SlideShare a Scribd company logo
1 of 4
Inutusan ni aling Rosa si Jericho na Magpakain ng alaga nilang Baboy. Magdadapit na
ng hapon iyon at papatak na ng ala- sais ng hapon. Patuloy sa paglalakad si jerischo
hanggang sa mapansin niyang kanina pa may nakatingin sa kanya sa bandang kaliwa
niya kaya lumingon siya nito
KWENTO NG KABABALAGHAN
Sa kadiliman ng gabi, mahimbing na natutulog si Ana sa kanyang kwarto.
Nitong nakaraang lingo ay Laging hindi makatulog ng maayos si Ana. Kahit gusto niyang
matulog at gustong-gusto na ng kaniyang matang pumikit ay siya namang gising ng
kanyang diwa. Hindi niya alam kung anong gagawin upang makatulog. Lagi niyang
napapansin na may nakatingin at laging may nanonood sa kanya sa pagtulog kaya hindi
niya magawang makatulog ng mahimbing, na parang may nakatitig at nagbabantay sa
kanya sa loob ng kwarto. Sa kailaliman ng gabi ay siyang pagpupumilit niyang makatulog
na siya. Malikot siya kung titingnan dahil sinubukan na niya lahat ng posisyon upang
maging komportable at abutan na ng antok ngunit wala pa din. Alas- dose na ng
hatinggabi gising na gising parin si ana halos mamula na ng husto ang kanyang mga
mata, pero habang sinusubukang patulugin ang sarili napansin na naman niya na parang
may nakatingin sa kanya sa bintana pagsilip niya ay laging gulat niya na bigla siya nitong
sinulgaban at bahagyang kinagat ang kaliwa nitong braso. Agad siyang tumakbo at dali
daling umalis sa kanyang kuwarto at humingi ng tulong sa kanyang mga magulang pero
nadatnan niyang wala ng buhay ang mga ito at nakitang may isang manikang nakapatong
sa ibabaw ng malamig at walang buhay na bangkay ng kanyang mga magulang,
napansin niyang parang ito ang manikang naiwan ng aleng kanyang binato dahil sa
nakadidiri nitong itsura. Habang papalapit siya sa manika bigla itong tumingin sa kanya
at tinutusok ang tiyan ng kanyang ina at kinakain ang bituka nito ,pulang pulang ang mga
mata nito na parang nanlilisik at mahahabang kuko at matutulis na ngipin. Tumakbo si
ana palabas ng kanilang bahay habang umiiyak. Napansin niyang meron paring
sumusunod sa kanya at dahil sa siya ay natataranta siya ay naligaw sa madilim na
kakahuyan, habang hinahanap ang daan pauwi ng bahay biglang sumulpot sa kanyang
harapan ang manika na galit nag alit sa di maipaliwanag na dahilan. Agad siya nitong
sinulgaban at nakita ang aleng kanyang binato noong nakaraang araw, agad siyang
nagising at umalingawngaw ang kanyang sigaw sa buong bahay na nagdulot ng
pagkataranta sa kanyang mga magulang, naisip niyang panaginip lang pala ang lahat.
KWENTO NG PAG-IBIG
Unang araw ngayon ng klase, at si ana ay ngayoy nasa kolehiyo na. isa siyang batang
hindi palakibo, tahimik at laging gustong mapag-isa kaya hindi nakapagtataka kung bakit
wala pa siyang gaanong kaibigansa kanilang klase. Hindi din siya sanay sa mga tao kaya
mas pinipili niyang walang kasama palagi at mapag-isa. Isa sa mga kamag-aral niya ay
si Erick, isang mabait , palakaibigan at achiever sa klase. Ngunit tulad ni Ana ay wala din
siyang itinuturing na kaibigan sa klase dahil lumalapit lang naman ang mga ito kapag may
kailangan sa kanya lalo na kapag mayroong assignment. Mausisa si Boyet kaya lagi
niyang napapansin si Ana sa isang sulok na kanilang klasrum na walang kasama palagi.
Nakagawian na niyang panuorin lang ito sa araw-araw.
Isang umaga habang papunta sa klasrum. Napansin ni Erick si Ana na naglalakad mag-
isa kaya naisipan niya nang sumabay dito.
Halos mag-iisang taon narin na magkaibigan sina Erick at ana. Nagkakilala sila noong
unang taon palang sa kolehiyo. Sa isang taon nilang pagiging matalik na magkaibiganay
naging komportable na sila sa bawat- isa at sumibol narin ang tiwala nila sa bawat- isa .
Lingid sa kaalaman ni Erick na may lihim na pagtingin si ana sa kanya. Sa araw araw
nilang pagsasama ay lalong lumalala ang nararamdaman ni ana. Natatakot rin naman
siyang aminin ito sa binate lalo nat napag-uasapan an nila ang ganitong bagay na bawal
ang magkaroon ng nararamdaman sa bawat-isa. Alam iyon ni Ana at iniingatan rin niyang
malamatan ang kanilang pagkakaibigan ni Erick, ayaw rin niyang masira ang tiwala nito
sa kanya kaya mas minabuti nalang niya alisin ang kaniyang nararamdaman lalo nat alam
niyang may nililigawan ang kanyang kaibigan na iba. Sa mga panahon din iyon ay
napapansin ni Erick na lagi siyang iniiwasan na ni Ana, nagtataka ang binata kung bakit
iniiwasa na siya ng kanyang matalik na kaibigankaya tinanong niya ito” ana, amy problem
aba tayo? Galit k aba sa akin? May nagawa ba akong mali sayo” tanong ni Erick.
“wala Erick” Wala tayong problema Wag mo nalang akong pansinin masyado wala lang
ito” sagot ni Ana
Simula ng pag-uusap na iyon ay lagi ng malayo si Ana kay Erick. Nagpasya siyang
umiwas na muna pansamantala hanggang sa mawala na ang nararamdaman niya para
rito. Dalawang buwan ang nakalipas nang may nalaman siyang balita. Kalat na kalat na
sa buong eskwelahan na may anak na si Erick. Hindi makapaniwala si Ana sa naririnig
na mga balita. Alam niyang hindi ganoong lalaki ang kanyang matalik na kaibigan , hindi
nito kayang gawin ang mga chismis na kumakalat. Iyak ng Iyak noon si Ana. Hindi niya
alam kung ano ang gagawin, dahil nasasaktan siya sa kanyang nalaman. Kinabukasan
napagpasiyahan niyang kausapin sa personal ang lalaking kanyang minamahal at matalik
na kaibigan. Tinanong nya kung totoo ang kumakalat na balita. At ang sagot ng binata ay
“oo, totoo lahat ng naririnig mo” . mula sa bigat na nararamdaman bumuhos na mga mga
patak na kanina pa gustong kumawala sa kanyang mga mata. Hindi matanggap ni Ana
na totoo ang lahat ng iyon. Hindi nasiya makakibo hanggang sa nakarating na sa kanilang
bahay. Halos araw- arw hindi makakain ng maayos ang dalaga .laging pumapasok sa
kanyang isip na magkakaanak an ang kanyang lalaking minamahal. Hindi niya ito
matanggap.
Halos mag-iisang taon na ng mangyari iyon at wala naring balita si ana kay Erick . Simula
kasi ng araw na iyon ay mas pinili na niyang lumayo ng tuluyan sa kanyang matalik na
kaibigan . hanggang nagyon alam niyang hindi parin niya magawang makalimutan ang
kanyang matalik na kaibiganat hindi parin niya magawang matanggap na totoo ang lahat
ng iyon. Sa susunod ng buwan at nasa ikatlong taon na ng kolehiyo si Ana at ngayong
bakasyon ay inihahanda na niya ang kanyang sarili para sa mga pagsubok sa ikatlog
taon. Napgdesisyunan niya na rin na tapusin na at tuluyan nang kalimutan si Erick lalo
pat unti-unti narin naman itong nawawala sa kanyang isip. Kasabay noon ay ang
pagtanngap niya na may anak na nga ang kanyang minamahal.
Ngayon masaya na si Ana, alam niyang nakalimot na siya talaga at masaya siya na
napapansing pagbabago sa kanya . Bumabalik na ang dating sigla niya at pagiging
masayahin.
Isang araw isa sa mga kaibigan niyang si dominic ay nagpaabot sa kanya ng mensahe
na mayroong gustong kumausap kay ana
“Sino naman?” tanong ni ana
Sinabi nito na si Erick. Gusto ka daw niayng makausap. May gusto raw siyang aminin
saiyo.
Bumilis ang pintig ng puso ni ana, umalingawngaw sa kanyang tainga ang pangalang
matagal niyang kinalimutan at tinatakasan. Halos matulala siya ng marinig ito. Napilitang
pumayag si Ana na makipagkita rito total ang sabi niya sa kangyang sarili ay nakalimot
na naman ako.
Dumating ang araw ng kanilang pagtatagpo at doon ay sinabi ni erik na Patawad sa
pagsisiningaling niya kay Ana, dahil ang totoo ay wala pa talaga siyang anak at hindi siya
nakabuntis. Sa mga narinig ni ana , hindi niya alam ang mararamdaman. Nagkandahalo-
halo lahat ng emosyon ngunit mas nangingibabaw ang galit sa kanyang puso. Hindi niya
alam kung bakit siya nagawang pagsinungalingan ni Erick. Hindi niya maisip na nagawa
nitong maglihim sa kanya nang halos isang taon at ngayon kung kailan siya ay nakalimot
na ay saka lang siya magsasabi ng totoo. Gustong sabihinni Ana kung ano ang kanyang
pinagdaanan ng mga panahong iyon ngunit hindi niya magawang sabihin. Umiiyak na
humihingi ng tawad noon si Erick sa kanyang dating matalik na kaibigan. Nais niyang
mapatawad siya ng kaniyang kaibigan.
Simula ng gabing iyon ay namuo ang galit ni Ana para kay Erick at ang binate naman ay
walang tigil sa pagsuyo sa dalaga mapatawad lang ito. Lagi niyang inaabangan si Ana
sa paglabas ng klasrum at inihahatid na ito pauwi kahit ayaw ng dalaga. Sa araw-araw
nanatili paring matigas ang puso ng dalaga. hindi naman tumigil si Erick na kahit pansin
naman niyang ipinagtutulakan siya nito palayo ay lumalapit parin siya. Nais niyang
makabawi kay ana at mapatawad siya nito sa nagawa niyang pagsisinungaling, hinihiling
niyang maintindihan siya ng dalaga.
Lingid sa kaalaman ni Erick ay may nanliligaw noon kay ana at tuwing hapon ay nauuna
na itong sunduin si ana paglabas sa klasrum. Hindi iyon matanggap ni Erick. Sa araw-
araw ay nakasanayan na niya itong sunduin pagkatapos ng klase at kahit hindi man
lamang nito balingan ng atensyon ang binate ay masaya na ito bastat nakikita niya ang
dalaga. sa araw-araw na iyon ay noon niya napagtanto na may nararamdaman na siya
para sa dalaga. natatakot siya ngayon na malaman na mawawala na sa kaniyang tuluyan
ang kanyang matalik na kaibigan. Nangangamba siyang umibig narin ang dalaga sa
lalaking nanliligaw sa kanya, ngunit hangad parin niya ang kaligayahan ng dalaga . naisip
niyang kung hindi na talag siya mapapatawd pa ng dalaga ay tatanggapin niya ito ng
buong puso at lalayo na sa dalaga. Kaya kinabukasan maagang nag-ayos ng gamit si
Erick at napagdesiyunan nitong sunduin ang dalaga sa kanilang bahay . nagulat si ana
ng Makita na nasa labas ng kanilang bahay si Erick. Bagamat ayaw niya itong pansinin
ay mapilit itong sumunod at makipag-usap sa kanya sa kanilang paglalakad. Alam ni Ana
sa loob na sa nakalipas ng taon ay pinili niyang kalimutan si Erick at burahin sa kanyang
puso ngunit hindi niya maitatanggi may natitira parin sa pagmamahal na iyon. Ang akala
niyang nakalimot na ay hindi pa pala. Humingi ng tawad noon ang binata at sinabi ang
kanyang nararamdaman para sa dalaga. Sa pagkakataong iyon ay sinabi ni Erick na
gusto niyang maging masaya na si Ana , kung ang pag layo niya ang tanging solusyon
at makapagpapasaya kay Ana ay tatanggapin at gagawin niya iyon ngunit sa huling
pagkakataon ay sinabi niyang Mahal na Mahal niya ang dalaga. Nais umiyak g puso ni
Ana sa sobrang kalungkutan . hindi rin niya kayang mawala ulit ang kanyang lalaking
pinakamamahal. Sinabi ni ana pinatawad na niya si Erick at muli niya itong
pagkakatiwalaan. Inamin rin niyang may nararamdaman din siya para dito. Maligayang
maligaya ang dalawa . hindi nila akalain na sa madami silang sinayang na panahon at
ang pagmamahal at pagpapatawad lang ang magiging sagot.
KWENTO NG KATUTUBONG KULAY
Sa pagsikat ng umaga , maagang nagising si mang berteng upang ayusin ang kangyang
gagamitin sa pagsasaka. Magiliw niya itong inihahanda ang kanyang mag kagamitan
para sa paglusong niya sa sakahan. Pinainom at pinakain niya na rin ang kanyang
alagang kalabaw na siyang kasama niya sa pagsasaka. Maaga ring umising si Aling berta
para paghandaan ng almusal ang kanyang asawa. Maaga siyang nagluluto upang may
laman na ang tiyan ng kanyang asawa bago ito magsaka.

More Related Content

Similar to maikling kwento.docx

Ok lng sa Yo c Eric Tay.pptx by textbooks
Ok lng sa Yo c Eric Tay.pptx by textbooksOk lng sa Yo c Eric Tay.pptx by textbooks
Ok lng sa Yo c Eric Tay.pptx by textbooksRyanAceSarmiento2
 
Maikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang MarkahanMaikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang MarkahanKennethSalvador4
 
bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edrozabangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edrozaBay Max
 
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteBangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteJeremiah Nayosan
 
Manyakis by John Paul Canlapan
Manyakis by John Paul CanlapanManyakis by John Paul Canlapan
Manyakis by John Paul CanlapanMildred Bañares
 
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdfNelizaSalcedo
 
P e r f e c t m a t c h copy
P e r f e c t m a t c h copyP e r f e c t m a t c h copy
P e r f e c t m a t c h copyKp Ahdhik
 
Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana
Proyekto sa lit2 ni Olegario D. ToledanaProyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana
Proyekto sa lit2 ni Olegario D. ToledanaOle-samantha Tolenada
 
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva MatuteAng Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matuteyaminohime
 

Similar to maikling kwento.docx (20)

Text
TextText
Text
 
Ok lng sa Yo c Eric Tay.pptx by textbooks
Ok lng sa Yo c Eric Tay.pptx by textbooksOk lng sa Yo c Eric Tay.pptx by textbooks
Ok lng sa Yo c Eric Tay.pptx by textbooks
 
Disconnection notice
Disconnection noticeDisconnection notice
Disconnection notice
 
Reamor Autobiography
Reamor AutobiographyReamor Autobiography
Reamor Autobiography
 
Ang magkaibigan
Ang magkaibiganAng magkaibigan
Ang magkaibigan
 
Maikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang MarkahanMaikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang Markahan
 
bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edrozabangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
 
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteBangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
 
Chopstick
ChopstickChopstick
Chopstick
 
I am inlove with a wierdo
I am inlove with a wierdoI am inlove with a wierdo
I am inlove with a wierdo
 
What am i for you
What am i for youWhat am i for you
What am i for you
 
Manyakis by John Paul Canlapan
Manyakis by John Paul CanlapanManyakis by John Paul Canlapan
Manyakis by John Paul Canlapan
 
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
 
Ang kwento ni mabuti.pdf
Ang kwento ni mabuti.pdfAng kwento ni mabuti.pdf
Ang kwento ni mabuti.pdf
 
Harriet joy
Harriet joyHarriet joy
Harriet joy
 
Q4-Week 2 ESP (1).pptx
Q4-Week 2 ESP (1).pptxQ4-Week 2 ESP (1).pptx
Q4-Week 2 ESP (1).pptx
 
BESTFRIENDS FOR REAL?
BESTFRIENDS FOR REAL?BESTFRIENDS FOR REAL?
BESTFRIENDS FOR REAL?
 
P e r f e c t m a t c h copy
P e r f e c t m a t c h copyP e r f e c t m a t c h copy
P e r f e c t m a t c h copy
 
Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana
Proyekto sa lit2 ni Olegario D. ToledanaProyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana
Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana
 
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva MatuteAng Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
 

More from JelyTaburnalBermundo

kaligirangkasaysayan-19062001471..8.pptx
kaligirangkasaysayan-19062001471..8.pptxkaligirangkasaysayan-19062001471..8.pptx
kaligirangkasaysayan-19062001471..8.pptxJelyTaburnalBermundo
 
Philosophy-of-Education-Educ-212-1...pptx
Philosophy-of-Education-Educ-212-1...pptxPhilosophy-of-Education-Educ-212-1...pptx
Philosophy-of-Education-Educ-212-1...pptxJelyTaburnalBermundo
 
THE IMPACT OF PERSONAL DISCIPLINE ON THE ACADEMIC.pptx
THE IMPACT OF PERSONAL DISCIPLINE ON THE ACADEMIC.pptxTHE IMPACT OF PERSONAL DISCIPLINE ON THE ACADEMIC.pptx
THE IMPACT OF PERSONAL DISCIPLINE ON THE ACADEMIC.pptxJelyTaburnalBermundo
 
FEATURE-WRITING........................pptx
FEATURE-WRITING........................pptxFEATURE-WRITING........................pptx
FEATURE-WRITING........................pptxJelyTaburnalBermundo
 
National-Electrical-Manufacturers-Association-NEMA-ppt. (1).pptx
National-Electrical-Manufacturers-Association-NEMA-ppt. (1).pptxNational-Electrical-Manufacturers-Association-NEMA-ppt. (1).pptx
National-Electrical-Manufacturers-Association-NEMA-ppt. (1).pptxJelyTaburnalBermundo
 
Fracture-Toughness-and-FATIGUE-AND-Engineering-MAterials-1.pptx
Fracture-Toughness-and-FATIGUE-AND-Engineering-MAterials-1.pptxFracture-Toughness-and-FATIGUE-AND-Engineering-MAterials-1.pptx
Fracture-Toughness-and-FATIGUE-AND-Engineering-MAterials-1.pptxJelyTaburnalBermundo
 
(KAANTASAN NG PANG-URI- COT 2 powerpoint
(KAANTASAN NG PANG-URI- COT 2 powerpoint(KAANTASAN NG PANG-URI- COT 2 powerpoint
(KAANTASAN NG PANG-URI- COT 2 powerpointJelyTaburnalBermundo
 
COLUMN WRITING-how to write column writing
COLUMN WRITING-how to write column writingCOLUMN WRITING-how to write column writing
COLUMN WRITING-how to write column writingJelyTaburnalBermundo
 
ACTION RESEARCH FLOW SEMINAR WORKSHOP.pptx
ACTION RESEARCH FLOW SEMINAR WORKSHOP.pptxACTION RESEARCH FLOW SEMINAR WORKSHOP.pptx
ACTION RESEARCH FLOW SEMINAR WORKSHOP.pptxJelyTaburnalBermundo
 
mensahe ng butil ng kape-HUGOT TUNGKOL SA BUTIL NG KAPE.pptx
mensahe ng butil ng kape-HUGOT TUNGKOL SA BUTIL NG KAPE.pptxmensahe ng butil ng kape-HUGOT TUNGKOL SA BUTIL NG KAPE.pptx
mensahe ng butil ng kape-HUGOT TUNGKOL SA BUTIL NG KAPE.pptxJelyTaburnalBermundo
 
MGA ANTAS NG WIKA (balbal,lingua franca,lalawiganin, pambansa, pampanitikan)....
MGA ANTAS NG WIKA (balbal,lingua franca,lalawiganin, pambansa, pampanitikan)....MGA ANTAS NG WIKA (balbal,lingua franca,lalawiganin, pambansa, pampanitikan)....
MGA ANTAS NG WIKA (balbal,lingua franca,lalawiganin, pambansa, pampanitikan)....JelyTaburnalBermundo
 
Mga_Tauhan_sa_Ibong_Adarna_with_pictures.docx
Mga_Tauhan_sa_Ibong_Adarna_with_pictures.docxMga_Tauhan_sa_Ibong_Adarna_with_pictures.docx
Mga_Tauhan_sa_Ibong_Adarna_with_pictures.docxJelyTaburnalBermundo
 
kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docx
kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docxkaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docx
kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docxJelyTaburnalBermundo
 

More from JelyTaburnalBermundo (20)

kaligirangkasaysayan-19062001471..8.pptx
kaligirangkasaysayan-19062001471..8.pptxkaligirangkasaysayan-19062001471..8.pptx
kaligirangkasaysayan-19062001471..8.pptx
 
Philosophy-of-Education-Educ-212-1...pptx
Philosophy-of-Education-Educ-212-1...pptxPhilosophy-of-Education-Educ-212-1...pptx
Philosophy-of-Education-Educ-212-1...pptx
 
THE IMPACT OF PERSONAL DISCIPLINE ON THE ACADEMIC.pptx
THE IMPACT OF PERSONAL DISCIPLINE ON THE ACADEMIC.pptxTHE IMPACT OF PERSONAL DISCIPLINE ON THE ACADEMIC.pptx
THE IMPACT OF PERSONAL DISCIPLINE ON THE ACADEMIC.pptx
 
FEATURE-WRITING........................pptx
FEATURE-WRITING........................pptxFEATURE-WRITING........................pptx
FEATURE-WRITING........................pptx
 
National-Electrical-Manufacturers-Association-NEMA-ppt. (1).pptx
National-Electrical-Manufacturers-Association-NEMA-ppt. (1).pptxNational-Electrical-Manufacturers-Association-NEMA-ppt. (1).pptx
National-Electrical-Manufacturers-Association-NEMA-ppt. (1).pptx
 
Fracture-Toughness-and-FATIGUE-AND-Engineering-MAterials-1.pptx
Fracture-Toughness-and-FATIGUE-AND-Engineering-MAterials-1.pptxFracture-Toughness-and-FATIGUE-AND-Engineering-MAterials-1.pptx
Fracture-Toughness-and-FATIGUE-AND-Engineering-MAterials-1.pptx
 
(KAANTASAN NG PANG-URI- COT 2 powerpoint
(KAANTASAN NG PANG-URI- COT 2 powerpoint(KAANTASAN NG PANG-URI- COT 2 powerpoint
(KAANTASAN NG PANG-URI- COT 2 powerpoint
 
COLUMN WRITING-how to write column writing
COLUMN WRITING-how to write column writingCOLUMN WRITING-how to write column writing
COLUMN WRITING-how to write column writing
 
ACTION RESEARCH FLOW SEMINAR WORKSHOP.pptx
ACTION RESEARCH FLOW SEMINAR WORKSHOP.pptxACTION RESEARCH FLOW SEMINAR WORKSHOP.pptx
ACTION RESEARCH FLOW SEMINAR WORKSHOP.pptx
 
mensahe ng butil ng kape-HUGOT TUNGKOL SA BUTIL NG KAPE.pptx
mensahe ng butil ng kape-HUGOT TUNGKOL SA BUTIL NG KAPE.pptxmensahe ng butil ng kape-HUGOT TUNGKOL SA BUTIL NG KAPE.pptx
mensahe ng butil ng kape-HUGOT TUNGKOL SA BUTIL NG KAPE.pptx
 
MGA ANTAS NG WIKA (balbal,lingua franca,lalawiganin, pambansa, pampanitikan)....
MGA ANTAS NG WIKA (balbal,lingua franca,lalawiganin, pambansa, pampanitikan)....MGA ANTAS NG WIKA (balbal,lingua franca,lalawiganin, pambansa, pampanitikan)....
MGA ANTAS NG WIKA (balbal,lingua franca,lalawiganin, pambansa, pampanitikan)....
 
TAMANG GAMIT NG BANTAS.pptx
TAMANG GAMIT NG BANTAS.pptxTAMANG GAMIT NG BANTAS.pptx
TAMANG GAMIT NG BANTAS.pptx
 
Wastong Gamit Seminar.pptx
Wastong Gamit Seminar.pptxWastong Gamit Seminar.pptx
Wastong Gamit Seminar.pptx
 
visual art.pptx
visual art.pptxvisual art.pptx
visual art.pptx
 
gamitngibatibangbantas-.pptx
gamitngibatibangbantas-.pptxgamitngibatibangbantas-.pptx
gamitngibatibangbantas-.pptx
 
akdang bikol.docx
akdang bikol.docxakdang bikol.docx
akdang bikol.docx
 
Mga_Tauhan_sa_Ibong_Adarna_with_pictures.docx
Mga_Tauhan_sa_Ibong_Adarna_with_pictures.docxMga_Tauhan_sa_Ibong_Adarna_with_pictures.docx
Mga_Tauhan_sa_Ibong_Adarna_with_pictures.docx
 
kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docx
kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docxkaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docx
kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docx
 
PAGSUSURING PAMPANITIKAN.docx
PAGSUSURING PAMPANITIKAN.docxPAGSUSURING PAMPANITIKAN.docx
PAGSUSURING PAMPANITIKAN.docx
 
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN.docx
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN.docxKALIGIRANG PANGKASAYSAYAN.docx
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN.docx
 

Recently uploaded

Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxMartin M Flynn
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxLucy Datuin
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxJustinArquero
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxEVELYNGRACETADEO1
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxRobinsonBaclaan
 
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONGRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONSaadaGrijaldo1
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikanJohairaAcot
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointRuvyAnnClaus
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiMiaBumagat1
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumVALERIEYDIZON
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 

Recently uploaded (20)

Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
 
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONGRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 

maikling kwento.docx

  • 1. Inutusan ni aling Rosa si Jericho na Magpakain ng alaga nilang Baboy. Magdadapit na ng hapon iyon at papatak na ng ala- sais ng hapon. Patuloy sa paglalakad si jerischo hanggang sa mapansin niyang kanina pa may nakatingin sa kanya sa bandang kaliwa niya kaya lumingon siya nito KWENTO NG KABABALAGHAN Sa kadiliman ng gabi, mahimbing na natutulog si Ana sa kanyang kwarto. Nitong nakaraang lingo ay Laging hindi makatulog ng maayos si Ana. Kahit gusto niyang matulog at gustong-gusto na ng kaniyang matang pumikit ay siya namang gising ng kanyang diwa. Hindi niya alam kung anong gagawin upang makatulog. Lagi niyang napapansin na may nakatingin at laging may nanonood sa kanya sa pagtulog kaya hindi niya magawang makatulog ng mahimbing, na parang may nakatitig at nagbabantay sa kanya sa loob ng kwarto. Sa kailaliman ng gabi ay siyang pagpupumilit niyang makatulog na siya. Malikot siya kung titingnan dahil sinubukan na niya lahat ng posisyon upang maging komportable at abutan na ng antok ngunit wala pa din. Alas- dose na ng hatinggabi gising na gising parin si ana halos mamula na ng husto ang kanyang mga mata, pero habang sinusubukang patulugin ang sarili napansin na naman niya na parang may nakatingin sa kanya sa bintana pagsilip niya ay laging gulat niya na bigla siya nitong sinulgaban at bahagyang kinagat ang kaliwa nitong braso. Agad siyang tumakbo at dali daling umalis sa kanyang kuwarto at humingi ng tulong sa kanyang mga magulang pero nadatnan niyang wala ng buhay ang mga ito at nakitang may isang manikang nakapatong sa ibabaw ng malamig at walang buhay na bangkay ng kanyang mga magulang, napansin niyang parang ito ang manikang naiwan ng aleng kanyang binato dahil sa nakadidiri nitong itsura. Habang papalapit siya sa manika bigla itong tumingin sa kanya at tinutusok ang tiyan ng kanyang ina at kinakain ang bituka nito ,pulang pulang ang mga mata nito na parang nanlilisik at mahahabang kuko at matutulis na ngipin. Tumakbo si ana palabas ng kanilang bahay habang umiiyak. Napansin niyang meron paring sumusunod sa kanya at dahil sa siya ay natataranta siya ay naligaw sa madilim na kakahuyan, habang hinahanap ang daan pauwi ng bahay biglang sumulpot sa kanyang harapan ang manika na galit nag alit sa di maipaliwanag na dahilan. Agad siya nitong sinulgaban at nakita ang aleng kanyang binato noong nakaraang araw, agad siyang nagising at umalingawngaw ang kanyang sigaw sa buong bahay na nagdulot ng pagkataranta sa kanyang mga magulang, naisip niyang panaginip lang pala ang lahat. KWENTO NG PAG-IBIG Unang araw ngayon ng klase, at si ana ay ngayoy nasa kolehiyo na. isa siyang batang hindi palakibo, tahimik at laging gustong mapag-isa kaya hindi nakapagtataka kung bakit wala pa siyang gaanong kaibigansa kanilang klase. Hindi din siya sanay sa mga tao kaya mas pinipili niyang walang kasama palagi at mapag-isa. Isa sa mga kamag-aral niya ay si Erick, isang mabait , palakaibigan at achiever sa klase. Ngunit tulad ni Ana ay wala din siyang itinuturing na kaibigan sa klase dahil lumalapit lang naman ang mga ito kapag may kailangan sa kanya lalo na kapag mayroong assignment. Mausisa si Boyet kaya lagi
  • 2. niyang napapansin si Ana sa isang sulok na kanilang klasrum na walang kasama palagi. Nakagawian na niyang panuorin lang ito sa araw-araw. Isang umaga habang papunta sa klasrum. Napansin ni Erick si Ana na naglalakad mag- isa kaya naisipan niya nang sumabay dito. Halos mag-iisang taon narin na magkaibigan sina Erick at ana. Nagkakilala sila noong unang taon palang sa kolehiyo. Sa isang taon nilang pagiging matalik na magkaibiganay naging komportable na sila sa bawat- isa at sumibol narin ang tiwala nila sa bawat- isa . Lingid sa kaalaman ni Erick na may lihim na pagtingin si ana sa kanya. Sa araw araw nilang pagsasama ay lalong lumalala ang nararamdaman ni ana. Natatakot rin naman siyang aminin ito sa binate lalo nat napag-uasapan an nila ang ganitong bagay na bawal ang magkaroon ng nararamdaman sa bawat-isa. Alam iyon ni Ana at iniingatan rin niyang malamatan ang kanilang pagkakaibigan ni Erick, ayaw rin niyang masira ang tiwala nito sa kanya kaya mas minabuti nalang niya alisin ang kaniyang nararamdaman lalo nat alam niyang may nililigawan ang kanyang kaibigan na iba. Sa mga panahon din iyon ay napapansin ni Erick na lagi siyang iniiwasan na ni Ana, nagtataka ang binata kung bakit iniiwasa na siya ng kanyang matalik na kaibigankaya tinanong niya ito” ana, amy problem aba tayo? Galit k aba sa akin? May nagawa ba akong mali sayo” tanong ni Erick. “wala Erick” Wala tayong problema Wag mo nalang akong pansinin masyado wala lang ito” sagot ni Ana Simula ng pag-uusap na iyon ay lagi ng malayo si Ana kay Erick. Nagpasya siyang umiwas na muna pansamantala hanggang sa mawala na ang nararamdaman niya para rito. Dalawang buwan ang nakalipas nang may nalaman siyang balita. Kalat na kalat na sa buong eskwelahan na may anak na si Erick. Hindi makapaniwala si Ana sa naririnig na mga balita. Alam niyang hindi ganoong lalaki ang kanyang matalik na kaibigan , hindi nito kayang gawin ang mga chismis na kumakalat. Iyak ng Iyak noon si Ana. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, dahil nasasaktan siya sa kanyang nalaman. Kinabukasan napagpasiyahan niyang kausapin sa personal ang lalaking kanyang minamahal at matalik na kaibigan. Tinanong nya kung totoo ang kumakalat na balita. At ang sagot ng binata ay “oo, totoo lahat ng naririnig mo” . mula sa bigat na nararamdaman bumuhos na mga mga patak na kanina pa gustong kumawala sa kanyang mga mata. Hindi matanggap ni Ana na totoo ang lahat ng iyon. Hindi nasiya makakibo hanggang sa nakarating na sa kanilang bahay. Halos araw- arw hindi makakain ng maayos ang dalaga .laging pumapasok sa kanyang isip na magkakaanak an ang kanyang lalaking minamahal. Hindi niya ito matanggap. Halos mag-iisang taon na ng mangyari iyon at wala naring balita si ana kay Erick . Simula kasi ng araw na iyon ay mas pinili na niyang lumayo ng tuluyan sa kanyang matalik na kaibigan . hanggang nagyon alam niyang hindi parin niya magawang makalimutan ang kanyang matalik na kaibiganat hindi parin niya magawang matanggap na totoo ang lahat ng iyon. Sa susunod ng buwan at nasa ikatlong taon na ng kolehiyo si Ana at ngayong bakasyon ay inihahanda na niya ang kanyang sarili para sa mga pagsubok sa ikatlog taon. Napgdesisyunan niya na rin na tapusin na at tuluyan nang kalimutan si Erick lalo
  • 3. pat unti-unti narin naman itong nawawala sa kanyang isip. Kasabay noon ay ang pagtanngap niya na may anak na nga ang kanyang minamahal. Ngayon masaya na si Ana, alam niyang nakalimot na siya talaga at masaya siya na napapansing pagbabago sa kanya . Bumabalik na ang dating sigla niya at pagiging masayahin. Isang araw isa sa mga kaibigan niyang si dominic ay nagpaabot sa kanya ng mensahe na mayroong gustong kumausap kay ana “Sino naman?” tanong ni ana Sinabi nito na si Erick. Gusto ka daw niayng makausap. May gusto raw siyang aminin saiyo. Bumilis ang pintig ng puso ni ana, umalingawngaw sa kanyang tainga ang pangalang matagal niyang kinalimutan at tinatakasan. Halos matulala siya ng marinig ito. Napilitang pumayag si Ana na makipagkita rito total ang sabi niya sa kangyang sarili ay nakalimot na naman ako. Dumating ang araw ng kanilang pagtatagpo at doon ay sinabi ni erik na Patawad sa pagsisiningaling niya kay Ana, dahil ang totoo ay wala pa talaga siyang anak at hindi siya nakabuntis. Sa mga narinig ni ana , hindi niya alam ang mararamdaman. Nagkandahalo- halo lahat ng emosyon ngunit mas nangingibabaw ang galit sa kanyang puso. Hindi niya alam kung bakit siya nagawang pagsinungalingan ni Erick. Hindi niya maisip na nagawa nitong maglihim sa kanya nang halos isang taon at ngayon kung kailan siya ay nakalimot na ay saka lang siya magsasabi ng totoo. Gustong sabihinni Ana kung ano ang kanyang pinagdaanan ng mga panahong iyon ngunit hindi niya magawang sabihin. Umiiyak na humihingi ng tawad noon si Erick sa kanyang dating matalik na kaibigan. Nais niyang mapatawad siya ng kaniyang kaibigan. Simula ng gabing iyon ay namuo ang galit ni Ana para kay Erick at ang binate naman ay walang tigil sa pagsuyo sa dalaga mapatawad lang ito. Lagi niyang inaabangan si Ana sa paglabas ng klasrum at inihahatid na ito pauwi kahit ayaw ng dalaga. Sa araw-araw nanatili paring matigas ang puso ng dalaga. hindi naman tumigil si Erick na kahit pansin naman niyang ipinagtutulakan siya nito palayo ay lumalapit parin siya. Nais niyang makabawi kay ana at mapatawad siya nito sa nagawa niyang pagsisinungaling, hinihiling niyang maintindihan siya ng dalaga. Lingid sa kaalaman ni Erick ay may nanliligaw noon kay ana at tuwing hapon ay nauuna na itong sunduin si ana paglabas sa klasrum. Hindi iyon matanggap ni Erick. Sa araw- araw ay nakasanayan na niya itong sunduin pagkatapos ng klase at kahit hindi man lamang nito balingan ng atensyon ang binate ay masaya na ito bastat nakikita niya ang dalaga. sa araw-araw na iyon ay noon niya napagtanto na may nararamdaman na siya para sa dalaga. natatakot siya ngayon na malaman na mawawala na sa kaniyang tuluyan ang kanyang matalik na kaibigan. Nangangamba siyang umibig narin ang dalaga sa lalaking nanliligaw sa kanya, ngunit hangad parin niya ang kaligayahan ng dalaga . naisip niyang kung hindi na talag siya mapapatawd pa ng dalaga ay tatanggapin niya ito ng buong puso at lalayo na sa dalaga. Kaya kinabukasan maagang nag-ayos ng gamit si Erick at napagdesiyunan nitong sunduin ang dalaga sa kanilang bahay . nagulat si ana
  • 4. ng Makita na nasa labas ng kanilang bahay si Erick. Bagamat ayaw niya itong pansinin ay mapilit itong sumunod at makipag-usap sa kanya sa kanilang paglalakad. Alam ni Ana sa loob na sa nakalipas ng taon ay pinili niyang kalimutan si Erick at burahin sa kanyang puso ngunit hindi niya maitatanggi may natitira parin sa pagmamahal na iyon. Ang akala niyang nakalimot na ay hindi pa pala. Humingi ng tawad noon ang binata at sinabi ang kanyang nararamdaman para sa dalaga. Sa pagkakataong iyon ay sinabi ni Erick na gusto niyang maging masaya na si Ana , kung ang pag layo niya ang tanging solusyon at makapagpapasaya kay Ana ay tatanggapin at gagawin niya iyon ngunit sa huling pagkakataon ay sinabi niyang Mahal na Mahal niya ang dalaga. Nais umiyak g puso ni Ana sa sobrang kalungkutan . hindi rin niya kayang mawala ulit ang kanyang lalaking pinakamamahal. Sinabi ni ana pinatawad na niya si Erick at muli niya itong pagkakatiwalaan. Inamin rin niyang may nararamdaman din siya para dito. Maligayang maligaya ang dalawa . hindi nila akalain na sa madami silang sinayang na panahon at ang pagmamahal at pagpapatawad lang ang magiging sagot. KWENTO NG KATUTUBONG KULAY Sa pagsikat ng umaga , maagang nagising si mang berteng upang ayusin ang kangyang gagamitin sa pagsasaka. Magiliw niya itong inihahanda ang kanyang mag kagamitan para sa paglusong niya sa sakahan. Pinainom at pinakain niya na rin ang kanyang alagang kalabaw na siyang kasama niya sa pagsasaka. Maaga ring umising si Aling berta para paghandaan ng almusal ang kanyang asawa. Maaga siyang nagluluto upang may laman na ang tiyan ng kanyang asawa bago ito magsaka.