31. “nang”
-nagmula sa na at inaangkupan ng ng at
inilalagay sa pagitan ng pandiwa at panuring
nito
Halimbawa:
Nagpaalam nang magalang ang mag-
aaral sa guro.
32. “nang”
-ginagamit sa gitna ng dalawang salitang-ugat
na inuulit, neutral na inuulit, o pandiwang
inuulit
Halimbawa:
Basa nang basa si Daniel kahapon.
Magsikap ka nang magsikap sa pag-aaral.
33. “nang”
-nagbuhat sa na na naangkupan ng ng at
ginagamit bilang pang-abay na pamanahon
Halimbawa:
Marami nang (na + ng) tao sa bulwagan.
34. “nang”
- pang-ugnay sa pandiwa at pang-abay na
pamaraan
Halimbawa:
Binigkas ni Elena nang buong husay ang
kaniyang talumpati.
35. “nang”
- kasingkahulugan ng upang at panumbas sa
so that o in order sa Ingles
Halimbawa:
Makisama tayong mabuti sa ating
kapwa nang tayo ay lumigaya.
36. “ng”
-pantukoy na palayon na kasama ng
tuwirang layon ng pandiwa
Halimbawa:
Gumagawa siya ng takdang-aralin.
37. “ng”
-pananda ng tagaganap ng pandiwa
sa tinig balintiyak
Halimbawa:
Pinangaralan ng ina ang anak.
Itinanong ng kanyang pinsan kung saan sya
nag-aaral.
38. “ng”
- nagsasaad ng pagmamay-ari ng
isang bagay
Halimbawa:
Ang aklat ng bata ay tinakpan ng ina.
39. “ng”
- bilang pang-ukol na katumbas ng
with sa Ingles
Halimbawa:
Ako ay sinalubong nya ng ngiting magiliw.
41. “may”
- kapag sinusundan ng pangngalan
Halimbawa:
May kasama siyang kaibigan.
Si Donna ay may dalang balita.
42. “may”
- kapag sinusundan ng pandiwa
Halimbawa:
May gagawin ka ba mamaya?
Ang mga bata ay may inaasahang regalo.
43. “may”
- kapag sinusundan ng pang-uri
Halimbawa:
May bago ka palang kaibigan.
Si Didith ay may magandang kalooban.
44. “may”
- sinusundan ng panghalip panao sa
kaukulang paari
Halimbawa:
Bawat tao ay may kani-kaniyang problema.
Sila ay may kanila na at kami ay may amin.
45. “may”
- sinusundan ng pantukoy na mga at
pang-ukol na sa
Halimbawa:
May mga nilalang ng Diyos na nakalilimot
na tumawag sa Kaniya.
Tila sa may palos ang taong iyan.
46. “mayroon”
- ginagamit kapag may napasingit na
kataga sa salitang sinusundan nito
Halimbawa:
Mayroon bang problema sa pag-aaral mo?
Mayroon daw humahanap sa amin.
48. “mayroon”
- ginagamit kung nangangahulugan ng
pagka-maykaya sa buhay
Halimbawa:
Sila ay mayroon sa kanilang bayan.
Isa siya sa mayroon sa kanilang lalawigan.
50. “din” at “daw”
- ginagamit kung ang sinusundang
salita ay nagtatapos sa katinig
Halimbawa:
Tatlong buwan daw tinapos ni Isiong ang
kubong iyan.
Susunod din sina Ela at Joy sa salusalo mamaya.
51. “rin” at “raw”
- ginagamit kung ang sinusundang salita
ay nagtatapos sa patinig at malapatinig
na w at y
Halimbawa:
Bibili raw si Nanay ng lechon para sa
kaarawan ni Bunso.
Kasama rin kami sa pagtatanghal sa
paaralan bukas.
53. “pahirin”
- kilos na nangangahulugan ng pag-alis o
pagpawi sa isang bagay
Halimbawa:
Pahirin mo ang pawis ng bata.
Pinahid ni Luis ang dugong umaagos sa
putok niyang labi.
56. “kung”
- pangatnig na panubali at karaniwang
ginagamit sa hugnayang pangungusap
Halimbawa:
Malulutas ang suliranin ng bayan kung
makikiisa ang mga mamamayan.
57. “kong”
- nanggaling sa panghalip panaong ko at
inaangkupan ng ng
Halimbawa:
Nais kong tulungan ka ngunit tulungan mo
muna ang iyong sarili.
59. “subukin”
- nangangahulugang tingnan ang kalagayan
o ayos, o kaya ay suriin at siyasatin ang
kalagayan ng tao o anyo at ayos ng bagay
- katumbas ng try sa Ingles
Halimbawa:
Subukin natin ang lasa ng bagong
mantikilyang ito.
60. “subukan”
- tingnan kung ano ang ginagawa ng isang
tao o kaya ay magmanman o maniktik
- katumbas ng spy sa Ingles
Halimbawa:
Subukan mo kung saan niya itatago ang
kaniyang dala-dalahan.
62. “kita”
- ginagamit kapag ang isa o dalawang nag-uusap
ay siyang gaganap ng gawain para sa kausap
Halimbawa:
Ibibili kita ng baong damit.
Kausapin nga kita.
63. “kata”
- ginagamit kung ang dalawang nag-uusap
ay magkasamang gagawa ng isang bagay
Halimbawa:
Kata ay magsimba muna bago umalis.
65. “sila” at “nila”
- mga panghalip panao at hindi sinusundan
ng pangngalan
Halimbawa:
Sila ay pupunta sa Laguna para
magbakasyon.
Binili nila ang bestida para kay Lola Adela.
66. “sina” at “nina”
- mga pantukoy na maramihan na
sinusundan ng pangngalan
Halimbawa:
Sina Jacob at Esau ang mangunguna sa
pagdarasal.
Pinitas nina Jean at Gabby ang mga bulaklak sa
hardin ni Tiya Isabel.
73. Piliin ang angkop na salita upang
mabuo ang pangungusap.
1. Binaril si Rizal (ng, nang) patalikod.
2. (May, Mayroon) magandang sasakyan ang
aking kuya.
3. Taga-Sitio (rin, din) si Corazon.
4. Lalayas (raw, daw) siya.
5. Sa ilog (raw, daw) maliligo ang mga binata.
74. 6. Huwag mo nang (pahirin, pahiran) ang
natirang langis sa makina.
7. Ang artikulong ito ay isinulat (ng, nang)
panganay na anak ni Erika.
8. May kumakatok. Buksan mo nga ang
(pinto, pintuan).
9. (Pahiran, Pahirin) mo ng palaman ang
tinapay.
75. 10. (Subukan, Subukin) mo nga kung ano
ang ginagawa ng mga bata sa likod-bahay.
11. (Susubukin, Susubukan) ko muna kung
maayos itong kompyuter bago ko bilhin.
12. Tapos na ang palabas (ng, nang)
pumasok ng tanghalan si Ben.
13. Nanguna sa paglilinis ng baranggay
(sina, sila) G. at Gng. dela Cruz.
76. 14. Hindi ikinatuwa ng guro ang pag-
aaway (nina, nila) Anton at Luis.
15. Nakipagkasundo na si Lukas (kina, kila)
Juan at Pedro.
16. Ikinuwento sa akin (nina, nila) Ray at
Jaime ang napanood nilang pelikula.
17. Tangkilikin (ng, nang) lubusan ang
wikang Filipino.
77. 18. Huwag mong kalimutang (pahirin,
pahiran) ang iyong muta sa umaga.
19. Maaaring idaan sa (pinto, pintuan) ang
bagong biling sopa.
20. Huwag kang takbo (ng, nang) takbo.
80. Matapos magsitangis ay agad na
nagbalot ng mga gamit ang mga
napaalis na iskwater.
Wasto: Matapos magsitangis ay
agad na nagbalot ng mga gamit ang
mga napaalis na iskwater.
81. Upang masagip niya iyon, lumusong
siya sa baha para masagip ang kotse.
Wasto: Upang masagip niya
ang kotse, lumusong siya sa
baha.
82. 1. Kaisahan
May kaisahan ang pangungusap kung tumutulong
ang bawat bahagi sa pagpapahayag ng isang
pangunahing diwa.
Halimbawa:
Nagmamadaling bumangon si Nelia, naligo,
nag-ayos ng katawan, kumain ng almusal, at
pumasok sa paaralan.
83. Ang pag-eehersisyo at masusutansiyang
pagkain ay mahalaga sa pagpapabuti ng
ating kalusugan.
Wasto: Ang pag-eehersisyo at pagkain
ng masusutansiyang pagkain ay
mahalaga sa pagpapabuti ng ating
kalusugan.
84. Nagsialis at nagsisiuwi na ang mga
panauhin ko kanina.
Wasto: Nagsialis at nagsiuwi
na ang mga panauhin ko
kanina.
85. Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi
natin ito ginamit at nahilig tayo sa
kalayawan.
Wasto: Hindi uunlad ang
ating wika kapag hindi natin
ito ginamit.
86.
87. Mahirap ang buhay ngayon talaga.
Wasto: Mahirap talaga ang
buhay ngayon.
88. 2. Paglalapit ng panuring sa salitang
tinuturingan
Hindi dapat paghiwalayin ang mga salitang
magkakaugnay.
Mali: Mamaya si Marina pupunta sa paaralan.
Wasto: Pupunta mamaya si Marina sa paaralan.
Wasto: Mamaya pupunta si Marina sa paaralan.
89. Ginamit ni Ana ang perlas sa klase na
bigay ng lola niya.
Wasto: Ginamit ni Ana sa klase
ang perlas na bigay ng lola niya.
90.
91. Si Jose ay nagsulat para kay Ana ng
liham.
Wasto: Nagsulat si Jose ng
liham para kay Ana.
92. 3. Paggamit ng wastong tinig ng
pandiwa
Kalimitang ginagamit ang pandiwang nasa
tinig balintiyak, sa halip na nasa tukuyan.
Mali: Ang mag-aaral ay binasa ang Noli Me
Tangere.
Wasto: Binasa ng mag-aaral ang Noli Me
Tangere.
93. Ang problema ay sinusubukang lutasin
ng presidente.
Wasto: Sinusubukang
lutasin ng presidente ang
problema.
94.
95. Pumasok ka raw nang maaga sabi ng
guro mo.
Wasto: Ang sabi ng iyong
guro ay pumasok ka raw
nang maaga.
96. 4. Pagbibigay-diin
Kinakailangan ang wastong pag-aayos ng
mga salita sa pagbibigay-diin.
May kahinaan: Mag-aral ka raw na mabuti,
ang sabi ng nanay mo.
Maayos: Ang sabi ng nanay mo ay mag-aral
ka raw ng mabuti.
97. Pupunta ako sa Maynila, ang sabi ko.
Wasto: Ang sabi ko ay pupunta ako
sa Maynila.
Wasto: Ang sabi ko, “Pupunta ako
sa Maynila.”
98. 5. Palagitlingan
- ginagamit kapag ang salita ay inuulit
Halimbawa:
gabi-gabi matamis-tamis
dala-dalawa malayong-malayo
99. 5. Palagitlingan
- ginagamit kapag ang unlapi ay nagtatapos sa
katinig at ang salitang ugat na nilalapian ay
nagsisimula sa patinig
Halimbawa:
mag-alsa
may-ari
pang-aral
100. 5. Palagitlingan
- ginagamit kapag may katagang nawawala sa
pagitan ng dalawang salitang pinagsasama
Halimbawa:
bahay-kubo (bahay na kubo)
bulaklak-parang (bulaklak na parang)
101. 5. Palagitlingan
- ginagamit kapag ang isang panlapi ay inilalapi
sa unahan ng isang ngalang pantangi
Halimbawa:
maka-Quezon
pang-Mahal na Araw
taga-Nueve Ecija
102. 5. Palagitlingan
- ginagamit kapag ang panlaping ika- ay
ginagawang unlapi sa mga tambilang
Halimbawa:
ika-10
mag-iika-7
104. 5. Palagitlingan
- ginagamit kapag nananatili ang kahulugan ng
dalawang salitang pinagtatambal
Halimbawa:
tawang-aso
barong-Intsik
dalagang-bukid
105. 6. Gamit ng Kudlit
- ginagamit kung may nawawalang letra o mga
letra sa dalawang salitang pinag-uugnay
Halimbawa:
ako at ikaw - ako't ikaw
mayaman at mahirap -mayama't mahirap
bayan at lungsod - baya't lungsod
iba at iba - iba't iba
106. Tandaan
Mga hindi na dapat kudlitan:
subalit - subali at
datapwat - datapwa at
ngunit - nguni at
sapagkat - sapagka at
Editor's Notes
noong (when)
Dumating ang panauhin nang si Lydia ay dumudula.
Nagsalita nang maayos si bunso.
namuhay nang matiwasay an pamilya Reyes.
Si Angeli ay aral nang aral.
nang - na ang
Ayoko nang maghintay.
Mahirap nang umasa.
Umawit si Lyra nang mahusay.
Nagsayaw si Arleen nang magiliw.
Tumakbo si Maria nang nakapikit.
Hugasan mong mabuti nang mawala ang sebo sa plato.
Kailangan mong magsikap nang guminhawa ang iyong buhay.