Successfully reported this slideshow.
Your SlideShare is downloading. ×

Konseptong Pangwika

Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Upcoming SlideShare
Barayti ng wika
Barayti ng wika
Loading in …3
×

Check these out next

1 of 34 Ad

More Related Content

Slideshows for you (20)

Similar to Konseptong Pangwika (20)

Advertisement

Recently uploaded (20)

Konseptong Pangwika

  1. 1. • C:UsersDarioDocumentsBible Stories - Old Testament_ The Tower of Babel.mp4
  2. 2. TAGALOG CEBUANO WARAY TAUSUG KAPAMPANGAN ILONGGO ILOKANO BICOLANO
  3. 3. Biblical (Tore ng Babel) Malinaw na ipinahayag sa bibliya na ang wika ay kaloob ng Diyos. Batay din sa istorya ng Bibliya, matapos ang matinding pagbaha noong panahon ni Noah, binigyan uli ng pagkakataon ng Diyos ang mga tao na magbago. Iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Ngunit, mayroon silang lider, si Nimrod, na naging maramot at nais makita ang kaharian ng Diyos sa alapaap. Naghangad din ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit. Hinimok ni Nimrod ang mga tao na gumawa ng tore para maabot ang kaharian ng Diyos. Nagtayo ng pagkataas-taas na tore ang mga tao. Nang nalaman ito ng Diyos, nagalit Siya na naging ganid, mapangahas at mayabang na ang mga tao. Pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore at nahulog ang mga tao. Ginawa ng Diyos na magkakaiba ang wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis 11:1-9)
  4. 4. Ayon kay Sapir (1961), tanging tao lamang ang nakagagawa ng wika, at dahil dito likas niyang naipapahayag ang kanyang kaisipan, damdamin at mga ninanais sa pamamagitan ng mga sadyang isinagawang simbolona kinokontrol nila. Ito ang kakayahang nagpatangi sa tao sa iba pang nilikha, at ang ikinaiba niya sa mga hayop.
  5. 5. Ang tao sa tulong ng wika ay nakabubuo ng mga paraan upang maiangkop ang sarili sa kanyang kapaligiran. Mahalaga sa kanya ang wika bilang di- pangkaraniwang bahagi ng kultura. Sa pamamagitan ng wika, nakagagawa rin siya ng mga pamantayang magiging gabay sa pakikitungo sa kapwa o sa isa’t isa sa institusyon o lipunan. Dahil sa wika naipahayag ang kaugalian, kaisipan at damdamin ng bawat pangkat ng tao. Bagaman may mga makabago nang kasangkapang ginagamit sa pakikipaagtalastasan tulad ng social media, cellphone, play station, at iba pa, wika parin ang ginagamit ng tao sa pagpapahayag ng kanyang diwa.
  6. 6. 1. Bakit kaya ginawa ng Diyos na may iisang wika lamang ang sangkatauhan noong unang panahon? 2. Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi pinag- iba-iba ng Diyos ang wika ng sangkatauhan? 3. Ano ang nagtulak sa Diyos upang pag-iba-ibahin Niya ang wika ng sangkatauhan? 4. Bakit mahalaga ang wika sa tao? 5.Magsaliksik ng isang kuwento o alamat tungkol sa wika. Ibahagi ito pagkatapos ilahad ang inyong sariling pananaw o konklusyon tungkol dito.
  7. 7. ANO NGA BA ITO?
  8. 8. WIKA- nagmula sa salitang Latin na “lengua” na ang kahulugan ay dila. Ito’y isang masistemang gamit sa pakikipagtalastasan na binubuo ng mga simbolo at panuntunan. Ito’y paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang mga tao (Panganiban).
  9. 9. Henry Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. George Lakoff: Ang wika ay politika, nagtatakda ng kapangyarihan, kumukontrol ng kapangyarihan kung paanong magsalita ang tao at kung paano sila maunawaan.
  10. 10. Jose Villa Panganiban: Ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang mga tao. Nenita Papa: wika ang ginagamit natin upang malayang maipahayag ang ating iniisip at nadarama. Pamela Constantino at Monico Atienza: ang wika ay mahalagang kasangkapan sa pag-unlad kapwa ng indibidwal at ng bansa.
  11. 11. Ayon kay Archibal A. Hill sa kanyang papel na What is Language? Na binanggit sa aklat ni Alcomtiser P. Tumangan et.al., ang wika ay pangunahing anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nililikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istruktura.
  12. 12. Sa depinisyon ni Gleason na binanggit sa aklat ni Rolando A. Bernales et.al, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema, na ang maagham na pag-aaral nito ay tinatawag na ponolohiya. Kapag ang ponema ay pinagsama- sama, maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema. Sintaksis naman ang tawag sa makaagham na pinag-ugnay-ugnay na mga pangungusap. Diskors naman kapag nagkaroon ng makahulugang palitan ng dalawa o higit pang tao.
  13. 13. Ayon naman kay San Buenaventura (1985) mula sa Wikipediang Tagalog: “Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat. Isang kahulugaan, taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa.” isang ingat-yaman ng mga tradisyong nakalagak dito, sa madaling salita ang wika ay kaisipan ng isang bansa kaya’t kailanman ito’y tapat sa pangangailangan at mithiin ng sambayanan. Taglay nito ang haka-haka at katiyakan ng isang bansa.
  14. 14. Ayon sa pagsusuri ni Gordon Wells, ang wika ay may limang tungkulin: 1.Pagkontrol sa kilos at gawi ng iba. 2.Pagbabahagi ng damdamin. 3.Pagpapanatili sa pakikipagkapwa at pagkakaroon ng intensyon sa kapwa. 4.Pangarap at paglikha. 5.Pagbibigay o pagkuha ng impormasyon.
  15. 15. Gawain: - Itala ang mga salitang magkakatulad sa mga kahulugang ibinigay sa wika ng mga dalubwika. WIKA
  16. 16. KATANGIAN NG WIKA 1. ANG WIKA AY PANTAONG TUNOG- hindi lahat ng tunog na maririnig ay maituturing na wika. Ang wika ay nabubuong tunog sa pamamagitan ng sangkap ng pagsasalita tulad ng labi, dila, ngipin, ngalangala, babagtingang tinig at iba pang bahagi ng speech organ o mga bahagi ng katawan sa pagsasalita ng tao. Masasabing ang wika ay wikang sinasalita, ang mga nakasulat na mga salita ay larawan o simbolo lamang ng wikang ginagamit.
  17. 17. 2. ANG WIKA AY MASISTEMANG BALANGKAS May sistema ang wika. Ito ay ang palatunugan(ponolohiya), palabuuan(morpolohiya), at palaugnayan(sintaks). Mapapatunayan din ito sa pamamagitan ng kataga, ang gamit ng katinig at patinig sa pagbuo ng salita (PK, KP, KPK, KKP, KPKK, KKPK, KKPKK). Gayundin ang gamit, ayos at anyo ng pangungusap (nauuna ang simuno sa panaguri o ang panaguri sa simuno).
  18. 18. 3. ANG WIKA AY ARBITRARYO Ang wika ay pinili at isinaayos ang mga tunog sa paraang pinagkasunduan sa isang pook o lugar. Ang pagbabagong naganap ay dala marahil ng impluwensya ng ibang bansang naging kaugnay ng isang bansa dahil sa pampulitika, panlipunan o pang- ekonomiyang karanasan. TAGALOG PAMPANGA PANGASINAN AKLAN WARAY baliktad baligtad baliktar baliskad balikad
  19. 19. 4. ANG WIKA AY PATULOY NA NAGBABAGO O DAYNAMIKO Ang panahon ay patuloy na nagbabago kaya ang pamumuhay ng tao ay nagbabago din dulot ng agham at teknolohiya. Gayundin ang wika, patuloy lumalawak ang talasalitaan ng wika kaya kailangang mabago rin ang ortograpiya at alfabeto maging ang sistema ng palabaybayan. ALIBATA (17) ABAKADA (20) ABICEDARIO (31) ALPABETO (20+8) ALFABETO (28)
  20. 20. 5. ANG WIKA AY KABUHOL NG KULTURA Ang wika at kultura ay dalawang bagay na hindi pwedeng paghiwalayin. Nakikilala ang kultura ng isang tao ayon sa kanyang wikang ginagamit. Sa pamamagitan ng wika, nakakaalam at nagkakaugnayan sa pamumuhay, saloobin, tradisyon, mithiin at paniniwala ang mga tao.
  21. 21. 6. ANG WIKA AY KOMUNIKASYON Ang wika ay behikulo ng komunikasyon ng dalawang taong nag-uusap. Ginagamit ang wika upang ipahayag ang ating damdamin, pangangailangan, at iniisip. Ang wika ay ginagamit sa pakikipagtalastasan sa lahat ng pagkakataon.
  22. 22. 7. ANG WIKA AY MALIKHAIN Taglay ng wika ang set ng mga tuntunin na makapagbubuo ng kahit na anong haba ng pangungusap. Naging malikhain din ito sa paraang nakabubuo tayo ng tula, kuwento, awitin, sanaysay at iba pang akdang pampanitikan gamit ang wika.
  23. 23. 8. ANG WIKA AY NATATANGI Ang bawat wika ay may kanyang set ng mga tunog, mga yunit panggramatika at kanyang sistemang palaugnayan. Ang bawat wika ay may katangiang pansariling naiiba sa ibang wika. Walang wika na magkatulad na magkatulad. Kung may pagkakatulad marahil ito ay nasa piling salita lamang. “kung anong bigkas ay siyang sulat, kung anong baybay ay siyang basa”
  24. 24. 1. BOW WOW- Kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ay ginagad ng tao. 2. DING-DONG- Bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Tinawag ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog. 3. POOH POOH- Tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan. Dahil sa hindi sinasadya ay napabulalas
  25. 25. sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla, atbp. 4. YO-HE-HO- Pinaniniwalaan ng linggwistang si A. S. Diamond (2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. 5.TA-TA- sa mga kumpas at galaw ng kamay na ginagawa ng mga tao sa mga partikular na okasyon ay ginaya ng dila hanggang ito ay mag-produce ng tunog at natutong magsalita ang mga tao. Ang tawag dito ay ta-ta na sa France ay paalam o goodbye.
  26. 26. 6. SING-SONG- Inimungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw. Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi bulalas. 7. TA-RA-RA-BOOM-DE-AY- sa mga tunog na galing sa mga ritwal ng mga sinaunang tao ang naging daan upang matutong magsalita ang tao. Ang mga sayaw, sigaw, incantation at mga bulong ay binigyan nila ng kahulugan at sa pagdaan ng panahon ito ay nagbago-bago.
  27. 27. 8. HOCUS-POCUS – Nayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating ninuno. 9.EUREKA!- sadyang inimbento ang wika ng ating mga ninuno. 10. RENE DESCARTES- hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya’t likas sa kaniya ang gumamit ng wika na aangkop sa kaniyang kalikasan bilang tao. May aparato ang tao lalo na sa kaniyang utak gayundin sa pagsasalita upang magamit sa mataas at komplikadong antas ng wika.
  28. 28. 11. PLATO- nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity is the mother of all invention. Sa paniniwalang ito, gaya ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing pangangailangan din ng tao ang wika kung kaya’t naimbento ito ng tao. 12. CHARLES DARWIN- nakikipagsapalaran ang tao kung kaya’t nabuo ang wika. Survival of the fittest, elimination of the weakest. Ito ang simpleng batas ni Darwin. Upang mabuhay ang tao, kailangan niya ng wika. Ito ay nakasaad sa aklat ni Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”.
  29. 29. ANTAS NG WIKA 1. PABALBAL/BALBAL- may katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas ng wika. -Mga salitang pangkalye o panlansangan. -Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong mga salita. -Pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan.
  30. 30. -Karaniwan itong nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla na nagsisilbing koda nila sa kanilang pakikipag-usap. Halimbawa: parak- pulis eskapo- takas sa bilangguan istokwa- naglayas juding- bakla tiboli- tomboy balbonik- taong maraming balahibo brokeback- lalaki sa lalaking relasyon lobat- lupaypay
  31. 31. 2. KOLOKYAL/PAMBANSA- mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita. -Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maari rin naman maging repinado batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausap. -Ginagamit sa okasyong impormal at isinaalang-alang dito ang salitang madaling maintindihan. Halimbawa: alala, lika, naron, kanya-kanya- antay, lugal, utol, atsay, tisay
  32. 32. 3. LALAWIGANIN- ang wikang ito ay ginagamit sa isang rehiyon at ang mga tagaroon lamang ang nakauunawa nito kung ang pagbabatayan ay ang wikang pambansa. Halimbawa: TAGALOG ILOKANO CEBUANO BIKOLANO aalis pumanaw molakaw mahali kanin inapoy Kan-on maluto alikabok tapok abug alpog paa saka tiil bitis ibon bilit langgam gamgam

×