MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN
MALIKHAING PAGSULAT
ELEMENTO NG MALAYANG TALUDTURANG TULA
I.MGA LAYUNIN
Inaasahang sa katapusan ng aralin, ang mga estudyante ay:
a. Maintindihan kung ano ang tula;
b. Malaman ang mga elemento ng malayang taludturang tula;
c. Matukoy ang mga elementong ginamit sa isang tula.
II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Ang mga Elemento ng Malayang Taludturang Tula
Sanggunian: Walang Pagsidlan, Koleksyon ng Tula ni Allan Popa, Modyul
Mga Kagamitan: Tulong pang biswal-Traditional Ed Tech
III.PROSESO SA PAGKATUTO
A.Panimula/Paghahanda
1.Pagganyak
- Gawain: Sagutin ang tanong.
a. Ano ang maari niyong gawin kung may nais kayong ipahayag na damdamin.
2. Pag-aalis ng sagabal
 Liwanag taon- sa Ingles ito ang tinatawag na light years, paraan ng pagsukat
kug gaaano katagal lakbayin ang mga planeta o mga bituin mula sa mundo.
 Lalang ng liwanag- matalinhagang salita na ang ibig sabihin sa ingles ay
“creation of the light” o mga lalang ng Diyos.
 Selestiyal- tumutukoy ito sa mga planeta, asteroids o mga bituin sa kalawakan.
B.Paglalahad
 Ilalahad ng guro ang mga layunin ng leksyon sa mag-aaral.
 Ang kahalagahan ng mga tula sa pagpapahayag ng damdamin at sa
paglinang ng kakayahang mag-isip nang mapanuri at kritikal.
C.PagtalakaysaAralin
 Ipababasa at ipaliliwanag ng guro kung ano ang tula at malayang
taludturang tula.
Ang tula ay isang masining na pagpapahayag ng damdamin ng isang makata.
Makata o poet ang tawag natin sa sumusulat ng isang tula. Madalas sinasabi
natin na matalinhaga ang mga linya sa tula.
 Ipababasa at ipaliliwanag ng guro ang mga elemento ng malayang
taludtudrang tula.
Elemento
Talinhaga o paggamit ng tayutay- nabubuo ang mga talinhaga sa
pamamagitan ng mga tayutay gaya ng Personipikasyon, metapora,
Hyperbole o Pagmamalabis, Simile at iba pa.
Sa isang malayang taludturang tula, maaaring wala itong sukat o tugma
ngunit may saknong at mga taludtod. Malaya ang makata na bubuo ng anyo
ng kanyang tula.
 Iparirinig ng guro mula sa recorded audio ang tula at ipapabasa ito sa mga
mag-aaral pagkatapos.
TULANG TATALAKAYIN
Saturno (Allan Popa)
May mga landas na hindi
Hinahayaang magtagpo.
Dakilang guro ang mga Lalang
Ng liwanag sa kalawakan
Sa bawat pagtingala
Kung paano ito tatanggapin.
Sa lalim ng gabi
Ramdam ko ang kalungkutan
Ng malayong planeta
Na tinatahak ang siklo ng pag-iisa,
Tangan ang maririkit na singsing
Na hindi mabitiw-bitiwan.
Wala ring mapagbigyan.
D.Pagsasanay/Aplikasyon
 Sa pamamagitan ng isa pang tula, tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga
elementong ginamit. Mapapangkat sila sa apat.
 Sasagutin ng bawat pangkat ang mga katanungang ito:
Ano ang anyo ng tula? Ano ang (mga) tayutay na ginamit?
SELESTIYAL
Hindi ang mga bituin
na pinagdurugtong
ng kanilang mga paningin
sa lawak ng kalangitan
kundi ang magkaibigang
nakahiga sa damuhan...
ilang liwanag-taon pa
ang lalakbayin bago matawid
ang sandangkal na pagitan?
IV. Paglalahat
 Ang natutunan ko ngayong araw ay_____________________?
 Ang mga elemento ng malayang taludturang tula ay ________________>
V. Kasunduan
Takdang Aralin:
Basahin ang pang-walong leksyon tungkol sa mga tradisyunal na tula.
INIHANDA NI: INIWASTO NI:
GIL GREGGY B. CABRILLAS BONIFACIO L. CUBANGBANG
Teacher II Master Teacher I
MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN.docx

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN.docx

  • 1.
    MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN MALIKHAINGPAGSULAT ELEMENTO NG MALAYANG TALUDTURANG TULA I.MGA LAYUNIN Inaasahang sa katapusan ng aralin, ang mga estudyante ay: a. Maintindihan kung ano ang tula; b. Malaman ang mga elemento ng malayang taludturang tula; c. Matukoy ang mga elementong ginamit sa isang tula. II. PAKSANG-ARALIN Paksa: Ang mga Elemento ng Malayang Taludturang Tula Sanggunian: Walang Pagsidlan, Koleksyon ng Tula ni Allan Popa, Modyul Mga Kagamitan: Tulong pang biswal-Traditional Ed Tech III.PROSESO SA PAGKATUTO A.Panimula/Paghahanda 1.Pagganyak - Gawain: Sagutin ang tanong. a. Ano ang maari niyong gawin kung may nais kayong ipahayag na damdamin. 2. Pag-aalis ng sagabal  Liwanag taon- sa Ingles ito ang tinatawag na light years, paraan ng pagsukat kug gaaano katagal lakbayin ang mga planeta o mga bituin mula sa mundo.  Lalang ng liwanag- matalinhagang salita na ang ibig sabihin sa ingles ay “creation of the light” o mga lalang ng Diyos.  Selestiyal- tumutukoy ito sa mga planeta, asteroids o mga bituin sa kalawakan. B.Paglalahad  Ilalahad ng guro ang mga layunin ng leksyon sa mag-aaral.  Ang kahalagahan ng mga tula sa pagpapahayag ng damdamin at sa paglinang ng kakayahang mag-isip nang mapanuri at kritikal. C.PagtalakaysaAralin  Ipababasa at ipaliliwanag ng guro kung ano ang tula at malayang taludturang tula. Ang tula ay isang masining na pagpapahayag ng damdamin ng isang makata. Makata o poet ang tawag natin sa sumusulat ng isang tula. Madalas sinasabi natin na matalinhaga ang mga linya sa tula.  Ipababasa at ipaliliwanag ng guro ang mga elemento ng malayang taludtudrang tula.
  • 2.
    Elemento Talinhaga o paggamitng tayutay- nabubuo ang mga talinhaga sa pamamagitan ng mga tayutay gaya ng Personipikasyon, metapora, Hyperbole o Pagmamalabis, Simile at iba pa. Sa isang malayang taludturang tula, maaaring wala itong sukat o tugma ngunit may saknong at mga taludtod. Malaya ang makata na bubuo ng anyo ng kanyang tula.  Iparirinig ng guro mula sa recorded audio ang tula at ipapabasa ito sa mga mag-aaral pagkatapos. TULANG TATALAKAYIN Saturno (Allan Popa) May mga landas na hindi Hinahayaang magtagpo. Dakilang guro ang mga Lalang Ng liwanag sa kalawakan Sa bawat pagtingala Kung paano ito tatanggapin. Sa lalim ng gabi Ramdam ko ang kalungkutan Ng malayong planeta Na tinatahak ang siklo ng pag-iisa, Tangan ang maririkit na singsing Na hindi mabitiw-bitiwan. Wala ring mapagbigyan. D.Pagsasanay/Aplikasyon  Sa pamamagitan ng isa pang tula, tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga elementong ginamit. Mapapangkat sila sa apat.  Sasagutin ng bawat pangkat ang mga katanungang ito: Ano ang anyo ng tula? Ano ang (mga) tayutay na ginamit? SELESTIYAL Hindi ang mga bituin na pinagdurugtong ng kanilang mga paningin sa lawak ng kalangitan kundi ang magkaibigang nakahiga sa damuhan... ilang liwanag-taon pa ang lalakbayin bago matawid ang sandangkal na pagitan?
  • 3.
    IV. Paglalahat  Angnatutunan ko ngayong araw ay_____________________?  Ang mga elemento ng malayang taludturang tula ay ________________> V. Kasunduan Takdang Aralin: Basahin ang pang-walong leksyon tungkol sa mga tradisyunal na tula. INIHANDA NI: INIWASTO NI: GIL GREGGY B. CABRILLAS BONIFACIO L. CUBANGBANG Teacher II Master Teacher I