1. IbongAdarna
Ang korido ay isang uri ng panitikang pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa
impluwensya ng mga Espanyol.Ito ay may sukat na walongpantig bawat linya at
may apat nalinya sa isang saknong. Angkorido ay binibigkas sapamamagitan ng
pakantangpagpapahayag ng mga tula.
Corrido atbuhay na pinagdaanan nang tatlongPrincipeng
magcacapatid na anac nang haring Fernando at nang reinaValeriana
sa cahariangBerbania
Nagkaroon ng pagkakaiba-iba sa gamit at baybay ng salita dahil na rin sa
pasalin-saling sipi, ngunit dahil sa matiyaga at masusing pag-aaral ni
Marcelo P. Garcia ng ibat-ibang sipi ng ibong adarna ay isinaayos niya ang
pagkakasulat ng kabuoan ng akda partikular ang mga sukat at tugma sa
bawat saknong.
AngIbongAdarna
Ang Ibong Adarnaay isang koridong isinulat ni Josedela Cruz (na kinilala
sa taguring Huseng Sisiw) noong panahon ng Kastila na ngayon ay bahagi
na ng Panitikan at Mitolohiyang Pilipino. Noong panahon ng pananakop
ng mga Kastila sa Pilipinas, kilala ito sa pamagat na Corrido atBuhay na
Pinagdaanan nang Tatlong PrincipengMagcacapatid na Anac nang Haring
Fernando atnang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania. May malaepikong istilo
ng pagkakasalaysay ang Ibong Adarna na tumatalakay sa
kabayanihan, pag-ibig at kababalaghan. Nakasentro ang kwento sa Adarna, isang
ibon na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na nakapagpapagaling ng
anumang karamdaman sa sandaling umawit at marinig ang tinig nito. Umiikot din
ang kwento sa pakikipagsapalaran niDon Juan, isang prinsipeng Kahariang
Berbanya sa kanyang paghahanap sa Ibong Adarna, paglalagalag sa iba't ibang
lupain at pakikipag-ibigan kina Donya Maria Blanca at Donya Leonora. May ilang
mga kritiko ang nagsasabing maaaring ang sumulat ng Ibong Adarna ay siJose
dela Cruz o kilala sa tawag na Huseng Sisiw.
Kasaysayan ng Ibong Adarna
2. Bagaman ang Ibong Adarna ay isa na ngayon sa mga kinikilalang bahagi ng
Panitikang Pilipino, ang akdang ito ay hindi orihinal na nagmula sa Pilipinas
name="harvnb|Tomas C. Ongoco |pp=1">Tomas C. Ongoco, pp. 1</ref>.
Ito'y tulad din ng Bernardo Carpio na nagmula sa alinmang bansa sa Europa.
Sa pananakop ng mga Kastila, ang Ibong Adarna ay nakarating sa Mehiko at
di nagkalaon ay nakaabot sa Pilipinas. Kung titingnan,ang Ibong Adarna ay
maituturing na kwentong bayan sapagkat hindi tiyak kung sino talaga ang
totoong umakda nito.Nang isalin sa Wikang Tagalog ang naturang korido,
ipinagpapalagay na ganito ang mga nangyari.
Ang pangalan ng orihinal na may-akda, na nagmula sa kung saan-saang
bansa sa Europa ay hindi na isinulat ng mga sumunod na nagpalimbag,
Ginamit ng mga tagapagsalin ang kanilang pangalan, ngunit ito'y di isinama
sa pagpapalathala,
Ang mga kauna-unahang salin ng akdang ito ay pawang sulat-kamay atnang
maglaon ay hindi na kinopya ng mga sumunod pang nagsalin ang mga
pangalan ng nauna sa kanila at,
Sapagkat hindi nga tiyak kung sino talaga ang totoong may-akda ng
korido, pinili na lamang ng nakararaming tagapagsalin na huwag ng
isama ang kanilang pangalan sa pagpapalimbag.
Nagsimulang maging popular ang Ibong Adarna sa Pilipinas nang
ito'y isalin sa katutubong wika. Ang bawat kopya ng akdang ito ay
ipinagbibili sa mga perya na karaniwang nagpapalipat-lipat sa mga
bayang nagdiriwang ng pista. Marami ang hindi marunong bumasa
kaya't iilan lamang ang mga kopyang napalimbag. Sa kabutihangpalad,
di nagtagal ay itinanghal na ito sa mga entablado tulad ng
komedya o moro-moro [4].
• Ang karaniwang kaanyuan ng nasabing korido na siya ngayong
pinag-aaralan sa mga paaralan ay ang isinaayos na salin ni Marcelo
P. Garcia noong 1949 [1].
• Sa ngayon ay may ilang nagpapalagay na si José de la Cruz (o
Huseng Sisiw), isang makatang kaalinsabay ni Francisco "Balagtas"
Baltazar noong panahon ng pananakop ng mga Kastila ang kumatha
ng Ibong Adarna [5]. At dahil nga hindi katiyakan kung sino ang
orihinal na may-akda at dahil na rin sa kasikatan nito sa Panitikang
Pilipino, maraming nag-aakala na ang Ibong Adarna ay katutubo
Mismo sa Pilipinas.
3. Kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Bagaman ang Ibong Adarna ay isa na ngayon sa mga kinikilalang bahagi
ng Panitikang Pilipino, ang akdang ito ay hindi orihinal na nagmula sa
Pilipinas. Ito'y tuladdin ng Bernardo Carpio na nagmula sa alinmang bansa
sa Europa. Sa pananakop ng mga Kastila, ang Ibong Adarna ay nakarating
sa Mehiko at di nagkalaon ay nakaabot sa Pilipinas. Kung titingnan, ang
Ibong Adarna ay maituturing na kwentong bayan sapagkat hindi tiyak kung
sino talaga ang totoong umakda nito. Nang isalin sa Wikang Tagalog ang
naturang korido, ipinagpapalagay na ganito ang mga nangyari:
Sinabi ni Santillan Castrence (1940), na ang kasaysayan ng Ibong Adarna
ay maaaring hango sa kuwentong bayan ng iba’t ibang bansa, tulad ng
Alemanya, Denmark, Romania, Austria, Finland, Indonesia, atiba pa. Taglay
ng Ibong Adarna ang karaniwang takbo ng kuwento na matatagpuan sa mga
kuwentongbayan.Ito’yangmgasumusunod:maysakitangina,(isangreyna)
isang ama (isang hari), at kailangang ng isang mahiwagang bagay upang
gumaling. Tulad ng ibong umaawit, tubig ng buhay, halaman, at iba pa.
Tatak na ng kasaysayan ng ating bansa ang mahigit sa tatlong siglong
pananakop ng bansang Espanya. Napakalaking impluwensya sa relihiyon at
kultura ang kanilang iniwan sa Pilipinas na patuloy nang bahagi ng buhay ng
mga Pilipino.
Sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo ng mga mananakop na
Kastila ay nagging mabisang instrumento ang panitikan. Nangunguna ang
mga aklat- dasalan na dinala ng mga prayle at mga sundalong kastila na
kasabay din ng paglaganap ng mga tulang romansa na galling sa Europa.
Nagsimula itong lumaganap noong Edad Media o Middle Ages at sinasabing
nakarating ito sa Pilipinas mula Mehiko noong ika- 17 dantaon. Subalit
noong 18 dantaon lamang kinilala sa ating bansa kasabay ng pagpapakilala
ng imprenta at pagkatuto ng ating mga ninuno ng alpabetong Romano.
Nabibilang ang tulang romansa sa mga uri ng tulang pasalaysay. Dito
ay pinapaksa ang tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na
karaniwang pinagbibidahan ng mga prinsipe’t prinsesa o mga maharlikang
4. tao. Ang tagpuan sa tulang ito ay karaniwan isang kaharian sa Europa o may
paksang panrelihiyon.
Ang dalawang anyo ng tulang romansa ay lumalaganap sa bansa sa
panahonng mga kastila. Ang mga ito ay ang awitat korido.Angibong adarna
ang isang halimbawa ng korido na naging popular sa bansa at itinuring nang
bahagi ng panitikang Pilipino.
Pumasok ang mga anyong panitikan na tinatawag na Awit at Korido.
Naging kilala ang mga ito, at naging mainam na tagapag-ugnay sa mga
manunulatat mambabasa.Dahildito, ipinagpalagayng mga dayuhanna ang
mga ito ay ligtas at nakatutuwang libangan.
KORIDO
Ang mga tulang ito ay may paksang tungkol sa pangromansa. Ang KORIDO
ay isang salaysay tungkolsa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang
tauhang malabayani na punong-puno ng kababalaghan.
Isang genre ng panitikan na nasa anyong patula
Mula sa salitang Espanyol na CORRER, ibig sabihin ay dumadaloy
Mula rin sa salitang Indo-European na CURRERE, ibig sabihin ay pinag-
ugatan
Ito ay patulang salaysay na paawit kung basahin.
Tinatawag din itong TULANG ROMANSA (metrical romance).
Ang salitang kurido ay nagbuhat sa salitang Espanyol/Latino na
nangangahulugang “kasalukuyang pangyayari.”
Ang kurido ay dala rito ng mga Kastila buhat sa Europa na pawang sa
ibang bansa ang tagpuan ng mga pangyayari sa salaysay. Pinagsama-
sama rito ang romansa, ang pakikipagsapalaran, kabayanihan, at
kataksilan at mga sangkap na pantakas sa karahasan ng katotohanan.
Minsan ang kurido ay tinatawag ding awit, at di- tiyak ang pagkakaiba
ng dalawa.