2. KALIGIRANG KASAYSAYAN
Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon)
- Binubuo ng pangkat ng mga gerilyang may pagkiling sa
komunismo
- Isa sa pamana ng digmaan na naging malaking sagabal
sa pambansang kaunlarang pang ekonomiko
- Ang kanilang pakikipaglaban ang naging daan ng
maraming pagbabago para sa mabuting pamumuhay ng
mga mamamayan.
3. ANG KALAGAYAN NG PANITIKAN SA PANAHONG
ITO
- Mapaghangad sa makukuhang gantimpala ang mga manunulat
- Pagsulpot ng mga kabataang mag-aaral sa larangan ng panulat
- Ulirang manunulat na Amerikano :
- 1. Ernest Hemingway
- 2. William Saroyan
- 3. John Steinbeck
- -Ang panunulad sa estilo nila ang nagbigay ng diwang mapanghimagsik
at kapangahasan sa Panitikang Tagalog at Ingles
4. ANG BAGONG PANITIKAN SA TAGALOG NG
PANAHONG ITO
-ang halos naging paksa ng mga akda ay tungkol sa kalupitan ng mga
Hapones, ang kahirapan ng pamumuhay , kabayanihan ng mga gerilya,
atbp.
-nagbukas muli ang mga palimbagan ng pahayagan at magasin gaya ng
Liwayway, Bulaklak, Ilang-ilang, Sinag tala, atbp.
-Nagkaroon ng “laman” ang mga tulang tagalog
-nagkaroon ng mabuti-buting tauhan, pangyayaring batay sa katotohanan
at kahulugan ang mga maiikling kwento
-May mga nobelang namalasak – binabasa bilang libangan
-Lalong nagiliw sa pakikinig sa bigkasan ng tula at pinagdadayo ng pulu-
pulutong na mga tao ang sinumang mambibigkas
5. MGA AKLAT NA NALIMBAG SA PANAHONG ITO:
1. Mga Piling Katha (1947-48) ni Alejandro Abadilla
2. Ang Maikling Kwentong Tagalog (1886-1948) ni Teodoro Agoncillo
3. Ako’y Isang tinig (1952) – Katipunan ng mga tula at sanaysay ni
Genoveva Edroza Matute
4. Mga Piling Sanaysay (1952) ni Alejandro Abadilla
5. Maikling Katha ng Dalawampung Pangunahing Autor (1962) nina A.G.
Abadilla at Ponciano B.P. Pineda
6. Parnasong Tagalog (1964) – Katipunan ng mga piling tula mula kina
Huseng Sisiw at Balagtas na tinipon ni A.G. Abadilla
7. Sining at Pamamaraan ng Pag-aaral ng Panitikan (1965) ni Ruffino
Alejandro
6. Inihanda niya ang mga aklat na ito bilang panturo sa pamumuno o
pagpapahalaga sa tula, dula, maikling kwento at nobela.
8. Manlilikha, Mga Piling Tula (1961-1967) ni Rogelio G. Mangahas
9. Mga Piling Akda ng Kadipan (Kapisanang Aklat ng Diwa at Panitik) 1965
ni Efren Abueg
10. Makata (1967) ito ang kauna-unahang tulong-yulong na pagsasaaklat ng
mga tula ng may 16 na makata sa wikang Pilipino.
11. Pitong Dula (1968) ni Dionisio Salasar
12. Manunulat: Mga Piling Akdang Pilipino (1970) ni Efren Abueg. Posible
ang pambansang integrasyon ng mga kalinangang etniko sa ating
bayan
7. 13. Mga Aklat kay Rizal - maraming aklat tungkol kay Rizal. Ang batas na
nag aatas ng pagdaragdag ng pag-aaral sa buhay ni Rizal ay nakatulong
nang malaki sa sigla ng ating mga manunulat na makasulat ng aklat
tungkol kay Rizal.
Nang Musmos Pa Si Rizal – Diosdado Capino
Ulirang Mag-aaral si Rizal - Diosdado Capino
Ang Buhay at Mga Akda ni Rizal – Ben C. Ungson
Rizal, Ang Bayani at Guro – Domingo Landicho atbp.
Gabay sa Pag-aaral ng Noli – Efren Abueg atbp.
Gabay sa Pag-aaral ng Fili - Efren Abueg atbp.
8. ANG MULING PAGSIGLA NG PANITIKAN SA
INGLES
Pahayagang Ingles : Philippines Free Press, Morning Sun, Daily News, Philippines
Herald, Chronicle at Bulletin
Aklat na mamahalin na inilimbag ng manunulat na Ingles:
Heart of the Islands (1974) Manuel Viray – ito’y kalipunan ng mga tula
Phil. Cross-Section (1950) Maximo Ramos at Florentino Valeros. Kalipunan ng mga tula
at tuluyan
Prose and Poems (1953) Nick Joacquin
Phil. Harvest (1953) Maximo Ramos at Florentino Valeros
Phil. Writing (1953) T.D. Agcaoli
Horizon’s East (1967) Artemio Patacsil at Silverio Baltazar. Kalipunan ng mga aka ng
mga propesor ng University of the East – short stories, essays, research papers,
poems & drama.
9. ANG TIMPALAK - PALANCA
Palanca Memorial Awards for Literature – Ginoong Carlos Palanca, Sr.
noong 1950
- Maikling kwento , dula , at tula.
- Unang Gantimpala – “Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza Matute
- Ikalawang gantimpala – “Mabangis na Kamay … Maamong Kamay” ni
Pedro S. Dandan
- Ikatlong Gantimpala – “Planeta, Buwan, at Mga Bituin” ni Eldipio P.
Kapulong
10. ANG KWENTO NI MABUTI
NI GENOVEVA EDROZA-MATUTE
Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating
pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya.
Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang
hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay
matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya’t nagtuturo
ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungang
sa kanya ko lamang natutuhan.
11. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin,
sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit
walang anumang maganda sa kanyang anyo… at sa kanyang buhay…
Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa
kanyang ng pansin. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng
pagdadala niya ng mga pananagutan sa paaralan, walang masasabing anumang
pangkaraniwan sa kanya.
Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang salitang iyon
ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga
salitang hindi niya maalaala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling
pag-aalanganin. Sa isang paraang malirip, iyon ay naging salaminan ng uri ng
paniniwala sa buhay.
12. “Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama’t
umabot tayo sa bahaging ito… Mabuti… Mabuti!”
Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di lamang nahuli niya akong
minsang lumuluha; nang hapong iyo’y iniluha ng bata kong puso ang pambata ring
suliranin.
Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood
sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa
isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha.
Doon niya ako natagpuan.
13. “Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa
narinig. “Tila may suliranin .. mabuti sana kung makakatulong ako.”
Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong
isipan ay ibinilang kong kahihiyan ay kaabaan ang pagkikita pa naming muli
sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi
ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla
sa katapat na luklukan.
“Hindi ko alam na may tao rito”….. naparito ako upang umiyak din.”
Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa
ang kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko ang
bahagyang ngiti sa kanyang labi.
14. Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang tinig sa pagtatapat sa
suliraning sa palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at
ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung paanong napigil
niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit, siya’y nakinig nang
buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya’y tunay na matapat.
Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay
natatanaw na nang bigla akong makaalala.
“Siyanga pala, Ma’am, kayo? Kayo nga pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na iyo
na … iniiyakan ko?”
15. Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; “ang sulok na iyon na …
iniiyakan natin… nating dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig:
“sana’y masabi ko sa iyo, ngunit… ang suliranin.. kailanman. Ang ibig kong sabihin
ay … maging higit na mabuti sana sa iyo ang … buhay.”
Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita
niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at mahiyain
niyang mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang
pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-
aklatan. Ang sulok na iyon,.. “Iniiyakan natin,” ang sinabi niya nang hapong iyon. At
habang tumaaginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturo’y hinuhulaan ko
ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan.
Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyong… aming
dalawa…
16. At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong
magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit, sa
tuwina, kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno
siya ng maririkit na guni-guni ang aming isipan at ng mga tunog ang aming pandinig at
natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin naming sa
panitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa kagandahan at ako’y
humanga.
Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama niya sa
amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na
ito sa kariktan kundi pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan.
Ang pananalig niya sa kalooban ng Maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga
pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig
niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na karaniwan na
lamang sa amin ay walang kabuluhan.
17. Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng pag-
aaral namin sa kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa
tangi niyang anak. .. nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin kailanman
tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral naming ang
nakababatid na siya’y hindi balo.
Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay nakapaligid
sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki nang mga
pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon sa buhay. Minsan, tila hindi
namamalayang nakapagpapahayag ang aming guro ng isang pangamba ang
pagkatakot niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang
anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang
anak ay iisa lamang ang mga bagay na “pinagtitiisang” pakinggan sapagkat walang
paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit na iyon ay nagkakaroon ng
kahulugan sapagkat noon pa ma’y nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala.
18. Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng kanyang
anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga
kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya’y anim na taong
gulang na. Sa susunod na taon niya’y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro
naming maging manggagamot ang kanyang anak- at isang mabuting manggagamot.
Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang
bumulong: “Gaya ng kanyang ama!”
Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya’y nagsalita.
“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha
habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.
Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang may
kaarawan.
19. Natiyak ko noong may isang bagay ngang malisya sa buhay niya. Malisya nang ganoon na
lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang
layo sa kanya, kumirot ang puso ko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang
kanyang mga kamay gaya ng ginagawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-
aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang
damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang taong man lamang. Ngunit, ito ang
sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong nakikinig ng walang
anumang malasakit sa kanyang sinasabing, “Oo, gaya ng kanyang ama,” habang
tumatakas ang dugo sa kanyang mukha.
Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman. Tinignan niya ako ng
buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito :
“Mabuti…mabuti gaya ng sasabihin nitong si Fe-lyon lamang nakararanas ng mga lihim
na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at
ngayon, magsimula sa ating aralin…”
20. Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang
pangungusap na iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa aking mga
pagsusulat. Ngunit samantalang nakatitig siya sa akin ng umagang iyon,
habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay
iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas n mga lihim
na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan.
At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating
kulay ng kanyang mukha, muli niyang ipinamalas sa ang mga nagtatagong
kagandahan sa aralin namin sa Panitikan. Ang kariktan ng katapangan; ang
kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay.
21. At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang
tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong
marahil ay magiging isang manggagamot din baling araw, ay namatay at
naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang
tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad
na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang
lahat. …….
22. MABANGIS NA KAMAY… MAAMONG KAMAY
NI PEDRO S. DANDAN
Nagising kay Battling Kulas ang simbuyo ng isang kamalayan, na tila siya
nagtatayo ng bantayog ni Kamatayan na habang kinakapal sa luwad ay
nagkakahugis sa katotohanan. Kaya malimit na mawala siya sa pagmamasid
sa kanyang anak, sa di-mawaring pagkabahala sa dinaranas na buhay nito,
sa pagtitining sa kanyang kalooban na makabuo ng isang pasiya kung
nararapat sumuko sa simbuyo ng kamalayang iyon.
23. Mainit na ang sikat ng araw. Naghahakot ng basura ang kanyang anak sa tambakan sa
may puno ng tulay. Itinuon niya ang kanyang paningin sa mukha at katawang naliligo
sa nangingitim na pawis at sa malalapad na pang bahagya nang maangat sa lupa
samantalang hila-hila ng bata ang isang malaking tiklis ng basurang nag-iiwan ng
nag-aalimpuyong alikabok.
Naghiyawan ang ilang batang naglalaro sa pampang ng ilug-ilugan, "Arya Ito! Arya Ito…
sumayaw ka, Arya Ito! Kumanta ka, Arya Ito! Ayaw mooo? Eto 'yo… Pak! Pak!" at
inulan si Arya Ito ng pukol.
"Sasayaw na…kakanta na!" Binitiwan ni Arya Ito ang tiklis at sumayaw siya.
24. Tila namumutok na bariles ang katawang pagiwang-giwang sa pagbaba-pagtaas
ng mga balikat at pag-imbay ng mga kamay; ang bilog ng mga matang
animo'y palawit ng isang orasang pandingding kung ibinababala ang
hatinggabi ay palipat-lipat sa magkabilang sulok; siya'y isang laruang may
kuwerdas na pinakikilos nang walang patumanggang panghaharot ng
kanyang kapwa bata.
Humihingal na ang kanyang anak. Naapuhap ni Battling Kulas ang isang pamalo
sa tabi ng kanilang hagdanan at hinabol niya ang mga batang
nangagsikarimot ng takbo. Bumagtas ang mga bata sa tulay at Hindi na
sumunod si Battling Kulas. Nang balikan niya si Arya Ito'y nakatukop sa
mukha ang dalawang bisig.
"Hindi po ako… sila po, sila…" Nasilip ni Arya Ito sa pagkakapuwang ng kanyang
ma bisig na napalis ang mga nambubuska at napangisii siya… ngising naging
walang gatol na halakhak.
25. Umiiling na tinungo ni Battling Kulas ang harapan ng kanilang bahay. Tumalungko siya at
pinanood si Arya Ito samantalang itinataas ang tiklis sa gabay ng tulay.
Nakadadalawang hakot na si Arya Ito. Nais niyang sawatain ang kanyang anak.
Nguni't nagbabangon sa kanya ang isang pagtutol… gayong batid niyang mapanganib
magtapon nang basura sa ilug-ilugan, sapagkat pumuputi na ng buhay sa kanilang
pook ang magkasaping trangkaso't iti.
Isang linggo nang walang patlang ang inihahatid na patay sa libingan sa lunsod bunga ng
tila ibig kumalat na salot. Isang araw lamang ang pagitan ng pagkamatay ng dalawang
anak ni aling Bestrang nakatira sa ibayo ng ilog at di-iilang sanidad ang nakita niyang
dumadalaw sa bahay-bahay at binobomba ng agua pinicada ang mga pook na
marurumi. Natitigatig na rin siya ng usap-usapang tila kolera ang kumakalat na
sakit…
Narinig niya ang labusaw ng maruming tubig nang itaob ni Arya Ito ang laman ng tiklis.
Maghapong maghahakot ng basura ang kanyang anak… maghapon?
26. Nagtungo rin si Battling Kulas sa lumang papag sa silong ng kanilang bahay na
pawid at nahiga siya. Hindi niya alumana ang mga insektong nagmumula sa
mahalumigmig at nangangamoy na paligid at sumisigid sa kanyang balat.
Iniwawaksi niya sa isipan ang bagay sa kanyang anak. Nguni… sa kanyang
nakalipas ay makabubuo siya ng isang makatarungang pasiya…
makatarungan…
Hindi magkamayaw na sigawan ng mga tao: Pak… sapukin mo! Sige pa… sa
bodega… sa panga… Pak!... Dumaun… Isa..dalawa…tatlo…apat…Panalo
na si Battling Kulas…Panalooo!
Nakaibis na siya ng ring ay natutulig pa rin siya sa sigawan, Aba, Hindi na yata
gigising. Napatay yata. Hindi na humihinga si Moro… Napatay ni Battling
Kulas…
Ipinagdiwang nila sa Manila Hotel ang kanyang panalo. Nang umuwi sila'y
kasabay niyang idinating sa kanilang tahanan ang ekstrang pahayagan,
"Napatay ni Battling Kulas si Moro." Ngunit lalong matunog sa kanya ang
balita ng hilot,"Anak na lalaki. Kamukhang-kamukha mo."
27. Isinabisig niya ang sanggol. Sumibol sa kanya ang isang luwalhati: sa kapirasong buhay
na nagmumula sa kanya….
Mabuhay! Anak ng kampyon…ito ang kahalili ko! Amang kampyon… anak ng
kampyon…Benito…Benito…Benito ang ibibigay kong pangalan sa aking bunso.
Isusunod ko sa tunay na pangalan ni Moro, bilang paggunita sa aking maningning na
tagumpay."
Ngunit isang biro yata ng Langit sa kanilang mag-asawa. Nagkasakit ang kanilang anak.
Isang uri ng sakit sa utak na pumipinsala sa mga mata at nagpapalambot sa laman at
kasukasuan, kaya wala pang isang taon si Benito ay minamasahe na niya. Tinutudyo
siyang madalas ng kanyang manedyer na Amerikano. "A boxing champ starts young,"
sabi nito. Panay yes lamang ang kanyang panugon kaya kasundong-kasundo sila.
Hindi pa rin nakapagtatalalan si Benito gayong nasa kalikutan na. Pinatingnan niya ang
bata sa isang dalubhasang manggagamot na siyang tumiyak na nagkaanak siya ng
luno - sapagkat malabis na ininda ni Benito ang karamdaman.
28. Gumuho ang kanyang pananalig sa maaari pang magawa ng tao… Sumama silang
mag-asawa sa banal na paglalakbay sa Antipolo. Namanata kay San Pascual
Baylon. Nagtulos ng kandila at nagdasal nang paluhod sa Kiyapo. Sa mga santa at
santong pinipintakasi'y isinamo nila na paghimalaan ang kanilang bunso.
Wala ring ipinagbago si Benito. Ang pag-asa sa mahiwagang kapangyarihan….nasaan?
Muli niyang nasumpungan iyon…sa payo ng isang matandang babaing
magkakandila.
Samakatuwid po, kung din a 'ko magbuboksing, magbabago ang aking anak?
'Yan ang totoo, mama. Masamang hanapbuhay ang boksing. Biro bang kalakalin mo
ang iyong kalupitan at lakas. Biro bang halos patayin mo sa suntok ang iyong
kalaban dahil lamang sa salapi.
29. Nagunita niya si Moro. Ang mga luha't hinanakit sa mga mata ng asawa't anak ni Moro.
Sa kauna-unahang pangyayari'y tinugon niya ng no ang kanyang manedyer nang itakda
ang lalong malaking pakikipagsagupa niya sa ring.
Hindi na siya maglalaro ng boksing. Ayaw na niyang maging kampyon. Ayaw na niya…at
nakapagtalalan naman si Benito…nakalakad…
Noong mamatay ang kanyang kabiyak ay walang sukat tumingin sa kanyang anak
samantalang nagbubuhat siya ng mga sako ng asukal sa pinaglilingkurang
pintungan. Lumaboy ito sa lansangan. Lumaboy ito sa kawalang-tiyak, kaya
tumitigas-tigas ang mga buto…ang mga laman - ngunit inaaba din ng mga
kapitbahay at binansagang "Arya Ito" ng mga kapwa bata…
30. Lumikha sa kanyang kalooban ng isang katutuwang pagtutol ang mga pang-ayon na
yaon sa kanyang anak…ng isang malupit na pagkahabag, gumising sa kanya ng
simbuyo ng kamalayang tila siya nagtatayo ng bantayog ni Kamatayan na habang
kinakapal sa luwad ay nagkakahugis sa katotohanan.
Isang hatinggabi'y dinama niya ang mukha ng kanyang anak. Naghihilik. Idinantay ang
kanyang mabigat na kamay sa leeg. Idiniin. Hindi na makahinga…Hindi na! Bigla
niyang inangat ang kanyang bisig. Tila naalimpungatang nagbangon at nanaog.
Tinungo ang isang poste sa tabing-daan at sinuntok…duguang nabilad ang buto ng
kamao sa nanisnis na balat.
Isinusi niya sa dibdib ang pagkahabag na umaalipin sa lanya. Ang pagsuligi sa kanyang
isip. Ang patuloy na pagtakas sa pag-uusig ng kakatuwang budhi…
31. Mariing pumikit si Battling Kulas. Tumatama sa kanyang mukha ang sinag ng araw na
naglalagos sa butas ng bubong at sa siwang ng sahig. Humawak siya sa gilid ng
papag…namutla ang kanyang kamao sa pagkakapit ng mga daliri. Narinig niya ang
kaluskos ng mga paa ng mga sanidad na sinusundan ng mababagal na hakbang ni
Arya Ito. Kumakanta-kanta pa si Arya Ito. Tumigil ang kaluskusan sa paanan ng
sirang tulay samantalang mahinang inihahatid ng hangin sa kanyang nga taynga:
Silaban mo, Arya Ito. Iyon… iyong nakatumpok… Hale…at nang Hindi kumalat ang
sakit. Mabuti pa ang inutil… may silbi.
Nagtindig sa Battling Kulas. Ni Hindi niya tinanaw ang pangkat ng tauhan ng kalusugang-
bayan. Gaya ng nakaugaliang pag-inom, humingi siya ng alak sa tindahan ni Tsikito,
at tinungga. Susuray-suray na nagbalik siya sa kanyang lumang papag at muling
nahiga…
32. Nagising siya na wala na ang mga taong nagtutupada. Sumasabo na ang mababagsik na
lamok mula sa pinamumugarang ilug-ilugan. Nakauwi na ang mga sanidad. Sa silong
ng ilang kapitbahay ay nagsisiyapan na nag mga sisiw at nangagngasabngasab ang
mga baboy sa tabi ng pakainan.
Nag-inat siya. Nangangalam na ang kanyang sikmura. Tiningala ang kanilang
paminggalan… Subali…nasulyapan niya ang malaking katawan ni Arya Ito: nakalatag
sa sahig at walang kakilus-kilos. Pumanhik siya.
Inaapoy ng lagnat si Arya Ito. Inilipat niya sa kabahayan at tinabihan. Pinagmasdan niya sa
paghihilik. At inunan niya ang kanyang nagkakasalikop na mga kamay, na sa paraang
iyon ay waring naibibilanggo niya ang kabangisan… ang pagpupumiglas.
Naghuhulagpos din ang mga daliri ng kanyang kanang kamay, napapakuyom.
Nagbangon siya… at tinungo ang pasugalan ng Tandang Pruto.
33. Nang umuwi siya ay noong nagmamadaling-araw. Wala sa bahay si Arya Ito! Hindi na
sumayad sa hagdanan ang kanyang mga paa sa pagmamadali. Waring nilindol ang
kanyang dibdib. Patakbu0-takbo siya sa loobang tahimik na tahimik, matangi sa
malakas at sunud-sunod na pagtawag niya ng, "Arya Ito…Anak ko… anak ko!"
Kumutob sa kanya kung saan dako maaaring matagpuan si Arya Ito. Napadalas ang
kanyang mga paa… Hindi man niya lubusang mahugisan sa karimlan ang aninong
kumikilos sa ibabaw ng malaking bunton ng basura sa may puno ng tulay ay
lumutang sa katahimikan ang isang tinig na humihuni-huni, at natiyak niya na nasa
tambakan ang kanyang anak. Nagtumulin siya at halos padaluhong na inagaw niya
kay Arya Ito ang hilang-hilang tiklis at Ikinasambulat ng basura.
"Umuwi ka, Ito…Umuwi ka…nilalagnat…"
"Demonyo!....Demonyo!.... Impiyerno!..." at sa pagkabigla ni Arya Ito ay pinalo siya ng
isang putol na kahoy.
34. Tumama ang pamalo sa pilat ng noo ni Battling Kulas. Likha iyon ng pakikipagsugpa niya
kay Moro. Pumutok ang pilat at humilam ang tumigis na dugo sa kanyang isang mata.
Sa sang-iglap ay napahulagpos niya ang isang ubos-kayang suntok na
ikinatimbuwang ni Arya Ito sa tabi ng tiklis.
Naramdaman niya ang kasiyahang umali sa kanya noong mapatay niya sa suntok si
Moro, at makaraan iyon ay natulad siya sa isang namulat sa isang nakahihindik na
bangungot….
Hindi na humihinga ang kanyang anak!
Tinakasan siya ng lakas at sumuko ang kanyang mga tuhod sa bigat ng kanyang
katawan. Napaluhod siya at tila nag-uusal ng isang mataos na dalangin ay maamung-
maamong kinalong si Arya Ito, nilukuban sa mga bisig ng kanyang dibdib.
35. Unti-unting nabuhay ang kanyang paligid: umalingawngaw ang mga yabag at sigawan
ng dumalong mga kapitbahay. Ngunit hindi rin siya nagtaas ng mukha. Patuloy na
minamasdan niya si Arya Ito - ang mukhang bahagyang nasisinagan ng bagong
umaga at ang pasa sa puno ng leeg.
Siya lamang ang nakakatalos niyon. Siya lamang? Nabasag ang luha sa kanyang mga
mata at nanariwa sa kanyang puso ang luwalhating naramdaman niya noong unang
sandaling isinabisig niya ang pagkasanggol ni Arya Ito.
Nagkurus si Battling Kulas.
36. TULANG UNANG NAGKAMIT NG GANTIMPALA
SA TIMPALAK-PALANCA
Ang Alamat ng Pasig
Ni Fernando B. Monleon
O DIWATA
I
Bakit hahambalain ang ating pagsuyo?
buhay niring buhay
Bakit hahamakin ang sumpa’t pangako?
Nagtanim ng lumbay --- hindi biru-biro
dapat na malamang
Tanging aanihin: siphayo, siphayo?
37. II
Halinang maglakbay, giliw ko’y halina
Tayo na sa laot,
Kita’y magliwaliw sa tuwa’t ligaya,
Sa lunday kong munti, halika’t sumama,
Pagmasdan mo, irog
Hayun naghihintay mula sa kangina ---
III
Ako ang gagaod, ikaw ang aawit
Mutyang prinsibini,
Sasaliwan tayo ng kalawkaw-tubig;
Sasaksi sa ati’y ang nanungong langit
Habang ang pagkasi ---
Nag-aaliw-aliw sa tinamong sakit.
38. IV
Hinampo kahapon ay iyong limutin,
Ang bulong ang dusa;
Hayaang ibulong ng amihang hangin;
Buksan ang dibdib mo, unahin ang damdam
Ngumiti na sana,
Ipinid ang puso sa dilang hilahil.
V
Hala na, mahal ko … ang luha mong buhog
huwag mong sayangin.
Huwag mong hayaang sa lupa’y madurog;
Sadyang ang pagsinta’y liku-likong ilog,
Ang masisindakin, masasawan agad sa matuling agos!
39. VI
Di ngani miminsang pulpol sa panulat,
Sa kaligayahan
Kumita ng isang balighong liwanag;
Di anong gagawin? Sa pakawakawak,
Sintang bathaluman,
Nahihiya ako’y ikaw rin ang hanap.
VII
Paanong di gayon … ikaw ang dinsulan
Niring salamisim
Na sa kariktan mo’y namamaraluman;
Iyong hinanakit kundi mapaparam,
Sa pagkahilahil,
Hahangga pa yata ang ako’y pumanaw.
40. VIII
Kaya’t panimdim mo’y tulutang mapawi,
Sa bahagyang hapis,
Isang kabaliwang magpakalugami …
Ang katotohanan ay sadyang lalagim
Saanman sumapit,
Tanging ikaw lamang yaring luwalhati.
IX
Kasakdalan mang ang sintang magbago,
Kahit sa pangarap,
Bukal ng pagsuyo’y hindi maglililo …
Kung kita’y limutin, buhay ko’y paano?
Kung kapos ang palad,
Kamataya’y langit --- na makalilibo!
41. X
Pahirin na ngani sa nimintang diwa,
Ang sugat ng puso,
Ang lagim ng dusang lason sa siphayo
Sa aking pagyao’y
Saka na lumuha; ulilang pagsuyo ---
Maghapon --- magdamag na magpakasawa!
XI
Habang naglalakbay ang ating pagkasi,
Sa iklapsaw ng alon;
Wariin mo hirang, ang aking sinasabi,
Iyong panibugho --- limit na mangyari
Saanman iukol …
Mabuting-masama, masamang-mabuti.
42. XII
Kita ay dadalhin sa Taal na Bayan,
Hayun lang sa dulo …
Isang munting pulo sa Bombom, Batangas
At magmula noon ay pasisilangan,
Tayo’y magtutungo
Sa Bayan ng Pasig, sa gulod sumilang.
XIII
Doo’y may alamat ang isang Kahapong sa aklat ng lahi’y
Lipos ng pag-ibig, tigib ng linggatong;
Sa dalampasigan, sa damong nagyabong,
Tayo’y manakati’t
Pagal na gunita’y muling magbabangon.