SlideShare a Scribd company logo
1 of 16
Balagtasa
n
Balagtasa
n
By: Group 1
Ano ang Balagtasan?
Ang Balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula. Nakilala ito noong panahon na
ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, batay sa mga lumang tradisyon ng
patulang pagtatalo gaya ng Karagatan,Batutian at Duplo. Bago pa man masakop ng mga
dayuhan ang ating bansa mayaman na sa tradisyong tulang sagutan sa iba’t ibang rehiyon ng
Pilipinas.
Aklanon maging ang Cebuano, isang biglaang debate ng lalake at babae. Sagutan naman ng
kinatawan o sugo ng dalawang pamilyang nakikipagnegosasyon sa pag-iisang dibdib ng dalaga
at binata ang Siday ng mga Ilonggo at Pamalaye ng mga Cebuano. Sa mga Subanen naman ay
sa inuman isinasagawa ang sagutan. Ang unang bahagi ng ganitong gawain ay pagtikim ng alak
kung saan nalalaman ang papel na gagampanan ng bawat isa, ang mga tuntunin at iba pang
bagay na dapat isaalang-alang. Ang Balagtasan ay isang makabagong duplo. Ang mga kasali
sa duplo ay gumaganap na nasa isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala
ang paboritong ibon o singsing. May gumaganap na piskal o tagausig, isang akusado,at
abogado. Ito ay magiging debate o sinasabing tagisan ng katuwiran sa panig ng taga-usig at
tagapagtanggol at maaaring paiba iba ang paksa. Bagamat ito ay lumalabas na debate sa
pamamaraang patula, layunin rin nito na magbigay-aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng
katatawanan, talas ng isip, na may kasamang mga aktor sa isang dula.
Continuation…
Ang Balagtasan ay ginamit ng mga manunulat upang maipahiwatig ang kanilang palagay sa
aspetong politika at napapanahong mga pangyayari at usapan. Nabuo ang konseptong ito sa
isang pagpupulong. Ang nangungunang mga manunulat noong Marso 28, 1924, sa tanggapan ni
Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres (Women's Institute), Tondo, Maynila. Ito ay naganap
bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kaarawan ng dakilang makata na si Francisco Balagtas o
Araw ni Balagtas sa darating na Abril 2. Iminungkahi ni G. Jose Sevilla na tawagin itong
Balagtas. Hinunlapiang “an” ang pangalan kaya naging Balagtasan na ang tawag dito. Ang unang
Balagtasan ay nangyari noong Abril 6, 1924. Tatlong pares ng makata ang nagtalo na gumamit
ng iskrip. Ang pinakamagaling sa mga nagbalagtasan ay sina José Corazón de Jesús at
Florentino Collantes, kaya naisipan ng mga bumuo na magkaroon ng isa pang Balagtasan para sa
dalawang kagalang-galang na makatang ito, na walang iskrip. Ginawa ito noong Oktubre 18,
1925 sa Olympic Stadium sa Maynila.
Si Jose Corazon De Jesus ang nagwagi bilang unang Hari ng Balagtasan.Nakilala si Jose
Corazon de Jesus bilang si "Huseng Batute" dahilan sa kaniyang angking kahusayan sa
Balagtasan noong 1920. Mula noon hanggang ilang taong makalipas ang Ika-2 Digmaang
Pandaigdig, naging paboritong aliwan ang Balagtasan. Gumawa pati ang mga makata sa ibang
mga wika sa Pilipinas ng sarili nilang bersyon, gaya ng Bukanegan ng mga Ilokano (mula sa
apelyido ng makatang Ilokanong si Pedro Bukaneg at ng Crisostan ng mga Pampango (mula sa
pangalan ng Pampangong makata na si Juan Crisostomo Soto).
Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa sumulpot ang mga
samahang pampanitikang nakabatay sa paaralan kung hindi
magkakaroon ng pagkakatong mapabilang sa mga samahang
pampanitikan. Ang Balagtasan ay karaniwang may mga
paksang pinag-uusapan ng tatlo katao. Ang mga kalahok ay
inaasahang magaling sa pag-alala ng mga 231 tulang
mahahaba at pagbigkas nito ng may dating (con todo forma)
sa publiko. Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon
ng bawat panig ( Mambabalagtas). May mga hurado na
magsisiyasat kung sino sa kanila ang panalo o ang mas may
makabuluhang pangangatuwiran.
JOSE CORAZON DE JESUS
Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz, Manila noong 22 Nobyembre
1896 na anak nina Vicente de Jesus, ang unang direktor ng kagawaran ng kalusugan
ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas, at Susana Cruz ng Pampanga. Bininyagan
siyang Jose Cecilio de Jesus ngunit pinalitan niya ang Cecilio ng Corazon (puso sa
Español) dahil iyon daw ang tumutugma sa kanyang katauhan. Lumaki si De Jesus sa
bayan ng kanyang ama, sa Santa Maria, Bulacan.
Nag-aral siya sa nasirang Liceo de Manila kung saan siya nagtapos noong 1915. Ang
una niyang tula na nailimbag ay ang Pangungulila na lumabas noong 1913 sa nasirang
Ang Mithi noong siya ay 17 taong gulang. Noong 1918, nakuha niya ang kanyang
batsilyer ng batas mula sa nasirang Academia de Vera ngunit hindi niya pinagpatuloy
ang kanyang pagiging abogado dahil abala na siya sa pagsulat ng isang kolum ng mga
tula sa pahayagang Tagalog na Taliba. Ang kolum ay tinawag na Buhay Cavite na
isinulat niya sa pangalang-pluma na Huseng Batute. Sa pamamagitan ng kanyang
kolum, pinuna ni De Jesus ang lipunan sa ilalim ng mga mananakop na Amerikano at
pinalaganap niya ang mithiin ng kasarinlan ng Pilipinas na noo'y isang commonwealth sa
ilalim ng pamahalaang Estados Unidos.
May mga 4,000 tula siyang naisulat sa kanyang kolum na Buhay Cavite. Sumulat din siya
ng mga 800 kolum na pinamagatang Ang Lagot na Bagting. Paborito niyang pangalang-
pluma ang Huseng Batute ngunit sumulat din siya sa ilalim ng mga pangalang Pusong Hapis,
Paruparu, Pepito Matimtiman, Mahirap Dahong Kusa, Paruparong Alitaptap, Amado
Viterbi, Elyas, Anastacio Salagubang, Tubig Lily at Pag-ibig.
Noong 28 Marso 1924, si De Jesus ay isa sa mga pangunahing manunulat sa Tagalog na
nagpulong sa Instituto de Mujeres sa Tondo, Manila upang pagusapan ang pagdiriwang ng
kaarawan ng makatang Tagalog na si Francisco Balagtas. Ang pulong ay tinawag at
pinamunuan ng manunulat na Rosa Sevilla. Napagpasyahan ng mga manunulat na
magpalabas ng tradisyonal na duplo, o isinadulang debate sa tula na uso noong araw ngunit
nalalaos na noong mga 1920. Pinalitan nila ang porma ng duplo at binansagan itong
balagtasan para kay Balagtas.
May tatlong pares ng mga makata na sumali sa unang balagtasan. Sumikat ng lubusan ang
balagtasan at ito ay naging karaniwang palabas sa mga pinakamalaki at pinakamahal na
teatro sa Maynila hanggang noong dekada ng 1950. Pinagtapat sina De Jesus at Collantes
at ginawa silang magkaribal at nagtakda ng isang tagisan ng galing noong 18 Oktubre
1925 sa Olympic Stadium. Si De Jesus ang nanalo ng tagisan na iyon at binansagan
siyang Hari ng Balagtasan. Hinawakan niya ang titulo hanggang mamatay siya.
Sikat na si De Jesus bilang Huseng Batute sa buong Pilipinas noong
inanyayahan siyang umarte sa pelikulang Oriental Blood. Kasama niya
ang mga bantog na aktres ng panahong iyon (Atang dela Rama at
Maria Santos). Kasama rin sa kast ang kanyang anak na si Juliano
de Jesus, na naging aktor sa ilang mga pelikulang Pilipino. Ngunit
nagkasakit si Huseng Batute habang ginagawa ang pelikula at lumala
ang kanyang sakit hanggang siya ay mamatay noong 26 Mayo 1932.
Iniwan niya ang kanyang asawang si Asuncion Lacdan de Jesus at
mga anak Teresa, Jose Jr. at Rogelio. Noong siya ay mamatay,
binigay ng pamilya niya ang kanyang puso sa isang museo ng
pamahalaan kung saan ito itinago hanggang ilibing ito sa libingan ng
kanyang ina. Inilibing siya sa ilalim ng dagat sa Visayas, alinsunod
sa kagustuhan niyang nakatala sa kanyang mga tulang Isang Malalim
na Dagat at Ang Visayas.
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan
Lakandiwa:Yamang ako‟y siyang Haring
inihalal Binubuksan ko na itong Balagtasan,
Lahat ng makata‟y inaanyayahang
Sa gawang pagtula ay makipaglaban.
Ang makasasali‟y batikang makata
At ang bibigkasi‟y magagandang tula,
Magandang kumilos, may gata sa dila
At kung hindi ay mapapahiya.
Itong balagtasa'y galing kay Balagtas
Na Hari ng mga Manunulang lahat,
Ito‟y dating Duplong tinatawag-tawag
Balagtasan ngayon ang ipinamagat.
At sa gabing ito‟y sa harap ng bayan
Binubuksan ko na itong Balagtasan
Saka ang ibig kong dito‟y pag-usapan:
BULAKLAK NG LAHING KALINIS-LINISAN.
Tinatawagan ko ang mga makata,
Ang lalong kilabot sa gawang pagtula,
Lumitaw na kayo‟t dito‟y pumagitna
At magbalagtasan sa sariling wika.
Paruparo: Magandang gabi sa kanilang lahat
Mga nalilimping kawal ni Balagtas,
Ako‟y paruparong may itim na pakpak
At nagbabalita ng masamang oras.
Nananawagan po, bunying Lakandiwa,
Ang uod na dating ngayo‟y nagmakata,
Naging paruparo sa gitna ng tula
At isang bulaklak ang pinipithaya.
Sa ulilang harding pinanggalingan ko
Laon nang panahong nagtampo ang bango,
Nguni‟t aywan baga‟t sa sandaling ito
Ay may kabanguhang binubuhay ako.
May ilang taon nang nagtampo sa akin
Ang bango ng mga bulaklak sa hardin,
Luksang Paruparo kung ako‟y tawagin,
mata ko‟y luhaan, ang pakpak ko‟y itim.
Bunying Lakandiwa, dakilang Gatpayo,
Yaring kasawia‟y pagpayuhan ninyo,
At si Lakan-ilaw ang gagamitin ko
Upang matalunton ang naglahong bango.
Lakandiwa: Sa kapangyarihan na
taglay ko na rin Ikinagagalak na kayo‟y tanggapin,
Magtuloy po kayo at dito sa hardin,
Tingnan sa kanila kung sino at alin.
Paruparo: Sa aking paglanghap ay laon nang
patay Ang bango ng mga bulaklak sa parang,
Nguni‟t ang puso ko‟y may napanagimpang
Bulaklak ng lahing kalinis-linisan.
Ang bulaklak ko pong pinakaiirog
Ubod na ng ganda‟t puti ang talulot,
Bulaklak po ito ng lupang Tagalog,
Kapatak na luhang pangala‟y kampupot.
Kung kaya po naman di ko masansala
Ang taghoy ng dibdib na kanyang dinaya,
Matapos na siya‟y diligan ng luha
Nang siya‟y umunlad, nagtago…nawala!
Isang dapit-hapong palubog ang araw
Sa loob ng hardin, kami‟y nagtaguan,
Paruparo, anya kita‟y tatalian,
Ako‟y hanapin mo‟t kung makita‟y hagkan.
Isang panyong puting may dagta ng lason
Ang sa aking mata‟y itinakip noon,
At ang Bulaklak ko‟y bumaba sa dahon,
Nagtago pa mandin at aking hinabol.
Hinabol-habol ko ang bango at samyo
Hanggang makarating ako sa malayo,
At nang alisin na ang takip na panyo
Wala si Kampupot, wala yaring puso.
Ang taguang biro‟y naging totohanan
Hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw,
At ang hinagpis ko noong ako‟y iwan,
Baliw na mistula sa pagsisintahan.
Sa lahat ng sulok at lahat ng panig
Ay siya ang laging laman niring isip,
Matulog man ako‟y napapanaginip,
Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib.
Sa apat na sulok ng mundong payapa
Ang aking anino‟y tulang nabandila,
Paruparo akong sa mata‟y may luha,
Ang mga pakpak ko‟y may patak na luksa.
Ang sakdal kong ito, Lakandiwang mahal,
Ibalik sa akin, puso kong ninakaw,
At kung si Kampupot ay ayaw po naman,
Ay ang puso niya sa aki‟y ibigay.
Bubuyog: Hindi mangyayari at ang puso niya‟y
Karugtong ng aking pusong nagdurusa,
Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha
Ang lalagutin mo‟y dalawang hininga.
Pusong pinagtali ng isang pag-ibig
Pag pinaghiwalay kapanga-panganib,
Daga‟t ma‟t hatiin ang agos ng tubig,
Sa ngalan ng Diyos ay maghihimagsik.
Ang dalawang ibon na magkasintahan,
Papaglayuin mo‟t kapwa mamamatay,
Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay,
Bangkay ang umalis, patay ang nilisan,
Paruparong sawing may pakpak na itim
Waring ang mata mo‟y nagtatakipsilim,
At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw
“Di man Kampupot mo‟y iyong inaangkin.
Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo
At sa kasawia‟y magkauri tayo,
Ako ma‟y mayroong nawawalang bango
Ng isang bulaklak kaya naparito.
Buhat pa kanginang ikaw‟y nangungusap
Bawat salita mo‟y matulis na sibat,
Saka ang hanap mong mabangong bulaklak,
Luksang paruparo, siya ko ring hanap.
Ipahintulot mo, Paruparong luksa,
Dalitin ko yaring matinding dalita.
Itulot mo rin po, Hukom na dakila,
Bubuyog sa sawi‟y makapagsalita.
Paruparo: „Di ko pinipigil ang pagsasalaysay Lalo‟t
magniningning ang isang katwiran,
Nguni‟t tantuin mo na sa daigdigan
Ang bawa‟t maganda‟y pinag-aagawan.
Lakandiwa: Magsalita kayo at ipaliwanang
Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas,
Paano at saan ninyo napagmalas
Na ito ang siya ninyong hinahanap?
Bubuyog: Sa isang malungkot at ulilang hardin
Ang binhi ng isang halama‟y sumupling,
Sa butas ng bakod na tahanan namin
Ay kasabay akong isinisilang din.
Nang iyang halama‟y lumaki, umunlad,
Lumaki ako‟t tumibay ang pakpak,
At nang sa butas ko ako‟y makalipad
Ang unang hinagka‟y katabing bulaklak.
Sa kanyang talulot unang isinangla A
ng tamis ng aking halik na sariwa,
At sa aking bulong na matalinghaga
Napamukadkad ko ang kanyang sanghaya.
Nang mamukadkad na ang aking kampupot
Sa araw at gabi ako‟y nagtatanod,
Langgam at tutubing dumapo sa ubod
Sa panibugho ko‟y aking tinatapos.
Ngayon, tanda ko ngang kayo‟y nagtaguan
Habang ako‟y kanlong sa isang halaman,
Luksang paruparo nang ikaw‟y maligaw
Ang aking halakhak ay nakabulahaw.
Ang inyong taguan, akala ko‟y biro,
Kaya ang tawa ko‟y abot sa malayo,
Ngani‟t nang ang saya‟y tumagos sa puso
Sa akin man pala ay nakapagtago.
Lumubog ang araw hanggang sa dumilim
Giliw kong bulaklak din dumarating,
Nang kinabukasa‟t muling nangulimlim
Ay hinanap ko na ang nawalang giliw.
Nilipad ko halos ang taas ng langit
At tinalunton ko ang bakas ng ibig,
Ang kawikaan ko sa aking pag-alis
Kung di makita‟y di na magbabalik.
Sa malaong araw na nilipad-lipad
Dito ko natunton ang aking bulaklak,
Bukong sa halik kokaya namukadkad
„Di ko papayagang mapaibang palad.
Luksang Paruparo, kampupot na iyan,
Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay,
Ang unang balik kong katamis-tamisan
Sa talulot niya ay nakalarawan.
Paruparo: Hindi mangyayaring sa isang bulaklak
Kapwa mapaloob ang dalawang palad.
Kung ikaw at ako‟y kanyang tinatanggap
Nagkasagi sana ang kanitang pakpak.
Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilang
Nang makalabas ka‟y saka mo hinagkan:
Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay,
Sino ang malapit sa pagliligawan?
Una muna akong nag-uod sa sanga
Na balot ng sapot ng pagkaulila,
Nang buksan ng Diyos yaring mga mata
Bulo‟t dahon namin ay magkasama na.
Sa ugoy ng hangin sa madaling-araw
Nagduruyan kaming dalawa sa tangkay,
At kung bumabagyo‟t malakas ang ulan,
Ang kanya ring dahon ang aking balabal.
Sa kanyang talulot kung may dumadaloy
Na patak ng hamog, aking iniinom;
Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong
Sa init ng araw sa buong maghapon.
Paano ngang siya ay pagkakamalan
Na kami‟y lumaki sa iisang tangkay,
Kaya nga kung ako‟y sa kanya nabuhay
Ibig ko rin namang sa kanya mamatay.
Bubuyog: Huwag kang matuwa sapagka‟t kaniig
Niyaring bulaklak na inaaring langit,
Pagka‟t tantuin mo sa ngalang pag-ibig
Malayo ma‟t ibig, daig ang malapit.
Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot
Nakikiinom ka ng patak ng hamog,
Kaunting biyaya na bigay ng Diyos,
Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok.
Ikaw‟y isang uod, may bulo kang taglay;
Sa isang bulaklak laso‟t kamatayan,
At akong bubuyog ang dala ko‟y buhay
Bulong ng hiningang katamis-tamisan.
Paruparo: Akong malapit na‟y napipintasan mo,
Ikaw na malayo naman kaya‟y pa‟no?
Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino,
Ay ubos na pala ang tamis sa bao.
Bubuyog na laging may ungol at bulong
Ay nakayayamot saan man pumaroon,
At ang katawan mo‟y mayrong karayom
Pa‟no kang lalapit, di naduro tuloy?
Di ka humahalik sa mga bulaklak,
Talbos ng kamote ang siya mong liyag,
Ang mga bintana‟y iyong binubutas,
Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab.
Ikaw ay bubuyog, ako‟y paruparo,
Iyong mga bulong ay naririnig ko;
Kung dinig ng lahat ang panambitan mo
Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo.
Bubuyog: Kundi iniibig ang nakikiusap
Lalo na ang tahimik na tatapat-tapat,
Kung ang magsalita‟y di-magtamong-palad
Lalo na ang dungong di makapangusap.
Lilipad-lipad ka na payao‟t dito
Pasagilang-bingit, at patanaw-tao,
Pag ligaw-matanda sa panahong ito
Pagtatawanan ka ng liligawan mo.
Ikaw‟y paruparo, ako ay bubuyog
Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod,
Nguni‟t saang panig nitong sansinukob
Nakakatuwaan ang paris mong uod?
Saka, Paruparo, dapat mong malamang
Sa mula‟t mula pa‟y „di ka minamahal, Ang panyong
panali nang ikaw ay takpan
Ikaw ang may sabing may lason pang taglay.
Paruparo: Ganyan ang hinalang namugad sa dibdib,
Pagka‟t napaligaw ang aking pangmasid,
Hindi pala laso‟t dagta ng pag-ibig
Ang sa aking panyo‟y kanyang idinilig.
Bubuyog: Dadayain ka nga‟t taksil kang talaga
At sa mga daho‟y nagtatago ka pa.
Paruparo: Kung ako‟y dinaya‟t ikaw ang tatawa
Sa taglay kong bulo nilason na kita.
Bubuyog: Pagka‟t ikaw‟y taksil, akin si Kampupot.
Siya‟y bulaklak ko sa tabi ng bakod.
Paruparo: Bulaklak nga siya‟t ako‟y kanyang uod.
Bubuyog: Sa minsang ligaya‟y tali ang kasunod,
Makapitong lumbay o hanggang matapos.
Paruparo: Dito napatunayan yaong kawikaan
Na ang paglililo‟y nasa kagandahan.
Bubuyog at Paruparo: Ang isang sanglang
naiwan sa akin
Ay di mananakaw magpahanggang libing.
Lakandiwa: Ang hatol ko‟y ito sa dalawang hibang
Nabaliw nang hindi kinababaliwan:
Yamang ang panahon ay inyong sinayang
Kaya‟t nararapat na maparusahan.
Ikaw ay tumula ngayon, Paruparo
Ang iyong tulain ay “Pagbabalik” mo,
At ang “Pasalubong” sa babaing lilo,
Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko.
Lakandiwa: Sang-ayon sa aking inilagdang hatol,
Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon;
Ang iyong tulain ay ang “Pasalubong”
Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong.
Minamahal nami‟t sinisintang bayan,
Sa ngayo‟y tapos na itong Balagtasan;
At kung ibig ninyong sila ay hatulan,
Hatulan na ninyo pagdating ng bahay.
Activity!
1. Question 1 - Ito ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula.
2. Question 2 - Siya ay nagwagi bilang unang Hari ng Balagtasan.
3. Question 3 - Ang unang Balagtasan ay nangyari noong?
Thank
you!
Thank
you!

More Related Content

Similar to BALAGTASAN-2.pptx

2nd grading 01 - Balagtasan
2nd grading   01 - Balagtasan2nd grading   01 - Balagtasan
2nd grading 01 - BalagtasanSanji Zumoruki
 
Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaNikko Mamalateo
 
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte regionANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte regiontagudjameslervyctecp
 
Maikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang PilipinoMaikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang PilipinoMarlene Panaglima
 
Panahon ng amerikan
Panahon ng amerikanPanahon ng amerikan
Panahon ng amerikanyahweh19
 
Dulang patula sa panahon ng Kastila
Dulang patula sa panahon ng KastilaDulang patula sa panahon ng Kastila
Dulang patula sa panahon ng Kastilabetchaysm
 
Lesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizalLesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizalSophi A
 
Lesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizalLesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizalSophi A
 
Isang Punungkahoy ni Jose Corazon de Jesus
Isang Punungkahoy ni Jose Corazon de JesusIsang Punungkahoy ni Jose Corazon de Jesus
Isang Punungkahoy ni Jose Corazon de JesusStephanie Lagarto
 
panitikan sa panahon ng kastila_final.pptx
panitikan sa panahon ng kastila_final.pptxpanitikan sa panahon ng kastila_final.pptx
panitikan sa panahon ng kastila_final.pptxReymarkPeranco2
 
Lit103.pagpapalaganap ng kristiyanismo
Lit103.pagpapalaganap ng kristiyanismoLit103.pagpapalaganap ng kristiyanismo
Lit103.pagpapalaganap ng kristiyanismoEzr Acelar
 

Similar to BALAGTASAN-2.pptx (20)

Dula 111213051254-phpapp01-1
Dula 111213051254-phpapp01-1Dula 111213051254-phpapp01-1
Dula 111213051254-phpapp01-1
 
2nd grading 01 - Balagtasan
2nd grading   01 - Balagtasan2nd grading   01 - Balagtasan
2nd grading 01 - Balagtasan
 
Filipino takdang aralin
Filipino takdang aralinFilipino takdang aralin
Filipino takdang aralin
 
Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastila
 
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte regionANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
 
Jose rizal
Jose rizalJose rizal
Jose rizal
 
Maikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang PilipinoMaikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
 
Dula
DulaDula
Dula
 
Panahon ng amerikan
Panahon ng amerikanPanahon ng amerikan
Panahon ng amerikan
 
Dulang patula sa panahon ng Kastila
Dulang patula sa panahon ng KastilaDulang patula sa panahon ng Kastila
Dulang patula sa panahon ng Kastila
 
Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula
 
Lesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizalLesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizal
 
Lesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizalLesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizal
 
Pagsulong at pag unlad
Pagsulong at pag unladPagsulong at pag unlad
Pagsulong at pag unlad
 
Pagsulong at pag unlad
Pagsulong at pag unladPagsulong at pag unlad
Pagsulong at pag unlad
 
Isang Punungkahoy ni Jose Corazon de Jesus
Isang Punungkahoy ni Jose Corazon de JesusIsang Punungkahoy ni Jose Corazon de Jesus
Isang Punungkahoy ni Jose Corazon de Jesus
 
panitikan sa panahon ng kastila_final.pptx
panitikan sa panahon ng kastila_final.pptxpanitikan sa panahon ng kastila_final.pptx
panitikan sa panahon ng kastila_final.pptx
 
Mga elemento ng tula a
Mga elemento ng tula aMga elemento ng tula a
Mga elemento ng tula a
 
Lit103.pagpapalaganap ng kristiyanismo
Lit103.pagpapalaganap ng kristiyanismoLit103.pagpapalaganap ng kristiyanismo
Lit103.pagpapalaganap ng kristiyanismo
 
DULA_GROUP 1.pdf
DULA_GROUP 1.pdfDULA_GROUP 1.pdf
DULA_GROUP 1.pdf
 

BALAGTASAN-2.pptx

  • 2. Ano ang Balagtasan? Ang Balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula. Nakilala ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, batay sa mga lumang tradisyon ng patulang pagtatalo gaya ng Karagatan,Batutian at Duplo. Bago pa man masakop ng mga dayuhan ang ating bansa mayaman na sa tradisyong tulang sagutan sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. Aklanon maging ang Cebuano, isang biglaang debate ng lalake at babae. Sagutan naman ng kinatawan o sugo ng dalawang pamilyang nakikipagnegosasyon sa pag-iisang dibdib ng dalaga at binata ang Siday ng mga Ilonggo at Pamalaye ng mga Cebuano. Sa mga Subanen naman ay sa inuman isinasagawa ang sagutan. Ang unang bahagi ng ganitong gawain ay pagtikim ng alak kung saan nalalaman ang papel na gagampanan ng bawat isa, ang mga tuntunin at iba pang bagay na dapat isaalang-alang. Ang Balagtasan ay isang makabagong duplo. Ang mga kasali sa duplo ay gumaganap na nasa isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing. May gumaganap na piskal o tagausig, isang akusado,at abogado. Ito ay magiging debate o sinasabing tagisan ng katuwiran sa panig ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba iba ang paksa. Bagamat ito ay lumalabas na debate sa pamamaraang patula, layunin rin nito na magbigay-aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan, talas ng isip, na may kasamang mga aktor sa isang dula.
  • 3. Continuation… Ang Balagtasan ay ginamit ng mga manunulat upang maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspetong politika at napapanahong mga pangyayari at usapan. Nabuo ang konseptong ito sa isang pagpupulong. Ang nangungunang mga manunulat noong Marso 28, 1924, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres (Women's Institute), Tondo, Maynila. Ito ay naganap bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kaarawan ng dakilang makata na si Francisco Balagtas o Araw ni Balagtas sa darating na Abril 2. Iminungkahi ni G. Jose Sevilla na tawagin itong Balagtas. Hinunlapiang “an” ang pangalan kaya naging Balagtasan na ang tawag dito. Ang unang Balagtasan ay nangyari noong Abril 6, 1924. Tatlong pares ng makata ang nagtalo na gumamit ng iskrip. Ang pinakamagaling sa mga nagbalagtasan ay sina José Corazón de Jesús at Florentino Collantes, kaya naisipan ng mga bumuo na magkaroon ng isa pang Balagtasan para sa dalawang kagalang-galang na makatang ito, na walang iskrip. Ginawa ito noong Oktubre 18, 1925 sa Olympic Stadium sa Maynila. Si Jose Corazon De Jesus ang nagwagi bilang unang Hari ng Balagtasan.Nakilala si Jose Corazon de Jesus bilang si "Huseng Batute" dahilan sa kaniyang angking kahusayan sa Balagtasan noong 1920. Mula noon hanggang ilang taong makalipas ang Ika-2 Digmaang Pandaigdig, naging paboritong aliwan ang Balagtasan. Gumawa pati ang mga makata sa ibang mga wika sa Pilipinas ng sarili nilang bersyon, gaya ng Bukanegan ng mga Ilokano (mula sa apelyido ng makatang Ilokanong si Pedro Bukaneg at ng Crisostan ng mga Pampango (mula sa pangalan ng Pampangong makata na si Juan Crisostomo Soto).
  • 4. Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa sumulpot ang mga samahang pampanitikang nakabatay sa paaralan kung hindi magkakaroon ng pagkakatong mapabilang sa mga samahang pampanitikan. Ang Balagtasan ay karaniwang may mga paksang pinag-uusapan ng tatlo katao. Ang mga kalahok ay inaasahang magaling sa pag-alala ng mga 231 tulang mahahaba at pagbigkas nito ng may dating (con todo forma) sa publiko. Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon ng bawat panig ( Mambabalagtas). May mga hurado na magsisiyasat kung sino sa kanila ang panalo o ang mas may makabuluhang pangangatuwiran.
  • 5. JOSE CORAZON DE JESUS Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz, Manila noong 22 Nobyembre 1896 na anak nina Vicente de Jesus, ang unang direktor ng kagawaran ng kalusugan ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas, at Susana Cruz ng Pampanga. Bininyagan siyang Jose Cecilio de Jesus ngunit pinalitan niya ang Cecilio ng Corazon (puso sa Español) dahil iyon daw ang tumutugma sa kanyang katauhan. Lumaki si De Jesus sa bayan ng kanyang ama, sa Santa Maria, Bulacan. Nag-aral siya sa nasirang Liceo de Manila kung saan siya nagtapos noong 1915. Ang una niyang tula na nailimbag ay ang Pangungulila na lumabas noong 1913 sa nasirang Ang Mithi noong siya ay 17 taong gulang. Noong 1918, nakuha niya ang kanyang batsilyer ng batas mula sa nasirang Academia de Vera ngunit hindi niya pinagpatuloy ang kanyang pagiging abogado dahil abala na siya sa pagsulat ng isang kolum ng mga tula sa pahayagang Tagalog na Taliba. Ang kolum ay tinawag na Buhay Cavite na isinulat niya sa pangalang-pluma na Huseng Batute. Sa pamamagitan ng kanyang kolum, pinuna ni De Jesus ang lipunan sa ilalim ng mga mananakop na Amerikano at pinalaganap niya ang mithiin ng kasarinlan ng Pilipinas na noo'y isang commonwealth sa ilalim ng pamahalaang Estados Unidos.
  • 6. May mga 4,000 tula siyang naisulat sa kanyang kolum na Buhay Cavite. Sumulat din siya ng mga 800 kolum na pinamagatang Ang Lagot na Bagting. Paborito niyang pangalang- pluma ang Huseng Batute ngunit sumulat din siya sa ilalim ng mga pangalang Pusong Hapis, Paruparu, Pepito Matimtiman, Mahirap Dahong Kusa, Paruparong Alitaptap, Amado Viterbi, Elyas, Anastacio Salagubang, Tubig Lily at Pag-ibig. Noong 28 Marso 1924, si De Jesus ay isa sa mga pangunahing manunulat sa Tagalog na nagpulong sa Instituto de Mujeres sa Tondo, Manila upang pagusapan ang pagdiriwang ng kaarawan ng makatang Tagalog na si Francisco Balagtas. Ang pulong ay tinawag at pinamunuan ng manunulat na Rosa Sevilla. Napagpasyahan ng mga manunulat na magpalabas ng tradisyonal na duplo, o isinadulang debate sa tula na uso noong araw ngunit nalalaos na noong mga 1920. Pinalitan nila ang porma ng duplo at binansagan itong balagtasan para kay Balagtas. May tatlong pares ng mga makata na sumali sa unang balagtasan. Sumikat ng lubusan ang balagtasan at ito ay naging karaniwang palabas sa mga pinakamalaki at pinakamahal na teatro sa Maynila hanggang noong dekada ng 1950. Pinagtapat sina De Jesus at Collantes at ginawa silang magkaribal at nagtakda ng isang tagisan ng galing noong 18 Oktubre 1925 sa Olympic Stadium. Si De Jesus ang nanalo ng tagisan na iyon at binansagan siyang Hari ng Balagtasan. Hinawakan niya ang titulo hanggang mamatay siya.
  • 7. Sikat na si De Jesus bilang Huseng Batute sa buong Pilipinas noong inanyayahan siyang umarte sa pelikulang Oriental Blood. Kasama niya ang mga bantog na aktres ng panahong iyon (Atang dela Rama at Maria Santos). Kasama rin sa kast ang kanyang anak na si Juliano de Jesus, na naging aktor sa ilang mga pelikulang Pilipino. Ngunit nagkasakit si Huseng Batute habang ginagawa ang pelikula at lumala ang kanyang sakit hanggang siya ay mamatay noong 26 Mayo 1932. Iniwan niya ang kanyang asawang si Asuncion Lacdan de Jesus at mga anak Teresa, Jose Jr. at Rogelio. Noong siya ay mamatay, binigay ng pamilya niya ang kanyang puso sa isang museo ng pamahalaan kung saan ito itinago hanggang ilibing ito sa libingan ng kanyang ina. Inilibing siya sa ilalim ng dagat sa Visayas, alinsunod sa kagustuhan niyang nakatala sa kanyang mga tulang Isang Malalim na Dagat at Ang Visayas.
  • 8. Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan Lakandiwa:Yamang ako‟y siyang Haring inihalal Binubuksan ko na itong Balagtasan, Lahat ng makata‟y inaanyayahang Sa gawang pagtula ay makipaglaban. Ang makasasali‟y batikang makata At ang bibigkasi‟y magagandang tula, Magandang kumilos, may gata sa dila At kung hindi ay mapapahiya. Itong balagtasa'y galing kay Balagtas Na Hari ng mga Manunulang lahat, Ito‟y dating Duplong tinatawag-tawag Balagtasan ngayon ang ipinamagat. At sa gabing ito‟y sa harap ng bayan Binubuksan ko na itong Balagtasan Saka ang ibig kong dito‟y pag-usapan: BULAKLAK NG LAHING KALINIS-LINISAN. Tinatawagan ko ang mga makata, Ang lalong kilabot sa gawang pagtula, Lumitaw na kayo‟t dito‟y pumagitna At magbalagtasan sa sariling wika. Paruparo: Magandang gabi sa kanilang lahat Mga nalilimping kawal ni Balagtas, Ako‟y paruparong may itim na pakpak At nagbabalita ng masamang oras. Nananawagan po, bunying Lakandiwa, Ang uod na dating ngayo‟y nagmakata, Naging paruparo sa gitna ng tula At isang bulaklak ang pinipithaya. Sa ulilang harding pinanggalingan ko Laon nang panahong nagtampo ang bango, Nguni‟t aywan baga‟t sa sandaling ito Ay may kabanguhang binubuhay ako. May ilang taon nang nagtampo sa akin Ang bango ng mga bulaklak sa hardin, Luksang Paruparo kung ako‟y tawagin, mata ko‟y luhaan, ang pakpak ko‟y itim. Bunying Lakandiwa, dakilang Gatpayo, Yaring kasawia‟y pagpayuhan ninyo, At si Lakan-ilaw ang gagamitin ko Upang matalunton ang naglahong bango.
  • 9. Lakandiwa: Sa kapangyarihan na taglay ko na rin Ikinagagalak na kayo‟y tanggapin, Magtuloy po kayo at dito sa hardin, Tingnan sa kanila kung sino at alin. Paruparo: Sa aking paglanghap ay laon nang patay Ang bango ng mga bulaklak sa parang, Nguni‟t ang puso ko‟y may napanagimpang Bulaklak ng lahing kalinis-linisan. Ang bulaklak ko pong pinakaiirog Ubod na ng ganda‟t puti ang talulot, Bulaklak po ito ng lupang Tagalog, Kapatak na luhang pangala‟y kampupot. Kung kaya po naman di ko masansala Ang taghoy ng dibdib na kanyang dinaya, Matapos na siya‟y diligan ng luha Nang siya‟y umunlad, nagtago…nawala! Isang dapit-hapong palubog ang araw Sa loob ng hardin, kami‟y nagtaguan, Paruparo, anya kita‟y tatalian, Ako‟y hanapin mo‟t kung makita‟y hagkan. Isang panyong puting may dagta ng lason Ang sa aking mata‟y itinakip noon, At ang Bulaklak ko‟y bumaba sa dahon, Nagtago pa mandin at aking hinabol. Hinabol-habol ko ang bango at samyo Hanggang makarating ako sa malayo, At nang alisin na ang takip na panyo Wala si Kampupot, wala yaring puso. Ang taguang biro‟y naging totohanan Hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw, At ang hinagpis ko noong ako‟y iwan, Baliw na mistula sa pagsisintahan. Sa lahat ng sulok at lahat ng panig Ay siya ang laging laman niring isip, Matulog man ako‟y napapanaginip, Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib. Sa apat na sulok ng mundong payapa Ang aking anino‟y tulang nabandila, Paruparo akong sa mata‟y may luha, Ang mga pakpak ko‟y may patak na luksa.
  • 10. Ang sakdal kong ito, Lakandiwang mahal, Ibalik sa akin, puso kong ninakaw, At kung si Kampupot ay ayaw po naman, Ay ang puso niya sa aki‟y ibigay. Bubuyog: Hindi mangyayari at ang puso niya‟y Karugtong ng aking pusong nagdurusa, Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha Ang lalagutin mo‟y dalawang hininga. Pusong pinagtali ng isang pag-ibig Pag pinaghiwalay kapanga-panganib, Daga‟t ma‟t hatiin ang agos ng tubig, Sa ngalan ng Diyos ay maghihimagsik. Ang dalawang ibon na magkasintahan, Papaglayuin mo‟t kapwa mamamatay, Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay, Bangkay ang umalis, patay ang nilisan, Paruparong sawing may pakpak na itim Waring ang mata mo‟y nagtatakipsilim, At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw “Di man Kampupot mo‟y iyong inaangkin. Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo At sa kasawia‟y magkauri tayo, Ako ma‟y mayroong nawawalang bango Ng isang bulaklak kaya naparito. Buhat pa kanginang ikaw‟y nangungusap Bawat salita mo‟y matulis na sibat, Saka ang hanap mong mabangong bulaklak, Luksang paruparo, siya ko ring hanap. Ipahintulot mo, Paruparong luksa, Dalitin ko yaring matinding dalita. Itulot mo rin po, Hukom na dakila, Bubuyog sa sawi‟y makapagsalita. Paruparo: „Di ko pinipigil ang pagsasalaysay Lalo‟t magniningning ang isang katwiran, Nguni‟t tantuin mo na sa daigdigan Ang bawa‟t maganda‟y pinag-aagawan. Lakandiwa: Magsalita kayo at ipaliwanang Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas, Paano at saan ninyo napagmalas Na ito ang siya ninyong hinahanap?
  • 11. Bubuyog: Sa isang malungkot at ulilang hardin Ang binhi ng isang halama‟y sumupling, Sa butas ng bakod na tahanan namin Ay kasabay akong isinisilang din. Nang iyang halama‟y lumaki, umunlad, Lumaki ako‟t tumibay ang pakpak, At nang sa butas ko ako‟y makalipad Ang unang hinagka‟y katabing bulaklak. Sa kanyang talulot unang isinangla A ng tamis ng aking halik na sariwa, At sa aking bulong na matalinghaga Napamukadkad ko ang kanyang sanghaya. Nang mamukadkad na ang aking kampupot Sa araw at gabi ako‟y nagtatanod, Langgam at tutubing dumapo sa ubod Sa panibugho ko‟y aking tinatapos. Ngayon, tanda ko ngang kayo‟y nagtaguan Habang ako‟y kanlong sa isang halaman, Luksang paruparo nang ikaw‟y maligaw Ang aking halakhak ay nakabulahaw. Ang inyong taguan, akala ko‟y biro, Kaya ang tawa ko‟y abot sa malayo, Ngani‟t nang ang saya‟y tumagos sa puso Sa akin man pala ay nakapagtago. Lumubog ang araw hanggang sa dumilim Giliw kong bulaklak din dumarating, Nang kinabukasa‟t muling nangulimlim Ay hinanap ko na ang nawalang giliw. Nilipad ko halos ang taas ng langit At tinalunton ko ang bakas ng ibig, Ang kawikaan ko sa aking pag-alis Kung di makita‟y di na magbabalik. Sa malaong araw na nilipad-lipad Dito ko natunton ang aking bulaklak, Bukong sa halik kokaya namukadkad „Di ko papayagang mapaibang palad. Luksang Paruparo, kampupot na iyan, Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay, Ang unang balik kong katamis-tamisan Sa talulot niya ay nakalarawan.
  • 12. Paruparo: Hindi mangyayaring sa isang bulaklak Kapwa mapaloob ang dalawang palad. Kung ikaw at ako‟y kanyang tinatanggap Nagkasagi sana ang kanitang pakpak. Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilang Nang makalabas ka‟y saka mo hinagkan: Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay, Sino ang malapit sa pagliligawan? Una muna akong nag-uod sa sanga Na balot ng sapot ng pagkaulila, Nang buksan ng Diyos yaring mga mata Bulo‟t dahon namin ay magkasama na. Sa ugoy ng hangin sa madaling-araw Nagduruyan kaming dalawa sa tangkay, At kung bumabagyo‟t malakas ang ulan, Ang kanya ring dahon ang aking balabal. Sa kanyang talulot kung may dumadaloy Na patak ng hamog, aking iniinom; Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong Sa init ng araw sa buong maghapon. Paano ngang siya ay pagkakamalan Na kami‟y lumaki sa iisang tangkay, Kaya nga kung ako‟y sa kanya nabuhay Ibig ko rin namang sa kanya mamatay. Bubuyog: Huwag kang matuwa sapagka‟t kaniig Niyaring bulaklak na inaaring langit, Pagka‟t tantuin mo sa ngalang pag-ibig Malayo ma‟t ibig, daig ang malapit. Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot Nakikiinom ka ng patak ng hamog, Kaunting biyaya na bigay ng Diyos, Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok. Ikaw‟y isang uod, may bulo kang taglay; Sa isang bulaklak laso‟t kamatayan, At akong bubuyog ang dala ko‟y buhay Bulong ng hiningang katamis-tamisan. Paruparo: Akong malapit na‟y napipintasan mo, Ikaw na malayo naman kaya‟y pa‟no? Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino, Ay ubos na pala ang tamis sa bao.
  • 13. Bubuyog na laging may ungol at bulong Ay nakayayamot saan man pumaroon, At ang katawan mo‟y mayrong karayom Pa‟no kang lalapit, di naduro tuloy? Di ka humahalik sa mga bulaklak, Talbos ng kamote ang siya mong liyag, Ang mga bintana‟y iyong binubutas, Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab. Ikaw ay bubuyog, ako‟y paruparo, Iyong mga bulong ay naririnig ko; Kung dinig ng lahat ang panambitan mo Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo. Bubuyog: Kundi iniibig ang nakikiusap Lalo na ang tahimik na tatapat-tapat, Kung ang magsalita‟y di-magtamong-palad Lalo na ang dungong di makapangusap. Lilipad-lipad ka na payao‟t dito Pasagilang-bingit, at patanaw-tao, Pag ligaw-matanda sa panahong ito Pagtatawanan ka ng liligawan mo. Ikaw‟y paruparo, ako ay bubuyog Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod, Nguni‟t saang panig nitong sansinukob Nakakatuwaan ang paris mong uod? Saka, Paruparo, dapat mong malamang Sa mula‟t mula pa‟y „di ka minamahal, Ang panyong panali nang ikaw ay takpan Ikaw ang may sabing may lason pang taglay. Paruparo: Ganyan ang hinalang namugad sa dibdib, Pagka‟t napaligaw ang aking pangmasid, Hindi pala laso‟t dagta ng pag-ibig Ang sa aking panyo‟y kanyang idinilig. Bubuyog: Dadayain ka nga‟t taksil kang talaga At sa mga daho‟y nagtatago ka pa. Paruparo: Kung ako‟y dinaya‟t ikaw ang tatawa Sa taglay kong bulo nilason na kita. Bubuyog: Pagka‟t ikaw‟y taksil, akin si Kampupot. Siya‟y bulaklak ko sa tabi ng bakod. Paruparo: Bulaklak nga siya‟t ako‟y kanyang uod.
  • 14. Bubuyog: Sa minsang ligaya‟y tali ang kasunod, Makapitong lumbay o hanggang matapos. Paruparo: Dito napatunayan yaong kawikaan Na ang paglililo‟y nasa kagandahan. Bubuyog at Paruparo: Ang isang sanglang naiwan sa akin Ay di mananakaw magpahanggang libing. Lakandiwa: Ang hatol ko‟y ito sa dalawang hibang Nabaliw nang hindi kinababaliwan: Yamang ang panahon ay inyong sinayang Kaya‟t nararapat na maparusahan. Ikaw ay tumula ngayon, Paruparo Ang iyong tulain ay “Pagbabalik” mo, At ang “Pasalubong” sa babaing lilo, Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko. Lakandiwa: Sang-ayon sa aking inilagdang hatol, Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon; Ang iyong tulain ay ang “Pasalubong” Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong. Minamahal nami‟t sinisintang bayan, Sa ngayo‟y tapos na itong Balagtasan; At kung ibig ninyong sila ay hatulan, Hatulan na ninyo pagdating ng bahay.
  • 15. Activity! 1. Question 1 - Ito ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula. 2. Question 2 - Siya ay nagwagi bilang unang Hari ng Balagtasan. 3. Question 3 - Ang unang Balagtasan ay nangyari noong?