2. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mag-aaral ay
nakapagsasagawa ng
malikhaing pagtatanghal ng
ilang saknong ng koridong
naglalarawan ng mga
pagpapahalagang Pilipino
5. CORRIDO AT BUHAY NA
PINAGDAANAN NANG TATLONG
PRINCIPENG MAGCACAPATID NA
ANAC NANG HARING FERNANDO AT
NANG REINA VALERIANA SA
CAHARIANG BERBANIA
6. ANG PAGKAKASIMULA
Ang Ibong Adarna ay isang korido na isinulat noong
panahon ng Kastila na ngayon ay bahagi na ng
Panitikan at Mitolohiyang Pilipino.
Ang Korido ay nagsisimula sa panalangin o
pag-aalay ng akda sa Birhen o sa isang santo.
Kalimitang ito ay patungkol sa pakikipagsapalaran at
kabayanihang kinasasangkutan ng mga Prinsipe at
Prinsesa at mga maharlikang tao kung saan ang
pangunahing tauhan ay nagtatagumpay dahil sa
kanyang mataimtim na pananalig sa Diyos.
Ito ay binubuo ng walong pantig sa loob ng isang
taludtod at apat na taludtod sa isang taludturan.
Ito ay sinasabing halaw o nagmula sa ibang bansa.
Maaring sa ilang bansa sa Europa.
7. ANG PAGKAKASIMULA
PAGPAPALAGANAP
Sabay ng pagdating ng
mga dayuhan ay ang
pagpapalaganap ng
panitikan. Ito ay dahil sa
kagustuhang palaganapin ang
relihiyong Katoliko at dahil sa
pagpapalaganap ng panitikan
naging mas madali para sa kanila
ang papapalaganap ng Katolisismo.
8. ANG PAGKAKASIMULA
Bagama’t itinuturing na “halaw” o nagmula
sa ibang bansa ang akdang ito, sinasabi ng
maraming kritikong umaangkop naman sa
kalinangan at kultura ng mga Pilipino ang
nilalaman nito.
Bukod sa mga gintong aral na makukuha sa
akda, ito ay tinangkilik din ng ating mga ninuno sa
panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
Sa katunayan ang Ibong Adarna ay itinuturing na
panitikang pantakas sapagkat ang mga
katutubong Pilipino na sakbibi ng hirap at sakit
dahil sa kahirapang kanilang nararanasan bunga
ng paniniil ng mga Espanyol ay pansamantalang
nakakatakas sa kanilang tunay na kalagayan sa
sandaling mabasa o mapanood ang akdang ito.
9. Noong 1849, sa pamamagitan ng matiyaga
at masusing pag-aaral ni Marcelo P. Garcia ng iba’t
ibang sipi ng Ibong Adarna ay isinaayos niya ang
pagkakasulat ng kabuoan ng akda partikular na ang
mga sukat at tugma ng bawat saknong.
Kasalukuyan, ang kanyang isinaayos na
sipi ang karaniwang ginagamit ng mga paaralan at
palimbagan.
Ang Ibong Adarna ay isinateksto at pinag-
aaralan ng mga estudyande.
Ito ay isinasateatro at pinanonood. Ito rin
ay isinalin sa pambatang
istorya.
Bagama’t ito ay itinuturing
na halaw, ang Ibong
Adarna ay kasama sa
panitikang Pilipino,
binabasa at
tinatangkilik ng maraming tao.
10. PAGKAKAIBA NG AWIT AT KORIDO
Pamantayan Awit Korido
Batay sa Anyo Binubuo ng 12 pantig
sa loob ng isang
taludturan, 4 na
taludtod sa isang
taludturan
Binubuo ng 8 pantig
sa loob ng isang
taludtod at 4 na
taludtod sa isang
taludturan
Musika Ang himig ay mabagal
na tinatawag na
andante
Ang himig ay mabilis
na tinatawag na
allegro
Paksa Tungkol sa bayani at
mandirigma
Tungkol sa
pananampalataya,
alamat at
kababalaghan
Katangian ng Tauhan Ang tauhan ay walang
taglay na
kapangyarihan
Ang mga tauhan ay
may kapangyarihang
supernatural
Mga Halimbawa Florante at Laura,
Haring Patay
Ang Ibong Adarna,
Ang Dama Ines