3. Ang tauhan ang nagbibigay ng buhay sa
Mitolohiya. Ang mga ikinikilos at
pananalita ng tauhan ay nagbubunsod sa
mambabasa upang makidalamhati sa
mga pighati’t kabiguan nito at makisaya
sa bawat tagumpay na nakamtan ng
pangunahing bida.
4. Ang mga tauhang gumaganap sa
bawat kaganapan ng mitolohiya ay
mga diyos at diyosa o may
kaugnay sa mga ito.
6. Malaki ang impluwensya ng tagpuan
upang higit na makalikha ang awtor
ng larawan sa isipan ng mambabasa.
Ang tagpuan sa mitolohiya ay
salamin ng sinaunang lugar at
lakagayan ng bansa kung saan ito
umusbong.
7. Mapapansin na ang mga binabanggit na
tagpuan ay may kaugnayan sa batis, ilog,
parang, triguhan, palayan, kabundukan at
iba pa. Sa pamamagitan ng tagpuan,
inilalarawan sa mitolohiya ang kalagayan
ng ilang mga bansa sa daigdig na kung
ihambing ay ibang-iba na ang kalagayan
sa kasalukuyan
9. Ang banghay ng kuwento ay
tumutukoy sa pagkakasunud-sunod
ng mga kaganapan at pangyayari sa
akda. Ang banghay ay isa ring
mahalagang elemento ng
Mitolohiya.
12. “Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga
planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti.
Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang
punung-puno ng pag-asa.”
Jeremiah 29:11