Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Unang bahagi
1. I. Unang Bahagi
A. Talambuhay ng may Akda ( Lope K. Santos )
Sa larangan ng panitikan, ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig,Rizal. Siya ay anak ng
mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal.
Ang tunay niyang pangalan ay Lope C. Santos, ngunit mas inibig niyang gamitin ang
titik K kapalit ng C para sa panggitnang pangalan. Ipinanganak siya noong Setyembre
25, 1879. Matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas
na Paaralang Normal para sa mga guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas),
naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na
maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod
bilang patnugot parasa mg lathalain sa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at
Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong tagapangasiwa si
Santos ng Surian ng Wikang Pambansa. Kabilang sa mga katawagang nagbibigay
parangak kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng
Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.
Napangasawa niya si Simeona Salazar noong ika-10 ng Pebrero, taong 1900 at
nagkaroon sila ng tatlong anak. Namatay si Santos noong Mayo 1, 1963 dahil
nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit hanggangsa huling sandali ng kanyang
buhay ay hinangad niya na maging wikang pambansa ang wikang Pilipino.
2. B. Ang Teksto (Ang Matampuhin)
Damong makahiya na munting masanggi’y Matingkad na kulay ng mayuming sutlang
nangunguyumpis na’t buong nakikimi, kay-sarap damitin at napakagara,
matalsikan lamang hamog na konti’t munting mapatakan ng hamog o luha,
halik ng amiha’y mabigla sa dampi ay natulukot na’t agad namumutla;
mga kinaliskis na daho’y tutupi’t salang malibangan sa taguang sadya’ y
tila na totoong lanta na’t uns’yami. pinamamahayan ng ipis at tanga.
Mutyang balintataw ng buwang maningning Kalapating puting may batik sa pakpak,
sa salang mabiro ng masayang hangi’y munting makalaya’y malayo ang lipad;
pipikit na agad sa likod ng dilim, habang masagana sa sariling pugad,
panakaw-nakaw na sa lupa’y titingin, ay napakaamo at di lumalayas;
sa tanaw ng ulap at ng panganorin. ngunit, pag sa palay ay minsang manalat,
sa may-alagad man ay nagmamailap.
Malinaw na batis ng mahinhing bukal
na napalalabo ng bahagyang ulan, Oh, Pusong tampuhin! Ang langit ng buhay
kahit dahong tuyo na malaglag lamang ay wala sa pusong laging mapagdamdam;
ay nagdaramdam nang tila nasugatan; hindi nagluluwat ang kapayapaang
isang munting batong sa kanya’y magalaw mamahay sa palad na hubad sa lumbay;
ay dumaraing na at natitigilan. lalo sa pag-irog, ang tampo’y di bagay
kaning maya’t-maya at, nakamamatay!
3. C. Talambuhay ng Mambabasa (Patrishia L. Barroquillo)
Si Patrishia L. Barroquillo ay isinilang sa munting bayan ng Pateros noong ika-15 ng
Disyembre, taong 1996. Siya ay anak ng mag-asawang Eduardo Barroquillo at Zenaida Lopez.
Pangpito siya sa siyam na magkakapatid. Pito ang kanyang kapatid na lalaki at isa lamang ang
kanyang kapatid na babae. Kilala siya sa palayaw na Chuchai, ito ang tawag sa kanya ng kanyang
mga kaibigan at ng mga taong malapit sa kanya. Nagtapos siya ng Elementarya sa Mababang
Paaralan ng Comembo, Sekondarya naman sa Mataas na Paaralan ng Benigno Ninoy Aquino. Sa
kasalukuyan, siya ay nag-aaral sa Unibersidad ng Makati na nakasama sa programang Higher
School ng UMAK. Bagamat mahirap ang buhay, patuloy silang tinataguyod ng kanilang mga
magulang sa tulong ng kanilang tatlong kapatid na nangingibang bansa.
Siya ay biniyayaan ng talento sa musika na namana niya sa kanyang pamilya. Siya ay
marunong umawit at tumugtog ng gitara. Ginagamit niya ang kanyang mga talento sa simbahan.
Nagtuturo din siya ng mga kabataan tungkol sa Bibliya. Siya ay isang simple at masiyahing tao na
naghahangad ng magandang buhay upang matulungan ang kanyang pamilya.
4. Paliwanag
Tema 1
- Ang tulang “Ang Matampuhin” ay kathaniLope K. Santos. Naisulat niya ito dahil sa
paghahalintulad nito sa kanyang sarili. Paminsan-minsan ay umiiral rin sa kanya ang
pagiging sensitibo at madamdamin sa bagay-bagay, o kaya’y sa pagoobserba sa kanyang
mga nakakasalamuhang tao na tila may pusong madamdamin. Dahil sa kanyang angking
talento sa pagsulat ng tula, gumamit siya ng mga simbolismo upang maitago ang mga
kahulugan ng nais niyang maiparating.
Tema 2
- Ang tulang “ Ang Matampuhin” ay naglalahad ng mga simbolismo na maihahalintulad sa
bawat uri ng mga taong matampuhin.Limang uri ang nabanggit sa tula at ito ay
nakapaloob sa mga simbolismo tulad ng damong makahiya, buwan, batis, sutlang/tela at
kalapati. Una, ang simbolong damong makahiya ay naglalarawan sa isang taong kapag
nagtampo'y nanahimik o kinikimkim ang dinadamdam. Pangalawa, ang simbolong buwan
ay naglalarawan sa isang taong kung magtampo'ynahihiya man ay nag ooberba pa rin at
nagmamasid. Pangatlo, ang simbolong batis ay naglalarawan sa isang taong kung
magtampo'y kahit na maayos at maganda ang pinagsamahan, mawawala itong lahat at
ang tanging makikita ay ang nagawang pagkakamali. Pang-apat, ang simbolong
sutlang/tela ay naglalarawan sa isang taong tila isang damit na manipis na tela kung
magdamdam. sila ay madaling madala sa pangyayari at kapag nagdamdam ay hindi na
muling uulit pa. Panglima, ang simbolong kalapati ay naglalarawan saisang taong tapat sa
kanyang mga pinahahalagahan. ngunit kapag siya’y nasaktan at magtampo’y ndi na muling
magtitiwala at maaaring lumayo na ang kanyang loob.Sahuling saknong, nagsasabi ng
isang pangaral tungkol sa mga taong matampuhin. Sinasabing hindi ito mabuti dahil hindi
uusad at lalago ang iyong buhay, maaari pa itong makaapekto at makasira ng iyong buhay,
maging sa pakikipagrelasyon.
5. Tema 3
- Sa aking pananaw, ang tulang ito ay nakasentro sa isang partikular na ugali ng tao, ang
pagiging matampuhin. Binanggit sa tula ang mga pag-uugali ng tao kapag sila ay
nagtatampo at ito ay nakatago sa mga simbolong ng isinulat sa bawat saknong. Ang tula
ay nagbigay ng aral na ang pagtatampo ay hindi makabubuti bagkus makakasira ng iyong
buhay. Para sa akin, hindi masamang magtampo.Halimbawa, may mga pagkakataon na
nagtatampo ka sa iyong kasintahan, iyon naman ay dahil nais mo lamang lambingin ka
niya. Huwag lang panatilihin sa mahabang panahon ang pagtatampo dahil kung
magkagayon, ito’y magbubunga.
Sintesis
- Nais ipabatid ng tula ang pagiging emosyonal ng mga tao. Inilahad dito ang mga pag-
uugali ng tao kapag sila ay nagtatampo at nasasaktan. Pinakikita sa tula na ang
pagtatampo ay nagbibigay ng negatibong epekto sa pakikipagkapwa.
6. III. Ikatlong Bahagi
A. Buod
Sa pagsusuri na Tulang “Ang Matampuhin” na nilikha ni Lope K. Santos na sinuri ni Patrishia L.
Barroquillo, nabatid na ito ay patungkol mga taong matampuhin. Ginamit na simbolismo sa tula
ang damong makahiya, buwan, batis, tela at kalapati. Inilalarawan dito ang mga iba’t ibang ugali
ng mga taong matampuhin. Sa huling saknong nagpapaalala na hindi makakamtan at hindi uusad
ang buhay kung may pusong matampuhin at kung pananatilihin ito'y makakaapekto at makakasira
ng buhay at maging relasyon. Ang buhay ay puno ng pagsubok at ito ay dapat lutasin hindi sa
pamamagitan ng mga negatibong ugali tulad ng pagiging madamdamin o sensitibo. Hindi
magiging matagumpay ang iyong buhay kung ikaw ay may pusong madamdamin. Kailangang
maging bukas ang isipan, matatag at pag-ibayuhing maisaayos ang mga ugaling hindi
makakatulong sa pag-unlad.
B. Konklusyon
Nabatid sa mga pagsusuri ang sumusunod:
a. Si Lope na kilalang Mang Openg ay namatay dahil sa sakit sa atay.
b. Si Lope ay may palayaw na Mang Openg.
c. May iba’t-ibang uri o kategorya ang mga taong matampuhin.
7. C. Rekomendasyon
Iminumungkahi ng mga mambabasa ang sumusunod:
a. Magkaroon ng isang pusong maunawain at pusong marunong umintindi.
b. Maging matatag sa mga pagsubok sa buhay.
c. Pagyamaning mabuti ang mga mabubuting ugali at sikaping alisin ang mga ugaling
hindi makakatulong sa ating pag-unlad.