2. Mga bagay na dapat tandan bago
mag simula ang klase:
1.Maging handa sa klase
2.Itaas ang kamay kung gustong
magsalita
3.Maging magalang sa guro at mga
kaklase.
4.Bawal ang cellphone sa klase.
4. 1. Ano ang Ponemang Suprasegmental?
-ito ay bahagi ng wika na
nagbibigay-kahulugan sa buong
pahayag o pangungusap.
5. 2. Ano-ano ang mga halimbawa ng
ponemang suprasegmental?
Diin -ang lakas, bigat o bahagyang pagtaas
ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa
salita.
BU:hay= kapalaran ng tao
bu:HAY= humihinga pa
LA:mang= natatangi
la:MANG= nakahihigit;
nangunguna
6. Tono/ Intonasyon
-ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring
makapagsigla, makapagpahayag ng iba’t ibang
damdamin, makapagbigay kahulugan at makapagpahina
ng usapan upang higit na maging mabisa ang ating
pakikipag-usap sa kapwa.
Kahapon= 213, pag-
aalinlangan
Kahapon= 231, pag-
papatibay, pagpapahayag
Talaga= 213, pag-aalinlangan
Talaga= 231, pag-papatibay,
pagpapahayag
7. Antala/Hinto
-bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap.
Maaaring gumamit ng simbolo kuwit (,), dalawang guhit
na pahilis (//), o gitling (-).
Halimbawa:
Hindi/ ako si Joshua
Hindi ako, si Joshua
Hindi ako si Joshua.
17. Mga layunin:
1. Natutukoy at nakikilala ang elemento ng
pabula;
2. Nakapagbabahagi ng moral na mapupulot sa
akda; at
3. Nakaguguhit ng isang hayop na sumisimbolo sa
pagkatao ng mga mag-aaral at nakakalikha ng
slogan na may kinalaman sa paksang tinalakay.
18. Pag-aalis ng Sagabal:
•1. lumapasay- pag-upong sayad ang puwit sa sahig
•2. Malumanay- pagiging dahan-dahan at maingat
•3. pawiin- pag-alis o pagbura
•4. sakmalin - kagating bigla
•5. pagsusumamo - madamdaming paghiling na
gawin o ibigay ang isang bagay
19.
20. Mga gabay na tanong:
1. Tama ba ang naging hatol ng kuneho sa suliranin ng tigre at
ng lalaki?
2. Sa iyong palagay kung nakapagsasalitang muli ang mga
nilalang sa kalikasan natin ngayon, ano kaya ang kanilang
hatol sa ating mga tao? Bakit?
3. Bilang kabataan, ano ang maimumungkahi mo upang
maiwasan ang pang-aabuso sa sumusunod:
a. Hayop b. Kalikasan
4. Anong uri ng akdang pampanitikan ang inyong nasaksihan?
21. Ano ang Pabula?
-ay isang uri ng panitikan na may layunin na
magbigay ng mga aral sa pamamagitan ng mga
kwentong may mga tauhang hayop. Kadalasan,
ang mga tauhang hayop ay nagpapakita ng mga
katangian na nakikita rin sa mga tao tulad ng
kasakiman, kabutihan, katalinuhan, at katapangan.
Sa pamamagitan ng mga kuwento at mga hayop
bilang mga tauhan, ang pabula ay naglalayong
magbigay ng mga moral na aral at payo sa mga
mambabasa.
22. Unang at Ikalawang grupo: “Ikwento Mong Muli”
Panuto: Ayusin ang mga larawan batay sa wastong pagkasunod-sunod ng
mga pangyayari sa pabula. Gamitin ang bilang 1-5. Pumili ng
representante sa bawat grupo at e kwento ang pagkasunod-sunod ng
pangyayari.
Kuneho Puno ng Pino Tigre Baka Tao
23. Pangalan ng tauhan Katangian Ginampanan
Ikatlo at ika-apat na pangkat: Ilarawan ang
katangian at ginampanan ng bawat tauhan
sa pabula. Kopyahin ang porma na nasa
ibaba at isulat sa manila paper.
24.
25. Pangkatang gawain.
Una at Ikalawang pangkat: Lumikha ng isang slogan na may kinalaman
sa paksang tinalakay.
Ikatlo at Ika-apat na pangkat: Gumuhit ng isang hayop na
sumisimbolo sa pagkatao ng mga mag-aaral.
Pamantayan sa Pagpupuntos:
Kaangkupan sa paksa- 3 puntos
Orihinalidad - 3 puntos
Nilalaman/ mensahe -6 puntos
Pagiging mailkain -3 puntos
15
26.
27. Ano ang pabula?
Bakit mahalagang pag-aralan ang pabula?
Anong aral ang nakuha ninyo sa inyong
napanood?
Kung kayo ang hahatol sa suliranin ng tigre at
lalaki, gagawin niyo rin ba ang hatol ng
kuneho?
28. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Siya ang tumulong sa Tigre?
a. baka b. puno ng pino
c. tao d. kuneho
2. Siya ang nagbigay ng matalinong hatol sa suliranin ng Lalaki at Tigre.
a. Bakac. Pino
b. Aso d. Kuneho
3. Siya ay tinaguriang “Ama ng mga Sinaunang Pabula”?
a. Aesop c. Aysop
b. Asopd. Aesap
4. Ano ang balak ng tigre sa lalaki matapos siyang iligtas sa pagkakahulog sa hukay?
a. Kalbuhinc. Kainin
b. Kawayan d. Paliguan
5. Saang bansa nagmula ang pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”?
a. Taiwan c. China
b. Korea d. Mongolia