3. –Siya na sa kanyang kamusmusan ay kinakitaan na
ng likas na hilig at pagmamalasakit sa kahit kaliit-
liitang bagay na nararating ng kanyang paningin.
Nadarama ng kanyang puso at natatarok
ng kanyangpaningin ng kanyang imahinasyon,
ang katotohanang hindi matatawaran.
4. Ang isang makata, tulad ng ibang manunulat ay
tagapabudbod ng mga salita.
Wika ang midyum niya sa pagpapahayag.
Mga tula naman ang produkto ng kanyang
panulat. (Gabriel, 1986).
5. Ang makata ay nagpapaliwanag ng
mga bagay-bagay na siya lamang sa
kanyang sarili ang makapagbibigay-
katuturan.
6. Ang makata ay ipinanganak at hindi ginawa.
Ang kabaliwan ng makata ay kasabay na niyan
g pinaglihi at sumilang:
kakambal ay damdamin, kakakwil ng
kanyang hininga at bahagi ng kanyangbuhay. Ang
katalinuhan at pagkamalikhain ay likas na sa kanya
mula pa sa sinapupunan ng ina.
7. Ayon kay Johnson, ang isang
batikang makata ay ginagawa at
gayundin ay ipinanganak
9. Sa upuang kahoy
Hindi mapakali
Hindi mapalagay
Plumang nasa kamay
Pinaglalaruan...
Pagkuwa’y tumayo
Tahimik...malungkot
Sakbibi ng lumbay
Kinusot ang mata
Daliri’y naglaro
• At saka nabilang
11. May sigla sa puso’t
Pluma’y tinanganan
Saka pinagmasdan
Tinta’y pinaluha
Sa papel dumaloy
Papel ay binasa
Ng hugkang na diwa
Hinagpis ay pumakawala
Halakhak di ngiti
Bumasag sa dilim
At pumailanlang
At noo’y nalikha ng baliw
Yaong kanyang kabaliwan
13. Tinipong salita kung minsa’y may bilang
Sa pantig at sukat ito’y karaniwan
Sintunog ay tugma hanay taludturan
Sa saknong ng tula, ito’y kayarian.
Sa pintig ng puso, baliw na makata
Indayog ay lambing doon nagsimula
Aliw – iw kung minsan sa turang salita
Ay pumapaloob sa makatang tula.
14. Taghoy niyong puso sa hating taludtod
May sesura pa rin sa dapat itampot
Ay hinting hininga sa bigkas himutok
Laging maririnig at nakakalugod.
Taghoy ng makata sa kanyang tulain
Timyas sa pighati na di magmamaliw
Kariklan ay himig dito’y dumarating
Kataga’y salita nagsisilbing hinaing.
15. Himig at balangkas ng tula ay iba
Kabuua’t anyo iba ngang talaga
Sa diwa’t kalamnan, sa ningning at ganda
Sa makatang puso’y siyang kaluluwa.
Damhin pa ang tula ng isang makata
Wari mo’y may buhay pumapakawala
Anaki mo’y daloy ng matang may luha
Ayaw pahihinto habang nagluluksa
16. Hininga ng puso sa mga tulain
Sa sikil na dibdib ay di kayang damhin
Sa taludtod nito kung tataludturin.
Saknong mabubuo makatang mithiin.
Ganito ang tula ng isang makata
May bilang sa sukat ang mga salita
Sa taludtod nito salitang may tugma
Pawing ipinila doon ka hahanga
17. Ang ganda at timyas ay siyang kariktan
Aliw – iw, indayog siyang kagandahan
Sesura ay hati at sa taludturan
Pawing tinataglay nitong panulaan.
Diwa ng makata sampu ng damdamin
Ay humuhulagpos sa bawat paksain
Mga guniguning hindi papapigil
Kusnag sumasaliw sa mga tugtugin.
18. Ito ang daigdig ng isang makata
Ganito ang buhay, ganito ang tula
Sa sukat, indayog, kariktan at tugma
Taludtod, sesura sa saknong ginawa.