Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon

122,860 views

Published on

Published in: Education
25 Comments
31 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total views
122,860
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
12,754
Actions
Shares
0
Downloads
0
Comments
25
Likes
31
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon

  1. 1. Panitikang Filipino sa Iba’t ibang Panahon
  2. 2. Panahon ng KatutuboBago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nangsining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino.Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mgabulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan naanyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyanat ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunanganyo ng dula sa bansa.Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga panitikan ringnasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis nabato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo(archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira itong mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga itoay gawa ng demonyo.
  3. 3. Pananakop ng Kastila• Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD, GOLD at GLORY. Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop. Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong ito: una ay pamaksang pananampalataya at kabutihang-asal at ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon.
  4. 4. Dahil sa pananampalataya ang pangunahingpakay ng mga Kastila, karamihan sa mgaunang akdang nalikha sa panahong ito ayhalos paksang pananampalataya. Halimbawaaytulang gaya ng mga pasyong inaawit. Sila rinang nagpakilala ng konseptong maharlika odugong bughaw sa mga Pilipino na mababatidsa mga akdang awit na ang mga pangunahingtauhan ay mga hari, reyna, prinsipe atprinsesa – isang patunay ang awit na Floranteat Laura ni Balagtas.
  5. 5. • Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang ang kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila.• Sa panahong ito nalimbag ang pinakaunang aklat sa bansa; ang Doctrina Cristiana na nalimbag noong 1953 na isang panrelihiyong aklat. Ang pasyon ang isa sa patulang anyo na makarelihiyon.
  6. 6. Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sapanahon ng pananakop ng Kastila, karamihan sa mga panitikangnalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayangPilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan.Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhingdiskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino; nagsilunsad ng mgakilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-ayon sapamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila.Nagsisulat ang mga Pilipino sa panahong ito ng mga panitikangnagrerebolusyon. Nalathala ang mga pahayagang propagandista napinangunahan ng La Solidaridad noong Pebrero 19, 1889 nanaglalayong “matamo ang pagbabagong kailangan ng bansangbilang tugon sa kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya, maisiwalat ang malubhang kalagayan ng bansa sailalim ng pamamalakat ng mga Kastila at upang pairalin angkalayaan at demokrasya.”
  7. 7. • Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibang sagisag-panulat upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-alipustahang Kastila at upang patuloy na makasulat. Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag- panulat na Laong Laan ay naging bahagi ng pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na unang nalimbag at nalathala sa Espanya at naging mitsa sa mga rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila. Sumulat din si Rizal ng mga sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos. Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag- panulat na PLARIDEL), Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, at marami pang iba ay nagsisulat din.
  8. 8. Pananakop ng AmerikanoDahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mgaKastila, naging tagapagsagip ang mga Amerikano nangdumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sapamahalaang Kastila.Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila saPilipino, edukasyon naman ang naging pangunahing ipinamanang mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mgailang imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog.
  9. 9. Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikanosa bansa, sumulat ang mga Pilipino saKastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan.Nagsimula lamang umusbong ang mga panitikansa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silangna manunulat.Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sinasi Jose Corazon de Jesus na tinaguriang Makatang Pag-ibig at may mga panulat-sagisag na‘Huseng Batute’ at ‘Huseng Sisiw’ dahil sisiw angipinababayad kapag nagpapagawa sa kanya ng
  10. 10. Pananakop ng Hapon• Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya’t sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang nililikha.
  11. 11. • Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito. Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang na pantig na 5-7-5 sa taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga (maikling tulang may apat na taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7)
  12. 12. KASALUKUYANG PANAHON• Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan noong Hulyo 4, 1946 mula sa kamay ng mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring sumigla ang kalayaang pampanitikan ng bansa. Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa iba’t ibang uri sa panahong ito ay ang pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat: Mga Piling Katha at Mga Piling Sanaysay ni Alejandro Abadilla, Maiikling Kwentong Tagalog ni Teodoro Agoncillo, Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute at marami pang iba. Kinilala rin buhat sa panahong ito ang mga panitikang panlalawigan dahil sa mga inilunsad na mga pambansang pananaliksik at pagsasaling-wika ng panitikan ng Pilipinas. Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang gawad Carlos Palanca Memorial Awards for Litetature. Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong nagsisimula ang dekada ’80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina Virgilio Almario (na may sulat-panulat na Rio Alma) at Quintin Perez.
  13. 13. • Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan, magazine at aklat, hindi lamang sa anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o kaya’y programang panradyo; kundi sa pamamagitan din ng hi-technology – ang Internet. Dahil sa internet nagkaroon ng blogging, video clipping at audio airing na patuloy na bumubuhay sa panitikan hindi lang ng Filipino kundi ng ibang lahi mandin. Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa iba’t ibang anyo at uri ng panitikan gamit ang iba’t ibang media dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga universidad at kolehiyo at pangangasiwa ng gobyerno ng mga pagsasanay sa mga kinakikitaang husay na mga mamamayan. Ngunit ang kasiglahan ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan lamang ang pagdami at pag-usbong ng mga manunulat; kailangan din ang pagpapahalaga at pagmamalasakit ng mga mambabasa na katuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi.•
  14. 14. END

×