11. Sawikain
Isang maikling pahayag na may
nakatagong kahulugan.
ang kahulugan ay hindi komposisyunal,
hindi literal o hindi tumpak na kahulugan
Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan
at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng
isang lugar.
12. Halimbawa
Buto’t balat - payat
Pusong bato – matigas
Haligi ng tahanan - ama
Nagsunog ng kilay – masipag mag-aral
Usad pagong - mabagal
13. Ating basahin ang dayalogo ng
isang Lola at kanyang mga apo.
Ilista ang mga sawikaing ginamit sa
inyong kwaderno.
14. Lola: Mga apo ko, anong ginagawa
ninyo?
Lina: Ah, nag-aaral po Lola. Bakit po?
Lola: Maganda iyang ginagawa mo
apo ko. Magsunog ka lang ng
kilay gabi-gabi ha para naman
makamit mo ‘yong mga
pangarap mo sa buhay.
Lina: Opo Lola kaya pagbubutihin ko
pa talaga ang pag-aaral ko.
15. Lola: Mabuti naman. Ikaw Lito anonag
ginagawa mo diyan? Para kang
may uod sa katawan.
Lito: Anong uod lola? Wala po akong
ganyan, naglalaro lang po ako dito.
Nasisisyahan talaga ako rito.
Lola: Hahaha! Ang ibig kong sabihin ay
malikot ka. Bakit hindi ka ba nag-
aaral? Gusto mo bang magbilang ka
lang ng poste paglake mo?
16. Lito: Hindi po Lola, gusto ko pong
may trabaho. Pansamantala
lamang po akong naglilibang sa
aking sarili.
Lola: Ah, ganun ba. O. mga apo
ko, tandaan ninyo na kapag
lumaki na kayo at may mga
trabaho na kayo, huwag lalaki
ang ulo ha. Masama iyon.
17. Lina: Talaga Lola! Hindi ko yun gagawin. Baka
ito si Lito! Kung minsan eh nagbubuhat
siya ng sariling bangko kaya ayan tuloy
pinariringgang haling ang bituka niya.
Lito: Uy, Ate! Balitang kustero yata ang
nakalap mong impormasyon ah. Saan mo
ba iyan narinig? Isa kang mapaglubid ng
buhangin ate. Hindi ko iyan ginawa.
Lola: O teka, teka! Huwag na kayong mag-
away para kayong mga aso’t pusa.
Magsitigil na nga kayo. Totoo man iyan o
hindi Lito, sana huwag maging ganyan
Kailanman.
18. Lito: Opo lola.
Lina: Hala, bahag naman ang buntot mo!
Lito: Lola oh! Kung makapagsalita si Ate, ang
talim ng dila.
Lola: Tama na iyan Lina. Huwag oarating
manukso sa kapatid. Ilugar mo ‘yan.
Lina: Opo lola.
Lola: O sige na, ipagpatuloy niyo na ‘yang pag-
aaral niyo. Ako’y matutulog na dahil alog na
ang baba ko.
Lina & Lito: Goodnight po Lola!
19. Mga Sawikain na makikita sa dayalogo:
Magsunog ng kilay
May uod sa katawan
Magbilang ng poste
Lalaki ang ulo
Nagbubuhat ng sariling bangko
Masipag mag-aral
malikot
Walang trabaho
mayabang
nagyabang
20. Halang ang bituka
Balitang kutsero
Mapaglubid ng buhangin
Parang aso’t pusa
Bahag ang buntot
Matalim ang dila
Alog na ang baba
salbahe
Hindi totoong balita
magkalaban
duwag
Masakit magsalita
Matanda na
sinungaling
38. Panuto: Bigyang kahulugan ang mga sawikaing ginamit mula
sa dayalogo. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
_______1. Para kang may uod sa katawan.
_______2. Gusto mo bang magbilang ka ng poste paglaki mo?
_______3. Huwag kayong mag-away para kayong aso’t pusa.
_______4. Isa kang mapaglubid ng buhangin ate!
_______5. Kung makapagsalita si Ate, ang talim ng dila.
Walang trabaho malikot masakit magsalita
sinungaling