Mitolohikal na Nilalang at Mito ng Pagkakalikha ng mga Pilipino
1.
2.
3.
May apat na uri
Nangangain ng bangkay, naninipsip ng dugo,
naninipsip ng lamang-loob at halimaw
Nakakapagpalit ng anyo
Napaghihiwalay ang katawan mula sa may
baywang
Mukhang matamlay sa araw at ang
mapupulang mata ay may iris na mahaba at
manipis tulad ng sa pusa
Takot sa liwanag, maanghang na rekado,
bawang, suka, apoy at kutsilyo.
4.
5. Malaki,
maitim , balbon at may mahabang
balbas
nakahubad at mahilig manabako haang
nakaupo sa puno
Nang-aaakit ng magagandang dilag sa
pamamagitan ng pampapaambon sa
kanila ng mga talulot ng bulaklak upang sa
kanila ay sumama ay mapaglibangan
Sinasabi na pagpaso o pagdutdot lamang
ng umaapoy na bagay ang makakapagpigit
dito sa pagdukot ng mga babae
6.
7.
May pakpak at sinasabing dispiguradong
kaluluwa.
Ang mga daliri sa kamay , mga paa at sakong
ay nakaturo patalikod at nakabaligtad
Nakakalikha ng sanggol ng isang sanggol mula
sa patak ng buwanang dalaw o inunan sa
pagkaanak.
Nabubuhay nito ang mga batang nalaglag sa
pagkakunan
8.
Isang kanibal at ang balat nito ay sintibay at
singkapal ng balat ng kalabaw
May mga mahabang kamay at kuko at
nangangain nu buhay na tao
Sa umaga, nakasabit ng parang paniki at sa
gabi naghahanap ng makakain gamit ang
matalas na pang-amoy
May kakayahang magpalit ng anyo – bilang
isang lalaki, manok o isdang tabang
9.
10.
Mamumuhay sa butas sa katawan ng puno
Kung gagawing haligi ng bahay o gamit ang
puno mananatili ang Batibat dito
Tagahatid ng bangungot at dinadaganan nito
ang mga biktima na karaniwang tulog, lasing o
sobra ang nakain.
Ang laki at bigat nito ay sapat na para
makapatay
Ang panlaban at pantaboy sa batibat ay
pagkagat sa daliri ng paa o paggalaw sa
pinakamalaking daliri sa paa
11.
12.
Sa kuweba sa langitan na tinatawag na
Calulundan nakatira ang dragon
Tila isang napalaking ibon kasing laki ng gusali
na bihirang lumabas sa kuweba at nagpapakita
lamang kung gutom
Karaniwang gustong kainin ay araw, buwan at
mga bituin na nagiging dahilan ng paglaho
Upang mapigilan ang bawa kinakailangan na
mag-ingay ang mga tao, magpatugtog ng
musika o mag-alay ng pagkain
13.
14.
Napakalaking ogro na sa kabila ng kakaibang
lakas at laki at natatakot sa alimango
Sinisipsip ang tubig sa ilog upang isipin ng mga
tao na ito ay mababaw
Tapos unti-unti nilang pawawalan ang tubig sa
bibig upang lunurin ang mga walang kamalaymalay na biktima na kakainin niya pagkatapos
15.
16.
Sa umaga ay isang napakagandang dilag ngubit
sa gabi ay nakakakilabot na halimaw na
naghihiwalay ang katawan
Sa itaas na bahagi ay may anyong babae at may
pakpak ng ibon at paa ng kabayo
Nakatira sa kasukalan ng gubat at mahilig kumain
ng bata
Binubutasan ang dibdib upang makain ang puso
at atay
Takot sa asin, suka, sibuyas at luya
Pagsambit laamng sa mga salitang ito ay sapat na
para mataboy ito sa takot
17.
18.
Parating nakangisi at isang kakilakilabot na ogro
na kumakain ng karne ng kalabaw.
Laging naiisahan at naloloko ng mga tao
May iisa lamang na mata, malalaking ngipin at
dalawang matutulis na pangil sa magkabilang
bahagi ng kanyang napakalapad at napakakapal
na nguso na tumatakip sa kanyang mukha pag ito
ay nakangisi
May matalas na pandinig at may pambihirang
lakas sapat na makapaghagis ng kalabaw at
ilubog ito hanggang tuhod sa lupa.
19.
20.
Pinakamahilig sa mga alahas at palamuti
Nakatira sa isang marangyang bahay na maraming
silid at maging ang bubong at dingding ay natatakpan
ng mga baging na may makukulay na bulaklak
Mahilig mag-estima ng mga kaibigan nito sa bahay
Sensitibo sa kagandahan at sobra ang muhi sa mga
tao
Dahil sa may pagkatanga ito madali itong malinlang
na ang lubid, itak at tugtog ng tambol ay ang buhok,
ngipin at tibok ng puso ng mga kaaway nitong tao.
21.
22.
Ang dahilan kung bakit walang tigil ang pagsiga ng
siyam na araw at gabi ang mga pamilyang
naglalamay ay upang panatilihang malayo ang
ebwa sa kanilang mga patay
Matabang nilalang na nakahubad at laging
humahalakhak ng walang tigil at mahilig
mangolekta ng napakaraming bungo ng kanyang
mga biktima
Takot ang nilalang na ito sa apoy kung kaya di niya
mananakaw ang banagkay habang may sigang
malapit
23.
24.
Minsan ay magiliw at mapagbigay sa mga mortal at
minsan naman ay mapanira at nangangain ng tao
Anyong tao ngunit napakalaki at kung nanaisin nito ay
magagawa niyang maging mabait sa mga tao
Binibigyan niya ng apoy ang mga mangangaso na
lumalapit sa kanya at sumasali sa mga mortal sa
paligsahan ng pagsisid ngunit may pagkatanga sa
hatian ng premyo
Maaaring maging kakila-kilabot gamit ang kanyang
palakol, hihilahin niya patungo sa kanyang kuweba ang
mga kaawa-awang biktima na kanyang lulutuin at
pagkatapos ay kakainin.
25.
26.
Isang napakalaking unggoy na may
napakahabang buntot.
Naninirahan sa mga puno sa gubat, mayroon
itong malalaking mga kamay at paa at ang
buong katawan ay nababalutan ng malalambot
na balahibo.
Napakalakas ng napakahabnag buntot nito at
ito ang ginagamit nito para itaas ang tao sa
puno saka ihahagis matapos nitong patayin sa
sakal ang tao
27.
28.
May pagka-hippie: mahaba nag buhok, mahilig
tumugtog ng gitara at mahilig sa gulay
Paborito ang sitaw na kanyang ninanakaw kung kaya’t
perwisyo sa mga tao
Mahilig magnakaw ng bigas, isda at buhok ng bata
May bagong panganak na kibaan habang umuulan at
maliwanag ang sikat ng araw
Baligtad ang paa nito, sa harap ang sakong at nakaturo
patalikod ang mga daliri ng paa
Nakatira sa mga halamanan na pinalilibutan ng mga
alitaptap
Kilala sa pagiging lubos na mapag bigay at namimigay
ito ng palayok o pitaka na puno ng ginto sa mga taong
kanyang nagiging malapit na kaibigan
29.
30.
Duwendeng pastol ng mga usa
Kaya maging isang usang kulay puti na isa lamang
ang mata upang lituhin ang mga mangangaso at
ipagtanggol ang mga hayop
Karaniwang nasa anyo ng isang matandang lalaki
na may maliliwanag na mga mata at manipis na
mahabang balbas
Madaling naiiiwasan ang mga bala ng
mangangaso ngunit sa ikalaimang bala ay
nagbabalik na ito sa anyong duwende
31.
32.
Sa gitna at pinakamalalim na bahagi ng dagat
naninirahan
Higanteng ahas na may dalawang putting sungay
na may sukat na tig-180 talampakan ang bawat
isa
May mala-tinik na buhok, maliliwanag na mata,
mahahabang ngipin at malalaki’t matitigas na
kaliskis
Ang dila ay mahaba at ang dulo ng bunto’t nito ay
hati sa gitna
Kapag gutom ay nagbubuga ng berdeng likido at
umuungol ng malalim at matagal.
33.
34.
Ay isang napakagandang babae sa araw at isang
halimaw na may pakpak sa gabi
Ginagamit nag kagandahan upang mang-akit ng
matitipuno at malalakas na lalaki na papakasalan
niya
Mula hating-gabi hanggang madaling araw ay
sinisipsipan niya ng dugo ang asawa sa
pamamagitan ng kaniyang mahaba at malatubong
dila at kapag namatay ang lalaki ay maghahanap
ulit ng kanyang susunod na biktima
Maaaring mamatay sa pamamagitan ng sibat o
tulos ng kawayan
35.
36.
Halimaw na may anyo at tunog ng baka ngunit
walang sungay
Nababalot ng mahabang balahibo ang kataan
nito at mayroon itong bibig na kakilakilabot
Laging nakanganga kaya nakikita ang isang
pares ng matutulis na pangil nito
Kanibal at kayang pilasin ang mga biktima sa
pamamagitan ng mga pangil nito
37.
38.
Isang higanteng ahas na sinasabing ang
hininga ay makamandag na lason
Karimarimarim ang anyo na may malaking
palong, napakahabang dila na puno ng tinik,
matutulis na pangil at isang nakakatwang
buntot na biyak sa dulo.
Sa gabing madilim at tahimik takpan ang tenga
kapag naririnig na umaawit ito ng malakas
mula sa tirahan nito sa itaas ng bundok.
39.
40.
Malabakal ang tuka at mga kuko, mala-salamin
ang mga mata at mala-espada ang bawat
balahibo.
Sinasabing sinlaki ng buong isla ng Negros ang
halimaw na ibon at laging inaabanagan ang
pagkakataon na malunok ang buwan.
Ang pandinig nito ay nasa bibig kinakailangan
ng mga tao na mag-ingay upang ibuka nito ang
bibig at mailuwa ang buwan.
41.
42.
Isang maitim at matangkad na lalaki na walang ulo at
minsan ay walang braso
Ang leeg ay bumubula ng dugo o kundi naman ay
umaapoy
May masangsang na amaoy at nagbabago ng anyo
upang maging baboy, aso, kambing o pusa na walang
ulo o buntot at maglalaho’t liltaw kung nanaisin nito
Mahilig manligaw sa magagandang dilag at mahilig
magnakaw sa sampayan ng damit panloob ng mga
babae
Kahit umaapoy ang leeg nito ay takot ito sa apoy at para
ito ay mataboy ay magsiga ng mga dahong malakas ang
amoy sa tabi ng tirahan nitong puno
43.
44.
Isang maliwanag na bolang apoy na tumatalbog at
gumugulong ngunit walang sinusunog sa
dinadaanan nito
Layunin lamang nito na iligaw ang mga
manlalakbay
Naglalagi sa bukirin at halamanan
Nagpapalit ng anyo upang maging isang halimaw
na bumubuga ng apoy
Upang makabalik sa tamang landas ang naligaw
ng santelmo kinakailangan lamang na isuot nang
pabaligtad ang mga damit
45.
46.
Kanibal na dinidilaan ang mga biktima upang
patayin
Ang ulo at ang buntot nito ay magkahawig at
magsimbilis itong tumakbo na pasulong at
paatras
Ang malalaking tenga nito ay hawig sa dahon
ng gabi at maingay pag pinapagaspas
47.
Hawig sa kangaroo at kumakain ng bangkay
May mabahong amoy at ang mga mata ay
nagbabaga
Maliban sa bangkay mahilig din ito sa biik at
talbos ng kalabasa
Tulad ng buwitre, inaabananga nito ang taong
naghihingalo upang padaliin ang pagkamatay nito
sa pamamagitan ng pagkagat sa anino nito
Kinakatakutan ang amoy ng suok, mga rekado at
matatalas na kutsilyo
48.
49.
Hinango mula sa tunog na ginagawa nito
Halimaw na naghihiwalay ang itaas at ibabang bahagi
ng katawan
Maaari rin isang mapanlinlang na halimaw na nagiging
ibon
Sa araw, ito ay may anyong magandang dalaga ngunit
ang mga braso nito ay nagiging itim na pakpak sa gabi
upanga mag-anyong halimaw.
Naglalaway kapag nakakakita ng buntis
Upang maiwasan maging biktima ng wakwak
maglagay ng suha sa bubong
Napapatay sa pamamagitan ng pagsaksak ng tulos ng
kawayan sa puso nito
50.
51.
Nagkukubbli sa matataas na talahib at
nagbibiktima ng mga manlalakbay sa
pamamagitan ng pag-iyak na parang isang
naiwang sanggol.
Maliit, maitim, at mabangis na halimaw na may
pangil at matutulis na kuko at may paang mas
mahaba pa sa isa
Kaluluwa ng mga nilaglag o di napanganak na
mga sanggol at naghihiganti dahil sa pinagkait
na buhay sa kanila
52.
53.
Hinago mula sa tunog na kanilang ginagawa
Sa araw ay parang pangkaraniwang tao at sa gabi ay
isang mala-ibon at maitim na halimaw
Nangangain ng lamang loob ng tao.
Sumasalakay sa gabi at parang pusa ito ay tumatalon
nang pataas sa bubong ng bahay ng napipinto nitong
biktima.
Kayang sumabit ng parang paniki upang makapwesto
ng mabuti pagkatapos ay ilalabas nito ang
napakahabang dila upang pilasin ang tiyan ng
natutulog na biktima.
Upang mapatay kinakailangan gutumin sa
pamamagitan ng pagputol sa dila nito.
54.
55.
Palatandaan na may tikbalang kapag may malakas na amoy
kambing
May ulo at leeg ng kabayo pati ang malagong kiling nito at ang
katawan nito ay sa tao ngunit may paa ng kabayo.
Nagpapalit anyo ito upang magpanggap bilang kamag-anak o
kaibigan ng manlalakbay para iligaw ito.
Ang sumpa ng tikbalang ay maaaring makabulag o makabaliw
ngunit pag napaamo ito ay maaari ding maging isang tapat na
kaibigan at utusan.
Isang tao lamang na pambihirang tapang lamang ang
makakabihag sa tikbalang at kailangang sumakay ito sa likod
at kumuha ng tatlong hibla ng kiling.
Para mapawalang bisa ang sumpa ng tikbalang kinakailangang
tagain ng biktima ang pinakamalapit na puno sa pamamagitan
ng sundang o bolo o kayay suotin pabaligtad ang damit.
56.
57.
Ang mga abgay na naaaninag sa mata ng mga
mangkukulam ay baligtad
Karaniwang anyo ng isang pangit na babae na
nakatira sa maliit na kubo sa labas ng bayan
Maaaring pasukin ang katawan sa
pamamagitan ng pagsumpa o pagtusok ng
karayom sa isang manyika
Maaaring bigyan ng sakit sa ulo, tumor, o sakit
sa katawan
Kinatatakutan ang asin, suka, rekado at ilaw
na artipisyal gaya ng bumbilya
Hindi nakakaakyat ng hagdan kung may
bayong dito
58.
59.
Halimaw na nahahati ang katawan sa may
baywang
Maingat na itinatagao ang ibabang bahagi ng
katawan
Upang itaboy ito kinkailangan magsabog ng asin,
suka at rekado sa labas ng bintana habang isaisang sinasambit ang pangalan ng mga naturang
bagay
Pagbaon ng sibat ang paraan ng pagpatay dito
Upang maging manananggal kumain ng mga
pagkaing nabasa sa laway ng mananagggal o
lumunok na sisiw na lalabas sa lalamunan ng
nanghihingalong manananggal
60.
61.
Nannakit sa pamamagitan ng pagsanay sa mga
insektong pumasok sa katawan ng kanilang
mga kaaway.
Ang mga insekto na kanilang pangkaraniwang
inaalagaan ay mga uwang, balang, ipis at uod
na inuutusan nilang saktan o patayin ang mga
kaaway ng mga mambabarang.
Ang katawan ng mga biktima ay namamaga
hanggang sa pumutok
Albularyo ang makakalaban sa kapangyarihan
ng mga barang
62.
63.
Sinasabing ang mga tao na may nunal sa mata ay
madaling makakita ng sirena
Magandang dilag mula ulo hanggang baywang at may
buntot
Maputi, mahaba ang buhok at may magandang tinig
na nang-aakit sa mga kalalakihan
May kakayahang magbigay ng kapangyarihan ng
kakayahang huminga sa ilalim ng dagat sa mga
kalalakihan at dadalhin sa ilalim ng tubig upang
maging kabiyak
Nilulunod ang mga napapasama ng kanyang loob
Karaniwang matatagpuan sa lawa, ilog, look at
kuweba sa likod ng talon
64.
65.
Lumilitaw kapag baha dahil hilig nitong sunggaban
ang mga binti ng mga batang lumalangoy at
pagkatapos ay hihilahin pababa sa tirahan nito at
bibigyan ng kakayahang makahinga
May kulot, maikli at kulay mais na buhok. Mukhang
tao na balbon at kayumangggi ang kulay mula ulo
hanggang baywang at mukhang isda mula baywang
pababa
Nilulunod ang mga tao na umaamin na kumakain sila
ng karne at isda at maging ang mga gulay na kulot ang
dulo, dahil sila’y kalahating karne at isda at ang
kanilang buhok ay kulot
66.
67.
Minsan sila ay tapat na kaibigan ngunit minsan
naman ay nandurukot ng mga bata
Nakatira sa punso na sinasabing pinagtataguan nito
ng mga alahas at mga garapong puno ng ginto.
Maliit at kulubot na matandang lalaki na may
malaking ilong, mahaba at manipis na balbas at
malalaking bilog na tainga.
Kinakailangan humingi ng pahintulot kapag
dumadaan sa kanilang mga punso dahil sila ay
mapaghiganti
Gumagamit sila ng sumpa na nakakabulag o
nakakamatay
76. NANGYARI naman na mag-asawa
nuon ang hangin dagat at ang hangin
lupa, at may anak sila, si kawayan.
Isang araw, lumulutang si kawayan sa
tabi ng dagat nang nabangga niya ang
paa ng tigmamanokan.
77.
78. Nagulat, nasaktan at nagalit, pinagtutuka
ng tigmamanokan ang kawayan hanggang
nabiyak ito. Kagilagilalas, lumitaw sa isang
piraso ang isang lalaki, si Malakas. Sa
kabilang bahagi, lumabas naman ang isang
babae, si Maganda. Sila ang dalawang
Unang Tao sa daigdig.
79.
80.
IPINATAWAG naman ng lindol ang lahat ng ibon
at isda upang pag-usapan kung ano ang dapat
gawin sa dalawang tao. Ipinasiya nila na dapat
mag-asawa sina Malakas at Maganda.
Nangyari nga ito at marami silang naging mga
anak, na pinagmulan ng iba’t ibang tao sa
daigdig ngayon. Pagtagal, nayamot ang magasawang Malakas at Maganda sa dami ng
kanilang mga tamad at walang-pakinabang na
mga anak. Nais nilang palayasin lahat subalit
hindi nila alam kung saan itatapon ang mga ito
kaya nagtiyaga na lamang ang mag-asawa.
81.
82.
Dumami pa uli nang dumami ang mga anak sa
paglipas ng panahon at nangyari na hindi na
nakaranas ng tahimik sina Malakas at
Maganda. Isang araw, hindi na nakatiis si
Malakas at, dampot ang isang bakawan,
pinagha-hataw ang mga bata. Takbuhan sa
takot ang mga anak at nagtago sa iba’t
ibang lugar. Ang iba ang nagtago sa mga silid
ng bahay, ang iba ay sumingit sa mga dingding.
Ang iba ay nagkubli sa mga kalan sa kusina.
Ang ibang anak ay tumakas sa labas, habang
ilan ay tuluyang lumayas sa dagat.
83.
Sa ganitong paraan, nagka-iba-iba ang mga tao
na kumalat sa daigdig. Ang mga nagtago sa
mga silid ang naging mga pinuno sa mga pulo.
Ang mga sumingit sa dingding ang naging mga
alipin. Ang mga nagkubli sa mga kalan ay
naging mga negro. Ang mga tumakas sa labas
ang naging mga malaya. Pagkaraan ng
maraming taon, ang mga anak ng lumayas sa
dagat ay bumalik, at sila ay mga maputing tao,
ang mga dayuhan.
84. Si Lalak, At Si
Babaye
(Mito ng mga
Bisaya/Hiligayn
85.
Nuong unang panahon, may dalawang bathala
na namamahay sa langit, si Kaptan at si
Maguayan. Napa-ibig si Kaptan kay Maguayan
at sila ay nag-asawa. Isang araw, tulad sa
nangyayari sa mga mag-asawa pagkatapos ng
unang pagsasama, nag-away si Kaptan at si
Maguayan. Sa bugso ng galit ni Kaptan,
pinalayas niya ang kanyang asawa. Malaki ang
paghihinagpis na umalis si Maguayan.
Nang wala na ang diyosa, ang diyos na Kaptan
ay inabot ng lumbay.
86.
Nabagabag siya ng kamaliang ipinataw niya sa
kanyang asawa. Subalit huli na upang humingi
siya ng patawad. Hinalughog niya ang buong
kalangitan, subalit hindi niya natagpuan si
Maguayan. Tulad sa usok naglaho ang diyosa.
Upang mahupa ang kanyang lumbay, ang
namimighating diyos ay lumikha ng daigdig at
nagtanim ng kawayan sa halaman na
pinangalanang Kahilwayan. Nagtanim din siya
ng palay, mais at tubo.
87.
Sa lahat ng mga tanim, ang kawayan ang
unang umusbong. Tumubo itong maganda
puno na malambot ang mga sanga at mga
dahon na parang balahibong kumakaway sa
daloy ng hangin.
Nang makita ang ganda ng kanyang nilikha,
napuno ng ligaya ang kaluoban ni Kaptan. “Ah,”
buntong hininga niya, “kung narito lamang si
Maguayan, malulugod siyang masdan itong
magandang tanawin sa gitna ng simoy ng
hangin at kiskisan ng mga dahon!” Patuloy ang
pagtubo ng kawayan.
88.
Ang halamanan ay lalong gumaganda arawaraw. Isang dapit-hapon, habang si Kaptan ay
nanunuod ng kaway-kaway ng mga dahon sa
simoy ng hangin, isang sapantaha ang nabuo
sa kanyang isip at, bago pa niya namalayan
kung ano ang nangyayari, binulong na niya sa
kanyang sarili, “Lilikha ako ng mga mag-aalaga
nitong mga halaman.”
89.
Agad-agad, ang kawayan ay nahati sa dalawang
kabiyak. Mula sa isang bahagi, lumitaw ang
unang tao. Pinangalan ni Kaptan ang tao ng
Sikalak, pangalang nangangahulugan “ang
matipunong nilikha.” At mula nga nuon, ang
mga katulad ni Sikalak ay tinawag na lalak, o
sa palayaw na lalaki.” Pagkatapos, mula sa
kabilang bahagi ng biyak na kawayan lumitaw
ang pangalawang nilikha. Bininyagan siya ng
diyos ng Sikabay, pangalang ibig sabihin ay
“katulong ng nilalang na malakas.” Mula nuon,
ang kanyang mga katulad ay tinawag na
sibabaye o babaye, sa palayaw.
90.
Magkasama, ang dalawang nilikha ay
nagtanim sa halamanan at inalagaan ang mga
pananim. Sa kabilang dako, si Kaptan ay
nagpunta sa malayo upang hanapin si
Maguayan. Isang araw, pagka-alis ng diyos,
niyaya ni Sikalak si Sikabay na magpakasal sa
kanya. Subalit ang babae ay tumanggi. “Hindi
ba magkapatid tayo?” pinagalitan niya ang
lalaki. “Tutuo ang sinabi mo. Subalit walang
ibang tao dito sa halamanan,” nangatwiran si
Sikalak. “At kailangan natin ang mga anak na
tutulong mag-alaga dito sa napaka-laking lupa
para sa ating panginoon.”
91.
Hindi natinag ang babae. “Alam ko,” sagot
niya, “subalit ikay ay aking kapatid. Kapwa tayo
isinilang sa iisang puno ng kawayan, at kaisaisang biyas ang nagkabit sa ating dalawa.”
Pagtagal-tagal,
matapos
ng
mahabang
pagtatalo, humingi sila ng payo sa mga isda sa
dagat, at sa mga ibon sa himpapawid. Ipinayo
ng mga isda at ng mga ibon na magpakasal
sila. Hindi pa rin nahimok, sumangguni si
Sikabay sa lindol, na sang-ayon din sa kanilang
pag-aasawa. “Kailangang mag-asawa kayo,”
sabi ng lindol, “upang magka-tao sa daigdig.”
92.
Kaya nag-asawa sina Sikalak at Sikabay. Ang
una nilang anak ay isang lalaki, na
pinangalanan nilang Sibu. Pagkatapos, nagkaanak sila ng isang babae, na tinawag nilang
Samar.
95.
NUONG simula, walang tao sa daigdig. Si
Lumawig, ang pinaka-makapangyarihang diwa
(espiritu, god ), ay bumaba mula sa langit at
pumutol ng maraming yantok (cañas, reeds).
Siya ang diyos ng araw at patron ng mga
sunadalo at mandirigma ng mga sinaunang
Pilipino. Pinaghiwa-hiwalay niya ang mga ito
nang tig-dalawa bago ikinalat sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig. Tapos, inutusan niya ang
mga ito.
96.
“Magsalita kayong lahat!” Walang kaabogabog, ang mga yantok ay naging mga tao, naging isang babae at isang lalaki ang bawat
tig-2 ikinalat sa daigdig. At lahat sila ay
nagsimulang magsalita subalit magka-kaiba
ang kanilang mga wika. “Mag-asawa kayong
lahat!” Ito ang sunod na utos ni Lumawig.
Sumunod ang mga bagong tao at pagkaraan
ng panahon, maraming mga anak ang isinilang.
Pagtagal pa, nag-asawa-asawa rin ang mga
anak kaya lalong dumami ang mga tao sa
daigdig.
97.
Lahat ay nagsalita ng wika ng kanilang mga
magulang kaya magka-kaiba ang usap-usapan
sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.Napansin ni
Lumawig na may mga kailangan ang mga tao,
at lumapag siya muli sa lupa upang magbigay
ng biyaya.
98.
Dumating ang panahon na ang mga taong
nilikha ni Lumawig ay nagkaroon ng sigalot at
di pagkakaunawaan. Nagkaroon ng digmaan at
marami ang namatay sa mga pangyayaring ito.
Naisip ni Lumawig na kailangan ng pigilan ang
pangyayaring ito kayat siya ay lumikha ng
nilalang na siyang maghahatid ng kapayapaan
sa buong Ifugao.
99.
100.
Dito isinilang si Aliguyon siya ay matalino at
masipag matuto ng iba’t ibang bagay. Bata pa
lamang ay natuto na siya kung paano
makipagdigma nang mahusay, at paano
umawit ng mga mahiwagang mahika. Kaya
kahit nuong bata pa, tiningala na siya bilang
pinuno, at hanga ang mga tao sa kanya. Nang
mag-binata si Aliguyon, ipinasiya niyang
sagupain si Panga-iwan, ang pinuno ng tribong
kanilang kaaway, sa nayon ng Daligdigan.
101.
Subalit ang sumagot sa kanyang hamon ay
ang mabangis na anak ni Panga-iwan, si
Pumbakhayon, marunong ng hiwaga at bihasa rin sa
bakbakan tulad ni Aliguyon. Hindi naaling, pinukol ni
Aliguyon ng sibat si Pumbakhayon. Kasing bilis ng
kidlat, umiktad si Pumbakhayon upang iwasan ang
sibat at, kagila-gilalas, sinalo sa hangin ang sibat ng
isa niyang kamay!
Wala pang isang kurap ng mata, binaligtad ni
Pumbakhayon ang sibat at hinagis pabalik kay
Aliguyon. Umiwas din si Aliguyon at sinalo rin ng isang
kamay sa hangin ang humahagibis na sibat.
Binaliktad din niya at ipinukol uli kay Pumbakhayon.
102.
Pabalik-balik at walang tigil, naghagisan at
nagsaluhan ng sibat si Aliguyon at
Pumbakhayon hanggang umabot ng tatlong
taon, hindi pa rin tumigil ang bakbakan, at
walang nagpakita ng pagod o pagsuko. Subalit
sa bangis at dahas ng kanilang paghahamok,
kapwa sila humanga sa giting at husay ng
kalaban, at pagkaraan ng tatlong taong
bakbakan, natuto silang igalang ang isa’t isa at
nahinto, sa wakas, ang digmaan.
103.
Nag-usap at nagkasundo sila ng payapa ng
kanilang nayon ng Hannanga at Daligdigan.
Buong lugod na sumang-ayon lahat ng tao sa
dalawang nayon, at ipinagdiwang nila ang
kampihan ng dalawang bayani.
104.
Sa paglawak ng katahimikan, umunlad ang
dalawang nayon. Naging matalik na magkaibigan
sina Aliguyon at Pumbakhayon. Nang sapat na ang
gulang ni Aliguyon, pinili niyang asawa si Bugan,
ang batang-batang kapatid na babae ni
Pumbakhayon. Inalagaan niya sa bahay si Bugan
hanggang lumaki itong napaka-gandang dalaga.
Ang pilining asawa naman ni Pumbakhayon ay ang
kapatid na babae ni Aliguyon, si Aginaya. Ang
dalawang pamilya nila ay yumaman at iginalang ng
lahat sa Ifugao. Dahil dito natuwa si Lumawig dahil
muling nanumbalik ang kapayapaan sa puso ng
kanyang mga nilikha.
110.
LIBU-LIBONG taon sa nakaraan,
nuong wala pang araw o buwan, o mga
bituwin, walang lupa - ang daigdig ay
natatakpan ng dilim at malawak na dagat.
At sa itaas, ng taklob ng langit. Ang
makapangyarihang Kaptan ang hari sa
langit, samantalang ang tubig ay kaharian
ni Maguayan. May anak na babae si
Maguayan, ang ngalan ay Lidagat. Lalaki
ang anak ni Kaptan, si Lihangin.
111.
Nagkasundo ang dalawang diyos na
mag-asawa ang mga anak nila kaya nagsama
ang hangin at dagat. Nagka-anak sila ng 3
lalaki at isang babae, si Lisuga, hubog sa
lantay na pilak, mahinhin at mayumi. Ang mga
lalaki ay si Likalibutan, buong bato, malakas at
matapang, si Liadlao, lantay na ginto at laging
masaya, at si Libulan, buong tanso, mahina at
kimi. Mahal silang lahat ng mga magulang at
pinalaki sila sa ligaya. Dumating ang panahon,
namatay si Lihangin. Si Likalibutan, ang
panganay, ang nagmana ng pagka-hari sa
hangin.
112.
Hindi nagtagal, si Lidagat man ay
namatay. Naiwang ulila ang mga anak kaya
inaruga sila ng mga lolo, sina Kaptan at
Maguayan, at iniligtas sa anumang panganib.
Paglaki, nawili si Likalibutan sa minanang
pagka-hari sa hangin, at hinangad niyang
palakihin
pang
lalo
ang
kanyang
kapangyarihan. Hinimok niya ang dalawang
kapatid na lalaki na sumabwat sa kanyang pagagaw sa lakas ng lolo, si Kaptan. Tumanggi
muna ang 2 kapatid subalit nagalit si
Likalibutan kaya pumayag na rin si Liadlao
upang mapahinahon ang kapatid.
113.
Magkatulong, madali nilang napilit ang kiming
kapatid, si Libulan. Naghanda sila at biglang
sinugod ang langit subalit hindi nila naibagsak
ang nakaharang na pintong bakal. Pinawalan ni
Likalibutan ang pinaka-malakas niyang hangin
at giniba ng ipu-ipo ang pintong bakal.
Lumusob ang 3 magka-kapatid subalit hinarap
sila ng puot na puot na Kaptan. Natakot ang 3
at mabilis na tumalilis subalit ipinahagad sila
sa kidlat ni Kaptan. Ang kiming Libulan ang
unang tinamaan, natunaw at naging bilog na
bola. Sunod tinamaan at natunaw ang
ginintuang Liadlao.
114.
Nang tamaan ng kidlat si Likalibutan, nagkapira-piraso ang kanyang katawang bato at
kalat-kalat na bumagsak sa dagat. Napaka-laki
ng katawan ni Likalibutan kaya ang tipak-tipak
na bato ay usli sa dagat at naging mga pulo.
Samantala, ang mayuming Lisuga ay nalumbay
at hinanap ang mga kapatid, walang malay na
nagka-digmaan, at puot na puot ang kanyang
lolo. Papalapit pa lamang siya sa langit nang
nalingatan si Kaptan at, bago nakapag-pigil,
pinukol din ng kidlat. Nadurog si Lisuga sa libulibong piraso ng pilak.
115. Sukdulan pa rin ang galit, lumundag sa dagat
si Kaptan at sumisid upang sabakan si Maguayan
na akala niya ay kasabwat sa paglusob. Subalit
mabilis na lumitaw si Maguayan at nangatwirang
wala siyang kinalaman sa nangyari, sapagkat
natutulog siya nuon sa kalaliman ng dagat.
Napahinahon din niya sa wakas si Kaptan, at
magka-akbay silang nagluksa sa pagkamatay ng
mga apo, lalo na ang maganda at mahinhing
Lisuga. Sinubok nilang ibalik ang buhay ang mga
apo subalit hindi abot ng kanilang kapangyarihan,
kaya pinatawan na lamang nila ng liwanag na
kikinang habang panahon.
116.
Sa gayon, ang ginintuang katawan ni Liadlao ay
naging araw (sol, sun), ang kiming Libulan ang
naging buwan (luna, moon), at si Lisuga ay
naging libu-libong bituwin sa langit. Ang buhong
na Likalibutan ay hindi binigyan ng liwanag at
hindi inangat sa langit. Ipinasiya ng lolo na
gamitin ang kanyang pira-pirasong bangkay
bilang sibulan ng ibang uri ng tao.
117.
Naglabas ng buto si Kaptan at itinanim sa
isang pulo na dating bahagi ni Likalibutan.
Dinilig ito lagi ni Maguayan at hindi nagtagal,
tumubo ang isang puno ng kawayan. Mula sa
isang biyas (node) nito, lumabas ang isang
lalaki, si Sikalak, at isang babae, si Sikabay.
Sila ang magulang at ninuno ng lahat ng tao sa
daigdig.