SlideShare a Scribd company logo
1 of 12
WASTONG GAMIT NG SALITA
WASTONG GAMIT NG SALITA (1)
NANG at NG
Ang wastong paggamit ng ng at nang ay ang isa sa mga hindi masyadong napagtutuunan ng pansin
ng marami sa atin, sa ating pagsusulat. Mababatid na naiiba ang kahulugan ng pangungusap kung
nabaliktad ang ating paggamit sa ngat nang, kaya mahalagang malaman ang wastong paggamit ng
mga ito.
Kung ang sumusunod na salita ay pandiwa (verb).
Talon nang talon ang mga bata.
Lipad nang lipad ang mga kalapati.
Kung ang sumusunod na salita ay pang-uri (adjective).
Ang lumakad nang matulin kung matinik ay malalim.
Sumuko nang mahinahon ang mga pugante.
Kung gagamitin sa unahan ng pangungusap.
Nang lumalim ang gabi ay nagsimulang mag-uwian ang mga bisita.
Nang umapaw ang tubig sa ilog ay nagsimulang lumikas ang mga residente.
Sa ibang mga hindi nabanggit sa itaas na pagkakataon ay automatic na ng ang dapat gamitin.
Mga Halimbawa:
Ang lupaing ito ay pag-aari ng mga Reyes.
Si Marko ang siga ng Maynila.
Inubos ng bata ang kanyang pera sa pagkain.
Si Lupe ay inakusahang nagnakaw ng paninda.
WASTONG GAMIT NG SALITA (2)
BITIWAN at BITAWAN - Ang wastong gamit ay bitiwan at hindi bitawan. Ang salitang-ugat ay bitiw at
hindi bitaw. Ang salitang "bitaw" ay ginagamit sa pagsasabong ng manok samantalang ang "bitiw" ay
sa pagkawala o pag-alis sa pagkakahawak.
Halimbawa:
Bitiwan mo ang mga braso ko kung hindi ay sisigaw ako.
Nabitiwan ni Aling Nena ang mga pinamalengke dahil sa takot.
Binitawan ni Mang Kanor anga kabayong nagwawala.
"Bitiwan mo muna yang mga hawak mong holen at tulungan mo ako sa pag-iigib", ang sigaw ni
Boyet sa kapatid.
Bitiwan mo na ang pag-asang babalikan ka pa ng iyong kasintahan.
Tandaan:
Ang "bitawan" ay nauukol sa pook na pinagdarausan ng paglalaban ng mga manok na walang tari.
Ito ay maaring sa kalsada o bakuran.
Ang "bitaw" ay idinaraos upang bigyan ng pagsasanay ang mga manok.
KAPAG at KUNG - Ipinakikilala ng kung ang di-katiyakan ng isang kalagayan;
- Ipinakikilala ng kapag ang isang kalagayang tiyak.
Halimbawa:
Umuuwi siya sa probinsiya kapag araw ng Sabado.
Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang pag-uwi niya sa probinsiya.
Mag-ingat ka naman kapag nagmamaneho ka.
Mag-ingat ka kung ikaw ang magmamaneho ng kotse.
KIBO at IMIK - Pagkilos ang tinutukoy ng kibo
- Pangungusap ang tinutukoy ng imik.
Halimbawa:
Wala siyang kakibu-kibo kung matulog.
Hindi siya nakaimik nang tanungin ko.
Tandaan:
Hindi lamang sa tao nagagamit ang kibo.
Halimbawa:
Kumikibo nang bahagya ang apoy ng kandila.
Huwag ninyong kibuin ang mga bulaklak na iniayos ko sa plorera.
DAHIL at DAHILAN - Pangatnig ang dahil
- Pangngalan ang dahilan
- Pang-ukol naman ang dahil sa o dahil kay.
Halimbawa:
Hindi siya nakapasok kahapon dahil sumakit ang ulo niya.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakasakit.
Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sakit ng ulo.
Tandaan:
Ginagamit kung minsan ang dahil bilang pangngalan sa panunula.
Iwasan ito sa karaniwang pangungusap o pagsulat.
Iwasan din ang paggamit ng dahil sa bilang pangatnig.
Mali:
Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sumakit ang ulo.
HABANG at SAMANTALANG
Habang - ang isang kalagayang walang tiyak na hangganan,o “mahaba”.
Samantalang - ang isang kalagayang may taning, o “pansamantala”.
Halimbawa:
Kailangang matutong umasa habang nabubuhay.
Nakikitira muna kami sa kanyang mga magulang samantalang wala pa akong
trabaho.
Gulung-gulo ang isip niya habang hindi pa siya sinsagot ng kanyang kasintahan.
Gulung-gulo ang isip niya samantalang hindi pa dumarating ang sulat ng kanyang
kasintahan.
Tandaan:
May iba pang gamit ang samantala. Ipinakikilala nito ang pagtatambis sa dalawang kalagayan.
Halimbawa:
Bakit ako ang pupunta sa kanya samantalang ikaw ang tinatawag kanina pa?
IBAYAD at IPAGBAYAD
Ibayad - pagbibigay ng bagay bilang kabayaran
Ipagbayad - pagbabayad para sa ibang tao
Halimbawa:
Tatlong dosenang itlog na lamang ang ibabayad ko sa iyo sa halip na pera.
Ipagbabayad muna kita sa sine.
Mali at katawa-tawa:
Ibayad mo ako sa sine
Ibinayad ko siya sa bus.
MAY at MAYROON - Iisa ang kahulugan ng mga salitang ito; naayon ang gamit sa uri ng salitang
sumusunod. Gamitin ang may kapag susundan ng pangngalan ( mapaisahan o maramihan ),
pandiwa, pang-uri o pang-abay.
Halimbawa:
May anay sa dingding na ito.
May kumakatok sa pinto.
May dalawang araw na siyang hindi umuuwi.
Tandaan:
Gamitin ang mayroon kapag susundan ng kataga, panghalip na panao o pamatlig o pang-abay na
panlunan.
Halimbawa:
Mayroon kaming binabalak sa sayawan.
Mayroon iyang malaking suliranin.
Mayroon kayang mangga sa palengke ngayon?
Tandaan:
Maaring gamitin ang mayroon nang nag-iiisa.
Halimbawa:
“May asawa ba siya?’ “Mayroon.”
Tandaan:
Nagagamit din ang mayroon bilang pangngalan.
Halimbawa:
Sa aming bayan, madaling makilala kung sino ang mayroon at kung sino ang wala.
PAHIRAN at PAHIRIN
Pahiran - paglalagay
Pahirin - pag-aalis
Halimbawa:
Pahirin mo ang sipon sa ilong ng iyong kapatid.
Aking papahirin ang luha sa iyong mga mata, giliw.
Huwag mo nang pahirin ang natirang langis sa makina.
Huwag mong kalimutang pahirin ang iyong muta sa umaga.
Halimbawa:
Pahiran mo ng mantikilya ang aking tinapay.
Aking papahiran ng pampakintab ang aking mesa.
Tayo nang pahiran ng floor wax ang sahig.
Pinahiran niya ng dumi ang aking kuwaderno.
Tandaan:
Pahirin ang ginagamit kung ang nais gawin ay alisin o tanggalin ang isang bagay mula sa isang
bagay.
Pahiran ang ginagamit kung ang ibig ipagkahulugan ay lagyan ng isang bagay ang isang bagay.
PINTO at PINTUAN
Pinto - ang inilalapat sa puwang upang hindi ito mapagdaanan at kung
ang tinutukoy ay ang kongkretong bagay.
Halimbawa:
Nangyari ang suntukan sa may pintuan.
Huwag mong iharang ang iyong kotse sa harap ng pintuan.
Sa malapit sa pintuan mo ilagay ang paso ng rosas.
Huwag ninyong gawing tambayan ang pintuan ko.
Si Maria ay hahara-hara sa pintuan kaya nabangga ni Simon.
Pintuan - ang ginagamit kung ang tinutukoy ay isang lugar. Ito ay ang lagusan o
pasukan o ang lugar kung saan nakalagay ang pinto kung meron man.
Halimbawa:
Pininturahan ni Ama ang bagong gawang pinto.
Gawa sa narra ang kanilang pinto.
Tayo nang pumasok sa bakal na pinto.
Masyadong mataas ang pintong kahoy para ating akyatan.
Huwag mong sipain ang pinto.
Tandaan:
Gayon din ang pagkakaiba ng hagdan sa hagdanan
Hagdan - ang inaakyatan at binababaan
Hagdanan - ang kinalalagyan ng hagdan
SUBUKAN at SUBUKIN
Subukan - pagtingin nang palihim
Subukin - pagtikim at pagkilatis
Halimbawa:
Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa nila tuwing umaalis ako sa bahay.
Subukin mo ang bagong labas na mantikilyang ito.
Subukin mo kung gaano kabilis siyang magmakinlya.
Tandaan:
Iisa ang anyo ng mga pandiwang ito sa pangkasalukuyan at pangnakaraan : sinusubok, sinubok.
Magkaiba ang anyo sa panghinaharap: susubukan, susubukin
TAGA- at TIGA
Walang unlaping tiga-
Taga- ang dapat gamtin. Gumagamit lamang ng gitling kapag sinusundan ito ng pangngalang
pantangi.
Halimbawa:
Taga-Negros ang napangasawa ni Norma.
Ako ang palaging tagahugas ng pinggan sa gabi.
Tandaan:
Naiiba ang unlaping tig- na ginagamit kasama ng mga pambilang: tig-isa, tigalawa tigatlo tig-apat,
atbp.
AGAWIN at AGAWAN
Agawin ang isang bagay sa isang tao/hayop.
Agawan ng isang bagay ang isang tao/hayop.
Halimbawa:
Ibig agawin ng bata ang laruan ni Jess.
Ibig agawan ng laruan ni Boy si Jess.
HINAGIS at INIHAGIS
Hinagis ng isang bagay
Hnihagis ang isang bagay
Halimbawa:
Hinagis niya ng bato ang ibon.
Inihagis niya ang bola sa kalaro.
ABUTAN at ABUTIN
Abutin ang ang isang bagay
Abutan ng isang bagay
Halimbawa:
Abutin mo ang bayabas sa puno.
Abutan mo ng pera ang Nanay.
BILHIN at BILHAN
Bilhin ang isang bagay
Bilhan ng isang bagay
Halimbawa:
Bilhin natin ang sapatos na iyon para sa iyo.
Bilhan natin ng sapatos ang ate.
WALISAN at WALISIN
Walisin ang isang bagay na maaring tangayin ng walis
Halimbawa:
1. Walisin mo ang mga tuyong dahon sa bakuran.
2. Aking wawalisin ang mga alikabok sa aking kuwarto.
3. Tayo nang walisin ang mga dumi sa sahig.
4. Nais kong walisin ang nagkalat na papel sa aklatan.
Walisan ang pook o lugar
Halimbawa:
1. Napakarumi ng iyong silid. Pwede bang walisan mo naman 'yan?
2. Aking wawalisan ang silid-aklatan dahil may bibisita bukas.
3. Walisan mo ang ating bakuran. Tambak ito ng mga tuyong dahon.
4. Nais kong walisan ang aklatan.
Tandaan:
Gamitin ang salitang walisin kung ang ibig tukuyin ay ang pag-aalis ng partikular na dumi o kalat.
Gamitin ang salitang walisan kung ang tinutukoy ay isang partikular na lugar na marumi.
SUKLAYIN at SUKLAYAN
Suklayin - ang buhok ng sarili o ng iba
Suklayan - ng buhok ang ibang tao
Halimbawa:
Suklayin mo ang buhok ko,Luz.
Suklayan mo ako ng buhok, Alana.
NAMATAY at NAPATAY
Napatay -may tiyak na tao o hayop na pumaslang ng kusa/sinasadya
Namatay -kung ang isang tao ay binawian ng buhay sanhi ng sakit, katandaan o
anumang dahilang hindi sinasadya;
-ginagamit din sa patalinghagang paraan doon sa mga bagay na walan
buhay.
Halimbawa:
Namatay ang kanyang lolo dahil sa sakit sa atay.
Napatay ang aking alagang aso.
MAGSAKAY at SUMAKAY
Magsakay - magkarga ( to load)
Sumakay - to ride
Halimbawa:
Nagsakay ng sampung kahon ng lansones sa bus si Jo.
Sumakay na tayo sa daraang bus.
OPERAHAN at OPERAHIN
Operahin - tiyak na bahagi ng katawan na titistisin
Operahan - tumutukoy sa tao
Halimbawa:
Ang tumor sa dibdib ng maysakit ay ooperahin mamaya.
Si Luis ay ooperahan sa Martes.
NANG at NG
Nang - pangatnig na panghugnayan
- tagapagpakilala ng pang-abay na pamaraan at pamanahon
- tagapag-ugnay ng salitang-ugat na inuulit at pandiwang inuulit
Ng - pantukoy ng pangngalang pambalana
- tagapagpakilala ng layon ng pandiwa at tagaganap ng pandiwa
- pang-ukol na kasingkahulugan ng “sa”
A. NANG
-Makikita sa unahan ng pangungusap
Halimbawa:
1. Nang dumating ang guro, tumahimik ang mga mag-aaral.
2. Nang maluto ang sinaing, agad na hinarap ni Maria ang pagpiprito ng isda.
Gamit sa pang-abay na pamaraan (adverb of manner).
Halimbawa:
1. Lumakad siya nang dahan-dahan.
2. Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim.
Gamit sa pagitan ng inuulit na pandiwa.
1. Sayaw nang sayaw ang mga bata sa ulanan.
2. Kanina pa siya ikot nang ikot.
B. NG
-Nagsasaad ng pagmamay-ari.
Halimbawa:
1. Napakagara ang bahay ng mga Dela Cruz.
2. Ang palad ng mayayaman ay tila napakanipis.
Tandaan:
Kung ang sumusunod na salita ay isang pandiwa (verb) at pang-uri (adjective), gamitin ang NANG.
NANG din ang gamit sa unahan ng pangungusap.
KATA at KITA
Kata - ikaw at ako
Kita - ikaw
Halimbawa:
Manood kata ng sine.
Iniibig kita.
KILA at KINA
Walang salitang kila.
Ang Kina ay maramihan ng kay.
Halimbawa:
Pakidala ang mga laruang ito kina Benny at Maris.
Makikipag-usap ako kina Vic at Nona.
Ang Raw, Rito, Rin, Roon at Rine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos
sa patinig (vowel - a, e i, o, u) o malapatinig (semi-vowel - w, y)
Halimbawa:
Pumunta ka rito.
Taga-Dabaw (Dabao)rin si Imelda.
Nag-aaway raw ang mga bata.
Maliligo rine ang mga dalaga.
Patungo roon ang mga kandidato.
Ang Daw, Dito, Din, Doon at dine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos
sa katinig (consonant).
Halimbawa:
Sa ilog daw maliligo ang mga binata.
Pupunta rin dito ang mga artista.
3. Yayaman din tayo balang araw.
Dito at Doon ang ginagamit sa simula ng isang pangungusap.
Halimbawa:
Dito ba tayo maghihintay?
Doon na tayo mananghalian sa bahay.
KUNG at KONG
Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali. Katumbas ito ng if sa Ingles
Ang kong ay panghalip na panao sa kaukulang paari
Halimbawa:
Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw.
Nabasa ang binili kong aklat.
KUNG DI at KUNDI
Ang kung di ay galing sa salitang “ kung hindi” o if not sa Ingles
Ang kundi naman ay except.
Halimbawa:
Aalis na sana kami kung di ka dumating.
Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket lamang.
HAGDAN at HAGDANAN
Ang hagdan ( stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan.
Ang hagdanan (stairways) ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan.
Halimbawa:
Nagmamadaling inakyat ni Marving ang mga hagdan.
Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.
IKIT at IKOT
Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas patungo sa loob.
Ang ikot naman ay mula sa loob patungo sa labas.
Halimbawa:
Nakatatlong ikit muna sila bago nila natunton ang daan patungo sa loob ng kuweba.
Nahirapan pala silang makalabas ng tunnel. Umikut-ikot muna sila sa loob nito bago nila nakita ang
daan palabas.
HATIIN at HATIAN
Hatiin ( to divide) o partihin
Hatian ( to share) o ibahagi.
Halimbawa:
Hatiin mo sa amin ang pakwan.
Hinatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos na bata.
NABASAG at BINASAG
Ang salitang nabasag ay nangangahulugan ng kilos na di sinasadya o di ginusto
Ang salitang binasag naman ay nagpapakita ng sariling pagkukusa.
Halimbawa:
Galit na galit na binasag ng lalaki ang mga salamin ng kotse.
Nagmamadali kasi siyang maghusga kaya nabasag niya ang mga plato.
BUMILI at MAGBILI
Bumili- to buy
Magbili- to sell o magbenta
Halimbawa:
Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga sariwang gulay.
Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang kasangkapan.
KUMUHA at MANGUHA
Kumuha- to get
Manguha – to gather, to collect
Halimbawa:
Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean.
Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.
PAGSUBOK
1. May, Mayroon) ng bagong edisyon sa PLUMA 2 na available sa bookstore natin.
1.May
2.Mayroon
2. Ipinagmamalaki (kung, kong) lubos na ako ay isang Josenian.
1.kung
2.kong
3. Natatandaan ko na (dito, rito) ko inilalagay ang aking ipod kanina.
1.dito
2.rito
4. Mahal (daw, raw) ang talent fee ni Kris Aquino bilang host sa tv.
1.daw
2.raw
5. Ika (labin, labim, labing) lima ako sa aking class ranking sa ikaapat na markahan.
1.labin
2.labim
3.labing
6. (May, Mayroon) bagong patakarakan bang ipapatupad ang USJR sa taong pasukang ito?
1.May
2.Mayroon
7. Sinabi (rin, din) ng mga Pacquiao fans na dinaya lang ang resulta sa laban nina Mosley.
1.rin
2.din
8. (Kung, Kong) puwede lang sana, unahin nyo muna pag-aaral bago maglaro ng facebook.
1.Kung
2.Kong
9. (Subukin, Subukan) mong pakialaman ang gamit ko, isusumbong kita kay Ma'am.
1.Subukin
2.Subukan
10. Mananalo na sana ako sa Titres (kong, kung) di lang talaga nagbrown-awt.
1.kong
2.kung
Wastong gamit ng salita

More Related Content

What's hot

Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaMerland Mabait
 
Morpoponemiko
MorpoponemikoMorpoponemiko
Morpoponemikorosemelyn
 
Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018
Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018
Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018MARIA KATRINA MACAPAZ
 
Morpolohiya at pagbabagong morpoponemiko
Morpolohiya at pagbabagong morpoponemikoMorpolohiya at pagbabagong morpoponemiko
Morpolohiya at pagbabagong morpoponemikocayyy
 
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipinoMga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipinoTEACHER JHAJHA
 
Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaNikko Mamalateo
 
Ang maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanAng maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanKedamien Riley
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanAdmin Jan
 
Baryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIkaBaryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIkaWENDELL TARAYA
 
Mga Istruktura ng Wikang Filipino
Mga Istruktura ng Wikang FilipinoMga Istruktura ng Wikang Filipino
Mga Istruktura ng Wikang Filipinoeijrem
 
Yunit 3 istruktura ng wika
Yunit 3  istruktura ng wikaYunit 3  istruktura ng wika
Yunit 3 istruktura ng wikaRita Mae Odrada
 
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, PagtawagPaghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, PagtawagCool Kid
 

What's hot (20)

MORPOLOHIYA
MORPOLOHIYAMORPOLOHIYA
MORPOLOHIYA
 
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng Kastila
 
Morpoponemiko
MorpoponemikoMorpoponemiko
Morpoponemiko
 
Wastong gamit ng salita
Wastong gamit ng salita Wastong gamit ng salita
Wastong gamit ng salita
 
Panitikan ng Pilipinas
Panitikan ng PilipinasPanitikan ng Pilipinas
Panitikan ng Pilipinas
 
Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018
Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018
Pagsilip sa pinakabagong ortograpiyang filipino kwf 2018
 
Sintaksis
SintaksisSintaksis
Sintaksis
 
Pangungusa payon sa kayarian
Pangungusa payon sa kayarianPangungusa payon sa kayarian
Pangungusa payon sa kayarian
 
Morpolohiya at pagbabagong morpoponemiko
Morpolohiya at pagbabagong morpoponemikoMorpolohiya at pagbabagong morpoponemiko
Morpolohiya at pagbabagong morpoponemiko
 
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipinoMga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
 
Panitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikanoPanitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikano
 
Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastila
 
Ang maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanAng maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikan
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 
Baryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIkaBaryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIka
 
Mga Istruktura ng Wikang Filipino
Mga Istruktura ng Wikang FilipinoMga Istruktura ng Wikang Filipino
Mga Istruktura ng Wikang Filipino
 
Ang Paglinang ng Kurikulum
Ang Paglinang ng KurikulumAng Paglinang ng Kurikulum
Ang Paglinang ng Kurikulum
 
Yunit 3 istruktura ng wika
Yunit 3  istruktura ng wikaYunit 3  istruktura ng wika
Yunit 3 istruktura ng wika
 
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, PagtawagPaghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
 
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang PangtanghalanUri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
 

Similar to Wastong gamit ng salita

ESTRUKTURA-BLEPT-LECTURE.pptx...........
ESTRUKTURA-BLEPT-LECTURE.pptx...........ESTRUKTURA-BLEPT-LECTURE.pptx...........
ESTRUKTURA-BLEPT-LECTURE.pptx...........CelineBill
 
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptxYUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptxBasconCalvinFrancis
 
Kakayahang Pangkomunikatibo, Linggwistiko o Gramatical at Wastyong Gamit ng m...
Kakayahang Pangkomunikatibo, Linggwistiko o Gramatical at Wastyong Gamit ng m...Kakayahang Pangkomunikatibo, Linggwistiko o Gramatical at Wastyong Gamit ng m...
Kakayahang Pangkomunikatibo, Linggwistiko o Gramatical at Wastyong Gamit ng m...CryztnAbella
 
Diane ver power point
Diane ver power pointDiane ver power point
Diane ver power pointleameorqueza
 
Diane ver power point
Diane ver power pointDiane ver power point
Diane ver power pointdianvher
 
KOMPAN11_Kakayahang Lingguwistiko
KOMPAN11_Kakayahang LingguwistikoKOMPAN11_Kakayahang Lingguwistiko
KOMPAN11_Kakayahang LingguwistikoTine Lachica
 
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng WikaEdukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng WikaVinaFiel
 
Iba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptx
Iba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptxIba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptx
Iba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptxsharmmeng
 
April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptx
April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptxApril Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptx
April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptxJubilinAlbania
 
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Uri ng Pangungusap Ayon sa KayarianUri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Uri ng Pangungusap Ayon sa KayarianSonarin Cruz
 
Science 3 - Animals in the Environment.pptx
Science 3 - Animals in the Environment.pptxScience 3 - Animals in the Environment.pptx
Science 3 - Animals in the Environment.pptxCELESTEMENDOZA20
 
Mga Uri ng Tayutay. Mga Uri ng Tayutay..
Mga Uri ng Tayutay. Mga Uri ng Tayutay..Mga Uri ng Tayutay. Mga Uri ng Tayutay..
Mga Uri ng Tayutay. Mga Uri ng Tayutay..LoriemelDulayBugaoan
 

Similar to Wastong gamit ng salita (20)

Wastong paggamit ng mga salita 2
Wastong paggamit ng mga salita 2Wastong paggamit ng mga salita 2
Wastong paggamit ng mga salita 2
 
ESTRUKTURA-BLEPT-LECTURE.pptx...........
ESTRUKTURA-BLEPT-LECTURE.pptx...........ESTRUKTURA-BLEPT-LECTURE.pptx...........
ESTRUKTURA-BLEPT-LECTURE.pptx...........
 
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptxYUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
YUNIT-2-GRAMATIKA-AT-RETORIKA.pptx
 
Kakayahang Pangkomunikatibo, Linggwistiko o Gramatical at Wastyong Gamit ng m...
Kakayahang Pangkomunikatibo, Linggwistiko o Gramatical at Wastyong Gamit ng m...Kakayahang Pangkomunikatibo, Linggwistiko o Gramatical at Wastyong Gamit ng m...
Kakayahang Pangkomunikatibo, Linggwistiko o Gramatical at Wastyong Gamit ng m...
 
Diane ver power point
Diane ver power pointDiane ver power point
Diane ver power point
 
Diane ver power point
Diane ver power pointDiane ver power point
Diane ver power point
 
KOMPAN11_Kakayahang Lingguwistiko
KOMPAN11_Kakayahang LingguwistikoKOMPAN11_Kakayahang Lingguwistiko
KOMPAN11_Kakayahang Lingguwistiko
 
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng WikaEdukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
Edukasyong Filipino-Wastong Gamit ng Wika
 
Iba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptx
Iba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptxIba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptx
Iba't Ibang Uri ng Tayutay at Idyoma.pptx
 
Tayutay ppt
Tayutay pptTayutay ppt
Tayutay ppt
 
Kasaysayan ng ALPABETO at WIKA
Kasaysayan ng ALPABETO at WIKAKasaysayan ng ALPABETO at WIKA
Kasaysayan ng ALPABETO at WIKA
 
April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptx
April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptxApril Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptx
April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptx
 
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Uri ng Pangungusap Ayon sa KayarianUri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
 
Filipino Week 5.pptx
Filipino Week 5.pptxFilipino Week 5.pptx
Filipino Week 5.pptx
 
Science 3 - Animals in the Environment.pptx
Science 3 - Animals in the Environment.pptxScience 3 - Animals in the Environment.pptx
Science 3 - Animals in the Environment.pptx
 
Mga Uri ng Tayutay. Mga Uri ng Tayutay..
Mga Uri ng Tayutay. Mga Uri ng Tayutay..Mga Uri ng Tayutay. Mga Uri ng Tayutay..
Mga Uri ng Tayutay. Mga Uri ng Tayutay..
 
Wastong gamit ng salita
Wastong gamit ng salitaWastong gamit ng salita
Wastong gamit ng salita
 
FIL10.M3-4. W3-4.pdf
FIL10.M3-4. W3-4.pdfFIL10.M3-4. W3-4.pdf
FIL10.M3-4. W3-4.pdf
 
PANDIWA
PANDIWAPANDIWA
PANDIWA
 
Pagbubuo ng pang uri
Pagbubuo ng pang  uriPagbubuo ng pang  uri
Pagbubuo ng pang uri
 

Recently uploaded

ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxZERos7
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasRonalynGatelaCajudo
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxDahlvinJaro
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxNicaGobalizaEsquilon
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONFarahDeGuzman
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilajohnrohannebasale
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxmaryjoyrobis2
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptxAP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptxResty Rioveros
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaChristineJaneWaquizM
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 

Recently uploaded (20)

ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptxAP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 

Wastong gamit ng salita

  • 1. WASTONG GAMIT NG SALITA WASTONG GAMIT NG SALITA (1) NANG at NG Ang wastong paggamit ng ng at nang ay ang isa sa mga hindi masyadong napagtutuunan ng pansin ng marami sa atin, sa ating pagsusulat. Mababatid na naiiba ang kahulugan ng pangungusap kung nabaliktad ang ating paggamit sa ngat nang, kaya mahalagang malaman ang wastong paggamit ng mga ito. Kung ang sumusunod na salita ay pandiwa (verb). Talon nang talon ang mga bata. Lipad nang lipad ang mga kalapati. Kung ang sumusunod na salita ay pang-uri (adjective). Ang lumakad nang matulin kung matinik ay malalim. Sumuko nang mahinahon ang mga pugante. Kung gagamitin sa unahan ng pangungusap. Nang lumalim ang gabi ay nagsimulang mag-uwian ang mga bisita. Nang umapaw ang tubig sa ilog ay nagsimulang lumikas ang mga residente. Sa ibang mga hindi nabanggit sa itaas na pagkakataon ay automatic na ng ang dapat gamitin. Mga Halimbawa: Ang lupaing ito ay pag-aari ng mga Reyes. Si Marko ang siga ng Maynila. Inubos ng bata ang kanyang pera sa pagkain. Si Lupe ay inakusahang nagnakaw ng paninda. WASTONG GAMIT NG SALITA (2) BITIWAN at BITAWAN - Ang wastong gamit ay bitiwan at hindi bitawan. Ang salitang-ugat ay bitiw at hindi bitaw. Ang salitang "bitaw" ay ginagamit sa pagsasabong ng manok samantalang ang "bitiw" ay sa pagkawala o pag-alis sa pagkakahawak. Halimbawa: Bitiwan mo ang mga braso ko kung hindi ay sisigaw ako. Nabitiwan ni Aling Nena ang mga pinamalengke dahil sa takot. Binitawan ni Mang Kanor anga kabayong nagwawala. "Bitiwan mo muna yang mga hawak mong holen at tulungan mo ako sa pag-iigib", ang sigaw ni Boyet sa kapatid. Bitiwan mo na ang pag-asang babalikan ka pa ng iyong kasintahan.
  • 2. Tandaan: Ang "bitawan" ay nauukol sa pook na pinagdarausan ng paglalaban ng mga manok na walang tari. Ito ay maaring sa kalsada o bakuran. Ang "bitaw" ay idinaraos upang bigyan ng pagsasanay ang mga manok. KAPAG at KUNG - Ipinakikilala ng kung ang di-katiyakan ng isang kalagayan; - Ipinakikilala ng kapag ang isang kalagayang tiyak. Halimbawa: Umuuwi siya sa probinsiya kapag araw ng Sabado. Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang pag-uwi niya sa probinsiya. Mag-ingat ka naman kapag nagmamaneho ka. Mag-ingat ka kung ikaw ang magmamaneho ng kotse. KIBO at IMIK - Pagkilos ang tinutukoy ng kibo - Pangungusap ang tinutukoy ng imik. Halimbawa: Wala siyang kakibu-kibo kung matulog. Hindi siya nakaimik nang tanungin ko. Tandaan: Hindi lamang sa tao nagagamit ang kibo. Halimbawa: Kumikibo nang bahagya ang apoy ng kandila. Huwag ninyong kibuin ang mga bulaklak na iniayos ko sa plorera. DAHIL at DAHILAN - Pangatnig ang dahil - Pangngalan ang dahilan - Pang-ukol naman ang dahil sa o dahil kay. Halimbawa: Hindi siya nakapasok kahapon dahil sumakit ang ulo niya. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakasakit. Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sakit ng ulo. Tandaan: Ginagamit kung minsan ang dahil bilang pangngalan sa panunula. Iwasan ito sa karaniwang pangungusap o pagsulat. Iwasan din ang paggamit ng dahil sa bilang pangatnig. Mali: Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sumakit ang ulo.
  • 3. HABANG at SAMANTALANG Habang - ang isang kalagayang walang tiyak na hangganan,o “mahaba”. Samantalang - ang isang kalagayang may taning, o “pansamantala”. Halimbawa: Kailangang matutong umasa habang nabubuhay. Nakikitira muna kami sa kanyang mga magulang samantalang wala pa akong trabaho. Gulung-gulo ang isip niya habang hindi pa siya sinsagot ng kanyang kasintahan. Gulung-gulo ang isip niya samantalang hindi pa dumarating ang sulat ng kanyang kasintahan. Tandaan: May iba pang gamit ang samantala. Ipinakikilala nito ang pagtatambis sa dalawang kalagayan. Halimbawa: Bakit ako ang pupunta sa kanya samantalang ikaw ang tinatawag kanina pa? IBAYAD at IPAGBAYAD Ibayad - pagbibigay ng bagay bilang kabayaran Ipagbayad - pagbabayad para sa ibang tao Halimbawa: Tatlong dosenang itlog na lamang ang ibabayad ko sa iyo sa halip na pera. Ipagbabayad muna kita sa sine. Mali at katawa-tawa: Ibayad mo ako sa sine Ibinayad ko siya sa bus. MAY at MAYROON - Iisa ang kahulugan ng mga salitang ito; naayon ang gamit sa uri ng salitang sumusunod. Gamitin ang may kapag susundan ng pangngalan ( mapaisahan o maramihan ), pandiwa, pang-uri o pang-abay. Halimbawa: May anay sa dingding na ito. May kumakatok sa pinto. May dalawang araw na siyang hindi umuuwi. Tandaan: Gamitin ang mayroon kapag susundan ng kataga, panghalip na panao o pamatlig o pang-abay na panlunan.
  • 4. Halimbawa: Mayroon kaming binabalak sa sayawan. Mayroon iyang malaking suliranin. Mayroon kayang mangga sa palengke ngayon? Tandaan: Maaring gamitin ang mayroon nang nag-iiisa. Halimbawa: “May asawa ba siya?’ “Mayroon.” Tandaan: Nagagamit din ang mayroon bilang pangngalan. Halimbawa: Sa aming bayan, madaling makilala kung sino ang mayroon at kung sino ang wala. PAHIRAN at PAHIRIN Pahiran - paglalagay Pahirin - pag-aalis Halimbawa: Pahirin mo ang sipon sa ilong ng iyong kapatid. Aking papahirin ang luha sa iyong mga mata, giliw. Huwag mo nang pahirin ang natirang langis sa makina. Huwag mong kalimutang pahirin ang iyong muta sa umaga. Halimbawa: Pahiran mo ng mantikilya ang aking tinapay. Aking papahiran ng pampakintab ang aking mesa. Tayo nang pahiran ng floor wax ang sahig. Pinahiran niya ng dumi ang aking kuwaderno. Tandaan: Pahirin ang ginagamit kung ang nais gawin ay alisin o tanggalin ang isang bagay mula sa isang bagay. Pahiran ang ginagamit kung ang ibig ipagkahulugan ay lagyan ng isang bagay ang isang bagay. PINTO at PINTUAN Pinto - ang inilalapat sa puwang upang hindi ito mapagdaanan at kung ang tinutukoy ay ang kongkretong bagay. Halimbawa:
  • 5. Nangyari ang suntukan sa may pintuan. Huwag mong iharang ang iyong kotse sa harap ng pintuan. Sa malapit sa pintuan mo ilagay ang paso ng rosas. Huwag ninyong gawing tambayan ang pintuan ko. Si Maria ay hahara-hara sa pintuan kaya nabangga ni Simon. Pintuan - ang ginagamit kung ang tinutukoy ay isang lugar. Ito ay ang lagusan o pasukan o ang lugar kung saan nakalagay ang pinto kung meron man. Halimbawa: Pininturahan ni Ama ang bagong gawang pinto. Gawa sa narra ang kanilang pinto. Tayo nang pumasok sa bakal na pinto. Masyadong mataas ang pintong kahoy para ating akyatan. Huwag mong sipain ang pinto. Tandaan: Gayon din ang pagkakaiba ng hagdan sa hagdanan Hagdan - ang inaakyatan at binababaan Hagdanan - ang kinalalagyan ng hagdan SUBUKAN at SUBUKIN Subukan - pagtingin nang palihim Subukin - pagtikim at pagkilatis Halimbawa: Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa nila tuwing umaalis ako sa bahay. Subukin mo ang bagong labas na mantikilyang ito. Subukin mo kung gaano kabilis siyang magmakinlya. Tandaan: Iisa ang anyo ng mga pandiwang ito sa pangkasalukuyan at pangnakaraan : sinusubok, sinubok. Magkaiba ang anyo sa panghinaharap: susubukan, susubukin TAGA- at TIGA Walang unlaping tiga- Taga- ang dapat gamtin. Gumagamit lamang ng gitling kapag sinusundan ito ng pangngalang pantangi. Halimbawa: Taga-Negros ang napangasawa ni Norma. Ako ang palaging tagahugas ng pinggan sa gabi. Tandaan:
  • 6. Naiiba ang unlaping tig- na ginagamit kasama ng mga pambilang: tig-isa, tigalawa tigatlo tig-apat, atbp. AGAWIN at AGAWAN Agawin ang isang bagay sa isang tao/hayop. Agawan ng isang bagay ang isang tao/hayop. Halimbawa: Ibig agawin ng bata ang laruan ni Jess. Ibig agawan ng laruan ni Boy si Jess. HINAGIS at INIHAGIS Hinagis ng isang bagay Hnihagis ang isang bagay Halimbawa: Hinagis niya ng bato ang ibon. Inihagis niya ang bola sa kalaro. ABUTAN at ABUTIN Abutin ang ang isang bagay Abutan ng isang bagay Halimbawa: Abutin mo ang bayabas sa puno. Abutan mo ng pera ang Nanay. BILHIN at BILHAN Bilhin ang isang bagay Bilhan ng isang bagay Halimbawa: Bilhin natin ang sapatos na iyon para sa iyo. Bilhan natin ng sapatos ang ate. WALISAN at WALISIN Walisin ang isang bagay na maaring tangayin ng walis Halimbawa: 1. Walisin mo ang mga tuyong dahon sa bakuran. 2. Aking wawalisin ang mga alikabok sa aking kuwarto. 3. Tayo nang walisin ang mga dumi sa sahig. 4. Nais kong walisin ang nagkalat na papel sa aklatan. Walisan ang pook o lugar
  • 7. Halimbawa: 1. Napakarumi ng iyong silid. Pwede bang walisan mo naman 'yan? 2. Aking wawalisan ang silid-aklatan dahil may bibisita bukas. 3. Walisan mo ang ating bakuran. Tambak ito ng mga tuyong dahon. 4. Nais kong walisan ang aklatan. Tandaan: Gamitin ang salitang walisin kung ang ibig tukuyin ay ang pag-aalis ng partikular na dumi o kalat. Gamitin ang salitang walisan kung ang tinutukoy ay isang partikular na lugar na marumi. SUKLAYIN at SUKLAYAN Suklayin - ang buhok ng sarili o ng iba Suklayan - ng buhok ang ibang tao Halimbawa: Suklayin mo ang buhok ko,Luz. Suklayan mo ako ng buhok, Alana. NAMATAY at NAPATAY Napatay -may tiyak na tao o hayop na pumaslang ng kusa/sinasadya Namatay -kung ang isang tao ay binawian ng buhay sanhi ng sakit, katandaan o anumang dahilang hindi sinasadya; -ginagamit din sa patalinghagang paraan doon sa mga bagay na walan buhay. Halimbawa: Namatay ang kanyang lolo dahil sa sakit sa atay. Napatay ang aking alagang aso. MAGSAKAY at SUMAKAY Magsakay - magkarga ( to load) Sumakay - to ride Halimbawa: Nagsakay ng sampung kahon ng lansones sa bus si Jo. Sumakay na tayo sa daraang bus. OPERAHAN at OPERAHIN Operahin - tiyak na bahagi ng katawan na titistisin Operahan - tumutukoy sa tao Halimbawa: Ang tumor sa dibdib ng maysakit ay ooperahin mamaya. Si Luis ay ooperahan sa Martes.
  • 8. NANG at NG Nang - pangatnig na panghugnayan - tagapagpakilala ng pang-abay na pamaraan at pamanahon - tagapag-ugnay ng salitang-ugat na inuulit at pandiwang inuulit Ng - pantukoy ng pangngalang pambalana - tagapagpakilala ng layon ng pandiwa at tagaganap ng pandiwa - pang-ukol na kasingkahulugan ng “sa” A. NANG -Makikita sa unahan ng pangungusap Halimbawa: 1. Nang dumating ang guro, tumahimik ang mga mag-aaral. 2. Nang maluto ang sinaing, agad na hinarap ni Maria ang pagpiprito ng isda. Gamit sa pang-abay na pamaraan (adverb of manner). Halimbawa: 1. Lumakad siya nang dahan-dahan. 2. Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim. Gamit sa pagitan ng inuulit na pandiwa. 1. Sayaw nang sayaw ang mga bata sa ulanan. 2. Kanina pa siya ikot nang ikot. B. NG -Nagsasaad ng pagmamay-ari. Halimbawa: 1. Napakagara ang bahay ng mga Dela Cruz. 2. Ang palad ng mayayaman ay tila napakanipis. Tandaan: Kung ang sumusunod na salita ay isang pandiwa (verb) at pang-uri (adjective), gamitin ang NANG. NANG din ang gamit sa unahan ng pangungusap. KATA at KITA Kata - ikaw at ako Kita - ikaw Halimbawa: Manood kata ng sine. Iniibig kita. KILA at KINA Walang salitang kila.
  • 9. Ang Kina ay maramihan ng kay. Halimbawa: Pakidala ang mga laruang ito kina Benny at Maris. Makikipag-usap ako kina Vic at Nona. Ang Raw, Rito, Rin, Roon at Rine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig (vowel - a, e i, o, u) o malapatinig (semi-vowel - w, y) Halimbawa: Pumunta ka rito. Taga-Dabaw (Dabao)rin si Imelda. Nag-aaway raw ang mga bata. Maliligo rine ang mga dalaga. Patungo roon ang mga kandidato. Ang Daw, Dito, Din, Doon at dine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig (consonant). Halimbawa: Sa ilog daw maliligo ang mga binata. Pupunta rin dito ang mga artista. 3. Yayaman din tayo balang araw. Dito at Doon ang ginagamit sa simula ng isang pangungusap. Halimbawa: Dito ba tayo maghihintay? Doon na tayo mananghalian sa bahay. KUNG at KONG Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali. Katumbas ito ng if sa Ingles Ang kong ay panghalip na panao sa kaukulang paari Halimbawa: Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw. Nabasa ang binili kong aklat. KUNG DI at KUNDI Ang kung di ay galing sa salitang “ kung hindi” o if not sa Ingles Ang kundi naman ay except. Halimbawa: Aalis na sana kami kung di ka dumating.
  • 10. Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket lamang. HAGDAN at HAGDANAN Ang hagdan ( stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan. Ang hagdanan (stairways) ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan. Halimbawa: Nagmamadaling inakyat ni Marving ang mga hagdan. Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana. IKIT at IKOT Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas patungo sa loob. Ang ikot naman ay mula sa loob patungo sa labas. Halimbawa: Nakatatlong ikit muna sila bago nila natunton ang daan patungo sa loob ng kuweba. Nahirapan pala silang makalabas ng tunnel. Umikut-ikot muna sila sa loob nito bago nila nakita ang daan palabas. HATIIN at HATIAN Hatiin ( to divide) o partihin Hatian ( to share) o ibahagi. Halimbawa: Hatiin mo sa amin ang pakwan. Hinatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos na bata. NABASAG at BINASAG Ang salitang nabasag ay nangangahulugan ng kilos na di sinasadya o di ginusto Ang salitang binasag naman ay nagpapakita ng sariling pagkukusa. Halimbawa: Galit na galit na binasag ng lalaki ang mga salamin ng kotse. Nagmamadali kasi siyang maghusga kaya nabasag niya ang mga plato. BUMILI at MAGBILI Bumili- to buy Magbili- to sell o magbenta Halimbawa: Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga sariwang gulay. Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang kasangkapan. KUMUHA at MANGUHA
  • 11. Kumuha- to get Manguha – to gather, to collect Halimbawa: Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean. Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan. PAGSUBOK 1. May, Mayroon) ng bagong edisyon sa PLUMA 2 na available sa bookstore natin. 1.May 2.Mayroon 2. Ipinagmamalaki (kung, kong) lubos na ako ay isang Josenian. 1.kung 2.kong 3. Natatandaan ko na (dito, rito) ko inilalagay ang aking ipod kanina. 1.dito 2.rito 4. Mahal (daw, raw) ang talent fee ni Kris Aquino bilang host sa tv. 1.daw 2.raw 5. Ika (labin, labim, labing) lima ako sa aking class ranking sa ikaapat na markahan. 1.labin 2.labim 3.labing 6. (May, Mayroon) bagong patakarakan bang ipapatupad ang USJR sa taong pasukang ito? 1.May 2.Mayroon 7. Sinabi (rin, din) ng mga Pacquiao fans na dinaya lang ang resulta sa laban nina Mosley. 1.rin 2.din 8. (Kung, Kong) puwede lang sana, unahin nyo muna pag-aaral bago maglaro ng facebook. 1.Kung 2.Kong 9. (Subukin, Subukan) mong pakialaman ang gamit ko, isusumbong kita kay Ma'am. 1.Subukin 2.Subukan 10. Mananalo na sana ako sa Titres (kong, kung) di lang talaga nagbrown-awt. 1.kong 2.kung