prinsipe Manawari. Nilundag ito ni Kalabawbibaw at nabasag ang repleksyon
ng buwan sa tubig. Nakaramdam ng bahagyang pagkainis ang prinsipe subalit hindi niya inialis ang
paningin sa tubig. Nang makaahon si Kalabawbibaw, dakma ang bakas ng nakaalpas ding tutubi ay
unti-unting nabuong muli ang nabuak na repleksyon ng buwan. Waring nakasilip si Prinsipe
Manawari sa isang kaleidoscope. Sa paghupa ng dibdib ng walang kulay na tubig ay tumingkad ang
bagong hilamos na bughaw na buwan. Napabalikwas ang prinsipe at tiningala kung hindi lamang
siya pinaglalaruan ng tubig o ng kanyang paningin. At naroroon nga’t nakatalalan sa papawirin ang
pagkalaki-laki at bilog na bilog na bughaw na buwan.
Natigil sa panghahabol ng tutubi ang tatlong hayop. Nagsiksik ang mga ito sa likuran ni
Prinsipe Manawari. May naamoy silang kakaibang sangsang. Mistulang halimuyak ng nabubulok na
mga bulaklak. Umalulong ang tisikong aso at ihinilig ang mukha nito sa braso ng Prinsipe.
Nahulaan naman ng prinsipe ang nais ipagawa nito. Umukit siya ng kaunting muta at ipinahid sa
mga mata. Ipinikit-pikit niya ito hanggang sa luminaw ang kanyang paningin at napatda sa kanyang
nasaksihan. Mula sa bughaw na buwan ay may bumababang pitong babaeng nakalutang sa hangin.
Ito na siguro ang magkakapatid na Haori, naisip ng prinsipe. Walang saplot ang mangasul-ngasul
nitong kabuuan maliban sa umaalimbukay na mahabang buhok na panaka-nakang tumatabing sa
maseselang bahagi ng mga katawan nito. Asul din ang mga pakpak nitong tulad ng sa tutubi. Iisa
halos ang itsura ng pito. Nagkakaiba lamang ang mga ito sa uri at disenyo ng mga bulaklak na
nakaputong sa ulo. Habang papalapag ang pitong diwata sa walang kulay na tubig, ay lalong
sumisigid ang halimuyak ng tila nabubulok na mga bulaklak. Natitiyak ng prinsipeng galing sa mga
diwata ang di-kanais-nais na amoy na iyon. Nagtago sila sa likod ng isang malaking bato at
pinagmasdan ang naliligo na ngayong magkakapatid. Sa bawat paglulunoy ay kumukupas ang
pangangasul ng katawan ng mga ito at humahawa sa kanina’y walang kulay na tubig. Sa bawat
paglulunoy rin ay naiibsan ang sangsang na nalalanghap nina Prinsipe Manawari. Ilang sandali pa’y
umahon na ang pitong magkakapatid na Haori at kumikinang na ngayon ang kanilang kabuuan dahil
sa busilak na kaputian. Ang Talon ng Tinago naman na kanilang pinagliguan na kanina’y walang
kulay ay nagkulay-bughaw. Naglaho na rin ang masamang amoy sa paligid at nahalinhan ito ng
halimuyak ng kabubukang mga bulaklak.
Naghanda na sa muling paglipad ang mga diwata kaya napilitan si Prinsipe Manawaring
lumabas na sa kinatataguan. Nagulat ang mga diwata pagkakita sa kanya subalit saglit lang din
dahil napansin nila ang panyong Mosala na iwinawagayway ng prinsipe. Isinalaysay ng prinsipe ang
kuwento sa likod ng panyong iyon at humingi ng tulong kung paano niya matatagpuan kung sino man
ang may ari ng Mosala. Sinabi ng panganay na diwata na sila nga ang humabi ng panyong iyon at
hinandog nila iyon sa isang sanggol na babaeng pinuspos sa talon ding ito, labingwalong bughaw na
buwan na ang nakararaan. Ang sanggol na iyon ay anak nina Datu Puti at Ba’i Anko ng Pulo ng
Laguindingan, ayon naman sa bunsong diwata. Itinuro din ng mga diwata kung saan matatagpuan
ang Pulo ng Laguindingan. Malapit lamang daw ito sa Talon ng Tinago at tatlong bundok na lang
24 ng 126
ang kanilang tatawirin. Ito lamang ang tanging pulo sa daigdig na sinisikatan at nilulubugan ng
araw. Lubos na nagpasalamat si Prinsipe Manawari at nagpaalam na rin ang magkakapatid na
Haori. Lumipad na ang mga ito pailanlang sa bughaw na buwan at maya-maya pa’y ang bughaw na
buwan ay bumalik na sa dati nitong kulay. Sabik na sabik naman si Prinsipe Manawari sa nakuhang
balita at hindi na niya nagawang makatulog pa. Iyon ding sandaling iyon ay naglakbay na sila sakay
ng Magik Malong patungo sa Pulo ng Laguindingan, ang tanging pulong sinisikatan at nilulubugan ng
araw. Ang pulong tahanan ng kanyang mahiwagang dalaga.
Hindi pa man lumalapag ang Magik Malong ay napansin na ni Prinsipe Manawari ang kaibang
simoy ng hangin. Amoy patay na daga ang paligid at tila naninikit ito sa kanyang ilong. Lumapag
sina Prinsipe Manawari sa isang burol na tanaw ang isang pulo. Payapa ang kadagatang nakapalibot
dito. Paputok pa lamang ang araw sa silangan. Ang gintong silahis nito’y unang humalik at tuluyan
nang yumakap sa naturang pulo. Isa na lamang ang dapat tiyakin ng prinsipe. Dito rin ba lulubog
ang Haring Araw? Ito na ba ang Pulo ng Laguindingan? Pinasya ng prinsipeng magpalipas doon ng
maghapon upang matiyak kung doon nga rin lulubog ang araw. Lumipad ang isip niya sa iniwang
kaharian. Sa mga mahal sa buhay na natitiyak nang nag-aalala ngayon. Sa Amang Haring Bacocos
at Inang Reynang Bicuda. Sa kanyang iniwan at pinagtaksilang kabiyak. Ayaw niyang isipin kung
paano pinapatay ang mga ito ng panghuhula sa kanyang biglang pagkawala. Tanging sila ni Merlin
ang nakaaalam ng hibang niyang paglalakbay. At muli siyang nakadama ng matinding panimdim.
Nang mapagod ang isipa’y ipinasya muna niyang humimbing. Itinalukbong niya ang malong upang
huwag malanghap ang masangsang na amoy na sa wari niya’y nanggagaling sa pulong iyon. Dala na
rin ng puyat at pagod ay madali siyang nakatulog. Sa panaginip ay dinalaw siya ng kanyang
pangarap. Siya at ang mahiwagang dalaga sa isang planetang di niya mawawaan. Sa iba’t ibang
dako at iba’t ibang kaanyuan. Minsa’y sa sepiang sapa at sila’y mga palaka. Minsa’y sa lilac na
layak at sila’y mga bayawak. Kung hindi nama’y sa pulang parang at sila’y mga balang. Sa iba’t
ibang dako at iba’t ibang kaanyuan. Ngunit iisang damdamin. Iisang pintig ng pagniniig. At sa
lahat ng dako at kaanyuang iyon ay siya ang bihasa. Siya ang Guro. Siya ang Lalaki. Mga palaka
sila ngunit ililipad niya sa langit ang kaniig. Mga bayawak sila ngunit mapapakokak sa lualhati ang
kanyang minimithi. Mga balang sila ngunit magpipingkian ang malalamig nilang pusod at kuyukot.
Sa lahat ng dako at iba’t ibang kaanyuan. Laging julio at tag-ulan. Laging tag-ulan ng ligaya.
Subalit matapos ang pagniniig ay madudurog sa paanan nila ang mga luha. Mabubulok ang mga
balat nila’t laman at mangangamoy patay na daga. Babalutin sila ng itim na panindim. Ang
mahiwagang dalaga’y huhulagpos na parang usok. Pipigilin niya ito subalit mabibigo siya.
Tatastasin niya ang laylayan ng malong at itatali niya ang sarili at ang dalaga. Subalit
makatatakas pa rin ito. Subalit mangangako itong babalik kapag siya, ang Guro at ang Lalaki ay
maalam nang makipagtalik tulad ng isang tao. At siya’y mangangako rin.
Hindi niya ikukuwento sa alimbyuging manok ang panaginip.
Mataas pa rin ang araw nang magising si Prinsipe Manawari. Muli niyang minasdan ang
pinaghihinalaang Pulo ng Laguindingan. Mula sa burol na kinatatyuan ay mistula itong tumpok ng
putik. Wala siyang maaninaw ni isang punong nakatindig. Kaya rin siguro ganito na lamang
kasangsang ang hanging nagmumula rito. Nakaramdam siya ng kalungkutan at panghihinayang
25 ng 126
para sa pulong ito.
Humapon ang alimbyuging manok sa sanga ng punong kinahihiligan ni Prinsipe Manawari.
Mahaba at malamlam ang anino ng tumitilaok na manok. Palubog na ang araw. Lumakad sa dalisdis
ng burol si Prinsipe Manawari. Doo’y tanaw na niya ang kahel na araw na lumulubog sa dagat sa
likod ng pulo. Walang ingay at kalatis ang paglubog nito. Bago magpaalam ang mga silahis nito’y
nagbahid muna ng sari-saring kulay sa ulap. Tila ito isang pinsel sa maingat na kamay ng isang
dibuhista. Magkahalong tuwa at lungkot ang idinulot ng pamamaalam na iyon ng araw sa puso ni
Prinsipe Manawari. Ito na ang wakas ng kanyang paghahanap subalit simula rin nga kaya ng
kinatatakutang panimdim? Bukas ng umaga niya binalak harapin ang kasagutan.
Humahangos papasok sa torogan ni Datu Puti ang kakamot-kamot na bantay.
“Mahal na Datu! Mahal na Datu! May dayuhan sa labas at dala-dala ang Mosala ni Prinsesa
Ganda!”
Napabalikwas sa pagkakahiga ang nanghihinang si Datu Puti. Inutusan nito ang bantay na
papasukin ang dayuhan. Kagyat namang tumalima ang inutusan. Naiwan sa labas ng torogan ang
tatlong hayop. Hinubad ni Prinsipe Manawari ang kanyang sapin at sumunod na pumasok sa
torogan ng datu. Sinalubong siya ng matinding amoy at muntik na siyang maduwal. Inabutan ng
prinsipe ang datu na tumatayo mula sa higaan at umupo sa maharlikang trono nito. May bigla
siyang naalala pagkakita sa datu subalit hindi lang niya mapagwari kung sino. Maputlang-maputla
ang datu at tadtad ng sugat ang mukha nito’t mga braso. Mga sugat na inaagusan ng tila-dagtang
natitiyak na ngayon ng prinsipe na pinanggagalingan ng masangsang na amoy.
“Isang malugod na umaga po, Datu Puti.” Pagpupugay ni Prinsipe Manawari.
“Ihayag mo binata, kung sino ka? Saang kaharian ka nagmula at ano ang iyong pakay?”
Bagamat hirap ay pinilit magsalita ang datu.
“Nagpupugay po sa inyo si Prinsipe Manawari ng Kaharian ng Hansen. Nilakbay po namin ang
ilang bundok at kadagatan sa pagbabakasakaling matagpuan namin ang may-ari ng Mosalang ito.”
Pagpapakilala ng prinsipe kasabay ng pag-aabot sa datu ng mahiwagang panyo. Lumiwanag ang
mukha ng datu nang mamasdan ang Mosalang inabot ng prinsipe subalit bigla uli itong lumamlam
nang may sumagi sa isipan nitong nagdulot ng matinding pag-aalala.
“Ganda...” Pabulong na nausal ng datu sa sarili. Subalit pabulong man iyon ay nahagip ng
pandinig ni Prinsipe Manawari.
“G-Ganda?”
“Ang kaisa-isa naming anak. Ang kaisa-isa naming anak na babae.”
Sumasal ang tibok ng dibdib ni Prinsipe Manawari. Ganda. Ngayo’y may ngalan na ang
mahiwagang dalaga. Ganda. Kaytamis nito sa kanyang pandinig. Kaytamis nito sa kanyang
damdamin. Nais na niyang tapusin ang pananabik.
“Kung inyo pong mamarapatin, Mahal na Datu. Maari ko po bang masilayan ang inyong anak?”
Hindi umimik si Datu Puti at wari’y nilunod na ito ng nadaramang kalungkutan.
“Kung nalalaman n’yo po lamang ang aking nilakbay. Hindi n’yo po ipagkakait sa a…”
“Wala siya rito.” Putol ng datu sa nag-aatubiling prinsipe.
Para namang nabagsakan ng bundok si Prinsipe Manawari sa narinig. Nagmamakaawa ang mga
mata nitong nagtatanong.
26 ng 126
“Pinatakas namin siya sa Laguindingan mula nang lumaganap ang mahiwagang sakit na ito.
Lulan siya ng Rinamentaw Mapalaw.”
“Rinamentaw Mapa…”
“Rinamentaw Mapalaw. Ang mahikal na barko ng pulo.”
“ Ang dambuhalang barkong may kakaibang aroma?”
Tumango ang datu. Ito naman ang naging interesado.
“Alam mo kung nasaan ang barkong iyon? Alam mo kung nasaan ang aking anak? Ang mahal
naming Ganda?” Sunud-sunod na tanong ng datung nalipos ng pananabik.
“Abot-tanaw ko lamang siya. Abot-tanaw at…at…biglang nawala.” Usal ng prinsipe na para
bang nangangarap.
“Nawala?”
“Nagsasayaw siya. Walang sapin. Ang buhok. Ang mata…”
“Nagsasayaw?”
“Nagsasayaw at biglang nawala. Ganda pala ang ngalan niya…”
“Nagsasayaw. Nawala. Nasaan siya? Bakit nasa iyo ang kanyang Mosala?”
“Parang awa n’yo na po Mahal na Datu. Gusto ko pong masilayan si Ganda. Nasaan po ang
inyong anak?”
“Hindi ka ba nakikinig, binata? Wala rito si Ganda. Ikaw kamo ang nakakita sa kanya. Saan
mo siya nakita? Bakit nasa iyo ang kanyang Mosala?
“Ang Mosala. Oo, ang Mosala. Ito lamang ang iniwan niyang alaala nang sumulpot siya at
biglang maglaho matapos sumayaw sa aming kaharian.”
“Kung ganoo’y hindi mo rin alam kung nasaan si Prinsesa Ganda?”
Marahang tumango ang prinsipe.
“Mabuti pa’y magpahinga ka muna at mukhang malayo ang iyong nilakbay. Mamaya natin
ipagpatuloy ang pag-uusap.”
“Babalik pa po ba si Prinsesa Ganda? Magkikita po ba kami?”
“Ang Rinamentaw Mapalaw lamang ang makapagpapasya no’n. Binilinan ko ito na ibalik lamang
sa Pulo ng Laguindingan ang prinsesa kapag wala na ang pesteng sakit na ito.”
“Hahanapin ko po ang inyong anak. Ituro n’yo po kung saan ko siya matatagpuan.”
Umiling-iling si Datu Puti.
“Mas makabubuting magpahinga ka muna, binata.”
Tumayo nang muli ang datu sa kinauupuan at inot-inot itong bumalik sa higaan. Tila lalong
nakaragdag sa karamdaman nito ang balitang dala ng dayuhang prinsipe. Wala namang nagawa si
Prinsipe Manawari kundi sumama na sa nagkakakalkal na ngayong bantay at lumabas ng torogan.
Paglabas niya’y naroon ang tatlong hayop na kaibigan. Matapat na naghihintay kay Prinsipe
Manawari. Sa prinsipeng sa tindi ng panimdim ay tila isang saranggolang sumabit sa matutulis na
sanga.
27 ng 126
VI. Tatlong Haragan, Isang Sugatan
Dati’y mistulang Paraiso ang Pulo ng Laguindingan. Kung tatanawin sa malayo ay para itong
sariwang cauliflower na nakalutang sa sariwa ring tubig. Malulusog ang nasasakupan ni Datu Puti.
Malalakas ang mga kawal nito na laging handang magtanggol sa kaaway ng pulo. Namumutiktik sa
ginto ang lupain. Ang mga kababaihan, sa pangunguna ni Ba’i Anko ay matagumpay sa pagtatanim
at pagpapalago ng mga bulaklak at halamang-gamot. Naging matagumpay rin ang mga kalalakihan
sa pangangasawa. Napakabilis lumawak ng kanilang nasasakupan. Nag-uumapaw ang kanilang
yaman at wala silang paglagyan ng kaligayahan. Para ngang wala nang katupasan ang lahat.
Hanggang sa dumating ang Tatlong Maputlang Haragan. Una’y isa-isang sinubok ng tatlo na
paibigin ang kaisa-isang anak na babae ng Datu at ng Ba’i. Subalit dahil sa magagaspang na ugali
nito’y walang mapusuan sa mga ito si Prinsesa Ganda. Subalit hindi naman talaga ang prinsesa
lamang ang pakay ng Tatlong Haragan. Higit, ay ang birheng kagubatan ng Pulo ng Laguindingan
at ang mga ginto nito ang puntirya ng tatlo. Nang hindi sila umubra sa prinsesa, ang datu ang
kanilang dinigahan. Simula’y pinuri nila ang datu sa angking kayamanan at kapangyarihan.
Matapos ay unti-unting tinuya. Bakit daw Datu Puti ang tawag dito samantalang kulay ebak naman
ang balat? May alam daw ang mga itong pampaputi. Dagta ng puno. Ito raw ang ginagamit nila
para pumuti. Sa madaling salita’y nauto nila ang datu. Na sa katotohanan, ay kaya naman
mapuputi ang tatlo ay galing ito sa lupaing laging nakalubog ang araw. Nagpagawa ang datu ng
isang napakalaking hukay at pinapuno iyon ng dagta ng mga puno. Samantala’y ang mga pinuputol
na punong pinangangasiwaan ng Tatlong Haragan ay kinukulimbat ng mga ito at dinadala sa
kanilang lupain. Sabay sa pagkapuno ng dagta ng napakalaking hukay ang pagkaubos ng puno sa
kagubatan ng Pulo ng Laguindingan. Ipinag-utos naman ni Datu Puti na lahat ng kanyang
nasasakupan ay kailangang maglunoy sa “Ilog ng Dagta” sa pangunguna niya upang ang lahat ng tao
sa pulo ay mangagsiputian. Dito hindi nagkasundo si Datu Puti at Ba’i Anko. Hindi ito pumayag
maglunoy sa dagta at maging si Prinsesa Ganda ay hindi nito hinayaang pumuti. Itinakas ni Ba’i
Anko ang kaisa-isang anak na babae palayo sa tila inaalihan ng Yawang bana. Noong una’y natikis
ni Datu Puti ang mag-ina lalo na nang umani sila ng papuri sa mga dayuhang napapadpad sa Pulo ng
Laguindingan pagkakita sa kanilang malalabanos na kutis. Subalit sandali lamang ang kaligayahang
iyon. Unti-unti, ang kanilang mapuputing kutis ay nagkabitak-bitak dahil sa hindi na masalang
sikat ng araw. Ang bitak ay naging nakangangang sugat na nilalabasan ng tila kinakalawang na
dagtang pinanggalingan ng malansang amoy. Ito raw ang huling ganti ng mga naghingalong
punungkahoy. Maging ang lupain ng pulo ay nagmistulang kayumangging disyerto ng kahungkagan.
Wala na ni isang punong tumubo pa, maliban sa Binansot na Baliteng may kahel na dahon na
handog ng mga anito kay Datu Puti noong ito’y puspusin. Halos maubos ang kayamanan ng
Laguindingan sa pagtuklas ng lunas sa misteryosong sakit na lumaganap, hindi lamang sa lahat ng
tao kundi sa buong lupain. Isang malagim na sumpa ng kalikasan! Ang Tatlong Haragan naman na
nagsimula ng lagim na ito ay bigla na lamang naglaho sa pulo. Huli man, ay nagawa pa ring magsisi
ni Datu Puti. Kagyat niyang pinahanap ang mag-ina subalit si Prinsesa Ganda na lamang ang naiuwi
28 ng 126
ng Rinamentaw Mapalaw. Namatay sa labis na pagdadalamhati ang Ba’i Anko. Sakmal man ng
matinding pangungulila sa mga mahal sa buhay ay tiniis ni Datu Puting huwag nang patungtungin si
Prinsesa Ganda sa pulo at inatasan nga nito ang mahiwagang barko na itakas muna pansamantala
ang prinsesa hanggang hindi humuhupa ang sakit. Ang prinsesa na lamang ang natitirang yaman ng
datu. Maging ang magigiting na anak ng Laguindingan ay hindi na nakabalik matapos hanapin ang
Ibong Aninipot na ang awit ay pinaniniwalaang makapaghihilom sa Laguindingan.
Matapos magsalaysay ng kakamot-kamot na bantay ay saka pa lamang nito napunang tulog na
ang kainuman. Halos maubos ni Prinsipe Manawari ang tatlong buhong kawayan ng basi. Subalit
ang katawan lamang ng prinsipe ang sumuko. Nakaukit sa isipan niya ang kaliit-liitang detalye ng
kuwento ng nangangating bantay.
Kinaumagahan ay muling nakipagharap si Prinsipe Manawari kay Datu Puti. Ihinayag din niya
ang banal na pakay kay Prinsesa Ganda. Wala namang pagtutol sa parte ng datu maliban sa
kailangang sumunod ni Prinsipe Manawari sa kostumbre ng pulo. Kailangang matugunan ng prinsipe
ang doteng hihingin ng pangkalahatang datu at ng iba pang pinuno ng Laguindingan. Una nilang
hiningi ang labindalawang libong alipin. Ang isang pinuno’y humingi ng pitong baul ng mamahaling
hiyas. Naalala ni Prinsipe Manawari ang gintong barkong handog ni Zephyra na punung-puno ng
mamahaling hiyas. Sa pamamagitan ng kanyang isip ay nagawang utusan ng prinsipe ang turuang
barko na maglayag papunta sa Pulo ng Laguindingan. Anong mangha’t anong tuwa ng buong
kapuluan nang makita ang paparating na gintong barkong may lulang mamahaling hiyas. Ang isang
pinunong may pagtingin kay Prinsesa Ganda ay humiling sa prinsipe ng isang imposibleng bagay.
Hiniling nitong patumbalikin ang agos ng tubig sa ilog. Binalaan ng prinsipeng maaring hindi
maging maganda ang resulta nito kung magkakagayon man. Subalit mapilit ang kanyang karibal sa
paniniwalang hindi dapat matugunan ng prinsipe ang dote para hindi mapasakamay nito ang
hinahangad din nitong prinsesa. Walang nagawa si Prinsipe Manawari kundi pagbigyan ang hiling
ng pinunong karibal. Hiningi niya ang tulong ni Kalabawbibaw para maisagawa ang pagpapatumbalik
sa agos ng tubig sa ilog. Tumalima naman ang kaibigang hayop at lumulon ito ng sampung kaing na
sili. Matapos ay pumuwesto ito sa gitna ng Ilog-Agko at sa pamamagitan ng mga sungay na nag-
alimpuyong parang ipo-ipo’y napatumbalik nito ang agos sa ilog. Subalit dahil sa sobrang anghang
ng sampung kaing na siling nakain, bumilis ng sampung ulit ang pag-ikot ng sungay nito na lumikha
din ng sampung higanteng ipo-ipo. Ang mga bahay sa Laguindingan ay natangay. Kung hindi pa
nagmakaawa ang hambugerong pinunong humiling ng imposible ay hindi patitigilin ni Prinsipe
Manawari ang kabaw. Ang babaeng pinuno naman ay humiling ng 7,100 Makahiyang hindi
nakatiklop ang dahon. Ang isa’y humiling ng 50 kalapating mula sa langit. Ang isa nama’y sarikulay
na tela bilang pamalit sa mga dahon ng puno. Hiningi naman ng batang-batang pinuno ang Patola
Kaorayan ng prinsipe. Sinabi ng prinsipeng humiling na lamang ng iba dahil hindi niya maaring
ibigay sa iba ang anumang bagay na handog lamang din sa kanya. Subalit mapilit ang batang
pinuno. Hinablot nito ang Magik Sinturon na nakabigkis sa noo ng prinsipe at dagling ibinigkis sa
sarili nitong noo. Maya-maya’y dumaing ang batang pinuno na masakit ang kanyang ulo. Nataranta
ang lahat nang makitang naging sawa ang sinturon at nilingkis ang ulo ng batang pinuno. Humigpit
nang humigpit ang pagkakalingkis hanggang sa para nang mapipisak ang ulo ng bata.
Nagngangangawa itong nagpasaklolo kay Prinsipe Manawari at dagli namang hinaltak ng prinsipe
29 ng 126
ang nakalingkis na sawang bigla namang bumalik sa pagiging sinturon sa kamay ng may-aring
prinsipe. Matapos ang mga ito’y tila ayaw nang humiling ng iba pa. Pinalabas muna ni Datu Puti sa
torogan si Prinsipe Manawari at pinulong ang kanyang mga pinuno. Nagkaroon ng mainitang
pagtatato sa loob ng torogan. Panaka-naka’y nakaririnig si Prinsipe Manawari ng mga sigawan. Sa
bandang huli’y nangibabaw na ang malakas at matatag na tinig ni Datu Puti. Maya-maya’y lumabas
na sa torogan ang mga pinunong sambakol ang mukha. Naiwan sa torogan si Datu Puti. Pinapasok
si Prinsipe manawari sa torogan at sila na lamang ng tiim-bagang na datu ang magkaharap sa loob.
“Buhay at kasaysayan ang pinuhunan namin sa lupaing ito, Prinsipe Manawari. Itinatag namin
ito sa giya ng aming mga kostumbre’t paniniwala. Subalit higit, sa pananalig.”
Bagama’t natatalinghagaan ang prinsipe’y mataman siyang nakinig sa datu.
“Masdan mo ang buong kapuluan. Ni anino ng naglahong paraiso’y hindi mo na mababakas.
Ako na ang nagpasya. Mahihiling namin sa iyo ang kahit ano kapalit ni Prinsesa Ganda. Mga
kahilingang alam naming hindi mo lahat matutupad. Ngayo’y handa akong salangsangin ang aming
kaugalian.”
Hindi malaman ng prinsipe kung matutuwa o matatakot sa naririnig. Bakas na bakas niya ang
katiiman ng mga katagang iyon sa matatag na panga ng datu.
“Kalimutan mo na lahat ang mga hiningi naming dote. Maging ang gintong barko ng
mamahaling hiyas ay ibabalik ko na sa iyo. Ano pa nga ba ang halaga noon sa amin o sa layaw ng
aming katawan kung maging ang sarili naming balat ay amin nang ikinahihiya?”
Humugot ng isang malalim na hininga si Datu Puti at tumitig nang diretso sa mga mata ni
Prinsipe Manawari.
“Isa lang ang hihilingin ko sa iyo, Prinsipe Manawari…” Hindi na tinig iyon ng isang nag-uutos o
humihiling, kundi higit, ng isang nagmamakaawa. “Dalhin mo sa amin ang Mahiwagang Ibong
Aninipot.”
Nang mapansing parang natigilan ang prinsipe’y idinagdag pa nitong:
“Maging ang buong Lupain ng Laguindinga’y ipagkakaloob ko sa iyo. Iligtas mo lamang ang
aking nasasakupan. Iligtas mo lamang kami.”
Hindi malaman ni Prinsipe Manawari kung anong damdamin ang dapat niyang maramdaman.
Basta’t ang alam niya’y nilulunod ng nangingilid na luha ng datu ang kanyang kaluluwa. Sinasakal
siya ng nag-iigting na litid sa leeg ng pinuno. Niyayanig ang kanyang buong pagkatao ng
gumagaralgal na tinig ni Datu Puti. Nagawa rin niyang maisatinig ang kanyang agam-agam.
“Kung kaya ko nga lang po, Mahal na Datu.”
Hindi inaalis ng datu ang pagkakatitig sa mga mata ng prinsipe.
“Noong una’y naniniwala kaming sa lupaing ito rin manggagaling ang aming katubusan. Subalit
naubos na yatang lahat ang aming mga anak ay wala pa kaming pag-asang matanaw. Ni isa sa mga
naghanap sa Mahiwagang Ibon ay walang nakabalik. Ngayo’y narito ka na bagamat isang dayuhan
ay…”
“Subalit hindi ko po maipangangako ang inyong hinihiling.”
“Hindi mo kailangang mangako. Ang mahalaga’y ang pagpayag mo sa nag-iisa naming
kahilingan.”
“Kung ganoon po’y pumapayag na ako. Kung ito ang paraan para mapatunayan ko ang dalisay
30 ng 126
kong pag-ibig kay Prinsesa Ganda, nakahanda akong makipagsapalaran sa pagdakip sa Ibong
Aninipot. Para ito sa inyong anak, Mahal na Datu. Para sa inyong anak.”
Napayakap ang datu sa prinsipe at tinapik-tapik nito ang likuran niya .
“At para sa Laguindingan, anak…Para sa Laguindingan.”
Bago muling maglakbay sina Prinsipe Manawari para hanapin ang Mahiwagang Ibong Aninipot
ay muling ipinatawag ng datu ang prinsipe sa torogan nito. Ipinabaon ng datu sa prinsipe ang
Binansot na Baliteng may kahel na mga dahon. Binilinan ni Datu Puti si Prinsipe Manawari na
kailangang makabalik ito sa Pulo ng Laguindingan bago malagas lahat ang dahon ng balite. Muli’y
namasdan ng prinsipe ang mga sugat sa balat ng mahinang-mahina nang datu. Subalit may mas
higit siyang sugat na naaaninaw sa malalamlam nitong mga mata.
Ang mundo ay isang komedya sa mga nag-iisip, trahedya sa mga dumarama
31 ng 126
VII. Ang Munting Prinsesang Nakaupo sa Tasa
Nakatulungko si Prinsipe Manawari sa ilalim ng Puno ng Bayabas. Pinagmamasdan niya ang
Binansot na Balite. Isang kahel na dahon na naman ang nalagas dito. Papaikli na nang papaikli ang
taning niya at hindi pa niya natatagpuan ang Ibong Aninipot. Ni wala nga siyang ideya kung saang
lupalop ng daigdig ito humahapon. Noon lang din niya muling napansin ang gintong singsing-itang
ibinigay ng Diwata ng Kagubatan. Kailanma’y hindi pa niya ito napakikinabangan. Gusto na niyang
maniwalang biniro lang talaga siya ng diwata. Ni minsa’y hindi naman niya ito nakitang
nakapulupot sa kanyang palasingsingan. Ngayon nga, katulad ng lumipas na ilang mga araw, ay sa
hintuturo niya ito laging nakapulupot. Napangalumbaba ang prinsipe at naibulong niyang sana’y
kahit maituro man lang nito kung saan matatagpuan ang Mahiwagang Ibon. Pagkausal nito’y
biglang kumalawa ang gintong singsing-ita sa kanyang hintuturo. Nalaglag ito sa lupa at biglang
naging isang dambuhalang sawa.
“Ano ang maari kong ituro sa inyo, Mahal na Prinsipe.”
Matapos ang lahat ng naging karanasan sa paglalakbay at samu’t saring nasaksihang
kababalaghan, hindi na nagugulat pa ang prinsipe.
“Ituro mo sa akin kung saan ko matatagpuan ang Mahiwagang Ibong Aninipot.”
“Madali po iyon. Humahapon po ito sa Punong Aninipot.”
“Saan ko naman matatagpuan ang Puno ng Aninipot?”
“Naisin ko man, ay tunay ngang hindi ko alam. Subalit maari kong ituro sa inyo kung sino ang
maaring makapagturo sa inyo ng inyong hinahanap.”
“Kung ganoo’y sino ang makapagtuturo sa akin?”
“Ang Prinsesang Nakaupo sa Tasa.”
“Nakaupo saan?”
“Sa Tasa po, Mahal na Prinsipe.”
“T-tasa…?” Bagamat nalilito’y nagpatuloy ang prinsipe. “Saan ko matatagpuan ang prinsesang
sinasabi mo?”
“Matatagpuan n’yo siya sa Hinulugang Taktak.”
32 ng 126
“Hinulugang Taktak?”
“Doon po sumasangguni ang lahat ng tao sa lahat ng panahon tungkol sa anumang problemang
hindi nila madesisyunan o masolusyunan.”
“Paano ako makararating sa Hinulugang Taktak?
“Pumikit po kayo, Mahal na Prinsipe.”
Sumunod naman si Prinsipe Manawari ngunit dagli din itong dumilat. Itatanong dapat niyang”
O, Ngayon?” nang mapansing nasa ibang lugar na siya. Nasa isang maliit siyang tila pulo na
napapaikutan ng di-kataasang talon. Nadilatan ni Prinsipe Manawari ang mga taong nakapila na
iba’t iba ang kasuotan at paraan ng pananalita. Ang pila’y nagwawakas sa harap ng isang parang
dalagitang, parang batang, di lang niya matiyak. Nakaupo ito sa gilid ng isang malaking tasa. Sa
magkabilang tagliran nito ay may nakatayong dalawang tanod na mukhang uod. Nakipila si
Prinsipe Manawari. Ito na siguro ang Munting Prinsesang Nakaupo sa Tasang sinasabi ng gintong
singsing-itang naging higante ngang sawa. Sa harap ngayon ng prinsesa’y may dalawang babaeng
may dalang isang sanggol. Kunot ang noo ng prinsesang sa malapitan pala ay pakiwari ni Prinsipe
Manawari ay mukhang lolang katatapos lang magnganga.
“Ano ang inyong problema?”
“Ang akin pong sanggol ay gusto niyang agawin.” Anang nasa kaliwa.
“Subalit Mahal na Prinsesa. Ang sanggol na ito’y ako ang nagluwal.” Anang nasa kanan.
“Sino ba talaga ang ina ng sanggol na ito?”
“Ako po.” Anang dalawa.
“Hindi puwede ang sinungaling dito. Alam n’yo ang kaparusahan. Kanino talagang anak ang
sanggol na ito?”
“Ako pong talaga, Mahal na Prinsesa.” Anang dalawa pa rin.
Napabuntunghininga ang prinsesa at matamang nag-isip kung paano lulutasin ang problemang
ito.
“Ikaw?” Tanong niya sa babae sa kaliwa. “Ano’ng pangalan mo?”
“Ana po.”
“Ikaw naman?”
“Ana rin po.”
“Parehong Ana ang pangalan n’yo?”
“Opo.” Anang dalawa sabay tango.
“Ganito na lang ang gawin natin. Yaman din lamang na pareho ninyong pinangangatawanan na
sa inyo ang sanggol na ito, na imposibleng mangyari dahil hindi maaring sa dalawang ina manggaling
ang isang sanggol, eto ang aking solusyon...”
Sabik na naghihintay ng desisyon ng prinsesa ang dalawang Ana.
“Hatiin natin ang sanggol na ito at paghatian ninyong dalawa para parehas at walang away.”
Napaisip ang dalawang ina.
“Payag ba kayong hatiin natin ang sanggol?”
Nagkatinginan ang dalawa at sabay pang sumagot.
“Opo, Mahal na Prinsesa. Payag po kami.”
Unti nang mahulog sa kinauupuang gilid ng tasa ang paham na prinsesa. Nang makapanimbang
33 ng 126
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari
Hari Manawari

More Related Content

What's hot

Anyo at Uri ng Panitikan
Anyo at Uri ng PanitikanAnyo at Uri ng Panitikan
Anyo at Uri ng Panitikan
cieeeee
 
Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan
Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan
Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan
michael saudan
 
Fil fray botod
Fil   fray botodFil   fray botod
Fil fray botod
iamkim
 
Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan
Nagkaroon ng Anak sina Wigan at BuganNagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan
Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan
jeralyn rusaban
 
Mga uri ng dula
Mga uri ng dulaMga uri ng dula
Mga uri ng dula
jaylyn584
 

What's hot (20)

Anyo at Uri ng Panitikan
Anyo at Uri ng PanitikanAnyo at Uri ng Panitikan
Anyo at Uri ng Panitikan
 
Dula
DulaDula
Dula
 
Ang-Punong-Kawayan.pptx
Ang-Punong-Kawayan.pptxAng-Punong-Kawayan.pptx
Ang-Punong-Kawayan.pptx
 
Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan
Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan
Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan
 
Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula
Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikulaPagrerebyu o pagsusuri ng pelikula
Pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula
 
Talahanayan ng Espisipekasyon sa Filipino 7(Ikaapat na Markahan)
Talahanayan ng Espisipekasyon sa Filipino 7(Ikaapat na Markahan)Talahanayan ng Espisipekasyon sa Filipino 7(Ikaapat na Markahan)
Talahanayan ng Espisipekasyon sa Filipino 7(Ikaapat na Markahan)
 
Uhaw sa tigang na lupa
Uhaw sa tigang na lupaUhaw sa tigang na lupa
Uhaw sa tigang na lupa
 
Filipino 3
Filipino 3Filipino 3
Filipino 3
 
Fil fray botod
Fil   fray botodFil   fray botod
Fil fray botod
 
Aralin 3.2 parabula tungkol sa Banga.pptx
Aralin 3.2 parabula tungkol sa Banga.pptxAralin 3.2 parabula tungkol sa Banga.pptx
Aralin 3.2 parabula tungkol sa Banga.pptx
 
Mga sawikain at_salawikain
Mga sawikain at_salawikainMga sawikain at_salawikain
Mga sawikain at_salawikain
 
Kurikulum ng filipino sa elementarya
Kurikulum ng filipino sa elementaryaKurikulum ng filipino sa elementarya
Kurikulum ng filipino sa elementarya
 
Unang bahagi
Unang bahagiUnang bahagi
Unang bahagi
 
Nakalbo ang datu
Nakalbo ang datuNakalbo ang datu
Nakalbo ang datu
 
Alamat ng bohol
Alamat ng boholAlamat ng bohol
Alamat ng bohol
 
Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan
Nagkaroon ng Anak sina Wigan at BuganNagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan
Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan
 
Pagsusuri ng Maikling Kuwento Impeng Negro Talabong Danica V.
Pagsusuri ng Maikling Kuwento Impeng Negro Talabong Danica V.Pagsusuri ng Maikling Kuwento Impeng Negro Talabong Danica V.
Pagsusuri ng Maikling Kuwento Impeng Negro Talabong Danica V.
 
Mga uri ng dula
Mga uri ng dulaMga uri ng dula
Mga uri ng dula
 
Mga Lathalain sa Paglalakbay
Mga Lathalain sa PaglalakbayMga Lathalain sa Paglalakbay
Mga Lathalain sa Paglalakbay
 
Ang alamat ng pilipinas panghalip
Ang alamat ng pilipinas panghalipAng alamat ng pilipinas panghalip
Ang alamat ng pilipinas panghalip
 

Similar to Hari Manawari

Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02
Ryan Pallorina
 
Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong
Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. KapulongPlaneta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong
Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong
Hanna Elise
 
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)
naomimikaelbalderama
 
ang pinagmulan ng Marinduque book.docx
ang pinagmulan ng Marinduque book.docxang pinagmulan ng Marinduque book.docx
ang pinagmulan ng Marinduque book.docx
EDNACONEJOS
 

Similar to Hari Manawari (20)

Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3-120813090707-phpapp02
 
Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3
Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3
Baitang-7-ikalawang-markahan-part-3
 
Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong
Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. KapulongPlaneta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong
Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong
 
3.dayuhan
3.dayuhan3.dayuhan
3.dayuhan
 
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang NagkaloobFilipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
 
Alamat.pptx
Alamat.pptxAlamat.pptx
Alamat.pptx
 
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)
Learning package-baitang-7-ikalawang-markahan-part-3 (1)
 
8 ARALIN 2 Mga Hinagpis ni Florante.pptx
8 ARALIN 2 Mga Hinagpis ni Florante.pptx8 ARALIN 2 Mga Hinagpis ni Florante.pptx
8 ARALIN 2 Mga Hinagpis ni Florante.pptx
 
8 ARALIN 2 Mga Hinagpis ni Florante.pptx
8 ARALIN 2 Mga Hinagpis ni Florante.pptx8 ARALIN 2 Mga Hinagpis ni Florante.pptx
8 ARALIN 2 Mga Hinagpis ni Florante.pptx
 
Iba't ibang Uri ng Alamat
Iba't ibang Uri ng AlamatIba't ibang Uri ng Alamat
Iba't ibang Uri ng Alamat
 
ang pinagmulan ng Marinduque book.docx
ang pinagmulan ng Marinduque book.docxang pinagmulan ng Marinduque book.docx
ang pinagmulan ng Marinduque book.docx
 
DARAGANG MAGAYON LESSON G7.pptx
DARAGANG MAGAYON LESSON G7.pptxDARAGANG MAGAYON LESSON G7.pptx
DARAGANG MAGAYON LESSON G7.pptx
 
FILIPINO-WEEK-1-AT-2.pptx
FILIPINO-WEEK-1-AT-2.pptxFILIPINO-WEEK-1-AT-2.pptx
FILIPINO-WEEK-1-AT-2.pptx
 
Alamat ng pitong makasalanan
Alamat ng pitong makasalananAlamat ng pitong makasalanan
Alamat ng pitong makasalanan
 
PPT-PHILIPPINE-BALLET.pptx
PPT-PHILIPPINE-BALLET.pptxPPT-PHILIPPINE-BALLET.pptx
PPT-PHILIPPINE-BALLET.pptx
 
Nagkamali ng Utos
Nagkamali ng UtosNagkamali ng Utos
Nagkamali ng Utos
 
PPT-PHILIPPINE-BALLET.pptx
PPT-PHILIPPINE-BALLET.pptxPPT-PHILIPPINE-BALLET.pptx
PPT-PHILIPPINE-BALLET.pptx
 
Dr
DrDr
Dr
 
alamat ng daragang magayon
alamat ng daragang magayonalamat ng daragang magayon
alamat ng daragang magayon
 
8 ARALIN 2 SAKNONG 1-25 (MGA HINAGPIS NI FLORANTE).pptx
8 ARALIN 2 SAKNONG 1-25 (MGA HINAGPIS NI FLORANTE).pptx8 ARALIN 2 SAKNONG 1-25 (MGA HINAGPIS NI FLORANTE).pptx
8 ARALIN 2 SAKNONG 1-25 (MGA HINAGPIS NI FLORANTE).pptx
 

Recently uploaded

values education - how to choose your course
values education - how to choose your coursevalues education - how to choose your course
values education - how to choose your course
FatimaCayusa2
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
RonalynGatelaCajudo
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
jaysonvillano
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
RICXIE1
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
JoseIsip3
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
jessysilvaLynsy
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
binuaangelica
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
jeynsilbonza
 

Recently uploaded (20)

Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
values education - how to choose your course
values education - how to choose your coursevalues education - how to choose your course
values education - how to choose your course
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptxKaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 

Hari Manawari

  • 1. Hari Manawari German Villanueva Gervacio Hari Manawari i. Dalawang Bugtong ii. Isang Kahilingan iii. Lupain ng mga Higante iv. Awit ng Sirena v. Mga Amoy at Panimdim vi. Tatlong Haragan, Isang Sugatan vii. Ang Munting Prinsesang Nakaupo sa Tasa viii. Alam Mo Ba Na Ang Tawag Sa Alitaptap Dito Ay Aninipot? ix. Mga Sumpa x. Ang Rebelasyon Epilog: Sic Itur Ad Astra Isang sanggol ang ipinaghehele ng yayat at kulubot na bisig: Ako ay nagtanim 1 ng 126
  • 2. Kapirasong luya Nang tumubo’y gabi Namunga ng mangga Nang pipitasin ko Hinog na papaya Lumagpak sa lupa Magandang Dalaga Sa paglaki ng sanggol, maniniwala ito sa pag-ibig At kababalaghan. I. Dalawang Bugtong Sa pulo ng Mnaiwantiwan, isang dalaga ang aakyat sa bahay na yari sa kapis upang magpakulo ng halamang-dagat. Magsasayaw ang hagdan. Magigiba ang bubong ng lutuan. Madudurog ang kalan. Sa katunayan, ang ganda ng Laguindingan ang pumatay kay Prinsipe Manawari. Inagaw ng paligid ang kanyang iniisip. Galing siya sa Pulo ng Laguindingan subalit ngayon lang niya namalas ang tunay nitong ganda. Mula sa kinalululanang Magik Malong ay sinuyod niya ang angkin nitong halina. Pinababa niya kaysa karaniwan ang lipad ng Magik Malong. Sa tanglaw ng buwan, ay tila ulap ang labusaw ng dagat. Mistulang sariwang cauliflower ang pulo sa gitna ng sariwa ring tubig. Subalit sa sandaling ito ay ang hagdan-hagdang palayan ang nakanakaw ng pansin ni Prinsipe Manwari. Obra-maestra ng isang manlililok ang mga payaw. O Mistulang piraso ng jamon na inilatag ng isang henyong kusinero. Nakaramdam tuloy ng gutom ang prinsipe maging ang tatlong hayop na lulan ng Magik Malong. Subalit mas may gutom pa pala sa kanila. Mula sa kanilang likuran ay umatake ang mabangis na berkakan. Ang hampas ng buntot nito ang nagpagewang sa Magik Malong na ikinahulog naman ni Prinsipe Manawari. Bumagsak siya sa bunganga ng dambuhalang isda. Sinalo ang kanyang katawan ng sagpang ng matatalim na pangil nito. Hinila siya pababa, sa lalim ng dagat ng mabangis na berkakan. Nagpupuyos ang galit ng dambuhalang isda at hinalihaw ang prinsipe sa matatalim na korales. Kumayod ang kanyang mga braso’t binti sa mga korales at ngumudngod ang mukhang ngayo’y nabubuan ng dugo. Sa bawat paggiyagis ng pangil sa nawawakawak niyang mga laman ay may tila sumusundot na kuryente sa kanyang isipan. Nagsalimbayan sa humuhulagpos niyang 2 ng 126
  • 3. kamalayan ang mga sandali ng pinagdaanang buhay. Manhid na ang pakiramdam ni Prinsipe Manawari at anumang sandali’y tanto niyang iiwan siya ng huling pusikit sa kanyang nanlalabong mga mata. Sa isang mariing sakmal ng berkakan at paghambalos ng ulo niya sa korales, ay inangkin siya ng di maipaliwanag na kagaangan. Matapos ay ang walang hanggang dilim. Payapa na ang kanina lang ay halos sumabog sa galak na kaharian. Bilog na bilog ang maliwanag na buwan. Nakatindig si Prinsipe Manawari sa labas ng balkon. Tinatanaw niya ang latag ng kabundukang tila nahihimbing na mayuming dalaga. Naiisip niya kung ilang mga bundok, patag at dagat pa ang nasa likuran nito. Saang bundok, patag o dagat doon nagkukubli ang katuparan ng kanyang mga pangarap? Mamaya ang simula ng kanyang paglalakbay. Ang akala niya’y ang kanilang kaharian lamang ang kanyang lilibutin. Hindi ba’t ito ang ihinayag ng bolang kristal ni Merlin? Siya, si Prinsipe Manawari, ang pinakamakisig at nag-iisang prinsipe, ay makatatagpo ng dalagang kanyang mamahalin. Isang dalagang bigla na lamang susulpot sa inihandang masigabong kasiyahan ng kanyang Amang Haring Bacocos at Inang Reyna Bicuda Nakasakay ang dalaga sa karwaheng hila- hila ng makikisig na kabayo. Kitang-kita niya sa bolang kristal ang dalagang iyon. Ang balingkinitang pangangatawan. Ang kulay-niyebeng kaputian. Ang nakapusod na ginintuang buhok. Ang mga matang tila diamante. At isasayaw niya ang dalagang ito sa saliw ng waltz. At maglalaho ang kaharian at anumang nasa kanilang paligid. Sila na lamang dalawa at sa pagitan nila’y ang dumadapong pag-ibig. Subalit kasinghiwaga ng pag-ibig na ito ang dalaga. Maglalaho ito sa hudyat ng hatinggabi at iiwanan siya ng isang makinang na alaala at malamlam na anino ng panghihinayang. Subalit hindi siya mag-aalala. Ito rin ang sinasabi ng bolang kristal. Susuyurin niya ang buong kaharian at pasasaan man ay matatagpuan din niya ang mahiwagang dalaga. At muling sasabog sa galak ang buong kaharian sa kanilang pag-iisang dibdib. Subalit tumatanda na nga bang talaga si Merlin at lumalabo na ang bolang kristal nito? Bakit isang mahiwagang dalaga lamang ang lumitaw sa bolang kristal? Bakit hindi nahagip ng mga tarot kard ang pagdatal din ng isa pang mahiwagang dalaga? Dahil noong gabi ngang iyon, matapos tumalilis ang unang mahiwagang dalaga’y may natanaw sila mula sa papawirin. Ang akala nila’y ang ikapat lang ng nagtatanod na buwan. Ngunit habang papalapit nang papalapit ay napagsino nilang isa palang napakalaking barko! Mistula itong isang islang lumilipad. At sa paglapag nito ay napuno ang kaharian ng simoy ng aromang tila nagmumula sa ibang daigdig. Iniluwa nito ang isang may kaliitang dalaga. Kulay-lupa ang balat nito at kaygandang pagmasdan. Umaalong itim na dagat ang buhok nito na ultimo ang liwanag ng buwan ay hindi makalagos. Ang mga mata ng dalaga’y pares ng mutiang pinagyaman sa pinakamalalim na karagatan. Muntik na niyang mabitiwan at mabasag ang tangang salaming sapatos sa pagkakatigalgal. Mas mahiwaga ang ikalawang dalaga kaysa una. Hindi man lang niya ito nakadaupang palad dahil umimbay itong mag-isa sa saliw ng di niya mawawaang musika na nagmumula sa mahiwagang barko. Hindi rin ito tumititig sa kanya habang umiimbay. Ang mga mata nito’y lagi nang nakatutok sa lupa o dili kaya’y sa kalangitan. Waring hinahalukay nito ang lihim ng lalim at 3 ng 126
  • 4. sinusungkit ang hiwaga ng kalawakan. Alitaptap na dumadapo sa kanyang mga mata ang gintong kalumbiga’t pulseras sa braso’t bukong-bukong ng dalaga habang isinasayaw ng hangin ang sarikulay na sedang kasuutan nito. Isang kaanyuang ngayon lang nasilayan ng buong kaharian. Isang kagandahang hindi niya mawari kung ang mga mata niya ang naglalarawan o ang kaibuturan ng kanyang kaakuhan. Muli, ang naramdaman niya sa unang mahiwagang dalaga ay muli niyang naramdaman. At tila higit pa. Dahil habang pinagmamasdan niya ang ritmo ng mga paang iyon na walang sapin ay parang ang dibdib niya ang kumakabog sa halip na ang sa lupa. Walang sapin ang maliliit na paang ito at kulay-lupa subalit sa pananaw niya’y tila mas makinang ito kaysa salaming sapatos ng naunang dalaga. At sa yugtong iyon na wari’y nakapag-ipon siya ng lakas ng loob para lapitan ang dalaga ay bigla itong tumalilis katulad ng unang dalaga. Wala siyang nagawa kundi ang tanawin ang kinalulanang barko nito papalayo, papataas sa kung saan mang bituin galing ang kagandahang iyon. Nakangangang sugat ang kanyang mukha at unat pataas ang kanyang bukas- palad na mga kamay na wari’y nais higupin pabalik ang dalaga. Sa halip, isang panyo mula sa itaas ang lumapag sa nangungulila niyang palad. Salaming sapatos. Mahiwagang panyo. Hindi na ba naubusan ng bugtong ang pag-ibig? At ang Unang Bugtong ang pinilit ipatugon sa kanya ng Amang Hari. Ito rin ang nabanaag niya sa umaasang mga mata ng buong kaharian. At hindi nga ba’t ito naman ang inihihimatong ng tadhana? Ito ang bukas na pinatototohanan ng bolang kristal? Ito ang bukas na maghahatid sa kanya at sa kanila sa walang hanggang kaligayahan. Subalit ngayon ngang payapa na ang kanina lang ay halos sumabog sa galak na kaharian na naging saksi sa kanilang pag-iisang-dibdib, may naghuhumiyaw namang lungkot sa kanyang kaluluwa. Hindi niya napigil ang pagsilip ng luha sa kanyang mga mata hanggang sa manlabo ang kanyang paningin—ang bilog na bilog na buwan ay naging barko sa dagat na papawirin. Ang latag ng bundok na tila mayuming dalagang nahihimbing ay waring tumindig at lumulan sa buwang barko. Papalapit sa kanya ang barko. Papalapit sa kanya ang dalaga. Nahintakutan siya sa waring nakikita’t naiisip. Nagpasya na lamang siyang pumasok na sa kuwarto nilang magsing-irog. Marahil ay nahapo kaya nahimbing. Payapa na ang kanina’y-halos-sumabog-sa-galak na mukha ng prinsesa. Bagamat tila hindi naalagaan ang ginintuang buhok ay may kintab itong banayad sa mata. Umupo ang prinsipe sa gilid ng kama at hinaplos-haplos ang buhok ng prinsesa. Sinalo ng daliri ang nakasaboy sa may patilya’t pisngi at iniipit sa likod ng tainga. Tumambad tuloy ang nanghihigop na uli-uli sa pisngi. Napansin niyang sa pagkakapikit ay lalong pumilantik ang mga pilikmata ng marikit na prinsesa. Tinangka niyang hagkan ang mga pilikmatang tila laging nagkakanlong ng mamasa-masang luha. Hindi niya itinuloy ang pagtatangka. Idinako niya ang wari’y lumilikot na mga mata sa mahaba at bilugang leeg ng prinsesang kabiyak. Sa tamang-tamang umbok ng dibdib ng kabiyak. Sa kurbadang baiwang at humpak na puson ng kabiyak. Sa hita’t binti ng kabiyak. Sa maliliit na paa’t hubog-kandilang mga daliri.. Sa kabuuan ng kabiyak, at tila may nabibiyak din sa kanyang kaluluwa Ang nangungurog na ngayong kamay na kanina’y nagtangkang humawak sa kabuuan ng kabiyak, ay natagpuan niya ngayong dinarama sa halip ang palad nito. Tinatalo siya ng paggalang? O binabagabag siya ng napipintong pagtataksil? Kinudlitan niya ng halik sa noo ang nahihimbing na prinsesa. Dahan-dahan siyang bumitiw sa 4 ng 126
  • 5. palad nito at hinubad ang nakatulugan nang pares ng salaming sapatos ng kanyang prinsesang nahihimbing. Parang kaybigat ikilos ng kanyang mga bisig. Kaygaan ng sapatos subalit parang kaybigat ng kanyang ginagawa. Hindi lamang niya matiyak kung dahil ito sa takot at kalungkutang kanyang nadarama. Dinala siya sa harap ng antigong aparador ng kimkim niya ngayong takot at kalungkutan. Marahan niyang binuksan at ang malakas-lakas na kreeek ng nabuksang pinto ay hindi nakagambala sa nahihimbing. Nanginginig ang kanyang mga kamay nang damputin ang isang baulito na napapalamutian ng binuhanging ginto at lantay ng diamante, ruby at jade. Marahan niyang binuksan ito at unti-unting nakatakas ang ningning at liwanag na nakabilanggo sa loob ng baulito. Tumambad sa kanya ang panyong may intrikadong gantsilyo. Ang mahiwagang panyong hindi niya matiyak kung sadyang ihinulog ng mahiwagang dalaga. Kinuha niya ito at inihalili sa baulito ang pares ng sapatos ng kabiyak. At saka siya muling nagpasya. Kailangan niyang tugunin ang Ikalawang Bugtong ng Pag-ibig. Sakay siya ng kanyang matikas na puting kabayo at tinatanaw ang tila nunal na lamang na kaharian sa nguso ng malawak na lupain. Nagtago na ang buwan nang maulinigan ang pag-anggi ng niyebe. Napabaling ang tanaw ng prinsipe sa kakahuyan habang nalalambungan ito ng puting niyebe. Nakagaan ng bahagya sa kanyang pakiramdam ang tanawing ito at magpapasya sana siyang magpahinga muna sandali. Subalit humalinghing ang kanyang matikas na kabayo upang ipaalalang hindi saklaw ng kanilang kamaharlikaan ang ganitong uri ng pag-aaliw. Ipinasya niyang ipagpatuloy ang paglalakbay upang hanapin ang mahiwagang dalagang may ari ng mahiwagang panyong isiniksik niya sa kanyang marangya ring pananamit, sa tapat ng kanyang nasasabik-nag-aalalang dibdib. II. Isang Kahilingan Bumulagta na lamang bigla ang kanyang dating matikas na puting kabayo na ngayon ay tila parilya ng isang gumuhong tore. Sa pagsasara niya ng mga mata nito ay naaninaw pa niya ang waring paghingi ng paumanhin dahil hindi nito nagampanan ang kanyang silbi sa among prinsipe. Nanlumo si Prinsipe Manawari sa sinapit ng nasirang hayop at nakaramdam ng bahagyang pagkakonsensya at nadamay ito sa kanyang kahibangan. Halos nakakatatlong palit na ng buwan at patuloy pa rin silang naglalakbay. At ngayon nga’y sumuko na ang kawawang alalay matapos na matawid nila ang ilang bundok at ilang disyertong katulad ng katatapos lang nilang mabagtas. Nakaramdam siya ng panghihinayang dahil ngayon pa ito tinakasan ng hininga gayong tanaw na niya di-kalayuan ang isang punungkahoy na sa pagkakaluhod ay tila hinahagkan ang mga paa ng Dios. Inubos niya ang natitira pang lakas sa paghila sa wala nang hiningang kabayo palapit sa punungkahoy. Isang Punong Higera pala ang kanyang natanaw. Napakalapad ng punong ito na 5 ng 126
  • 6. kakailanganin siguro ang dalawampung gladiator na magkakapit-bisig para para mayakap ang katawan ng dambuhalang puno. Dinala niya sa likod ng Punong Higera ang kabayo at nangalap ng mga tuyong dahon at yabat na ipantatabon dito. Wala na siyang lakas para gumawa ng hukay na paglilibingan nito. Ang tila nakadipang-krus na puno ang magiging tanda ng pagpanaw ng kanyang matapat na alalay. Matapos siyang umusal ng dasal ay sumalampak siya nang pasandal sa katawan ng malapad na puno. Ngayon niya naramdaman ang matinding hapo, uhaw at gutom. Inilabas niya ang pilak na kanister ng tubig. Sinalo ng kanyang nanunuyong dila ang huling tatlong patak ng tubig. Inilabas niya mula sa lukbutan ang kahuli-hulihang piraso ng tinapay na ipinabaon ni Merlin. Akmang kakagatin na niya ang tinapay nang may mapansin siyang isang usang tumatakam at nakatanghod sa kanya. Piniraso niya ang katlong bahagi ng tinapay at isinubo sa mabilis namang tumalilis na usa. Isusubo na sana niya ang natirang tinapay nang may maramdaman siyang marahang tapik sa kanyang balikat at maulinigang tila nangangalos na tinig. “Amang, maari bang mabahaginan mo ako ng iyong pagkain?” Nang lingunin niya ang may-ari ng tinig ay tumambad sa kanya ang isang gusgusin at butuhang matandang babaeng pulubi na tila isang tungkod na lamang sa loob ng isang nangangarilong na kumot. “Ito na po ang huling piraso ng aking pagkain. Kung hindi nga lang po ako nagugutom din ay ibibigay ko na sa inyo lahat. Pero kung inyo pong ipagpapatawad, hahatiin ko po ito para sa ating dalawa.” “Salamat Amang. Ilang araw na rin po kasi akong hundi kumakain.” “Kung gayo’y pagdamutan po ninyo itong kapirasong tinapay.” “Salamat. Pagpalain ka sana ni Bathala.” Ngingitian sana niya ang matanda upang sabihin na walang anuman nang biglang may nakasisilaw na liwanag na bumalot dito. Napapikit ang prinsipe sa sobrang liwanag at nang idilat niya ang kanyang mga mata ay hindi na ang gusgusing matanda ang kanyang nasa harapan. Kaharap niya ngayon ang isang dalagitang ang walang saping mga paa ay nakalutang sa lupa. Nababalutan ito ng kulay dilaw-na-gintong liwanag. Hindi niya maaninag ang mukha nito sa tindi ng liwanag na nakapalibot. Hinugot niya at iniumang ang kanyang espada pero paatras ang kanyang katawan. Tinangka niyang tumakbo subalit wala na siyang mahugot na lakas. “Huwag kang matakot, Prinsipe Manawari. Ako ang diwata ng kagubatang ito at nasaksihan ko ang iyong pagpapala sa mga hayop at paggalang sa mga punungkahoy. Naramdaman ko rin ang kadalisayan ng iyong puso sa pagtulong sa mga nangangailangan. Bilang gantimpala ay bibigyan kita ng isang kahilingan.” Mangha ang prinsipe dahil kilala siya nito subalit alam niyang pangkaraniwan naman ang ganitong mga nilalang. Maging sa kanilang kaharian ay mayroong tulad nito. Ang kinagugulumihanan niya ngayon ay ang gantimpalang nais ipagkaloob nito. Dahil nga rin siguro sa desperasyon kaya nais niyang kustyunin kung bakit isang kahilingan lamang ang ibibigay sa kanya. Ayaw niyang manghula ng sagot kaya bagamat nag-aalangan ay itinanong na rin niya. “Maraming salamat po at malugod kong tinatanggap ang inyong gantimpala. Subalit kung inyo pong mamarapatin ay mayroon po sana akong nais na malaman.” 6 ng 126
  • 7. “Magpatuloy ka, ano ang iyong katanungan?” “A, e… Hindi po ba na ang karaniwang ibinibigay na kahilingan ng mga tulad ninyo ay tatlo? Bakit po isang kahilingan lamang ang maari kong hilingin?” “Kaydali mo yatang makalimot. Hindi ba’t katlong bahagi lamang ng tinapay ang ibinigay mo sa akin? Kung gayo’y isang kahilingan lamang ang laan sa iyo.” Napakamot ng di-naman-makating-ulo ang prinsipe. Nagpatuloy ang Diwata ng Kagubatan. “Subalit ano ba ang bale kung isang kahilingan lamang? Kung ikaw naman ay tuso’t matalas, mahihiling mo ang naisin sa isa lamang kahilingan.” Napaisip ang prinsipe at napangisi siya nang may biglang bumumbilyang ideya sa kanyang utak. “Kung gano’n po, Mahal na Diwata. Ang una ko pong hiling ay bigyan n’yo ako ng tatlong kahilingan!” Ang Mahal na Diwata naman ang napakamot sa di-naman-makating-ulo. Subalit mangingiti lamang ito at… “Kung iyan ang nais mo’y matutupad. Ibibigay ko ang iyong kahilingan.” Kwwwtxxxx.zzzzzzz… Kwwwtxxxx.zzzzzzz… Biglang wari’y lumakas ang prinsipe at sabik na pinagkiskis ang kanyang dalawang palad. Handa na siya sa natawarang tatlong kahilingan. Subalit naiwang nakanganga ang kanyang bibig nang may ipahabol ang Diwata. “Tandaan mo lamang na ang iyong hihilingin ay may kinalaman sa iyong pakay subalit hindi ang mismong katuparan ng pakay na iyon. At anumang iyong hihilingin ay ikapitong beses mong isipin dahil hindi mo na ito mababago. Nagkakaunawaan ba tayo?” “Malinaw na po sa akin ang lahat. Kung gayon po’y maaari na po ba akong humiling? “Sige, ano ang iyong kahilingan? “Bigyan n’yo po ako ng kasama sa aking paglalakbay. Kahit ano pong makatutulong sa paghahanap ko sa aking pakay.” Ipinadyak ng Diwata sa hangin ang mga paa nitong walang sapin at biglang may sumulpot sa harapan nilang isang tisikong asong putol ang buntot at alimbyuging manok na may napakahabang buntot at lunting palong na tila dahon ng kaktus. Napalitan ng pagtataka ang gulat ng prinsipe. “Paano naman po makatutulong ang aso at manok na iyan sa aking paglalakbay?” “Hinihiling mo bang ihayag ko sa iyo kung paano ka matutulungan ng asong iyan?” “Siempre naman po,” “At gusto mo ring malaman ang silbi ng manok?” “Opo rin po.” “Kung gano’n. Para sa iyong ikalawang kahilingan…” “Teka, teka lang po…Bakit po ikalawa nang kahilingan?” “Hindi ba’t sinabi mong hinihiling mo na sabihin ko sa iyo ang halaga ng dalawang hayop na iyan?” Nakangising paliwanag ng Diwata. “Kung gayon, ito na ang iyong ikalawang kahilingan...” Napailing at napakamot na naman ng di-naman-makating-ulo ang prinsipe pero hindi na siya nakipagtalo pa sa Diwata. Nagpatuloy ang Diwata para tuparin ang kanyang susunod na kahilingan. “Aalulong ang asong ito kapag may mga espiritu at lamanlupang nakikita o dili kaya’y may 7 ng 126
  • 8. panganib na nagbabadya. Kung nais mo ring makita ang nakikita ng aso, ipahid mo ang muta nito sa iyong mga mata. Sa pagtulog mo naman ay dadalawin ka ng masasamang panaginip. Kung ayaw mong magkatotoo ito, ikuwento mo sa manok ang iyong mga bangungot at matapos ay kagatin mo ang lunting palong nito. Sige, humayo ka na at malayo pa ang iyong lalakbayin.” Pagkasabi niyon ay akmang paglalahuin na ng Diwata ang sarili nito. Subalit napatayo na ang prinsipe para “habulin” ang ikatlo pa niyang kahilingan. “Teka lang po, Mahal na Diwata. May natitira pa po yata akong isang kahilingan?” “Hindi yata tayo nagkakaunawaan…?” “Hindi nga po yata…” Medyo yamot na ang prinsipe. “Ang isang kahilingan mo’y ang makakatuwang mo sa paglalakbay. Nariyan na ang aso at manok. Hiniling mo na sabihin ko sa iyo kung paano mo magagamit ang aso at manok. Sinabi ko sa iyo ang silbi ng aso at silbi ng manok, isa na namang kahilingan…” “Kung gano’n man po’y dalawa pa lamang ang aking nahihiling.” “Ang aga mo yatang nag-ulyanin. Hindi ba’t nung una’y humiling ka na bigyan kita ng tatlong kahilingan? Isang kahilingan din iyon. Kung ganoon ay tatlong kahilingan mo na ang aking natupad.” Tumangu-tango na lamang ang prinsipe bagamat nagsasalubong na ang kanyang kilay. Bagamat sa pagsusuma ay napagtanto rin niyang wala naman siyang dapat ikatampo sa tila naglalarong dalagitang Diwata. Bagamat nga rin na malungkot-ang-mukhang nagpaalam na siya sa Diwata. Ang Diwata naman ang pumigil sa kanya. “Teka lang. Masyado ka namang matampuhin. Dahil madali ka namang kausap, may pabuya ka sa akin.” Nasabik ang prinsipe. Ang Diwata naman ay pumailanlang patungo sa dulo ng Punong Higera at may kinuha sa dahon nito. Nang lumapag ito’y may dala-dala nang isang singsing-ita. Binulungan ito ng Diwata at ang itim na singsing-ita ay nagkulay-ginto. “Mahiwaga ang singsing-ita na ito. Nagpapalipat-lipat ito sa daliri ng kung sino mang may suot nito. Ibibigay ko ito sa iyo. Kapag ibinulong mo rito na kailangan mo ako ay bigla akong susulpot sa iyong harapan, kahit nasaan ka man. Subalit tiyakin mo lang na bago ka bumulong ay nasa palasingsingan ang singsing na ito. Hindi ako magpapakita kung nasa ibang daliri ito sa halip na nasa palasingsingan. Tiyakin mo ring bubulong ka lamang kung kailangang-kailangan mo na ako, dahil iyon na ang ating magiging huling pagkikita natin at huling pagtulong ko sa iyo. Nauunawaan mo ba, Prinsipe Manawari?” Bagamat hindi niya masyadong masakyan ang Diwata ay tumango na rin ang prinsipe. “Tanggapin mo rin ang Magik Malong na ito...” “Alam ko na! Singit ng prinsipe. “Magagamit ko ang malong na iyan para maging imbisibol ako!” Sabik na bulalas ng prinsipe. “Hindi. Maginaw kasi rito sa kagubatan at medyo malamok. Baka ma-malaria ka. Puwede mo itong gamitin sa iyong pagtulog.” “Akala ko po ba’y may magik ang malong na ito?” “Oo nga. Hindi ito dumudumi kaya puwede mo nang hindi labhan. At kung mabubutas man ay nasusulsihan nito ang kanyang sarili. Hahandugan din kita ng isang…” 8 ng 126
  • 9. “Water Buffalo?!” Gulat at nagtatakang naisigaw ng prinsipe nang biglang may sumulpot na tabogol na putim na hayop sa kanyang harapan. “Hindi yan Bulalo.” “Buffalo po ang sabi ko.” “Ke Bulalo, ke Bupalo, parehong mali. Kabaw iyan. Tawagin mo siyang Kalabawbibaw. Nakita kong namatay na ang iyong kabayo. Kakailanganin mo si Kalabawbibaw sa iyong paglalakbay. Ngayo’y maari ka nang humayo.” “Teka lang po. Mukhang hindi naman tatagal ang kabaw na yan. Tingnan ninyo ang mga paa, parang pinitpit na luya.” “Magdahan-dahan ka, binata. Baka ang pinitpit na luyang iyan pa ang makatulong sa pagbabalik ng iyong buhay.” “Ano po ang ibig ninyong sabihin?” “Ang tanda, Prinsipe Manawari. Ang tanda.” “Hindi ko po maunawaan. Ano pong tanda?” “Naaaninag ko sa iyong pilikmata. Ang pagsayaw ng hagdan. Ang paggiba ng bubong ng lutuan. Ang pagkadurog ng kalan…” “Ano pong…?” “Mapanganib ang gagawin mong paglalakbay. Ngayon pa lang ay masanay ka nang magtiwala.” Pagkasabi nito ay may itatanong pa sana ang prinsipe subalit bumalik na sa dating anyo ang Diwata ng Kagubatan. Muli itong naging tila tungkod sa loob ng nangangarilong na kumot. Nagpasya ang prinsipeng itanong na rin sa matandang pulubi ang itatanong sana niya sa Diwata. “Paano po ako makararating sa aking paroroonan?” Tanong niya sa gusgusing matanda. “Huwag mo lang kalimutang lumingon sa iyong pinanggalingan Amang,” sagot ng butuhang matanda at matapos ay naglaho na lamang itong parang bula. Isinampay ng prinsipe ang kanyang lukbutan sa balikat ng kalabaw at sinapinan ng malong ang likod nito. Sumakay na siya at nagpatuloy sa paglalakbay. Umiinday-inday ang tabogol na kabaw na may mga paang parang pinitpit na luya at kasunod na nila ang kuma-“kaw! kaw!” na tisikong aso at kumo-“korokokok” na alimbyuging manok. III. Lupain ng mga Higante Hindi lamang siya lumingon kundi bumalik na sa kanyang pinanggalingan. Tahimik ang kaharian tulad ng gabing lisanin niya ito. Una niyang pinuntahan ang nilisang kabiyak. Payapa itong natutulog tulad ng gabing iwan niya. Ganoong-ganoon ang ayos ng prinsesa maliban sa suot nito ang salaming sapatos na hinubad niya at itinago sa baulito bago siya umalis at naglayag. Umupo siya sa gilid ng kama at hahagkan sana sa noo ang kabiyak na prinsesa nang may bigla siyang napansin sa noo nito. Kaytagal na ba niyang nawala at may gatla na ang noo ng kanyang kaawa- awang asawa? Subalit tila yata may pilantik ng buhok ang gatla nito sa noo? Hahaplusin dapat 9 ng 126
  • 10. niya ang “gatla” nang biglang bumukas ito. Hindi siya makapaniwala ngunit mata ba ang nakikita niyang nasa noo ng kabiyak? Kumurap-kurap ang matang iyon at nang mapansin siya ay tinitigan siya nito nang masama. Parang titig ng pusang nasa hapag. Napaatras ang prinsipe at napahandusay sa sahig. Biglang bumangon ang kabiyak na prinsesa. Pikit ang dalawang mata nito maliban sa mata ngang nakadilat na nasa noo. Galit ang matang iyon. At mula sa pagkakahandusay niya’y tila lumalaki ang tingin niya sa kabiyak. Lumaki ito nang lumaki hanggang sa umumpog na sa kisame ng kanilang kuwarto. Nagpatuloy ito sa paglaki hanggang sa mabutas na at gumuho ang kanilang bubungan. Sumayaw ang hagdan. Nagiba rin ang bubong lutuan. Nadurog ang kalan Iniangat ng prinsesa ang kanang paa nito na ngayon ay halos kasinglaki na ng prinsipe. Nakita niya ang repleksyon ng nahihintakutang sarili sa talampakan ng salaming sapatos. Yayapakan siya at pipisakin ng kanyang pinagtaksilang kabiyak. Napakatulis na tila dambuhalang balaraw ang takong ng salaming sapatos na padikit na sa kanyang namumutlang mukha. Naisip ng prinsipeng magpasaklolo sa Diwata ng Kagubatan. Bubulungan na dapat niya ang suot na gintong singsing-ita subalit sa hinlalato niya ito nakapulupot. Iginalaw-galaw niya ang kanyang mga daliri sa pagbabakasakaling lumipat ang singsing sa kabilang daliri, sa palasingsingan. Subalit tulog-suka ang singsing. Walang nagawa si Prinsipe Manawari kundi umusal ng dasal na sana manawari’y napatawad siya ng kabiyak na prinsesa bago lamang siya patayin nito. Napapikit na lamang ang prinsipe. Handa niyang tanggapin ang kanyang kaparusahan. Una niyang naramdamang tumusok ang matulis na takong sa kanyang pisngi. Sunud-sunod ang tusok nito at napaungol siya. Isa pang mariing pagtusok at napadilat siya. Nagisnan niya ang alimbyuging manok na tinutuka ang kanyang pisngi. Matapos mapayapa ang sasal ng kanyang dibdib at mahabol ang tila tumakas nang hininga ay ikinuwento niya sa manok ang napakasamang panaginip katulad ng bilin ng Diwata ng Kagubatan. Mataman namang nakinig ang alimbyuging manok. Nang matapos siyang magkuwento ay ihinilig ng manok ang ulo nito sa kanyang braso. Natuwa siya sa ipinakitang simpatiya at pag-alo ng manok sa kanya. Hinagod niya ang lunting palong nito upang ipahiwatig ang kanyang pasasalamat. Bagamat parang ikinasiya naman ng manok ang kanyang ginawa, hindi ito tumigil sa paghilig ng ulo nito sa kanyang mga palad. Parang may nais itong ipagawa pa sa kanya subalit hindi na niya iyon inintindi dahil lumipad na ang isip niya sa napaginipang kabiyak. Nakaramdam na naman siya ng di mawaring kalungkutan. Gising na rin ang tisikong aso at tabogol na kabaw. Iniligpit niya ang nakalatag na malong at isinapin ito sa likod ng kabaw. Puputok na ang araw at handa na muli silang maglakbay. Hindi pa rin maalis-alis sa isipan ng prinsipe ang napanaginipan kaya hindi niya napansing kakaiba na ang simoy ng hangin. Bumalik na lamang ang kanyang ulirat nang mapansing tila nasa ibang kagubatan na sila. Naglalakihan at nagtatayugan ang mga puno rito. Mas malalapad ang puno rito kaysa Puno ng Higerang tinigilan niya kahapon at halos singtatayog ng tore ng kanilang kaharian. Maya-maya’y tumigil si Kalabawbibaw sa gilid ng isang puno. Tinahul-tahulan naman ang puno ng aso at ang tila yata matamlay ngayong manok na may napakahabang buntot ay lumipad sa may tuktok nito. Napansin niya ang dinapuan ng manok na tila isang bagay na sa kataasan ay hindi niya mapagtanto kung ano. Basta’t ang nasisiguro niya’y hindi ito sanga o bahagi man ng puno. Ikinaway ng manok ang pakpak at napakahabang buntot nito na parang niyayaya si Prinsipe 10 ng 126
  • 11. Manawaring umakyat sa kinadadapuan. Naalala ng prinsipe ang kuwento ni Merlin tungkol sa Magoyoda Selegen. Isang lugar daw ito sa pagitan ng langit at lupa. Dito raw iniimbak ang mga sandata at kagamitang hindi ginagamit. Pinasya ng prinsipeng umakyat sa puno sa pamamagitan ng mga baging na nakapulupot dito. Isa palang lumang baul ang kinadadapuan ng manok. Lumipat ang manok sa sanga at binuksan ng prinsipe ang baul. Nanlumo siya nang malamang hindi mga sandata ang nakaimbak dito kundi mga lumang gamit lamang—tatlong piye ng nangungutim nang lubid, dalawang dipa ng malapad na goma, isang malaking kabibeng hugis tambuli, isang lumang agong at isang malaking palakol ngunit walang hawakan. Pag-angat niya ng palakol ay may nakita siyang kanister ng tubig sa ilalim nito. Dinampot niya ito at inalog-alog. May laman. Sa isip niya’y ito lamang ang kanyang mapakikinabangan. Bababa na sana siya subalit nagtitilaok ang manok at dumapo ito sa naiwang mga kagamitan at kinala-kalahig ang mga iyon na para bang iniuutos sa prinsipe na kunin ang mga lumang gamit na iyon. Nakatingala naman si Kalabawbibaw at tahol nang tahol ang tisikong aso. Bagamat natitiyak ng prinsipeng hindi naman niya ito magagamit sa paglalakbay, may kung anong puwersang nagtulak sa kanya para kunin na lang din ang mga natirang lumang gamit. Inihulog niya ang baul at muntik nang mabagsakan ang dalawang hayop sa ibaba. Bumaba na rin siya pagkatapos at lumipad na rin pababa ang masigla na ngayong manok. Iba na nga ang simoy ng hangin sa kagubatang ito. Nakaramdam ng banas ang prinsipe at tumatagaktak ang pawis sa kanyang noo’t katawan. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng init. Nagpasya siyang magpahinga muna sila. Bumaba siya sa kabaw at naupo pasandal sa isang puno. Lumagok siya ng kaunting tubig at pinainom din niya ang tatlong kasamang tila hindi naman nakararamdam ng pagod. Tumatagiktik pa rin ang pawis niya sa noo. Naalala niya ang panyong nasa may dibdib. Matapos magpunas ng pawis ay tinitigan niya ang panyo at napatapik siya sa kanyang noo nang may maalala. Bakit nga pala hindi niya ito naipakita sa Diwata ng Kagubatan at bakasakaling mabigyan siya ng impormasyon tungkol dito o sa may-ari ng panyo? Nakaramdam siya ng panghihinayang. Sumunod, ng gutom. Subalit alam niyang wala na siyang natirang pagkain. Ang huling piraso ng tinapay ay pinagsaluhan nila ng Diwatang nagpanggap na matandang pulubi. Dadaanin na lang niya sa tulog. Wala pang ilang sandali ay naghihilik na ang prinsipe. Naaawang pinagmamasdan lamang siya ng tatlong hayop niyang kasama. Naalimpungatan siya sa tila alulong ng aso. Tuluyan na siyang dumilat nang mapansing takipsilim na pala. Ganoon ba siya katagal nahimbing? May parang dalawang pusang nagkakalmutan sa kanyang sikmura. Pinilit niyang huwag na lang itong pansinin. Bakit kasi walang puno ng kahit anong prutas sa kagubatang ito? O kung may puno man ng prutas ay bakit wala siyang makita ni isang bunga? Ang ibang mga puno nga ay putol-putol na waring natigpas ng kidlat. Nasa ganoon siyang kontemplasyon nang muli niyang marinig ang alulong ng aso. Nasa di kalayuan ito, tantiya niya base sa di gaanong lakas ng alulong niyang naririnig. Napabalikwas siya hindi dahil wala rin sa tabi niya ang manok at kabaw kundi naalala niya ang paalala ng Diwata kapag umalulong ang aso. Mayroon ba itong nakikitang espiritu? O lamanlupa kaya? May nakaamba bang panganib? Mabilis siyang napatayo para hanapin ang kanyang mga kasama lalo na ang umaalulong na aso. Madali naman niyang natagpuan ang mga ito. Umaalulong pa rin ang aso habang nagkukutkot ng lupa at nakatanghod sa kinukutkot nito ang manok at kabaw. Palinga- lingang lumapit sa tatlo ang prinsipe. Parang may hinahanap siyang ayaw niyang makita. Tulad ng 11 ng 126
  • 12. masasamang espiritung sinabi ng diwata o mga lamanlupa. Nasaan ang panganib? Dahan-dahan niyang hinaltak ang katawan ng nagkukutkot na aso. Kailangan niyang kumuha ng muta nito at ipahid sa kanyang mga mata gaya ng bilin ng Diwata. Mahirap kalabanin kung saka-sakali ang kaaway na hindi nakikita. Subalit pumapalag ang aso. Waring ayaw itong papigil sa ginagawa. Makahuhulagpos ito sa kanya at magpapatuloy sa pagkukutkot. Huhulihin niya muli at magpapambuno pa nga sila. Sa kapipilit ay nagpaubaya na rin ang aso pero umuungol-ungol ito na para bang naiinis na sa kanyang bagong amo. Nadakma ng prinsipe ang ulo nito at umukit ng konting muta mula sa umiiwas na mata ng aso. Bagamat nandidiri ay nagawa niyang ipahid ito sa magkabila niyang mata. Medyo mahapdi at tila baga lalong lumabo ang kanyang mga mata. Ikinurap-kurap niya ito habang iginagala sa paligid. Maya-maya pa’y luminaw na ang kanyang paningin. Nakatunganga naman sa kanya ang tatlo at takang-taka sa kanyang ikinikilos. Hawak ang espada sa kanang kamay at balaraw sa kaliwa, inikot-ikot ng prinsipe ang bahagi ng kagubatang iyon at inilibot ang mata sa lahat ng maaabot ng pananaw nito. Sa mga puno. Sa gilid- gilid ng mga puno. Sa mga sala-salabat na sanga at malalagong dahon. Sa taas at dumidilim nang kalangitan. Sa mga puno uli. Sa gilid-gilid. Sa lupa. Sa matataas na gubat-damo sa paligid. Maging ang tatlong hayop na kasa-kasama niya ay tinitigan niya at baka nagkatawang-hayop pala ang mga espiritu at lamanlupa. Natunaw na lang yata ang muta ng aso sa kanyang mga mata ngunit wala siyang nabanaag man lang na espiritu at lamanlupa. Walang bakas ng panganib. Samantala’y ipinagpatuloy na ng aso ang naabala nitong ginagawa. Napasandal na lang muli ang prinsipe sa isang puno sabay bitiw sa kanyang mga sandata. Sa pagsalampak ay kumalansing ang mga pilak sa bulsitong nakatali sa kanyang baiwang. Ngunit ano nga ba ang halaga ng mga pilak na ito sa ganitong lugar? Lalong tumindi ang gutom na kanyang dinaramdam. Wala siyang magawa kundi isubsob ang mukha sa nanginginig niyang mga palad. Gusto niyang maghuhumiyaw dahil bukod sa gutom, pakiramdam niya’y pinaglaruan lamang siya ng maypagkapilyang Diwata. Sumuko na ang aandap-andap na liwanag sa dilim. Gabi na. Mukhang maiidlip na naman siya sa ganoong ayos. Subalit hindi matutuloy ang kanyang pag-idlip dahil sabay-sabay niyang maririnig ang tahol ng aso, tilaok ng manok at ungol ng kabaw. Marahan niyang iniangat ang kanyang ulo upang tuklasin kung ano na namang walang saysay ang gingawa ng tatlo. Nakita niyang tulung-tulong na ang mga ito sa paghukay sa sinimulang kutkuting lupa ng aso. Kahit malayu-layo siya sa tatlo at tanaw niyang may kalaliman na ang nahukay ng mga ito. Hindi na niya matanaw ang manok at putol na buntot na lamang ng aso ang kanyang naaaninag. Hindi na rin niya kita ang ulo ni Kalabawbibaw na tila may sinusungkit sa nalikhang hukay. Nang iahon ng kabaw ang ulo mula sa hukay ay may napansin siyang nakatusok sa kaliwang sungay nito. Lumapit siya para usyosohin ang pinagkakaabalahan ng tatlo. Natawa siya’t napailing at biglang nakaramdam ng pagkahiya sa sarili at sa tatlong kasama. Kaya pala umaalulong ang aso kanina. Totoo palang may nakikita itong hindi niya nakikita. Totoo palang may nakikita itong lamanlupa. At napakaraming lamanlupa. Ang lalaki pa’t ang tataba. Ang lalaki at ang tatabang lamanlupa! Ang lalaki at ang tatabang kamote at gabi! Napakamot siya at tuluyang naggabi na. Nakakailang dighay na ang prinsipe subalit parang hindi nabawasan ang inaning lamanlupa ng tatlong itinuturing na niya ngayong mga kaibigan. Parang inantok na naman siya ngayon sa 12 ng 126
  • 13. kabunsulan. Iidlip na sana siyang muli nang may maramdaman siyang marahang tapik sa kanyang balikat at makaulinig ng tila nagpupugay na tinig. “Kapatid, purihin ang Buhay na Panginoon.” Bati ng lalaki at itinaas ang kanina’y kilik-kilik na surat. “Salamat nang walang hoyang sa iyo Dios kong maalam at ito ngang librong mahal tinulutang ilimbag. Nang kaming mga binyagan may basahin gabi at araw.” Pinag-angatan niya ng mukha ang nagsalita at bahagya siyang nagulat sa tumambad sa kanya. Isang lalaki itong nasa kalagitnaan ang edad. Kakaiba ang bihis nito na tila hinabing sinulid ng pinya. May iwinawagayway itong itim na surat at may dalang maliit na supot na bughaw. Sa likuran nito’y may pitumpu’t pitong puting payat na tupa. “Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?” Naitanong ng prinsipe nang matiyak niyang malayong maging pulubi ang lalaki dahil mukha namang malakas ang pangangatawan nito. Tuwid na tuwid din ang piston ng suot nitong pantalon at kaykintab ng itim na katad na sapatos. Tila mayulap ito sa buhok. May bituin ang ngiti. May apoy sa tuktok. At may tinig itong tila nanggagaling sa langit. Naalala niya ang Diwata ng Kagubatan. Isa na naman ba itong paglalaro sa kanya? Subalit hindi naman masama kung magagantimpalaan na naman siya ng kahilingan. Gayunpama’y inalok pa rin niya ito ng kamote at gabi. “Huwag ka nang mag-abala pa, kapatid. Naririto ako para sa iyong kaligtasan. Para sa kaligtasan ng lahat. Purihin ang Buhay na Panginoon!” “Kung ganoo’y ano pa po ang maari kong maipaglingkod sa inyo?” “Lubhang napakahirap po kasi ng gawain kong pamamastol ng tupa. Napakagastos pong talaga sa panahon at gugulin. Kanina po’y may narinig akong kalansing ng mga pilak. Maari po bang mabahaginan n’yo ako kahit ilang piraso man lamang?” Napaisip siya kung ano na namang laro itong naisipan ng Diwata. May dalawampung piraso siya ng pilak sa kanyang bulsito. Maaring magamit niya ito sa kanyang malayo pang lalakbayin subalit nagpasya siyang ibigay ang tatlong pirasong pilak sa duda niyang Diwatang nagpapanggap naman ngayong pastol. Tatlong pirasong pilak. Sa isip-isip niya’y walang dudang katumbas ito ng tatlong kahilingan! Halos daklutin ng pastol sa palad ng prinsipe ang tatlong pirasong pilak sabay hulog sa supot nitong bughaw. Subalit parang hindi ito nakuntento sa kanyang ibinigay. Subalit hindi naman ito nagpumilit na dagdagan pa iyon ng prinsipe. Nagpasaring nga lamang ito. “Salamat kapatid. Sana’y tinatandaan din nating hindi tinitingnan ng Buhay na Amang nasa Langit kung magkano ang ating ibinibigay para sa kanya, kundi ang tinitignan niya ay ang halagang iniiwan natin sa bulsa.” Mangangatwiran sana ang prinsipe na maaring kailanganin din niya ang mga pilak sa kanyang paglalakbay, subalit nagpasya siyang huwag na lang patulan ang laro ng pinagsususpetsahang Diwata. “Ako’y yayao na, kapatid, at bahala na ang Nasa Itaas na gumanti sa iyo.” At akmang tatalikod na nga at yayayain na ng pastol ang kanyang mga payatot na tupa. “Sandali lang po, ka-ka-kapatid. Mayroon po yata kayong nalimutan?” Paalala ni Prinsipe Manawari para idiing hindi pa siya nabibiyayaan ng kahilingan. “Ay, oo nga pala.” Lumapit ang pastol sa nakaupong prinsipe at ipinatong ang kaliwang kamay nito sa ulo niya at 13 ng 126
  • 14. itinaas sa hangin ang kanang kamay na parang nagpapanatang makabayan. Nanonood lamang ang tila ngumingising mga hayop sa kanila. Nakapikit ang pastol at nanginginig-nginig pang umusal ng mga katagang tunog-pinaghalong Intsik at Latin. Naguguluhang matawa-tawa na rin ang prinsipe sa antic ng pastol na natitiyak na niya ngayong walang iba kundi ang maypagkapilya talagang Diwata ng Kagubatan. May iba na naman itong paraan ng pagbibigay ng kahilingan, naisip niya. Maya-maya’y binitawan na ng pastol ang ulo ng prinsipe at muling nagpaalam. “Ngayo’y tutuloy na akong talaga, kapatid, at maraming salamat. Magbabaon na rin ako ng ilang pirasong kamote at gabi na inaalok mo sa akin kanina kung iyong mamarapatin.” Hindi na hinintay ng lalaki kung mamarapatin nga ng prinsipe at dumampot na ito ng ilang pirasong kamote at gabi. Nagmamadaling lumisan ang pastol kasunod ang pitumpu’t pitong puting payatot na tupa at nawala na lamang ang mga ito sa kasukalan. Nabura ang ngiti sa mukha ng prinsipe nang lumipas pa ang ilang sandali ay walang sumusulpot na Diwatang kanyang inaasahan. Napakamot siya sa ulo nang mapagtantong mukhang nakikilan lamang siya ng pastol ng tatlong pirasong pilak at ilang pirasong kamote at gabi. Pigil na naghahagikgikan ang tatlong hayop sa tabi niya na tumigil lamang nang tapunan niya ng nananaway na sulyap. Napabuntunghininga ang prinsipe at sa malalim na hugot ng hininga ay di naiwasang lumabas at tumunog ang hangin mula sa kanyang puwit. Umepekto na ang musical root. Hindi na napigil ng tatlong hayop ang paghagikgik. Nakihagikgik na rin ang prinsipe. Naghahagikgikan silang nagpatuloy sa paglalakbay. Umaga na. Matapos maghilamos ay pinuno ni Prinsipe Manawari ang kanister ng tubig. Dito na sila nakatulog sa tabi ng ilog na natagpuan nila kagabi. Nakabanaag ng bahagyang pag-asa si Prinsipe Manawari pagkakita sa ilog. Isa lang ang ibig sabihin nito. Malapit na sila sa dagat. Iyon din ang sinabi sa kanya ni Merlin. “Lahat ng ilog ay pauwi sa dagat.” At malamang na sa tabi ng dagat niya matatagpuan ang mahiwagang dalagang nakalulan sa mahiwagang barko. Iginala ng prinsipe ang kanyang paningin sa paligid. Hindi niya ito masyadong namasdan kagabi. Kakaiba ang kagubatang ito kaysa kanilang pinanggalingan. Bagamat nagtatayugan din ang mga puno rito, may mga bunga naman ito hindi tulad ng pinanggalingang kagubatan. May nakita siyang puno ng lanzones, makopa, kaymito, mangga, rambutan, langka, durian at marami pang iba. Ngayon lang siya nakakita ng mga prutas na ganito. At ang mga ito’y namumutiktik sa bunga. Nakatingala ang prinsipe sa higanteng Punong Duhat. Ang kumpul-kumpol na mga bunga nito’y tila mga palayok na itim na bibitin-bitin. Tinantiya ng prinsipe kung maaakyat niya ito. Mukhang kaya naman niya. Ihahakbang na niya ang kanyang isang paa paakyat nang biglang gumalabog ang lupa. Kagabi pa niya naririnig na tila may kumakaluskos sa ilalim ng lupa. Subalit ito nga’y hindi lamag kaluskos kundi napakalakas ngang galabog. Napabalikwas pati ang tatlong hayop na natutulog. Hindi makatingin sa kanya nang diretso ang tisikong aso. Aminadong pumalpak ito sa di pagbibigay ng babala sa panganib na darating. Papalakas nang papalakas ang galabog ng lupa. Parang may nagbabayo ng bigas sa ilalim nito. Napayakap ang prinsipe sa Puno ng Duhat habang hinahanap kung ano o sino ang may kagagawan ng paggalabog na iyon. Mula sa di-kalayuan ay napansin niyang parang hinahawi ng buhawi ang nagtatayugang mga puno. May kadiliman sa bahaging iyon ng gubat kung saan nakatanaw siya ng tila katawan ng puno subalit sa tingin niya’y gumagalaw ito. Ngayo’y natitiyak niyang gumagalaw nga ang punong ito at papalapit sa kinaroroonan nila. Kinagat-pahila 14 ng 126
  • 15. ng aso ang kamay ng prinsipeng nakayakap sa puno. Niyayaya na nito ang amo na tumakbo o magtago. Napasunod naman ang prinsipe dahil kung hindi’y tiyak na masusugatan ang kanyang kamay sa kagat ng aso. Dinala siya ng aso sa isang malaking kuweba sa tabi ng ilog. Papasok na sila sa bunganga nito nang salubungin sila ng kawan ng libo-libong nabulabaog na Ibong Tabon. Naging para itong lambong ng ulap sa papawirin. Nadatnan na nila sa loob ang kabaw at manok. Bagamat madilim sa loob ng kuweba, banaag ni Prinsipe Manawari ang nakasalansang kalansay at bungo ng mga tao’t hayop. Inisyoso niya ang ilan at napansin niyang ang ibang bungo ng tao ay may mga gintong ngipin. Ang ilan naman ay may nakabaon ding ginto sa mismong bungo. Nakiramdam sila sa nangyayari sa labas. Papalakas pa rin nang palakas ang galabog. Maya-maya’y bigla na lang itong tumigil. Mula sa kinatataguang yungib ay sumilip ang prinsipe. Muntik nang lumuwa ang kanyang mga mata pagkakita sa nanginginain ng duhat. Isang babaeng higante! Sumalampak ang higante paharap sa yungib na kinatataguan nina Prinsipe Manawari. May kalayuan din ang kinalalagyan nito ngunit dahil sa sobrang laki ay parang nasa harapan lamang niya. Iisa ang mata nitong nasa gitna ng noo. Naalala niya ang napanaginipan. Ano’t nagkatotoo ang kanyang panaginip samantalang sinunod naman niya ang bilin ng Diwata na ikuwento ito sa manok at naalala niya ang nakaligtaan niyang gawin. Sinulyapan niya ang alimbyuging manok at nakasulyap din ito sa kanya na para bang sinasabing “Ikaw kasi e, ‘no? Hindi mo kasi kinagat ang palong ko.” Napapalatak na lang ang prinsipe at ibinaling niya muli ang paningin sa babaeng higante. Iisa lang din ang tenga nitong tulad ng sa kuneho at para lang ihinugpong sa kanang bahagi ng ulo. Hindi tuloy nito naririnig ang anumang nasa kaliwa. Para namang mga kuwebang umuusok ang tatlong butas ng busalsal nitong ilong. Sobrang luwang din ang bunganga na umukopa halos sa kalahati ng mukha. Para iyong balong malalim na punung-puno ng maduduming patalim. Ngumangasab-ngasab pa rin ito ng duhat. Kung makasubo ito’y parang mauubusan gayong wala naman itong kasalo. Sa paghabhab ay halos masungalngal na sa buong mukha ang prutas. Nang mabunsol ay dumighay ito nang singlakas ng dagundong ng kulog. Minasdan ni Prinsipe Manawari ang babaeng higante pagtayo nito papunta sa kalapit-ilog. Maiikli ang biyas nito at kung hindi nga lamang ito higante at kasinglaki lang ng tao ay lalabas pa ngang pungok ito. Sumalampak na naman ito sa tabing-ilog. Kinalag nito ang lukbutang nakatali sa may beywang at may dinukot na tila tinik ng katawan ng pating. Sumungaw ito sa tubig para manalamin at manuklay. Napansin nito ang isang duhat na dumikit sa kaliwang pisngi. Iginalaw-galaw nito ang mukha, pakanan-pakaliwa at nang mapagkuru-kurong mukha namang maganda ang epekto ng duhat sa kaliwang pisngi ay hinayaan na lang ito doon. Matapos makapanuklay ay muling isinilid ang tinik ng pating sa lukbutan. Tumayo na rin ito at tatalikod na sana nang biglang matigilan. Naging magalaw ang mata nito at sumisinghapsinghap ang umuusok na ilong. “Tao!” Napaatras si Prinsipe Manawari lalo na nang makitang papunta sa direksyon nila ang babaeng higante. “May tao akong naaamoy. Hhwaaahhh. Matagal na rin akong hindi nakakakain ng tao.” Sinasambit ito ng higante sa sarili habang hinahawi-hawi ang mga puno at inaangat-angat ang malalaking tipak ng bato sa tabing-ilog. Napadako ang mata ng higante sa yungib na 15 ng 126
  • 16. pinagtataguan nina Prinsipe Manawari. Sunud-sunod ang pagsinghap ng ilong nito na wari’y natitiyak nang galing sa yungib na iyon ang amoy-tao. Hindi naman malaman ni Prinsipe Manawari kung ano ang gagawin. Ang gintong singsing-ita! Tiningnan niya ito subalit sa hinlalaki niya ito nakapulupot. Ginalaw-galaw niya ang mga daliri at gumalaw naman ang singsing at lumipat sa kanyang palasingsingan. Natuwa ang prinsipe at bubulungan na sana niya ito nang bigla na namang gumalaw ang singsing at lumipat sa kanyang hinliliit. Iginalaw niyang muli ang mga daliri. Hindi natinag ang singsing. Kinurot-kurot niya ito pero nakapagkit na itong parang linta sa kanyang hinliliit. Papalapit na ang babaeng higante sa bunganga ng yungib. Alam naman ng prinsipeng hindi ito makapapasok sa loob pero maaabot naman sila ng kamay kahit na maypagkaikli ang mga biyas nito. Samantala’y kinakagat pahila ng aso ang lukbutang nakasalampay sa batok ni Kalabawbibaw. Nahila naman ito ng aso at sumambulat ang mga lumang kagamitang nakuha ng prinsipe sa Magoyoda Selegen. Kinagat nito ang kabibe at dinala kay Prinsipe Manawari. Hindi naman maintindihan ng prinsipe kung ano ang gamit ng kabibeng hugis tambuli sa pagkakataong ganito at kung ano ang gustong ipagawa ng aso. Tinanggal niya ang kabibe sa pagkakakagat ng aso at ihinagis pabalik sa kalat ng mga lumang gamit. Binalikan naman ito ng aso at tumahol sa tapat ng mas makipot na dulo ng kabibe. Umalingawngaw ang “KAW! KAW!” nito at halos mabingi ang prinsipe. Napaatras naman ang higante pagkarinig nito. Bigla na namang may bumumbilyang ideya sa isip ni Prinsipe Manawari. Dali-dali niyang kinuha ang kabibeng hugis tambuli at pumunta sa may bukana ng yungib na hindi pa rin tanaw ng higante. Papalapit nang muli ang higante. “Hanggang diyan ka na lang kaibigan.!” Pigil ng prinsipe. Nagulat naman at napatigil ang higante nang marinig ang malakas na tinig na nanggagaling sa yungib. “Sino ka?” Tanong ng higante habang inaaninaw kung kanino galing ang mala-higanteng tinig na iyon. “Ako’y isa ring higanteng tulad mo. Nagpapahinga ako rito at ayokong-ayokong may gumagambala sa aking pamamahinga.” Panlalansi ng prinsipe. “Mwaahaha! Higante? Ako lang ang higante sa lupaing ito, ‘no?. Huwag mo akong linlangin kung sino ka man!” “Iyan ang akala mo. Ikaw, sino ka naman, babaeng pungok?” “Sino’ng pungok? Pikon na ang babae.”Ako yata ang lakan dito, ‘no? Akin ang lupaing ito” “Mala-lakan ‘yang pananalita mo subalit pa’no ka naging lakan? Sa katunayan nga, kaninang nakasalampak ka sa may ilog, ang akala ko’y isa ka lang labandera.” Pang-aasar pa ng prinsipe. Lalo namang umusok ang mas lumaki ngayong mga butas ng ilong ng babaeng higante. “Huwag mo akong galitin at baka hindi mo alam ang kaya kong gawin sa iyo.” “Puwes, ano ang kaya mong gawin sa akin gayong mas malaki ako sa iyo?” “Ano’ng mas malaki? Ako yata ang pinakamalaki dito, ‘no? At pag nahuli kita, tingnan lang natin kung hindi kita tatadtarin nang pinong pino!” “Sige, subukan mo. ‘Pag tinadtad mo ako ay dadami ako. Pagtutulungan kita! Hahaha!” Napaisip ang babaeng higante. “Kung gayo’y idadarang na lang kita sa apoy!” “Sige, idarang mo ako sa apoy para pumula ako. Mas gaganda ang kutis ko sa iyo.” Napaisip na naman at napairap ang banidosang higante. 16 ng 126
  • 17. “Alam ko na. Ihahagis na lang kita sa ilog!” “Bopol ka talaga. Sinabi ko na ngang mas malaki ako sa iyo. Pa’no mo ako maihahagis, aber?” “Hindi nga ako naniniwalang mas malaki ka kaysa akin. Ako lang sabi ang higante dito, ‘no?” At akma nang susugod ang bugnot na bugnot nang higante sa kinatataguan ng prinsipe. Kinabahan naman ang prinsipe at nag-isip ng susunod na gagawin. Nasulyapan niya ang tatlong hayop na tila pinapapansin sa kanya ang mga nagkalat na lumang gamit. Inisa-isa ito ni Prinsipe Manawari at may bigla na naman siyang naisip na solusyon. Kinuha niya ang malapad at mahabang goma at dali- dali niyang itinali ang magkabilang dulo nito sa magkabilang sungay ni Kalabawbibaw. Matapos ay dinampot niya muli ang kabibe at agong. Namulot din siya ng isang pirasong tadyang sa salansan ng mga kalansay. Bumalik siya sa bukana ng yungib. Malapit na malapit na sa kanila ang babaeng higante. “Sandali lang sabi, Kapatid.” “Walang kapa-kapatid sa akin at walang kai-kaibigan. Wag mo akong subukan at talagang malilintikan ka na ngayon.” “Kung gayo’y talaga ring hinahamon mo ako, ha?!” Nananakot na rin ang prinsipe. “Pero ayaw ko nga ng away at sinabi ko na ngang namamahinga lang ako dito. Kung ang problema mo ay hindi ka naniniwalang higante rin akong tulad mo. Patutunayan ko sa iyo.” Napatigil ang higante at napaisip na naman. “Puwes, patunayan mo! Lumabas ka dito para mapitik kitang parang langaw!” “Kool ka lang. Hindi ako makakalabas diyan. Pakinggan mo na lang ang pintig ng aking puso.” Sabay hataw ng tadyang sa agong. “DUM! DUM! DUM!” Medyo nabagabag ang higante pero hindi ito nagpahalata. Ibinaling nito ang ulo sa bandang kanan upang marinig mabuti ang pinanggalingan ng tunog. “M-m-malay ko ba kung me dala ka lang t-tambol diyan, ‘n-no?” “Ha-ha-ha!” Dinaan sa tawa ng prinsipe ang kaba at baka nabuking na siya ng higante. Pero hindi rin siya nagpahalata. “Tambol? Eto ang tambol. Ang aking tiyan, dahil katatapos ko lang manghimagas ng mga ito…” Dumampot si Prinsipe Manawari ng tatlong bungo at ibinala ito sa gomang nakatali sa sungay ni Kalabawbibaw. Bininit niya ang goma— estilong-tirador at umilanlang ang mga bungo at bumagsak sa may paanan ng babaeng higante. Kinakabahan na ngayon ang babaeng higante pero kahiya-hiya na kung ngayon pa siya tatakbo. “Hindi pa rin ako naniniwala. Maaring isa ka lang kanibal, ‘no?” “A, kanibal pala ha? Tingnan mo kung may kanibal na ganito kahaba ang pilikmata!” Sabay tirador ng prinsipe sa nangungutim na lubid. “At may ganito kalaking ipin!” Ang palakol na walang hawakan naman ang pumailanlang. Lumagpak sa palad ng higante ang pilikmata. Napamulagat ito. Ang ipin naman ay diretso sa kaliwang pisngi nito at nahagip at nahati ang nunal na duhat na duhat ng higante. Nanlaki ang nag-iisang mata nito sa pagkakita sa nakabaong ipin sa pisngi. Nanlatoy bigla ang tuhod ng babaeng higante pero nakapagpasya pa rin itong tumakbo. Nang matiyak ni Prinsipe Manawaring wala na ang higante, lumabas na rin sila ng yungib. Maya-maya’y nakaramdam na naman sila ng parang kumakaluskos sa ilalim ng lupa. Ilang sandali pa’y nakita nilang umangat ang malaking bahagi ng balat ng lupa. Mula rito’y may sumulpot na tao. Sinundan ng isa pa. At isa pa. Hanggang sa hindi na halos mahulugan ng karayom ang 17 ng 126
  • 18. nagkalupumpung tao sa kanilang harapan. Nalaman nilang ang mga taong ito ang tunay na mayari ng lupaing iyon na kung tawagin ay Tribu Maliputu.. Napilitan silang magtago at manirahan sa ilalim ng lupa nang mabalitaang doon na nga papunta ang babaeng higante, matapos nitong maubos at masalanta ang iba pang kagubatan. Hindi matapos-tapos ang pasasalamat nila kay Prinsipe Manawari. Inalok ng pinuno ang prinsipe at mga kasama nito na doon na manirahan subalit tumanggi naman ang prinsipe at idinahilan ang kanyang hinahanap. Subalit pinaunlakan naman niya ang imbitasyon nito para sa isang masigabong pagdiriwang. Matapos ang masaganang hapunan, inihandog ng pinuno kay Prinsipe Manawari ang Patola Kaorayan. Isa raw itong pulang magik sinturon na kapag ibinigkis mo sa iyong noo ay mapoproteksyunan ka sa anumang labanan. Makararamdam ka rin ng higit at kakaibang lakas at hindi ka manghihina sa pakikipaglaban. Malugod itong tinanggap ng prinsipe at bilang ganti naman daw ay ibibigay na lang niya sa anak ng pinuno ang tisikong asong gusgusin na’y putol pa ang buntot. Ngumuyngoy sa pagtatampo ang asong pumalpak sa paghuhudyat ng panganib sa prinsipe at tuwang-tuwa naman ang anak ng pinuno. Ginulo ng prinsipe ang buhok ng bata at sinabi ritong biro lang ang pagbibigay niya rito ng aso. Sa halip, ibinigay niya rito ang mga lumang gamit na galing sa Magoyoda Selegen at itinuro niya sa bata kung paano ang gagawin sakasakaling may maligaw uling higante sa kanilang tribu. Galak na galak ang bata at tumakbo na ito papalayo para ipagmagaling sa mga kalaro ang bigay ng prinsipe. Muli namang nagpasalamat ang pinuno sa ihinandog ni Prinsipe Manawari sa anak nito at matapos ay pinitik nito nang tatlong beses ang kaliwang tenga ng prinsipe. Tinanong ng prinsipe kung para saan ang tatlong pitik na iyon. Sinabi naman ng pinuno na parusa iyon sa pagkakabasag ng tatlong bungo ng kanilang mga ninuno na ibinala sa “tirador” ng prinsipe. Nagpaalam na sila matapos ihimatong ng pinuno ang pinakamalapit na daan papunta sa dagat. Sakay ng kabaw sa likod ang prinsipe at nakadapo sa may puwitan nito ang alimbyuging manok. Ang tisikong aso naman ay masiglang-masigla at nagpapatiuna pa habang kinakampay-kampay ang putol na buntot. IV. Awit ng Sirena Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling dagat, Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw, May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang. Pagsinta'y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man. Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina 18 ng 126
  • 19. Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa, Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na, Matang manininging ay nangakangiti't pupos ng ligaya. Mamatay ay langit kung dahil sa ating dagat na sinilangan, Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw, Ang mahinhing simoy na galing sa bukid ay lubhang mapanglaw Sa wala nang anak, wala nang tahana't walang nagmamahal. Maulap ang umagang iyon. May nagbabantang bagong bagyo. Sumisigid sa kalamnan ni Prinsipe Manawari ang nakapangingilabot na lamig subalit mas nakapaninindig ng kanyang balahibo ang awit. Kagabi pa niya naririnig ang awit na iyon na waring nagmumula sa pusod ng karagatan. Noo’y madalas ikuwento sa kanya ni Merlin ang Alamat ng mga Sirena. Ang mga kuwento ni Merlin ay nagpapahiwatig na ang mga sirena na ang pinakamalungkot na nilalang sa daigdig. Singlungkot marahil ng naririnig niya ngayong awit. Bagamat nangangaligkig pa sa ginaw ay pinilit bumangon ng prinsipe. Madilim man at may nagbabantang bagyo ay kailangan na nilang ipagpatuloy ang paglalakbay. Ngayong umaga niya binalak tawirin na ang dagat. Muli niyang pinagmasdan ang dagat na iyon. Nalulula siya sa lawak nito. Ang mapayapang pintig ng dibdib nito’y nagbabadya ng angkin nitong kalaliman. Subalit nakapagpasya na siya. Hinila niya sa tulong ng kabaw ang tatlong araw niyang ginawang balsa mula sa pagdadatig-datig ng malalaking sanga ng puno at pagbigkis nito ng baging. Nang maiguyod nila ito sa dila ng dagat ay nilulan na nila ang kanilang mga gamit at pagkain, lumulan na rin silang silang apat at iginaod ng prinsipe ang balsa. Hindi pa sila nakalalayo ay siya namang pagbagsak ng ulan na tila nag-uunahang sibat ng langit. Nag- aalimpuyo ang hangin at kumulong parang dugo ang kaninang payapang kadagatan. Isang haplit ng malakas na hangin ay parang tuyong dahong tinangay pabalik sa dalampasigan ang kanilang kalas- kalas at bali-baling balsa. Tumilapon silang parang mga ipa ng binabayong bigas. Nalamog ang baon nilang mga prutas na binalot nila ng malong. Sinaktan ng balakang ang kabaw. Nabali naman ang dulo ng mahabang buntot ng manok. Namutla ang kayumangging aso. Halos mawalan ang tatlo ng malay-hayop. Halos magkalasug-lasog naman ang buto ni Prinsipe Manawari. Napahandusay na lamang siya at ang mga luha niya’y nagsumbong sa puting buhangin ng pasigan. Hindi malaman ng tatlong hayop kung paano aaluin ang kanilang amo-kaibigan. Maya-maya’y biglang nagtatakbo si Kalabawbibaw papunta sa loob ng gubat na nasa tapat ng kadagatan. Pagbalik nito ay may dala-dalang halamang sili na binunot kung saan. Pinagmasdan lamang ni Prinsipe Manawari kung ano ang ginagawa ng hayop na tila baga nasiraan na ng ulo. Pinitas-pitas ng kabaw ang mapupulang sili at isinubo ito nang sabay-sabay. Umusok ang tenga’t ilong ng kabaw sa sobrang anghang at nagkulay bughaw ang katawan nito. Napatayo si Prinsipe Manawari. Nagpaikot-ikot ang kabaw sa buhanginan na para bang nasusunog ang buong katawan. Maging ang dalawang sungay nito ay umikot-ikot na parang ipoipo.. Hindi malaman ng prinsipe ang gagawin. Nakatunganga naman ang aso at manok sa di-pangkaraniwang nangyayari sa kapwa- hayop. Bagamat nag-aalangan ay nilapitan ni Prinsipe Manawari si Kalabawbibaw at hinimas-himas ang bughaw na katawan nito na tila dagat. Parang nahimasmasan naman ang kabaw. Pero bigla na 19 ng 126
  • 20. namang nagtatakbo ito at pumunta sa dila ng dagat. Ikinaway nito ang buntot na tila niyayaya na ang mga kasama. Nagtataka namang tumalima ang tatlo. Kinumbatan sila ni Kalabawbibaw na sumakay na sa likod nito. Pinagbigyan naman nila ang napapraning na yatang hayop. Muli nilang inilulan sa likod ng kabaw ang mga gamit at pagkain. Pagkalulan nilang tatlo ay lumusong na sa tubig ang kabaw. Ang katawan nitong bughaw ay tila sumasanib sa dagat. Umiikot-ikot din ang dal’wang sungay nito na para ngang uliuling humahalukay sa tubig. Hindi makapaniwala si Prinsipe Manawari subalit tunay ngang umaandar na sila. Humaplit na naman ang pagkalakas-lakas na hangin subalit hindi na nito kayang itaob ang mabigat na katawan ng tabogol na hayop. Maging ang nangangalmot na higanteng alon ay hindi ininda ng tila sinapiang kabaw. Tuloy ang kanilang paglalakbay, may bagyo man at ang umaga’y nginangatngat ng dilim. Muli ay narinig ni Prinsipe Manawari ang awit na iyon. Habang papalapit sila sa pusod ng dagat ay mas lumilinaw at lumalakas ang tinig. Halos makakaisang palit na ng buwan mula nang magsimula silang maglayag sa dagat na ito. Bumabagal na nga ang andar ni Kalabawbibaw at bumabalik na sa dati ang kulay nito. Sa tagal nilang nawala sa lupa ay saka nagkulay-lupa ang balat ng prinsipe. Humaba na ang kanyang buhok at nang manalamin siya sa tubig ay hindi na niya nakilala pa ang sarili. Anino na lamang siya ng dating matikas na prinsipe. Nakaramdam ng gutom ang prinsipe subalit ubos na rin ang mga prutas na ipinabaon ng pinuno ng Tribu Maliputu. Nalagok na rin niya ang huling patak ng tubig sa kanyang sisidlan. Nahiga ang prinsipe sa likod ng kalabaw at nakikipagtitigan siya sa araw. Hindi lang humahalik ang araw sa dagat na ito kundi nangangagat pa. Sa pakiwari ni Prinsipe Manawari ay tinutuya siya nito. Nagsimulang manlabo ang paningin ng prinsipe at huli niyang namasdan ang araw na tila sumasayaw. Tuluyan na siyang nawalan ng ulirat. Una niyang naramdamang sumayad ang tubig sa kanyang mga labi. Hirap ma’y pilit niyang ibinuka nang bahagya ang namumutok na labi. Lumagos sa tuyot niyang lalamunan ang malamig na tubig mula sa kabibe. Nang idilat niya ang mga mata’y wala na ang nagsasayaw na araw. Ang bumati sa kanya’y isang maamong mukha ng may-ari ng malabughaw na buhok na isinasayaw ng banayad na hanging amihan. “Mabuti naman at nagkamalay ka na. Ako si Zephyra.” “Prinsipe Manawari.” Habang nakikipagkilala’y ibinaling-baling ng prinsipe ang paningin niya sa paligid. Nahulaan naman ng babae ang mga tanong na naglalaro sa kanyang isipan. “Narito kayo sa Pulo ng Maniwantiwan sa pusod ng kadagatan. Ang iyong mga kasama’y sumakay sa kabayong dagat at gumala sa lalim. Tatlong araw ka na ring walang malay.” Napansin ni Prinsipe Manawaring walang saplot ang dibdib ng babaeng kinakakandungan niya. Siya ang bahagyang napahiya at tuloy napabangon. “Huwag ka munang masyadong magkikilos at baka makasama sa iyo.” “Hindi, kaya ko na…maraming salamat.” Doon lang din muling namasdan ng prinsipe ang kanyang kausap. Ang maamong mukha nito. Ang mga matang mutia. Ang mamasa-masang pilikmata. Ang manipis at tikom na tikom na mga labi na tulad ng isang ayaw bumukang talaba. Ang napakahabang buhok na mangasul-ngasul tulad ng dagat. Hindi sinasadyang muling napadako ang mga mata ng prinsipe sa walang saplot na dibdib ng babae. Para itong maputlang mga ulo ng sanggol na pugita. May biglang kumislot sa pagitan ng 20 ng 126
  • 21. mga hita ng prinsipe. Hindi na inalala ng prinsipe ang hiya at dagling dinukot niya ang kumikislot sa pagitan ng hita. Halos mapisak sa palad niya ang may kalakihang isdang bolinao na nakapasok pala sa kanyang karsunsilyo. Napangiti ang babae. Ngingiti na rin sana ang prinsipe nang mapansin niya ang ibabang bahagi ng babae. Pagkakinis-kinis nito. Pagkakinis-kinis na buntot ng isda! “Ngayon ka lang ba nakakita ng tulad ko?” Alanganin ang tango ni Prinsipe Manawari na waring hindi pa nakababawi sa pagkakatigalgal. Hindi pala alamat lamang ang mga kuwento ni Merlin, naisip niya. “Huwag kang magimbal,” pang-aalo ng sirena. “Ako man dati’y hindi naniniwalang may taong katulad mo. Subalit hindi nga ba’t ganito talaga ang ating daigdig?” “Ikaw yung naririnig naming umaawit?” Tumango ang sirena. “Kaylungkot naman ng iyong awit.” “Dahil siguro’y iyon ang laman ng aking puso.” At ikinuwento ni Zephyra kay Prinsipe Manawari ang dahilan ng kalungkutang iyon. Hindi sinasadyang napaibig siya sa isang syokoy na may paa. Nagalit ang Bathala ng Pag-ibig-Dagat sa pagsalangsang nila sa batas ng pagmamahalan sa kanilang daigdig. Siya at ang kanyang banang si Ukuy-Ukuy ay ipinatapon sa Pulo nga ng Maniwantiwan sa pusod ng dagat na iyon. Sila ang inatasang magtanod sa Dagat-Maniwantiwan. Noong una’y napakapayapa at masaganang masagana ang yamang dagat. Ang Maniwantiwan ang kanilang naging paraiso. Ang kanilang naging tanging kaligayahan kapalit ng pagkakalayo sa kanilang mga kaanak at kaibigan.. Dito na rin nagluwal si Zephyra. Ang Paraiso’y tila naging Langit na nga yata sa pagdatal ng kanilang anak. Hanggang sa isang araw ay may dumating na isang dambuhalang buwayang may kambal na buntot. Pinangakuan sila nitong tutulungan sa pagtatanod ng kadagatan. Noong una’y parang gayon nga subalit nang lumaon ay natuklasan nilang ninanakaw ng buwaya ang yamang dagat at dinadala sa lupain sa kabilang dagat. Hindi nakapagpigil si Ukuy-Ukuy nang matuklasan ang pananraydor ng buwaya. Sinugod nito ang dating kaibigan at nagpambuno sila ng pitong araw at pitong gabi sa ibabaw at ilalim ng dagat. Subalit hindi napantayan ni Ukuy-Ukuy ang lakas ng dambuhalang buwaya at warat-warat ang katawang umilandang ito sa kung saan sa hampas ng kambal na buntot ng buwaya. Hindi na natagpuan ni Zephyra ni bakas ng bangkay ng bana. Tinangay rin ng buwaya ang sanggol nilang si Astra at mula noon ay hindi na nakita pa ni Zephyra ang anak. Ang balita niya sa mga Isdang Alapaap ay ibinigay ito ng buwaya sa Kambal-Ulong Higanteng Buwitreng Bumubuga ng Apoy. Marahil ay dalagita na ngayon ang kanyang si Astra, naisp ni Zephyra at lalong kumirot ang kanyang puso. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang dambuhalang buwaya sa pananalasa ng yamang dagat. Sumusulpot ito sa may Pulo ng Maniwantiwan tuwing kulay kahel ang buwan. At ngayong gabi nga’y kulay kahel ang bilog na bilog na buwan sa likuran ng ulilang bahay na iyon na yari sa kapis . Samantala’y nakabalik na ang tatlong hayop na lulan ng Kabayong Dagat. Tuwang-tuwa ang mga ito nang makitang may malay na ang prinsipe. Subalit saglit lang ang kanilang kasiyahan. Mula sa likuran ng prinsipe ay may nabanaag silang parang pahabang pulong papalapit. Ang dambuhalang buwayang may kambal na buntot! Habang papalapit ito sa Pulo ng Maniwantiwan ay 21 ng 126
  • 22. hinahampas-hampas nito ang kambal na buntot sa tubig. Parang pagsabog ng dinamita ang nalilikhang ingay ng ihinahampas na buntot. Sa bawat paghampas ay naglulutangan ang mga namamatay na isda na karamihan ay maliliit pa at nababasag ang mga korales sa lalim. Biglang nag-init ang ulo ni Prinsipe Manawari. Subalit alam naman niyang wala siyang magagawa. Ano nga ba ang laban ng isang taong tulad niya sa buwayang ito na bukod sa dambuhala na, ang buntot ay dalawa pa? Hinugot niya ang kanyang balaraw bagamat alam niyang wala namang gamit ito. Kuminang ang talim ng balaraw sa tama ng kahel na buwan at napansin iyon ng buwaya. Waring ang dambuhala naman ang uminit ang ulo pagkakita kay Prinsipe Manawari. Pasugod na ang buwaya at handa nang manlapa. Si Prinsipe Manawari’y tila handa namang mamatay. Mabuti na lamang at kahit tuluyan na niyang nalimutan ang gintong sing-sing-ita ay naalala naman niya ang diumano’y Magik Sinturon daw na handog ng mga taga-Tribu Maliputu. Ibinigkis ni Prinsipe Manawari ang Patola Kaorayan sa kanyang noo. Dumagundong ang mga kulog at gumiyagis ang mga kidlat sa kalangitan. May kung anong puwersang nanuot sa kalamnan at mga buto ng prinsipe mula ulo pababa hanggang sa pinakadulo ng daliri sa paa. Nakaramdam siya ng tila ugat ng higanteng punong nilalala sa kanyang mga himaymay. May tila bakal na pinapanday sa unod ng kanyang buto. May kuryenteng dumuduro sa bawat pintig ng kanyang pulso. At may biglang humiwang kidlat galing sa kanyang mabalasik na mga mata. Sumugod na ang prinsipe at tila may bagwis ang kanyang mga paa. Nagpanagpo sila sa ere ng dambuhalang buwaya at kaagad siyang hinalihaw ng kambal nitong buntot. Talsik ang prinsipe sa dalampasigang pinanggalingan nila. Kinaon naman siya ng mga Isdang Alapaap at inilipad pabalik sa Pulo ng Maniwantiwan. Nagpatuloy sa pakikihamok sa buwaya si Prinsipe Manawari. Nadakma ng prinsipe Manawari ang buntot ng dambuhalang buwaya at iwinasiwasiwas ito at ihinagis sa kabilang pangpang. Mabilis namang nakalangoy pabalik ang buwaya at sinakmal ang prinsipe. Nakailag ang prinsipe at nakalundag siya sa leeg ng buwaya. Nagpambuno silang dalawa. Minsa’y napapailalim siya sa buwaya at minsan nama’y nakukubabawan niya ito. Minsang mapadako sila sa pampang at magpagulong-gulong at kung minsan naman ay sa lalim ng dagat at magpabali-baligtad. Kapwa ayaw magpatalo ng isa’t isa. Apatnapung araw at apatnapung gabi na silang nagpapambuno subalit wala pa ring sumusuko. Walang gustong sumuko. Subalit sa labanang tulad ng gayon ay kailangang may magwagi. Hanggang sa parang tinatakasan na ng lakas ang dambuhalang buwaya at nakapag-ipon naman ng panibago si Prinsipe Manawari. Itinikom niya nang mariin ang kamao at lumagutok ang nagngangalit na buto. Isinalin ni Prinsipe Manawari ang lahat ng natitira pa niyang lakas sa kanyang bisig at ibinuga ito sa dulo ng kamao. Dumapo sa maganit na panga ng dambuhalang buwaya ang isang maliit na kamaong tila may lulang poot ng isang bulkan. At ang dating mabalasik na dambuhalang buwaya ay naging hilong talilong na walang masilungan. Nang matiyak na ang pagkagapi ng kalaban, sumisid si Prinsipe Manawari sa lalim at kumuha ng mahabang baging-dagat. Iginapos ng prinsipe ang leeg at unahang paa ng dambuhalang buwayang sa pagkakataong iyo’y hindi na makapalag pa. Iniahon ng prinsipe sa pulo ang dambuhalang buwaya na laslas ang tiyan at lalamunan. Bagamat punit-punit ang kasuotan ni Prinsipe Manawari, nagtamo lamang ito ng kaunting gasgas sa braso. Hindi magkamayaw ang mga nakasaksi lalo na nang putulin ni Prinsipe Manawari ang kambal na buntot ng dambuhalang buwaya at iwagayway ito bilang tropeo ng napagtagumapayang labanan. Naging simbolo ang kambal na buntot ng nangangakong kapayapaan 22 ng 126
  • 23. sa dagat na iyon na hinahalikan ng araw. Walang paglagyan ang kasiyahan ni Zephyra. Bilang pasasalamat ay hahandugan niya ng bagong bihis ang bayaning prinsipe kapalit ng napunit nitong kasuotan. Pumutol siya ng bahagi ng kanyang mahabang buhok at humabi siya ng baluti mula rito. Ang baluting ito na yari sa kanyang buhok at itinubog sa alat ng dagat ay hindi tinatablan ng init o apoy. Kinuha rin ng sirena ang Magik Malong ng prinsipe at ang laylayan nito ay sinulsihan ng palikpik ng Isdang Alapaap. Mula sa kung saan ay may lumitaw na pagkalaki-laking gintong barko na nalululanan ng mga mutia at sarisaring alahas. Inihandog niya ito sa prinsipe. Puwedeng turuan sa isip lamang ang barkong ito at nakapaglalayag mag-isa. Nagpaalam na sina Prinsipe Manawari at nangako ang prinsipe sa sirena na ibabalik niya ang dinukot na anak nitong si Astra. Bago sila magpaalam ay ikinuwento ni Prinsipe Manawari ang tungkol sa mahiwagang dalagang kanyang hinahanap. Ipinakita rin niya kay Zephyra ang mahiwagang panyong pag-ari ng dalaga. “Mosala…” Nausal ng sirena pagkakita sa panyo. Sinabi ng sirena na ang Mosala ay hinahabi lamang ng pitong magkakapatid na Haori. Ang mga diwatang ito ay bumababa lamang sa Talon ng Tinago para maligo tuwing bughaw ang buwan. Itinuro ng sirena sa prinsipe kung saan matatagpuan ang Talon ng Tinago. Magbubukangliwayway at nagpaalam na sina Prinsipe Manawari, lulan ng lumilipad na ngayong Magik Malong. Inutusan naman ng prinsipe ang napakalaking barko puno ng mahahalagang hiyas na pumasok muna sa isang malaking yungib sa may pangpang. Mula sa itaas ay tanaw nila ang kumukutitap na ngiti ni Zephyra at bagamat may sumusungaw pang lungkot sa mata dala ng pag-aasam sa anak, umaasa silang hindi na nila muling maririnig na ganoon kalungkot ang awit na dala ng banayad na hanging amihan.. V. Mga Amoy at Panimdim Nanghuhuli ang tatlong hayop ng mga tutubing asul ang katawan, pula ang buntot, dilaw ang ulo at itim ang pakpak. Nakadapa sa isang malaking bato sa gitna ng dibdib ng talon si Prinsipe 23 ng 126
  • 24. Manawari at pinagmamasdan ang repleksyon ng buwan sa walang kulay na tubig. Makalabingwalong araw bago nila matagpuan ang Talon ng Tinago. Naliligiran ito ng mga bundok na perpekto ang paltok. Ikawalong araw at ikapitong gabi na nila sa talon subalit hindi pa rin sumusungaw ang bughaw na buwan. Isang tutubi ang dumapo sa tubig sa gitna ng repleksyon ng buwang tinititigan ni Prinsipe Manawari. Nilundag ito ni Kalabawbibaw at nabasag ang repleksyon ng buwan sa tubig. Nakaramdam ng bahagyang pagkainis ang prinsipe subalit hindi niya inialis ang paningin sa tubig. Nang makaahon si Kalabawbibaw, dakma ang bakas ng nakaalpas ding tutubi ay unti-unting nabuong muli ang nabuak na repleksyon ng buwan. Waring nakasilip si Prinsipe Manawari sa isang kaleidoscope. Sa paghupa ng dibdib ng walang kulay na tubig ay tumingkad ang bagong hilamos na bughaw na buwan. Napabalikwas ang prinsipe at tiningala kung hindi lamang siya pinaglalaruan ng tubig o ng kanyang paningin. At naroroon nga’t nakatalalan sa papawirin ang pagkalaki-laki at bilog na bilog na bughaw na buwan. Natigil sa panghahabol ng tutubi ang tatlong hayop. Nagsiksik ang mga ito sa likuran ni Prinsipe Manawari. May naamoy silang kakaibang sangsang. Mistulang halimuyak ng nabubulok na mga bulaklak. Umalulong ang tisikong aso at ihinilig ang mukha nito sa braso ng Prinsipe. Nahulaan naman ng prinsipe ang nais ipagawa nito. Umukit siya ng kaunting muta at ipinahid sa mga mata. Ipinikit-pikit niya ito hanggang sa luminaw ang kanyang paningin at napatda sa kanyang nasaksihan. Mula sa bughaw na buwan ay may bumababang pitong babaeng nakalutang sa hangin. Ito na siguro ang magkakapatid na Haori, naisip ng prinsipe. Walang saplot ang mangasul-ngasul nitong kabuuan maliban sa umaalimbukay na mahabang buhok na panaka-nakang tumatabing sa maseselang bahagi ng mga katawan nito. Asul din ang mga pakpak nitong tulad ng sa tutubi. Iisa halos ang itsura ng pito. Nagkakaiba lamang ang mga ito sa uri at disenyo ng mga bulaklak na nakaputong sa ulo. Habang papalapag ang pitong diwata sa walang kulay na tubig, ay lalong sumisigid ang halimuyak ng tila nabubulok na mga bulaklak. Natitiyak ng prinsipeng galing sa mga diwata ang di-kanais-nais na amoy na iyon. Nagtago sila sa likod ng isang malaking bato at pinagmasdan ang naliligo na ngayong magkakapatid. Sa bawat paglulunoy ay kumukupas ang pangangasul ng katawan ng mga ito at humahawa sa kanina’y walang kulay na tubig. Sa bawat paglulunoy rin ay naiibsan ang sangsang na nalalanghap nina Prinsipe Manawari. Ilang sandali pa’y umahon na ang pitong magkakapatid na Haori at kumikinang na ngayon ang kanilang kabuuan dahil sa busilak na kaputian. Ang Talon ng Tinago naman na kanilang pinagliguan na kanina’y walang kulay ay nagkulay-bughaw. Naglaho na rin ang masamang amoy sa paligid at nahalinhan ito ng halimuyak ng kabubukang mga bulaklak. Naghanda na sa muling paglipad ang mga diwata kaya napilitan si Prinsipe Manawaring lumabas na sa kinatataguan. Nagulat ang mga diwata pagkakita sa kanya subalit saglit lang din dahil napansin nila ang panyong Mosala na iwinawagayway ng prinsipe. Isinalaysay ng prinsipe ang kuwento sa likod ng panyong iyon at humingi ng tulong kung paano niya matatagpuan kung sino man ang may ari ng Mosala. Sinabi ng panganay na diwata na sila nga ang humabi ng panyong iyon at hinandog nila iyon sa isang sanggol na babaeng pinuspos sa talon ding ito, labingwalong bughaw na buwan na ang nakararaan. Ang sanggol na iyon ay anak nina Datu Puti at Ba’i Anko ng Pulo ng Laguindingan, ayon naman sa bunsong diwata. Itinuro din ng mga diwata kung saan matatagpuan ang Pulo ng Laguindingan. Malapit lamang daw ito sa Talon ng Tinago at tatlong bundok na lang 24 ng 126
  • 25. ang kanilang tatawirin. Ito lamang ang tanging pulo sa daigdig na sinisikatan at nilulubugan ng araw. Lubos na nagpasalamat si Prinsipe Manawari at nagpaalam na rin ang magkakapatid na Haori. Lumipad na ang mga ito pailanlang sa bughaw na buwan at maya-maya pa’y ang bughaw na buwan ay bumalik na sa dati nitong kulay. Sabik na sabik naman si Prinsipe Manawari sa nakuhang balita at hindi na niya nagawang makatulog pa. Iyon ding sandaling iyon ay naglakbay na sila sakay ng Magik Malong patungo sa Pulo ng Laguindingan, ang tanging pulong sinisikatan at nilulubugan ng araw. Ang pulong tahanan ng kanyang mahiwagang dalaga. Hindi pa man lumalapag ang Magik Malong ay napansin na ni Prinsipe Manawari ang kaibang simoy ng hangin. Amoy patay na daga ang paligid at tila naninikit ito sa kanyang ilong. Lumapag sina Prinsipe Manawari sa isang burol na tanaw ang isang pulo. Payapa ang kadagatang nakapalibot dito. Paputok pa lamang ang araw sa silangan. Ang gintong silahis nito’y unang humalik at tuluyan nang yumakap sa naturang pulo. Isa na lamang ang dapat tiyakin ng prinsipe. Dito rin ba lulubog ang Haring Araw? Ito na ba ang Pulo ng Laguindingan? Pinasya ng prinsipeng magpalipas doon ng maghapon upang matiyak kung doon nga rin lulubog ang araw. Lumipad ang isip niya sa iniwang kaharian. Sa mga mahal sa buhay na natitiyak nang nag-aalala ngayon. Sa Amang Haring Bacocos at Inang Reynang Bicuda. Sa kanyang iniwan at pinagtaksilang kabiyak. Ayaw niyang isipin kung paano pinapatay ang mga ito ng panghuhula sa kanyang biglang pagkawala. Tanging sila ni Merlin ang nakaaalam ng hibang niyang paglalakbay. At muli siyang nakadama ng matinding panimdim. Nang mapagod ang isipa’y ipinasya muna niyang humimbing. Itinalukbong niya ang malong upang huwag malanghap ang masangsang na amoy na sa wari niya’y nanggagaling sa pulong iyon. Dala na rin ng puyat at pagod ay madali siyang nakatulog. Sa panaginip ay dinalaw siya ng kanyang pangarap. Siya at ang mahiwagang dalaga sa isang planetang di niya mawawaan. Sa iba’t ibang dako at iba’t ibang kaanyuan. Minsa’y sa sepiang sapa at sila’y mga palaka. Minsa’y sa lilac na layak at sila’y mga bayawak. Kung hindi nama’y sa pulang parang at sila’y mga balang. Sa iba’t ibang dako at iba’t ibang kaanyuan. Ngunit iisang damdamin. Iisang pintig ng pagniniig. At sa lahat ng dako at kaanyuang iyon ay siya ang bihasa. Siya ang Guro. Siya ang Lalaki. Mga palaka sila ngunit ililipad niya sa langit ang kaniig. Mga bayawak sila ngunit mapapakokak sa lualhati ang kanyang minimithi. Mga balang sila ngunit magpipingkian ang malalamig nilang pusod at kuyukot. Sa lahat ng dako at iba’t ibang kaanyuan. Laging julio at tag-ulan. Laging tag-ulan ng ligaya. Subalit matapos ang pagniniig ay madudurog sa paanan nila ang mga luha. Mabubulok ang mga balat nila’t laman at mangangamoy patay na daga. Babalutin sila ng itim na panindim. Ang mahiwagang dalaga’y huhulagpos na parang usok. Pipigilin niya ito subalit mabibigo siya. Tatastasin niya ang laylayan ng malong at itatali niya ang sarili at ang dalaga. Subalit makatatakas pa rin ito. Subalit mangangako itong babalik kapag siya, ang Guro at ang Lalaki ay maalam nang makipagtalik tulad ng isang tao. At siya’y mangangako rin. Hindi niya ikukuwento sa alimbyuging manok ang panaginip. Mataas pa rin ang araw nang magising si Prinsipe Manawari. Muli niyang minasdan ang pinaghihinalaang Pulo ng Laguindingan. Mula sa burol na kinatatyuan ay mistula itong tumpok ng putik. Wala siyang maaninaw ni isang punong nakatindig. Kaya rin siguro ganito na lamang kasangsang ang hanging nagmumula rito. Nakaramdam siya ng kalungkutan at panghihinayang 25 ng 126
  • 26. para sa pulong ito. Humapon ang alimbyuging manok sa sanga ng punong kinahihiligan ni Prinsipe Manawari. Mahaba at malamlam ang anino ng tumitilaok na manok. Palubog na ang araw. Lumakad sa dalisdis ng burol si Prinsipe Manawari. Doo’y tanaw na niya ang kahel na araw na lumulubog sa dagat sa likod ng pulo. Walang ingay at kalatis ang paglubog nito. Bago magpaalam ang mga silahis nito’y nagbahid muna ng sari-saring kulay sa ulap. Tila ito isang pinsel sa maingat na kamay ng isang dibuhista. Magkahalong tuwa at lungkot ang idinulot ng pamamaalam na iyon ng araw sa puso ni Prinsipe Manawari. Ito na ang wakas ng kanyang paghahanap subalit simula rin nga kaya ng kinatatakutang panimdim? Bukas ng umaga niya binalak harapin ang kasagutan. Humahangos papasok sa torogan ni Datu Puti ang kakamot-kamot na bantay. “Mahal na Datu! Mahal na Datu! May dayuhan sa labas at dala-dala ang Mosala ni Prinsesa Ganda!” Napabalikwas sa pagkakahiga ang nanghihinang si Datu Puti. Inutusan nito ang bantay na papasukin ang dayuhan. Kagyat namang tumalima ang inutusan. Naiwan sa labas ng torogan ang tatlong hayop. Hinubad ni Prinsipe Manawari ang kanyang sapin at sumunod na pumasok sa torogan ng datu. Sinalubong siya ng matinding amoy at muntik na siyang maduwal. Inabutan ng prinsipe ang datu na tumatayo mula sa higaan at umupo sa maharlikang trono nito. May bigla siyang naalala pagkakita sa datu subalit hindi lang niya mapagwari kung sino. Maputlang-maputla ang datu at tadtad ng sugat ang mukha nito’t mga braso. Mga sugat na inaagusan ng tila-dagtang natitiyak na ngayon ng prinsipe na pinanggagalingan ng masangsang na amoy. “Isang malugod na umaga po, Datu Puti.” Pagpupugay ni Prinsipe Manawari. “Ihayag mo binata, kung sino ka? Saang kaharian ka nagmula at ano ang iyong pakay?” Bagamat hirap ay pinilit magsalita ang datu. “Nagpupugay po sa inyo si Prinsipe Manawari ng Kaharian ng Hansen. Nilakbay po namin ang ilang bundok at kadagatan sa pagbabakasakaling matagpuan namin ang may-ari ng Mosalang ito.” Pagpapakilala ng prinsipe kasabay ng pag-aabot sa datu ng mahiwagang panyo. Lumiwanag ang mukha ng datu nang mamasdan ang Mosalang inabot ng prinsipe subalit bigla uli itong lumamlam nang may sumagi sa isipan nitong nagdulot ng matinding pag-aalala. “Ganda...” Pabulong na nausal ng datu sa sarili. Subalit pabulong man iyon ay nahagip ng pandinig ni Prinsipe Manawari. “G-Ganda?” “Ang kaisa-isa naming anak. Ang kaisa-isa naming anak na babae.” Sumasal ang tibok ng dibdib ni Prinsipe Manawari. Ganda. Ngayo’y may ngalan na ang mahiwagang dalaga. Ganda. Kaytamis nito sa kanyang pandinig. Kaytamis nito sa kanyang damdamin. Nais na niyang tapusin ang pananabik. “Kung inyo pong mamarapatin, Mahal na Datu. Maari ko po bang masilayan ang inyong anak?” Hindi umimik si Datu Puti at wari’y nilunod na ito ng nadaramang kalungkutan. “Kung nalalaman n’yo po lamang ang aking nilakbay. Hindi n’yo po ipagkakait sa a…” “Wala siya rito.” Putol ng datu sa nag-aatubiling prinsipe. Para namang nabagsakan ng bundok si Prinsipe Manawari sa narinig. Nagmamakaawa ang mga mata nitong nagtatanong. 26 ng 126
  • 27. “Pinatakas namin siya sa Laguindingan mula nang lumaganap ang mahiwagang sakit na ito. Lulan siya ng Rinamentaw Mapalaw.” “Rinamentaw Mapa…” “Rinamentaw Mapalaw. Ang mahikal na barko ng pulo.” “ Ang dambuhalang barkong may kakaibang aroma?” Tumango ang datu. Ito naman ang naging interesado. “Alam mo kung nasaan ang barkong iyon? Alam mo kung nasaan ang aking anak? Ang mahal naming Ganda?” Sunud-sunod na tanong ng datung nalipos ng pananabik. “Abot-tanaw ko lamang siya. Abot-tanaw at…at…biglang nawala.” Usal ng prinsipe na para bang nangangarap. “Nawala?” “Nagsasayaw siya. Walang sapin. Ang buhok. Ang mata…” “Nagsasayaw?” “Nagsasayaw at biglang nawala. Ganda pala ang ngalan niya…” “Nagsasayaw. Nawala. Nasaan siya? Bakit nasa iyo ang kanyang Mosala?” “Parang awa n’yo na po Mahal na Datu. Gusto ko pong masilayan si Ganda. Nasaan po ang inyong anak?” “Hindi ka ba nakikinig, binata? Wala rito si Ganda. Ikaw kamo ang nakakita sa kanya. Saan mo siya nakita? Bakit nasa iyo ang kanyang Mosala? “Ang Mosala. Oo, ang Mosala. Ito lamang ang iniwan niyang alaala nang sumulpot siya at biglang maglaho matapos sumayaw sa aming kaharian.” “Kung ganoo’y hindi mo rin alam kung nasaan si Prinsesa Ganda?” Marahang tumango ang prinsipe. “Mabuti pa’y magpahinga ka muna at mukhang malayo ang iyong nilakbay. Mamaya natin ipagpatuloy ang pag-uusap.” “Babalik pa po ba si Prinsesa Ganda? Magkikita po ba kami?” “Ang Rinamentaw Mapalaw lamang ang makapagpapasya no’n. Binilinan ko ito na ibalik lamang sa Pulo ng Laguindingan ang prinsesa kapag wala na ang pesteng sakit na ito.” “Hahanapin ko po ang inyong anak. Ituro n’yo po kung saan ko siya matatagpuan.” Umiling-iling si Datu Puti. “Mas makabubuting magpahinga ka muna, binata.” Tumayo nang muli ang datu sa kinauupuan at inot-inot itong bumalik sa higaan. Tila lalong nakaragdag sa karamdaman nito ang balitang dala ng dayuhang prinsipe. Wala namang nagawa si Prinsipe Manawari kundi sumama na sa nagkakakalkal na ngayong bantay at lumabas ng torogan. Paglabas niya’y naroon ang tatlong hayop na kaibigan. Matapat na naghihintay kay Prinsipe Manawari. Sa prinsipeng sa tindi ng panimdim ay tila isang saranggolang sumabit sa matutulis na sanga. 27 ng 126
  • 28. VI. Tatlong Haragan, Isang Sugatan Dati’y mistulang Paraiso ang Pulo ng Laguindingan. Kung tatanawin sa malayo ay para itong sariwang cauliflower na nakalutang sa sariwa ring tubig. Malulusog ang nasasakupan ni Datu Puti. Malalakas ang mga kawal nito na laging handang magtanggol sa kaaway ng pulo. Namumutiktik sa ginto ang lupain. Ang mga kababaihan, sa pangunguna ni Ba’i Anko ay matagumpay sa pagtatanim at pagpapalago ng mga bulaklak at halamang-gamot. Naging matagumpay rin ang mga kalalakihan sa pangangasawa. Napakabilis lumawak ng kanilang nasasakupan. Nag-uumapaw ang kanilang yaman at wala silang paglagyan ng kaligayahan. Para ngang wala nang katupasan ang lahat. Hanggang sa dumating ang Tatlong Maputlang Haragan. Una’y isa-isang sinubok ng tatlo na paibigin ang kaisa-isang anak na babae ng Datu at ng Ba’i. Subalit dahil sa magagaspang na ugali nito’y walang mapusuan sa mga ito si Prinsesa Ganda. Subalit hindi naman talaga ang prinsesa lamang ang pakay ng Tatlong Haragan. Higit, ay ang birheng kagubatan ng Pulo ng Laguindingan at ang mga ginto nito ang puntirya ng tatlo. Nang hindi sila umubra sa prinsesa, ang datu ang kanilang dinigahan. Simula’y pinuri nila ang datu sa angking kayamanan at kapangyarihan. Matapos ay unti-unting tinuya. Bakit daw Datu Puti ang tawag dito samantalang kulay ebak naman ang balat? May alam daw ang mga itong pampaputi. Dagta ng puno. Ito raw ang ginagamit nila para pumuti. Sa madaling salita’y nauto nila ang datu. Na sa katotohanan, ay kaya naman mapuputi ang tatlo ay galing ito sa lupaing laging nakalubog ang araw. Nagpagawa ang datu ng isang napakalaking hukay at pinapuno iyon ng dagta ng mga puno. Samantala’y ang mga pinuputol na punong pinangangasiwaan ng Tatlong Haragan ay kinukulimbat ng mga ito at dinadala sa kanilang lupain. Sabay sa pagkapuno ng dagta ng napakalaking hukay ang pagkaubos ng puno sa kagubatan ng Pulo ng Laguindingan. Ipinag-utos naman ni Datu Puti na lahat ng kanyang nasasakupan ay kailangang maglunoy sa “Ilog ng Dagta” sa pangunguna niya upang ang lahat ng tao sa pulo ay mangagsiputian. Dito hindi nagkasundo si Datu Puti at Ba’i Anko. Hindi ito pumayag maglunoy sa dagta at maging si Prinsesa Ganda ay hindi nito hinayaang pumuti. Itinakas ni Ba’i Anko ang kaisa-isang anak na babae palayo sa tila inaalihan ng Yawang bana. Noong una’y natikis ni Datu Puti ang mag-ina lalo na nang umani sila ng papuri sa mga dayuhang napapadpad sa Pulo ng Laguindingan pagkakita sa kanilang malalabanos na kutis. Subalit sandali lamang ang kaligayahang iyon. Unti-unti, ang kanilang mapuputing kutis ay nagkabitak-bitak dahil sa hindi na masalang sikat ng araw. Ang bitak ay naging nakangangang sugat na nilalabasan ng tila kinakalawang na dagtang pinanggalingan ng malansang amoy. Ito raw ang huling ganti ng mga naghingalong punungkahoy. Maging ang lupain ng pulo ay nagmistulang kayumangging disyerto ng kahungkagan. Wala na ni isang punong tumubo pa, maliban sa Binansot na Baliteng may kahel na dahon na handog ng mga anito kay Datu Puti noong ito’y puspusin. Halos maubos ang kayamanan ng Laguindingan sa pagtuklas ng lunas sa misteryosong sakit na lumaganap, hindi lamang sa lahat ng tao kundi sa buong lupain. Isang malagim na sumpa ng kalikasan! Ang Tatlong Haragan naman na nagsimula ng lagim na ito ay bigla na lamang naglaho sa pulo. Huli man, ay nagawa pa ring magsisi ni Datu Puti. Kagyat niyang pinahanap ang mag-ina subalit si Prinsesa Ganda na lamang ang naiuwi 28 ng 126
  • 29. ng Rinamentaw Mapalaw. Namatay sa labis na pagdadalamhati ang Ba’i Anko. Sakmal man ng matinding pangungulila sa mga mahal sa buhay ay tiniis ni Datu Puting huwag nang patungtungin si Prinsesa Ganda sa pulo at inatasan nga nito ang mahiwagang barko na itakas muna pansamantala ang prinsesa hanggang hindi humuhupa ang sakit. Ang prinsesa na lamang ang natitirang yaman ng datu. Maging ang magigiting na anak ng Laguindingan ay hindi na nakabalik matapos hanapin ang Ibong Aninipot na ang awit ay pinaniniwalaang makapaghihilom sa Laguindingan. Matapos magsalaysay ng kakamot-kamot na bantay ay saka pa lamang nito napunang tulog na ang kainuman. Halos maubos ni Prinsipe Manawari ang tatlong buhong kawayan ng basi. Subalit ang katawan lamang ng prinsipe ang sumuko. Nakaukit sa isipan niya ang kaliit-liitang detalye ng kuwento ng nangangating bantay. Kinaumagahan ay muling nakipagharap si Prinsipe Manawari kay Datu Puti. Ihinayag din niya ang banal na pakay kay Prinsesa Ganda. Wala namang pagtutol sa parte ng datu maliban sa kailangang sumunod ni Prinsipe Manawari sa kostumbre ng pulo. Kailangang matugunan ng prinsipe ang doteng hihingin ng pangkalahatang datu at ng iba pang pinuno ng Laguindingan. Una nilang hiningi ang labindalawang libong alipin. Ang isang pinuno’y humingi ng pitong baul ng mamahaling hiyas. Naalala ni Prinsipe Manawari ang gintong barkong handog ni Zephyra na punung-puno ng mamahaling hiyas. Sa pamamagitan ng kanyang isip ay nagawang utusan ng prinsipe ang turuang barko na maglayag papunta sa Pulo ng Laguindingan. Anong mangha’t anong tuwa ng buong kapuluan nang makita ang paparating na gintong barkong may lulang mamahaling hiyas. Ang isang pinunong may pagtingin kay Prinsesa Ganda ay humiling sa prinsipe ng isang imposibleng bagay. Hiniling nitong patumbalikin ang agos ng tubig sa ilog. Binalaan ng prinsipeng maaring hindi maging maganda ang resulta nito kung magkakagayon man. Subalit mapilit ang kanyang karibal sa paniniwalang hindi dapat matugunan ng prinsipe ang dote para hindi mapasakamay nito ang hinahangad din nitong prinsesa. Walang nagawa si Prinsipe Manawari kundi pagbigyan ang hiling ng pinunong karibal. Hiningi niya ang tulong ni Kalabawbibaw para maisagawa ang pagpapatumbalik sa agos ng tubig sa ilog. Tumalima naman ang kaibigang hayop at lumulon ito ng sampung kaing na sili. Matapos ay pumuwesto ito sa gitna ng Ilog-Agko at sa pamamagitan ng mga sungay na nag- alimpuyong parang ipo-ipo’y napatumbalik nito ang agos sa ilog. Subalit dahil sa sobrang anghang ng sampung kaing na siling nakain, bumilis ng sampung ulit ang pag-ikot ng sungay nito na lumikha din ng sampung higanteng ipo-ipo. Ang mga bahay sa Laguindingan ay natangay. Kung hindi pa nagmakaawa ang hambugerong pinunong humiling ng imposible ay hindi patitigilin ni Prinsipe Manawari ang kabaw. Ang babaeng pinuno naman ay humiling ng 7,100 Makahiyang hindi nakatiklop ang dahon. Ang isa’y humiling ng 50 kalapating mula sa langit. Ang isa nama’y sarikulay na tela bilang pamalit sa mga dahon ng puno. Hiningi naman ng batang-batang pinuno ang Patola Kaorayan ng prinsipe. Sinabi ng prinsipeng humiling na lamang ng iba dahil hindi niya maaring ibigay sa iba ang anumang bagay na handog lamang din sa kanya. Subalit mapilit ang batang pinuno. Hinablot nito ang Magik Sinturon na nakabigkis sa noo ng prinsipe at dagling ibinigkis sa sarili nitong noo. Maya-maya’y dumaing ang batang pinuno na masakit ang kanyang ulo. Nataranta ang lahat nang makitang naging sawa ang sinturon at nilingkis ang ulo ng batang pinuno. Humigpit nang humigpit ang pagkakalingkis hanggang sa para nang mapipisak ang ulo ng bata. Nagngangangawa itong nagpasaklolo kay Prinsipe Manawari at dagli namang hinaltak ng prinsipe 29 ng 126
  • 30. ang nakalingkis na sawang bigla namang bumalik sa pagiging sinturon sa kamay ng may-aring prinsipe. Matapos ang mga ito’y tila ayaw nang humiling ng iba pa. Pinalabas muna ni Datu Puti sa torogan si Prinsipe Manawari at pinulong ang kanyang mga pinuno. Nagkaroon ng mainitang pagtatato sa loob ng torogan. Panaka-naka’y nakaririnig si Prinsipe Manawari ng mga sigawan. Sa bandang huli’y nangibabaw na ang malakas at matatag na tinig ni Datu Puti. Maya-maya’y lumabas na sa torogan ang mga pinunong sambakol ang mukha. Naiwan sa torogan si Datu Puti. Pinapasok si Prinsipe manawari sa torogan at sila na lamang ng tiim-bagang na datu ang magkaharap sa loob. “Buhay at kasaysayan ang pinuhunan namin sa lupaing ito, Prinsipe Manawari. Itinatag namin ito sa giya ng aming mga kostumbre’t paniniwala. Subalit higit, sa pananalig.” Bagama’t natatalinghagaan ang prinsipe’y mataman siyang nakinig sa datu. “Masdan mo ang buong kapuluan. Ni anino ng naglahong paraiso’y hindi mo na mababakas. Ako na ang nagpasya. Mahihiling namin sa iyo ang kahit ano kapalit ni Prinsesa Ganda. Mga kahilingang alam naming hindi mo lahat matutupad. Ngayo’y handa akong salangsangin ang aming kaugalian.” Hindi malaman ng prinsipe kung matutuwa o matatakot sa naririnig. Bakas na bakas niya ang katiiman ng mga katagang iyon sa matatag na panga ng datu. “Kalimutan mo na lahat ang mga hiningi naming dote. Maging ang gintong barko ng mamahaling hiyas ay ibabalik ko na sa iyo. Ano pa nga ba ang halaga noon sa amin o sa layaw ng aming katawan kung maging ang sarili naming balat ay amin nang ikinahihiya?” Humugot ng isang malalim na hininga si Datu Puti at tumitig nang diretso sa mga mata ni Prinsipe Manawari. “Isa lang ang hihilingin ko sa iyo, Prinsipe Manawari…” Hindi na tinig iyon ng isang nag-uutos o humihiling, kundi higit, ng isang nagmamakaawa. “Dalhin mo sa amin ang Mahiwagang Ibong Aninipot.” Nang mapansing parang natigilan ang prinsipe’y idinagdag pa nitong: “Maging ang buong Lupain ng Laguindinga’y ipagkakaloob ko sa iyo. Iligtas mo lamang ang aking nasasakupan. Iligtas mo lamang kami.” Hindi malaman ni Prinsipe Manawari kung anong damdamin ang dapat niyang maramdaman. Basta’t ang alam niya’y nilulunod ng nangingilid na luha ng datu ang kanyang kaluluwa. Sinasakal siya ng nag-iigting na litid sa leeg ng pinuno. Niyayanig ang kanyang buong pagkatao ng gumagaralgal na tinig ni Datu Puti. Nagawa rin niyang maisatinig ang kanyang agam-agam. “Kung kaya ko nga lang po, Mahal na Datu.” Hindi inaalis ng datu ang pagkakatitig sa mga mata ng prinsipe. “Noong una’y naniniwala kaming sa lupaing ito rin manggagaling ang aming katubusan. Subalit naubos na yatang lahat ang aming mga anak ay wala pa kaming pag-asang matanaw. Ni isa sa mga naghanap sa Mahiwagang Ibon ay walang nakabalik. Ngayo’y narito ka na bagamat isang dayuhan ay…” “Subalit hindi ko po maipangangako ang inyong hinihiling.” “Hindi mo kailangang mangako. Ang mahalaga’y ang pagpayag mo sa nag-iisa naming kahilingan.” “Kung ganoon po’y pumapayag na ako. Kung ito ang paraan para mapatunayan ko ang dalisay 30 ng 126
  • 31. kong pag-ibig kay Prinsesa Ganda, nakahanda akong makipagsapalaran sa pagdakip sa Ibong Aninipot. Para ito sa inyong anak, Mahal na Datu. Para sa inyong anak.” Napayakap ang datu sa prinsipe at tinapik-tapik nito ang likuran niya . “At para sa Laguindingan, anak…Para sa Laguindingan.” Bago muling maglakbay sina Prinsipe Manawari para hanapin ang Mahiwagang Ibong Aninipot ay muling ipinatawag ng datu ang prinsipe sa torogan nito. Ipinabaon ng datu sa prinsipe ang Binansot na Baliteng may kahel na mga dahon. Binilinan ni Datu Puti si Prinsipe Manawari na kailangang makabalik ito sa Pulo ng Laguindingan bago malagas lahat ang dahon ng balite. Muli’y namasdan ng prinsipe ang mga sugat sa balat ng mahinang-mahina nang datu. Subalit may mas higit siyang sugat na naaaninaw sa malalamlam nitong mga mata. Ang mundo ay isang komedya sa mga nag-iisip, trahedya sa mga dumarama 31 ng 126
  • 32. VII. Ang Munting Prinsesang Nakaupo sa Tasa Nakatulungko si Prinsipe Manawari sa ilalim ng Puno ng Bayabas. Pinagmamasdan niya ang Binansot na Balite. Isang kahel na dahon na naman ang nalagas dito. Papaikli na nang papaikli ang taning niya at hindi pa niya natatagpuan ang Ibong Aninipot. Ni wala nga siyang ideya kung saang lupalop ng daigdig ito humahapon. Noon lang din niya muling napansin ang gintong singsing-itang ibinigay ng Diwata ng Kagubatan. Kailanma’y hindi pa niya ito napakikinabangan. Gusto na niyang maniwalang biniro lang talaga siya ng diwata. Ni minsa’y hindi naman niya ito nakitang nakapulupot sa kanyang palasingsingan. Ngayon nga, katulad ng lumipas na ilang mga araw, ay sa hintuturo niya ito laging nakapulupot. Napangalumbaba ang prinsipe at naibulong niyang sana’y kahit maituro man lang nito kung saan matatagpuan ang Mahiwagang Ibon. Pagkausal nito’y biglang kumalawa ang gintong singsing-ita sa kanyang hintuturo. Nalaglag ito sa lupa at biglang naging isang dambuhalang sawa. “Ano ang maari kong ituro sa inyo, Mahal na Prinsipe.” Matapos ang lahat ng naging karanasan sa paglalakbay at samu’t saring nasaksihang kababalaghan, hindi na nagugulat pa ang prinsipe. “Ituro mo sa akin kung saan ko matatagpuan ang Mahiwagang Ibong Aninipot.” “Madali po iyon. Humahapon po ito sa Punong Aninipot.” “Saan ko naman matatagpuan ang Puno ng Aninipot?” “Naisin ko man, ay tunay ngang hindi ko alam. Subalit maari kong ituro sa inyo kung sino ang maaring makapagturo sa inyo ng inyong hinahanap.” “Kung ganoo’y sino ang makapagtuturo sa akin?” “Ang Prinsesang Nakaupo sa Tasa.” “Nakaupo saan?” “Sa Tasa po, Mahal na Prinsipe.” “T-tasa…?” Bagamat nalilito’y nagpatuloy ang prinsipe. “Saan ko matatagpuan ang prinsesang sinasabi mo?” “Matatagpuan n’yo siya sa Hinulugang Taktak.” 32 ng 126
  • 33. “Hinulugang Taktak?” “Doon po sumasangguni ang lahat ng tao sa lahat ng panahon tungkol sa anumang problemang hindi nila madesisyunan o masolusyunan.” “Paano ako makararating sa Hinulugang Taktak? “Pumikit po kayo, Mahal na Prinsipe.” Sumunod naman si Prinsipe Manawari ngunit dagli din itong dumilat. Itatanong dapat niyang” O, Ngayon?” nang mapansing nasa ibang lugar na siya. Nasa isang maliit siyang tila pulo na napapaikutan ng di-kataasang talon. Nadilatan ni Prinsipe Manawari ang mga taong nakapila na iba’t iba ang kasuotan at paraan ng pananalita. Ang pila’y nagwawakas sa harap ng isang parang dalagitang, parang batang, di lang niya matiyak. Nakaupo ito sa gilid ng isang malaking tasa. Sa magkabilang tagliran nito ay may nakatayong dalawang tanod na mukhang uod. Nakipila si Prinsipe Manawari. Ito na siguro ang Munting Prinsesang Nakaupo sa Tasang sinasabi ng gintong singsing-itang naging higante ngang sawa. Sa harap ngayon ng prinsesa’y may dalawang babaeng may dalang isang sanggol. Kunot ang noo ng prinsesang sa malapitan pala ay pakiwari ni Prinsipe Manawari ay mukhang lolang katatapos lang magnganga. “Ano ang inyong problema?” “Ang akin pong sanggol ay gusto niyang agawin.” Anang nasa kaliwa. “Subalit Mahal na Prinsesa. Ang sanggol na ito’y ako ang nagluwal.” Anang nasa kanan. “Sino ba talaga ang ina ng sanggol na ito?” “Ako po.” Anang dalawa. “Hindi puwede ang sinungaling dito. Alam n’yo ang kaparusahan. Kanino talagang anak ang sanggol na ito?” “Ako pong talaga, Mahal na Prinsesa.” Anang dalawa pa rin. Napabuntunghininga ang prinsesa at matamang nag-isip kung paano lulutasin ang problemang ito. “Ikaw?” Tanong niya sa babae sa kaliwa. “Ano’ng pangalan mo?” “Ana po.” “Ikaw naman?” “Ana rin po.” “Parehong Ana ang pangalan n’yo?” “Opo.” Anang dalawa sabay tango. “Ganito na lang ang gawin natin. Yaman din lamang na pareho ninyong pinangangatawanan na sa inyo ang sanggol na ito, na imposibleng mangyari dahil hindi maaring sa dalawang ina manggaling ang isang sanggol, eto ang aking solusyon...” Sabik na naghihintay ng desisyon ng prinsesa ang dalawang Ana. “Hatiin natin ang sanggol na ito at paghatian ninyong dalawa para parehas at walang away.” Napaisip ang dalawang ina. “Payag ba kayong hatiin natin ang sanggol?” Nagkatinginan ang dalawa at sabay pang sumagot. “Opo, Mahal na Prinsesa. Payag po kami.” Unti nang mahulog sa kinauupuang gilid ng tasa ang paham na prinsesa. Nang makapanimbang 33 ng 126