NMT - 1-25

96,808 views

Published on

Kabanata 1- 25

Published in: Education
4 Comments
78 Likes
Statistics
Notes
  • Pwede po bang malaman kung saan niyo nakuha ang mga larawan na ginamit bawat kabanata?
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • asan po yung mga sumunod na kabanata? btw salamat po :)
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • salamat po,,, by the way where's the other kabanata?
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • tnx po nang marami,, it helps a lot...
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
No Downloads
Views
Total views
96,808
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
65
Actions
Shares
0
Downloads
2,517
Comments
4
Likes
78
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

NMT - 1-25

  1. 1. NOLI ME TANGEREUnang Bahagi – Ang mga Ibarra at ang San Diego
  2. 2. K1- ISANG PAGTITIPON • Pagkalat ng balita sa engrandeng pagtitipon sa bahay ni Kapitan Tiago. • Pagdalo ng maraming panauhin sa pagtitipon kasama ng mga kilalang tao mula sa pamahalaan at simbahan. • Ang pagtitipon ay para sa pagbabalik sa Pilipinas ni Crisostomo Ibarra. at pasasalamat sa Mahal na Birhen. • Pagtatalo nina Padre Damaso at ang Tinyente Guevarra. KANSER NG LIPUNAN:  Maluho at Magastos  Pagtatakwil sa Sariling Lahi  Kaisipang Kolonyal (Colonial Mentality)
  3. 3. K2 – SI CRISOSTOMO IBARRA • Ang pagdating ni Crisostomo Ibarra mula sa Europa pagkatapos ng pitong taon. • Pagtanggi ni Padre Damaso kay Crisostomo na kaibigan niya ang ama nito. • Paggamit ni Crisostomo ng ugaling Aleman sa pagpapakilala sa kanyang sarili sa mga kababaihan. • Ang pagkikita at pag-uusap nina Crisostomo at Tinyente Guevarra. • Ang pambabastos ni Padre Damaso kay Crisostomo. KANSER NG LIPUNAN:  Crab Mentality  Pagkainggit
  4. 4. K3 – ANG HAPUNAN • Ang pag-uunahan nina Padre Damaso at Padre Sibyla sa kabisera ng hapag-kainan. (nanalo si Padre sibyla) • Ipinahain ni Kapitan Tiago ang Tinolang Manok (paboritong ulam ni Ibarra) • Ikinagalit ni Padre Damaso na ang napunta sa kanya ay ang makunat na leeg ng manok at maraming gulay. • Ang mga masasamang parinig ni Padre Damaso sa mga indiong nag- aaral sa ibang bayan. KANSER NG LIPUNAN:  Pagmamataas
  5. 5. K4 – EREHE AT PILIBUSTERO • Pagkapansin ni Crisostomo na walang pinagbago ang Binundok pagkatapos ng pitong taon • Paghabol ni Tinyente Guevarra kay Ibarra upang sabihin ang tunay na nangyari sa kanyang amang si Don Rafael Ibarra. • Binigyang –babala ni Tinyente Guevarra si Ibarra KANSER NG LIPUNAN:  Kawalang-katarungan/Inhustisya  Pagbibigay ng Posisyon sa Di- Karapat-dapat o walang alam
  6. 6. K5 – PANGARAP SA GABING MADILIM • Tumuloy si Ibarra sa kanyang tinitirhang pansamantala sa Fonda de Lala(ang pinasikat na hotel noong panahon ng Kastila) • Naghahalo ang damdamin ni Ibarra sapagkat mula sa kanyang silid nakikita niya ang kasayahan sa bahay ni Kapitan Tiago; kasiyahan sa pagnanais siyang makita si Maria Clara , naghihirap ang kanyang kalooban sa pag-aalaala sa nangyari sa kanyang ama na wala siyang nagawa.
  7. 7. K6 – SI KAPITAN TIYAGO • Paglalarawan sa buhay ni Kapitan Tiago • Napangasawa si Donya Pia Alba na siya raw nagdala ng swerte sa kanya. • Naging kamalasan daw ang anim na taon na di pagbubuntis. • Pagkatapos ipanganak si Maria Clara namatay si Donya Pia. • Siya ay kasundo ng simbahan at pamahalaan. • Maraming mga ilegal na gawain na siyang nakapagpayaman sa kanya • Ipinasok sa kumbento ng Sta. Catalina si Maria Clara. • Ipinagkasundo ng mga magulang kay Crisostomo na maipakasal. KANSER NG LIPUNAN:  Huwad na Pananampalataya  Pagpapalakasan
  8. 8. K7 – PAG-UUSAP SA ASOTEA • Hindi mapakali si Maria Clara dahil magkikita na sila ni Ibarra. • Nag-usap sina Maria Clara at Crisostomo sa asotea at nagpalitan ng mga alaala (dahon ng sambong at ang lumang liham) • Madaling nagpaalam si Ibarra dahil siya ay pupunta sa San Diego PAGPAPAHALAGANG PILIPINO:  Pagiging sentimental  Palabra de Honor  Pagiging Tapat sa Pag-ibig
  9. 9. K8 – MGA GUNITA • Nakita ni Ibarra ang kabagalan ng pag- unlad na malayung-malayo na sa Europa. • Pag-alaala ni Ibarra sa sinabi ng paring guro KANSER NG LIPUNAN:  Mabagal na Pag-unlad
  10. 10. K9 – MGA BAGAY-BAGAY UKOL SA BAYAN • Ang pagalit na pagsugod ni Padre Damaso sa bahay ni Kapitan Tiago . • Papaalis sina Tia Isabel at Maria Clara upang kunin ang gamit ni Maria Clara sa kumbento. • Ang pag-uusap nina Padre Sibyla at ng paring maysakit ukol sa kanilang korporasyon at kay Ibarra. • Pagkalito ni Kapitan Tiago kung sino ang kanyang susundin sa planong pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara.
  11. 11. K10 – ANG BAYAN NG SAN DIEGO • Ang pinagmulan ng bayan ng San Diego dahil sa mga Ibarra. DON PEDRO EIBARRAMENDIA DON SATURNINO IBARRA DON RAFAEL IBARRA DON CRISOSTOMO IBARRA • Nang umunlad ang san Diego ang Pilipinong kura ay pinalitan ng Paring Kastila (Padre Damaso)
  12. 12. K 11 – ANG MGA MAKAPANGYARIHAN • Ang tunay na makapangyarihan sa San Diego ay sina: kura – Padre Salvi (katumbas ng kapangyarihan ng Sto.Papa ng Roma) Alperes – pinuno ng mga guwardiya sibil – katumbas ng kapangyarihan ng Hari ng Espanya) KANSER NG LIPUNAN:  Pagpapatalbugan ng Kapangyarihan
  13. 13. K12 – ARAW NG MGA PATAY • Ang paglalarawan sa di –maayos na sementeryo ng San Diego. • May dalawang sepulturero na naghuhukay ng mga patay upang ilipat sa libingan ng mga Intsik • Ang pagbanggit ng isang sepultuero s isang bangkay na kanyang himukay sa pag-uutos ng isang kura (Ito ay si Don Rafael Ibarra at ang kura ay si Padre Damaso) • Dumarami ang tao sa sementeryo na naghahanap sa libingan ng kanilang mahal sa buhay KANSER NG LIPUNAN:  Kawalang-galang sa mga Patay
  14. 14. K13 – MGA BABALA NG SIGWA • Ang pagbisita ni Ibarra sa libingan ng ama ngunit di niya ito makita. • Nakausap ni Ibarra ang sepulturero na siyang nagsabi kung nasaan ang bangkay ng ama. (ito ay ipinahukay ni Padre Garote (alyas ni Padre Damaso dahil sa mahilig sa pamamalo gamit ang garote) at ipinalipat sa libingan ng mga Intsik. Mas minabuti ng naghukay na ito ay itapon sa lawa. • Ikinagalit ni Ibarra ang kanyang natuklasan at napagbuntunan ng galit ang nakasalubong na kura (Padre Salvi) • Sinabi ni Padre Salvi na si Padre Damaso ang tinutukoy na kura na nagpahukay sa bangkay ng kanyang ama at hindi siya.
  15. 15. K 14 – SI PILOSOPO TASYO • Paglalarawan kay Pilosopo Tasyo na sinasabi ng iba na siya ay baliw sa mga di nakauunawa sa kanya ngunit sa iba siya ay napakatalino. • Hindi pinatapos ng pag-aaral ng ina sa takot na makalimot ito sa Diyos. • Naiwang mamuhay mag-isa sa buhay pagkatapos na mamatay ang ina at asawa. • Ibinuhos ang kanyang panahon sa pagbili at pagbabasa ng mga aklat • Sinasabing siya ay isang baliw dahil sa mga di pangkaraniwang sinasabi niya. • Ikinatuwa niya ang pagdating ng isang bagyo at kidlat na papatay raw sa mamamayan ng San Diego.
  16. 16. K15 – ANG MGA SAKRISTAN • Sina Basilio (10) at Crispin (7) ay magkapatid na anak nina Sisa at Pedro. • Nagtrabaho sila bilang sakristan sa simbahan ng san Diego. • Napagbintangan si Crispin na nagnakaw ng 2 onsa (32 pesos) • Pinagmumulta si Basilio dahil sa mali ang pagtugtog niya ng kampana. • Bilang kaparusahan nila di sila maaaring umuwi muna bagamat gusto na nilang umuwi dahil alam nilang hinihintay sila ng kanilang ina. • Tumakas si Basilio mula sa kumbento upang makauwi. KANSER NG LIPUNAN:  Pang-aabuso sa mga Bata  Kawalang-katarungan
  17. 17. K16 – SI SISA • Paglalarawan sa buhay ni Sisa na nakapag- asawa ng iresponsableng asawa na si Pedro ngunit bathala ang turing niya rito. • Itinuturing naman niyang anghel ng kanyang buhay ang dalawang anak na sina Basilio at Crispin. • Ipinaghanda niya ng masarap na hapunan si Sisa para sa kanyang mga anak. • Dumating ang lasenggerong asawa at inubos ang inihandang pagkain. • Nagkaroon siya ng isang masamang pangitain na ikinatakot niya. • may kumatok sa kanilang pintuan (Basilio) KANSER NG LIPUNAN:  Kahinaan ng Kababaihan  Katamaran  Pagkahilig sa Bisyo
  18. 18. K18 – MGA KALULUWANG NAGDURUSA • Ang pagkakapansin ng mga tao sa kakaibang tamlay ni Padre Salvi habang nagmimisa. • Pag-uusap ng mga manang ukol sa indulgencia na maaari lang palang bilhin. • Ang pagdating ni Sisa sa kumbento upang kausapin ang kura at pauwiin ang anak na si Crispin. • Itinaboy ng tagaluto si Sisa. KANSER NG LIPUNAN:  Maling Paniniwala sa Relihiyon
  19. 19. K17 – SI BASILIO • Nakauwi si Basilio na duguan ang noo (Nadaplisan siya ng bala na ipinutok ng guardia sibil) • Ikinabahala ni Sisa ang nangyari sa anak lalo na sa di niya pagkakasama kay Crispin. • Nanaginip si Basilio na namatay si Crispin. • Kinausap ni Basilio ang ina ukol sa kanyang mga plano na baguhin ang kanilang buhay ngunit di kasama ang ama sa mga plano.
  20. 20. K19 – MGA KARANASAN NG ISANG GURO • Nag-usap ang guro at si Ibarra malapit sa lawa na kung saan dito itinapon ang bangkay ng kanyang ama. • Ang gurong ito ay lubos ang paghanga kay Don Rafael dahil siya ang tumutulong dito sa pagpapaaral ng mga bata noong nabubuhay pa ito. • Ikinuwento ng guro kay Ibarra ang mga suliranin ng bayan ukol sa edukasyon.  KAKULANGAN NG GAMIT, PAARALAN , GURO  KAWALAN NG INTERES NG MGA KABATAAN  KAKULANGAN NG SUPORTA NG MGA MAGULANG  PARUSANG PAMAMALOKANSER NG LIPUNAN: • Pagsabi ni Crisostomo na ipagpapatuloy Maling Sistema ng Edukasyon niya ang layunin ng ama na magpatayo ng paaralan.
  21. 21. K20 – ANG PULONG SA TRIBUNAL • Nagkaroon ng pagpupulong sa tribunal para sa pag-uusap sa nalalapit na kapistahan ng San Diego. (Dumalo sa pulong sina Ibarra at ang guro) at si Pilosopo Tasyo) • May dalawang lapian (party) sa pulong LIBERAL – Don Filipo Lino (Tinyente Mayor ng San Diego) – gusto ng simpleng selebrasyon KONSERBADOR – Kapitan Basilio - gusto ng magarbong kapistahan • Nagkaroon ng mahabang pagtatalo ukol sa kwartang gugulin para sa kapistahan. • Nabalewala ng kanilang pagtatalo sapagkat may plano na pala ang kura ng bayan. KANSER NG LIPUNAN:  Pangingibabaw sa Kapangyarihan  Pagwawaldas ng Pera ng Bayan
  22. 22. K21 – KASAYSAYAN NG ISANG INA • Hinuli ng mga guardia sibil si Sisa. • Nahihiya si Sisa sa mga taumbayan sa kanyang pagkakahuli. • Pinakawalan din kaagad si Sisa sa utos ng alperes. • Lumabas si Sisa na parang nababaliw. KANSER NG LIPUNAN:  Kawalang-katarungan
  23. 23. K22 – MGA LIWANAG AT DILIM • Liwanag:  Marami ang natuwa nang dumating sa San Diego si Maria Clara.(Maraming humahanga sa kanyang kagandahan)  Masayang ibinalita ni Ibarra kay Maria Clara na matutuloy ang nais niyang magkaroon ng pistang pambukid  Humingi ng tulong kay Ibarra si Pedro para sa kanyang asawang nababaliw na at sa nawawalang dalawang anak. • Dilim:  Pagtanggi ni Maria Clara na imbitahin si Padre Salvi sa pistang pambukid.  Pagtutol ni Ibarra na di imbitahan si Padre Salvi  Pagkatakot ni Maria Clara kay Padre Salvi
  24. 24. K23 – ANG PANGINGISDA • Maagang pumunta ng lawa ang mga tao para sa pistang pambukid. • Pagpapakita ng pagiging konserbatibo – paghihiwalay ng mga kadalgahan sa mga kabinataan. • Naririto sa bangka ang piloto (Elias) • Ikinagulat ng lahat ang pagkakita nila sa malaking buwayang nasa baklad. • Unang tumalon ang piloto ng bangka at sinubukang patayin ang buwaya. • Tinulungan ni Ibarra ang piloto kaya tumalon din siya sa tubig. • Nagpasalamat ang piloto ng bangka kay Ibarra sa pagligtas nito sa kanya na muntik na niyang ikamatay dahil sa buwaya. • Ikinatakot ni Maria Clara ang nangyari sa kanyang kasintahan.
  25. 25. K24 – SA GUBAT • Nagmamadaling tapusin kaagad ni Padre Salvi ang kanyang misa dahil nais na niyang sumunod sa idinaos na pistang pambukid. • Hindi napigilan ni Padre Salvi ang paghanga kay Maria Clara nang maubutan itong naliligo sa ilog kasama ng ibang kadalagahan. • Napag-usapan ang ukol sa nangyari nang mga nakaraang araw, na may bumugbog kay Padre Damaso (Elias) • Nakita nila sa gubat si Sisa ngunit tumakbo ito nang makita ang kura. • Ipinag-utos ni Ibarra na hanapin si Sisa at kanyang tutulungang ipagamot. • Tinanong ng alperes ang kura ukol sa nawawalang anak ni Sisa. • Dumating ang guardia sibil dahil nais nilang hulihin si Elias (ang piloto ng bangka)
  26. 26. K25 – SA BAHAY NG PILOSOPO • Pinuntahan ni Ibarra si Pilosopo Tasyo upang humingi ng payo ukol sa kanyang ipatatayong paaralan. • Inabutan niyang nagsusulat si Pilosopo Tasyo ngunit gamit ang jeroglipiko sa kanyang isinusulat na ipinagtataka niya. • Binalaan naman ni Pilosopo Tasyo si Ibarra na mag-ingat sa kanyang mga plano at di dapat siya konsultahin nito. • Mas dapat daw siyang lumapit sa kura , sa Kapitan at sa lahat ng mayayaman ukol sa kanyang mga plano.
  27. 27. MGA KAISIPAN NI PILOSOPO TASYO “Tularan ninyo ang rosas na hitik ng bulaklak at buko na sa pagdaraan ng hangin ay yumuyuko sa halip na magmatigas upang di mabali.” “Ang yumuko sa pagdaan ng punglo ay di karuwagan. Ang masama ay harapin ito upang mabuwal at di na muling makabangon.”

×