2. Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay
itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang
manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan
ng panonood.
Ito ay nag- ugat sa salitang Griyego na ayon sa diksyonaryo,
ang ibig sabihin ay pampanitikang komposisyon na
nagkukuwento sa pamamagitan ng wika at galaw ng mga aktor.
Ayon sa mga mananalaysay, ang dula o drama.
3. Sa isang dako, ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay
nagsimula noong mga unang taon ng pangungupkop ng mga
Amerikano. Idinagdag pa ni Tiongson na ang drama ay
binubuo ng tanghalan, iba’t ibang kasuotan, iskrip,
“characterization”, at “internal conflict.”
Ito ang pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon sa
banyagang kahulugan. Sa kabilang dako, ayon sa mga aklat, ang
drama ay drama kahit wala ang mga sangkap na nabanggit.
4. Ito ang dramang Pilipino. Ayon pa rin kay Tiongson, mimesis ang
pangunahing sangkap ng dulang Pilipino. Ang mimesis ay ang
pagbibigay buhay ng aktor sa mga pang-araw-araw na pangyayari sa
buhay ng mga Pilipino. Ito rin ang malaking pagkakaiba ng banyaga sa
Pilipinong dula.
5. Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap ng bansa.
Dito ipinapakita ang mga katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon.
Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi sa buhay ng mga
katutubong Pilipino.
Dito rin mamamalas ang iba’t ibang anyo ng kanilang pamahalaan at
uri ng lipunan. Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay
ng mas malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng
kasagutan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino. Higit sa lahat, ito’y
nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang Pilipino.
6. ANG DULA SA IBA’T IBANG PANAHON
A. Panahon ng mga Katutubo
Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katututbong Pilipino bago pa
dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga katutubo’y likas na mahiligin
sa mga awit, sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula.
Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng tula. Ang mga katutubo rin ay mayaman sa epikong
bayan na kalimita’y isinasalaysay sa pamammagitan ng pag-awit.
Ang mga awit, sayaw, at ritwal ay karaniwang ginaganap para sa pagdiriwang ng kaarawan,
binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan, pakikipagdigmaan, kasawian, pananagumpay,
pagtatanim, pag-aani, pangingisda, atbp. Bago dumating ang mga dayuhang mananakop, ay mayroon
ng ilang anyo ng dula ang mga katutubong pilipino.
7. MGA KATUTUBONG DULA
1. Bikal at Balak- Ang bikal ay maaaring awitin ng dalawang babae o dalawang
lalaki. ang mga mang-aawit ay magkahiwalay na nakaupo sa magkabilang panig ng
silid, habang nasa gitna ang mga manonood.Sa mga berso ng awit ay nagtatalo ang
dalawa at hinahalungkat ang mga kasiraan o kapangitan ng bawat isa. Sa ganitong
pagkakataon, lalong nag-iinit ang pagtatalo dahil ang mga manonood ay may
kanya-kanyang kakampi.
Ang balak naman ay ang pagsusuyuan ng isang dalaga’t binata sa pamamagitan
ng awit na umiindayog at matalinghaga. May mga pagkakataong gumagamit ang
dalawa ng kudyapi. Sa pamamagitan ng tugtugin ng kudyapi ay naipararating ng
bawat isa ang kani-kanilang niloloob at damdamin.
8. 2. Bayok o Embayoka- Ito’y isang pagtatalong patula ng mga
Maranaw na nilalahukan ng isang lalaki at isang babae na
binabayaran ng salapi o kasangkapan pagkatapos ng palabas.
Ang mga kasali rito ay dapat na mahusay sa berso sapagkat ang
kunting pagkakamali sa pagkakamit o pagpili ng salita ay
maaaring humantong sa mainitang sagutan. Sa ganitong
pagkakataon, ito ay maaaring maging dahilan ng pag-aaway ng
mga pami-pamilya.
9. 3. Kasayatan-Kadalasan, ang bayok ay sinusundan ng isang laro ng
panyo na tinatawag na kasayatan. Ito ay sinasalihan ng mga dalaga’t
binata at nahahati sa dalawang pangkat. Magkahiwalay ang mga babae’t
lalaki sa magkabilang dulo ng tanghalan. Magsisimula ang sayaw
pagkatapos ng talumpati ng Sultan ng lugar o dili kaya’y ng may-ari ng
bahay na pinagdarausan ng pagdiriwang. Magkahiwalay ang mga babae’t
lalaki sa magkabilang dulo ng tanghalan. Magsisimula ang sayaw
pagkatapos ng talumpati ng Sultan ng lugar o dili kaya’y ng may-ari ng
bahay na pinagdarausan ng pagdiriwang.
10. Ang maybahay ay hihingi ng pahintulot na pasimulan na ang sayaw. Ito
ay ginagawa sa pamamagitan ng patula. Pagkatapos sumagot ng mga
panauhin ay sisimulan niya ang pakikipag-usap sa mga binata habang
sumasayaw sa paligid ng mga iyon. Ipapatong niya sa balikat ng isang
binata ang isang panyo. Pagkatapos ay tutungo naman siya sa grupo ng
mga babae at ipapatong ang isa pang panyo sa isa sa kanila. Ang sayaw
ay sinasaliwan ng mga instrumentong kudyapi, kulintang, agong at
kubing. Ang kanilang mga kilos ay waring naglalarawan ng kanilang mga
ninuno.
11. 4. Dallot- Sa mga Ilokano ito’y awit ng pag-ibig. Ang lalaki ay tutula at
nagpapahayag ng pag-ibig at ito’y sasagutin ng babae nang patula. Pagkatapos ay
aawitin nila ang tula sa saliw ng kutibeng, gitara ng mga Ilokano. Ito’y itinatanghal
kapag may binyag, kasalan o handaan.
Habang nag-aawitan ang dalaga’t binata ay pinapasa ang oasi, isang uri ng
alak. Kapag ang babae ay tinanggap ang pag-ibig na iniluluhog ay ihahayag at
itatakda ng mga magulang ang kasal.
Ang pagbabayo ng palay ay mahalagang bahagi habang itinatakda ang kasal.
Ito ay ginagawa sa saliw ng awit na Pamulinawen habang ang mga tao’y
nagsasayawan.
Gayundin, ang pagbibigay ng datos (dowry) ay bahagi ng kasalan
12. 5. Dung-Aw-Ang tradisyong Dung-aw ng mga Ilokano ay isang tulang panambitan na
binibigkas sa piling ng bangkay ng anak, asawa o magulang. Ang berso ay nagsasalaysay ng
paghihinagpis ng naulila at paghingi ng kapatawaran sa nagawang kasalanan o
pagkakamali sa namatay.
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Dung-aw na sipi sa aklat nina Natividad,
Simbulan at Academia.
Ako’y kaawaan o aking kapatid
ako’y kaawaan o aking asawa
ikaw namatay o aking kapatid
ikaw namatay o aking asawa
ano ang natira’t sa akin naiwan
13. sa abang buhay kong walang kapalaran?
Ang lahat sa akin ay nakalilimot
pagkat parang sanggol sa iyo umiirog
ang mga mata ko pugto sa luha
ang abang puso ko babad sa luha.
14. 6. Hugas-Kalawang-Isang tradisyon ng mga taga-gitnang Luzon.
Isinasagawa ito pagkaraan ng pagtatanim ng palay, ang mga magsasaka
ay gumawa ng damara sa tumana o sa taniman. Naghahandog ng
premyo ang may-ari ng lupa para sa pinakamabilis magtanim.
Pagkatapos ng pagtatanim, sila ay naghuhugas ng kamay at susundan ito
ng kainan at magkakasayahan habang nagkakantahan, nagsasayawan,
nagkukuwentuhan at nagtutuk-suhan.Ang hugas-kalawang ay nagtataglay
rin ng mimesis sapagkat ang mga gumaganap dito ay mga magsasaka at
may-ari ng lupa.
15. 7. Dalling-Dalling- Ang dalling-daliing ay isang tradisyonal na anyo ng dula ng mga Tausug sa Sulu.
Nangangahulugang “Mahal Ko”, ang dalling-dalling ay isang ritwal na nag-aanyaya sa mga manonood na umawit
habang ang magsing-irog ay sumasayaw. Ang lalaki’t babae ay nagliligawan sa pamamagitan ng pag-awit ng
kanilang mga niloloob. Kadalasan, ang mga manonood ay kumakanta rin nang may himig na panunudyo.
17. Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong 3Gs.
Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo,
maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng kanilang nasasakop. Napakaraming dulang panlibangan
ang ginanap ng ating mga kalahi noong panahon ng kastila. Halos lahat
ng mga dulang ito ay patula. Narito ang mga sumusunod:
1. Tibag- ipinapakita at ipinapaalala sa dulang ito ang paghahanap ni Sta.
Elena sa kinamatayang krus ni Hesus sa pamamagitan ng pagtitibag ng
bunduk-bundukan.
18. 2. Lagaylay- sa mga Pilarenos ng Sorsogon, isang pagkakataon at pagtitipon-tipon
kung buwan ng Mayo ang pagtatanghal na ito. Abril pa lamang ay namimili na si
Kikay, ang anak ng sakristan mayos ng mga dalagang sasali rito para sa panata na
ginagawa dahil sa pagkakasakit o sa isang pabor na nais makamtan. Layunin nitong
magbigay paggalang, papuri, at pag-aalay ng pagmamahal sa mahal na krus na nakuha
ni Santa Elena sa bundok na tinibag.
3. Panunuluyan - prusisyong ginaganap tuwing bisperas ng Pasko. Ito ay tungkol sa
paghahanap ng bahay na matutuluyan ng Mahal na Birhen sa pagsilang kay
Hesukristo.
19. 4. Panubong-mahabang tulang nagpaparangal sa isang may kaarawan o
kapistahan na kung tawagin ay panubong ay ginaganap bilang parangal sa
isang panauhin o may kaarawan.
5. Karilyo- dulang ang mga nagsisiganap ay mga tau-tauhang karton.
Pinapagalaw ang mga ito sa pamamagitan ng mga nakataling pising
hawak ng mga tao sa itaas ng tanghalan.Ang mga taong nagsasalita ay
nasa likod ng telon. Madilim kung palabasin ito sapagkat ang nakikita
lamang ng mga tao ay kanilang mga anino.
20. 6. Moro-moro- itinatanghal sa pinasadyang entablado. Itinatanghal tuwing araw ng
pista ng bayan o ng nayon upang magdulot ng aliw sa tao at lagging ipaalala sa mga
ito ang kabutihan ng relihiyong Kristiyano. Ang mga moro-moro ay may hari’t reyna
at mga mandirigmang kawal. Pinaniniwalaang nag-ugat ito sa sagupaan ng mga
Kristiyano at Pilipinong Muslim noong ika-16 siglo.
7. Karagatan- uri ng sinaunang panitikang larong patula na kadalasang ginagawa sa
lamayan. Ang paksa ng karagatan ay tungkol sa isang prisesa na nawala ang singsing
sa karagatan. Nagpapasikatan ang mga binata sa kanilang mga husay at talento (na
isinasagawa sa pamamagitan ng pagtula). Kung sino man sa kanila ang makakakuha
ng singsing ay magiging asawa ng prinsesa.
21. 8. Duplo- ito ang humalili sa karagatan. Isang paligsahan ng husay sa
pagbigkas at pangangatwiranan patula. Hango sa Bibliya, sa mga
sawikain, at mga kasabihan. Karaniwang nilalaro ito sa paglalamay sa
gunita ng isang namatay.
9. Saynete- itinuturing na dulang panlibangan nang mga huling taon ng
pananakop ng mga Espanyol. Ito ay paglalahad ng kaugalian ng isang
lahi o katutubo, sa kaniyang pamumuhay, pangingibig, at
pakikipagkapwa. Hal. La India Elegante Y El Negrito Amante ni
Francisco Balagtas.
22. 10. Sarsuela-isang melodrama o dulang musical na tatatluhing yugto. Ito
ay tungkol sap ag-ibig, paghihiganti, panibugho, pagkasuklam, at iba
pang masisidhing damdamin. Karaniwang nagpapakita ng pang-araw-
araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Upang lalong magustuhan ng
manonood ay nilalahukan ito ng katatawan na laging ginagampanan ng
mga katulong sa dula. Sinasabing ito ang nagsilbing libangan sa mga
huling taon ng pananakop ng mga Espanyol. Hal. Walang Sugat ni
Severino Reyes.
23. Gawaing Asynchronous
Panoorin at suriin ang pagtatanghal ng Sarsuwela na “ Walang Sugat “ ni Severino Reyes. Gamitin
ang link na ito sa inyong panonood
https://www.youtube.com/watch?v=ESBNfhqoRS8
Ibigay ang reaksyon sa bawat elemento.
a. Iskrip o Pagkakasulat ng Dula
b. Gumaganap na aktor
c. Tanghalan
d. Direktor
e. Eksena at Tagpo