2. ANO ANG BIONOTE?
Nakasulat gamit ang puntode bistang
pangatlong panauhan
Ang bionote ay impormatibong talata na
nagpapaalam sa mga mambabasa kung sino ka
o ano-ano na ang mga nagawa mo bilang
propesyunal.
Inilalahad din dito ang iba pang impormasyon
tungkol sa iyo na may kaugnayan sa paksang
tinatalakay sa papel, sa trabahung ibig pasukan,
o sa nilalaman ng iyong blog o web site.
3. ANO ANG BIONOTE?
Iba ang bionote sa talambuhay at
autobiography. Ang bionote ay maikli at
siksik, samantalang mas detalyado at mas
mahaba ang talambuhay at autobiography.
Iba rin ang bionote sa biodata at curriculum
vitae.
4. BAKIT NAGSUSULAT NG BIONOTE?
Nagsusulat tayo ng bionote upang ipaalam sa
iba hindi lamang ang ating karakter kundi
maging ang ating kredibilidad sa larangang
kinabibilangan. Ito ang paraan upang ipakilala
ang sarili sa mga mambabasa.
Halimbawa:
Hindi tatangkilikin ng mga paaralan ang isang
batayang aklat sa accountancy kung
makikita sa author’s profile na wala naman
talagang background ang awtor sa
larangang ito.
7. Sa pagsulat ng bionote, mahalagang malinaw
ang layunin o mga layunin sa pagsulat nito.
Kailangan ding tukuyin kung sino ang
magbabasa nito at ang ibig mong isipin nila
tungkol sa iyo.
8. MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE:
1. Maikli ang nilalaman
-Karaniwang hindi binabasa ang mahabang
bionote, lalo na kung hindi naman talaga
kahanga-hanga ang mga dagdag na
impormasyon. Ibig sabihin, mas maikli ang
bionote, mas babasahin ito. Sikaping paikliin
ang iyong bionote at isulat lamang ang
mahahalagang impormasyon. Iwasan ang
pagyayabang.
9. MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE:
2. Gumagamit ng pangatlong panauhang
pananaw
- Tandaan, laging gumagamit ng pangatlong
panauhang pananaw sa pagsulat ng bionote
kahit na ito pa ay tungkol sa sarili.
Halimbawa:
“Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa
UP-Diliman. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng
Macroeconomic Theory sa parehong pamantasan.”
10. MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE:
3. Kinikilala ang mambabasa
- Kailangang isaalang-alang ang mambabasa
sa pagsulat ng bionote. Kung ang target na
mambabasa ay mga administrador ng
paaralan, kailangang hulmahin ang bionote
ayon sa kung ano ang hinahanap nila.
Halimbawa na lamang ay kung ano ang klasipikasyon
at kredibilidad mo sa pagsulat ng batayang aklat.
11. MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE:
4. Gumagamit ng baligtad na tatsulok
- Katulad sa pagsulat ng balita at iba pang
obhetibong sulatin, unahin ang
pinakamahalagang impormasyon. Ito ay
dahil sa ugali ng maraming taong basahin
lamang ang unang bahagi ng sulatin. Kaya
naman sa simula pa lamang ay isulat na
ang pinakamahalagan impormasyon.
12. MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE:
BALIKTAD NA TATSULOK
PINAKAMAHALAGAN
G IMPORMASYON
MAHALAGANG
IMPORMASYON
DI GAANONG
MAHALAGANG
IMPORMASYON
13. MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE:
5. Nakatuon lamang sa mga angkop na
kasanayan o katangaian
-Mamili lamang ng mga kasanayan o katangian na
angkop sa layunin ng iyong bionote.
IWASAN ito:
“Si Pedro ay guro/ manunulat/ negosyante/
environmentalist/ chef.”
Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan,
halimbawa, hindi na kailangan banggitin sa
bionote ang pagiging negosyante o chef.
14. MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE:
6. Binabanggit ang degree kung
kailangan
- Kung may PhD sa antropolohiya,
halimbawa, at nagsusulat ng artikulo
tungkol sa kultura ng Ibanag sa
Cagayan, mahalagang isulat sa
bionote ang kredensyal na ito.
15. MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE:
7. Maging matapat sa pagbabahagi ng
impormasyon
- Walang masama kung paminsan-minsan ay
magbubuhat ng sariling bangko kung ito
naman ay kailangan upang matanggap sa
inaaplayan o upang ipakita sa iba ang
kakayahan. Siguraduhin lamang na tama o
totoo ang impormasyon. Huwag mag-
iimbento ng impormasyon para lamang
bumango ang pangalan at makaungos sa
kompetisyon. Hindi ito etikal at maaaring
mabahiran ang reputasyon dahil dito.
16. PAGSUBOK SA NATUTUNAN:
Nagtapos ako ng BS Geodetic Engineering at MA Sociology,
at
kasalukuyang kumukuha ng PhD sa Filipino: Pagsasalin sa
UP
–Diliman. Disertasyon na lamang ang kulang ko. Nagtuturo
ako
ng Panitikan sa Unibersidad ng Santo Tomas at resident
fellow
din ng UST Center for Creative Writing and Literary Studies.
Lagi
akong tumatambay sa hardin upang magsulat. Nailathala ng
NCCA ang unang kolesiyon ko ng tula noong 2013.
Mahusay
raw, ayon sa mga kritiko. Nailathala naman noong 2014 ang
ikalawang koleksiyon ko ng tula. Pangarap kong manalo sa
Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.
Nakapaglathala
17. Ang bionote ay isang maiking impormatibong
sulatin (karaniwang isang talata lamang) na
naglalahad ng mga klasipikasyon ng isang
indibidwal at ng kaniyang kredibilidad bilang
propesyunal. Itinatanghal dito ang kaniyang
mga natamo na nagsasabing siya ay
maalam at may awtoridad sa larangang
kinabibilangan niya. Sa kabuuan, ang
kahusayan ng bionote ay nakasalalay sa
pagsasalubong ng nais iparating ng sumulat
at kung ano ang gustong malaman ng
mambabasa tungkol sa kaniya.
18. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mag-
aaplay ka ng trabaho. Tumitingin kang mga
bakanteng posisyon bilang IT Assistant sa
isang job portal sa Internet. Natuwa ka naman
dahil maraming kompanya ang
nangangailangan ng IT Assistant. Napansin
mong halos lahat ng inaaplayan mo ay
nanghihingi ng bionote maliban sa resume,
pormularyo ng aplikasyon, at scanned na kopya
ng diploma at transcript of records. Dahil dito,
magsusulat ka ng isang bionote na babasahin
ng mga kinatawan ng HR ng mga kompanyang
inaaplayan mo. Ang malaking puntos ng iyong
aplikasyon ay nakabatay rito, kaya kailangan
mong husayan. Tatayain ang iyong bionote ayon
sa kaangkupan ng mga impormasyonsa
posisyong inaaplayan, organisasyon ng talata,
at balarila.
19. Arnel D. Unciano, Jr. Ay nagtapos ng Doctors
of Philosophy in Filipino (Malikhaing
Pagsulat), ng Master of Arts in Filipino
(Malikhain Pagsulat), at ng Bachelor of Arts
in Araling Pilipino (magna cum laude) sa
Unibersidad ng Pilipinas –Diliman (UPD).
Kasalukuyan siyang Associates Professor ng
panitikan, panitikang pambata, at malikhaing
pagsulat sa kolehiyo ng Arte at Literaturasa
UPD.