SlideShare a Scribd company logo
1 of 54
BALAGTASAN
MGA ELEMENTO
Tauh
an
Paks
a
Pinagkauga Mensa
JoseCorazondeJesus
HaringBalagtasan HusengBatute
1. May gata sa dila
2. Kapatak na luha
3. Hinagpis ko noong
ako’y iwan
4. Ang binhi ng isang
halaman ay sumupling
5. Halakhak ay
nakabulahaw
a. Kaunti
b. Nahulog
c. Matinding
lungkot
d. Mahusay
bumigkas
e. Nakaistorbo
Jose Corazon de Jesus
Lakandiwa
Paru-paro
Bubuyog
Kampupot
Lakandiwa
Yamang ako’y siyang Haring inihalal
Binubuksan ko na itong Balagtasan,
Lahat ng makata’y inaanyayahang
Sa gawang pagtula ay makipaglaban.
Ang makasasali’y batikang makata
At ang bibigkasi’y magagandang tula,
Magandang kumilos, may gata sa dila
At kung hindi ay mapapahiya.
Lakandiwa
Itong Balagtasa'y galing kay Balagtas
Na Hari ng mga Manunulang lahat,
Ito’y dating Duplong tinatawag-tawag
Balagtasan ngayon ang ipinamagat.
At sa gabing ito’y sa harap ng bayan
Binubuksan ko na itong Balagtasan
Saka ang ibig kong dito’y pag-sapan:
BULAKLAK NG LAHING KALINISLINISAN.
Lakandiwa
Tinatawagan ko ang mga makata,
Ang lalong kilabot sa gawang pagtula,
Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna
At magbalagtasan sa Sariling Wika.
Paru-paro
Magandang gabi sa kanilang lahat
Mga nalilimping kawal ni Balagtas,
Ako’y paru-parong may itim na pakpak
At nagbabalita ng masamang oras.
Nananawagan po, bunying Lakan-Diwa,
Ang uod na dating ngayo’y nagmakata,
Naging paru-paro sa gitna ng tula
At isang bulaklak ang pinipithaya.
Paru-paro
Sa ulilang harding pinanggalingan ko
Laon nang panahong nagtampo ang bango,
Nguni’t aywan baga’t sa sandaling ito
Ay may kabanguhang binubuhay ako.
May ilang taon nang nagtampo sa akin
Ang bango ng mga bulaklak sa hardin,
Luksang Paruparo kung ako’y tawagin,
mata ko’y luhaan, ang pakpak ko’y itim.
Paru-paro
Bunying Lakan-Diwa, dakilang Gat-Payo,
Yaring kasawia’y pagpayuhan, ninyo,
At si Laka-ILaw ang gagamitin ko
Upang matalunton ang naglahong bango.
Lakandiwa
Sa kapangyarihan na taglay ko na rin
Ikinagagalak na kayo’y tanggapin,
Magtuloy po kayo at ditto sa hardin,
Tingnan sa kanila kung sino at alin.
Paru-paro
Sa aking paglanghap ay laon nang patay
Ang bango ng mga bulaklak sa parang,
Nguni’t ang puso ko’y may napanagimpang
Bulaklak ng lahing kalinis-linisan.
Ang bulaklak ko pong pinakaiirog
Ubod na ng ganda’t puti ang talulot,
Bulaklak poi to ng lupang Tagalog,
Kapatak na luhang pangala’y kampupot.
Paru-paro
Kung kaya po naman di ko masansala
Ang taghoy ng dibdib na kanyang dinaya,
Matapos na siya’y diligan ng luha
Nang siya’y umunlad, nagtago…nawala!
Isang dapit-hapong palubog ang Araw
Sa loob ng hardin, kami’y nagtaguan,
- Paruparo, anya kita’y tatalian,
Ako’y hanapin mo’t kung makita’y hagkan.
Paru-paro
Isang panyong puting myay dagta ng lason
Ang sa aking mata’y itinakip noon,
At ang Bulaklak ko’y bumaba sa dahon,
Nagtago pa mandin at aking hinabol.
Hinabul-habol ko ang bango at samyo
Hanggang makarating ako sa malayo,
At nang alisin na ang takip na panyo
Wala si Kampupot, wala yaring puso.
Paru-paro
Ang taguang biro’y naging totohanan
Hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw,
At ang hinagpis ko noong ako’y iwan,
Baliw na mistula sa pagsisintahan.
Sa lahat ng sulok at lahat ng panig
Ay siya ang laging laman niring isip,
Matulog man ako’y napapanaginip,
Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib.
Paru-paro
Sa apat na sulok ng mundong payapa
Ang aking anino’y tulang nabandila,
Paruparo akong sa mata’y may luha,
Ang mga pakpak ko’y may patak na luksa.
Ang sakdal kong ito, Lakan-Diwang mahal,
Ibalik sa akin, puso kong ninakaw,
At kung si Kampupot ay ayw po naman,
Ay ang puso niya sa aki’y ibigay.
Hindi mangyayari at ang puso niya’y
Karugtong ng aking pusong nagdurusa,
Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha
Ang lalagutin mo’y dalawang hininga.
Pusong pinagtali ng isang pag-ibig
Pag pinaghiwalay kapanga-panganib,
Daga’t ma’t hatiin ang agos ng tubig,
Sa ngalan ng Diyos, ay maghihimagsik.
Ang dalawang ibon na magkasintahan,
Papaglayuin mo’t kapwa mamamatay,
Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay,
Bangkay ang umalis, patay ang nilisan,
Paruparong sawing may pakpak na itim
Waring ang mata mo’y nagtatakipsilim,
At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw
Di man Kampupot mo’y iyong inaangkin.
Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo
At sa kasawia’y magkauri tayo,
Ako ma’y mayroong nawawalang bango
Ng isang bulaklak kaya naparito.
Buhat pa kanginang ikaw’y nangungusap
Bawat salita mo’y matulis na sibat,
Saka ang hanap mong mabangong bulaklak,
Luksang paruparo, siya ko ring hanap.
Ipahintulot mo, Paruparong luksa,
Dalitin ko yaring matinding dalita.
Itulot mo rin po, Hukom na dakila,
Bubuyog sa sawi’y makapagsalita.
Paru-paro
Di ko pinipigil ang pagsasalaysay
Lalo’t magniningning ang isang katwiran,
Nguni’t tantuin mo na sa daigdigan
Ang bawa’t maganda’y pinag-aagawan.
Lakandiwa
Magsalita kayo at ipaliwanang
Ang ubod ng lungkot na inyong
dinanas,
Paano at saan ninyo napagmalas
Na ito ang siya ninyong hinhanap?
Sa isang malungkot at ulilang hardin
Ang binhi ng isang halama’y sumupling,
Sa butas ng bakod na tahanan naming
Ay kasabay akong isinisilang din.
Nang iyang halama’y lumaki, umunlad,
Lumaki ako’t tumibay ang pakpak,
At nang sa butas ko ako’y makalipad
Ang unang hinagka’y katabing bulaklak.
Sa kanyang talulot unang isinangla
Ang tamis ng aking halik na sariwa,
At sa aking bulong na matalinghaga
Napamukadkad ko ang kanyang sanghaya.
Nang mamukadkad na ang aking kampupot
Sa araw at gabi ako’y nagtatanod,
Langgam at tutubing dumapo sa ubod
Sa panibugho ko’y aking tinatapos.
Ngayon, tanda ko ngang kayo’y nagtaguan
Habang ako’y kanlong sa isang halaman,
Luksang paruparo nang ikaw’y maligaw
Ang aking halakhak ay nakabulahaw.
Ang inyong taguan, akala ko’y biro,
Kaya ang tawa ko’y abot sa malayo,
Ngani’t nang ang saya’y tumagos sa puso
Sa akin man pala ay nakapagtago.
Lumubog ang araw hanggang sa dumilim
Giliw kong bulaklak dir in dumarating,
Nang kinabukasa’t muling nangulimlim
Ay hinanap ko na ang nawalang giliw.
Nilipad ko halos ang taas ng langit
At tinalunton ko ang bakas ng ibig,
Ang kawikaan ko sa aking pag-alis
Kung dimakita’y din a magbabalik.
Sa malaong araw na nilipad-lipad
Dito ko natunton ang aking bulaklak,
Bukong sa halik kokaya namukadkad
Di ko papayagang mapaibang palad.
Luksang Paruparo, kampupot na iyan,
Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay,
Ang unang balik kong katamis-tamisan
Sa talulot niya ay nakalarawan.
Paru-paro
Hindi mangyayaring sa isang bulaklak
Kapwa mapaloob ang dalawang palad.
Kung ikaw at ako’y kanyang tinatanggap
Nagkasagi sana ang kanitang pakpak.
Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilang
Nang makalabas ka’y saka mo hinagkan:
Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay,
Sino ang malapit sa pagliligawan?
Paru-paro
Una muna akong nag-uod sa sanga
Na ballot ng sapot ng pagkaulila,
Nang buksan ng Diyos yaring mga mata
Bulo’t dahon naming ay magkasama na.
Sa ugoy ng hanginsa madaling-araw
Nagduruyan kaming dalawa sa tangkay,
At kung bumabagyo’t malakas ang ulan,
Ang kanya ring dahon ang aking balabal.
Paru-paro
Sa kanyang talulot kung may dumadaloy
Na patak ng hamog, aking iniinom;
Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong
Sa init ng Araw sa buong maghapon.
Paano ngang siya ay pagkakamalan
Sa kami’y lumaki sa iisang tangkay,
Kaya nga kung ako’y sa kanya nabuhay
Ibig ko rin namang sa kanya mamatay.
Huwag kang matuwa sapagka’t kaniig
Niyaring bulaklak na inaaring langit,
Pagka’t tantuin mo sa ngalang pag-ibig
Malayo ma’t ibig, daig ang malapit.
Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot
Nakikiinom ka ng patak ng hamog,
Kaunting biyaya na bigay ng Diyos,
Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok.
Ikaw’y isang uod, may bulo kang taglay;
Sa isang bulaklak laso’t kamatayan,
At akong bubuyog ang dala ko’y buhay
Bulong ng hiningang katamis-tamisan.
Paru-paro
Akong malapit na’y napipintasan mo,
Ikaw na malayo naman kaya’y pa’no?
Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino,
Ay ubos na pala ang tamis sa bao.
Bubuyog na laging may ungol at bulong
Ay nakayayamot saanman pumaroon,
At ang katawan mo’y mayrong karayom
Pano kang lalapit, di naduro tuloy?
Paru-paro
Di ka humahalik sa mga bulaklak,
Talbos ng kamote ang siya mong liyag,
Ang mga bintana’y iyong binubutas,
Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab.
Ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo,
Iyong mgabulong ay naririnig ko;
Kung dinig ng lahat ang panambitan mo
Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo.
Kundi iniibig ang nakikiusap
Lalo na ang tahimik na tatapat-tapat,
Kung ang magsalita’y di-magtamong-palad
Lalo na ang dungong di makapangusap.
Lilipad-lipad ka na payao’t ditto
Pasagilang-bingit, at patanaw-tao,
Pagligaw-matandang sa panahong ito
Pagtatawanan ka ng liligawan mo.
Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyog
Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod,
Nguni’t saang panig nitong sansinukob
Nakakatuwaan ang paris mong uod?
Saka, Paruparo, dapat mong malamang
Sa mula’t mula pa’y di ka minamahal,
Ang panyong panali nang ikaw ay takpan
Ikaw ang may sabing may lason pang taglay.
Paru-paro
Ganyan ang hinalangnamugad sa dibdib,
Pagka’t napaligaw ang aking pangmasid,
Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibig
Ang sa aking panyo’y kanyang idinilig.
Dadayain ka nga’t taksil kang talaga
At sa mga daho’y nagtatago ka pa.
Paru-paro
Ganyan ang hinalangnamugad sa dibdib,
Pagka’t napaligaw ang aking pangmasid,
Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibig
Ang sa aking panyo’y kanyang idinilig.
Pagka’t ikaw’y taksil, akin si Kampupot.
Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod.
Paru-paro
Bulaklak nga siy’t ako’y kanyang uod.
Lakandiwa
Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo,
Inyo nang wakasan iyang pagtatalo;
Yamang di-malan ang may-ari nito,
Kampupot na iya’y paghatian ninyo.
Kapag hahatiin ang aking bulaklak
Sa kay Paruparo’y ibigay nang lahat;
Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirap
Kaya ang talulot niya ang malagas.
Paru-paro
Kung hahatiin po’y ayoko rin naman
Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay;
Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan
O buo wala nguni’t akin lamang.
Lakandiwa
Maging si Solomong kilabot sa dunong
Dito’y masisira sa gawang paghatol;
Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol,
Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol.
Ipahintulot pong sa mutyang narito
Na siyang kampupot sabihin kung sino,
Kung sino ang kanyang binigyan ng oo,
O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo.
Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit,
Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik,
At si Bubuyog po’t paruparong bukid,
Ay kapwa hindi ko sila iniibig.
Kampupot
Paru-paro
Matanong nga kita, sinta kong bulaklak,
Limot mo na baga ang aking pagliyag?
Limot mo na bagang sa buong
magdamag
Pinapayungan ka ng dalawang pakpak?
Tila nga, tila nga sa aki’y mayroong
Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong,
Ngunit akala ko’y dahon lang ng kahoy
At di inakala na sinuman yaon.
Kampupot
At ako ba, Mutya, hindi mo na batid
Ang mga bulong ko’t daing ng pag-
ibig,
Ang akin bang samo at mga paghibik
Na bulong sa iyo’y di mo ba narinig?
Tila nga, tila nga ako’y may napansing
Daing at panaghoy na kung saan galing,
Nguni’t akala ko’y paspas lang ng hangin
At di inakala na sinuma’t alin.
Kampupot
Sa minsang ligaya’y tali ang kasunod,
Makapitong lumbay o hanggang matapos.
Paru-paro
Dito natunayan yaong kawikaan
Na ang paglililo’y nasa kagandahan.
Ang isang sanglang naiwan sa akin
Ay di mananakaw magpahanggang libing.
Lakandiwa
Sang-ayon sa aking inilagdang hatol,
Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon;
Ang iyong tulain ay ang “Pasalubong”
Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong.
Minamahal nami’t sinisintang bayan,
Sa ngayo’y tapos na itong Balagtasan;
At kung ibig ninyong sila ay hatulan,
Hatulan na ninyo pagdating ng bahay,
Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa iyong
pag-unawa.
1.Bakit iisa lamang ang nagugustuhan
nina Paruparo at Bubuyog?
2.Sa iyong pagsusuri sa Bulaklak ng Lahing
Kalinis-linisan, kaninong panig ang
matuwid at dapat panigan?
3.Maktuwiran ba ang pagmamatuwid ng
nagtatalong mga makata? Patunayan.

More Related Content

What's hot

Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananawMga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananawMartinGeraldine
 
Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptx
Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptxIba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptx
Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptxJuffyMastelero
 
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga PangyayariFilipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga PangyayariJuan Miguel Palero
 
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7Wimabelle Banawa
 
Ponemang suprasegmental
Ponemang suprasegmentalPonemang suprasegmental
Ponemang suprasegmentalJann Corona
 
Mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon
Mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyonMga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon
Mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyonJonalyn Taborada
 
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
[FILIPINO 8] - Kaugnayang LohikalJohn Elmos Seastres
 
Paghahambing na magkatulad at di magkatulad
Paghahambing na magkatulad at di magkatuladPaghahambing na magkatulad at di magkatulad
Paghahambing na magkatulad at di magkatuladJhade Quiambao
 
Mga Salita at Pahayag na Nagbibigay ng Patunay
Mga Salita at Pahayag na Nagbibigay ng PatunayMga Salita at Pahayag na Nagbibigay ng Patunay
Mga Salita at Pahayag na Nagbibigay ng PatunayJoseph Cemena
 
Walang Sugat (summary) ni Severino Reyes
Walang Sugat (summary) ni Severino ReyesWalang Sugat (summary) ni Severino Reyes
Walang Sugat (summary) ni Severino ReyesAnsabi
 
Kaibahan ng awit at korido
Kaibahan ng awit at koridoKaibahan ng awit at korido
Kaibahan ng awit at koridolazo jovina
 
TALAMBUHAY ni Francisco Balagtas
TALAMBUHAY ni Francisco BalagtasTALAMBUHAY ni Francisco Balagtas
TALAMBUHAY ni Francisco BalagtasKaren Juan
 

What's hot (20)

Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananawMga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
 
Grade 8. Sarsuwela
Grade 8. SarsuwelaGrade 8. Sarsuwela
Grade 8. Sarsuwela
 
Alaala ni laura
Alaala ni lauraAlaala ni laura
Alaala ni laura
 
Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptx
Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptxIba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptx
Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin.pptx
 
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga PangyayariFilipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
 
Mga sawikain o idyuma
Mga sawikain o idyumaMga sawikain o idyuma
Mga sawikain o idyuma
 
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
 
Ibong adarna
Ibong adarnaIbong adarna
Ibong adarna
 
Ponemang suprasegmental
Ponemang suprasegmentalPonemang suprasegmental
Ponemang suprasegmental
 
Mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon
Mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyonMga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon
Mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon
 
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
[FILIPINO 8] - Kaugnayang Lohikal
 
Grade 8. mga popular na babasahin
Grade 8. mga popular na babasahinGrade 8. mga popular na babasahin
Grade 8. mga popular na babasahin
 
Paghahambing na magkatulad at di magkatulad
Paghahambing na magkatulad at di magkatuladPaghahambing na magkatulad at di magkatulad
Paghahambing na magkatulad at di magkatulad
 
Mga Salita at Pahayag na Nagbibigay ng Patunay
Mga Salita at Pahayag na Nagbibigay ng PatunayMga Salita at Pahayag na Nagbibigay ng Patunay
Mga Salita at Pahayag na Nagbibigay ng Patunay
 
Walang Sugat (summary) ni Severino Reyes
Walang Sugat (summary) ni Severino ReyesWalang Sugat (summary) ni Severino Reyes
Walang Sugat (summary) ni Severino Reyes
 
Kay sleya
Kay sleyaKay sleya
Kay sleya
 
Filipino 9 Tanka at Haiku
Filipino 9 Tanka at HaikuFilipino 9 Tanka at Haiku
Filipino 9 Tanka at Haiku
 
Kaibahan ng awit at korido
Kaibahan ng awit at koridoKaibahan ng awit at korido
Kaibahan ng awit at korido
 
TALAMBUHAY ni Francisco Balagtas
TALAMBUHAY ni Francisco BalagtasTALAMBUHAY ni Francisco Balagtas
TALAMBUHAY ni Francisco Balagtas
 
Paghahambing
PaghahambingPaghahambing
Paghahambing
 

Similar to 2nd grading 02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan

Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisanTula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisanDepEd
 
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesusbulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesusBay Max
 
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptxBulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptxKimberlyLaluan
 
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesusSanji Zumoruki
 
Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10sarahruiz28
 
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013Liezel Ann Aguilar
 
Florante at luara
Florante at luaraFlorante at luara
Florante at luarashekainalea
 
folksongs-grade7-180102075431.pdf
folksongs-grade7-180102075431.pdffolksongs-grade7-180102075431.pdf
folksongs-grade7-180102075431.pdfjoanabesoreta2
 
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docxHele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docxrommel geanga
 

Similar to 2nd grading 02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan (20)

Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisanTula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
 
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesusbulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
 
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptxBulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
 
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
 
Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10
 
Philippine folk songs
Philippine folk songsPhilippine folk songs
Philippine folk songs
 
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
 
Philippine folk songs
Philippine folk songsPhilippine folk songs
Philippine folk songs
 
MODYUL 4.pptx
MODYUL 4.pptxMODYUL 4.pptx
MODYUL 4.pptx
 
Florante at luara
Florante at luaraFlorante at luara
Florante at luara
 
grade 9 module 4.pptx
grade 9 module 4.pptxgrade 9 module 4.pptx
grade 9 module 4.pptx
 
Filipino8
Filipino8Filipino8
Filipino8
 
Folk songs- Grade 7
Folk songs- Grade 7Folk songs- Grade 7
Folk songs- Grade 7
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
 
folksongs-grade7-180102075431.pdf
folksongs-grade7-180102075431.pdffolksongs-grade7-180102075431.pdf
folksongs-grade7-180102075431.pdf
 
FIL10.M3-4. W3-4.pdf
FIL10.M3-4. W3-4.pdfFIL10.M3-4. W3-4.pdf
FIL10.M3-4. W3-4.pdf
 
Bago aplaya
Bago aplayaBago aplaya
Bago aplaya
 
My favorite songs
My favorite songsMy favorite songs
My favorite songs
 
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docxHele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
 
Tayutay
TayutayTayutay
Tayutay
 

More from Sanji Zumoruki

KABANATA 2: ANG MAPAIT NA SINAPIT
KABANATA 2: ANG MAPAIT NA SINAPITKABANATA 2: ANG MAPAIT NA SINAPIT
KABANATA 2: ANG MAPAIT NA SINAPITSanji Zumoruki
 
Ms publisher environment
Ms publisher environmentMs publisher environment
Ms publisher environmentSanji Zumoruki
 
HINDI BALAGTAS GALING ANG BALAGTASAN
HINDI BALAGTAS GALING ANG BALAGTASANHINDI BALAGTAS GALING ANG BALAGTASAN
HINDI BALAGTAS GALING ANG BALAGTASANSanji Zumoruki
 
2nd grading 01 - Balagtasan
2nd grading   01 - Balagtasan2nd grading   01 - Balagtasan
2nd grading 01 - BalagtasanSanji Zumoruki
 
01 handout sa filipino - balagtasan
01 handout sa filipino - balagtasan01 handout sa filipino - balagtasan
01 handout sa filipino - balagtasanSanji Zumoruki
 

More from Sanji Zumoruki (6)

KABANATA 1: PANIMULA
KABANATA 1: PANIMULAKABANATA 1: PANIMULA
KABANATA 1: PANIMULA
 
KABANATA 2: ANG MAPAIT NA SINAPIT
KABANATA 2: ANG MAPAIT NA SINAPITKABANATA 2: ANG MAPAIT NA SINAPIT
KABANATA 2: ANG MAPAIT NA SINAPIT
 
Ms publisher environment
Ms publisher environmentMs publisher environment
Ms publisher environment
 
HINDI BALAGTAS GALING ANG BALAGTASAN
HINDI BALAGTAS GALING ANG BALAGTASANHINDI BALAGTAS GALING ANG BALAGTASAN
HINDI BALAGTAS GALING ANG BALAGTASAN
 
2nd grading 01 - Balagtasan
2nd grading   01 - Balagtasan2nd grading   01 - Balagtasan
2nd grading 01 - Balagtasan
 
01 handout sa filipino - balagtasan
01 handout sa filipino - balagtasan01 handout sa filipino - balagtasan
01 handout sa filipino - balagtasan
 

Recently uploaded

Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikanJohairaAcot
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGeizukiTaro
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxDesilynNegrillodeVil
 
Presentation in science 3 (init at liwanag)
Presentation in science 3 (init at liwanag)Presentation in science 3 (init at liwanag)
Presentation in science 3 (init at liwanag)AngelicaSantiago45
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxEVELYNGRACETADEO1
 
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANcold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANLovelyAngelFrancia1
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxChristineJaneWaquizM
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxtambanillodaniel3
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptxmesibasan
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumVALERIEYDIZON
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxRobinsonBaclaan
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranNecelynMontolo
 

Recently uploaded (20)

Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
 
Presentation in science 3 (init at liwanag)
Presentation in science 3 (init at liwanag)Presentation in science 3 (init at liwanag)
Presentation in science 3 (init at liwanag)
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
 
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANcold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
 

2nd grading 02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan

  • 2.
  • 4. 1. May gata sa dila 2. Kapatak na luha 3. Hinagpis ko noong ako’y iwan 4. Ang binhi ng isang halaman ay sumupling 5. Halakhak ay nakabulahaw a. Kaunti b. Nahulog c. Matinding lungkot d. Mahusay bumigkas e. Nakaistorbo
  • 7. Lakandiwa Yamang ako’y siyang Haring inihalal Binubuksan ko na itong Balagtasan, Lahat ng makata’y inaanyayahang Sa gawang pagtula ay makipaglaban. Ang makasasali’y batikang makata At ang bibigkasi’y magagandang tula, Magandang kumilos, may gata sa dila At kung hindi ay mapapahiya.
  • 8. Lakandiwa Itong Balagtasa'y galing kay Balagtas Na Hari ng mga Manunulang lahat, Ito’y dating Duplong tinatawag-tawag Balagtasan ngayon ang ipinamagat. At sa gabing ito’y sa harap ng bayan Binubuksan ko na itong Balagtasan Saka ang ibig kong dito’y pag-sapan: BULAKLAK NG LAHING KALINISLINISAN.
  • 9. Lakandiwa Tinatawagan ko ang mga makata, Ang lalong kilabot sa gawang pagtula, Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna At magbalagtasan sa Sariling Wika.
  • 10. Paru-paro Magandang gabi sa kanilang lahat Mga nalilimping kawal ni Balagtas, Ako’y paru-parong may itim na pakpak At nagbabalita ng masamang oras. Nananawagan po, bunying Lakan-Diwa, Ang uod na dating ngayo’y nagmakata, Naging paru-paro sa gitna ng tula At isang bulaklak ang pinipithaya.
  • 11. Paru-paro Sa ulilang harding pinanggalingan ko Laon nang panahong nagtampo ang bango, Nguni’t aywan baga’t sa sandaling ito Ay may kabanguhang binubuhay ako. May ilang taon nang nagtampo sa akin Ang bango ng mga bulaklak sa hardin, Luksang Paruparo kung ako’y tawagin, mata ko’y luhaan, ang pakpak ko’y itim.
  • 12. Paru-paro Bunying Lakan-Diwa, dakilang Gat-Payo, Yaring kasawia’y pagpayuhan, ninyo, At si Laka-ILaw ang gagamitin ko Upang matalunton ang naglahong bango.
  • 13. Lakandiwa Sa kapangyarihan na taglay ko na rin Ikinagagalak na kayo’y tanggapin, Magtuloy po kayo at ditto sa hardin, Tingnan sa kanila kung sino at alin.
  • 14. Paru-paro Sa aking paglanghap ay laon nang patay Ang bango ng mga bulaklak sa parang, Nguni’t ang puso ko’y may napanagimpang Bulaklak ng lahing kalinis-linisan. Ang bulaklak ko pong pinakaiirog Ubod na ng ganda’t puti ang talulot, Bulaklak poi to ng lupang Tagalog, Kapatak na luhang pangala’y kampupot.
  • 15. Paru-paro Kung kaya po naman di ko masansala Ang taghoy ng dibdib na kanyang dinaya, Matapos na siya’y diligan ng luha Nang siya’y umunlad, nagtago…nawala! Isang dapit-hapong palubog ang Araw Sa loob ng hardin, kami’y nagtaguan, - Paruparo, anya kita’y tatalian, Ako’y hanapin mo’t kung makita’y hagkan.
  • 16. Paru-paro Isang panyong puting myay dagta ng lason Ang sa aking mata’y itinakip noon, At ang Bulaklak ko’y bumaba sa dahon, Nagtago pa mandin at aking hinabol. Hinabul-habol ko ang bango at samyo Hanggang makarating ako sa malayo, At nang alisin na ang takip na panyo Wala si Kampupot, wala yaring puso.
  • 17. Paru-paro Ang taguang biro’y naging totohanan Hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw, At ang hinagpis ko noong ako’y iwan, Baliw na mistula sa pagsisintahan. Sa lahat ng sulok at lahat ng panig Ay siya ang laging laman niring isip, Matulog man ako’y napapanaginip, Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib.
  • 18. Paru-paro Sa apat na sulok ng mundong payapa Ang aking anino’y tulang nabandila, Paruparo akong sa mata’y may luha, Ang mga pakpak ko’y may patak na luksa. Ang sakdal kong ito, Lakan-Diwang mahal, Ibalik sa akin, puso kong ninakaw, At kung si Kampupot ay ayw po naman, Ay ang puso niya sa aki’y ibigay.
  • 19. Hindi mangyayari at ang puso niya’y Karugtong ng aking pusong nagdurusa, Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha Ang lalagutin mo’y dalawang hininga. Pusong pinagtali ng isang pag-ibig Pag pinaghiwalay kapanga-panganib, Daga’t ma’t hatiin ang agos ng tubig, Sa ngalan ng Diyos, ay maghihimagsik.
  • 20. Ang dalawang ibon na magkasintahan, Papaglayuin mo’t kapwa mamamatay, Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay, Bangkay ang umalis, patay ang nilisan, Paruparong sawing may pakpak na itim Waring ang mata mo’y nagtatakipsilim, At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw Di man Kampupot mo’y iyong inaangkin.
  • 21. Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo At sa kasawia’y magkauri tayo, Ako ma’y mayroong nawawalang bango Ng isang bulaklak kaya naparito. Buhat pa kanginang ikaw’y nangungusap Bawat salita mo’y matulis na sibat, Saka ang hanap mong mabangong bulaklak, Luksang paruparo, siya ko ring hanap.
  • 22. Ipahintulot mo, Paruparong luksa, Dalitin ko yaring matinding dalita. Itulot mo rin po, Hukom na dakila, Bubuyog sa sawi’y makapagsalita.
  • 23. Paru-paro Di ko pinipigil ang pagsasalaysay Lalo’t magniningning ang isang katwiran, Nguni’t tantuin mo na sa daigdigan Ang bawa’t maganda’y pinag-aagawan.
  • 24. Lakandiwa Magsalita kayo at ipaliwanang Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas, Paano at saan ninyo napagmalas Na ito ang siya ninyong hinhanap?
  • 25. Sa isang malungkot at ulilang hardin Ang binhi ng isang halama’y sumupling, Sa butas ng bakod na tahanan naming Ay kasabay akong isinisilang din. Nang iyang halama’y lumaki, umunlad, Lumaki ako’t tumibay ang pakpak, At nang sa butas ko ako’y makalipad Ang unang hinagka’y katabing bulaklak.
  • 26. Sa kanyang talulot unang isinangla Ang tamis ng aking halik na sariwa, At sa aking bulong na matalinghaga Napamukadkad ko ang kanyang sanghaya. Nang mamukadkad na ang aking kampupot Sa araw at gabi ako’y nagtatanod, Langgam at tutubing dumapo sa ubod Sa panibugho ko’y aking tinatapos.
  • 27. Ngayon, tanda ko ngang kayo’y nagtaguan Habang ako’y kanlong sa isang halaman, Luksang paruparo nang ikaw’y maligaw Ang aking halakhak ay nakabulahaw. Ang inyong taguan, akala ko’y biro, Kaya ang tawa ko’y abot sa malayo, Ngani’t nang ang saya’y tumagos sa puso Sa akin man pala ay nakapagtago.
  • 28. Lumubog ang araw hanggang sa dumilim Giliw kong bulaklak dir in dumarating, Nang kinabukasa’t muling nangulimlim Ay hinanap ko na ang nawalang giliw. Nilipad ko halos ang taas ng langit At tinalunton ko ang bakas ng ibig, Ang kawikaan ko sa aking pag-alis Kung dimakita’y din a magbabalik.
  • 29. Sa malaong araw na nilipad-lipad Dito ko natunton ang aking bulaklak, Bukong sa halik kokaya namukadkad Di ko papayagang mapaibang palad. Luksang Paruparo, kampupot na iyan, Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay, Ang unang balik kong katamis-tamisan Sa talulot niya ay nakalarawan.
  • 30. Paru-paro Hindi mangyayaring sa isang bulaklak Kapwa mapaloob ang dalawang palad. Kung ikaw at ako’y kanyang tinatanggap Nagkasagi sana ang kanitang pakpak. Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilang Nang makalabas ka’y saka mo hinagkan: Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay, Sino ang malapit sa pagliligawan?
  • 31. Paru-paro Una muna akong nag-uod sa sanga Na ballot ng sapot ng pagkaulila, Nang buksan ng Diyos yaring mga mata Bulo’t dahon naming ay magkasama na. Sa ugoy ng hanginsa madaling-araw Nagduruyan kaming dalawa sa tangkay, At kung bumabagyo’t malakas ang ulan, Ang kanya ring dahon ang aking balabal.
  • 32. Paru-paro Sa kanyang talulot kung may dumadaloy Na patak ng hamog, aking iniinom; Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong Sa init ng Araw sa buong maghapon. Paano ngang siya ay pagkakamalan Sa kami’y lumaki sa iisang tangkay, Kaya nga kung ako’y sa kanya nabuhay Ibig ko rin namang sa kanya mamatay.
  • 33. Huwag kang matuwa sapagka’t kaniig Niyaring bulaklak na inaaring langit, Pagka’t tantuin mo sa ngalang pag-ibig Malayo ma’t ibig, daig ang malapit. Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot Nakikiinom ka ng patak ng hamog, Kaunting biyaya na bigay ng Diyos, Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok.
  • 34. Ikaw’y isang uod, may bulo kang taglay; Sa isang bulaklak laso’t kamatayan, At akong bubuyog ang dala ko’y buhay Bulong ng hiningang katamis-tamisan.
  • 35. Paru-paro Akong malapit na’y napipintasan mo, Ikaw na malayo naman kaya’y pa’no? Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino, Ay ubos na pala ang tamis sa bao. Bubuyog na laging may ungol at bulong Ay nakayayamot saanman pumaroon, At ang katawan mo’y mayrong karayom Pano kang lalapit, di naduro tuloy?
  • 36. Paru-paro Di ka humahalik sa mga bulaklak, Talbos ng kamote ang siya mong liyag, Ang mga bintana’y iyong binubutas, Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab. Ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo, Iyong mgabulong ay naririnig ko; Kung dinig ng lahat ang panambitan mo Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo.
  • 37. Kundi iniibig ang nakikiusap Lalo na ang tahimik na tatapat-tapat, Kung ang magsalita’y di-magtamong-palad Lalo na ang dungong di makapangusap. Lilipad-lipad ka na payao’t ditto Pasagilang-bingit, at patanaw-tao, Pagligaw-matandang sa panahong ito Pagtatawanan ka ng liligawan mo.
  • 38. Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyog Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod, Nguni’t saang panig nitong sansinukob Nakakatuwaan ang paris mong uod? Saka, Paruparo, dapat mong malamang Sa mula’t mula pa’y di ka minamahal, Ang panyong panali nang ikaw ay takpan Ikaw ang may sabing may lason pang taglay.
  • 39. Paru-paro Ganyan ang hinalangnamugad sa dibdib, Pagka’t napaligaw ang aking pangmasid, Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibig Ang sa aking panyo’y kanyang idinilig.
  • 40. Dadayain ka nga’t taksil kang talaga At sa mga daho’y nagtatago ka pa. Paru-paro Ganyan ang hinalangnamugad sa dibdib, Pagka’t napaligaw ang aking pangmasid, Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibig Ang sa aking panyo’y kanyang idinilig.
  • 41. Pagka’t ikaw’y taksil, akin si Kampupot. Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod. Paru-paro Bulaklak nga siy’t ako’y kanyang uod.
  • 42. Lakandiwa Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo, Inyo nang wakasan iyang pagtatalo; Yamang di-malan ang may-ari nito, Kampupot na iya’y paghatian ninyo.
  • 43. Kapag hahatiin ang aking bulaklak Sa kay Paruparo’y ibigay nang lahat; Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirap Kaya ang talulot niya ang malagas.
  • 44. Paru-paro Kung hahatiin po’y ayoko rin naman Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay; Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan O buo wala nguni’t akin lamang.
  • 45. Lakandiwa Maging si Solomong kilabot sa dunong Dito’y masisira sa gawang paghatol; Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol, Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol. Ipahintulot pong sa mutyang narito Na siyang kampupot sabihin kung sino, Kung sino ang kanyang binigyan ng oo, O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo.
  • 46. Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit, Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik, At si Bubuyog po’t paruparong bukid, Ay kapwa hindi ko sila iniibig. Kampupot
  • 47. Paru-paro Matanong nga kita, sinta kong bulaklak, Limot mo na baga ang aking pagliyag? Limot mo na bagang sa buong magdamag Pinapayungan ka ng dalawang pakpak?
  • 48. Tila nga, tila nga sa aki’y mayroong Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong, Ngunit akala ko’y dahon lang ng kahoy At di inakala na sinuman yaon. Kampupot
  • 49. At ako ba, Mutya, hindi mo na batid Ang mga bulong ko’t daing ng pag- ibig, Ang akin bang samo at mga paghibik Na bulong sa iyo’y di mo ba narinig?
  • 50. Tila nga, tila nga ako’y may napansing Daing at panaghoy na kung saan galing, Nguni’t akala ko’y paspas lang ng hangin At di inakala na sinuma’t alin. Kampupot
  • 51. Sa minsang ligaya’y tali ang kasunod, Makapitong lumbay o hanggang matapos. Paru-paro Dito natunayan yaong kawikaan Na ang paglililo’y nasa kagandahan.
  • 52. Ang isang sanglang naiwan sa akin Ay di mananakaw magpahanggang libing.
  • 53. Lakandiwa Sang-ayon sa aking inilagdang hatol, Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon; Ang iyong tulain ay ang “Pasalubong” Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong. Minamahal nami’t sinisintang bayan, Sa ngayo’y tapos na itong Balagtasan; At kung ibig ninyong sila ay hatulan, Hatulan na ninyo pagdating ng bahay,
  • 54. Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa iyong pag-unawa. 1.Bakit iisa lamang ang nagugustuhan nina Paruparo at Bubuyog? 2.Sa iyong pagsusuri sa Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan, kaninong panig ang matuwid at dapat panigan? 3.Maktuwiran ba ang pagmamatuwid ng nagtatalong mga makata? Patunayan.