SlideShare a Scribd company logo
1 of 16
Mga Kasanayan sa
Mapanuring Pagbabasa
Ikatlong Kwarter 3-Aralin 2
MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA
►BAGO MAGBASA
Sinisimulan ang pagbasa sa pagsisiyasat ng tekstong babasahin.
Ang pagsusuri ng panlabas na katangian ng teksto ay mahalaga upang
malaman ang tamang estratehiya sa pagbasa batay sa uri at genre ng
teksto o kung kinakailangan ba ito ayon sa itinakdang layunin ng
pagbasa. Kinapalolooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto
sa pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat, at
pangalawang pamagat sa loob ng aklat. Sa bahaging ito, iniuugnay sa
inisyal na pagsisiyasat ang mga imbak at kaligirang kaalaman upang
lubusang masuri kung anong uri ng teksto ang babasanin. Nakabubuo
ng mga tanong at matalinong prediksyon kung tungkol saan ang isang
teksto batay sa isinagawang pagsisiyasat. Ito ang pagsisimula ng
kognitibong proseso.
MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA
►HABANG NAGBABASA
Nangyayari ang pinakamalaking bahagi ng kognisyon habang
nagbabasa. Sa bahaging ito, sabay-sabay na pinagagana ng isang
mambabasa ang iba’t ibang kasanayan upang lubusang maunawaan
ang teksto. Ang kaniyang mga naunang tanong at prediksyon bago
magbasa ay pinanghahawakan niya upang panatilihin ang pokus sa
aktibong pag-unawa sa binabasa. Sa bahaging ito, lumalawak at
umuunlad ang bokabularyo ng mambabasa
PAMAMARAAN UPANG MAGING EPEKTIBO ANG
PAGBABASA
► PAGTANTIYA SA BILIS NG PAGBASA
Binabago-bago ng mambabasa ang bilis o bagal ng pagbasa batay sa
hirap ng teksto at personal na kakayahan sa pagbasa.
► BISWALISASYON NG BINABASA
Gamit ang mga impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman,
bumubuo ang mambabasa ng mga imahen sa kaniyang isip habang
nagbabasa.
► PAGBUO NG KONEKSIYON
Pagpapayaman ng ugnayan sa pagitan ng teksto at imbak na kaalaman
upang matiyak ang komprehensiyon.
► PAGHIHINUHA
Pag-uugnay ng impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman
upang bumuo ng mga pahiwatig at kongklusyon sa kalalabasan ng
teksto.
PAMAMARAAN UPANG MAGING EPEKTIBO ANG
PAGBABASA
► PAGSUBAYBAY SA KOMPREHENSIYON
Pagtukoy sa mga posibleng kahirapan sa pagbasa ng teksto at paggawa ng mga hakbang
upang masolusyonan ito. Halimbawa, kung may isang salitang mahalaga at susi upang
maunawaan ang buong teksto, maaaring sumangguni sa diksyunaryo ang mambabasa.
► MULING PAGBASA
Muling pagbasa ng isang bahagi o kabuoan ng teksto kung kinakailangan kapag hindi ito
naunawaan.
► PAGKUHA NG KAHULUGAN MULA SA TEKSTO
Paggamit ng iba’t ibang estratehiya upang alamin ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita
batay sa iba pang impormasyon sa teksto
Mababaw ang komprehensiyon kung hindi
mananatili sa isip ng mambabasa ang
natutuhan nila. Sinisimulan ng isang aktibong
mambabasa ang paglilipat ng impormasyon sa
matagalang memorya sa pamamagitan ng
elaborasyon, organisasyon, at pagbuo ng mga
biswal na imahen.
●Ang elaborasyon ay ang pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong
idea Sa impormasyong natutuhan mula sa teksto.
●Ang organisasyon ay pagbuo ng koneksiyon sa pagitan ng iba’t ibang
bahagi ng impormasyong nakuha sa teksto.
●Ang pagbuo ng biswal na imahen ay paglikha ng mga imahen at
larawan sa isipan ng mambabasa habang nagbabasa.
MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA
►PAGKATAPOS MAGBASA
Upang maipagpatuloy ang malalim na pag-unawa at pag-alala
sa teksto kahit natapos na ang proseso ng pagbasa, mahalagang
isagawa ng isang mambabasa ang sumusunod:
●Pagtatasa ng komprehensiyon. Sagutin ang iba’t ibang tanong tungkol sa binasa
upang matasa ang kabuoang komprehensiyon o pag-unawa sa binasa.
● Pagbubuod. Sa pamamagitan ng pagbubuod, natutukoy ng manunulat ang
pangunahing idea at detalye sa binasa.
●Pagbuo ng sintesis. Halos kagaya rin ito ng pagbubuod, ngunit bukod sa
ng teksto, ang pagbuo ng sintesis ay kinapapalooban ng pagbibigay ng perspektiba at
pagtingin ng manunulat batay sa kaniyang pagunawa.
●Ebalwasyon. Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan at kaangkupan ng mga
impormasyong nabasa sa teksto. Sa bahaging ito, tinutukoy niya rin kung ano ang
halaga at ugnayan ng teksto sa layunin ng pagbasa.
PAGKILALA SA OPINYON AT KATOTOHANAN
Ang pagtukoy kung opinyon o katotohanan ang isang pahayag ay
mahalagang kasanayan ng isang mambabasa, lalo na’t napakarami nang iba’t ibang
impormasyon ang maaaring makuha sa Internet.
► KATOTOHANAN
Ito ay mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian
sa pamamagitan ng empirikal na karanasan, pananaliksik, o
pangkalahatang kaalaman o impormasyon.
► OPINYON
Ito naman ay mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya o
idea batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao. Maaaring
kakitaan ito ng mga panandang diskurso tulad ng “sa opinyon ko, para
sa akin, gusto ko o sa tingin ko”.
PAGTUKOY SA LAYUNIN, PANANAW, AT
DAMDAMIN NG TEKSTO
Mahalagang sa umpisa pa lang ng pagbasa ng teksto at habang napapalalim
ang pag-unawa rito ay matukoy ang layunin, pananaw, at damdamin ng teksto upang
maging epektibo ang pag-unawa rito.
► LAYUNIN
Ito ay tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa
teksto. Mahihinuha ito sa pamamagitan ng uri ng diskursong ginagamit
sa pagpapahayag. Halimbawa, naglalarawan ba ito o kaya ay
nagkukuwento lang ng isang tiyak na karanasan o sitwasyon? Maaari
ding nangangatuwiran ito o kaya naman ay hinihikayat ang
mambabasa na pumanig sa opinyon o paninindigan niya. Sa layunin,
tinutukoy rin ang suliranin o pangunahing tanong ng akda na nais
solusyonan ng may-akda.
PAGTUKOY SA LAYUNIN, PANANAW, AT
DAMDAMIN NG TEKSTO
► PANANAW
Ito naman ay ang pagtukoy kung ano ang preperensiya ng
manunulat sa teksto. Ibig sabihin, natutukoy rito kung ano ang
distansiya niya sa tiyak na paksang tinatalakay. Nasa unang panauhan
ba ito na maaaring magpakita na personal ang pespektiba niya sa
paglalahad, o kaya naman ay nasa ikatlong panauhan na nagbibigay ng
obhektibong pananaw at paglalahad sa paksa? Mula sa mahusay na
pagtukoy ng pananaw, nahihinuha rin ng mambabasa kung ano ang
kahihinatnan ng isang teksto.
PAGTUKOY SA LAYUNIN, PANANAW, AT
DAMDAMIN NG TEKSTO
► DAMDAMIN
Ito naman ay ang ipinahihiwatig na pakiramdam ng manunulat
sa teksto. Maaaring nagpapahayag ito ng kaligayahan, tuwa, galit,
tampo, o kaya naman ay matibay na paniniwala o paninindigan tungkol
sa isang pangyayari o paksa. Dahil sa damdamin na ipinahahayag ng
teksto, hindi naiiwasang ito rin ang nagiging pakiramdam ng
mambabasa sa pagbasa nito. Sa katapusan ng pagbasa, maaari ding
tasahin ng isang mambabasa kung nagtagumpay ba ang manunulat na
iparamdam ang layunin ng teksto.
PAGSULAT NG PARAPHRASE, ABSTRAK AT REBYU
► PARAPHRASE
– Ito ay tumutukoy sa muling pagpapahayag ng idea ng
mayakda sa ibang pamamaraan at pananalita upang padaliin at
palinawin ito para sa mambabasa. Mahalaga ang paraphrase sa
pananaliksik upang tukuyin ang pinagmulan ng isang idea o kaisipan at
ipahayag ito sa pamamaraan na makatutulong sa pananaliksik.
Narito ang isang halimbawa ng paraphrase:
Ayon kay Bienvenido Lumbera (2000, p.130), Pambansang
Alagad ng Sining sa Panitikan, mahalaga ang pagkakaroon ng isang
wikang pambansa na magiging daluyan ng mga aspirasyon at
pagpapahalaga ng mga karaniwang mamamayan. Ito ay dahil mas
katanggap-tanggap ang paggamit ng wikang Ingles sa iba’t ibang
sangay ng pamahalaan at paaralan, na wikang hindi nauunawaan ng
mamamayan.
Ang paraphrase na ito ay nagmula sa sumusunod na sipi: “Ang
usapin ng wikang pambansa ay usaping kinasasangkutan ng buhay ng
milyon-milyong Pilipino na hindi nakapagsasatinig ng kanilang adhikain
at pananaw sa kadahilanang ang nasa pamahalaan, paaralan at
ibaibang institusyong panlipunan ay sa Ingles nagpapanukala at
nagpapaliwanag” (Lumbera 2000, p. 130).
PAGSULAT NG PARAPHRASE, ABSTRAK AT REBYU
► ABSTRAK
Ito naman ay isang buod ng pananaliksik, tesis, o kaya ay tala
ng isang komperensiya o anomang pag-aaral sa isang tiyak na disiplina
o larangan. Ang abstrak ay nakatutulong upang mabilis na makita ng
isang mambabasa ang kabuoang latag na pananaliksik kabilang ang
mga layunin at kinalabasan nito sa ilang publikasyon, tinatawag din
itong precis o synopsis.
► REBYU
Ito n Ito naman ay isang uri ng pampanitikang kritisismong ang layunin ay suriin ang
isang aklat batay sa nilalaman, estilo, at anyo ng pagkakasulat nito. Naglalaman din ang
rebyu ng pagtataya o ebalwasyon ng akda batay sa personal na pananaw ng mambabasa
na nagbibigay ng rebyu. Ang mga nagsusulat ng rebyu sa mga pahayagan o online portal
ay gumagamit ng panunuri upang magpalaganap ng sariling kaalaman na sumusuporta o
kaya ay nagpapasubali sa nilalaman ng aklat. Maaaring ang rebyu ay naglalaman ng
maikling buod ng aklat upang magkaroon ng idea ang mga mambabasa.
MaRAMING
SALAMAT!

More Related Content

Similar to Aralin-3.2-MGA-KASANAYAN-SA-MAPANURING-PAGBABASA.pptx

Pagbasa at pagsulat tungo sa akademikong filipino
Pagbasa at pagsulat tungo sa akademikong filipinoPagbasa at pagsulat tungo sa akademikong filipino
Pagbasa at pagsulat tungo sa akademikong filipinoKate Sevilla
 
PPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKX
PPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKXPPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKX
PPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKXMyBrightestStarParkJ
 
Fil12_Pil Larang_Akad_HO_w2.docx
Fil12_Pil Larang_Akad_HO_w2.docxFil12_Pil Larang_Akad_HO_w2.docx
Fil12_Pil Larang_Akad_HO_w2.docxjasminaresgo1
 
1_Batayang_Kaalaman_sa_Mapanuring_Pagbasa.pptx
1_Batayang_Kaalaman_sa_Mapanuring_Pagbasa.pptx1_Batayang_Kaalaman_sa_Mapanuring_Pagbasa.pptx
1_Batayang_Kaalaman_sa_Mapanuring_Pagbasa.pptxssuser9b84571
 
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docxOnline Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docxMangalinoReyshe
 
Ang ibat ibang pamamaraan ng Pagpapahayag
Ang ibat ibang  pamamaraan ng PagpapahayagAng ibat ibang  pamamaraan ng Pagpapahayag
Ang ibat ibang pamamaraan ng PagpapahayagLeanneAguilarVillega
 
MAAM-YU-GROUP-7-1.pptx POWERPOINT PARA SA FILIPINO REPORTING
MAAM-YU-GROUP-7-1.pptx POWERPOINT PARA SA FILIPINO REPORTINGMAAM-YU-GROUP-7-1.pptx POWERPOINT PARA SA FILIPINO REPORTING
MAAM-YU-GROUP-7-1.pptx POWERPOINT PARA SA FILIPINO REPORTINGKentsLife1
 
Tektong impormatibo.pptx
Tektong impormatibo.pptxTektong impormatibo.pptx
Tektong impormatibo.pptxAnalynLampa1
 
Material, Vincent M. (Pagbasa-sanaysay)-converted.pdf
Material, Vincent M. (Pagbasa-sanaysay)-converted.pdfMaterial, Vincent M. (Pagbasa-sanaysay)-converted.pdf
Material, Vincent M. (Pagbasa-sanaysay)-converted.pdfVincent Material
 
Material, Vincent M. (Pagbasa-sanaysay)-converted (1).pdf
Material, Vincent M. (Pagbasa-sanaysay)-converted (1).pdfMaterial, Vincent M. (Pagbasa-sanaysay)-converted (1).pdf
Material, Vincent M. (Pagbasa-sanaysay)-converted (1).pdfVincent Material
 
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptx
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptxPagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptx
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptxferdinandsanbuenaven
 
Masining na Pagbasa
Masining na Pagbasa Masining na Pagbasa
Masining na Pagbasa emman kolang
 
1 batayang kaalaman_sa_mapanuring_pagbasa
1 batayang kaalaman_sa_mapanuring_pagbasa1 batayang kaalaman_sa_mapanuring_pagbasa
1 batayang kaalaman_sa_mapanuring_pagbasaChristian Ayala
 
FILIPINO-ARALIN 3 TEKSTONG IMPORMATIBO.pptx
FILIPINO-ARALIN 3 TEKSTONG IMPORMATIBO.pptxFILIPINO-ARALIN 3 TEKSTONG IMPORMATIBO.pptx
FILIPINO-ARALIN 3 TEKSTONG IMPORMATIBO.pptxBERNADETHAMEMENCE1
 

Similar to Aralin-3.2-MGA-KASANAYAN-SA-MAPANURING-PAGBABASA.pptx (20)

Pagbasa at pagsulat tungo sa akademikong filipino
Pagbasa at pagsulat tungo sa akademikong filipinoPagbasa at pagsulat tungo sa akademikong filipino
Pagbasa at pagsulat tungo sa akademikong filipino
 
PPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKX
PPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKXPPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKX
PPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKX
 
Fil12_Pil Larang_Akad_HO_w2.docx
Fil12_Pil Larang_Akad_HO_w2.docxFil12_Pil Larang_Akad_HO_w2.docx
Fil12_Pil Larang_Akad_HO_w2.docx
 
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASAMAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA
 
HO_Aralin1.docx
HO_Aralin1.docxHO_Aralin1.docx
HO_Aralin1.docx
 
1_Batayang_Kaalaman_sa_Mapanuring_Pagbasa.pptx
1_Batayang_Kaalaman_sa_Mapanuring_Pagbasa.pptx1_Batayang_Kaalaman_sa_Mapanuring_Pagbasa.pptx
1_Batayang_Kaalaman_sa_Mapanuring_Pagbasa.pptx
 
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docxOnline Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
 
ARALIN 3.pptx
ARALIN 3.pptxARALIN 3.pptx
ARALIN 3.pptx
 
Ang ibat ibang pamamaraan ng Pagpapahayag
Ang ibat ibang  pamamaraan ng PagpapahayagAng ibat ibang  pamamaraan ng Pagpapahayag
Ang ibat ibang pamamaraan ng Pagpapahayag
 
MAAM-YU-GROUP-7-1.pptx POWERPOINT PARA SA FILIPINO REPORTING
MAAM-YU-GROUP-7-1.pptx POWERPOINT PARA SA FILIPINO REPORTINGMAAM-YU-GROUP-7-1.pptx POWERPOINT PARA SA FILIPINO REPORTING
MAAM-YU-GROUP-7-1.pptx POWERPOINT PARA SA FILIPINO REPORTING
 
Tektong impormatibo.pptx
Tektong impormatibo.pptxTektong impormatibo.pptx
Tektong impormatibo.pptx
 
Material, Vincent M. (Pagbasa-sanaysay)-converted.pdf
Material, Vincent M. (Pagbasa-sanaysay)-converted.pdfMaterial, Vincent M. (Pagbasa-sanaysay)-converted.pdf
Material, Vincent M. (Pagbasa-sanaysay)-converted.pdf
 
Pagbasa
PagbasaPagbasa
Pagbasa
 
Material, Vincent M. (Pagbasa-sanaysay)-converted (1).pdf
Material, Vincent M. (Pagbasa-sanaysay)-converted (1).pdfMaterial, Vincent M. (Pagbasa-sanaysay)-converted (1).pdf
Material, Vincent M. (Pagbasa-sanaysay)-converted (1).pdf
 
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptx
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptxPagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptx
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo introduuction.pptx
 
Kahulugan at kahalagahan ng wika
Kahulugan at kahalagahan ng wikaKahulugan at kahalagahan ng wika
Kahulugan at kahalagahan ng wika
 
pagbasa.pptx
pagbasa.pptxpagbasa.pptx
pagbasa.pptx
 
Masining na Pagbasa
Masining na Pagbasa Masining na Pagbasa
Masining na Pagbasa
 
1 batayang kaalaman_sa_mapanuring_pagbasa
1 batayang kaalaman_sa_mapanuring_pagbasa1 batayang kaalaman_sa_mapanuring_pagbasa
1 batayang kaalaman_sa_mapanuring_pagbasa
 
FILIPINO-ARALIN 3 TEKSTONG IMPORMATIBO.pptx
FILIPINO-ARALIN 3 TEKSTONG IMPORMATIBO.pptxFILIPINO-ARALIN 3 TEKSTONG IMPORMATIBO.pptx
FILIPINO-ARALIN 3 TEKSTONG IMPORMATIBO.pptx
 

Recently uploaded

Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxZERos7
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasRonalynGatelaCajudo
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxNicaGobalizaEsquilon
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....ryannioda32
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxRosemarieGaring
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxCharmaineMacailan1
 
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentationAng sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentationRonalynGatelaCajudo
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxChristineJaneWaquizM
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxmaryjoyrobis2
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 

Recently uploaded (20)

Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
 
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentationAng sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 

Aralin-3.2-MGA-KASANAYAN-SA-MAPANURING-PAGBABASA.pptx

  • 1. Mga Kasanayan sa Mapanuring Pagbabasa Ikatlong Kwarter 3-Aralin 2
  • 2.
  • 3. MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA ►BAGO MAGBASA Sinisimulan ang pagbasa sa pagsisiyasat ng tekstong babasahin. Ang pagsusuri ng panlabas na katangian ng teksto ay mahalaga upang malaman ang tamang estratehiya sa pagbasa batay sa uri at genre ng teksto o kung kinakailangan ba ito ayon sa itinakdang layunin ng pagbasa. Kinapalolooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat, at pangalawang pamagat sa loob ng aklat. Sa bahaging ito, iniuugnay sa inisyal na pagsisiyasat ang mga imbak at kaligirang kaalaman upang lubusang masuri kung anong uri ng teksto ang babasanin. Nakabubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon kung tungkol saan ang isang teksto batay sa isinagawang pagsisiyasat. Ito ang pagsisimula ng kognitibong proseso.
  • 4. MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA ►HABANG NAGBABASA Nangyayari ang pinakamalaking bahagi ng kognisyon habang nagbabasa. Sa bahaging ito, sabay-sabay na pinagagana ng isang mambabasa ang iba’t ibang kasanayan upang lubusang maunawaan ang teksto. Ang kaniyang mga naunang tanong at prediksyon bago magbasa ay pinanghahawakan niya upang panatilihin ang pokus sa aktibong pag-unawa sa binabasa. Sa bahaging ito, lumalawak at umuunlad ang bokabularyo ng mambabasa
  • 5. PAMAMARAAN UPANG MAGING EPEKTIBO ANG PAGBABASA ► PAGTANTIYA SA BILIS NG PAGBASA Binabago-bago ng mambabasa ang bilis o bagal ng pagbasa batay sa hirap ng teksto at personal na kakayahan sa pagbasa. ► BISWALISASYON NG BINABASA Gamit ang mga impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman, bumubuo ang mambabasa ng mga imahen sa kaniyang isip habang nagbabasa. ► PAGBUO NG KONEKSIYON Pagpapayaman ng ugnayan sa pagitan ng teksto at imbak na kaalaman upang matiyak ang komprehensiyon. ► PAGHIHINUHA Pag-uugnay ng impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman upang bumuo ng mga pahiwatig at kongklusyon sa kalalabasan ng teksto.
  • 6. PAMAMARAAN UPANG MAGING EPEKTIBO ANG PAGBABASA ► PAGSUBAYBAY SA KOMPREHENSIYON Pagtukoy sa mga posibleng kahirapan sa pagbasa ng teksto at paggawa ng mga hakbang upang masolusyonan ito. Halimbawa, kung may isang salitang mahalaga at susi upang maunawaan ang buong teksto, maaaring sumangguni sa diksyunaryo ang mambabasa. ► MULING PAGBASA Muling pagbasa ng isang bahagi o kabuoan ng teksto kung kinakailangan kapag hindi ito naunawaan. ► PAGKUHA NG KAHULUGAN MULA SA TEKSTO Paggamit ng iba’t ibang estratehiya upang alamin ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita batay sa iba pang impormasyon sa teksto
  • 7. Mababaw ang komprehensiyon kung hindi mananatili sa isip ng mambabasa ang natutuhan nila. Sinisimulan ng isang aktibong mambabasa ang paglilipat ng impormasyon sa matagalang memorya sa pamamagitan ng elaborasyon, organisasyon, at pagbuo ng mga biswal na imahen. ●Ang elaborasyon ay ang pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong idea Sa impormasyong natutuhan mula sa teksto. ●Ang organisasyon ay pagbuo ng koneksiyon sa pagitan ng iba’t ibang bahagi ng impormasyong nakuha sa teksto. ●Ang pagbuo ng biswal na imahen ay paglikha ng mga imahen at larawan sa isipan ng mambabasa habang nagbabasa.
  • 8. MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA ►PAGKATAPOS MAGBASA Upang maipagpatuloy ang malalim na pag-unawa at pag-alala sa teksto kahit natapos na ang proseso ng pagbasa, mahalagang isagawa ng isang mambabasa ang sumusunod: ●Pagtatasa ng komprehensiyon. Sagutin ang iba’t ibang tanong tungkol sa binasa upang matasa ang kabuoang komprehensiyon o pag-unawa sa binasa. ● Pagbubuod. Sa pamamagitan ng pagbubuod, natutukoy ng manunulat ang pangunahing idea at detalye sa binasa. ●Pagbuo ng sintesis. Halos kagaya rin ito ng pagbubuod, ngunit bukod sa ng teksto, ang pagbuo ng sintesis ay kinapapalooban ng pagbibigay ng perspektiba at pagtingin ng manunulat batay sa kaniyang pagunawa. ●Ebalwasyon. Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan at kaangkupan ng mga impormasyong nabasa sa teksto. Sa bahaging ito, tinutukoy niya rin kung ano ang halaga at ugnayan ng teksto sa layunin ng pagbasa.
  • 9. PAGKILALA SA OPINYON AT KATOTOHANAN Ang pagtukoy kung opinyon o katotohanan ang isang pahayag ay mahalagang kasanayan ng isang mambabasa, lalo na’t napakarami nang iba’t ibang impormasyon ang maaaring makuha sa Internet. ► KATOTOHANAN Ito ay mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng empirikal na karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o impormasyon. ► OPINYON Ito naman ay mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya o idea batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao. Maaaring kakitaan ito ng mga panandang diskurso tulad ng “sa opinyon ko, para sa akin, gusto ko o sa tingin ko”.
  • 10. PAGTUKOY SA LAYUNIN, PANANAW, AT DAMDAMIN NG TEKSTO Mahalagang sa umpisa pa lang ng pagbasa ng teksto at habang napapalalim ang pag-unawa rito ay matukoy ang layunin, pananaw, at damdamin ng teksto upang maging epektibo ang pag-unawa rito. ► LAYUNIN Ito ay tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto. Mahihinuha ito sa pamamagitan ng uri ng diskursong ginagamit sa pagpapahayag. Halimbawa, naglalarawan ba ito o kaya ay nagkukuwento lang ng isang tiyak na karanasan o sitwasyon? Maaari ding nangangatuwiran ito o kaya naman ay hinihikayat ang mambabasa na pumanig sa opinyon o paninindigan niya. Sa layunin, tinutukoy rin ang suliranin o pangunahing tanong ng akda na nais solusyonan ng may-akda.
  • 11. PAGTUKOY SA LAYUNIN, PANANAW, AT DAMDAMIN NG TEKSTO ► PANANAW Ito naman ay ang pagtukoy kung ano ang preperensiya ng manunulat sa teksto. Ibig sabihin, natutukoy rito kung ano ang distansiya niya sa tiyak na paksang tinatalakay. Nasa unang panauhan ba ito na maaaring magpakita na personal ang pespektiba niya sa paglalahad, o kaya naman ay nasa ikatlong panauhan na nagbibigay ng obhektibong pananaw at paglalahad sa paksa? Mula sa mahusay na pagtukoy ng pananaw, nahihinuha rin ng mambabasa kung ano ang kahihinatnan ng isang teksto.
  • 12. PAGTUKOY SA LAYUNIN, PANANAW, AT DAMDAMIN NG TEKSTO ► DAMDAMIN Ito naman ay ang ipinahihiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto. Maaaring nagpapahayag ito ng kaligayahan, tuwa, galit, tampo, o kaya naman ay matibay na paniniwala o paninindigan tungkol sa isang pangyayari o paksa. Dahil sa damdamin na ipinahahayag ng teksto, hindi naiiwasang ito rin ang nagiging pakiramdam ng mambabasa sa pagbasa nito. Sa katapusan ng pagbasa, maaari ding tasahin ng isang mambabasa kung nagtagumpay ba ang manunulat na iparamdam ang layunin ng teksto.
  • 13. PAGSULAT NG PARAPHRASE, ABSTRAK AT REBYU ► PARAPHRASE – Ito ay tumutukoy sa muling pagpapahayag ng idea ng mayakda sa ibang pamamaraan at pananalita upang padaliin at palinawin ito para sa mambabasa. Mahalaga ang paraphrase sa pananaliksik upang tukuyin ang pinagmulan ng isang idea o kaisipan at ipahayag ito sa pamamaraan na makatutulong sa pananaliksik. Narito ang isang halimbawa ng paraphrase: Ayon kay Bienvenido Lumbera (2000, p.130), Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, mahalaga ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa na magiging daluyan ng mga aspirasyon at pagpapahalaga ng mga karaniwang mamamayan. Ito ay dahil mas katanggap-tanggap ang paggamit ng wikang Ingles sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan at paaralan, na wikang hindi nauunawaan ng mamamayan.
  • 14. Ang paraphrase na ito ay nagmula sa sumusunod na sipi: “Ang usapin ng wikang pambansa ay usaping kinasasangkutan ng buhay ng milyon-milyong Pilipino na hindi nakapagsasatinig ng kanilang adhikain at pananaw sa kadahilanang ang nasa pamahalaan, paaralan at ibaibang institusyong panlipunan ay sa Ingles nagpapanukala at nagpapaliwanag” (Lumbera 2000, p. 130).
  • 15. PAGSULAT NG PARAPHRASE, ABSTRAK AT REBYU ► ABSTRAK Ito naman ay isang buod ng pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng isang komperensiya o anomang pag-aaral sa isang tiyak na disiplina o larangan. Ang abstrak ay nakatutulong upang mabilis na makita ng isang mambabasa ang kabuoang latag na pananaliksik kabilang ang mga layunin at kinalabasan nito sa ilang publikasyon, tinatawag din itong precis o synopsis. ► REBYU Ito n Ito naman ay isang uri ng pampanitikang kritisismong ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa nilalaman, estilo, at anyo ng pagkakasulat nito. Naglalaman din ang rebyu ng pagtataya o ebalwasyon ng akda batay sa personal na pananaw ng mambabasa na nagbibigay ng rebyu. Ang mga nagsusulat ng rebyu sa mga pahayagan o online portal ay gumagamit ng panunuri upang magpalaganap ng sariling kaalaman na sumusuporta o kaya ay nagpapasubali sa nilalaman ng aklat. Maaaring ang rebyu ay naglalaman ng maikling buod ng aklat upang magkaroon ng idea ang mga mambabasa.