Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.
Upcoming SlideShare
What to Upload to SlideShare
Next
Download to read offline and view in fullscreen.

110

Share

Download to read offline

TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO

Download to read offline

- ANO ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO?
- LAYUNIN AT KAHALAGAHAN
- PARAAN NG PAGLALARAWAN
- URI NG PAGLALARAWAN
- APAT NA MAHALAGANG KASANGKAPAN NA GINAGAMIT SA MALINAW NA PAGLALARAWAN
- HALIMBAWA

Related Books

Free with a 30 day trial from Scribd

See all

TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO

  1. 1. ANO ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO? • Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng impresyon o kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig at pansalat, itinatala ng sumusulat ang paglalarawan ng mga detalye na kanyang nararanasan. • Ito ay naglalayong magsaad ng kabuoang larawan ng isang bagay, pangyayari, o kaya naman ay magbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay-bagay, pook, tao, o pangyayari.
  2. 2. LAYUNIN AT KAHALAGAHAN LAYUNIN: Ang paglalarawan ay may layuning makapagpamalas sa isip ng tagapakinig o mambabasa ng isang malinaw at buong larawan. KAHALAGAHAN: Mahalaga ang paglalarawan sa teksto dahil mas nakatutulong ito upang mas malawak na maintindihan ng mambabasa ang mga imahe na nais ipaisip o iparating ng manunulat. Nakakatulong ito upang mas malawak maipagana ang imahinasyon ng mambabasa. Mas madaling maiintindihan at ang tekstong binabasa kung malinaw ang pagkakalarawan ng manunulat.
  3. 3. PARAAN NG PAGLALARAWAN Deskriptibo ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao, kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano. Batay sa PANDAMA - nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan, at narinig Batay sa NARARAMDAMAN - bugso ng damdamin o personal na saloobin ng naglalarawan. Batay sa OBSERBASYON - batay sa obserbasyon ng mga nagyayari.
  4. 4. KARANIWAN Karaniwan ang paglalarawan kung nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas. Sa Karaniwang Paglalarawan:  Ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan ay hindi dapat isinasama  Gumagamit lamang ito ng mga tiyak at karaniwang salitang panlarawan at itinatala ang mga bagay o ang mga partikular na detalye sa payak na paraan
  5. 5. KARANIWAN Halimbawa #1 Maganda si Matet. Maamo ang mukha lalo pang pinatitingkad ng mamula-mula niyang pisngi. Mahaba ang ang kanyang buhok na umaabot hanggang sa baywang. Balingkinitan ang kanyang katawan na binagayan naman ng kanyang taas. Halimbawa #2 Si Kapitan Tiyago ay pandak, maputi-puti, bilog ang katawan at pagmumukha dahil sa katabaan. Siya ay mukhang bata kaysa sadya niyang gulang. Ang kanyang pagmumukha ay palaging anyong banal.
  6. 6. MASINING Masining ito kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may-akda. Karaniwang pili ang mga ginagamit na salita sa paglalarawan, kabilang na ang paggamit ng mga pang-uri, pang-abay, tayutay, at idyoma. Sa Masining na Paglalarawan:  Ang mga detalyeng inihahayag dito ay nakukulayan ng imah inasyon, pananaw at opinyong pansariling tagapagsalaysay.  may layunin itong makaantig ng kalooban ng tagapakinig o mambabasa para mahikayat silang makiisa sa naguniguni o sadyang naranasan nitong damdamin sa inilalarawan
  7. 7. MASINING Halimbawa #1 Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet. Ang maamo niyang mukhang tila anghel ay sadyang kinahuhumalingan ng mga anak ni Adan. Alon-alon ang kanyang buhok na bumagay naman sa kainggit inggit niyang katawan at taas. Halimbawa #2 Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding. (Mula sa “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes)
  8. 8. WIKA • Kung ang isang pintor ay pinsel ang ginagamit upang mailarawan niya ang kagandahan ng kanyang modelo, ang isang manunulat naman ay wika ang ginagamit upang makabuo ng isang malinaw at mabisang paglalarawan. Karaniwang ginagamit dito ang pang-uri at pangabay
  9. 9. MAAYOS NA DETALYE Dapat magkaroon ng masistemang pananaw sa paglalahad ng mga bagay na makatutulong upang mailarawang ganap ang isang tao, bagay, pook, o pangyayari. Kapag maayos ang pagkakalahad ng mga detalye, ang mga bumabasa o nakikinig ay nagkakaroon ng pagkakataon na pakilusin ang kanilang imahinasyon upang mailarawan sa isip ang mga bagay-bagay na inillalarawan.
  10. 10. PANANAW NG PAGLALARAWAN Maaring magkaiba-iba ang paglalarawan ng isang tao, bagay, pook, o pangyayari salig na rin sa karanasan at saloobin ng taong naglalarawan. Ang isang pook, halimbawa, ay maaring maganda sa isang naglalarawan habang ang isa maman ay hindi kung ito ay nagdulot sakanya ng isang di magandang karanasan.
  11. 11. ISANG KABUOAN O IMPRESYON Dahil ang layunin ng paglalarawan ay makabuo ng malinaw na larawan sa imahinasyon ng mga mambabasa, mahalaga sa isang naglalarawan na mahikayat ang kanyang mga mambabasa o tagapakinig nang sa gayon ay makabuo sila ng impresyon hinggil sa inilalarawan. Dito ay sama-sama na ang bisa ng wika, maayos na paglalahad ng mga detalye, at ang pananaw ng naglalarawan. .
  12. 12. PAGLALAGOM • Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng impresyon o kakintalang likha ng pandama. • Ito ay naglalayong magsaad ng kabuoang larawan o isang konseptong bisw al ng mga bagay-bagay. • kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano. PARAAN NG PAGLALARAWAN •Batay sa Pandama •Batay sa Nararamdaman •Batay sa Obserbasyon URI NG PAGLALARAWAN: 1.) KARANIWAN - Karaniwan ang paglalarawan kung nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas. 2.) MASINING - Masining ito kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may-akda. MAHALAGANG KASANGKAPAN NA GINAG AMIT SA MALINAW NAPAGLALARAWAN •Wika •Maayos na detalye •Pananaw ng paglalarawan •Isang kabuoan o impresyon
  13. 13. Sa mga bulubundukin ng Timog Cotabato ay naninirahan ang isang pangkat- etnikong kung tawagin ay T’boli. Mapayapa sila at di mapaghinala sa mga dayuhan. Sila ay may sariling kalinangan at paraan ng pamumuhay. Mapalamuti at makulay ang kanilang kasuotan. Ang hikaw, kuwintas, at makulay na make-up ay pahiyas ng kanilang katauhan. Sa lahat ng mga tribu sa Pilipinas, ang T’boli ay maaaring hirangin bilang isa sa may pinakamakulay sa kasuotan at hiyas at katawan. HALIMBAWA NG TEKSTONG DESKRIPTIBO
  14. 14. KALIKASAN  Ang tekstong binasa ay naglalayong makapaglahad ng larawan o ideya tungkol sa mga katangiang taglay ng pangkat-etnikong T-boli na matatagpuan sa Timog Cotabato, Mindanao. KATANGIAN  Ang tekstong binasa ay naglalaman ng mga salita at pangungusap na ginamit sa paglalarawan ng pamumuhay, pananamit, at pag-uugali ng mga taong kabilang sa pangkat-etnikong T-boli. PAGSUSURI SA TEKSTONG BINASA:
  15. 15. ANYO  Tekstong Deskriptibo PAKSA  Katangian ng pangkat-etnikong T’boli KAISIPANG NAKAPALOOB SA TEKSTO:  Ang pangkat etnikong T’boli ay mayroong mapayapa at simpleng pamumuhay.  Ang T’boli ay maaaring hirangin bilang isa sa may pinakamakulay sa larangan ng kasuotan at hiyas at katawan. PAGSUSURI SA TEKSTONG BINASA:
  16. 16. Mahalaga ito…  Sarili – upang magkaroon tayo ng ideya sa kung paano nga ba namumuhay ang mga pangkat-etnikong tulad ng T’boli sa bansa at mas maisasaisip natin sa kung ano-ano ang katangiang kanilang taglay.  Pamilya – Upang magkaroon tayong mas malalim na pag-unawa at kaalaman sa ng mga katutubong etniko na matatagpuan sa bansa.  Komunidad – upang ating mas makikilala ang mga pangkat-etniko na naninirahan sa ibang lugar na malayo sa lungsod. SURIIN AYON SA KAUGNAYAN NITO SA:
  17. 17. Mahalaga ito…  Bansa –Upang ito ay magsilbing daan tungo sa pagpapaunlad ng ating kultura at ating tulungan na mas lalo pa itong pagyamanin at pangalagaan. Daigdig – Upang maipamalas at maipagmalaki natin sa lahat ang galing at talento ng ating mga katutubong pangkat tulad ng T’boli sa buong daigdig. Sa kabuuan, ang tekstong ito ay may layuning bigyan tayo ng ideya o konsepto sa kung paano nga ba namumuhay ang mga pangkat-etnikong tulad ng T’boli sa Pilipinas. SURIIN AYON SA KAUGNAYAN NITO SA:
  18. 18. T’BOLI TRIBE
  19. 19. Mga pinagkunan:  Marquez, S.T. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teskto tungo sa Panana liksik. Sibs Publishing House  http://siningngfilipino.blogspot.com/2015/08/ang-paglalarawan-na-pagpapaha yag.html
  • sarahparalejas

    Aug. 11, 2021
  • DaneenKhan1

    May. 12, 2021
  • EarlJohnDuquez

    Apr. 25, 2021
  • MarJohnSarbues

    Apr. 22, 2021
  • KamilCiroCatacutan

    Apr. 18, 2021
  • JhonMartUrbina1

    Apr. 18, 2021
  • MaxineJuliana

    Apr. 4, 2021
  • FrancineSchck

    Mar. 13, 2021
  • AldwinSuarez

    Mar. 6, 2021
  • memavideo

    Mar. 3, 2021
  • DelyLabor

    Feb. 15, 2021
  • YeashaAnne

    Feb. 3, 2021
  • JaceDeypuyart

    Feb. 2, 2021
  • JulianaMaeToledo

    Feb. 2, 2021
  • VonCruz2

    Jan. 30, 2021
  • GwynethEsperat

    Jan. 19, 2021
  • ClarijaneMendoza

    Jan. 19, 2021
  • AimeeBastes

    Jan. 7, 2021
  • ReyshylArevalo

    Dec. 7, 2020
  • CarlaConcepcion1

    Nov. 10, 2020

- ANO ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO? - LAYUNIN AT KAHALAGAHAN - PARAAN NG PAGLALARAWAN - URI NG PAGLALARAWAN - APAT NA MAHALAGANG KASANGKAPAN NA GINAGAMIT SA MALINAW NA PAGLALARAWAN - HALIMBAWA

Views

Total views

304,818

On Slideshare

0

From embeds

0

Number of embeds

42

Actions

Downloads

1,063

Shares

0

Comments

0

Likes

110

×