3. •Nang araw na iyon ay nakatakdang kuhanin
ni Maria Clara ang kanyang kagamitan sa
kumbento. Ang kanyang Tiya Isabel ay
naghihintay na sa karawahe upang tuluyan
na silang makaalis. Siya namang pagdating ni
Padre Damaso.
4. •Hindi minabuti ng pari ang kanilang pag-alis
kaya bubulong-bulong itong umakyat
papunta sa bahay ng Kapitan. Agad naman
siyang sinalubong ng Kapitan at akmang
magmamano sa kamay nito ngunit
tinanggihan ito ng pari. Sa halip ay sinabi na
agad nito ang kanyang pakay sa Kapitan.
5. • Ani Padre Damaso, hindi raw dapat maglihim sa
kanya si Kapitan Tiyago dahil siya ang
pangalawang ama ni Maria Clara. Sinabi din niyang
dapat na raw itigil ng dalaga ang pakikipag-
mabutihan nito kay Ibarra. Dagdag pa ng pari,
hindi daw dapat maghangad ng kabutihan ang
Kapitan para sa kanyang mga kaaway.
6. •Ang Kapitan naman ay nakumbinsi sa mga
sinabi ni Padre Damaso kung kaya pag-alis
nito ay agad na pinatay ng Kapitan ang mga
kandilang itinulos ni Maria Clara para sa
paglalakbay ni Ibarra pauwi sa bayan ng San
Diego.
7. •Samantala, si Padre Sybila ay nagtungo sa
kumbento ng Dominikano sa Puerta de
Isabel II. Dito ay dinalaw niya ang paring may
matinding sakit.
8. •Kanyang ibinalita ang mga nakaraang
kaganapan kagaya ng pang-aaway na ginawa
ni Padre Damaso sa bahay ni Kapitan Tiyago,
ang pagpanig diumano ng Tinyente sa
Kapitan Heneral, at pakikipag-alyansa kay
Padre Damaso.
9. •Ang matandang may sakit ay nakipagpalitan
din ng saloobin at sinabing ang pagtaas ng
buwis ang dahilan ng pagkaubos nang
kanilang mga kayamanan. Aniya, natuto na
ang mga Pilipino sa paghawak ng ari-arian.
10. SAGUTIN!
1. Saan kukunin ni Maria Clara ang kanyang mga
gamit?
2. Sino ang bubulong-bulong sa pag-alis ni Maria
Clara?
3. Sino ang pumatay sa kandilang itinulos ni Maria
Clara?
4. Sino ang nagtungo sa kumbento ng Dominikano?