5. Paano ngaba natin maisasalaysay ng may
tamang pagkakasunud-sunod ang palabas
na ating napanood?
6. • Sino sa inyo ang nakarinig na nang
kwento tungkol sa Mahiwagang baka?
• May ideya ba kayo tungkol sa kwentong
ito?
• Sino sa inyo ang gustong makapanuod
ng Mahiwagang baka?
Pagganyak
8. • Ano ang pamagat ng ating kwentong
napanood?
• Saan ito nangyari? Ilarawan natin ang
lugar na pinangyarihan ng kwento.
• Sino-sino ang mga tauhan? Ilarawan
natin ang bawat tauhan.
• Ano ang suliranin ng kwento?
• Ano ang resolusyon nito?
• Ano ang unang pangyayari sa kwento?
Gitnang pangyayari? At huling pangyayari?
10. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng
maikling kwento ng guro, babasahin ito
ng pinuno at maghandang tukuyin at
ilarawan ang elemento ng kuwento
(tagpuan, tauhan, banghay, at
pangyayari).
Pangkatang-Gawain
11. Panuto: Basahin ang maikling kwento.
Isulat at ilarawan sa kwaderno ang sumusunod na balangkas
ng kwento:
Tagpuan: _______________________
Tauhan: _______________________
Banghay:
Simula _______________________
Gitna _______________________
Wakas _______________________
Gawin Mo
12. Bakit mahalaga na alam natin ang
Elemento ng Kwento?
Ano ang maitutulong nito sa iyong pag-
aaral?
14. TANDAAN:
Mayroong elemento ang maikling kwento.
1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga
panauhin sa kwento.
2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung saan
naganap ang kwento.
3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kwento.
15. TANDAAN:
Mayroong limang(5) bahagi ang banghay:
• Panimula – Kung saan at paano nagsimula ang
kwento.
• Saglit na Kasiglahan – Ito ay ang panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhan sa kwento.
• Kasukdulan – Dito na nangyayari ang problema sa
kwento.
• Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan
unti-unti nang naaayos ang problema.
• Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o
natapos ang kwento.
16. Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat ang letra
ng tamang sagot. Sagutan sa malinis na papel.
A. Tagpuan
D. Tauhan
B. Suliranin
E. Banghay
C. Resolusyon
Pagtataya
17. 1.Ito ay ang mga gumaganap sa isang kwento.
2.Lugar kung saan naganap ang isang
kwento.
3.Pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa
kwento mula sa simula,
gitna at huling bahagi.
4.Tumutukoy sa pagsubok ng kwento.
5.Ang solusyon na ginawa sa kwento.
18. Takdang-Aralin
Sumulat ng isang kuwento tungkol sa
karanasang hindi mo malilimutan.
Siguraduhin na kumpleto ang elemento
ng kuwento.