2. Matutunghayan sa gitna ng Mapanglaw na gubat ang isang
binatang may taglay na kakisigan na gaya ni Narciso. Makinis
ang balat niya na mistulang burok. Ang pilikmata’t kilay niya
ay parang balantok. Bagong sapong ginto ang kakulay ng
kanyang buhok. At ang sangkap ng katawan niya’y pawang
ayos na ayos.
Sa gubat na ito, na halos hindi masinagan ng liwanag ni Pebo,
makikita ang naglalakihang mga kahoy na kababanagaan ng
kahapisan, dalamhati, at kalungkutan. Idagdag pa rito ang
mag huni ng mga ibon na totoong kalunuslunos. Ang
sinumang madikit sab aging na namimilipit sa sanga ng kahoy
na balot ng tinik ay walang patumanggang makararanas ng
sakit dahil sa taglay na bulo ng bungang sakdal-bangis.
3. Ang lalo pang nakapagdidilim sa kagubatan ay ang cipres at
higerang bagama’t walang bunga’y may mga dahong
naglalaparan. Kung mayroon mang bulaklak sa nagtayong
kahoy, ito’y kulay luksa at may nakaliliyong masangsang na
amoy. At ang mas higit na kinatatakutan ay ang mga
gumagalang hayop tulad ng sierpe’t basilisko, hyena, at tigre,
na handang manila ng tao. Kahindik-hindik ding isipin na ang
gubat na ito ay malapit sa pintuan ng Averno na
pinaghaharian ng malupit na si Pluto, na ang nasasakupang
lupa’y dinidilig ng makamandag na tubig na nagmumula sa
Ilog Cosito.
4. Nawa’y huwag sanang matulad ang kapalaran ng binatang ito
sa kapalaran ng dakilang Adonis. Dahil kung pagmamasdan
mula sa kanyang pagkakatali sa punong higerang nag mga
daho’y kulay pupas at animo’y nakikiisa sa kanyang
pagdadalamhati , bawat hiningang lumilipas sa dibdib nito ay
isang pag-uumayaw sa kanyang kinasadlakang kasawian.
Lumuluha ang mga mata ng binata na tila isang bukal,
habang nagdurugo ang kanyang puso dahil sa kanyang
minamahal.
“ Sadya nga kayang ang pagkauhaw sa kapangyarihan
ang nagbubulid sa taong gumawa ng kaliluhan?
“Adolfo, sukdulan ang iyong kasamaan! Sa iyong
paghahangad sa korona ng Haring Linceo at sa kayamanan ng
duking aking ama, diyata’t nakagawa ka ng isang walang
kapatawarang kalapastanganan? Ang Albanyang reyno ay
iyong kinubkob ng sariling kabuktutan!
5. “Ang hindi ko maubos maisip ay kung bakit ito pinahintulutang maganap ng
dakilang kalangitan.”
“Marahil ay may malalim na kadahilanan ang Diyos na dakila kaya’t ang mga
ito’y nagaganap.
“Ang lahat ng ito’y aking mababata, huwag lamang mawala sa akin ang
tanging ligaya ng aking dibdib.
“ Sana’y ginugunita ako ni Laura,lalo na sa panahon ng aking paghihirap……”
Ngunit ang puso ng masintahing binata ay kusang nilason ng kamandag ng
panibugho. Sa kanyang balintataw ay kanyang nakikita ang Laurang sinisinta sa
kandungan ng Konde Adolfong walang kasinglupit.
Ngayon ang sandali kung kailan si Laura’y kanyang kailangang –kailangan.
Hinahangad niya ang pagdamay nito,ang pag-aaruga, ang masintahing kamay
,at ang maaamong tinging kanyang sinisiphayo….. Ngunit wala ang kanyang
Laura……..
“O,Konde Adolfo,ang lahat ng hirap at pasakit ng sansinukuban na iyong
ilalapat, aking tatanggapin at pasasalamatan. Ang hindi ko kayang tanggapin,
nagawa mo na ngang kunin sa akin ang lahat-lahat: ang aking pangalan,
tagumpay,magulang, kinabukasan…..ay nagawa mo pang kunin ang ligaya ng
aking buhay. Hinding-hindi kita mapapatawad!”
18. SIERPE’T BASILISKO,
HYENA AT TIGRE
SIERPE
=AHAS O SERPIYENTE
BASILISKO
=ISANG HALIMAW NA AYON SA ALAMAT AY MAY
MUKHANG KAHAWIG NG SA BUTIKI;ANG HININGA AT MGA
KISLAP NG MGA MATA AY NAKAMAMATAY.
HYENA
=ISANG URI NG HAYOP SA APRIKA AT SA ASYA;ANG MUKHA
NITO’Y KAHAWIG NG ISANG LOBO; KUMAKAIN DIN
UMANO ITO NG LAMAN NG TAO.