Sa iyong pagsagot sa mga gawain, inaasahang
matutuhan mo ang sumusunod na mga layunin:
a. nahihinuha ang katangian ng tauhan sa
napakinggang epiko (Koda F10PN-Ie-f-65);
b. naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga
kinahaharap sa suliranin ng tauhan (Koda F10-PB-
Ie-f-65);
c. napangangatuwiranan ang kahalagahan ng
epiko bilang akdang pandaigdig na
sumasalamin ng isang bansa (Koda F10-PB-
Ie-f-66);
.
d. naisusulat nang wasto ang pananaw tungkol sa
pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng mga epikong
pandaigdig: ang paliwanag tungkol sa isyung
pandaigdig na nag-uugnay sa buhay ng mga
Pilipino: sariling damdamin at saloobin tungkol sa
sariling kultura kung ihahambing sa kultura ng
ibang bansa (Koda F10-PU-Ie-f-67)
Ang “dalawang ilog” na tinutukoy ng pangalan
nito ay ang Ilog ng Tigres at Euphrates at ang
kalupaan ay kilala bilang “Al –Jazirah” (ang isla)
ayon sa Egyptologist na si J.H. Breasted na sa
kalaunan ay tinawag na Fertile Crescent kung
saan nagmula ang sibilisasyon ng
Mesopotamia.
Ang kanilang panitikan ay tunay na
kasasalaminan ng kanilang angking kultura.
Makilala sa pag-aaral na ito ang kanilang
paniniwala, pilosopiya, paraan ng pamumuhay,
ugali, at iba pa na mapagkilanlan ng kanilang
lahi.
Panuto: Pumili ng mga salita mula sa kasunod na kahon
na may kaugnayan sa tulang
liriko at isulat ito sa concept web. Ipaliwanag sa isa
hanggang tatlong
pangungusap ang konseptong nabuo.
sukat tugma korido trahedya
awitin tula balagtasan pastoral
soneto epiko tanaga dalit
damdamin elehiya opinyon oda
Isinalin sa Filipino ni Pat V.
Villafuerte
Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawpu’t isa, isinugo ang buhay
Ang kanyang malungkot na paglalakbay na hindi na
matanaw
Una sa dami ng aking kilala taglay ang di- mabigkas na
pangarap
Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!
Ano ang naiwan!
Mga naikuwadrong larawang guhit, poster at larawan,
Aklat, talaarawan at iba pa.
Wala nang dapat ipagbunyi
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan,
gaya ng paggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang
halakhak
At ang ligayang di- malilimutan.
Walang katapusang pagdarasal
Kasama ng lungkot, luha at pighati
Bilang paggalang sa kanyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala
O’ ano ang naganap,
Ang buhay ay saglit na nawala
Pema, ang immortal na pangalan
Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe, walang anino at walang katawan
Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang
bukid ay nadaanan
ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap.
1. Tungkol saan ang tula?
2. Anong damdamin ang
nangingibabaw sa tula?
3. Ano-ano ang mga simbolismong
ginamit upang mapalitaw nang
malinaw ang mensahe ng tula?
Ang tulang liriko o tula ng damdamin
ay puno ng masidhing damdamin ng
tao tulad ng pag-ibig, kalungkutan,
kabiguan, kaligayahan, tagumpay, at
iba pa? Maikli at payak ang ganitong
uri ng tula.
Uri ng Tulang Liriko:
1. Pastoral- ang salitang pastoral ay mula sa
salitang Latin na “pastor.” Ang
tulang pastoral ay hindi lamang tungkol sa
buhay ng isang pastol at pagpapastol. Ito
ay tulang pumapaksa at naglalarawan ng
simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig,
at iba pa.
Ang tulang pastoral ay maaaring pag-
aralan bilang:
a. isang alegorya na gumagamit ng
simbolismo
b. paglagay ng komplikado sa simple
c. panitikang nagbibigay ng pagkakataon sa
mga mambabasa na maranasan
ang pagtakas sa magulong buhay at
madama pansamantala ang malaya at
walang kaguluhang buhay.
2. Elehiya - Isang tula ng pamamanglaw na
madaling makilala ayon sa paksa,
gaya ng kalungkutan, kamatayan, at iba pa.
3. Soneto - tulang may labing-apat na
taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan
at pananaw sa buhay ng tao, may malinaw
na kabatiran ng likas na
pagkatao. Sa kabuuan, ito’y naghahatid aral
sa mambabasa.
4. Oda - nagpapahayag ng papuri,
panaghoy, o iba pang uri ng damdamin,
walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na
bilang ng taludtod sa isang saknong
5. Awit - Ang karaniwang pinapaksa nito ay
may kinalaman sa pag-ibig,
kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba,
poot, at kaligayahan.
6. Dalit - Ito ay isang awitin patungkol sa
paglilingkod sa Diyos at
pananampalataya.
Sukat- Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig
sa bawattaludtod ng isang saknong.
Saknong- Ito ay binubuo ng mga taludtod o
maraming linya sa loob ng isang tula.
Tugma- Ito’y ang pagkakasintunugan ng
mga salita sahuling pantig ng bawat
taludtod.
Kariktan- Ito’y ang malinaw at di-
malilimutang impresyon na nakikintal sa
isipan ng mambabasa.
Talinghaga- Ito ang nagbibigay-kulay sa
mensaheng nais iparating ng may-akda.
Anyo- Ito ay tumutukoy sa porma o ayos ng
tula.
Tono - Ito ay tumutukoy sa diwa
ng tula.
Persona - Ito ay tumutukoy sa
nagsasalita sa tula.
(Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat mula sa
Ingles na salin ni William Kelly Simpson)
Ang tinig ng ligaw na gansa
Nahuli sa pain, umiyak
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig,
Hindi ako makaalpas.
Lambat ko ay aking itatabi,
subalit kay ina’y anong masasabi?
Sa araw-araw ako’y umuuwi,
karga ang aking mga huli
Di ko inilagay ang bitag
sapagka’t sa pag-ibig mo’y
nabihag.
1. Ano ang pangunahing tema ng
tula?
2. Ipakilala ang persona ng tula.
Ano ang kaniyang madalas na
gawain sa araw-araw?
3. Anong damdamin ang
nakapaloob sa tula? Bakit
4. Sa paanong paraan
naramdaman at naiparating ang
mensahe ng tula?
5. Bakit inihalintulad sa isang
gansa ang damdamin ng persona
sa tula? Ano-ano ang mga naging
kadahilanan?
6. Sa iyong palagay, ano-ano ang
positibo at negatibong nagagawa
ng tao nang dahil sa pag-ibig?
Magbigay ng halimbawa at
ipaliwanag.
7. Paano maiiwasan ang
negatibong bunga ng pag-ibig?
Suriin ang simbolismong ginamit
sa tula at ipaliwanag ang
kahulugan nito.
Panuto: Tukuyin ang ugnayan ng
tauhan sa tula at pwersa ng
kalikasan.
Ang ugnayan ng tauhan
sa tula at pwersa ng
kalikasan sa…
Tauhan sa Tula Pwersa ng Kalikasan
PAG-IBIG
BUHAY
Bumuo ng dalawa hanggang
tatlong taludtod na tulang
pastoral batay sa iyong sariling
karanasan na makapagbibigay
payo sa iyong mambabasa.
PAMANTAYAN SA PAGBUO NG
TULA
Malinaw na mensahe
-piling-pili ang mga salitang ginamit
-may malinaw na pagpapahayag ng
damdamin
10 puntos
B. Matalinhaga
-malalim ang kahulugan/may
simbolismo
-malikhain at matayutay na
pagpapahayag ng kaisipan
10 puntos
C. May kariktan
- may kakintalan
-mapagparanas
10 puntos
KABUUANG PUNTOS
30 puntos

tula.pptx

  • 2.
    Sa iyong pagsagotsa mga gawain, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod na mga layunin: a. nahihinuha ang katangian ng tauhan sa napakinggang epiko (Koda F10PN-Ie-f-65); b. naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga kinahaharap sa suliranin ng tauhan (Koda F10-PB- Ie-f-65);
  • 3.
    c. napangangatuwiranan angkahalagahan ng epiko bilang akdang pandaigdig na sumasalamin ng isang bansa (Koda F10-PB- Ie-f-66); .
  • 4.
    d. naisusulat nangwasto ang pananaw tungkol sa pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng mga epikong pandaigdig: ang paliwanag tungkol sa isyung pandaigdig na nag-uugnay sa buhay ng mga Pilipino: sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahambing sa kultura ng ibang bansa (Koda F10-PU-Ie-f-67)
  • 5.
    Ang “dalawang ilog”na tinutukoy ng pangalan nito ay ang Ilog ng Tigres at Euphrates at ang kalupaan ay kilala bilang “Al –Jazirah” (ang isla) ayon sa Egyptologist na si J.H. Breasted na sa kalaunan ay tinawag na Fertile Crescent kung saan nagmula ang sibilisasyon ng Mesopotamia.
  • 6.
    Ang kanilang panitikanay tunay na kasasalaminan ng kanilang angking kultura. Makilala sa pag-aaral na ito ang kanilang paniniwala, pilosopiya, paraan ng pamumuhay, ugali, at iba pa na mapagkilanlan ng kanilang lahi.
  • 8.
    Panuto: Pumili ngmga salita mula sa kasunod na kahon na may kaugnayan sa tulang liriko at isulat ito sa concept web. Ipaliwanag sa isa hanggang tatlong pangungusap ang konseptong nabuo.
  • 9.
    sukat tugma koridotrahedya awitin tula balagtasan pastoral soneto epiko tanaga dalit damdamin elehiya opinyon oda
  • 10.
    Isinalin sa Filipinoni Pat V. Villafuerte
  • 11.
    Hindi napapanahon! Sa edadna dalawpu’t isa, isinugo ang buhay Ang kanyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw Una sa dami ng aking kilala taglay ang di- mabigkas na pangarap Di maipakitang pagmamahal At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!
  • 12.
    Ano ang naiwan! Mganaikuwadrong larawang guhit, poster at larawan, Aklat, talaarawan at iba pa. Wala nang dapat ipagbunyi Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak At ang ligayang di- malilimutan.
  • 13.
    Walang katapusang pagdarasal Kasamang lungkot, luha at pighati Bilang paggalang sa kanyang kinahinatnan Mula sa maraming taon ng paghihirap Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala O’ ano ang naganap, Ang buhay ay saglit na nawala
  • 14.
    Pema, ang immortalna pangalan Mula sa nilisang tahanan Walang imahe, walang anino at walang katawan Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay nadaanan ng unos Malungkot na lumisan ang tag-araw Kasama ang pagmamahal na inialay Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita Ang masayang panahon ng pangarap.
  • 15.
    1. Tungkol saanang tula? 2. Anong damdamin ang nangingibabaw sa tula? 3. Ano-ano ang mga simbolismong ginamit upang mapalitaw nang malinaw ang mensahe ng tula?
  • 16.
    Ang tulang lirikoo tula ng damdamin ay puno ng masidhing damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kalungkutan, kabiguan, kaligayahan, tagumpay, at iba pa? Maikli at payak ang ganitong uri ng tula.
  • 17.
    Uri ng TulangLiriko: 1. Pastoral- ang salitang pastoral ay mula sa salitang Latin na “pastor.” Ang tulang pastoral ay hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at pagpapastol. Ito ay tulang pumapaksa at naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa.
  • 18.
    Ang tulang pastoralay maaaring pag- aralan bilang: a. isang alegorya na gumagamit ng simbolismo b. paglagay ng komplikado sa simple c. panitikang nagbibigay ng pagkakataon sa mga mambabasa na maranasan ang pagtakas sa magulong buhay at madama pansamantala ang malaya at walang kaguluhang buhay.
  • 19.
    2. Elehiya -Isang tula ng pamamanglaw na madaling makilala ayon sa paksa, gaya ng kalungkutan, kamatayan, at iba pa. 3. Soneto - tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng tao, may malinaw na kabatiran ng likas na pagkatao. Sa kabuuan, ito’y naghahatid aral sa mambabasa.
  • 20.
    4. Oda -nagpapahayag ng papuri, panaghoy, o iba pang uri ng damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong 5. Awit - Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot, at kaligayahan.
  • 21.
    6. Dalit -Ito ay isang awitin patungkol sa paglilingkod sa Diyos at pananampalataya.
  • 23.
    Sukat- Ito aytumutukoy sa bilang ng pantig sa bawattaludtod ng isang saknong. Saknong- Ito ay binubuo ng mga taludtod o maraming linya sa loob ng isang tula. Tugma- Ito’y ang pagkakasintunugan ng mga salita sahuling pantig ng bawat taludtod.
  • 24.
    Kariktan- Ito’y angmalinaw at di- malilimutang impresyon na nakikintal sa isipan ng mambabasa. Talinghaga- Ito ang nagbibigay-kulay sa mensaheng nais iparating ng may-akda. Anyo- Ito ay tumutukoy sa porma o ayos ng tula.
  • 25.
    Tono - Itoay tumutukoy sa diwa ng tula. Persona - Ito ay tumutukoy sa nagsasalita sa tula.
  • 26.
    (Isinalin sa Filipinoni Vilma C. Ambat mula sa Ingles na salin ni William Kelly Simpson)
  • 27.
    Ang tinig ngligaw na gansa Nahuli sa pain, umiyak Ako’y hawak ng iyong pag-ibig, Hindi ako makaalpas.
  • 28.
    Lambat ko ayaking itatabi, subalit kay ina’y anong masasabi? Sa araw-araw ako’y umuuwi, karga ang aking mga huli Di ko inilagay ang bitag sapagka’t sa pag-ibig mo’y nabihag.
  • 29.
    1. Ano angpangunahing tema ng tula? 2. Ipakilala ang persona ng tula. Ano ang kaniyang madalas na gawain sa araw-araw? 3. Anong damdamin ang nakapaloob sa tula? Bakit
  • 30.
    4. Sa paanongparaan naramdaman at naiparating ang mensahe ng tula? 5. Bakit inihalintulad sa isang gansa ang damdamin ng persona sa tula? Ano-ano ang mga naging kadahilanan?
  • 31.
    6. Sa iyongpalagay, ano-ano ang positibo at negatibong nagagawa ng tao nang dahil sa pag-ibig? Magbigay ng halimbawa at ipaliwanag. 7. Paano maiiwasan ang negatibong bunga ng pag-ibig?
  • 32.
    Suriin ang simbolismongginamit sa tula at ipaliwanag ang kahulugan nito.
  • 33.
    Panuto: Tukuyin angugnayan ng tauhan sa tula at pwersa ng kalikasan.
  • 35.
    Ang ugnayan ngtauhan sa tula at pwersa ng kalikasan sa… Tauhan sa Tula Pwersa ng Kalikasan PAG-IBIG BUHAY
  • 36.
    Bumuo ng dalawahanggang tatlong taludtod na tulang pastoral batay sa iyong sariling karanasan na makapagbibigay payo sa iyong mambabasa.
  • 38.
    PAMANTAYAN SA PAGBUONG TULA Malinaw na mensahe -piling-pili ang mga salitang ginamit -may malinaw na pagpapahayag ng damdamin 10 puntos B. Matalinhaga -malalim ang kahulugan/may simbolismo -malikhain at matayutay na pagpapahayag ng kaisipan 10 puntos C. May kariktan - may kakintalan -mapagparanas 10 puntos KABUUANG PUNTOS 30 puntos