Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
ang buhay at mga naranasang pagmamahal ni Rizal
1. Mga babae sa buhay
ni Rizal
MARK JAMES M. VIÑEGAS
2. ● Nakilala ni Rizal ang labing apat na
taong gulang na si Julia sa isang ilog
noong sila’y labing apat na taong gulang
pa lamang. Sabay silang nangunguha
noon ng paru-paro sa tabing ilog at
doo’y pinagsaluhan nila ang saya at
tuwa.
JULIA
3. ● Ang pakiramdam na ito ay naging
panandalian lamang; isa lamang sa
mataas na pagtatangi ng isang binatilyo
sa isang dalagita ang naganap sa
kanilang pagsasama. Ayon sa tala, hindi
pa tuluyang nahulog ang puso ni Pepe
kay Julia nang mga panahong iyon.
Infatuation ika nga nila
4.
5. Mula naman sa Lipa, Batangas si Segunda
Katigbak na noon ay labing-apat na taong
gulang nang makilala ni Rizal. Tuwing Huwebes
at Linggo bumibisita noon si Rizal sa Colegio de
la Concordia kung saan namamalagi ang kapatid
niyang si Olympia at si Segunda. Sa panahong
ito, tuluyan nang nahulog ang loob ni Rizal kay
Segunda
Segunda Katigbak
6. Ngunit sa kabila nito, pagkasawi muli sa pag-
ibig ang naranasan ni Rizal. Si Segunda ay
nakatakda nang ikasal kay Manuel Luz kahit
na hindi ito nais ni Segunda. Hindi nagawang
ipagtapat ni Rizal ang kanyang pag-ibig para
kay Segunda. Tila baga siya’y nawalan ng
tapang at lakas ng loob noong mga panahong
iyon, hanggang sa tuluyan nang mawala si
Segunda Katigbak.
8. ● Isang misteryosang dilag naman itong si
Binibining L. Hindi malaman ng mga
historyador kung ano ang ibig sabihin ng
L sa pangalan ng dilag na ito.
Pagkatapos ng pagkasawi kay Segunda,
ibinaling ni Rizal ang kanyang atensyon
sa dalagang ito.
Binibining L.
9. ● Dalawang magkasunod na gabi bumisita
itong si Rizal kay Bb. L. dahil na rin sa
nadama niyang sakit sa piling ni
Segunda. Ngunit maagang natapos ang
pagbisitang ito ni Rizal sa pagtutol na rin
ng kanyang ama.
10. ● Nakilala naman ni Rizal itong si
Leonor o Orang Valenzuela noong
siya’y nag-aaral pa sa Unibersidad ng
Santo Tomas. Katabi ng tinutuluyan
ni Rizal ang bahay ng mga
Valenzuela at palagi silang
namamalagi ng kanyang mga
kaibigan doon.
Leonor Valenzuela
11. ● Unti-unting nahulog ang loob ni Orang kay
Rizal dahil sa angking talino ni Jose.
Binibigyan ni Rizal si Orang noon ng mga
liham na nakasulat sa tintang maaaninag
lamang kung itatapat sa lampara. Ngunit para
kay Rizal, higit na mainam kung ituring niya
lamang na kaibigan si Orang kaysa ituring niya
itong kasintahan
12. ● Ang desisyong ito ay bunsod na rin
ng espesiyal na pagtangi ni Rizal
sa isa pang Leonor, si Leonor
Rivera.
13.
14. ● May mga nagsasabing kababata ni
Rizal itong si Leonor. May mga
nagsasabi ring sila ay malayong
magpinsan. Magkagayunman, noong
mga bata pa sila ay hindi gaanong
napapansin ni Rizal si Leonor.
Leonor Rivera
15. ● Ngunit nang magdalaga ang dilag,
napansin ni Rizal na unti-unti nang
bumubulaklak ang dati’y tila kampupot
lamang na si Leonor. Nang
nagkakamabutihan na ang dalawa,
napagpasiyahan nila na Taimis ang
itawag kay Leonor Rivera upang
makatakas sa mga matang maaaring
kumondena sa kanilang dalawa.
16.
17. ● Anak si Consuelo ni Don Pablo Ortiga y
Rey, alkalde ng Maynila noon. Nagkita
sila ni Rizal sa Madrid kung saan balot
pa rin si Rizal ng pagdadalamhati dahil
sa pagpapakasal ni Leonor Rivera sa
ibang lalaki.
Consuelo Ortiga y Perez
18. ● Sa Madrid, hindi lamang si Rizal ang
humanga kay Consuelo. Maging sina
Eduardo de Lete, Antonio at Maximino
Paterno ay nahulog din sa kanya.
Nagkaroon ng kasunduan sina Rizal at
Lete upang malaman kung sino ang
pipiliin ni Consuelo sa kanilang dalawa
19. ● Sa pagtatapos ng kanilang kasunduan, si
Lete ang nakabihag ng puso ni
Consuelo. Inihandog ni Rizal kay
Consuelo ang tulang A la Señorita C. O.
y R., isa sa mga magagandang tulang
naisulat ni Rizal. Sa kabila ng
panibagong pagkabigong ito, si Leonor
pa rin ang nasa isip ni Rizal.
20.
21. ● Sa pagdaan ni Rizal sa bansang Hapon
patungong Europa noong 1888, kanyang
nakilala si Usui Seiko, 23 taong gulang.
O-Sei-San ang tawag ni Rizal sa kanya.
Usui Seiko
22. ● . Mula si O-Sei-San sa pamilya ng mga
samurai. Muntik nang pakasalan ni Rizal
si O-Sei-San dahil sa magandang
trabahong inilaan sa kanya roon. Ngunit
nanaig ang damdaming makabayan ni
Rizal kaya’t hindi na ito naisakatuparan
23.
24. Nelly Boustead
Tulad ng kanyang mga naunang dilag mula sa
Europa, hindi rin nagtagal ang relasyon ni Rizal
kay Nelly Boustead, isang Pranses. Hindi
pumayag si Rizal sa pakiusap ni Nelly na
maging isang Protestante.
25. ● Hindi rin nais ng ina ni Nelly na
magkaroon ng manugang na doktor
na hindi binabayaran ng sapat ng
kanyang mga kliyente. Naghiwalay
ang dalawa ngunit nanatili pa rin
ang kanilang pagkakaibigan.
26.
27. ● Nagtungong Brussels sa Belgium si Rizal
noong 1889 dahil sa maluhong
pamumuhay sa Paris. Namalagi siya sa
tahanan ng dalawang magkapatid na
sina Marie at Suzanne Jacoby.
Suzanne Jacoby
28. ● At katulad dati, nahulog ang loob ni
Suzanne sa kanya. Ngunit noong Hulyo
1890, umalis si Rizal patungong Madrid
at naiwan si Suzanne na
nagdadalamhati.
29.
30. Nagkakilala sina Josephine at Rizal
nang dalhin ng una ang kinilalang
ama kay Rizal upang ipagamot noong
Pebrero 1895. Dito na nagsimula ang
kanilang malalim na pagtitinginan.
Josephine Bracken
31. ● Bagaman tutol ang kinilalang ama, hindi
nagawang pigilan ng tadhana ang pag-
iibigan nina Josephine at Rizal. Marami
ang nagduda sa katapatan ni Josephine
kay Rizal. May mga nagsasabing
kasabwat siya ng mga prayleng noon ay
kalaban ni Rizal.
32. ● Hindi rin naging maluwat para sa
ibang kapatid ni Rizal ang kanilang
relasyon dahil hindi raw kapantay ni
Josephine ang katalinuhan ni Rizal.
Isang hindi magandang pangyayari
ang naganap noong katapusan ng
1895 - nalaglag ang dinadalang
anak ni Josephine.
33. ● Bunsod nito, nagpasya na lamang
sina Rizal at Josephine na mag-
ampon ng batang babaeng
nagngangalang Maria Luisa, na
kaagad naman nilang ibinalik sa
mga tunay nitong magulang.
34. ● Si Josephine ang naging kahuli-
hulihang babae sa buhay ni Rizal
bago ang kanyang pagkamatay sa
Bagumbayan.
35.
36. ● Mahusay gumamit ng pananalita sa kababaihan si
Rizal.
● Hinamon niya ng dwelo si Heneral Luna dahil sa
ginawa nitong pambabastos kay Nelly Bousted
● Adbokasiya ni Rizal ang pagkilala sa natatanging
kontribusyon ng kababaihan sa Lipunan gaya ng
kaniyang akda “Mga Kababaihan ng Malolos”
Natatanging tala kay
Rizal
37. ● Naging unang pag-ibig at kabiguan ni
Rizal si Segunda Katigbak (pinagtagpo
ngunit di itinadhana
● Handang magparaya si Leonor Rivera
kay Orang para maging maligaya si
Rizal
38. ● Tinangkang pakasalan ni Rizal si Rivera bago
magtungo ng Europa ngunit hindi pumayag si
Paciano sa pag-aaalalang maiiwang mag-isa si
Rivera
● Inilihim ng ina ni Leonor Rivera ang mga liham
ni Rizal maging ang pagtatapat na siya’y
ikakasal na kay Henry Kipping
39. ● Sinunog ni Rivera ang mga
sulat dahil sa udyok ng
kaniyang Ina. Ngunit
sinasabing itinago sa traje de
boda ni Rivera ang abo ng
mga sulat sa mismong kasal
nila