2. Layunin
1. Naibibigay ang kahulugan at mga
elemento ng tula.
2. Naibibigay ang saloobin at puna sa
estilo ng napakinggang tula.
3. Nakasusulat ng repleksyon na may
kaugnayan sa tema ng napakinggang tula.
2
7. DAMHIN MO, PINTIG NG PUSO KO
Bahagi ng buhay ang pagmamahal
Biyaya ito ng Poong Maykapal,
Sa awiting ito ay sumabay,
Mundo ay gawin nating makulay,
Mga tanong ko’y, magsisilbing gabay…
7
8. a. Ano ang pamagat ng awiting
inyong napakinggan?
b. Anong mga salita ang sa tingin
ninyo’y tagong kahulugan?
8
9. c. Ano-anong mga pahayag ang
nagpapakita ng kahalahagan ng
pagiging responsable sa kapwa?
a. pangako o pinagkasunduan
b. pagpapanatili ng mabuting
pagkakaibigan
c. pagiging matapat
9
11. INTEGRASYON SA IBANG
DISIPLINA
• Sa klase ninyo noong baitang anim sa
edukasyon sa pagpapakatao, itinuro sa inyo
ang kahalagahan ng pagiging responsable
sa kapwa sa sumusunod na aspeto:
a. pangako o pinagkasunduan
b. pagpapanatili ng mabuting pagkakaibigan
c. pagiging matapat
11
12.
13. Integrasyon sa Kaugnay na
Disiplina
Mga ekspresiyong nagpapahayag. ng
pananaw. Kabilang dito ang: ayon,
batay, para, sang-ayon sa/kay, ganoon
din sa paniniwala/pananaw/ akala ko,
ni/ng, at iba pa.
9/8/20XX PRESENTATION TITLE 13
14. Gamitin sa pangungusap ang
sumusunod na ekspresyon sa
pagpapahayag ng pananaw
Akala ko
Para sa akin
9/8/20XX PRESENTATION TITLE 14
15. 15
Alam mo ba?
Ang awit ay bahagi ng panulaan.
Ang awit ay isang uri ng tulang
pasalaysay na binubuo ng tig-aapat
na taludtod ang bawat saknong
17. Ibig mong mabatid, ibig mong
malaman
Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.
17
18. Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang
kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin
18
19. Yaring pag-ibig ko’y katugon,
kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-
utusan,
Maging sa liwanag, maging sa
karimlan.
19
20. Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga
bayaning
Marunong umingos sa mga
papuri.
20
21. Pag-ibig ko’y isang matinding
damdamin,
Tulad ng lumbay kong di makayang
bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa
turing
Na ang pananalig ay di masusupil.
21
22. Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay
Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang
nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.
22
23. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.
23
24. Pamprosesong Katanungan
1. Ano ang pamagat ng tulang inyong
binasa?
2. Sino ang kausap ng nagsasalita sa
tula?
3. Anong damdamin ang ipinakikita sa
tula?
24
25. 4. Kung ikaw ay nasa katulad na
sitwasyon, paano mo ipapakita ang iyong
pagmamahal?
5. Paano mo ipakikita ang iyong
pagpapahalaga sa pangako? Patunayan.
9/8/20XX PRESENTATION TITLE 25
26. TULA
Ang Tula ay isang anyo ng sining o
panitikan na naglalayong maipahayag
ang damdamin sa malayang
pagsusulat.
26
27. Sukat
Ito ay tumutukoy sa bílang ng pantig ng bawat
taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig
ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
is•da – ito ay may 2 pantig
Ma•ri•ve•les – may 4 na pantig
Tandaang ang salitang "mga" ay laging binibílang ng
2 pantig.
27
28. Pag-ibig sa tinubuang lupa
(bahagi lamang)
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
28
29. Tugma
Isa itong katangian ng tula na hindî angkin ng
mga akdang tuluyan. Sinasabing may tugma
ang tula kapag ang hulíng pantig ng hulíng
salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog.
Lubha itong nagpapaganda sa pagbigkas ng
tula. Nagbibigay ito sa tula ng angkin nitóng
himig o indayog. (assonance o consonance)
29
31. Anoman ang iyong katutubong
pangkat
Pagmamahal at respeto’y nararapat
Pundasyon nitong bansang sinisinta,
Pagkakaisang magdudulot ng pag-asa
-SIR V
9/8/20XX PRESENTATION TITLE 31
32. Kariktan
Kailangang magtaglay ang tula ng
mga salitang hindî lang maririkit kundi
angkop na angkop (kailangang
marunong pumilì ang makata ng
salitang gagamitin) sa tema ng tula;
gayundin, mapukaw ang damdamin at
kawilihan ng mga mámbabása.
32
33. Talinghaga
Tumutukoy ito sa paggamit ng mga
matatalinghagang salita at mga tayutay.
9/8/20XX PRESENTATION TITLE 33
34. Anyo
Ang porma ng tula: malayang taludturan o
tradisyonal (may sukat at tugma); sa
kasalukuyan ay may mga tula ring may
sukat pero walang tugma at walang sukat
pero may tugma.
34
36. Persona
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula;
una, ikalawa o ikatlong panauhan;
maaaring ang makata mismo o isang
hayop o isang bagay.
36
37. REPLEKSYON MO, ISULAT
MO…
Inaasahang ikaw ay makapagsusulat ng
repleksyon mula sa awiting “Karaniwang
Tao” ni Joey Ayala. Tatawag ang guro ng
ilang mag-aaral na magbabasa ng
kanilang isinulat na repleksyon.
9/8/20XX PRESENTATION TITLE 37
39. TAMA O MALI
1. Ang Tula ay isang anyo ng sining o panitikan na
naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang
pagsusulat
2. Ang sukat ay tumutukoy sa bílang ng pantig ng bawat
taludtod na bumubuo sa isang saknong.
9/8/20XX PRESENTATION TITLE 39
40. 3. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang
hulíng pantig ng hulíng salita ng bawat taludtod
ay hindi magkakasintunog.
4. Ang talinhaga ay tumutukoy sa paggamit ng
mga matatalinghagang salita at mga tayutay.
5. Tumutukoy ang persona sa nagsasalita sa
isang tula.
40