SlideShare a Scribd company logo
1 of 65
MODYUL 2
PAGHUBOG NG KONSENSIYA BATAY SA
LIKAS NA BATAS MORAL
Noong bata ka pa,
naniniwala ka ba na
ang konsensiya ay
anghel na
bumubulong sa
ating tainga kapag
tayo ay gumagawa
ng hindi mabuti?
O itinuturing mo
ito bilang isang
“tinig ng Diyos”
na kumakausap
sa atin tuwing
magpapasiya
tayo?
Anuman ang iyong paniniwala,
hindi natin makakalimutan ang
payo ng mga nakatatanda na
sundin ang ating konsensiya.
Pero pa’no natin masisiguro na
tama ng sinasabi ng ating
konsensiya?
Sa ating buhay,
humaharap tayo
sa maraming
katanungan gaya
ng “ano,” “alin,”
“paano,” at
“bakit.”
Kailangang gumawa tayo ng mga
pasiya mula sa ating pagkagising
sa umaga hanggang sa pagtulog sa
gabi.
Ang ilan sa mga pasiyang ginagawa
natin ay maituturing na
pangkaraniwan lamang, samantalang
ang iba ay may kabigatan dahil
nakasalalay sa mga ito ang pagbuo
ng ating pagkatao at kapakanan ng
kapwa.
Sa mga sitwasyong nabanggit,
ginagamit natin ang ating konsensiya.
Sa ating pang-araw-araw na
pakikibaka sa buhay, ginagamit
natin ang ating konsensiya
ng hindi natin
namamalayan.
Mahalagang
maunawaan nang
mabuti kung ano talaga
ito dahil malaki ang
maitutulong nito sa
pagpapaunlad ng ating
pagkatao at ng ating
ugnayan sa ating kapwa
at sa Diyos.
Ang konsensiya ang
munting tinig sa loob ng
tao na nagbibigay ng
payo sa tao at nag-uutos
sa kanya sa gitna ng
isang moral na
pagpapasiya kung paano
kumilos sa isang
konkretong sitwasyon
Dalawang elemento ng konsensiya:
Una, ang pagninilay upang
maunawaan kung ano ang tama
at mali, mabuti o masama: at
paghatol na ang isang gawain ay
tama o mali, mabuti o masama.
Pangalawa, ang
pakiramdam ng
obligasyong
gawin ang
mabuti.
Ayon kay Santo Tomas de Aquino ang
konsensiya ay:
• tumatayong testigo sa kilos na
ginawa o hindi ginawa
• pumupukaw sa tao na
nagpapaalala ng dapat at hindi
dapat gawin
• bumabagabag sa tao kapag
gumawa siya ng masama.
Malinaw sa atin ang sinasabi ng
konsensiya:
Gawin ang mabuti,
iwasan ang masama.
Ngunit hindi ito nagbibigay ng
katiyakan na ang mabuti ang
pipiliin ng tao. Nagkakaroon ng
pagtitimbang ng tama at
maling katuwiran sa loob ng
tao.
Kung ano ang naging kilos, iyon
ang naging bunga ng ginawang
pagtitimbang at pagpili
kasama ang isip, kilos-loob at
damdamin.
Kung mabuti ang
kilos,
nangangahulugan
ito na ang kaalaman
ng tao tungkol sa
katotohanan ay
tama.
Kung masama ang ikinilos,
nangangahulugan ito na taliwas
sa katotohanan ang taglay niyang
kaalaman o hindi pa gaanong
matatag ang kaniyang
paninindigan sa sarili.
Ibig sabihin maaaring magkamali
ang paghuhusga ng konsensiya
kung tama o mali ang isang kilos.
May mga pagkakataon na hindi
ito kinikilalang masama dahil sa
kamangmangan ng tao.
Ang kamangmangan ay ang
kawalan ng kaalaman sa isang
bagay.
Mga Uri ng Kamangmangan
1. Kamangmangang madaraig
(vincible ignorance)
2. Kamangmangan na di-madaraig
(invincible ignorance)
1. Kamangmangang madaraig
Ang kamangmangan ay madaraig
kung mayroong pamamaraan na
magagawa ang isang tao upang
malampasan ito at ang
pagkakaroon ng kaalaman dito ay
magagawa sa pamamagitan ng
pagsisikap at pag-aaral.
Kamangmangang madaraig
Ang kamangmangan ay dahil na
sa sariling kapabayan ng tao.
May pagkakataon ang tao na
makaalam ngunit hindi nagbigay
ng panahon at pagsisikap upang
malaman ang tama at mali.
Kamangmangang madaraig
Nangyayari ito kapag may
nararamdaman ang taong pag-
aalinlangan ngunit walang
pagsisikap na maunawaan ang
tunay na mabuti o masama.
2. Kamangmangan na di-madaraig
Ang kamangmangan ay di madaraig
kung walang pamamaraan na
magagawa ang isang tao upang ito
ay malampasan. Ito ang uri ng
kamangmangan na bumabawas o
tumatanggal sa pananagutan ng tao
sa kaniyang kilos o pasiya.
Kamangmangan na di-madaraig
Ang paghusga nang tama ng tao
sa isang bagay na buong
katapatan na pinaniniwalaan na
tama ay hindi maituturing na
pagkakamali.
Hindi masisisi ang tao sa kanyang
kamangmangan.
Paminsan-minsan nahaharap tayo
sa krisis kapag hindi natin alam ang
gagawin sa isang sitwasyon.
Ang “krisis” ay isang kritikal na
sandali sa ating buhay; hindi ito
palaging isang negatibong
sitwasyon.
Ngunit dumarating ang
pagkakataon na hindi tayo
sigurado sa kung ano ang
gagawin .
Dahil dito, kinakailangan natin
ang ating konsensiya kaya
mahalagang pag-aralan ang
proseso upang magamit ito nang
mabuti.
Apat na Yugto ng Konsensiya
Unang Yugto:
Alamin at naisin ang mabuti
Ang tao ay nilikha na may likas na
pagnanais sa mabuti at totoo.
Binigyan siya ng kakayahang
malaman kung ano ang mabuti at
totoo.
Sa kabila nito, bakit kaya maraming
tao ang gumagawa pa rin ng bagay
na masama?
Ikalawang Yugto:
Ang pagkilatis sa partikular na
kabutihan sa isang sitwasyon
Ang ilang gawaing kaugnay nito
ay ang pag-aaral sa sitwasyon,
pangangalap ng impormasyon,
pagsangguni na sinusundan ng
pagninilay na naghahatid sa
paghatol sa konsensiya.
Ikatlong Yugto:
Paghatol para sa mabuting
pasiya at kilos
Ang ikatlong yugto ay ay oras ng
paghatol ng konsensiya, kung
saan wari’y sinasabi sa atin, “ Ito
ay mabuti, ito ang kailangan
mong gawin” o kaya ay, “ Ito ay
masama, hindi mo nararapat
gawin.”
Ikaapat na Yugto:
Pagsusuri ng Sarili/Pagninilay
Sa sandaling ito, binabalikan natin
ang ginawang paghatol.
Pagninilayan natin ang ating
paghatol upang matuto sa ating
karanasan.
Saan nga ba
nararapat
ibatay ang
paghubog ng
konsensiya?
Bagaman sinasabi na ang konsensiya
ang batayan ng isip sa paghuhusga
ng mabuti at masama, may mataas
na pamantayan pa kaysa rito.
Ang pinakamataas na batayan ng kilos
ay ang Likas na Batas Moral
Likas na Batas Moral
• Ito ang batayan ng konsensiya sa
paghusga o pagsukat ng kilos
• Ibinigay sa tao noong siya ay likhain
• Ito ang dahilan kung paanong ang
tao ay may kakayahang makilala ang
mabuti at masama
• Nakasaad sa
batas na ito ang
dapat gawin at
di dapat gawin
ng tao; kaya’t
ito ay
gumagabay sa
kilos ng tao.
Ang mga Prinsipyo ng Likas
na Batas Moral
Unang Prinsipyo ng Likas na Batas
Moral
Gawin ang mabuti, iwasan ang masama
Hindi nagbabago ang Likas na Batas
Moral. Hindi ito nakikisabay sa
pagbabago ng panahon o nakabatay sa
pangangailangan ng sitwasyon.
Ang mga Pangalawang Prinsipyo ng
Likas na Batas Moral
1. Kasama ng lahat ng may
buhay, may kahiligan ang
taong pangalagaan ang
kaniyang buhay.
Ang mga Pangalawang Prinsipyo ng
Likas na Batas Moral
2. Kasama ng mga hayop (mga
nilikhang may buhay at
pandama), likas sa tao (nilikhang
may kamalayan at kalayaan) ang
pagpaparami ng uri at papag-
aralin ang mga anak.
Ang mga Pangalawang Prinsipyo ng
Likas na Batas Moral
3. Bilang rasyonal na nilalang, may
likas na kahiligan ang tao na
alamin ang katotohanan at
mabuhay sa lipunan.
Mga hakbang sa paghubog ng
konsensiya ng tao ayon kay
Sr. Felicidad Lipio
Mga hakbang sa paghubog ng
konsensiya ng tao
1. Matapat at masunuring isagawa
ang paghahanap at paggalang sa
katotohanan.
Mga hakbang sa paghubog ng
konsensiya ng tao
2. Maglaan ng panahon para sa
regular na panalangin
Mga Antas ng Paghubog ng
Konsensiya
Una, ang antas ng likas na
pakiramdam at reaksyon
• Nagsimula ito sa pagkabata.
• Dahil hindi pa sapat ang kaalaman ng
isang bata, umaasa lamang ito sa
paggabay at pagbabawal ng kanyang
magulang.
• Sa ganitong pagkakataon sa labas
nagmumula ang pagpipigil sa kanyang
moralidad.
Ikalawa, ang antas ng superego
• Habang lumalaki ang isang bata malaki ang
bahagi na ginagampanan ng isang taong may
awtoridad.
• Ang awtoridad na ito ang nagpapatakbo ng
kilos moral ng isang bata.
• Sa yugtong ito, umiiral ang superego – ang
mga pagpapalagay at utos ng mga magulang
at taong makapangyarihan
Ikatlo, ang pagkilos ng “konsensiyang
moral”
• Ito ang antas kung saan ang isang tao
ay nalalaman na kung ano ang tama
at mali at nararamdaman na niya ang
epekto sa kanyang sarili.
• Natututunan niyang tanggapin at
isaloob ang mga mabuting prinsipyo
at pagpapahalagang moral mula sa
kanyang mga magulang
Ang layunin sa paghubog sa
konsensiya ay mahubog ang
pagkatao batay sa mga
pagsasabuhay ng mga birtud,
pagpapahalaga at katotohanan
upang matiyak na ang sarili ay
magpapasiya at kikilos batay sa
kung ano ang tama at mali.
Upang higit na mapaunlad ang
paghubog ng konsensiya,
makabubuti na humingi ng gabay
sa mga sumusunod:
a. Mga taong may
kaalaman at
nagsasabuhay ng
mga
pagpapahalagang
moral
b. Sa simbahan,
mula sa mga
turo, panulat at
magandang
halimbawa ng
mga pari, pastor
at iba pang
namumuno dito.
c. Sa Diyos
gamit ang
kanyang mga
salita at
halimbawa
Sa proseso ng paghubog ng konsensiya
gamitin nang mapanagutan ang mga
sumusunod:
a. isip
b. kilos-loob
c. puso
d. kamay
Isip
Sa pamamagitan ng
• pag-aaral
• pagkatuto
• pagtatanong
• pag-alam at
pagkuha ng mga
impormasyon
• Paghingi ng payo
• Panalangin
• Pagkakaroon ng kahandaan na
baguhin ang nilalaman ng isip
• Pag-unawa sa birtud
Kilos-loob
• Sa pamamagitan ng pagpili,
pagpapasiya at pagkilos tungo sa
kabutihan at pagninilay kung ang
nabubuong pagkatao sa sarili ay
patungo sa paglinang ng pagka-
personalidad.
Puso
• Pananalangin
• pagkakaroon ng mas malalim na
kakayahan sa pagkilala ng mabuti
laban sa masama
• kahandaan na mas piliin ang
mabuti
Kamay
• Palaging isakilos ang
ginawang pagpili sa
mabuti,
• pagkakaroon ng
pananagutan sa
anumang kilos,
• pagsasabuhay ng mga birtud
• Pagpapahalaga at pakikihalubilo sa
mga taong tunay na sumusuporta sa
paghubog ng mga moral na
pagpapahalaga
“Ang ating mga pagkabigo ay daan tungo sa
ating pag-unlad. Tinatawag tayo upang
maging ganap sa salita at gawa. Kung ano
tayo at kung magiging ano tayo ay
nakasalalay sa ating moral na gawain. Ang
mga gawaing itoay humuhubogsaating
pagkatao, pag-uugali at buong buhay”
- Hango sa aklat na Konsensiya
( Lipio, 2004)

More Related Content

Similar to EsP10-Modyul-2.pptx

PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptx
PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptxPPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptx
PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptxJulia Valenciano
 
Pananagutan sa Kalalabasan ng Sariling Kilos at Pasiya.pptx
Pananagutan sa Kalalabasan ng Sariling Kilos at Pasiya.pptxPananagutan sa Kalalabasan ng Sariling Kilos at Pasiya.pptx
Pananagutan sa Kalalabasan ng Sariling Kilos at Pasiya.pptxKaye Flores
 
MODULE-11-1-PANLOOB-NA-SALIK-NA-NAKAKAIMPLUWENSIYA-SA-PAGPAPAHALAGA.pptx
MODULE-11-1-PANLOOB-NA-SALIK-NA-NAKAKAIMPLUWENSIYA-SA-PAGPAPAHALAGA.pptxMODULE-11-1-PANLOOB-NA-SALIK-NA-NAKAKAIMPLUWENSIYA-SA-PAGPAPAHALAGA.pptx
MODULE-11-1-PANLOOB-NA-SALIK-NA-NAKAKAIMPLUWENSIYA-SA-PAGPAPAHALAGA.pptxROWENAVILLAMIN7
 
Q1-WEEK-2-konsensiya-DAY-1-DAY2.pptx
Q1-WEEK-2-konsensiya-DAY-1-DAY2.pptxQ1-WEEK-2-konsensiya-DAY-1-DAY2.pptx
Q1-WEEK-2-konsensiya-DAY-1-DAY2.pptxreginasudaria
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul 3
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul 3Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul 3
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul 3Rachalle Manaloto
 
PAGHUBOG NG KONSENSYA BATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL.ppt
PAGHUBOG NG  KONSENSYA BATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL.pptPAGHUBOG NG  KONSENSYA BATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL.ppt
PAGHUBOG NG KONSENSYA BATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL.pptdsms15
 
ESP Grade 10 Modules 7 and 8
ESP Grade 10 Modules 7 and 8ESP Grade 10 Modules 7 and 8
ESP Grade 10 Modules 7 and 8Francis Hernandez
 
MGA PANLOOB NA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA PAGHUBOG.pptx
MGA PANLOOB NA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA PAGHUBOG.pptxMGA PANLOOB NA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA PAGHUBOG.pptx
MGA PANLOOB NA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA PAGHUBOG.pptxEricksonCalison1
 
ESP 7 - Birtud- Aralin sa Edukasyon.pptx
ESP 7 - Birtud- Aralin sa Edukasyon.pptxESP 7 - Birtud- Aralin sa Edukasyon.pptx
ESP 7 - Birtud- Aralin sa Edukasyon.pptxsharmmeng
 
Design with fonts.pptx
Design with fonts.pptxDesign with fonts.pptx
Design with fonts.pptxMarivicYang1
 
Mga Panloob na Salik ng Pagpapahalaga
Mga Panloob na Salik ng PagpapahalagaMga Panloob na Salik ng Pagpapahalaga
Mga Panloob na Salik ng PagpapahalagaEddie San Peñalosa
 
4. Paghubog ng Konsiyensiya Batay.pptx
4. Paghubog ng Konsiyensiya Batay.pptx4. Paghubog ng Konsiyensiya Batay.pptx
4. Paghubog ng Konsiyensiya Batay.pptxEduardoReyBatuigas2
 

Similar to EsP10-Modyul-2.pptx (20)

Konsensiya
KonsensiyaKonsensiya
Konsensiya
 
PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptx
PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptxPPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptx
PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptx
 
M112
M112M112
M112
 
Pananagutan sa Kalalabasan ng Sariling Kilos at Pasiya.pptx
Pananagutan sa Kalalabasan ng Sariling Kilos at Pasiya.pptxPananagutan sa Kalalabasan ng Sariling Kilos at Pasiya.pptx
Pananagutan sa Kalalabasan ng Sariling Kilos at Pasiya.pptx
 
MODULE-11-1-PANLOOB-NA-SALIK-NA-NAKAKAIMPLUWENSIYA-SA-PAGPAPAHALAGA.pptx
MODULE-11-1-PANLOOB-NA-SALIK-NA-NAKAKAIMPLUWENSIYA-SA-PAGPAPAHALAGA.pptxMODULE-11-1-PANLOOB-NA-SALIK-NA-NAKAKAIMPLUWENSIYA-SA-PAGPAPAHALAGA.pptx
MODULE-11-1-PANLOOB-NA-SALIK-NA-NAKAKAIMPLUWENSIYA-SA-PAGPAPAHALAGA.pptx
 
Q1-WEEK-2-konsensiya-DAY-1-DAY2.pptx
Q1-WEEK-2-konsensiya-DAY-1-DAY2.pptxQ1-WEEK-2-konsensiya-DAY-1-DAY2.pptx
Q1-WEEK-2-konsensiya-DAY-1-DAY2.pptx
 
ESP-REVIEWER.pdf
ESP-REVIEWER.pdfESP-REVIEWER.pdf
ESP-REVIEWER.pdf
 
Konsiyensiya
KonsiyensiyaKonsiyensiya
Konsiyensiya
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul 3
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul 3Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul 3
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul 3
 
PAGHUBOG NG KONSENSYA BATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL.ppt
PAGHUBOG NG  KONSENSYA BATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL.pptPAGHUBOG NG  KONSENSYA BATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL.ppt
PAGHUBOG NG KONSENSYA BATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL.ppt
 
ESP Grade 10 Modules 7 and 8
ESP Grade 10 Modules 7 and 8ESP Grade 10 Modules 7 and 8
ESP Grade 10 Modules 7 and 8
 
MGA PANLOOB NA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA PAGHUBOG.pptx
MGA PANLOOB NA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA PAGHUBOG.pptxMGA PANLOOB NA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA PAGHUBOG.pptx
MGA PANLOOB NA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA PAGHUBOG.pptx
 
Lesson-3-Quarter-1.pptx
Lesson-3-Quarter-1.pptxLesson-3-Quarter-1.pptx
Lesson-3-Quarter-1.pptx
 
ESP 7 - Birtud- Aralin sa Edukasyon.pptx
ESP 7 - Birtud- Aralin sa Edukasyon.pptxESP 7 - Birtud- Aralin sa Edukasyon.pptx
ESP 7 - Birtud- Aralin sa Edukasyon.pptx
 
Design with fonts.pptx
Design with fonts.pptxDesign with fonts.pptx
Design with fonts.pptx
 
Mga Panloob na Salik ng Pagpapahalaga
Mga Panloob na Salik ng PagpapahalagaMga Panloob na Salik ng Pagpapahalaga
Mga Panloob na Salik ng Pagpapahalaga
 
module-6-day3.docx
module-6-day3.docxmodule-6-day3.docx
module-6-day3.docx
 
4. Paghubog ng Konsiyensiya Batay.pptx
4. Paghubog ng Konsiyensiya Batay.pptx4. Paghubog ng Konsiyensiya Batay.pptx
4. Paghubog ng Konsiyensiya Batay.pptx
 
M11part1
M11part1M11part1
M11part1
 
Grade 10 ESP MODULE 3
Grade 10 ESP MODULE 3Grade 10 ESP MODULE 3
Grade 10 ESP MODULE 3
 

Recently uploaded

pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxChristineJaneWaquizM
 
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxIBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxlouieilo1
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxNicaGobalizaEsquilon
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxjudilynmateo2
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaChristineJaneWaquizM
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxRioOrpiano1
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoChristineJaneWaquizM
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxRoseAnneOcampo1
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasRonalynGatelaCajudo
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxDahlvinJaro
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptxAP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptxResty Rioveros
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....ryannioda32
 

Recently uploaded (20)

pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
 
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxIBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptxAP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
 

EsP10-Modyul-2.pptx

  • 1. MODYUL 2 PAGHUBOG NG KONSENSIYA BATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL
  • 2. Noong bata ka pa, naniniwala ka ba na ang konsensiya ay anghel na bumubulong sa ating tainga kapag tayo ay gumagawa ng hindi mabuti?
  • 3. O itinuturing mo ito bilang isang “tinig ng Diyos” na kumakausap sa atin tuwing magpapasiya tayo?
  • 4. Anuman ang iyong paniniwala, hindi natin makakalimutan ang payo ng mga nakatatanda na sundin ang ating konsensiya. Pero pa’no natin masisiguro na tama ng sinasabi ng ating konsensiya?
  • 5. Sa ating buhay, humaharap tayo sa maraming katanungan gaya ng “ano,” “alin,” “paano,” at “bakit.”
  • 6. Kailangang gumawa tayo ng mga pasiya mula sa ating pagkagising sa umaga hanggang sa pagtulog sa gabi.
  • 7. Ang ilan sa mga pasiyang ginagawa natin ay maituturing na pangkaraniwan lamang, samantalang ang iba ay may kabigatan dahil nakasalalay sa mga ito ang pagbuo ng ating pagkatao at kapakanan ng kapwa. Sa mga sitwasyong nabanggit, ginagamit natin ang ating konsensiya.
  • 8. Sa ating pang-araw-araw na pakikibaka sa buhay, ginagamit natin ang ating konsensiya ng hindi natin namamalayan.
  • 9. Mahalagang maunawaan nang mabuti kung ano talaga ito dahil malaki ang maitutulong nito sa pagpapaunlad ng ating pagkatao at ng ating ugnayan sa ating kapwa at sa Diyos.
  • 10. Ang konsensiya ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa tao at nag-uutos sa kanya sa gitna ng isang moral na pagpapasiya kung paano kumilos sa isang konkretong sitwasyon
  • 11. Dalawang elemento ng konsensiya: Una, ang pagninilay upang maunawaan kung ano ang tama at mali, mabuti o masama: at paghatol na ang isang gawain ay tama o mali, mabuti o masama.
  • 13. Ayon kay Santo Tomas de Aquino ang konsensiya ay: • tumatayong testigo sa kilos na ginawa o hindi ginawa • pumupukaw sa tao na nagpapaalala ng dapat at hindi dapat gawin • bumabagabag sa tao kapag gumawa siya ng masama.
  • 14. Malinaw sa atin ang sinasabi ng konsensiya: Gawin ang mabuti, iwasan ang masama.
  • 15. Ngunit hindi ito nagbibigay ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao. Nagkakaroon ng pagtitimbang ng tama at maling katuwiran sa loob ng tao.
  • 16. Kung ano ang naging kilos, iyon ang naging bunga ng ginawang pagtitimbang at pagpili kasama ang isip, kilos-loob at damdamin.
  • 17. Kung mabuti ang kilos, nangangahulugan ito na ang kaalaman ng tao tungkol sa katotohanan ay tama.
  • 18. Kung masama ang ikinilos, nangangahulugan ito na taliwas sa katotohanan ang taglay niyang kaalaman o hindi pa gaanong matatag ang kaniyang paninindigan sa sarili.
  • 19. Ibig sabihin maaaring magkamali ang paghuhusga ng konsensiya kung tama o mali ang isang kilos. May mga pagkakataon na hindi ito kinikilalang masama dahil sa kamangmangan ng tao.
  • 20. Ang kamangmangan ay ang kawalan ng kaalaman sa isang bagay.
  • 21. Mga Uri ng Kamangmangan 1. Kamangmangang madaraig (vincible ignorance) 2. Kamangmangan na di-madaraig (invincible ignorance)
  • 22. 1. Kamangmangang madaraig Ang kamangmangan ay madaraig kung mayroong pamamaraan na magagawa ang isang tao upang malampasan ito at ang pagkakaroon ng kaalaman dito ay magagawa sa pamamagitan ng pagsisikap at pag-aaral.
  • 23. Kamangmangang madaraig Ang kamangmangan ay dahil na sa sariling kapabayan ng tao. May pagkakataon ang tao na makaalam ngunit hindi nagbigay ng panahon at pagsisikap upang malaman ang tama at mali.
  • 24. Kamangmangang madaraig Nangyayari ito kapag may nararamdaman ang taong pag- aalinlangan ngunit walang pagsisikap na maunawaan ang tunay na mabuti o masama.
  • 25. 2. Kamangmangan na di-madaraig Ang kamangmangan ay di madaraig kung walang pamamaraan na magagawa ang isang tao upang ito ay malampasan. Ito ang uri ng kamangmangan na bumabawas o tumatanggal sa pananagutan ng tao sa kaniyang kilos o pasiya.
  • 26. Kamangmangan na di-madaraig Ang paghusga nang tama ng tao sa isang bagay na buong katapatan na pinaniniwalaan na tama ay hindi maituturing na pagkakamali. Hindi masisisi ang tao sa kanyang kamangmangan.
  • 27. Paminsan-minsan nahaharap tayo sa krisis kapag hindi natin alam ang gagawin sa isang sitwasyon. Ang “krisis” ay isang kritikal na sandali sa ating buhay; hindi ito palaging isang negatibong sitwasyon.
  • 28. Ngunit dumarating ang pagkakataon na hindi tayo sigurado sa kung ano ang gagawin . Dahil dito, kinakailangan natin ang ating konsensiya kaya mahalagang pag-aralan ang proseso upang magamit ito nang mabuti.
  • 29. Apat na Yugto ng Konsensiya Unang Yugto: Alamin at naisin ang mabuti
  • 30. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo. Binigyan siya ng kakayahang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na masama?
  • 31. Ikalawang Yugto: Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon
  • 32. Ang ilang gawaing kaugnay nito ay ang pag-aaral sa sitwasyon, pangangalap ng impormasyon, pagsangguni na sinusundan ng pagninilay na naghahatid sa paghatol sa konsensiya.
  • 33. Ikatlong Yugto: Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos
  • 34. Ang ikatlong yugto ay ay oras ng paghatol ng konsensiya, kung saan wari’y sinasabi sa atin, “ Ito ay mabuti, ito ang kailangan mong gawin” o kaya ay, “ Ito ay masama, hindi mo nararapat gawin.”
  • 35. Ikaapat na Yugto: Pagsusuri ng Sarili/Pagninilay
  • 36. Sa sandaling ito, binabalikan natin ang ginawang paghatol. Pagninilayan natin ang ating paghatol upang matuto sa ating karanasan.
  • 37. Saan nga ba nararapat ibatay ang paghubog ng konsensiya?
  • 38. Bagaman sinasabi na ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng mabuti at masama, may mataas na pamantayan pa kaysa rito. Ang pinakamataas na batayan ng kilos ay ang Likas na Batas Moral
  • 39. Likas na Batas Moral • Ito ang batayan ng konsensiya sa paghusga o pagsukat ng kilos • Ibinigay sa tao noong siya ay likhain • Ito ang dahilan kung paanong ang tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama
  • 40. • Nakasaad sa batas na ito ang dapat gawin at di dapat gawin ng tao; kaya’t ito ay gumagabay sa kilos ng tao.
  • 41. Ang mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral
  • 42. Unang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral Gawin ang mabuti, iwasan ang masama Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral. Hindi ito nakikisabay sa pagbabago ng panahon o nakabatay sa pangangailangan ng sitwasyon.
  • 43. Ang mga Pangalawang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral 1. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay.
  • 44. Ang mga Pangalawang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral 2. Kasama ng mga hayop (mga nilikhang may buhay at pandama), likas sa tao (nilikhang may kamalayan at kalayaan) ang pagpaparami ng uri at papag- aralin ang mga anak.
  • 45. Ang mga Pangalawang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral 3. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan.
  • 46. Mga hakbang sa paghubog ng konsensiya ng tao ayon kay Sr. Felicidad Lipio
  • 47. Mga hakbang sa paghubog ng konsensiya ng tao 1. Matapat at masunuring isagawa ang paghahanap at paggalang sa katotohanan.
  • 48. Mga hakbang sa paghubog ng konsensiya ng tao 2. Maglaan ng panahon para sa regular na panalangin
  • 49. Mga Antas ng Paghubog ng Konsensiya
  • 50. Una, ang antas ng likas na pakiramdam at reaksyon • Nagsimula ito sa pagkabata. • Dahil hindi pa sapat ang kaalaman ng isang bata, umaasa lamang ito sa paggabay at pagbabawal ng kanyang magulang. • Sa ganitong pagkakataon sa labas nagmumula ang pagpipigil sa kanyang moralidad.
  • 51. Ikalawa, ang antas ng superego • Habang lumalaki ang isang bata malaki ang bahagi na ginagampanan ng isang taong may awtoridad. • Ang awtoridad na ito ang nagpapatakbo ng kilos moral ng isang bata. • Sa yugtong ito, umiiral ang superego – ang mga pagpapalagay at utos ng mga magulang at taong makapangyarihan
  • 52. Ikatlo, ang pagkilos ng “konsensiyang moral” • Ito ang antas kung saan ang isang tao ay nalalaman na kung ano ang tama at mali at nararamdaman na niya ang epekto sa kanyang sarili. • Natututunan niyang tanggapin at isaloob ang mga mabuting prinsipyo at pagpapahalagang moral mula sa kanyang mga magulang
  • 53. Ang layunin sa paghubog sa konsensiya ay mahubog ang pagkatao batay sa mga pagsasabuhay ng mga birtud, pagpapahalaga at katotohanan upang matiyak na ang sarili ay magpapasiya at kikilos batay sa kung ano ang tama at mali.
  • 54. Upang higit na mapaunlad ang paghubog ng konsensiya, makabubuti na humingi ng gabay sa mga sumusunod:
  • 55. a. Mga taong may kaalaman at nagsasabuhay ng mga pagpapahalagang moral
  • 56. b. Sa simbahan, mula sa mga turo, panulat at magandang halimbawa ng mga pari, pastor at iba pang namumuno dito.
  • 57. c. Sa Diyos gamit ang kanyang mga salita at halimbawa
  • 58. Sa proseso ng paghubog ng konsensiya gamitin nang mapanagutan ang mga sumusunod: a. isip b. kilos-loob c. puso d. kamay
  • 59. Isip Sa pamamagitan ng • pag-aaral • pagkatuto • pagtatanong • pag-alam at pagkuha ng mga impormasyon
  • 60. • Paghingi ng payo • Panalangin • Pagkakaroon ng kahandaan na baguhin ang nilalaman ng isip • Pag-unawa sa birtud
  • 61. Kilos-loob • Sa pamamagitan ng pagpili, pagpapasiya at pagkilos tungo sa kabutihan at pagninilay kung ang nabubuong pagkatao sa sarili ay patungo sa paglinang ng pagka- personalidad.
  • 62. Puso • Pananalangin • pagkakaroon ng mas malalim na kakayahan sa pagkilala ng mabuti laban sa masama • kahandaan na mas piliin ang mabuti
  • 63. Kamay • Palaging isakilos ang ginawang pagpili sa mabuti, • pagkakaroon ng pananagutan sa anumang kilos,
  • 64. • pagsasabuhay ng mga birtud • Pagpapahalaga at pakikihalubilo sa mga taong tunay na sumusuporta sa paghubog ng mga moral na pagpapahalaga
  • 65. “Ang ating mga pagkabigo ay daan tungo sa ating pag-unlad. Tinatawag tayo upang maging ganap sa salita at gawa. Kung ano tayo at kung magiging ano tayo ay nakasalalay sa ating moral na gawain. Ang mga gawaing itoay humuhubogsaating pagkatao, pag-uugali at buong buhay” - Hango sa aklat na Konsensiya ( Lipio, 2004)