Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Panitikan sa Panahon ng Kastila

Panitikan sa Panahon ng Kastila

  • Be the first to comment

Panitikan sa Panahon ng Kastila

  1. 1. KASTILA
  2. 2. KALIGIRANG KASAYSAYAN : Ang isinaalang-alang na unang pananakop ng mga Kastila sa ating kapuluan ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565, bilang kauna-unahang Kastilang gobernador- heneral. At dito nagsimula ang panitikan ng mga tao rito. Ang diwa ng pasimulang ito ay nagpatuloy nang walang pagbabago hanggang sa pagkakaroon ng digmaan sa Kabite noong 1872. Higit sa tatlong dantaon din ang pananakop na ito ng mga Kastila.
  3. 3. MGA PAGBABAGONG NAGANAP SA BUHAY NG MGA PILIPINO: ** mapalaganap ang relihiyong Katolika Apostolika Romana, pagpapalawak ng kanilang hanapbuhay na pambansa at ng kanilang nasasakupang lupain ** si Villalobos ang nagpasya ng ngalang “Felipinas” o “Felipenas” bilang parangal kay Haring Felipe II. “Filipinas” na naging “Pilipinas” ** taong 1565 at 1873, nakilala ang mga pangalang Lakandula, Magat Salamat, Tamblot, Dagohoy, Diego Silang, Palaris, Manong Pule, atb. ** nagpalit sila ng pangalan at nagpabinyag **Naging gobernador si Jose Basco (1778). **Si Claveria (1849), binigyang ng apelyidong kastila ang pamilyang Pilipino
  4. 4. **Instik, Hapon, Ingles nagtangkang lumusob at umagaw sa Pilipinas ** umunlad ang kabuhayan dahil sa tuwirang pakikipagkumersiyo ng Espanya at Europa. Nagkaroon ng mga sasakyang tulad ng karwahe, tren at bapor **nagbago ang anyo ng kanilang pamamahay; nagkaroon ng mga bahay na tisa at bato ** magagandang kasangkapan tulad ng piyano, muwebles at mga kagamitang pangkusina ** natuto silang magdiwang ng mga kapistahan bilang parangal sa mga santo at Papa ** bilang libangan, nagkaroon ng mga sabong, karera ng kabayo at teatro
  5. 5. 1. Panitikang Pamaksang Pananampalataya at Kabutihang-asal 2. Panitikang Rebolusyonaryo at Sedisyoso
  6. 6. TATLONG KATANGIAN NG PANITIKAN: 1. May sari-saring kaanyuan at pamamaraan, gaya ng mga tulang liriko, awit, kurido, pasyon, duplo, karagatan, kumedya, senakulo, sarsuwela, talambuhay, at mga pagsasaling- wika. 2. Ang karaniwang paksain ay panrelihiyon. 3. Ang lalong nakararami ay huwad, tulad, o halaw sa anyo, paksa, o tradisyong kastila.
  7. 7. MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA SA PANITIKANG FILIPINO 1. Ang “Alibata”na ipinagmamalaki kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan ng alpabetong Romano. 2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang makarelihiyon. 3. Ang wikang Kastila na naging wika ng Pantikan nang panahong yaon. Marami sa mga salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino. 4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito na naging bahagi ng Panitikang Filipino tulad ng awit, kurido, moro- moro at iba pa.
  8. 8. 5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog at sa ibang wikain. 6. Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat na pambalarila sa wikaing Filipino tulad sa Tagalog, Ilokano at Bisaya. 7. Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain ng mga panahong yaon.
  9. 9. MGAAKDANG PANRELIHIYON
  10. 10. DOCTRINA CHRISTIANA -kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noon 1593, sa pamamagitan ng silograpiko. -Aklat ito nina Padre Juan de Placencia at padre Domingo Nieva. Nasusulat ang aklat sa Tagalog at Kastila. -Naglalaman ng mga dasal, sampung utos, pitong sakramento, pitong kasalanang mortal, pangungumpisal at katesismo. -May 87 pahina lamang.
  11. 11. NUESTRA SENORA DEL ROSARIO -ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito ni Padre Blancas de San Jose noong 1602 at nalimbag sa Imprenta ng Pamantasan ng Sto. Tomas sa tulong ni Juan de Vera, isang mestisong Intsik. Naglalaman ito ng mga talambuhay ng mga santo, nobena, at mga tanong at sagot sa relihiyon.
  12. 12. BARLAAN AT JOSAPHAT “Aral na Tunay na Totoong Pag-aacay sa Tauo, nang manga Cabanalang Gaua nang manga Malaoualhatiang Barlaan at Josaphat (1780) na batay sa mga Sulat sa Griyego ni San Juan Damasceno.”
  13. 13. BARLAAN AT JOSAPHAT -ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito sa Tagalog ni Padre Antonio de Borja. Orihinal na nasa wikang Griyego. - Jacobo Biblio (Latin), Baltazar de Santa Cruz (Kastila) - Ipinalalagay itong kauna- unahang nobelang nalimbag sa Pilipinas. -isinalin sa salitang Iloko at sa anyong patula ni Padre Agustin Mejia.
  14. 14. URBANA AT FELISA -aklat na sinulat ni Modesto de Castro, ang tinaguriang “Ama ng Klasikong Tuluyan sa Tagalog”.Naglalaman ito ng pagsusulatan ng magkapatid na sina Urbana at Felisa. Pawang nauukol sa kabutihang- asal ang nilalaman ng aklat na ito, kaya’t malaki ang nagawang impluwensya nito sa kaugaliang panlipunan ng mga Pilipino.
  15. 15. -aklat na nauukol sa buhay at pagpapakasakit ni Kristo. Binabasa ito tuwing Mahal na Araw. Nagkaroon ng apat (4) na bersyon sa Tagalog ang akdang ito, at ang bawat bersyon ay ayon na rin sa pangalan ng mga nagsisulat. Ang mga ito ay ang Padre Mariano Pilapil (1814) Gaspar Aquino de Belen (1704); Aniceto dela Merced (1856); at Don Luis de Guian (1750 ). -Isinaalang-alang na pinakapopular ang Version de Pilapil na may 8 pantig sa bawat taludtod, at 5 taludtod sa bawat saknong. PASYON
  16. 16. 850 Ang tauo hanggang mayaman Marami ang kaibigan Cung mahirap na, I ang buhay Di batii’t, titigan 851 Gayon ngani itong mundo Magdaraya, t, walang toto Parang lihis na totoo Pangimbolo, i, nanalo Sa calolowa nang tauo. PASYON
  17. 17. MGA DULANG PANRELIHIYON
  18. 18. PANUNULUYAN •Dulang tinatanghal sa lansangan •Paghahanap ng matutuluyan nina Maria at Joseph sa Bethlehem •Ang mga bahay sa paligid ang hinihingan ng mag-asawa ng silid na matutuluyan
  19. 19. DALIT • ang pag-aalay ng bulaklak kasabay nang pag-awit bilang handog sa Birheng Maria. • P. Mariano Sevilla (Tondo, Nobyembre 12, 1832) FLORES DE MAYO
  20. 20. DALIT Matamis na Birheng pinaghahandugan, Kami’y nangangako naman pong mag- alay Ng mga girnalda bawat araw At ang magdudulot yaring murang kamay. Tuhog na mga bulaklak sadyang salit- salit Sa mahal mong noo’y aming ikakapit, Lubos ang pag-asa’t sa iyo’y pananalig Na tatanggapin mo handog ng pag-ibig. FLORES DE MAYO
  21. 21. SANTA CRUZAN • ay isang prusisyon na isinasagawa sa huling bahagi ng pagdiriwang ng Flores de Mayo. Isinasalarawan nito ang paghahanap sa Banal na Krus ni Reyna Elena, ang ina ni Constantino.
  22. 22. SENAKULO • isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong Hesuskristo. • Kadalasan ginaganap sa lansangan o sa bakuran ng simbahan.
  23. 23. SALUBONG • Pagtatanghal ng pagtatagpo ng muling nabuhay na Panginoong Hesus at ni Maria.
  24. 24. TIBAG • isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo, ng paghahanap ni Santa Elena sa krus na pinagpakuan kay Kristo.
  25. 25. KOMEDYA/ MORO-MORO • isang matandang dulang Kastila na naglalarawan ng pakikipaglaban ng Espanya sa mga Muslim noong unang panahon.
  26. 26. KARILYO • pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong kartong hugis tao sa likod ng isang kumot na puti na may ilaw.
  27. 27. SARSUWELA • isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog, may tatlong (3)yugto, at nauukol sa mga masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, paghihiganti, panibugho, pagkasuklam at iba pa. • Severino Reyes o Lola Basyang
  28. 28. DUNG-AW • binibigkas nang paawit ng isang naulila sa piling ng bangkay ng yumaong asawa, magulang at anak.
  29. 29. KARAGATAN • Nanggaling sa alamat ng prinsesang naghulog ng singsing sa karagatan, tapos nangakong papakasalan niya ang binatang makakakuha nito. • isang larong may paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa gitna ng dagat at kung sinong binata ang makakuha rito ay siyang pagkakalooban ng pag-ibig ng dalaga.
  30. 30. DUPLO • larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay sa patay. • Isinasagawa sa ika-9 na araw ng pagkamatay. • Pagalingan ito sa pagbigkas at pagdebate, pero kailangan may tugma / sa paraang patula. • Gumagamit ng mga biro, kasabihan, salawikain at taludtod galing sa banal na kasulatan. • BILYAKA at BILYOKO = DUPLERO
  31. 31. DUPLO vs. KARAGATAN KARAGATAN DUPLO Mas nauna Pinalitan ang karagatan May matanda, babae at lalaki Madalas dalawang lalaki ang naglalaban May isang paraan ng paglalaro Maraming iba’t ibang estilo Parehong gumagamit ng kasabihan, parabula at makulay na lenguahe, at kumuha ng taludtod galing sa panitikan. Dahil dito, nakatulong sila sa pagunlad ng mga wikang Pilipino.
  32. 32. SAYNETE • itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon ng pananakop ng mga Kastila. Ang paksa ng dulang ito ay nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo.
  33. 33. PANGANGALULUWA • Kilala bilang Todos Los Santos Kaluluwa kaming tambing Sa purgatoryo nanggaling Doon po’y ang gawa namin Araw gabi’y manalangin
  34. 34. Dulang Pangtanghalan o Entablado Senakulo Moro-moro Komedya Karilyo Dulang Panlansangan Pangangaluwa Tibag Panunuluyan Salubong Dulang Pantahanan Pamamanhikan Patung/Panubong Duplo Karagatan Juego de prenda
  35. 35. AKDANG PANGWIKA
  36. 36. Arte Y Regalas de la Lengua Tagala - sinulat ni Padre Blancas de San Jose at isinalin sa Tagalog ni Tomas Pinpin noong 1610.
  37. 37. Compendio de la Lengua Tagala - inakda ni Padre Gaspar de San Agustin noong 1703.
  38. 38. - kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog na sinulat ni Padre Pedro de San Buenaventura noong 1613. Vocabulario de la Lengua Tagala
  39. 39. - unang aklat na pangwika sa Kapampangan na sinulat ni Padre Diego Bergano noong 1732. Vocabulario de la Lengua Pampango
  40. 40. - pinakamahusay na aklat pangwika sa Bisaya na sinulat ni Mateo Sanchez noong 1711. Vocabulario de la Lengua Bisaya
  41. 41. - unang aklat pangwika sa Bikol na sinulat ni Padre Marcos Lisboa noong 1754. Arte de la Lengua Bicolana
  42. 42. - kauna-unahang balarilang Iloko na sinulat ni Francisco Lopez. Arte de la Iloka
  43. 43. MGA URI NG PANITIKAN A.PASYON – inaawit tuwing Kwaresma, hinggil sa buhay , sakit at pagdurusa ni Kristo. B. KOMEDYA/MORO-MORO- isang matandang dulang Kastila na naglalarawan ng pakikipaglaban ng Espanya sa mga Muslim noong unang panahon.
  44. 44. C. DALIT – ang pag-aalay ng bulaklak kasabay nang pag-awit bilang handog sa Birheng Maria. D. DUNG-AW –binibigkas nang paawit ng isang naulila sa piling ng bangkay ng yumaong asawa, magulang at anak. E. KARAGATAN – isang larong may paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa gitna ng dagat at kung sinong binata ang makakuha rito ay siyang pagkakalooban ng pag-ibig ng dalaga.
  45. 45. F. DUPLO –larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay sa patay. G. KARILYO – pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong kartong hugis tao sa likod ng isang kumot na puti na may ilaw. H. SENAKULO – isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong Hesuskristo.
  46. 46. I. TIBAG – isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo, ng paghahanap ni Santa Elena sa krus na pinagpakuan kay Kristo. J. SARSUWELA- isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog, may tatlong (3)yugto, at nauukol sa mga masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, paghihiganti, panibugho, pagkasuklam at iba pa.
  47. 47. K. KURIDO – galing sa salitang Mehikanong “corrido” na ang ibig sabihin ay “kasalukuyang pangyayari” (current event). Ito ay tulang pasalaysay na may sukat na walong (8) pantig at pumapaksa sa katapangan, kabayanihan at kababalaghan. L. AWIT – tulang pasalaysay na may sukat na labindalawang (12) pantig at may mga pangyayaring hango sa tunay na buhay.
  48. 48. M. PARABULA – kwentong hango sa Banal na Kasulatan na maaaring umakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay. N. KANTAHING-BAYAN – (Folk Songs) ang nilalaman ay nagpapakilala ng iba’t ibang pamumuhay at pag-uugali ng mga tao at ng mga kaisipan at damdamin ng bayan. O. SAYNETE – itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon ng pananakop ng mga Kastila. Ang paksa ng dulang ito ay nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo.
  49. 49. MGA KANTAHING-BAYAN 1. Leron-leron Sinta = Tagalog 2. Pamulinawen = Iloko 3. Dadansoy = Bisaya 4. Sarong Banggin =Bikol 5. Atin Cu Pung Singsing = Kapampangan
  50. 50. KAHALAGAHAN NG KANTAHING BAYANG PILIPINO • Ito ay nagpapakilala na ang ating diwang- makata ay katutubo sa ating lupain. • Ito ay nagpapahayag na tunay na kalinangan ng Pilipino • Ito ay bunga at bulaklak ng matulaing damdaming galling sa puso at kaluluwa ng bayan.

×