1. PUSO MO HANAPIN MO!
Sa loob ng 2 minuto puso mo hanapin mo.
KUMUSTA NA BA ANG PUSO MO SA MGA PANAHONG ITO?
BUO AT MASAYA BA ITO?
O
WASAK AT MALUNGKOT ITO?
PILIIN MO KUNG SAAN ITO NABIBILANG!
7. KATHERINE O’FLAHERTY
Isinilang sa St. Louis, Missouri US noong Pebrero 8,1850
20 taong gulang ng mapangasawa si Oscar Chopin at ipinagkalooban sila ng
anim na supling at nanirahan sa New Orleans.
Maagang naulila at nabalo at dahil doon nagsimula siyang sumulat.
Unang nobela At Fault, maikling kwento ang Bayou Folk (1894), at A Night in
Acadia (1897). The Awakening (1899) na naging kontobersiyal.
May temang Feminismo ang kanyang lathalain. Ang Kuwento ng Isang Oras.
8. ANG KWENTO NG ISANG
ORAS
Mga Tauhan:
Louise Mallard a.k.a Gng. Mallard- Asawa ni Brently Mallard na
may sakit sa puso.
Brently Mallard- Asawa ni Louise Mallard
Josephine-Kapatid ni Gng. Mallard
Richard-Kaibigan ni Brently Mallard na unang nakarinig sa
balitang pagkamatay ni G. Mallard
Doktor- Ang tumingin sa kalagayan ni Gng, Mallard
9. ANG KUWENTO NG ISANG
ORAS
Sa loob ng 10 minuto, basahin ang teksto “Ang
Kuwento ng isang Oras ni Kate Chopin pahina 214-
217. At pagkatapos ay maghanda sa pangkatang
gawain.
10. PANGKATANG GAWAIN
Sa loob ng 10 minuto, makagagawa ang unang
pangkat sa pusong papel na buo ng mabuting wakas
ng pangyayari sa kuwento at ang ikalawang pangkat
ay sa pusong papel na wasak na magbibigay ng
mapangit na wakas sa kuwentong binasa at
pagkatapos ay ibahagi ang inyong ginawa sa klase.
11. MAIKLING PAGSUSULIT
Kumuha ng isa’t kalahating bahagi ng papel at sagutan ng tahimik ang
mga sumusunod na katanungan. Sagot na lang.
12. MGA KATANUNGAN
1. Bakit kaya “Ang Kuwento ng Isang
Oras ang naging pamagat ng kuwento?
Angkop ba ito sa paanong paraan?
13. 2. Anong uri ng samahan ang namamagitan sa
mag-asawang Mallard? Bakit sinabi sa kuwentong
“nagkulong siya sa kanyang silid” sa halip na
“nagkulong siya sa kanilang silid”? May kaugnayan
kaya ito sa kawalan nila ng anak? Patunayan ang
iyong sagot.
14. 3. Sa iyong palagay, anong uri ng asawa si Brently
kay Louise Mallard? Bakit ibinubulong ng kanyang
mga labi ang mga salitang malaya, malaya , malaya
samantalang naiisip din niya “ang mukhang tanging
titig lang ng pag-ibig ang iniuukol sa kanya”?
15. 4.Ano ang sinisimbolo ng pagsasara ni Louise sa
pintuan upang hindi makapasok ang sinuman
samantalang nakabukas naman ang bintanang para
sa kanya ay pinagmumulan ng buhay?
16. 5. May kaugnayan ba ang karanasan ng may-akda
sa kanyang isinulat na kuwento? Sa paanong paraan?
6. Bakit kaya sinasabing ang akdang iyong binasa
ay kakikitaan ng kaisipang feminismo?
17. 7. Ano kay ang tunay na sanhi ng pagkamatay ni
Louise Mallard? Dahil ba sa labis na kaligayahan o
labis na pagkadismaya? Patunayan.