2. Mahirap na mawalan ng isang pakpak
Na s’yang kaagapay upang di bumagsak
Mahirap mabuhay na may kulang sayo
Di mo malaman kung paano tatayo
Pilit ko mang nilalabanan ang lungkot
Sa puso’t isip mayroon paring takot
Di maiwasang sa tabi ay magmukmok
At lihim na umiyak sa isang sulok
Salamat!
Pamilya’y Buo ko Na!
Likha ni: Efril Jane T. Tabios
3. Alam ko lahat ng bagay may dahilan
Saya ng buhay muling mararamdaman
Di na muling papatak ang ulang likha
Isang ulang umaagos sa aking mukha
Balang araw ako’y magiging buo
Sa pag-ibig niyang wagas at totoo
Sa halik at yakap ng mahal kong ama
Salamat! Pamilya’y buo ko na
4. PAKSANG DIWA
Ang aking tulang naisulat ay patungkol sa aking
sariling buhay. Ang tula ay patungkol sa kung gaano
kahirap mabuhay na wala ang isang pakpak, iyon nga
ay ang kanyang ama. Isang anak na hindi namulat at
lumaki sa piling at kalinga ng isang ama. Isang anak na
nangungulila sa pagmamahal ng kanyang tatay.
Anak na umaasang balang araw ay masasabi
niyang buo ang kanyang pagkatao,
buo ang kanyang buhay sapagkat
nabuo na niya ang kanyang pamilya
kahit sa tula lamang.
5. A. Pamagat
Ang naging pamagat ng tula ay kung ano ang nais
mangyari ng may akda sa kanyang buhay. Mababasa sa
pamagat na mayroong katuparan ang kanyang hiling.
Dahil umaasa siyang balang araw mabubuo nga ang
kanyang pamilya. Mararanasan niyang magkaroon ng
isang ama na makakasama sa araw-araw.
Simple ngunit malaman ang pamagat.
Literal lang ang kahulugan ng bawat salita
sa pamagat kaya’t madaling maunawaan
kung tungkol saan ang kanyang tulang
isinulat. Makikita rin ang pamagat sa
pinakahuling saknong.
6. Ang naging daloy ng tula ay nagsimula sa
pagkukwento ng kanyang buhay at karanasan bilang
isang anak na lumaking walang tatay. Sa una at ikalawang
saknong ay mababasa at mararamdaman ang hirap at
kalungkutang napagdaan ng may akda. Ngunit sa
pangatlo at pang-apat na saknong ay kakikitaan na nang
pang-asa sa mga salitang kanyang ginamit sa bawat
talutod sa bawat saknong. Nais din niyang ipahatid ang
mensahe sa kanyang mga mambabasa na
huwag mawalan ng pag-asa para sa isang
pangarap na nais mong makamit.
Ika nga, “habang may buhay may pag-asa”.
7. Makikita sa tula na mayroon itong apat na
saknong at bawat saktong na mayroong apat na
talutod at sa bawat talutod ay mayroong
labindalawang pantig. Sa huling pantig ay
mayroong tugma sa bawat huling salita, kayat
mapapansin sa tulang ito na ang mga tugmaan sa
huling salitaan ng mga taludtod ay
nagtatapos na magkakatunog kaya
maituturin na ang tula ay nabibilang
sa tradisyunal na tula sapagkat
mayroon itong sukat at tugma.
8. C. Tayutay
Kakikitaan din ito ng mga malalalim na salita o
matalinhagang pagpapahayag tulad ng salitang “pakpak”
na parang inihahalintulad sa isang ibong nawalan ng
isang pakpak kaya’t hindi makalipad ginamit dito ang
tayutay na Metapora, dahil inihalintulad niya ang isang
pakpak sa kanyang ama. Makikita rin sa ikatlong saknong
ang pariralang “ulang likha” na ang tinutukoy
ay “luha” na umaagos sa kaniyang mukha na
ibig sabihin ay pagtangis ng pangunahing
tauhan sa tula. Ang pariralang
“ulang umaagos” din ay maaaring
maibilang sa tuyutay na pagmamalabis.
9. II. Kagandahang Pampanulaan
A. Guniguni
Sa tulang ito, nagawang ipakilala ng may akda ang kanyang
sarili, naipahayag niya ng maayos at makabuluhan ang
kanyang saloobin. Sa pamamagitang ng tulang ito ay naging
malaya ang may akda na mangarap at maisakatuparan ito ayon
sa kanyang nais mangyari. Naging malikhain ang kanyang
imahensayon at guniguni na kahit batid niya malabong
mangyari ito sa totoong buhay ay nagawa niyang maging totoo
ito sa pamamagitan ng kanyang tula. Binalikan niya ang
damdaming nanaig noong mga panahong may
maraming “bakit” sa kanyang isipan. Naipaabot
ng maayos ng makata ang mensaheng nais
iyang ikintal sa isipan ng kanyang
mambabasa.
10. B. Sagimsim
Ipinahayag ng may akda ang labis niyang
kalungkutan sa pagkawalay sa kanyang amain. Nakapaloob
sa tula ang matinding pag-asam na makapiling niya ang
haligi ng tahanan na bubuo sana sa kanyang pagkatao.
Kakikitaan man ng pagkabigo at kawalan ng pag-asa sa una
at ikalawang saknong ng tula ang makata ngunit mababasa
naman sa ikatlong saknong na batid niyang parti
lamang ng buhay ng tao ang mga pagsubok,
bigay ito ng Diyos upang sukatin ang
kanyang katatagan at maging ang
pananampalataya sa Maylikha.
Sa huling saknong naman, ipinamalas ng
makata ang kanyang katatagan.
11. Kakikitaan rin ang may-akda ng labis na
pagmamahal para sa kanyang ama na sa kabila ng pag-
iwan nito sa kanya ay nananatili at nananaig parin ang
kanyang pagmamahal para dito. Ang pag-asam ng anak
sa isang ama ang nagtulak sa makata na umasang ang
isang pangarap ay magkakaroon nang katuparan balang
araw. Kung bibigyang buhay ng mambabasa at ilalagay
nila ang kanilang sarili sa sitwasyon ng makata,
sa huling saknong ng tula ay tiyak kong uukit
sa kanilang mga labi ang labis na kaligayahan,
iiwan ito ng ngiti sa mga mambabasa na
siyang nagpabisa sa tula.
12. III. Kaisipang Pampanulaan
Sa saknong na ito umikot ang kuwento ng aking tula,
para akong isang ibong hindi makalipad dahil sa tingin ko’y
naputulan ako ng isang pakpak. Nakapahirap lumipad,
napakahirap bumangon, sa murang edad namulat ako sa
tuksong, “A walang tatay” hindi ako makaimik, hindi ako
makalaban, di ko kayang ipagtanggol ang sarili ko
sapagkat totoo. Paano ako lalaban? Sa murang
isipan paano ako gaganti? Pero sa kabila ng
lahat, sa halip na piliin kong makipagtalo,
mas pinili kong magpakatotoo. Sa halip na
lumaban mas pinili kong manahimik nalang.
Mas pinili kong maging mabuting tao,
iyan ang pinakamatindi kong ganti.
Mahirap na mawalan ng isang pakpak
Na s’yang kaagapay upang di bumagsak
13. Di na muling papatak ang ulang likha
Isang ulang umaagos sa aking mukha
Ang saknong na ito ang nag bigay din sa akin ng pag-
asa na hindi ko na muling mararanasang umiyak sa tukso ng
mga taong hindi nakauunawa ng aking sitwasyon, para ito sa
mga taong labis na nanakit sa aking damdamin. Sila ang
naging dahilan ko rin upang lumaban. Ngingiti ako sa kabila
ng naranasan at kawalan ko ng isang pakpak.
May isa pa akong pakpak. Sa pagdaan ng panahon,
natutunan kong lumipad gamit lamang ang
isa kong pakpak. Mahirap sa umpisa pero
dahil sa labis na kagustuhang makalipad,
nagsumikap akong matutong lumipad.
14. Sa pag-ibig niyang wagas at totoo
Sa halik at yakap ng mahal kong ama
Salamat! Pamilya’y buo ko na.
Habang isinusulat ko ang tulang akin likha, sa loob loob ko,
kulang ako ng isang pakpak, pero ngayon habang ako mismo
ang sumusuri sa aking tula, ito rin pala ang magpapamulat sa
akin sa loob ng maraming taon, ito ang naging daan
upang lumaya ako sa kaisiping wala akong tatay.
Ito ang naging repleksyon ko na hindi pala
talaga ako kulang, walang kulang sa akin.
Oo nga, wala akong tatay sa tabi ko, pero,
narealize ko, May Ama ako sa langit.
Isang amang totoong nagmamahal sa akin.
Isang Amang handang bumuo ng pagkatao ko,
handang punan kung ano man ang kulang sa akin.
15. Sa pag-ibig niyang wagas at totoo
Sa halik at yakap ng mahal kong ama
Salamat! Pamilya’y buo ko na.
Kaya’t sa aking pagtatapos sa pagsusuri ng aking tula,
buong tapang kong sasabihin hindi bukas, sa susunod na
araw, buwan o taon kundi ngayon din mismo.
Sarili ko’y buo ko na!