5. Ika-15 ng Mayo, kapistahan ni San Isidro
Labrador. Araw din ng pistang bayan ng
Pulilan. Maagang nagising ang mag-
asawang Chris at Rizza. Magsisimba sila
kasama ang dalawang anak na sina
Jannele at Raymond. Nakagawian na ng
mag-anak ang sama samang pagsisimba
tuwing Linggo at kung may okasyon sa
pamilya, Pagkagaling sa simbahan umuwi
na sila upang tulong tulong na maghanda
ng tanghalian.
6. Hindi nagtagal ay dumating ang mga
magulang at mga kapatid ni Mang Chris.
Kasama rin ang mga pamangkin Kaya’t
talagang nagging masaya ang mag-anak.
Hindi magkamayaw sa kuwentuhan ,
tawanan at habulan ang mga bata. May
kani-kanya ring dalang pagkain ang mga
dumating kaya’t napuno ang mesa ng
masasarap nap ag-kaing Pilipino.
7. Talagang nasiyahan silang lahat sa
pagkain ng kare-kare, embutido,
relyeno, leche flan at halayang ube.
Pagmamahal sa Bansa Pagkatapos
nang maghapong saya at pagod,
nagpapasalamat ang mag-anak sa
Poong Maykapal at sa patrong may
kapistahan.
8. 1. Anong okasyon ang
ipinagdiriwang sa araw na iyon?
2. Paano mo ilalarawan ang mag-
anak nina Mang Chris at Aling
Rizza?
3. Ano- anong katangiang Pilipino
ang nalaman mo sa kuwento.?
9. 4. Alin sa mga nabanggit ang
nakikita mo sa iyong pamilya?
5. Magbigay ng halimbawa ng
sariling karanasan kung saan
ipinkita ang alin mang katangiang
nabanggit.
10. Tayong mga Pilipino ay isang
natatanging lahi. Ang ating mga
kanaisnais na kaugaliaan ay
nagpapatingkad ng ating
pagkakakilanlan, hindi lamang
dito sa atin kung hindi maging sa
ibang bansa.
11. Pagiging maka-Diyos
• Ang malalaim at matatag na
pananampalataya sa panginoon
ang nagbibigay ng lakas at pag-
asa sa ating mga Pilipino.
12.
13. Magiliw na pagtanggap
sa Panauhin
• Ang pagiging magiliw nating
mga Pilipino sa mga
panauhinay kilala sa buong
mundo.
21. Maraming tradisyon ang
mga Pilipino. Mga
tradisyong kinagigiliwan
ng sinumang dayuhang
pumarito sa atin tulad
ng:
22. • Pamamanhikan
Kapag ang magkatipan ay
nagpasiya nang ituloy sa estado
ng pag-aasawa ang kanilang
relasyon, Pormal nang hihingin
ng lalaki ang kamay ng babae
23.
24. •Fiesta
Isa ang Panagbenga Festival ay ginaganap
sa Baguio, kung saan ang pangunahing
pinagkukunan ng ikinabubuhay ay ang
mga mababangong bulaklak. May mga
float at parada ring kinagigiliwan ng lahat
25.
26. Mahal na araw
Ang mahal na araw ay karaniwang
isinasagawa tuwing buwan ng Marso.
Nariyan ang pagsasabuhay ng
pangyayari kay Kristo tulad ng
paghampas sa likod, pagpapasan ng
krus at pagpapapako.
27.
28. • Flores de mayo
Ang Flores de Mayo ay parada ng
mga naggagandahang dilag suot
ang kani-kanilang magagarang
gowns. Pinakasentro nito ang
Reyna Elena ng okasyon.
29.
30. • Simbang gabi
Ang simbang gabi naman aa
pagdiriwang ng kapanganakan ni
Kristo. Nagsisimba ang mga tao sa
madaling araw. Karaniwan ng may
pailaw kapag sumasapit ito.
Ginaganap ito tuwing Disyembre.