SlideShare a Scribd company logo
1 of 19
Download to read offline
CO_Q1_ESP10_Module4
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4
Paghubog ng Konsiyensiya Batay
sa Likas na Batas Moral
10
CO_Q1_ESP10_Module4
Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan: Paghubog ng Konsiyensiya batay sa Likas na Batas Moral
First Edition, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera
Office Address: Wangal, La Trinidad, Benguet
Telefax: (074)-422-4074
E-mail Address: car@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jacqueline P. Puyao
Editor: Annie Rose B. Cayasen, Ed.D - Regional EPS - EsP
Tagasuri: Erlinda C. Quinuan – Division EPS - EsP
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: May B. Eclar, Ph.D. CESO V – Regional Director
Benilda M. Daytaca,EdD, CESO VI – OIC-SDS-SDO Benguet
Carmel F. Meris – Chief Education Supervisor CLMD
Ethielyn Taqued - Regional EPS - LRMDS
Edgar Madlaing – Regional EPS – AP/ADM Focal Person
Rizalyn A. Guznian, Ed.D. – Chief Education Supervisor CID
Sonia D. Dupagan, Ed.D. – Division EPS LRMDS
Vicenta C. Danigos – Principal I
10
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Unang Markahan – Modyul 4
Paghubog ng Konsiyensiya batay
sa Likas na Batas Moral
ii
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman
ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
1 CO_Q1_ESP10_Module4
Ang modyul na ito ay isinulat para matugunan ang iba’t ibang paraan ng
pagkatuto ng bawat mag-aaral. Hangad ng modyul na ito na maunawaan mong
lubos ang kahalagahan ng Likas na Batas oral sa paghubog ng konsensiya. Ang
saklaw ng araling napapaloob sa modyul na ito ay maaring makatulong sa mga
sitwasyong maaaring harapin ng mag-aaral kinabukasan. Kinikilala sa bawat
sitwasyong ginamit ang iba’t-ibang kultura ng bawat mag-aaral na gagamit nito.
Ang bawat aralin ay isinaayos ayon sa katangi-tanging paraan sa pagkatuto ng
bata. Subalit ang mga aralin ay maaring sagutin ayon sa ayos nito sa gamit na
sangguniang aklat.
Pagkatapos mong isagawa ang mga gawain sa modyul na ito, inaasahang
maipamamalas mo ang mga sumusunod:
A. 1. Napatutunayan na ang konsiyensiyang nahubog batay sa Likas na
Batas Moral ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasiya at pagkilos.
(EsP10MP -Ic-2.3)
PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang
letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Kailan masasabi na ang paghusga ng konsensiya ay tama?
A. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung lahat ng kaisipan at
dahilan na kakailanganin sa paglapat ng obhektibong pamantayan ay
naisasakatuparan nang walang pagkakamali.
B. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung walang taong nasaktan
dahil sa desisyong ginawa.
C. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung hindi kailangang pag-
isipan ng maayos ang mga pasiyang kailangang gawin.
D. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung mas maraming tao ang
nakinabang sa kinalabasan ng kilos.
Alamin
Aralin
1
ANG PAGHUBOG NG
KONSENSIYA BATAY SA LIKAS
NA BATAS MORAL
Subukin
2 CO_Q1_ESP10_Module4
2. Bakit ibinigay sa tao ang Likas na Batas Moral noong siya ay likhain?
A. Ibinigay sa tao ang Likas na Batas Moral noong siya ay likhain dahil
nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos.
B. Ibinigay sa tao ang Likas na Batas Moral noong siya ay likhain dahil
nilikha siya ng Diyos ayon sa kanyang wangis.
C. Dahil tao lang ang may isip at kilos-loob
D. Dahil tao lang ang may kakayahang gumawa ng tama.
3. Alin sa mga sumusunod ang unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral?
A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong
pangalagaan ang kaniyang buhay
B. Gawin ang mabuti,iwasan ang masama
C. Kasama ang hayop, likas sa tao ang pagpaparami
D. May likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan.
4. Bakit mahalaga ang tamang paghubog ng konsensiya?
A. Mahalaga ito upang maging ganap na tao
B. Nakatutulong ito sa tao na makilala ang katotohanan
C. Mahalaga ito upang hindi makagawa ng masama
D. Nakatulong ito sa pagpapakatao ng tao.
5. Ano ang ibinigay sa tao noong siya ay likhain?
A. Damit
B. Pangalan
C. Likas na Batas Moral
D. Puso
6. Alin sa mga sumusunod ang nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya at
pagkilos?
A. Batas
B. Mga pagtuturo ng magulang tungkol sa tama o mali.
C. Konsensiyang nahubog sa Batas-Moral
D. Mga batas ng mga may awtoridad
7. Alin sa mga sumusunod ang sinusuri ng konsensiya?
A. Puso
B. Pamumuhay ng isang tao
C. Ang mga maling nagawa ng tao
D. Kung ang kilos ay tama o mali
8. Bakit mahalagang makilala ng tao ang katotohanan sa kahalagahan ng
paghubog sa konsensiya?
A. Upang magamit nang mapanagutan ang kaniyang kalayaan.
B. Upang makaiwas sa paggawa ng kasalanan
C. Upang alam ang gagawin sa mga susunod na araw
D. Upang magkaroon ng maayos na pamumuhay
3 CO_Q1_ESP10_Module4
9. Bakit mahalagang simulan mula bata ang paghubog ng konsensiya?
A. Mahalaga ito upang makaiwas sa gulo.
B. Mahalaga ito upang makaiwas sa maling paghusga sa mabuti o
masama sa hinaharap.
C. Mahalaga ito upang ang gagawin ng bata sa hinaharap ay pawang
kabutihan
D. Mahalaga ito upang masanay siya sa tamang pamumuhay.
10.Ang mga sumusunod ay mga paraan upang maipakita ang pananagutan sa
kilos maliban sa isa.
A. Alamin at unawain ang mga talakayan tungkol sa isyung moral
B. Kilalanin ang mga tunay na pagpapahalagang moral na sangkot sa
isang kilos
C. Iwasan ang mga usapin tungkol sa isyung moral na may kinalaman
sa kilos.
D. Suriin ang mga sariling hangarin.
11.Bakit kailangan nating maglaan ng panahon para sa regular na
pananalangin?
A. Dahil sa pamamagitan nito nahuhubog ang ating konsensiya
B. Dahil ito ay nakasaad sa Likas na Batas Moral
C. Dahil nakasanayan na nating manalangin
D. Dahil ito ang turo sa atin ng Diyos
12.Saan nagmula ang ating kakayahang maunawaan at piliin ang mabuti
patungo sa mabuting pagkilos?
A. Nagmula ito sa mga itinuro sa atin ng ating mga magulang
B. Nagmula sa konsensiyang nahubog nang mahusay
C. Nagmula sa ipinamana ng magulang
D. Nagmula sa mga natututunan sa paaralan
13.Kailan natin masasabi na hinuhubog natin ang ating konsensiya?
A. Kapag kumikilos tayo nang may pananagutan
B. Kapag kumikilos tayo ayon sa utos ng may likha
C. Kapag kumikilos tayo ayon sa kagustuhan natin
D. Kapag kumikilos tayo na walang nasasaktan
14.Alin sa mga sumusunod ang hakbang na makatutulong upang ang
konsensiya ng tao ay kumiling sa mabuti?
A. Iwasan ang mga pagkakamaling nagawa
B. Talikuran ang mga pagkakamali
C. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan na hamon ng buhay
D. Humingi ng tulong sa tamang tao kapag kinakailangan
4 CO_Q1_ESP10_Module4
15.Alin sa mga sumusunod ang pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang
iniisip, salita at gawa?
A. Puso
B. Likas na Batas Moral
C. Konsensiya
D. Kilos-loob
Sa modyul 3, napag-usapan natin ang tungkol sa kahulugan
ngkonsensiya, mga uri ng kamangmangan, mga yugto ng konsensiya at
mgaprinsipyo ng Likas na Batas Moral. Sa ating buhay, marami tayong mga
katanungan. Sa pamamagitan ng ating konsensiya, nakagagawa tayo ng mga
pasya na maaaring makaapekto sa ating pamumuhay. Gaya nga ng sinasabi ng
karamihan, “pag-isipan mo muna ng maraming beses bago ka gumawa ng pasiya”.
Ang konsensiya ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad na gumagabay sa
ating pamumuhay sa ating kabutihan.
Balikan
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa iyong sariling
karanasan.
1. Naranasan mo na bang pasya na pinagsisisihan mo ang epekto nito?
May nasaktan ka bas a ginawa mong pasya na ito? Bakit?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
2. Paano mo naitama o nalampasan ang pasyang iyong nagawa?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
5 CO_Q1_ESP10_Module4
Tuklasin
Gawain 1. Tukuyin mo
PANUTO: Lagyan ng /ang patlang bago ang numero kung ito ay nagpapatunay na
ang konsensiyang nahubog batay sa Likas na Batas Moral ay nagsisilbing gabay sa
tamang pagpapasya at pagkilos at X kung hindi.
______ 1. Alam ng tao ang mabuti at masama at ang magiging epekto nito sa sarili.
_____ 2. Nararamdaman niya na hindi niya dapat ginawa ang isang maling bagay,
hindi dahil sa ito ay ipinagbabawal o nasa batas sa halip alam/nakikita
niya mismo ang mali dito.
_____ 3. Inuuna ang pansariling kabutihan bago ang iba kahit alam niyang mali
ito.
_____ 4. Isinasabuhay ng tao ang mga salita at utos ng Diyos.
_____ 5. Tinitimbang ng tao ang mga katotohanan bago gumawa ng isang hakbang.
_____ 6. Ang paraan ng pagkilos ay nagmula sa konsensiyang nahubog ng maayos.
_____ 7. Pagsisiswalat ng mga impormasyon tungkol sa pinakamatalik na kaibigan
dahil sa hindi pagkakaunawaan.
_____ 8. Sinusuri nang maayos ang sariling hangarin upang matiyak na kumikilos
na ayon sa mabuting layunin.
_____ 9. May kakayahan ang tao na maunawaan at piliin kung ano ang mabuti
patungo sa mabuting paraan ng pagkilos.
_____10. Ibinubulsa ang kaban ng bayan dahil sa sobrang kahirapan ng buhay at
wala namang nakaka-alam sa kilos na ginagawa.
6 CO_Q1_ESP10_Module4
Suriin
Ano ang kaugnayan ng konsensiya sa Likas na Batas Moral?
➢ Sa pamamagitan ng konsensiya nakagagawa ang tao ng pagapapasiya at
nasusunod ang Batas-Moral sa kaniyang buhay.
➢ Ang konsensiya ang pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang
iniisip, salita at gawa ayon sa Likas na Batas Moral na siya namang
batayan upang malaman ang mabuti at masama sa natatanging sitwasyon.
➢ Sinusuri ng konsensiya ang kilos kung ito ay tama o mali
➢ Ang konsensiya ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad.
Mga antas ng paghubog ng konsensiya
1. Ang antas na likas na pakiramdam at reaksiyon. Nagsisimula ito sa
pagkabata. Hindi alam ng bata kung ano ang tama o mali. Umaasa lamang
siya sa mga paalala, paggabay at pagbabawal ng kanyang ga magulang o ng
mga mas nakatatanda.
2. Ang antas ng superego. Malaki ang bahaging ginagampanan ng may
awtoridad sa pagpapasya at pagkilos ng bata. Itinuturo sa bata kung ano
ang mga ipinagbabawal sa lipunan at nagiging bahagi na ito ng kanyang
buhay nang hindi namamalayan.
Kilos-loob
Mga kailangang
gamitin nang
wasto sa
proseso ng
paghubog ng
konsensiya.
Puso
Isip
Layunin ng paghubog ng
konsensiya ang mahubog ang
pagkatao batay sa Likas na
Batas Moral kung saan
naisasabuhay ang mga birtud,
pagpapahalaga at katotohanan.
Kamay
7 CO_Q1_ESP10_Module4
Ayon kay Sr. Felicidad Lipio (2004, ph 55-58), mahuhubog ang konsensiya
ng tao upang kumiling ito sa mabuti kung susundin ang mga hakbang.
1. Matapat at masunuring isagawa ang paghahanap at paggalang sa
katotohanan. Maipakikita ang pananagutan sa kilos kung gagawin ang
mga sumusunod.
a. Kilalanin at pagnilayan ang mga tunay na pagpapahalagang Moral na
sangkot sa isang kilos.
b. Suriin ang mga sariling hangarin upang matiyak na kumikilos sa mga
mabuting layunin at hindi mula sa makasariling interes.
c. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan at hamon sa buhay.
d. Alamin at unawain ang mga talakayan tungkol sa mga napapanahong
isyung moral at mga implikasyong panlipunan ng mga ito.
2. Naglalaan ng panahon para sa regular na panalangin. Ang pakikipag-
ugnayan natin sa Diyos ay nakatutulong sa pagpapanatag ng kalooban,
paglinaw ng pag-iisip at kapayapaan ng puso.
Pagyamanin
Gawain 2. Balikan mo
PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na panuto.
1. Magtala ng dalawang karanasan kung saan nakaranas ka ng “krisis” o
kahirapan sa pamimili ng tama at mabuting pasiya.
2. Kaugnay ng sitwasyong ito, bumuo ng mabuting pasiya kung mahaharap
sa parehong sitwasyon.
3. Gawing gabay ang nasa ibaba.
Sitwasyon sa
buhay
Pasiya o kilos kung
mahaharap sa parehong
sitwasyon
Paliwanag kung
bakit ito ang
pasyang gagawin
8 CO_Q1_ESP10_Module4
Gawain 3. Pagpapasya
PANUTO: Suriin nang maayos ang mga sumusunod na sitwasyon. Sa tapat ng
bawat sitwasyon, gumawa ng sariling pasya at ipaliwanag kung bakit ito ang
naging pasya.
Sitwasyon Ano ang
gagawin
mo (pasya)
Bakit ito ang
naging pasya?
(paliwanag)
1. Inaya ka ng mga kaibigan mo na tumambay
muna sa isang lugar at ag-inuman. Gustong
gusto mong sumama dahil matagal na kayong
hindi lumalaas.Ngunit naalala mo ang bilin ng
iyong mga magulang tungkol sa paggawa ng
mabuti.
2. Isang araw, dumating ang isa sa pinaka
mahirap na pagsubok sa iyong buhay. Kailangan
ng pamilya mo ang malaking halaga ng pera.
Habang ikaw ay naglalakad, may nakita kang
wallet na nahulog. Walang nakakita sa’yo nang
ito’y iyong pulutin. Ang laman nito ay sobra pa sa
kinakailangan ng pamilya mo. Walang ibang
nakalagay sa wallet kundi ang pera lang.
3. May nagawang hindi inaaasahang pagkakamali
ang iyong mga magulang. Inilihim ninyo ito dahil
sa maraming rason. Dahil hindi ka mapakali,
ibinahagi mo ito sa iyong matalik na kaibigan.
Isang araw pagpasok mo ng paaralan, nahuli
mong pinagkakalat ng kaibigan mo ang nagawa
ng iyong mga magulang at hinuhusgahan ka ng
mga kapwa mo mag-aaral. Nasaktan ka sa
ginawa ng iyong kaibigan at gusto mo siyang
awayin.
4. Dahil sa pandemia na Covid 19, marami ang
nangangailangan ng tulong. Ang utos ng
Gobyerno, ang magpapalista lang ay ang mga
walang mapagkukunan ng pera dahil walang
trabaho. Parehong may permanenteng trabaho
ang mga magulang mo ngunit nagpalista pa rin
sila. Samantalang ang kapitbahay ninyo ay hindi
inilista kahit alam nilang walang wala na sila.
5. Isang daan nalang ang natitira mong pera.
Dahil sa lockdown hindi ka makaka-uwi upang
humingi ng pera sa iyong mga magulang. Wala ka
nang pagkain ngunit gustong-gusto mo nang
magload para makapag laro ng ML para hindi ka
maiwan ng mga kaibigan mo.
9 CO_Q1_ESP10_Module4
Isaisip
Gawain 4. Ayusin at Buuin mo
PANUTO: Punan ang mga patlang sa bawat pangungusap. Ayusin muna ang mga
letra sa kahon bago piliin ang tamang sagot sa patlang.
1. Ang ______________ nahubog batay sa Likas na Batas Moral ay nagsisilbing
________________ sa tamang _________________ at ____________________ .
2. _____________________ ng konsensiya ang __________________ kung ito ay
_______________________ o ________________ .
Isagawa
Gawain 5. Natutunan mo, Ibahagi mo
PANUTO: Sagutin ang tanong sa ibaba sa pamamagitan ng isang sanaysay.
Paano magsisilbing gabay sa pagpapasiya at pagkilos ang konsensiyang
nahubog batay sa Likas na Batas Moral?
Mga pamantayan sa Gawain
Pamantayan Iskala Iskor
Nilalaman 10
Pagbuo 5
Pagkamalikhain 5
Kabuuan 20
GNAYISNESNOK - __________________ MLIA - _________________ AAYBG - ______________
PPPAAAAGYIS - ___________________ IIUUSSNR - _____________ TMAA - ______________
LKSIO - __________________________ PGKLAIOS - ______________
10 CO_Q1_ESP10_Module4
Tayahin
PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang
letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit may Likas na Batas Moral?
A. Hindi ito maihahalintulad sa pagbabago na hindi natatapos.
B. Kailangan ito ng lahat ng tao
C. Mahalagang isabuhay ng bawat isa para sa ikabubuti ng lahat.
D. Upang bigyang direksiyon ang pamumuhay ng tao.
2. Ang konsensiya ng tao kung saan nakalapat na ang Lkas na Batas Moral ay
ginagamit na ________________________.
A. Pagbabago sa mga bagay na nagawa.
B. Batayan ng kabutihan ng mga gawain.
C. Personal na pamantayang moral ng tao.
D. Batayan sa karunungan at kabutihan ng Diyos..
3. Ano ang layunin ng Likas na Batas Moral?
A. Kalayaan ng tao
B. Kabutihan ng tao
C. Kahusayan ng tao
D. Kaayusan ng tao
4. Ito ang ginagamit sa pagpapasiya kung ano ang tama at mali sa
kasalukuyang panahon.
A. Likas na Batas Moral
B. Konsensiya na nahubog sa batas-moral
C. Kalayaan
D. Isip, puso at kamay
5. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman ganap na mahahanap ng tao
ang _____________.
A. Katotohanan
B. kapayapaan
C. yaman
D. katalinuhan
6. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng paghubog ng konsensiya?
A. Mahalaga ito upang maging ganap na tao
B. Nakatutulong ito sa tao na makilala ang katotohanan
C. Mahalaga ito upang hindi makagawa ng masama
D. Nakatutulong ito sa pagpapakatao ng tao.
11 CO_Q1_ESP10_Module4
7. Ito ay pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang iniisip, salita at gawa
A. Kilos-Loob
B. Konsensiya
C. Mga batas
D. May awtoridad
8. Ano ang dahilan kung bakit mahalagang malaman ng tao ang katotohanan
tungkol sa paghubog ng konsesniya?
A. Upang alam ang gagawin sa mga susunod na araw
B. Upang magamit nang mapanagutan ang kaniyang kalayaan.
C. Upang makaiwas sa paggawa ng kasalanan
D. Upang magkaroon ng maayos na pamumuhay
9. Bakit kailangan nating maglaan ng panahon para sa regular na
pananalangin?
A. Dahil sa pamamagitan nito nahuhubog ang ating konsensiya
B. Dahil ito ay nakasaad sa Likas na Batas Moral
C. Dahil nakasanayan na nating manalangin
D. Dahil ito ang turo sa atin ng Diyos
10.Isa sa mga sumusunod ang hakbang na makatutulong upang ang konsensiya
ng tao ay kumiling sa mabuti.
A. Humingi ng tulong sa tamang tao kapag kinakailangan
B. Iwasan ang mga pagkakamaling nagawa
C. Talikuran ang mga pagkakamali
D. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan a hamon ng buhay
11.Ano ang nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya at pagkilos?
A. Batas
B. Mga pagtuturo ng magulang tungkol sa tama o mali.
C. Konsensiyang nahubog sa Batas-Moral
D. Mga batas ng mga may awtoridad
12.Alin sa mga sumusunod ang sinusuri ng konsensiya?
A. Kung ang kilos ay tama o mali
B. Pamumuhay ng isang tao
C. Ang mga maling nagawa ng tao
D. Kung nakagawa ka ng kabutihan
13. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng pagsisimula mula pagkabata
ang paghubog ng konsensiya?
A. Mahalaga ito upang makaiwas sa gulo.
B. Mahalaga ito upang makaiwas sa maling paghusga sa mabuti o
masama sa hinaharap.
C. Mahalaga ito upang ang gagawin ng bata sa hinaharap ay pawang
kabutihan
D. Mahalaga ito upang masanay siya sa tamang pamumuhay.
12 CO_Q1_ESP10_Module4
14.Ang ating kakayahang maunawaan at piliin ang mabuti patungo sa mabuting
pagkilos ay nagmula sa __________________.
A. Nagmula ito sa mga itinuro sa atin ng ating mga magulang
B. Nagmula sa mga itinuturo ng mga awtoridad.
C. Nagmula sa ipinamana ng magulang
D. Nagmula sa konsensiyang nahubog nang mahusay
15.Kailan natin masasabi na hinuhubog natin ang ating konsensiya?
A. Kapag kumikilos tayo na walang nasasaktan
B. Kapag kumikilos tayo nang may pananagutan
C. Kapag kumilos tayo ayon s autos ng may likha
D. Kapag kumikilos tayo ayon sa kagustuhan natin
Karagdagang Gawain
PANUTO: Sa pamamagitan ng pagsulat ng kanta, tula o pagguhit, sagutin ang
tanong. Gawin ito sa isang malinis na papel.
Tanong: Paano magsisilbing gabay ang konsensiyang nahubog batay sa Likas na
Batas Moral sa tamang pagpapasiya at pagkilos?
Mga pamantayan sa Gawains
Pamantayan Iskala Iskor
Nilalaman 5
Organisasyon 5
Pagkamalikhain 5
Kabuuan 15
13 CO_Q1_ESP10_Module4
Susi sa pagwawasto
Subukin
1.
A
2.
A
3.
B
4.
B
5.
C
6.
C
7.
D
8.
A
9.
B
10.C
11.
A
12.
B
13.
A
14.
C
15.
D
Tuklasin
1.
/
2.
/
3.
X
4.
/
5.
/
6.
/
7.
X
8.
/
9.
/
10.X
Tayahin
1.
D
2.
C
3.
B
4.
B
5.
A
6.
B
7.
B
8.
B
9.
A
10.D
11.
C
12.
A
13.
B
14.
D
15.
B
14 CO_Q1_ESP10_Module4
Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Modyul para sa mga mag-aaral; Modyul 6;
Ang kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Batas Moral
Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Modyul para sa mga mag-aaral; Modyul 3:
Paghubog ng Konsensiya batay sa Likas na Batas Moral.
Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 7 ph. 4/13
https://www.slideshare.net/sheter/modyul-6-konsensiya Ang kaugnayan
ngKonsesniya sa Likas na Batas Moral
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

More Related Content

Similar to SLMQ1G10ESPM4.pdf

AP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docxAP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docx23december78
 
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdfesp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdfMaryGraceSepida1
 
Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014EDITHA HONRADEZ
 
Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014EDITHA HONRADEZ
 
Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014EDITHA HONRADEZ
 
Grade 3 EsP Teachers Guide
Grade 3 EsP Teachers GuideGrade 3 EsP Teachers Guide
Grade 3 EsP Teachers GuideLance Razon
 
Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014EDITHA HONRADEZ
 
Esp3tgdraft4 140613073650-phpapp02
Esp3tgdraft4 140613073650-phpapp02Esp3tgdraft4 140613073650-phpapp02
Esp3tgdraft4 140613073650-phpapp02jennifer Tuazon
 
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfesp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfjashemar1
 
SLMQ1G10ESPM2.pdf
SLMQ1G10ESPM2.pdfSLMQ1G10ESPM2.pdf
SLMQ1G10ESPM2.pdfJosephDy8
 
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)Mika Cristobal
 
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)HazelManaay1
 
EsP10-Q1-M1-Ang Mataan na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob-Final Copy ...
EsP10-Q1-M1-Ang Mataan na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob-Final Copy ...EsP10-Q1-M1-Ang Mataan na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob-Final Copy ...
EsP10-Q1-M1-Ang Mataan na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob-Final Copy ...MichelleAglipay
 
SLMQ1G10ESPM1.pdf
SLMQ1G10ESPM1.pdfSLMQ1G10ESPM1.pdf
SLMQ1G10ESPM1.pdfJosephDy8
 
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayanMay 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayanjaibongs
 
GRADE 10 - EsP Yunit 3
GRADE 10 - EsP Yunit 3GRADE 10 - EsP Yunit 3
GRADE 10 - EsP Yunit 3khikox
 
ESP Learners Module Grade 10 Unit 3
ESP Learners Module Grade 10 Unit 3ESP Learners Module Grade 10 Unit 3
ESP Learners Module Grade 10 Unit 3Ian Jurgen Magnaye
 

Similar to SLMQ1G10ESPM4.pdf (20)

AP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docxAP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docx
 
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdfesp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
 
Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014
 
Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014
 
Es p 3 tg draft complete
Es p 3 tg draft completeEs p 3 tg draft complete
Es p 3 tg draft complete
 
Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014
 
Grade 3 EsP Teachers Guide
Grade 3 EsP Teachers GuideGrade 3 EsP Teachers Guide
Grade 3 EsP Teachers Guide
 
Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014
 
Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014
 
Esp3tgdraft4 140613073650-phpapp02
Esp3tgdraft4 140613073650-phpapp02Esp3tgdraft4 140613073650-phpapp02
Esp3tgdraft4 140613073650-phpapp02
 
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfesp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
 
SLMQ1G10ESPM2.pdf
SLMQ1G10ESPM2.pdfSLMQ1G10ESPM2.pdf
SLMQ1G10ESPM2.pdf
 
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
 
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
 
Module-6-day-1.docx
Module-6-day-1.docxModule-6-day-1.docx
Module-6-day-1.docx
 
EsP10-Q1-M1-Ang Mataan na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob-Final Copy ...
EsP10-Q1-M1-Ang Mataan na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob-Final Copy ...EsP10-Q1-M1-Ang Mataan na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob-Final Copy ...
EsP10-Q1-M1-Ang Mataan na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob-Final Copy ...
 
SLMQ1G10ESPM1.pdf
SLMQ1G10ESPM1.pdfSLMQ1G10ESPM1.pdf
SLMQ1G10ESPM1.pdf
 
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayanMay 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
 
GRADE 10 - EsP Yunit 3
GRADE 10 - EsP Yunit 3GRADE 10 - EsP Yunit 3
GRADE 10 - EsP Yunit 3
 
ESP Learners Module Grade 10 Unit 3
ESP Learners Module Grade 10 Unit 3ESP Learners Module Grade 10 Unit 3
ESP Learners Module Grade 10 Unit 3
 

Recently uploaded

FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipinodandemetrio26
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjAhKi3
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxJieMartinez1
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxJustinArquero
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxjcgabb0521
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...SundieGraceBataan
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...MaamCle
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxdhanjurrannsibayan2
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxMartin M Flynn
 

Recently uploaded (20)

FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 

SLMQ1G10ESPM4.pdf

  • 1. CO_Q1_ESP10_Module4 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 4 Paghubog ng Konsiyensiya Batay sa Likas na Batas Moral 10
  • 2. CO_Q1_ESP10_Module4 Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan: Paghubog ng Konsiyensiya batay sa Likas na Batas Moral First Edition, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera Office Address: Wangal, La Trinidad, Benguet Telefax: (074)-422-4074 E-mail Address: car@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Jacqueline P. Puyao Editor: Annie Rose B. Cayasen, Ed.D - Regional EPS - EsP Tagasuri: Erlinda C. Quinuan – Division EPS - EsP Tagaguhit: Tagalapat: Tagapamahala: May B. Eclar, Ph.D. CESO V – Regional Director Benilda M. Daytaca,EdD, CESO VI – OIC-SDS-SDO Benguet Carmel F. Meris – Chief Education Supervisor CLMD Ethielyn Taqued - Regional EPS - LRMDS Edgar Madlaing – Regional EPS – AP/ADM Focal Person Rizalyn A. Guznian, Ed.D. – Chief Education Supervisor CID Sonia D. Dupagan, Ed.D. – Division EPS LRMDS Vicenta C. Danigos – Principal I
  • 3. 10 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Unang Markahan – Modyul 4 Paghubog ng Konsiyensiya batay sa Likas na Batas Moral
  • 4. ii Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
  • 5. 1 CO_Q1_ESP10_Module4 Ang modyul na ito ay isinulat para matugunan ang iba’t ibang paraan ng pagkatuto ng bawat mag-aaral. Hangad ng modyul na ito na maunawaan mong lubos ang kahalagahan ng Likas na Batas oral sa paghubog ng konsensiya. Ang saklaw ng araling napapaloob sa modyul na ito ay maaring makatulong sa mga sitwasyong maaaring harapin ng mag-aaral kinabukasan. Kinikilala sa bawat sitwasyong ginamit ang iba’t-ibang kultura ng bawat mag-aaral na gagamit nito. Ang bawat aralin ay isinaayos ayon sa katangi-tanging paraan sa pagkatuto ng bata. Subalit ang mga aralin ay maaring sagutin ayon sa ayos nito sa gamit na sangguniang aklat. Pagkatapos mong isagawa ang mga gawain sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod: A. 1. Napatutunayan na ang konsiyensiyang nahubog batay sa Likas na Batas Moral ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasiya at pagkilos. (EsP10MP -Ic-2.3) PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Kailan masasabi na ang paghusga ng konsensiya ay tama? A. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung lahat ng kaisipan at dahilan na kakailanganin sa paglapat ng obhektibong pamantayan ay naisasakatuparan nang walang pagkakamali. B. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung walang taong nasaktan dahil sa desisyong ginawa. C. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung hindi kailangang pag- isipan ng maayos ang mga pasiyang kailangang gawin. D. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung mas maraming tao ang nakinabang sa kinalabasan ng kilos. Alamin Aralin 1 ANG PAGHUBOG NG KONSENSIYA BATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL Subukin
  • 6. 2 CO_Q1_ESP10_Module4 2. Bakit ibinigay sa tao ang Likas na Batas Moral noong siya ay likhain? A. Ibinigay sa tao ang Likas na Batas Moral noong siya ay likhain dahil nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. B. Ibinigay sa tao ang Likas na Batas Moral noong siya ay likhain dahil nilikha siya ng Diyos ayon sa kanyang wangis. C. Dahil tao lang ang may isip at kilos-loob D. Dahil tao lang ang may kakayahang gumawa ng tama. 3. Alin sa mga sumusunod ang unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral? A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay B. Gawin ang mabuti,iwasan ang masama C. Kasama ang hayop, likas sa tao ang pagpaparami D. May likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan. 4. Bakit mahalaga ang tamang paghubog ng konsensiya? A. Mahalaga ito upang maging ganap na tao B. Nakatutulong ito sa tao na makilala ang katotohanan C. Mahalaga ito upang hindi makagawa ng masama D. Nakatulong ito sa pagpapakatao ng tao. 5. Ano ang ibinigay sa tao noong siya ay likhain? A. Damit B. Pangalan C. Likas na Batas Moral D. Puso 6. Alin sa mga sumusunod ang nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya at pagkilos? A. Batas B. Mga pagtuturo ng magulang tungkol sa tama o mali. C. Konsensiyang nahubog sa Batas-Moral D. Mga batas ng mga may awtoridad 7. Alin sa mga sumusunod ang sinusuri ng konsensiya? A. Puso B. Pamumuhay ng isang tao C. Ang mga maling nagawa ng tao D. Kung ang kilos ay tama o mali 8. Bakit mahalagang makilala ng tao ang katotohanan sa kahalagahan ng paghubog sa konsensiya? A. Upang magamit nang mapanagutan ang kaniyang kalayaan. B. Upang makaiwas sa paggawa ng kasalanan C. Upang alam ang gagawin sa mga susunod na araw D. Upang magkaroon ng maayos na pamumuhay
  • 7. 3 CO_Q1_ESP10_Module4 9. Bakit mahalagang simulan mula bata ang paghubog ng konsensiya? A. Mahalaga ito upang makaiwas sa gulo. B. Mahalaga ito upang makaiwas sa maling paghusga sa mabuti o masama sa hinaharap. C. Mahalaga ito upang ang gagawin ng bata sa hinaharap ay pawang kabutihan D. Mahalaga ito upang masanay siya sa tamang pamumuhay. 10.Ang mga sumusunod ay mga paraan upang maipakita ang pananagutan sa kilos maliban sa isa. A. Alamin at unawain ang mga talakayan tungkol sa isyung moral B. Kilalanin ang mga tunay na pagpapahalagang moral na sangkot sa isang kilos C. Iwasan ang mga usapin tungkol sa isyung moral na may kinalaman sa kilos. D. Suriin ang mga sariling hangarin. 11.Bakit kailangan nating maglaan ng panahon para sa regular na pananalangin? A. Dahil sa pamamagitan nito nahuhubog ang ating konsensiya B. Dahil ito ay nakasaad sa Likas na Batas Moral C. Dahil nakasanayan na nating manalangin D. Dahil ito ang turo sa atin ng Diyos 12.Saan nagmula ang ating kakayahang maunawaan at piliin ang mabuti patungo sa mabuting pagkilos? A. Nagmula ito sa mga itinuro sa atin ng ating mga magulang B. Nagmula sa konsensiyang nahubog nang mahusay C. Nagmula sa ipinamana ng magulang D. Nagmula sa mga natututunan sa paaralan 13.Kailan natin masasabi na hinuhubog natin ang ating konsensiya? A. Kapag kumikilos tayo nang may pananagutan B. Kapag kumikilos tayo ayon sa utos ng may likha C. Kapag kumikilos tayo ayon sa kagustuhan natin D. Kapag kumikilos tayo na walang nasasaktan 14.Alin sa mga sumusunod ang hakbang na makatutulong upang ang konsensiya ng tao ay kumiling sa mabuti? A. Iwasan ang mga pagkakamaling nagawa B. Talikuran ang mga pagkakamali C. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan na hamon ng buhay D. Humingi ng tulong sa tamang tao kapag kinakailangan
  • 8. 4 CO_Q1_ESP10_Module4 15.Alin sa mga sumusunod ang pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang iniisip, salita at gawa? A. Puso B. Likas na Batas Moral C. Konsensiya D. Kilos-loob Sa modyul 3, napag-usapan natin ang tungkol sa kahulugan ngkonsensiya, mga uri ng kamangmangan, mga yugto ng konsensiya at mgaprinsipyo ng Likas na Batas Moral. Sa ating buhay, marami tayong mga katanungan. Sa pamamagitan ng ating konsensiya, nakagagawa tayo ng mga pasya na maaaring makaapekto sa ating pamumuhay. Gaya nga ng sinasabi ng karamihan, “pag-isipan mo muna ng maraming beses bago ka gumawa ng pasiya”. Ang konsensiya ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad na gumagabay sa ating pamumuhay sa ating kabutihan. Balikan PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa iyong sariling karanasan. 1. Naranasan mo na bang pasya na pinagsisisihan mo ang epekto nito? May nasaktan ka bas a ginawa mong pasya na ito? Bakit? ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ 2. Paano mo naitama o nalampasan ang pasyang iyong nagawa? ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________
  • 9. 5 CO_Q1_ESP10_Module4 Tuklasin Gawain 1. Tukuyin mo PANUTO: Lagyan ng /ang patlang bago ang numero kung ito ay nagpapatunay na ang konsensiyang nahubog batay sa Likas na Batas Moral ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya at pagkilos at X kung hindi. ______ 1. Alam ng tao ang mabuti at masama at ang magiging epekto nito sa sarili. _____ 2. Nararamdaman niya na hindi niya dapat ginawa ang isang maling bagay, hindi dahil sa ito ay ipinagbabawal o nasa batas sa halip alam/nakikita niya mismo ang mali dito. _____ 3. Inuuna ang pansariling kabutihan bago ang iba kahit alam niyang mali ito. _____ 4. Isinasabuhay ng tao ang mga salita at utos ng Diyos. _____ 5. Tinitimbang ng tao ang mga katotohanan bago gumawa ng isang hakbang. _____ 6. Ang paraan ng pagkilos ay nagmula sa konsensiyang nahubog ng maayos. _____ 7. Pagsisiswalat ng mga impormasyon tungkol sa pinakamatalik na kaibigan dahil sa hindi pagkakaunawaan. _____ 8. Sinusuri nang maayos ang sariling hangarin upang matiyak na kumikilos na ayon sa mabuting layunin. _____ 9. May kakayahan ang tao na maunawaan at piliin kung ano ang mabuti patungo sa mabuting paraan ng pagkilos. _____10. Ibinubulsa ang kaban ng bayan dahil sa sobrang kahirapan ng buhay at wala namang nakaka-alam sa kilos na ginagawa.
  • 10. 6 CO_Q1_ESP10_Module4 Suriin Ano ang kaugnayan ng konsensiya sa Likas na Batas Moral? ➢ Sa pamamagitan ng konsensiya nakagagawa ang tao ng pagapapasiya at nasusunod ang Batas-Moral sa kaniyang buhay. ➢ Ang konsensiya ang pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang iniisip, salita at gawa ayon sa Likas na Batas Moral na siya namang batayan upang malaman ang mabuti at masama sa natatanging sitwasyon. ➢ Sinusuri ng konsensiya ang kilos kung ito ay tama o mali ➢ Ang konsensiya ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad. Mga antas ng paghubog ng konsensiya 1. Ang antas na likas na pakiramdam at reaksiyon. Nagsisimula ito sa pagkabata. Hindi alam ng bata kung ano ang tama o mali. Umaasa lamang siya sa mga paalala, paggabay at pagbabawal ng kanyang ga magulang o ng mga mas nakatatanda. 2. Ang antas ng superego. Malaki ang bahaging ginagampanan ng may awtoridad sa pagpapasya at pagkilos ng bata. Itinuturo sa bata kung ano ang mga ipinagbabawal sa lipunan at nagiging bahagi na ito ng kanyang buhay nang hindi namamalayan. Kilos-loob Mga kailangang gamitin nang wasto sa proseso ng paghubog ng konsensiya. Puso Isip Layunin ng paghubog ng konsensiya ang mahubog ang pagkatao batay sa Likas na Batas Moral kung saan naisasabuhay ang mga birtud, pagpapahalaga at katotohanan. Kamay
  • 11. 7 CO_Q1_ESP10_Module4 Ayon kay Sr. Felicidad Lipio (2004, ph 55-58), mahuhubog ang konsensiya ng tao upang kumiling ito sa mabuti kung susundin ang mga hakbang. 1. Matapat at masunuring isagawa ang paghahanap at paggalang sa katotohanan. Maipakikita ang pananagutan sa kilos kung gagawin ang mga sumusunod. a. Kilalanin at pagnilayan ang mga tunay na pagpapahalagang Moral na sangkot sa isang kilos. b. Suriin ang mga sariling hangarin upang matiyak na kumikilos sa mga mabuting layunin at hindi mula sa makasariling interes. c. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan at hamon sa buhay. d. Alamin at unawain ang mga talakayan tungkol sa mga napapanahong isyung moral at mga implikasyong panlipunan ng mga ito. 2. Naglalaan ng panahon para sa regular na panalangin. Ang pakikipag- ugnayan natin sa Diyos ay nakatutulong sa pagpapanatag ng kalooban, paglinaw ng pag-iisip at kapayapaan ng puso. Pagyamanin Gawain 2. Balikan mo PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na panuto. 1. Magtala ng dalawang karanasan kung saan nakaranas ka ng “krisis” o kahirapan sa pamimili ng tama at mabuting pasiya. 2. Kaugnay ng sitwasyong ito, bumuo ng mabuting pasiya kung mahaharap sa parehong sitwasyon. 3. Gawing gabay ang nasa ibaba. Sitwasyon sa buhay Pasiya o kilos kung mahaharap sa parehong sitwasyon Paliwanag kung bakit ito ang pasyang gagawin
  • 12. 8 CO_Q1_ESP10_Module4 Gawain 3. Pagpapasya PANUTO: Suriin nang maayos ang mga sumusunod na sitwasyon. Sa tapat ng bawat sitwasyon, gumawa ng sariling pasya at ipaliwanag kung bakit ito ang naging pasya. Sitwasyon Ano ang gagawin mo (pasya) Bakit ito ang naging pasya? (paliwanag) 1. Inaya ka ng mga kaibigan mo na tumambay muna sa isang lugar at ag-inuman. Gustong gusto mong sumama dahil matagal na kayong hindi lumalaas.Ngunit naalala mo ang bilin ng iyong mga magulang tungkol sa paggawa ng mabuti. 2. Isang araw, dumating ang isa sa pinaka mahirap na pagsubok sa iyong buhay. Kailangan ng pamilya mo ang malaking halaga ng pera. Habang ikaw ay naglalakad, may nakita kang wallet na nahulog. Walang nakakita sa’yo nang ito’y iyong pulutin. Ang laman nito ay sobra pa sa kinakailangan ng pamilya mo. Walang ibang nakalagay sa wallet kundi ang pera lang. 3. May nagawang hindi inaaasahang pagkakamali ang iyong mga magulang. Inilihim ninyo ito dahil sa maraming rason. Dahil hindi ka mapakali, ibinahagi mo ito sa iyong matalik na kaibigan. Isang araw pagpasok mo ng paaralan, nahuli mong pinagkakalat ng kaibigan mo ang nagawa ng iyong mga magulang at hinuhusgahan ka ng mga kapwa mo mag-aaral. Nasaktan ka sa ginawa ng iyong kaibigan at gusto mo siyang awayin. 4. Dahil sa pandemia na Covid 19, marami ang nangangailangan ng tulong. Ang utos ng Gobyerno, ang magpapalista lang ay ang mga walang mapagkukunan ng pera dahil walang trabaho. Parehong may permanenteng trabaho ang mga magulang mo ngunit nagpalista pa rin sila. Samantalang ang kapitbahay ninyo ay hindi inilista kahit alam nilang walang wala na sila. 5. Isang daan nalang ang natitira mong pera. Dahil sa lockdown hindi ka makaka-uwi upang humingi ng pera sa iyong mga magulang. Wala ka nang pagkain ngunit gustong-gusto mo nang magload para makapag laro ng ML para hindi ka maiwan ng mga kaibigan mo.
  • 13. 9 CO_Q1_ESP10_Module4 Isaisip Gawain 4. Ayusin at Buuin mo PANUTO: Punan ang mga patlang sa bawat pangungusap. Ayusin muna ang mga letra sa kahon bago piliin ang tamang sagot sa patlang. 1. Ang ______________ nahubog batay sa Likas na Batas Moral ay nagsisilbing ________________ sa tamang _________________ at ____________________ . 2. _____________________ ng konsensiya ang __________________ kung ito ay _______________________ o ________________ . Isagawa Gawain 5. Natutunan mo, Ibahagi mo PANUTO: Sagutin ang tanong sa ibaba sa pamamagitan ng isang sanaysay. Paano magsisilbing gabay sa pagpapasiya at pagkilos ang konsensiyang nahubog batay sa Likas na Batas Moral? Mga pamantayan sa Gawain Pamantayan Iskala Iskor Nilalaman 10 Pagbuo 5 Pagkamalikhain 5 Kabuuan 20 GNAYISNESNOK - __________________ MLIA - _________________ AAYBG - ______________ PPPAAAAGYIS - ___________________ IIUUSSNR - _____________ TMAA - ______________ LKSIO - __________________________ PGKLAIOS - ______________
  • 14. 10 CO_Q1_ESP10_Module4 Tayahin PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit may Likas na Batas Moral? A. Hindi ito maihahalintulad sa pagbabago na hindi natatapos. B. Kailangan ito ng lahat ng tao C. Mahalagang isabuhay ng bawat isa para sa ikabubuti ng lahat. D. Upang bigyang direksiyon ang pamumuhay ng tao. 2. Ang konsensiya ng tao kung saan nakalapat na ang Lkas na Batas Moral ay ginagamit na ________________________. A. Pagbabago sa mga bagay na nagawa. B. Batayan ng kabutihan ng mga gawain. C. Personal na pamantayang moral ng tao. D. Batayan sa karunungan at kabutihan ng Diyos.. 3. Ano ang layunin ng Likas na Batas Moral? A. Kalayaan ng tao B. Kabutihan ng tao C. Kahusayan ng tao D. Kaayusan ng tao 4. Ito ang ginagamit sa pagpapasiya kung ano ang tama at mali sa kasalukuyang panahon. A. Likas na Batas Moral B. Konsensiya na nahubog sa batas-moral C. Kalayaan D. Isip, puso at kamay 5. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman ganap na mahahanap ng tao ang _____________. A. Katotohanan B. kapayapaan C. yaman D. katalinuhan 6. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng paghubog ng konsensiya? A. Mahalaga ito upang maging ganap na tao B. Nakatutulong ito sa tao na makilala ang katotohanan C. Mahalaga ito upang hindi makagawa ng masama D. Nakatutulong ito sa pagpapakatao ng tao.
  • 15. 11 CO_Q1_ESP10_Module4 7. Ito ay pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang iniisip, salita at gawa A. Kilos-Loob B. Konsensiya C. Mga batas D. May awtoridad 8. Ano ang dahilan kung bakit mahalagang malaman ng tao ang katotohanan tungkol sa paghubog ng konsesniya? A. Upang alam ang gagawin sa mga susunod na araw B. Upang magamit nang mapanagutan ang kaniyang kalayaan. C. Upang makaiwas sa paggawa ng kasalanan D. Upang magkaroon ng maayos na pamumuhay 9. Bakit kailangan nating maglaan ng panahon para sa regular na pananalangin? A. Dahil sa pamamagitan nito nahuhubog ang ating konsensiya B. Dahil ito ay nakasaad sa Likas na Batas Moral C. Dahil nakasanayan na nating manalangin D. Dahil ito ang turo sa atin ng Diyos 10.Isa sa mga sumusunod ang hakbang na makatutulong upang ang konsensiya ng tao ay kumiling sa mabuti. A. Humingi ng tulong sa tamang tao kapag kinakailangan B. Iwasan ang mga pagkakamaling nagawa C. Talikuran ang mga pagkakamali D. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan a hamon ng buhay 11.Ano ang nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya at pagkilos? A. Batas B. Mga pagtuturo ng magulang tungkol sa tama o mali. C. Konsensiyang nahubog sa Batas-Moral D. Mga batas ng mga may awtoridad 12.Alin sa mga sumusunod ang sinusuri ng konsensiya? A. Kung ang kilos ay tama o mali B. Pamumuhay ng isang tao C. Ang mga maling nagawa ng tao D. Kung nakagawa ka ng kabutihan 13. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng pagsisimula mula pagkabata ang paghubog ng konsensiya? A. Mahalaga ito upang makaiwas sa gulo. B. Mahalaga ito upang makaiwas sa maling paghusga sa mabuti o masama sa hinaharap. C. Mahalaga ito upang ang gagawin ng bata sa hinaharap ay pawang kabutihan D. Mahalaga ito upang masanay siya sa tamang pamumuhay.
  • 16. 12 CO_Q1_ESP10_Module4 14.Ang ating kakayahang maunawaan at piliin ang mabuti patungo sa mabuting pagkilos ay nagmula sa __________________. A. Nagmula ito sa mga itinuro sa atin ng ating mga magulang B. Nagmula sa mga itinuturo ng mga awtoridad. C. Nagmula sa ipinamana ng magulang D. Nagmula sa konsensiyang nahubog nang mahusay 15.Kailan natin masasabi na hinuhubog natin ang ating konsensiya? A. Kapag kumikilos tayo na walang nasasaktan B. Kapag kumikilos tayo nang may pananagutan C. Kapag kumilos tayo ayon s autos ng may likha D. Kapag kumikilos tayo ayon sa kagustuhan natin Karagdagang Gawain PANUTO: Sa pamamagitan ng pagsulat ng kanta, tula o pagguhit, sagutin ang tanong. Gawin ito sa isang malinis na papel. Tanong: Paano magsisilbing gabay ang konsensiyang nahubog batay sa Likas na Batas Moral sa tamang pagpapasiya at pagkilos? Mga pamantayan sa Gawains Pamantayan Iskala Iskor Nilalaman 5 Organisasyon 5 Pagkamalikhain 5 Kabuuan 15
  • 17. 13 CO_Q1_ESP10_Module4 Susi sa pagwawasto Subukin 1. A 2. A 3. B 4. B 5. C 6. C 7. D 8. A 9. B 10.C 11. A 12. B 13. A 14. C 15. D Tuklasin 1. / 2. / 3. X 4. / 5. / 6. / 7. X 8. / 9. / 10.X Tayahin 1. D 2. C 3. B 4. B 5. A 6. B 7. B 8. B 9. A 10.D 11. C 12. A 13. B 14. D 15. B
  • 18. 14 CO_Q1_ESP10_Module4 Sanggunian Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Modyul para sa mga mag-aaral; Modyul 6; Ang kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Batas Moral Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Modyul para sa mga mag-aaral; Modyul 3: Paghubog ng Konsensiya batay sa Likas na Batas Moral. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 7 ph. 4/13 https://www.slideshare.net/sheter/modyul-6-konsensiya Ang kaugnayan ngKonsesniya sa Likas na Batas Moral
  • 19. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph