2. Talasalitaan:
Higera – isang punong mayabong,
malalapad ang dahon ngunit hindi
namumunga; fig tree
Sipres – isang uri ng puno na mataas
at tuwid lahat ang sanga.
Nakagapos - nakatali
3. Bakas – marka, palatandaan
Adonis – magandang lalaki na naibigan
ni Venus, diyosa ng kagandahan
Sinasariwa – inaalala
Paglapastangan – kawalan ng
paggalang
4. Sa gitna ng gubat ay may puno ng
higera kung saan nakagapos ang isang
lalaki na nagngangalang Florante. Sa
kabila ng kanyang pagkagapos at
kaawa-awing itsura ay bakas pa rin sa
kanya ang mala-Adonis na kakisigan.
5. Mayroong makinis na balat, mahahabang
pilik-mata, buhok na kulay ginto, at
magandang pangangatawan.
Si Florante ay naiiyak habang sinasariwa
ang kanyang mga inagdaanan at ang
paglapastangan sa kaharian ng AlAlbanya
sa mga kamay ni Konde Adolfo.
6. Hindi pantay ang pagturing sa mga tao
sa Albanya. Ang mga masasama ay
siyang itinataas at ang mga
makatuwiran naman ay ibinababa.
Ngunit nananatiling bingi ang langit sa
mga panawagan ni Florante.