1. FEASIBILITY STUDY
Bago tuluyang lumikha ng isang negosyo o proyekto,
nagsasagawa muna ng feasibility study ang mga
tagapagtaguyod nito. Nakatutulong ito upang matiyak
ang posibilidad na maisakatuparan ang isang planong
gawain.
2. Katangian at Kalikasan
•Komprehensibo ang ganitong uri ng pag-aaral, katulad
ng ibang pananaliksik at pormal ang paggamit ng mga
salita.
•May mga espesipikong bahagi ang isang feasibility
study katulad na lamang ng pamagat, pangalan ng
gumawa, abstrak, buod o executive summary,
panimulang pagtalakay sa mga detalye at datos ng
proyekto, gayundin ang resulta at rekomendasyon.
3. •Kung titingnan ang mga halimbawa ng feasibility study
ay matatagpuan dito ang mga salitang teknikal na
may kinalaman sa proyekto o pangunahing paksang
ginagawan ng pag-aaral.
•Kalimitan itong ginagamit sa pagnenegosyo o kaya’y sa
mga pananaliksik na may kinalaman sa agham at
teknolohiya, inhinyeriya at iba pang katulad na mga
larangan.
Katangian at Kalikasan
4. •Dagdag pa rito, detalyado ang pagtalakay sa mga
impormasyong nilalaman ng isang feasibility study
dahil nakatutulong ito upang makita ang kahihinatnan
ng isang negosyo o gawain.
•Karaniwan ding nilalakipan ng mga apendise ang
ganitong sulatin na maaaring maging sanhi upang lalo
pang maging malaman ang isang feasibility study.
Katangian at Kalikasan
6. Narito ang iba’t ibang bahagi ng isang
feasibility study at ang pangunahing
gawain ng bahaging ito.
1. Pangkalahatang Lagom /Executive Summary
Nagbibigay ng kabuuang pagtanaw ng
lalamaning feasibility study. Madalas, huli
itong isinusulat kapag buo na ang lahat ng
iba pang bahagi.
7. 2. Paglalarawan ng Produkto at /o
Serbisyo
Malinaw na inilalarawan sa bahaging ito
ang produkto/serbisyong
inimumungkahing ibenta/ibigay.
Mahalagang mabigyang-diin ang
kalakasan ng produkto/serbisyo na
ibinibigay at kung anong benepisyo nito
sa gagamit.
8. 3. Kakailanganging Teknikal na
Kagamitan
Ipinapaliwanag nito ang mga
konsiderasyong kinakailangan
kaugnay ng
aspektong teknolohikal.
9. 4. Marketplace
Inilalarawan sa bahaging ito ang pamilihan
kung saan ibibigay o ibebenta ang produkto.
Tinitiyak ng bahaging ito ang iba pang
kaparehong produkto o serbisyong ibinibigay
at kung ano ang bentahe nito sa iba pang
produkto/serbisyo.
10. 5. Estratehiya sa Pagbebenta
Tatalakayin sa bahaging ito ang paraan kung
paano maipaaabot sa gumagamit ang
produkto/ serbisyo. Iniaayon ng marketing ang
kailangn at kaparaanan kung paano mahihikayat
na kuni ang produkto/ serbisyo.
11. 6. Mga Taong may Gampanin sa
Produkto at/o Serbisyo
Tinitiyak sa bahaging ito ang mga tao at
ang kanilang espesipikong trabaho para
sa produkto/serbisyo.
12. 7. Iskedyul
Itinatakda sa bahaging ito ang
panahon kung kailan dapat
magawa ang mga
produkto/serbisyo.
13. 8. Projection sa Pananalapi at Kita
Tinitiyak sa bahaging ito kung mayroong
nakikitang benepisyong pampananalapi.
14. 9. Rekomendasyon
Inilalahad sa huling bahagi ang
paglalagom at pagbibigay mungkahi batay
sa ikalawa hanggang ikawalong bahagi.
15. GAWAIN
Bawat grupo ay gumawa ng feasibility study batay sa isa
sa sumusunod na produkto:
1. Bottled water
2. Foot and hand spa home service
3. Food delivery
4. Pagupitan
5. Automechanic services