Uri Ng Dulang Pangtanghalan

20,697 views

Published on

Pa Like and Share naman po itong page >>>> https://www.facebook.com/saklapfrien?ref=hl Thanks :D!

0 Comments
7 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
20,697
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
3
Actions
Shares
0
Downloads
8
Comments
0
Likes
7
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Uri Ng Dulang Pangtanghalan

  1. 1.  Limang Uri Ng Dulang Pangtanghalan 1) Senakulo(Cenaculo) - isinadulang buhay ni Hesukristo. 2) Tibag - isang pagsasadula kung saan tinitibag ang bundok upang hanapin ang krus na kinamatayan ni Hesus. 3) Panunuluyan - ipinapakita rito ang mag-asawang Birheng Maria at San Jose sa paghahanap ng kanilang matutuluyan. 4) Comedia o Moro-moro - isang uri ito ng maikling dula na may dramatikong elemento na nakasulat sa orihinal na Kastila na may elemtong panrelihiyon, may sukat na pito o walo okaya sa labing-apat na pantig. 5) Sarsuwela - ang sarsuwelay walang tiyak na anyo, ang pagkantay malaya at imahitibo.
  2. 2.  Ang Senakulo ay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sa krus. Hango ang nasabing tradisyon sa Bibliya at iba pang tekstong apokripa. Kadalasang ginaganap ito sa lansangan o kayay sa bakuran ng simbahan. Ang magkakaibigan, magkakamag-anak, at magkakababayan ay magkikita-kita upang panoorin at palakasin ang loob ng mga tauhan sa dula. Ang mga kasuotan ng mga gumaganap ay ginagad sa suot ng mga kawal na Romano at iba pang personalidad at kasaysayan at may matitingkad na kulay. Ang mga manonood naman ay may baong sariling upuan at pagkain upang hindi sila mainip sa panonood. Karaniwan ding makikita ang ibat ibang tindahan na nakapaligid sa pinagdarausan ng senakulo. Hindi man atentibo sa panonood ang ilang tao ay madali pa ring masundan ang takbo ng pagsasadula sapagkat pamilyar ang bawat mga eksena.
  3. 3.  Ito ay tumutukoy sa paghahanap ng krus, sa kalagitnaan ng ikalawang pandaigdigang digmaan (WORLD WAR II). Ito ay itinaguyod ng mga Kastila noong pagdating nila sa Pilipinas, niyakap ito ng mga katutubo sa ilang bahagi ng Luzon. Lumaganap din ito sa ibat ibang rehiyon ng Visayas at Mindanao, sa pamamagitan ng pagpapakalap ng Kristyanismo. Ito ay patuloy na lumaganap at ginagamit bilang tradisyon sa kasalukuyan.
  4. 4.  Ang Panunuluyan [pang+tu+tuloy+an] ay dulang itinatanghal sa lansangan at nagpapamalas ng paghahanap ng pansamantalang tirahan nina Maria at Jose doon sa Bethlehem. Ang mga bahay ang mistulang dinudulugan ng mag-asawa, na humihingi ng silid upang makapagpahinga, lalot kagampan si Maria. Sari-saring adaptasyon ang binuo hinggil dito, mulang iskrip hanggang kasuotan. Karaniwang ginagawang makatotohanan ang pagsasadula at palamuti sa mga bahay. Bawat bahay na dalawin nina Maria at Jose ay naghahandog ng pagkain, kakanin, kendi, at iba pang bagay sa mga taong nanonood. Magwawakas ang dula sa harap ng simbahan o kapilya, at doon isisilang ni Maria si Hesus na nakatakda namang maging tagapagligtas ng daigdig.
  5. 5.  Ang moro-moro o comedia ay isang adaptasyon mula sa dula sa Europa na comedia de capa y espada. Ang moro-moro, ay natatangi sapagkat walang ibang bansa na nakaisip at nakapagsagawa ng nasabing palabas na katulad nang sa Pilipinas. Ang Pilipinas lamang ang nawili sa paggawa ng moro-moro na ang obrang ito ay tuluyan nang itinuring na kasama sa buhay ng mga Pilipino sa halos dalawang siglo. Ang moro-moro ay pinaniniwalaang nag-ugat mula sa sagupaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Pilipinong Muslim. Ang makasaysayang laban na ito ay nagsimula noong ika-16 na siglo nang ang mga Kristiyanong Malay, mga Pilipino sa Luzon at Visayas ay sumama sa pakikidigma ng mga Espanyol laban sa mga Pilipinong Muslim na nasa Timog.
  6. 6.  Ang Sarsuwela ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang kabanata, at nagpapakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. Ito rin ay tinatawag na zarzuela, sarsuela, dulang inawitan, dulang hinonihan, drama-lirico at operetta.

×